INTRODUKSYON
“Ang Aklat ng Katotohanan – maghanda para sa Ikalawang Pagdating”
Alas-tres nang madaling araw noong Nobyembre 9, 2010 nang bigla na lamang nagising si Maria. Pagtinging-pagtingin niya sa oras, na namumula sa digital clock na nasa tabi ng kanyang kama, may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan. Parang wala siyang bigat at may mainit na pakiramdam sa kanyang sikmura na parang bumabagtas patungo sa kanyang mga paa, at ramdam ito sa bawat madaanang himaymay at kalamnan.
Pagbukas niya ng ilaw sa tabi ng kama, sunud-sunod at matitinding emosyong pisikal at espiritwal ang parang kuryenteng umagos sa buo niyang katawan. Umupo siyang litung-lito at takang-taka. Agad siyang napatingin sa isang larawan ni Jesus sa kabinet na nasa tabi ng kanyang kama.
Biglang nagbago ang mukha sa larawan. Naging parang buhay ito. Laking gulat niya nang ang larawan ni Jesus ay ngumiti sa kanya at nagsimulang gumalaw ang Kanyang mga labi na parang Siya’y nagsasalita. Buhay na buhay ang Kanyang mukha na may iba’t ibang expresyon ng pagmamahal, pag-aalala at pagmamalasakit. Hindi niya naririnig ang Kanyang boses, pero pakiramdam niya’y gusto Niya siyang kausapin.
Naramdaman niya kaagad ang presensiya ng Diyos. Parang isang kabalintunaan na may naramdaman siyang kapayapaan gayong parang di-kapani-paniwala ang nangyayari. Nanginginig at umaagos ang luha, naging para siyang maliit na bata sa harap Niya. At nagkaroon siya ng napakatinding pagnanais na isulat ang alam niya’y sinasabi ni Jesus sa kanya.
Namalayan niyang isang pinto ang nabuksan, isang ilaw ang nasindihan, at wala nang balikan pa.
Pagkuha niya ng isang lumang envelop at isang pen sa tabi ng kama, nagsimula nang mabuo ang mga salita sa kanyang isipan. Isinulat niya ang kanyang narinig kung paano ito idinikta sa kanya sa paraang maamo pero makapangyarihan. Bawat salita ay nabuo nang malinaw, tama at walang tigil paglapat na paglapat ng pen sa papel.
Ang unang mga salitang kanyang isinulat ay “Ang Loob Mo ay kautusan para sa akin.” Hindi niya nauunawaan kung bakit niya ito isinulat, pero alam niya sa kanyang puso na ito’y isang pagtugong likas at bukal sa kalooban. Sa anu’t anuman, alam niyang ito muna ang dapat niyang isulat. At pagkatapos ay dumating ang unang mensaheng ibinigay sa kanya ni Jesucristo.
Ang mensaheng idinikta sa kanya ay naglalaman ng 745 salita at eksaktong 7 minuto ang ginugol niya para isulat ang mensahe – ang bawat salita mula simula hanggang katapusan.
Kinaumagahan, pagkasikat ng araw, nagtatalo ang kanyang damdamin. Sa isang dako, di-kapani-paniwala ang nangyari. Sa kabilang dako, alam niyang ang nangyari kagabi ay talagang totoo. Kaya binasa niya ang mensahe. Nanginig siya sa pagkabigla at pagkamangha, at umagos ang kanyang luha habang unti-unti na niyang nakikita ang katotohanan.
Matalino si Maria na isang ina na apat ang anak. Marami siyang pinagkakaabalahan at marami ring natupad na pangarap. Sanay siyang humarap sa mga pang-araw-araw na hamon ng pagnenegosyo kaya siya dapat ang unang-unang bumale-wala sa mga ganitong pangyayari. Pero alam niya sa kanyang puso na hindi katha ng kanyang isip ang mga mensahe at, bukod dito, walang-wala siyang kakayahang gumawa ng script na kagaya nito.
Kakaba-kabang kinuha niya muli ang larawan ni Jesus at tiningnan ito. Naghintay. Hinahamon ang larawan na muling gumalaw. At gumalaw nga ito. Sa pagkakataong ito, umiiyak siyang nagmakaawa kay Jesus na bigyan siya ng tanda kung ang lahat ng ito nga ay imahinasyon lamang niya.
Alas onse nang umaga noon. Tulad ng dati, nagbago ang larawan at muling nagkabuhay ang mukha ni Jesus. Nakadamit siya ng puti at may gintong palamuti sa kanyang leeg. Ang Kanyang mukha ay payat at mahaba. Ang buhok Niya’s mamula-mula, medyo kulot at hanggang balikat. Tumatagos ang Kanyang asul na mga mata na napapaligiran ng nakakasilaw at nanunuot na liwanag.
Ang liwanag na ito, ayon kay Maria, ay napakalakas at hinihigop ang iyong lakas. Maamo Niya siyang pinagmasdan, nang may pag-alala, malasakit at malalim at walang-maliw na pagmamahal. At ngumiti Siya.
Ang katawan niya’y muling nakaramdam ng parehong mainit at napakagaang pakiramdam gaya noong una. Isinulat niya ang kasunod na mensahe na para sa kanya lamang. Lubhang mas maikli kaysa nung nagdaang gabi. Sa pagkakataong ito, sinabi ni Jesus sa kanya na huwag matakot. At oo nga, nakikipag-usap Siya sa kanya. Pinakiusapan Niya siyang huwag umalis at maging matatag. Tiniyak Niyang hindi imahinasyon lamang niya ito.
Sa gayo’y nagsimula na ang mga mensahe bagamat sa simula, walang kaide-idea si Maria kung tungkol saan o ano ang kahulugan ng mga ito. Takot na takot siya sa reaksyon ng publiko sa gayong mga mensahe at nakahinga siya nang maluwag nang sabihan siya ni Jesus na gusto Niyang manatili siyang di-nakikilala sa maraming dahilan.
Unti-unti, nagising siya sa katotohanang totoo nga ang mga mensahe, bagamat mas gusto sana niyang hindi. Kaya ipinalagay niyang siya’y isa pang bisyonaryo, isa pang propeta.
Hindi pala. Sinabi na rin ni Jesus kung sino siya talaga. Sinabi Niya sa kanya na siya ang propeta ng pangwakas na mga panahon (isang taguring hindi pa niya narinig kailanman) at hindi siya pinili. Isinugo siya bilang pam-pitong Sugo para ipahayag, alang-alang kay Jesus, ang mga tatak na nilalaman sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag para ihanda ang mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagdating.
Simula noon, halos araw-araw siyang nakakatanggap ng mensahe mula kay Jesucristo. Ilan sa mga mensahe ay ibinibigay sa kanya ng Birheng Maria, ang Ina ng Diyos na nagbigay kay Maria ng isang bagong titulo kung paano nais niyang siya’y makilala, ang Ina ng Kaligtasan.
Ang unang mensaheng tinanggap niya mula sa Diyos Ama ay noong Hunyo 2011. Nang matanggap niya ang mensaheng ito, katatapos lamang niyang makatanggap ng isang mensahe mula sa Espirito Santo na sinabing gusto siyang kausapin ng Diyos Ama.
Nanginginig siya habang sinusulat ang mensaheng ito hindi dahil sa takot kundi dahil sa Kanyang kapangyarihan at wagas na pag-ibig para sa buong sangkatauhan. Ipinaliwanag Niya sa kanya kung bakit Niya talaga nilikha ang mundo. Ito’y para Siya magkaroon ng isang pamilya.
Si Maria ay isang Katoliko Romano, pero inamin niyang bago niya tinanggap ang mga mensahe ay siya’y isang maligamgam na Katoliko. Naniniwala siya sa Diyos pero hindi siya relihiyosa sa tradisyunal na kahulugan. Pero sa loob ng mga buwan bago niya natanggap ang unang mensahe, nagkaroon siya ng pagbabagong espiritwal at napakita sa kanya ang Birheng Maria bagamat inilihim niya ito.
Dahil sa mga aparisyon, mas nanalangin siya at dinasal ang Santo Rosaryo. Sa pagdarasal niya ng Rosaryo sa harap ng estatuwa ng Ating Ina noong ika-8 ng Nobyembre, binigyan siya ng Ating Ina ng isang mensahe na isinulat niya pero hindi niya naunawaan kung ano ang ibig sabihin.
Sinabi kay Maria na ang Ikalawang Pagdating ni Kristo ay nalalapit na at siya ang huling sugo, ang huling propeta. Sinabi sa kanya na siya ang ika-pitong Sugo, ang ika-pitong anghel na magpapahayag sa mundo ng mga nilalaman ng Mga Tatak sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag habang ang mga ito’y binubuksan ng Kordero ng Diyos na si Jesukristo.
Ang mga mensaheng ibinibigay sa kanya ang bumubuo ng Aklat ng Katotohanan na iprinopesiya sa Aklat ni Daniel para sa pangwakas na mga panahon.
Ibinibigay ang mga ito sa mundo para makatulong sa pagpapalaganap ng pagbabalik-loob upang ang lahat ng anak ng Diyos ay mailigtas sa antikristo na malapit nang magpakita sa mundo.
Sinasabi ni Maria na nais ng Diyos na iligtas ang bawat tao, pati ang mga makasalanang matitigas ang puso. Ang lahat ng maliligtas ay papasok sa isang Bagong Paraiso sa Lupa kung saan magkakaroon tayo ng isip, katawan at kaluluwa. Mamumuhay sila sa kagandahan, pag-ibig, kapayapaan, pagkakasundo, at wala na silang mahihiling pa. Ito ang pamanang ipinangako ng Diyos sa lahat Niyang anak.
Mas higit pa ito sa anumang malilikha ng ating isip, sabi niya, pero ang mga lalapit lamang sa Diyos at hihingi ng kapatawaran ang makapapasok.
Magkakaroon sila ng buhay na walang-hanggan.
Pag tinanggihan nila ang Diyos, sila’y itatapon sa apoy ng Impiyerno kasama ng antikristo, ng pekeng propeta at ng lahat ng sumusunod kay Satanas.
At wala na tayong masyadong oras.
TUNGKOL SA AKLAT NG KATOTOHANAN
Ang Aklat ng Katotohanan ay binabanggit sa Daniel 10:21. Dito tinutukoy ang isang misteryosong Aklat ng Katotohanan. Ipinaliliwanag ni Gabriel kay Daniel na lahat ng ibinunyag sa kanya tungkol sa hinaharap at sa pangwakas na mga panahon ay matatagpuan sa Aklat ng Katotohanan. Sinabihan si Daniel na selyuhan at sarhan ito sapagkat ito’y para sa ibang panahon pa, na tinatawag na “Panahon ng Wakas”.
Unang Mensahe mula sa Birheng Maria
Lunes, Nobyembre 8, 2010, 3:30 pm
(Ipinahahayag ang mga propesiyang darating na tatanggapin pa ng pribadong bisyonaryo na, sa puntong ito, ay walang kaalam-alam kung ano ang ipinagagawa sa kanya.)
Anak ko, may tungkulin kang dapat isagawa at huwag kang papipigil kaninuman. Kailangang lumabas ang Katotohanan. Napili ka para isagawa ang Gawaing ito. Anak ko, magpakatatag ka. Tumingin ka sa Diyos na nasa itaas para gabayan ka sa pagsasagawa ng aking Gawain.
Kasama mo sa iyong gawain ang lahat ng santo. Ang mga pigura (1) (tingnan ang katapusan ng Mensahe) na nakita mo ay naroon para tulungan kang palaganapin ang aking Mga Walang-hanggang Mensahe para pakinggan ng buong daigdig. Inaakay ka. Hindi ka madadalian pero nanaisin mong magtiyaga. Ang nangyayari ay naipropesiya na lahat. Isa kang instrumento para ipahayag ang Salita ng Diyos sa lahat Niyang anak.
Huwag na huwag mong kalilimutan na mahal ng Diyos ang lahat Niyang anak pati ang mga makasalanang sumugat ng Kanyang Damdamin. Humingi ka ng Awa para sa bawat isa sa inyo. Ang Banal na Pamilya ay magkakaisang muli.
(Nagkaroon ng paghinto…sa puntong yun, nagulat ako kaya Itinanong ko sa Ating Ina, “Tama ba ang pagka-intindi ko sa bahaging ito? Maamo siyang ngumiti at nagpatuloy…)
Kunin mo ang iyong pen, tama yan, at ipakalat mo ang Katotohanan bago pa maging huli na ang lahat.
Ang Mga Mensaheng ito ay Mula sa Diyos at kailangang igalang. Inaasahan kitang ipaaabot ito sa tiyak at mabisang paraan sa isang di-naniniwalang mundo.
Mahalaga talaga na magpakatatag ka alang-alang sa aking minamahal na Anak. Alam kong nagdurusa ka para sa Kanya, kasama Niya at sa pamamagitan Niya. Ikatuwa mo ito sapagkat ito’y mabuti. Pinagpala ka, anak ko, para mapili para sa ganitong Gawain. Magpakatatag ka.
Ipanalangin mo araw-araw na ika’y patnubayan. Mas lalakas ka habang tumatagal. Huwag kang matakot; ako’y kasama mo at ng iyong pamilya araw-araw. Pinupuspos ka ng Espirito Santo para maalis mo ang lambong na tumatakip sa Katotohanan tungkol sa plano ng aking Ama sa mundo.
Anak ko, alisin mo ang pagdududa. Hindi imahinasyon mo ang Mensaheng ito mula sa Diyos. Ang Kasulatan na iprinopesiya na ay malapit nang matupad.
Ipanalangin mo ang lahat ng anak ng Diyos. Masyadong nasusugatan ang damdamin ng aking minamahal na Anak araw-araw. Pinahihirapan Siya ng mga kasalanan ng tao. Ang pagdurusa Niya ngayon ay umabot na sa antas na di pa Niya naranasan mula nang Siya’y mamatay sa Krus.
Sa awa ng Diyos, nasa iyo ang lakas at espiritong kinakailangan para isakatuparan ang iyong Misyon. Ganap na ang paglilinis sa iyo. Handa ka na para sa labanang naghihintay sa iyo.
Hayo na, aking anak. Isuot mo ang iyong armor. Tumayo kang taas-noo at tumulong sa paglaban kay Masama. Huwag kang mawawalan ng pag-asa kung, paminsan-minsa’y nararamdaman mong ika’y nag-iisa. Bawat hakbang mo’y ginagabayan ng lahat ng anghel at santo – kasama si Pope John Paul II, si Saint Faustina, at si Saint Joseph.
Salamat, aking anak, sa pananalig na ipinakita mo. Isa kang mandirigma at mahal na mahal ka ng Diyos Ama at ng aking pinakamamahal na Anak. Kaisa mo si Jesus at ang iyong kamay ay pinapatnubayan ng Espirito Santo.
Hayo na, aking anak, para isagawa ang Gawain gamit ang lahat ng kasangkapang maaari mong hawakan, sa pinakamahalagang panahong ito sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Pagpalain ka ng Diyos, aking anak.
Ang iyong Nagmamahal na Ina kay Kristo
Maria Reyna ng Kalupaan
(Ang mga pigurang nabanggit ay mga imahe ng mga santong napakita sa bisyonaryo sa pribadong aparisyon, pero pagkatapos lamang siya nagka-ideya kung sino sila, bukod sa mga kinilala na sa itaas, halimbawa, si Pope John Paul II, si Saint Faustina at si Saint Joseph at dalawa pang pigurang hindi kilala.)
Unang Mensaheng natanggap mula sa Ating Tagapagligtas na si Jesucristo
Martes, Nobyembre 9, 2010 3:00 am
Hayan, malapit na ang panahon para sabihan mo ang mundo na ang Katarungan ay babagsak sa lahat ng tatanggi sa Akin. Walang hanggan naman ang Aking Awa sa lahat ng umaayon sa Katotohanan ng Aking pagdurusa sa Krus.
Matuwa yung Aking mga alagad na tumatanggi sa mga tuksong kinakaharap nila araw-araw. Ang ibang tumalikod sa Aking Mga Aral ay bulag sa mga ipinangako Ko nang Ako’y mamatay sa Krus para sa kanilang mga kasalanan.
Masyadong mahapdi para sa Akin at para bang Ako’y pinabayaan na ng Aking minamahal na mga makasalanan na alang-alang sa kanila ay isinuko Ko ang Aking Buhay sa lupa.
Sa panahong ito, ang mundo’y nababalot sa kadiliman. Kasama Ko sa matinding pagdurusa ang Aking mga alagad sapagkat saksi sila sa isang mundo ng mga makasalanan na tinalikuran, hindi lamang ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, kundi pati Ako Na Siyang nagdanas ng isang Malaking Sakripisyo para iligtas sila sa lugar ng walang- hanggang kamatayan.
Malungkot Ako at mapait na umiiyak dahil sa kabiguan at dalamhati dahil sa paraan ng ikalawang pagtanggi sa Akin. Hinihimok Ko ang Aking mga alagad na magtipun-tipon sa panahong ito ng dalamhati sa mundo. Kailangang talikuran na nila ang kanilang pagwawalang-bahala para manalangin at samahan Ako para tulungan yung mga kaluluwang naagaw na ni Masama.
May panahon pa para magsisi ang mga makasalanan. Walang medaling paraan. Kailangang manggaling ito sa puso. Mga mananampalataya, huwag kayong matakot na sumigaw nang sabay-sabay para ipahayag ang Aking pagmamahal sa lahat ng tao.
Mga Kristiyano, mga Muslim, mga Hindu, mga Hudyo at lahat ng pananalig na nahinuha ng nagkakamaling isip ng sangkatauhan – nananawagan Ako sa lahat, sa kahuli-hulihang pagkakataon, na buksan nyo na ang inyong mga mata sa Tunay na Salita ng Diyos, ang Diyos na nagsugo ng Salita sa pamamagitan ng mga propeta. Ang Katotohanan ay isinulat at pinagtibay sa Banal na Salita ng Kasulatan, na walang sinumang tao na maaring ito’y kanyang baguhin, palitan o sikaping pilipitin ayon sa sarili niyang interpretasyon. Iisa lamang ang Diyos. Kaya ibaba nyo na ang inyong mga sandata, imulat nyo na ang inyong mga mata at sumunod kayo sa Akin tungo sa Buhay na Walang-hanggan.
Ganun Ko nga kayo kamahal, lahat kayo, kaya inialay Ko ang Aking Buhay alang-alang sa inyo. Nalimutan nyo na ba ito? Sa pamamagitan ng Aking Dibinong Awa, nagmamakaawa Ako sa inyo na magbalik kayo sa Akin sa huling pagkakataon. Sa pamamagitan ng Aking Awa, nagbabalik Ako sa lupa para sikaping tulungan kayo na suriin ang inyong puso at hanapin ang Katotohanan. Huwag nyong payagan ang Manloloko na wasakin kayo. Hanapin nyo ang Katotohanan. Ang Pag-ibig – ang Wagas na Pag-ibig – ang siyang daan patungo sa Kaharian ng Aking Ama.
Pakitandaan nyo ang Aking Dibinong Awa. Mahal Ko ang bawat isa sa inyo. Humingi na kayo ng kapatawaran. Iabot nyo ang inyong mga kamay at magpaakay kayo sa Akin papunta sa Kaharian ng Aking Ama. Nagbabalik Ako sa lupa gaya ng nasa propesiya. Napakabilis ng pagdating ng panahong yun kaya maraming hindi makapaghahanda. Ang daming mabibigla at magugulat kaya hindi makakapaniwala sa nangyayari. Wala nang masyadong panahon para ang Aking mga propeta ay makatulong sa paghahanda sa sangkatauhan para sa Dakilang Pangyayaring ito.
Mga mananampalataya, nananawagan Ako sa inyong lahat na pakinggan ang Aking Babala. Palaganapin nyo ang Katotohanan. Himukin nyo ang mga tao na humingi ng Aking Awa. Sisikapin Kong iligtas ang bawat kaluluwang nagsisisi, maging sa pinakahuli nilang hininga.
Hindi Ko magagawa, at hindi Ko gagawin, na panghimasukan ang kanilang malayang loob. Isinasamo Ko sa inyo na pakinggan nyo at sundin ang Aking Salita. Mahal Ko kayong lahat. Hinihiling Ko sa inyo na manalangin para sa pagbabalik-loob bago dumating ang Huling Panahon, na halos narito na. Hindi Ko gustong takutin ang Aking mga alagad, pero isinasamo Ko ngayon sa inyong lahat na iligtas nyo ang mga kaluluwa. Kailangang paalalahanan nyo silang lahat na kailangang kailangan na nilang alisin sa kanilang isipan ang mga makamundong pakay. Sa halip ay hanapin ang mga kabanalan ng simpleng kababaang-loob kung saan wala ang sarili o anumang dini-diyos.
Ang mga ordinaryong tao ang mamumuno sa pagpapalaganap ng Katotohanan tungkol sa Aking Ikalawang Pagdating.
Napakabilis na ng paglago ng espiritwal na kadiliman, na ikinakalat ng atheism, o hindi paniniwala sa Diyos, at bumubugsong pagsamba kay Satanas, sa kawawa at walang-utang-na-loob na mundo ngayon, kaya ang mga simpleng kaluluwa, ang mga tunay na mananampalataya, ang kailangang magsagawa ng gawaing ito.
Ipanalangin nyo ngayon ang kaligtasan ng sangkatauhan habang papunta na ang mundo sa Malaking Pagdurusa gaya ng iprinopesiya sa Banal na Kasulatan. Nasa malayang loob na ng sangkatauhan kung handa nilang hanapin ang katubusan para sa kanilang mga kasalanan o hindi. Huwag na huwag silang matatakot. Laging Maawain ang Aking Pag-ibig.
Ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo
Ang sangkatauhan ay nahaharap sa huling paglilinis
Huwebes, Nobyembre 11, 2010 12:20 am
Oo, minamahal Kong anak, Ako nga. Ikaw at Ako ay magkatabing magtatrabaho para ihanda ang mundo para sa panahong kinakaharap ng mundo habang nahaharap ang sandaigdigan sa huling paglilinis.
Mahalagang mangyari ang paglilinis dahil kung wala ito, walang Buhay na Walang-hanggan para sa Aking mga anak. May mga paghihirap na daranasin ang Aking mga anak, lalo na ang Aking mga alagad, sapagkat ito’y bahagi ng pakikipaglaban para makapanalo ng mga kaluluwa.
Maging panatag ka. Damhin mo sa iyong puso ang Aking Pagmamahal, Aking anak. Tanggapin mo ito bilang isang Regalo mula sa akin. Baka magulat ka, pero Ako ay iyong pamilya. Nasa bahay kang kasama Ko sa Aking Kaharian. Ngayon, meron kang trabahong dapat tapusin. Humawak ka sa Aking Kamay at hahawakan Ko ang iyong isip at aakayin kita upang pabalikin ang Aking mga anak sa Aking Sagradong Puso. Magpahinga ka na, anak Ko.
Ang iyong Mapagmahal na Kristo Jesus
Ang iyong Mapagmahal na Tagapagligtas
Ikalawang Mensahe mula sa Birheng Maria
Huwebes, Nobyembre 11, 2010 12:20 pm
Ikaw na aking malakas na anak ng Diyos ay talagang katangi-tangi. Lagi akong makikipagtrabaho sa iyo sapagkat nakita mo na ang dalawang mukha ng buhay dito sa mundo. Anak ko, kailangang maintindihan mo kung ano talaga ang Gawain ng Diyos. Pagpalain ka, aking minamahal, at salamat.
Oo, mahal kong anak, pinagkalooban ka ng mga Grasya para sa iyong Gawain. Pagpasok na pagpasok ng Espirito Santo sa iyong kaluluwa, naging handa ka nang magtrabaho.
Palalakasin ka ng aking walang-pasubaling pagmamahal para sa iyo habang lumilipas ang mga araw. Pakiusap, huwag ka sanang mag-alala sapagkat negatibo ang emosyong ito at pipigilan ka lamang nito. Araw-araw kang manalangin sa akin, ang iyong walang-hanggang Ina. Hindi kita kailanman iiwan o pababayaan sa iyong Gawain.
Mahal kong anak, pinagkalooban ka ng isang katangi-tanging Kaloob at ngayo’y kailangan mo na itong gamitin sa paraang ikaw lamang ang nakaaalam. Oo, anak ko, nauunawaan kong ito’y lubhang nakakatakot para sa iyo ngayon. Tinitiyak ko sa iyo na lagi mo akong kasama sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay. Sumaiyo ang kapayapaan.
Sa iyong puso ako laging mananahan. Pagpalain ka, anak ko at salamat sa iyong pagtugon.
Ina ng Kapayapaan at Pag-asa.
Dinudurog ng mga kasalanan ang Aking Sagradong Puso
Biyernes, Nobyembre 12, 2010 3:00am
Isulat mo ito, anak Ko. Lumilipas ang mga oras. Huwag mong bale-walain ang Aking kahilingang ilathala ang Aking Babala sa sangkatauhan. Kailangan na ang pagsisisi. Kailangang dinggin na ngayon ng Aking mga anak ang Aking Babala. Anak ko, ang una mong gawin ay kausapin ang mga Kristiyanong Grupo para sabihin ang Aking mga kahilingan.
Magpakatatag ka. Pinili kita para sa Gawaing ito upang madaling didinggin ang Aking mga kahilingan para sa pagtubos. Isulat mo ang Aklat at ipahayag ang Aking Mga Mensahe gamit ang mga modernong komunikasyon gaya ng Internet at media. Kailangang kailangan ang Aking kahilingan pero aakayin kita para maunawaan ang Mensahe.
Mas malakas ka kaysa iyong akala. Mas manalangin ka pa, araw-araw, sa Aking Dibinong Awa. Huwag kang matakot. Bakit ka takot na takot? Ang Buhay na Walang-hanggan, sa pagsasanib ng Langit at Lupa, ay dapat magiliw na tanggapin. Ito na ang siyang adhika ng tao mula pa sa simula. Huwag kang magpalinlang sa mga pang-aakit ng mundo. Walang kwenta ang mga ito kumpara sa kagandahan ng Kaharian ng Aking Ama. Bibigyan ka ng tulong sa oras na simulan mo ang pagsasagawa ng iyong plano.
Naging napakatindi ng mga huling araw para sa iyo, pero tinanggap mo pa rin nang bukal sa iyong kalooban ang hinihiling Ko sa iyo. Mahirap at baka medyo nakakatakot para sa iyo ang intindihan ang lahat ng ito, pero mahalagang ikaw ay manalig sa Akin.
Kumapit ka at sumandal sa Akin sa iyong puso. Isuko mo ang anumang dudang meron ka at magiging mas madali ang iyong gawain. Kailangang ipagunita mo sa mga tao ang Aking pangako at banggitin ang Aking Nakasulat na Salita. Sa Kasulatan ka sumandig para maunawaan. Huwag na huwag kang matatakot ipaalala sa mga tao kung paanong dinudurog ng mga kasalanan ang Aking Sagradong Puso at tinutusok ang Kaluluwa ng Aking Walang-hanggang Ama.
Kami ng Aking Ina at lahat ng santo, ay hahawakan ka sa kamay at bibigyan ka ng lakas. Padadalhan ka ng praktikal na gabay at pagbubuksan ka ng pinto para tulungan ka sa iyong Gawain.
Mag-ingat ka sa mga gumagawa ng mga hadlang para pabagalin ka sa iyong mga komunikasyon. Ipanalangin mo sila at magpatuloy ka na sa iyong gawain. Alam Kong pagod ka na pero kailangang matugunan kaagad ang Aking kahilingan.
Panahon na para magpahinga ka, anak Ko. Mahusay ang iyong pagtugon, may pananampalataya at katapangan. Huwag na huwag kang susuko.
Ang iyong Minamahal na Tagapagligtas na si Jesucristo
Ang Aklat na ito ay magbabago ng mga buhay at magliligtas ng mga kaluluwa
Biyernes, Nobyembre 12, 2010 3:00 pm
Sige, gawin mo ang kailangang gawin para makita at marinig ng mga tao ang Aking Mga Dibinong Mensahe.
Mahal Kong anak, may tiwala Ako sa iyo kaya gamitin mo ang anumang paraang sa palagay mo’y makakasiguro na babasahin ng mga tao ang Mga Mensahe. Kakailanganin mo ang iyong buong lakas para sulatin ang Aklat. Ang Aklat na ito (2*) ay magbabago ng mga buhay, magliligtas ng mga kaluluwa at naipropesiya na. Oo, ang Aklat ang siyang iprinopesiya. Ikaw ang tagalusat. Ako ang Manunulat.
Huwag kang mabibigla o magugulumihanan sapagkat napaka-sagrado ng gawaing ito at pinili ka para isagawa ang Gawaing ito na kasama Ako. Tatagal ito ng tatlong buwan. Nais Kong ilathala mo ito sa buong daigdig. Kailangang malaki ito, makapangyarihan at hahanapin ng milyun-milyon kagaya ng Banal na Biblia.
Anak ko, mailalathala mo ito “sa pakikipag-usap sa lihim na propeta.” Okey lang gawin ito. Anak Ko, bakit ka natatakot? Ginagabayan ka mula sa langit. Magpakatatag ka. Manalig ka sa Akin. Sumuko ka. Aakayin kita sa bawat hakbang mo sa daan. Kakausapin Kita pagkatapos.
Ang iyong Mapagmahal na Tagapagligtas na si Jesucristo
(2) *Ang aklat na tinutukoy ni Jesus ay ang unang volume ng Mga Mensahe na iprinisinta sa daigdig noong Pebrero 2011.
Ang Banta ng Impiyerno at ang Pangako ng Paraiso
Sabado, Nobyembre 13, 2010 3:00 am
Mahal Kong anak, dumaan ka sa isang nakakakilabot na pag-uusig na Aking pinahintulutan para palayain ang iyong kaluluwa mula sa parusa ng Impiyerno. Malaya ka na ngayon at bibigyang-kakayahan ka ng iyong espirito na palaganapin ang Aking Salita para mapalaya ang sangkatauhan mula sa pagdurusang naghihintay sa kanila kung maging napaka-tanga nila para sumuko kay Masama.
Anak ko, isinugo ka na mula pa sa simula. Ilang araw pa lang ay pinalakas na Kita. Sa palagay mo’y magiging ano ka sa isang linggo, o sa isa o dalawang taon kaya? Isang mandirigma, matatag hanggang sa huli. Magtatrabaho kang kasama Ko para linisin ang mga kaluluwa ng Aking mahal na mga anak na lubha at lubusan Kong pinagmamalasakitan. Ang Aking Pag-ibig ay umaagos na parang ilog sa Aking Mga Ugat. Hindi nababawasan ang Aking malasakit sa kabila ng kanilang pagtalikod.
Ililigtas Ko sila sa Parusa ng Impiyerno
Anak Ko, sabihin mo sa kanila na ililigtas Ko sila sa parusa ng Impiyerno. Kailangang magbalik sila sa Akin sa kanilang di-masaya at nalilitong kalagayan. Iisa lamang ang daan tungo sa pag-ibig at kapayapaan. Yun ay sa Aking Bagong Paraiso pag nagsanib na ang Langit at Lupa. Di ba nila alam ito? Di pa ba nila kailanman narinig ang Aking pangako noong una pa man? Ang pangako ng Buhay na Walang-hanggan, kung saan sila – lahat ng taong lalapit sa Akin – ay itataas – katawan, kaluluwa at isipan – sa Bagong Langit at Lupa pag muling nagsanib ang mga ito bilang siyang Paraisong napakatagal nang ipinangako sa mga anak ng Aking Ama.
Isinasamo Ko sa inyo: maniwala kayo. Mag-isip-isip kayo. Kung hindi pa kayo kailanman naging bukas sa Banal na Kasulatan, itanong nyo sa inyong sarili itong simpleng katanungan: Kung nakakaramdam kayo ng pag-ibig sa inyong puso, saan sa palagay nyo ito galing? Ito ba ang pag-ibig kung saan nararamdaman nyong kayo’y maamo, mapagkumbaba, maawain at walang pagka-makasarili? Kung gayon, ito nga ang pag-ibig na ipinangangako Ko sa lahat Kong anak na magbabalik sa Akin.
Kung paanong iniiwan kayong hungkag ng makamundong mga ambisyon
Mahal Kong mga anak, alam Kong mahirap maniwala sa isang mundong naiiba sa inyong kinaroroonan. Kung inyong maaalala, ang mundong ito’y Likha ng Diyos, ang Amang Walang-hanggan, at pagkatapos ay dinumihan ng mga gawain ni Manloloko. Masyadong tuso siya, itong si Satanas. Kayo, mga anak Ko, tiyak na alam nyong ang mga makamundong ambisyon na hindi kayo binubusog ay hindi rin kayo ginagawang ganap. Ramdam nyo ang isang kahungkagan na hindi nyo maipaliwanag o maunawaan. Hindi ba? At hangad pa rin kayo nang hangad. Pero hindi pa rin kayo masiyahan samantalang sa palagay nyo’y ganun ang dapat mangyari. Bakit ganun? Nasuri nyo na ba ang inyong puso at nagtanong? Bakit? Simple lang ang sagot.
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan. Tinukso naman ni Satanas ang sangkatauhan. Naroon si Satanas sa magandang mundong nilikha ng Aking Amang Walang-hanggan mula sa Wagas na Pag-ibig. Malungkot mang sabihin, mananatili si Satanas hanggang sa Aking Ikalawang Pagdating. Doon siya malalantad dahil sa kanyang lubos na mga kasinungalingan at panloloko, na ipinakita niya sa Aking mga anak. Sa puntong yun, magiging huli na ang lahat para sa marami sa Aking mga anak pati na yung mga di pa tiyak o nag-aatubili pang maniwala sa Makalangit at Mas Mataas na Likha, na walang iba kundi ang Kaharian ng Aking Ama.
Huwag Akong Itanggi
Makinig kayo! Akong si Jesucristo, ang Tagapagligtas na sinugo para bigyan kayong lahat ng ikalawang pagkakataon para makapasok sa Kaharian ng Aking Ama, pakinggan nyo na ngayon ang Aking pangako. Makinig kayo sa Aking Tinig na sinugo ng Dibinong Grasya sa pamamagitan ng Aking mga bisyonaryo at propeta sa mundong kasalukuyan, at unawain nyo na lahat ng Aking anak ay pantay-pantay sa paningin ng Aking Ama.
Pinagpala ang mga sumusunod sa Kanya pero dumaranas sila ng pahirap para sa mga kaluluwang hindi naniniwala at ayaw makinig. Ang mundo ay nilikha ng Diyos. Hindi ito basta lumitaw na lamang mula sa kawalan. Ang tao, hindi niya inimbento, o magagawang imbentuhin ang gayong Milagro na hindi kailanman maipaliliwanag ng siyensiya. Ang Maka-Diyos na Makalangit ay hindi kailanman talagang mauunawaan hanggat hindi susuko ang lahat ng anak ng Diyos sa isip, sa katawan at sa kaluluwa, sa Wagas na Pag-ibig na Aking iniaalok.
Nakikiusap at nagsusumamo Ako sa inyong lahat, huwag nyong itanggi ang inyong Maykapal. Huwag naman nyong pakinggan ang mapanlinlang na mga kasinungalingang sinabi sa inyo ng mga Free Mason, ng mga Illuminati, ng mga pekeng propeta at ng mga kakaiba at lubos na masamang mga kulto na umunlad dahil madaling lokohin ang tao.
Totoo si Satanas
Ang sangkatauhan ay mahina. Maging ang mga pinakabanal na mga alagad ay nasisilo at nabibitag ng walang-humpay na panunukso ni Masama. Ang problema nga lamang ay kung sino pa yung mga naghahanap ng kasiyahan ay siya pang hindi naniniwalang siya’y totoo. Sila ang nagdudulot sa Akin ng pinakamalaking sama ng loob.
Mga sugat na muling bumuka at nagnanana
Gayun katindi ang Aking pagdurusa na ang Aking Mga Sugat na natamo Ko sa Aking nakakikilabot na Pagpapako sa Krus ay muling bumubuka at nagnanana, kaya napakahapdi ng paghihingalo ng Aking Katawan, Kaluluwa at Pagka-Diyos. Pero hindi Ko titigilang mahalin kayong lahat.
Nananawagan Ako sa inyo mula sa Langit alang-alang sa Aking Amang Walang-hanggan Na Siyang lumikha sa bawat isa sa inyo dahil sa Wagas na Pag-ibig: magpakatatag kayo. Talikuran nyo si Satanas. Maniwala kayo na siya’y umiiral. Tanggapin nyo na nandyan nga siya. Imulat nyo ang inyong mga mata. Di nyo ba nakikita ang kaguluhang ginagawa niya sa inyong buhay? Bulag ba kayo?
Isang Mensahe sa mayayaman
Sa mayayaman, sinasabi ko: huminto kayo. Mag-isip at itanong sa Diyos kahit sandali: ang pagtupad at pagsasabuhay nyo ba ng mga utos ng Diyos ay kasiya-siya sa inyo? Tama ba sa palagay nyo? Itinanggi nyo na ba Ako dahil sa makamundong mga pagmamalabis? Ito mismong mga pagmamalabis at mga kasiyahan ang maghahatid ng kahungkagan sa inyong puso. Malalaman nyo sa inyong kalooban na parang hindi tama. Pero magiging uhaw pa rin kayo para sa higit pang hungkag pero nakapupukaw ng damdaming mga pangako na inihahain ni Satanas kapalit ng inyong kaluluwa.
Isang Mensahe sa mga alagad ng Illuminati
Isinasamo Ko sa inyong lahat, lalo na sa Aking mga anak na naakit na ng mga Illuminati at iba pang masasamang tao. Pag napapunta kayo roon, nakondena na kayo sa walang-hanggang parusa. Di nyo ba alam na ang ipinangakong kapalit sa inyong kaluluwa ay isang kasinungalingan? Isang madaya at nakakatakot na kasinungalingan. Hindi nyo kailanman matatanggap ang mga regalong ipinangako ng masamang sugong ito galing sa kailaliman ng Impiyerno. Bilang Tagapagligtas na nasa Krus, inialay Ko ang Aking buhay para iligtas kayo. Huwag nyo namang hayaang mawala kayo sa Akin ngayon. Mahal Ko kayo, mga anak Ko. Lumuluha Ako habang nagsusumamo Ako sa inyo sa kahuli-hulihang pagkakataon na huwag Akong talikuran para lamang kay Manloloko.
Patatawarin Ko lahat ng mangungumpisal
Hindi Ko maaaring pakialaman ang inyong malayang loob sapagkat isa yun sa mga Kaloob na ibinigay sa inyo nang kayo’y isilang sa Liwanag ng Diyos. Ako’y darating – gaya ng ipinropesiya nang di-katagalan sa Kasulatan – nang mas maaga pa kaysa aakalain ninuman. Ang mundo’y bubulusok sa kadiliman at kawalang-pag-asa. Pero patatawarin Ko sa isang iglap, lahat at bawa’t isa sa Aking mga anak, pag nabunyag sa kanila ang kanilang mga kasalanan, gaano man kabaho ang mga ito, sa sandaling sila’y mag-Kumpisal.
Papasok sila katawan at kaluluwa sa Paraiso pag nagsanib ang Langit at Lupa, at doon kayo’y mabubuhay nang walang-hanggan kasama ang inyong Pamilya magpakailanman.
Mga pangakong alok ng Paraiso
Walang pagkakasakit, walang pagkabulok ng katawan, walang kasalanan – tanging pag-ibig lamang. Ito ang pangako ng Aking Paraiso. Wala nang mangangailangan ng anupaman. Bawat isa’y mamumuhay sa pagkakasundo, kaligayahan at pagmamahalan.
Totoong may Impiyerno
Huwag nyong tatanggihan ang buhay na ito para sa buhay na ipinangako sa inyo ni Satanas! Pinagsisinungalingan kayo. Pag sinundan nyo itong landas na ang Diyos o Akong si Jesucristo ay hindi kasali, nasa landas na kayo ng walang-hanggang kaparusahan. Mapapasigaw kayo sa takot pag nakita nyo ang inyong pagkakamali. Sa puntong yun, magsusumamo kayo ng Awa, kakalmutin nyo ang inyong mukha, bubunutin ang inyong buhok, pero dahil sa meron kayong malayang loob, isang Kaloob mula sa Aking Ama, hindi ito maaagaw sa inyo. Pag pinili nyo ang pekeng landas na ito, walang-hanggan ang inyong kaparusahan at susunugin kayo sa Impiyerno magpakailanman. Totoo talaga ito.
Ang pinakamalaking parusa ay pag nalaman nyong hindi nyo na kailanman makikita pa ang Mukha ng Diyos
Ang pinakamalaking parusa ay ang malaman nyo sa wakas na meron nga palang Diyos. Na Ako nga palang si Jesucristo ay talagang umiiral at wala nang anumang paraan pa para mailigtas nyo ang inyong sarili sa puntong yun. Maaaring pagmasdan kayo ng inyong pamilya sa kabilang panig. Pag nangyari yun at nalaman nyo na ang masakit na katotohanan, huli na ang lahat. Tandaan nyo ang Mga Salitang ito.
Ang pinakamalaking parusa ay pag nalaman nyong hindi nyo na kailanman makikita pa ang Mukha ng Diyos. Yun ang pinakamalaking pasakit na makakasama nyo magpakailanman sa apoy ng Impiyerno kung saan palagian at walang patid ang sakit. Sa halip na masiyahan kayo sa Paraisong ipinangako sa inyo, dahil sa mga kasinungalingan ni Manloloko ay sa nakakakilabot na mga pasilyo ng Impiyerno kayo hahantong. Totoo talaga ito at dito makikita ang walang katapusang pagdurusa.
Pakiusap, kayong mga hindi naniniwalang Ako’y nakikipag-usap sa sangkatauhan, hinihiling Kong manalangin kayo sa Aking Sagradong Puso. Manalangin kayo sa Aking Divine Mercy sa alas-tres nang hapon araw-araw. Tutugunin Ko ang inyong kahilingan nang may Pagmamahal, na kaagad nyong mararamdaman. Mga anak, humawak kayo sa Aking Kamay. Huwag kayong bibitaw. Gayon Ko nga kayo kamahal, na inialay Ko ang Aking Buhay para sa bawat isa sa inyo para kayo’y maligtas.
Sa pagkakataong ito, dumarating Ako para Maghukom. Mahal Ko man kayo, hindi Ko pa rin maaaring pakialaman ang malayang loob na Regalo sa inyo ng Aking mahal na Ama. Inaasahan Kong sa pamamagitan ng Aking mga pangkasalukuyang bisyonaryo at mga propeta ay makikinig din kayo sa wakas. Tandaan nyong ang Katotohanan ang daan tungo sa walang-hanggang kaligtasan at isang bagong simula pag ang Paraiso ay nagbalik sa Lupa.
Ang mga kasinungalingan ni Satanas
Ang mga kasinungalingan, gaano man kaakit-akit, ay hanggang doon na nga lamang. Mga kasinungalingang sadyang ginawa para nakawin ang mga mahal na kaluluwa, na hindi maaaring palayain ng Aking Amang Maykapal at Maygawa ng Lupa.
Ang inyong Dibinong Tagapagligtas
Jesucristo
Palatandaan ng Huling Panahon pero Babalik sa Lupa ang Kaluwalhatian
Linggo, Nobyembre 14, 2010 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil sa mga pagdududa mo ngayong araw. Natural lamang ito. Ang pagkaunawa mo sa pang-espiritwal na mga bagay ay di kasin-lalim ng nararapat pero okey lang yun.
Aakayin Kita at mauunawaan mo rin, sa paglipas ng panahon, ang pakay ng iyong Misyon. Nais Kong ikaw ay maging malakas sa iyong Gawain at sa iyong pagsunod sa Akin. Mahirap ang gawaing ito at makakabagbag sa iyong damdamin.
Padadalhan Kita ng iyong spiritual director. Malalaman niya ang Katotohanan pag nagsalita ka. Sa puntong ito, naunawaan mo na ang ilan lamang sa mga kasalanan ng sangkatauhan nitong dalawang araw na nagdaan, sa paraang hindi mo pa nagagawa hanggang ngayon. Nakita mo ba ang kaibhan? Kaiba ba ang nadama mo nang pagmasdan mo ang Aking mga anak? Nakita mo sila sa ibang liwanag, hindi ba? Yun ang Kapangyarihan ng Espirito Santo, na ipinagkaloob Ko sa iyo.
Ang pagmamahal na nadama mo sa iyong puso para sa Aking mga anak at sa paring nakita mo sa Misa ngayong araw ay isa ring Kaloob Ko sa iyo sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo. Ngayo’y makikita mo, madarama at maririnig ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa paraang madarama mo ang hapding nadarama Ko. Makikita mo rin ang kung anong Pagmamahal meron Ako para sa Aking mga anak sa pamamagitan ng iyong mga mata na sumasalmin sa Aking Puso.
Huwag kang matakot sa Mga Kaloob na ito, anak Ko. Huwag mong isiping hindi mo kaya ang gawaing ito sapagkat bibigyan ka ng lakas sa pamamagitan ng Aking Mga Grasya at gagawin ka nitong matatag. Hindi ka na lilingon sa likuran. At hindi mo na rin ito nanaising gawin.
Sa pakiramdam mo’y mahina ka ngayon. Ito ang pakiramdam ng Aking Maka-Diyos na Kapangyarihang malakas na umaagos sa buo mong katawan. Ang init ay ang Pagmamahal Ko sa iyo. Huwag kang umiyak, anak Ko. Hanggang ngayo’y di-pangkaraniwan ang iyong lakas at pagtanggap gayong ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang una Kitang kausapin. Hindi, anak Ko, hindi imahinasyon mo lamang ito. Patuloy mong tinatanong ang iyong sarili at ang mga malapit sa iyo.
Ang mga nagbebenta ng kanilang mga kaluluwa kay Satanas
Ngayon, isulat mo ito. Ang mundo’y humihingal sa bigat ng kadiliman at masamang plano ni Masama na patuloy na inaakit at tinutukso ang Aking mahal na mga anak. Ganun katindi ang pagkabitag sa kanila kaya marami sa kanila ay kumakawag na parang hayop maging sa harap ng mga tao sa buong mundo. Gaano karaming kawawang mga kaluluwa , na nabubusog sa kahalayan, katakawan at kayabangan, ang nakikita ng mga may pananampalataya sa ganung sobrang kawawang kalagayan? Akala nila, sa kanilang kayabangan, ay meron silang tunay na kapangyarihan. Ang kapangyarihang ipinangako sa kanila ni Satanas. Marami sa mga anak na ito ang nagdesisyon nang ibenta ang kanilang mga kaluluwa at ipinagyayabang pa nga nila ito.
Mas marami pa sa Aking mga anak ang naaakit sa ningning at yaman ng kanyang mga pangako at ipinakikita pa nila ito sa buong mundo. Hindi, hindi nila ikinahihiyang ipagmalaki na sila’y sa kanya na. Ang mga ipinangako niya ay hindi lamang basta mga kasinungalingan, kundi ginawa niya ito dahil sa todong pagkamuhi. Kinamumuhian ni Satanas ang sangkatauhan.
Pinagsisinungalingan niya ang Aking mga anak at sinasabi sa kanila na kahit ano’y maibibigay niya sa kanila, pero sa kasamaang-palad, ito’y isang kasinungalingan. Yung mga sumusunod sa kanya at sa kanyang walang-katuparang mga pangako ay hindi maliligtas at hindi maaaring iligtas.
Manalangin, manalangin, manalangin, para sa Aking mga anak. Anak ko, alam Kong pagod ka na, pero pakinggan mo ito. Para sa mga mananampalatayang maligamgam at hindi naman tahasan at lubusang kakampi ni Masama – sila rin ay dapat mag-ingat. Sila, kasama ng Aking mga alagad at ilan sa Aking mga sagradong lingkod, mga Obispo at Kardinal na pinagtatawanan ang pananampalataya ng Aking mga anak. Ang kanilang pagiging espiritwal ay nawala dahil sa kasakiman ng ilang grupo na gumagamit ng ginto at kayamanan para mapawalang-bisa ang Mga Dibinong Kaloob na ibinigay sa kanila bilang mga disipulo ng Diyos.
Naligaw na ang Simbahan at bumubulusok ito sa kadiliman. Ito, anak Ko, ay nai-propesiya na at ito’y palatandaan ng Pangwakas na Mga Panahon. Ito ang panahon na magkakaroon ng kahuli-hulihang pope at maliligaw ang mundo sa maling pag-akay ng Pekeng Propeta.
Anak Ko, bibigyan ka ng mga pagbubunyag tungkol sa kung ano ang mangyayari bago sumapit ang Aking Ikalawang Pagdating. Ito’y para pakinggan ang iyong mga salita at nang sa gayo’y maihanda ang mga kaluluwa bago dumating ang Dakilang Babala. Huwag kang mabahala. Magpapatuloy ang buhay. Babalik sa lupa ang kaluwalhatian. Ang Aking mga anak ay matutubos mula sa mga kuko ni Masama at siya nama’y mawawasak. Ang mahalaga’y hindi niya maloko at sa gayo’y mabitbit niya ang Aking mga anak sa kailaliman ng Impiyerno. Kailangang malakas ang dating ng Aking Salita. Kailangang pakinggan Ako ng Aking mga anak. Kung binibigyan Ko sila nitong Babala, ito’y dahil sa Wagas na Pagmamahal, sapagkat dumarating Ako bilang Hukom at hindi Tagapagligtas. Kaya lamang naantala noon ang panahon ng Paghuhukom ay dahil sa mga panalangin ng Aking Mahal na Ina at ng Aking mga alagad. Hindi na ngayon.
Walang makaaalam ng petsa ng Ikalawang Pagdating
Ang petsa ay hindi sasabihin sa iyo o sa Aking mga anak. Hindi ito maaaring ibunyag. Kaya mahalagang maging handa ang lahat Kong anak. Para sa mga hindi maghahanda, hindi nila pwedeng sabihing hindi ibinigay sa kanila ang Katotohanan. Pagsapit ng Babala, malalaman na nila ang Katotohanan. Oo, kung mangungumpisal sila at aaminin nila ang kanilang mga kasalanan, tatanggapin nila ang Aking Pagpapala. Kung hindi, itatapon sila sa Impiyerno. Sa puntong yun, wala na ang Aking Awa.
Hayo na, Aking anak. Ihanda mo ang Salita para pakinggan ng mundo. Sabihin mo sa Aking mga anak, ang mga sumasampalataya, na huwag silang matakot. Sabihin mong ipanalangin nila ang mga hindi sumasampalataya. At pagkatapos ay sabihin mo sa mga hindi sumasampalataya na sila’y magbalik sa Akin. Gawin mo lahat ng maaaring gawin para himukin silang buksan ang kanilang puso.
Ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo Na dumarating para Maghukom sa mga nabubuhay at mga namatay.
Ang Ikalawang Pagdating
Lunes, Nobyembre 15, 2010 3:00 am
Salamat, anak Ko, at pinapagtiyagaan mo ang Aking Katotohanan at nauunawaan mong ang Aking pakikipag-usap sa iyo ay talagang totoo. Madarama mo ang Aking Espirito sa iyong katawan pagdating Ko para ibunyag ang Aking Dibinong Mensahe na kailangang maunawaan ng sangkatauhan sa panahong ito. Dala Ko ang Mensahe ng Wagas na Pag-ibig at Pagdurusa sa mga anak ng Aking Ama. Ang Mga Mensaheng ito ay para ipaliwanag sa lahat ng alagad ng Diyos na kailangan muna nilang lumuhod at unawain ang Katotohanan ng Aklat ni Juan.
Ang panahon ng Aking Ikalawang Pagdating ay sumapit na. Ang Mga Palatandaan nito’y ibinubunyag na sa mga nakakaalam ng mga propesiyang binanggit na, matagal nang panahon ang nakalilipas. Hayan, ano’ng nakikita nyo ngayon? Nakikita na ngayon ang mga palatandaan. Walang kaalam-alam ang tao sa nakakakilabot na pagbulusok pababa na maaari niyang pagdaanan. Ang buktot na kasinungalingang pinangangatawanan at tinatanggap ng mga walang kamalay-malay na mga gobyerno, ay nakatago at di-napapansin sa balatkayo ng kaligtasan.
Makinig kayo ngayon sa Akin, mga anak Ko. Ang antikristo ay malapit nang dumating. Magbantay kayo, at buksan nyo ang inyong mga mata at puso sa Katotohanan, at kung hindi ay mamamatay kayo. Huwag kayong matakot, mga mahal Kong alagad, sapagkat aakayin nyo ang Aking kawan patungo sa Banal na Pagsamba sa Aking Amang Walang-hanggan. Ang Pagkain ng Buhay ay magiging sagana para sa mga sumasampalataya sa loob ng madidilim na araw na darating. Magsama-sama kayo. Magmahalan kayo. Magbigayan kayo ng lakas sa isa’t isa para mapag-isa nyo ang lahat ng lahi, pananalig at mananampalataya sa lahat ng lugar patungo sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang magiging gawain nyo ay ipakita ang Pag-ibig ng Diyos, ang kabutihan, ang pagmamahalan, ang pag-asa at ang Katotohanan ng Buhay na Walang-hanggan, na naghihintay sa buong sangkatauhan. Sa sama-samang pananalangin, sa pagwaksi nyo ng panlabas na pader ng kayabangan at pagka-mahiyain, kayo’y magiging isang makapangyarihang lakas. Sa pagsasama-sama, kayo’y lalakas. Ang inyong pananalig sa Akin, na inyong Dibinong Tagapagligtas, ay makakatulong para ang mga hindi sumasampalataya ay magbalik-loob. Marami sa mga ito ay walang alam tungkol sa Aking Pag-ibig hindi dahil sa kagagawan nila. Maaaring nakakadama sila ng pagmamahal sa isa’t isa pero hindi nila alam kung saan ito galing. Akayin nyo sila, Aking mga anak ng Diyos, papunta sa Liwanag.
Ako ang Tinapay at Ako ang Liwanag. Iingatan kayong lahat ng Aking Liwanag. Pero hinihimok Ko kayo na maging mapagbigay sa puso at kaluluwa, at isaalang-alang nyo ang mga kawawang kaluluwang yun na nangangailangan ng inyong pag-akay. Kailangang gawin nyo ito sa pamamagitan ng halimbawa at ipakita sa mga kaluluwang yun kung paano lalapit sa Akin. Kailangang suyuin sila sa maamo pero matatag na paraan habang inaakay nyo sila sa daan. Mahalagang gisingin sila sa kanilang tulog ng kamangmangan bago maging huli na ang lahat.
Mga anak Ko, hindi nyo ba nauunawaan ang Mga Aral sa Aklat ng Aking Ama? Ang Aklat na nagbubunyag ng Palatandaan ng Aking pagbalik sa lupa ay kailangang pag-aralan at tanggapin bilang siyang Katotohanan. Ang Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng mga propeta, ay hindi nagsisinungaling. Hindi Siya nagsasabi nang di-totoo. Pinakikitaan na kayo ngayon ng mga makalangit na palatandaan na nasa propesiya at kailangan na kayong maghanda. Kayo at ang inyong mga pamilya ay itataas kasama Ko, sa isang kisap-mata.
Pakiusap, manalangin naman kayo para kayo’y gabayan. Mga mananampalataya, maghanda na kayo ngayon para makibaka alang-alang sa Aking Ngalan at labanan ang antikristo. Ngingisian kayo ng mga tao pag nagugunita nila sa inyo ang mga propesiyang nilalaman ng Aklat ni Juan. Susumbatan kayo at mumurahin nang may panlalait dahil sa inyong mga pananaw at alalahanin. Huwag nyo itong papansinin dahil may tungkulin kayo sa Akin. Ngayon. Manalangin, manalangin at himukin ang mga hindi sumasampalataya na tanggapin ang Mga Aral. Huwag kayong matakot. Para sa marami sa inyo na natatakot sa hinaharap at para sa kanilang mga pamilya, ito ang Aking masasabi. Pagdating ng oras, kayo at ang inyong mga pamilya ay itataas kasama Ko, sa isang kisap-mata, sa Kalangitan. At pagkatapos ay matatanggap nyo ang Regalong Buhay na Walang-hanggan pag ang Langit at ang Lupa ay nagsanib na. Ito ang ibig sabihin ng Bagong Paraiso. Ito’y magiging isang panahon ng malaking luwalhati, pag-ibig at perpeksiyon para sa lahat Kong alagad.
Magpakatatag kayo. Kailangan nyong dumaan sa isang maikling panahon ng pahirap, pero pananatilihin kayong malakas ng inyong pananampalataya. Tandaan nyong mahal Ko kayong lahat. Suklian nyo Ako ng inyong pagmamahal at tulungan nyo Akong magligtas ng pinakamaraming kaluluwa na maaaring iligtas. Kayo ang Aking makapangyarihang hukbo at ito na ang oras para maghandang lumaban. Aakayin Ko kayong lahat papunta sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang Mapagmahal nyong Tagapagligtas
Jesucristo
Pandaigdigang Kapangyarihan, Ang antikristo at ang Tatak ng Halimaw
Lunes, Nobyembre 15, 2010 11:00 am
Ngayo’y nauunawaan mo na ang Katotohanan at tinatanggap ang Aking mensahe kung ano ito. Isulat mo ito, anak Ko. Ang bilis ng pagkakatupad ng mga propesiya ay nagiging malinaw na para makita ng lahat. Bantayan mo ang mga pagbabagong makikita sa Aking Simbahan bilang isa sa mga unang palatandaan. Sa puntong ito ililigaw ni Manloloko ang Aking mga disipulo.
Ang ikalawang palatandaan ay ang kawalan ng kontrol ng marami sa inyo, sa inyong sariling mga bansa. Kasama rito ang lahat ng kontrol na pang-materyal at pang-militar. Mga anak Ko, ang kanilang mga pinuno at lahat ng may katungkulang alagaan ang kanilang bansa, ay lubusan nang mawawalan ng kontrol. Sila’y magiging parang bangkang walang timon. Ang bangkang kanilang tinitimunan ay walang direksiyon at sila’y maliligaw.
Mga anak Ko, kailangan nyo na ngayong taimtim na manalangin para makakalas sa mahigpit na hawak sa inyo nitong masasamang grupo ng mga tao. Hindi sila kabilang sa Kaharian ng Diyos, at dahil sa tuso at mapanlinlang nilang imahe, hindi nyo malalaman na sila’y isang makapangyarihang puwersa na iniingatang huwag mabunyag ang kanilang mga sarili.
Kayo, mga anak Ko, ay magiging walang-kaalam-alam sa mga bagay-bagay. Aakalain nyo na mahirap lang talaga ang buhay. Pero ang panlolokong ito ay ginawa mismo para ganito ang isipin nyo. Bangon, Aking mga anak, ngayon na.
Ang Tatak ng Halimaw
Huwag nyong tatanggapin ang Tatak. Kung mas marami sa inyo ang hindi tatanggap, mas magiging malakas ang inyong bilang. Ang Tatak na ito – ang Tatak ng Halimaw – ang siya nyong magiging pagbagsak. Hindi ito kung ano ang akala nyo rito. Pag tinanggap nyo, mapapalayo kayo nang mapapalayo.
Mag-ingat kayo sa Plano, na itinutulak ni Manloloko, para alisin lahat ng palatandaan ng Aking Amang Walang-hanggan at ng Mga Aral ng Kasulatan sa inyong buhay. Makikita nyo ito sa mga paaralan, sa mga kolehiyo, sa mga ospital, at sa saligang-batas ng inyong mga bansa. Ang pinakamalaking kasuklam-suklam ay ang pag-aalis ng Mga Aral ng Kasulatan sa mga nagsasagawa ng Pagsamba sa Akin, ang kanilang Dibinong Tagapagligtas. Malapit na malapit nyo nang makita na ang Aking Salita, at ang Pangangaral ng Katotohanan ay aalisin at magdadala ng kaparusahan.
Kayong Aking pinakamamahal na mga anak ay sobrang magdurusa alang-alang sa Aking Ngalan. Ang masasamang puwersang ito ang siyang may kagagawan nito. Pinamumunuan sila ni Satanas. Matatagpuan nyo sila sa lahat ng lugar, lalo na sa mga pinunong nasa puwesto na inyong inaasahan para sa inyong ikabubuhay. Mga anak, huwag kayong matakot para sa inyong sarili, matakot kayo para sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang yun. Sobra silang sinapian ni Manloloko kaya nahihirapan silang kumawala sa mahigpit niyang hawak. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga taong yun. Mag-ingat kayo sa pakikipag-usap sa kanila. Kasing-higpit ng sipit ang magiging hawak nila sa inyo dahil kontrolado nila ang lahat. Mahihirapan kayong lumaban sa kanila dahil kontrolado nila pati ang inyong bangko, ang inyong ari-arian, ang inyong buwis at ang pagkaing kailangan nyo para mabuhay.
Pero hindi ito magtatagal dahil bilang na ang kanilang mga araw. Kung sila’y mananatili sa kanilang pagkaalipin sa kasamaan, bubulusok sila pababa sa kailaliman. Sobrang nakakakilabot ang kapalarang ito para mailarawan, at sinumang taong makakita ng pahirap na kanilang titiisin, kahit isang minuto lamang niya ito makita, ang taong yun ay babagsak na parang bato – patay.
Ang Laban ay malapit nang magsimula at lumawak, sapagkat ang Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan ay mabilis na babagsak bilang kaparusahan sa kanilang mga kasalanan. Para nga sa mga kasalanang ito kaya Ako namatay. At ang kaparusahang ito’y masasaksihan dito sa mundong ito. Hindi anak ng Diyos ang sinumang tao na magpapatotoo o makikipagsabwatan sa masama pero maayos na hukbo ng pagkawasak na ito. Ang masamang hukbong ito, na punung-puno ng mga demonyong galing sa kailaliman ng Impiyerno, ay sobrang kasamaan ang ginagawa, na hindi kayang tarukin o maintindihan ng mga inosenteng tao.
Hindi Ko gustong takutin ang Aking mga anak, pero darating ang panahon na ang katotohanan ay mabubunyag kung ano ito. Bangon, mga anak Ko, ngayon na. Labanan nyo ang puwersa ng kasamaan bago kayo lipulin ng mga ito. Mag-ingat kayo sa Pandaigdigang Paghahari, anuman ang maging hugis, laki, anyo o batas nito. Tingnan nyong mabuti ang inyong mga pinuno at yung mga may kontrol ng inyong pang-araw-araw na paggamit ng pera, na siyang magpapakain sa inyo at tutustos sa inyong mga pangangailangan sa buhay. Kailangang mag-imbak na kayo ngayon ng pagkain.
Hindi nyo tinanggap ang Mensaheng ito sa paraang sumasalmin sa Aking Mga Aral pero pakinggan nyo Ako ngayon. Ang mga propesiyang ito ay sinabi na noon pa. Kailangang makinig na mabuti ang Aking mga anak. Lumalago ang espirito ng kadiliman at kayo naman, mga alagad Ko, ay kailangang magpakatatag. Panatilihin nyong buhay ang inyong pananalig sa Akin sa pamamagitan ng panalangin. Lahat ng Aking mga alagad ay kailangang dasalin ang panalanging Divine Mercy araw-araw. Palalakasin nito ang mga kaluluwa at tutulungan silang makatagpo ng grasya sa oras ng kamatayan.
Mga anak Ko, huwag nyo namang katakutan ang Aking Mensahe. Ang Aking mga alagad ay may tungkulin na ngayon sa Akin. Hayaan nyong sabihin Ko ito. Mapupuno kayo ng Espirito Santo sa sandaling tanggapin nyo ang Aking Salita. Huwag kayong matakot dahil kayo ang napili. Kayo, ang Aking hukbo ng mga tagasunod, ang magdadala ng pagkatalo ni Masama. Para magawa nyo ito, kailangan nyong manalangin.
Dumarating Akong dala ang isang Mensahe ng Wagas na Pag-ibig. Hindi nyo ba alam na mararanasan nyo ang Paraiso pag nagsanib na ang Langit at Lupa? Walang dapat ikatakot sapagkat kayong Aking mga alagad ay itataas kasama ang inyong katawan, kaluluwa at isip sa kinaroroonan ng Makalangit na Kaayusan. Makikita nyo ang inyong mga mahal sa buhay. Ang inyong mga minamahal na nagbigay ng kasiyahan sa Aking Amang Walang-hanggan.
Gawin nyo ang sinasabi Ko. Manalangin kayo, kausapin nyo Ako, mahalin nyo Ako, at manalig kayo sa Akin. Bilang sukli, bibigyan Ko kayo ng lakas. Ipanalangin nyong kayo’y maprotektahan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo na ibinigay sa inyo nang may kasamang mga pagpapala mula sa Aking mahal na Ina. Sa isang dako, kailangang dasalin ito para matulungan kayong maprotektahan kay Masama. Sa kabilang dako naman ay kailangan nyong ipanalangin ang proteksiyon para sa mga taong nakakasalamuha nyo para hindi nila kayo mahawahan o mabawasan ang pananampalatayang iniingatan nyo sa inyong puso para sa Akin.
Ipanalangin nyo ang Aking mga bisyonaryo at propeta para sila’y maprotektahan. Ipanalangin nyo ang Aking mga mahal na sagradong mga lingkod, yung mga banal at tapat na lingkod na sinugo Ko para akayin kayo. Sila, kagaya rin ng Aking mga alagad, ay pinahihirapan ni Masama. Hindi siya titigil sa pagsisiskap na bulagin kayo sa Katotohanan at gagamitin niya ang lahat ng tusong paraan para mapapaniwala kayo na ang inyong pananampalataya ay di-totoo. Pakinggan nyo Ako. Siya, si Manloloko, ay gagamit ng lohika at pangangatwirang nakabalot sa maamo at madaling kaayusan para kumbinsihin kayo na siya’y nagdadala ng pag-asa sa inyong buhay. Gagamitin niya ang antikristo para sikaping mapapaniwala kayo na siya ang Pinili.
Ang antikristo
Marami sa Aking mga alagad ang maloloko ng nakakagalit na panlilinlang na ito. Maging alerto kayo. Ituturing siyang sugo ng pag-ibig, kapayapaan at pagkakaisa sa mundo. Luluhod ang mga tao sa kanya at siya’y sasambahin. Ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan at aakalain nyo na ito’y galing sa Langit. Pero hindi. Pangangaralan niya kayo sa paraang parang kakaiba kung minsan. Malalaman ng mga tunay na mananampalataya na hindi siya kabilang sa mga nasa Liwanag. Ang kanyang mayabang at maseremonyang asal ay may itinatagong pawang kasamaan. Mayabang siyang maglakad at magmumukha siyang mapagmalasakit at mapagmahal sa lahat. Sa likod ng tabing na ito, siya’y punung-puno ng pagkamuhi sa inyo, mahal Kong mga anak. Sa likod ng pinto, siya’y humahalakhak.
Mga anak Ko, lilituhin niya kayo nang husto. Magmumukha siyang makapangyarihan, may kumpiyansa sa sarili, masayahin, makalinga, mapagmahal at ituturing siyang isang tagapagligtas. Ang kanyang guwapong mukha ay magiging kaakit-akit sa lahat pero hindi magtatagal ay magbabago siya. Guguluhin niya ang mundo at marami siyang papatayin. Magiging malinaw sa lahat ang kanyang mga kakila-kilabot na mga gawain. Wawasakin niya ang inyong kalayaan at magiging instrumento siya para mapairal ang Tatak – ang Tatak ng Halimaw. Mga anak Ko, kailangang magpakatatag kayo. Huwag nyong tatanggapin ang Tatak dahil pag tinanggap nyo ito, mapapasailalim kayo ng kanyang masamang impluwensiya na gagawin kayong tulala at wala sa sarili.
Maraming mamamatay alang-alang sa kanilang pananampalataya sa Akin. Huwag, huwag kayong matakot, sapagkat pag kayo’y nagdusa para sa Akin, sa Akin at kasama Ko, kayo’y pinili. Manalangin, manalangin para hindi kayo mapasailalim sa kanyang nakakakilabot na paghahari. Manindigan kayo at lumaban para sa Akin.
Huwag nyong hahayaang dahil lamang sa nakakaakit na pagkumbinsi ng antikristo ay makuha niya ang inyong mga kaluluwa. Magpakarga kayo ngayon sa Aking Mga Braso at ihehele kayo ng Aking Makalangit na Grasya para mabigyan Ko kayo ng lakas para ipaglaban ang Katotohanan. Di kailanman magmamaliw ang Pagmamahal Ko sa inyo. Huwag na huwag nyong pipiliin ang daang ito at kung hindi ay mawawalay kayo sa Akin. Magiging mahirap ito, pero mabibigyan ng tulong ang Aking mga anak sa napakaraming paraan para mabawasan ang inyong paghihirap. Hayo na at dasalin ang Aking Divine Mercy at maghanda para sa huling laban.
Jesucristo Hari ng Aking Bayan
Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Babala sa Kaparian
Martes, November 16, 2010 09:55 am
Anak Ko, tinanggihan ka kahapon at tinangka nilang tamnan ng mga duda ang iyong isip. Nagdusa ka dahil dito. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Papakinggan ang Aking Salita. Makakatagpo ka ng mga hadlang na dahil sa mga yun ay mawawalan ka ng gana sa iyong Gawain.
Anak ko, ginagabayan kita. Tandaan mo ito at huwag na huwag mong kalilimutan ang Aking pangako. Ginawa Ko ang hiniling mo , at mapayapa kitang pinatulog kagabi. Mas malakas ka na ngayon. Hindi mo ba ito nararamdaman?
Mag-ingat ka kung sinong kinakausap mo. Ang Aking mga alagad, o yung akala mo’y Aking mga alagad, ay hindi sila laging kung anong pagkakilala mo sa kanila. Kailangang pakinggan mo ang itinitibok ng iyong puso.
Ang mundo’y parang laging gaya rin ng dati, pero may pagbabago at nangyayari na ito ngayon. Ang pagbabagong ito ay inaakay ang sangkatauhan sa isang kadilimang babalot sa kanila at palalabuin ang kanilang pagmamahal sa Akin.
Bakit kailangang laging kwestyunin ng Aking mga anak ang Katotohanan? Hindi sila sumusunod sa Aking Mga Aral, gayung ibinigay sa kanila ang Regalong ito mula sa Aking mga apostol, na dahil sa kanilang pagmamahal sa Akin at sa Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay ibinigay sa mundo ang isang napaka-natatanging Regalo. Ang Regalong Katotohanan ay itinuro at ikinalat sa lahat Kong anak sa buong mundo. Maraming anak ang sumunod sa pag-akay na ito sa loob ng mahabang panahon.
Ang iba naman ay alam nga ang Katotohanan pero pinili nilang pilipitin ito at ibagay sa kanilang mga diskarte, kagustuhan, pagnanasa at paghahangad ng kapangyarihan. Hindi na tuloy malaman ng Aking mga alagad kung alin ang Katotohanan ng Salita ng Diyos at kung alin ang mga kasinungalingang ikinakalat nung mga naliligaw. Ganito magtrabaho si Manloloko. Nanggugulo, nagpapahina ng loob, at nangwawasak ng pag-asa, at ginagawa na niya ito mula pa nung Kamatayan Ko sa Krus. Pero pakinggan nyo Ako ngayon. Hindi siya magtatagumpay, anak Ko. Ang mga puwersa ng makalangit na gabay ay muling patitibayin ang pananampalataya ng Aking mga anak sa pamamagitan ng Mga Aral ng Aking mga propeta.
Sabihan mo ang Aking mga anak na maging alerto sila sa mga pagbabagong nakikita nila sa mundo. Sabihin mong buksan nila ang kanilang puso, mata at isip para makita ang mga kasinungalingang ikinakalat ni Satanas. Ang lumalabas sa kanya ay isang sapot ng mga pangakong aakit sa Aking mga anak sa mga panlabas na kababalaghan. Wala namang laman ang mga kababalaghan at pekeng kaluwalhatian lamang ito.
Wala kang mababanaagang pag-ibig sa mga ito at hindi rin sila nagdadala ng tunay na ginhawa sa oras na mabunyag na wala nga silang laman.
Palakas na nang palakas ang mga puwersa ng kasamaan, Aking anak, at si Satanas ang nagpaplano nito sa pamamagitan ng kanyang hukbo ng masasamang alagad. Mga ganid ang mga alagad na ito at kanilang sarili lamang ang mahal nila, kaya sinusunod at sinasamba nila siya at dadalhin niya sila sa kanyang paraisong kislap lamang. Ang paraisong ipinangako niya ay puro maitim na kadiliman lamang at sa oras na madiskubre ito ng Aking mga anak, nakalipas na ang panahon ng pagtubos.
Panalangin para sa Kaligtasan
Ang lahat Kong anak, alang-alang man lamang sa pagmamahal nila sa kanilang pamilya, ay kailangang mamulat sa kasamaang ito kung nais nilang iligtas ang isa’t isa. Aakayin sila ng Aking Pag-ibig, kung lalapit sila ngayon sa Akin. Hinding hindi sila dapat matakot na lumapit at sabihing:
“O my Lord, lead me to Your Kingdom and protect me from the darkness that has engulfed my soul. Hear me now, O Sacred Heart, and through Your Goodness let Your Light of Love and Protection shine through.”
Yung mga anak Kong mananalangin nito ay pakikinggan. Ang kanilang pananalangin para sa kaligtasan, para sa sarili nila at sa kanilang mga mahal sa buhay, ay sasagutin. Masugid Kong sinikap, sa pamamagitan ng Aking mga bisyonaryo na ginagabayan ng Aking Pinagpalang Ina, na magpadala ng mga babala sa mundo. Napakaraming beses na, na ang Aking mga bisyonaryo ay tinanggihan sa simula pero tinanggap din sa dakong huli. Sa pagkakataong ito, hindi na sila pauunlakan ng mahabang panahon para marinig ng sapat na bilang ng Aking bayan ang kanilang mga Mensahe.
Mag-ingat sa mga pekeng propeta
Pero kailangang bigyan Ko ng babala ang Aking mga anak na mag-ingat sa mga pekeng propeta. Marami nang tunay na mga bisyonaryo ang nailigaw. Ang tunay na mga bisyonaryo ay bibigyan ng grasyang maghayag ng Aking Katotohanan, na may kasamang mga makalangit na pangyayari at mga himala na hindi maaaring itanggi at hindi nga itatanggi.
Nadudurog ang Aking Puso pag nakikita Ko kung paanong marami sa kanila ay tinatanggihan ng Aking pinakabanal na mga disipulo. Mismong ang mga disipulo Kong ito ay nagkukulang sa kanilang tungkulin. Kailangan nilang lapitan na Ako ngayon para sila’y magabayan, at manalangin para sa mga grasyang kinakailangan para mamuno sa Aking bayan.
Ang Aking mga sagradong lingkod ay katangi-tangi, at yung mga nakatanggap ng Mga Sakramento ay kailangang pakinggan ang Aking kahilingan. Ang tungkulin nyo ngayon ay sa Akin. Magpanibago na kayo ngayon ng inyong mga pangako. Manampalataya kayo at sumunod sa Aking Sagradong Mensahe. Magpakatatag kayo, dahil kayong lahat ay tinatawag na ngayon para patotohanan ang Katotohan sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag, at tanggapin na dumating na ang panahon. Paghandaan nyo na ngayon ang Dakilang Pangyayaring ito. Huwag nyo Akong itanggi o talikuran kaya. Mangaral kayo nang may puwersa at nag-aalab na damdamin. Huwag nyong palabnawin ang Aking Mga Aral sa pagsasabi sa Aking mga alagad na magiging okey lang ang lahat. Hindi ito ang Mensahe kung bakit kayo tinawag. Ang inyong tungkulin sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay ipaalam sa inyong kawan ang Katotohanan.
Hindi dapat sabihin sa Aking mga anak na lahat sila’y maliligtas. Hindi totoo ito. Dahil yun lamang mga maghahanap ng Aking kapatawaran at susuko sa Aking Mga Aral ang siyang maliligtas.
Bakit ba hindi nyo sinusunod ang Mga Aral ng Banal na Kasulatan? Bakit ba kayo nagdadahilan? Bakit nyo ba inililigaw ang Aking mga anak at pinapapaniwala sila na patatawarin ng Diyos ang lahat ng tao? Ang patatawarin lamang ng Aking Amang Walang-hanggan ay yung mga naniniwala sa Akin at yung mga nagsisisi.
Wala ba kayong natutunan sa Aking pagkamatay sa Krus? Namatay Ako para sagipin ang sangkatauhan mula sa kamalian ni Satanas. At kayo pa, sa inyong maling pagiging maluwag, ang nagtuturo sa Aking mga anak ng isang kasinungalingan. Nabiktima na kayo ng pangungulit ng sangkatauhan na ikubli ang Banal na Doktrina, na kaya kayo tinawag ay para ipangaral ito.
Wala ba kayong hiya? Dalang-dala na kayo ng pang-aakit ng mundo kaya sumusunod kayo sa maling doktrina na idinidikta sa inyo ng popular na pagiging maluwag na pinauuso ni Satanas sa Aking mga anak. Ang kawawang naliligaw na mga batang ito ay nangangailangan ng direksiyon. Kailangan din nilang maintindihan ang kaibhan ng interpretasyon ng tao sa maka-Diyos na pangako na ginawa Ko.
Bakit hindi maniniwala ang Aking mga anak sa panghihimasok ng Diyos? Bakit nyo ito itinatago pag inihaharap sa inyo? Mga pari Ko, pakinggan nyo ang Aking kahilingan. Ipanalangin nyo na ang Aking Mensahe ng Katotohanan ay pakinggan.
Mensahe sa mga Obispo
Sa Aking mga obispo, ito ang masasabi Ko. Hubarin nyo ang inyong mga kapa, talikuran nyo ang kayamanang pinanaligan nyo. Hanapin nyo ang kababaang-loob na kinakailangan nyo. Sundin nyo ang Aking Salita, ngayon na, o harapin nyo ang mangyayari. Ang tungkulin nyo ay sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan. Naging bulag na bulag na kayo. Ang mga palatandaan ay ibinibigay na sa pamamagitan ng mga bisyonaryo, sa himpapawid, at ni hindi nyo pinansin ang mga ito. Sa halip, nakaupo kayo sa inyong mga palasyo at ngumingisi. Dahil dito, hindi patatawarin ang inyong mga kasalanan.
Ang mga kasalanan ng Aking mga sagradong disipulo, yung mga pumili sa Aking daan, ay sinusugatan nang malalim ang Aking Damdamin. Imulat nyo ang inyong mga mata, buksan nyo ang inyong puso, at balikan nyo ang Mga Aral sa Aking Sagradong Aklat.
Mensahe sa mga Kardinal
Sa Aking mga kardinal, ito ang Aking masasabi. Anong kataasan ang naabot nyo na at nalimutan nyo na ang Mga Sakramento o ang Katotohanan ng Aking Mga Aral para pamunuan ang Aking kawan? Baba na, at sundin nyo ang Aking paggabay. Huwag kayong padala sa mga kasinungalingang sumasakal sa sangkatauhan. Huwag na huwag nyo rin Akong itatanggi.
Hinihiling Ko sa inyong lahat na ipanalangin ang Aking mahal at matapang na Santo Papa, ang huling Tunay na Santo Papa. Kayo, mga alagad Ko, ay inililigaw ni Manloloko. Ipinakilala na niya ang kanyang sarili sa mga pasilyo ng Aking Simbahan at nakikita na ngayon ang kanyang masasamang pamamaraan. Yung ilan sa inyong may mata, magmasid kayo, sa harapan at sa likuran nyo. Aagawin niya ang inyong kaluluwa pag bumigay kayo sa kanyang panloloko.
Nakikiusap Ako, manalangin kayo, ngayon na, para sa inyong lahat. Magsumamo kayo na kayo’y Aking gabayan. Magsumamo kayo na kayo’y Aking patawarin at minsan pang pamunuan.
Yung ilan sa inyo na kukwestyunin ang kautusang ito, makinig kayo ngayon. Bakit Ko kayo hindi kakausapin nang ganito? Ako ang nagturo ng lahat sa inyo, sa pamamagitan ng mga apostol, na sa paggabay ng Espirito Santo ay ibinigay sa mundo ang Aking Mga Mensahe, na nabubuhay mula pa noon hanggang ngayon. Ngayo’y malapit na ang panahon. Buong buhay nyo, ipinanalangin nyo na kayo’y gabayan. Ngayon naman, nakikiusap Ako sa inyo, pagbigyan nyo ang Aking kahilingan.
Ang inyong Diyos-Tagapagligtas
Jesucristo
Alisin mo ang lahat ng duda
Martes, November 16, 2010 11:00 pm
Isulat mo ito, anak Ko. Dapat lamang asahan na magkakaroon ng mga pagdududa sa iyong isip. Oo, tinutukso kang tumalikod, pero siya, ang manloloko, ay hindi ka kailanman maaagaw sa Akin. Mahal Kong anak, mas malakas ka kaysa akala mo, dahil iilan lamang sa mga piniling kaluluwa ang makakatugon sa dakila at sagradong kahilingang ito gaya nang ginawa mo.
Kailangan ng tapang para makipag-usap sa Akin nang ganito. Hindi ka tumakbong nanginginig sa takot. Sa simula pa lang ay alam mo na, na ito’y Pakikipag-usap sa Diyos na nasa Kataas-taasan at Kabanal-banalang Kapangyarihan. Malapit mo nang maranasan ang higit pang kaliwanagan na papawi sa lahat mong pagdududa. Pag nangyari ito, bubukas ang iyong isipan para tanggapin ang mga espesyal na grasyang ito, na kailangang ibigay para punuin ka ng katapangan at determinasyong kinakailangan para tulungang magkatotoo ang propesiyang ito.
Oo, anak Ko, manghang-mangha ka na ikaw ang siyang pinili para tuparin ang mga propesiyang nakapaloob sa Aklat ni Juan para ihanda ang sangkatauhan sa paglilinis na malapit nang mangyari. Pag nawala na ang iyong takot, pag-aatubili at pagdududa, mahal Kong anak, babangon ka at tatapusin mo itong napaka-espesyal na gawaing ipinagagawa Ko sa iyo. Ngayon, gawin mo kung ano ang sinasabi Ko. Dasalin mo ang My Divine Mercy sa alas-tres, araw-araw, para makatulong ka sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Kailangang ipagpatuloy mo ang pagdarasal ng Santo Rosaryo na ibinigay sa mundo ng Aking pinakamamahal na Ina, na kasama Kong magtatrabaho para ihanda ang Aking Ikalawang Pagdating sa Lupang ito.
Maraming kaluluwa na ngayon ang nawawala sa Akin, at parami pa nang parami ang inaagaw sa Akin araw-araw ni Masama. Hindi sila pwedeng agawin sa Akin. Tulungan mo naman Akong iligtas ang kanilang kawawang mga kaluluwa. Alisin mo ang lahat ng duda. Ang isipin mo na lang ay ang iyong gawain. Tulungan mong maimulat ang kanilang mga mata para matubos nila ang kanilang mga sarili sa Mata ng Aking Amang Walang-Hanggan.
Kung palagi mo lamang mailalagay sa iyong isip ang pangwakas na resulta, mauunawaan mo kung bakit mahalaga ito at kung bakit isa itong panawagan mula sa Dalisay na Pag-ibig na inilalaan Ko sa lahat Kong anak sa Aking Puso.
Isipin mong parang ganito yun. Ang pag-ibig ng isang tunay na magulang ay walang iniisip na hangganan. Kung ang isang anak ay maliligaw at lalakad sa daan ng kapahamakan, ang pagkadurog ng puso at dalamhating nadarama ng magulang ay parang isang patalim na tumutusok sa puso. Sinumang magulang na nagmamahal sa kanilang mga anak ay magsisikap lumaban hanggang wakas. Hindi sila sumusuko – hinding-hindi. Ganun din Ako. Gagawin Ko ang lahat na nasa Aking Dibinong Kapangyarihan, nang hindi nanghihimasok sa malayang loob ng tao, para pabalikin ang kanilang mga puso tungo sa Aking Sagradong Puso. Ikaw, anak Ko, ang tutulong sa Akin para gawin ito.
Hindi Ko na kailangang ipaalala sa iyo ang pangangailangan na sumunod at lubusang sumuko sa Akin. Ito ang pagtawag na siyang dahilan kung bakit ka pinili. Kunin mo ngayon ang iyong tabak. Kailangang lumaban ka kasangga ng iyong Diyos na Tagapagligtas, sa isang pangwakas na pagsisikap, para iligtas ang lahat Kong anak, bago dumating ang Araw ng Paghuhukom.
Lakad na, as kapayapaan at pag-ibig, para tanggapin ang Aking Katawan ngayong araw.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Mensahe sa Mga Agnostic at Mga Atheist
Huwebes, November 18, 2010 9:00 pm
Sa mga nagsasabing hindi sila naniniwala sa Akin, ito ang masasabi Ko. Tanungin mo ang iyong sarili: May natatandaan ka bang panahon na naniwala ka? Gunitain mo nung bata ka pa, nung naniniwala ka pa sa Diyos. Hindi mahalaga kung ano ang relihiyon ng iyong mga magulang. Naniwala ka ba? Ano ang nagbago? Impluwensiya ba ng iba? Sinabi ba nila na may sagot ang isip ng tao sa iyong pag-iral?
Mula pa sa simula, naging mahirap na para sa Aking mga anak na tanggapin ang iba pang pag-iral maliban sa isang ito. Pero lumingun-lingon ka at pagmasdan ang mga kahanga-hangang Nilikha ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang araw, ang buwan, ang dagat, ang mga ilog, ang mga halaman, ang mga hayop at lahat ng kamangha-manghang bagay ng Sanlibutan, at sagutin mo ito: Saan galing ang lahat ng ito? Naniniwala ka ba talaga na may iba pa itong pinagmulan maliban sa isang Pinakamataas na Umiiral? Mag-ingat ka sa mga kasinungalingang iyong naririnig, na ikinalat ng mga tinatawag na mga manghuhula, na nasa Kilusang New Age. Pinapaniwala sila sa akala nila’y totoo, at naaakit sila sa buhay na ipinangako sa kanila sa bagong panahon. Ang bagong panahong ito, na pinapaniwala sa kanila ay isang bagong paraiso, isang uri ng sentro ng sanlibutan na kontrolado ng tao pero maluwalhati. Hindi totoo ang doktrinang ito.
Maraming tao na nasa panig ng Diyos, pati na yung mga nananampalataya, ay nagkakamali, na ang kanilang paniniwala sa doktrinang ito ay paniniwala sa Liwanag.
Inaakay sila ng mga demonyo. Alam ng ilan na ganun nga. Ang iba nama’y hindi. Ipanalangin nyo na makita nila ang Katotohanan, bago sila magpatuloy sa kanilang walang saysay na daan tungo sa kawalan.
Sa mga atheist na hindi naniniwala sa Diyos, ito ang masasabi Ko. Mahal ko kayo gaano nyo man sugatan ang Aking Damdamin. Sa mga atheist na dinadala at iniimpluwensyahan ng iba pang mga pananalig, huminto kayo at mag-isip. Sa paghahangad nilang sumunod sa pangangatwirang mula sa tao, naniniwala lamang sila sa iba pang pananampalataya – ang pananampalataya na ang tao ang kumokontrol. Hindi ganun. Pero ito mismong mga taong ito, mga mahal Kong mga anak, na Aking ipaglalaban, ay hinihimok na sumunod kay Satanas, ang Manloloko, ang kaaway ng sangkatauhan. Tanungin nyo ang atheist, na gagawin halos lahat para pilitin ang mga anak ng Diyos, kung bakit niya ito ginagawa. Hindi pa ba sapat na itanggi na lamang Ako? Bakit nagsisinungaling ang mga taong ito? Marami rito sa mga grupo ng mga atheist ay may balak, at ito’y para akitin at tuksuhin ang Aking mga anak papasok sa isang pekeng doktrina. Walang kaduda-duda, na ang kanilang paniniwala ay isa pang uri ng relihiyon, isang relihiyong ang pinararangalan ay ang kapangyarihan ng katalinuhan, pangangatwiran at kayabangan. Ginagaya nila ang mismong mga katangian ni Satanas. Sa pagiging bulag nila, sumusunod sila sa ibang pananampalataya – ang pagsamba sa kadiliman, kung saan walang pag-ibig na umiiral.
Ganun kaalab ang damdamin ng mga atheist na ito, ganun na lamang nila ipagmalaki ang kanilang relihiyon, na hindi nila nauunawaan , na ang ipinaglalaban nila ay isa ring relihiyon – ang relihiyon ni Manloloko, na pinagtatawanan ang kanilang katangahan.
Mga atheist, pakinggan nyo Ako sa kahuli-hulihang pagkakataon. Balikan nyo ang Banal na Kasulatan, ngayon na. Basahin nyo ang Aklat ni Juan at pag-isipan nyo ang Katotohanan habang nagsisimula na itong mabunyag ngayon. Hindi ba parang totoo na ito sa inyo, ngayon, na nasasaksihan nyo na ang mga pangyayari, habang unti-unting nalalantad ang mga ito at araw-araw ay isang takip ang naaalis sa mismong harapan nyo?
Hindi nyo ba makita na ang Aking Salita, ang Aking propesiya, na ipinahayag sa napakatagal nang panahong nakalipas, ay maaaring maging Totoo? Imulat nyo ang inyong mga mata at Ako’y kausapin, nang isang beses, nang ganito:
“God if You are the Truth, reveal to me the sign of Your Love. Open my heart to receive guidance. If You Exist, let me feel Your Love, so I can see the Truth. Pray for me now.”
Tinatawag Kita sa kahuli-hulihang pagkakataon at sinasabi ko: Ang pag-ibig ay hindi likha ng tao. Hindi mo ito nakikita, pero ito’y iyong nadarama. Ang pag-ibig ay nagmumula sa Amang Walang-hanggan. Ito’y isang Regalo sa sangkatauhan. Hindi ito nagmumula sa kadiliman. Ang kadilimang nadarama mo ay walang pag-ibig. Kung walang tunay na pag-ibig, hindi mo magagawang makaramdam. Hindi mo magagawang makita ang Liwanag. Hindi mo magagawang makita ang anumang kinabukasan. Ako ang Liwanag. Ako ang kinabukasan. Ibinibigay Ko sa iyo ang kaluwalhatian at buhay na walang-hanggan. Bumalik ka, ngayon na, at humingi ka ng tulong sa Akin. Gawin mo yun, at sasagutin Kita at yayakapin Kita ng Aking Mga Braso.
Ang Aking Mga Luha ng Kaligayahan ang sasagip sa iyo, habang ikaw ay nagiging Aking mahal na anak, nang minsan pa. Halika na at sumama sa Akin sa Paraiso.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Pagbangon ng mga Grupong Maka-Satanas at Pagkontrol sa Mundo
Sabado, November 20, 2010 07:20 am
Anak Ko, sabihin mo sa Aking mga anak na ang matandang ahas ay malapit nang lumitaw. Kailangang huwag nilang hahayaang mahulog sila sa kanyang masamang bitag dahil wala nang makababalik pa mula roon.
Siya, ang matandang ahas, ay maraming balatkayo. Ang kanyang mga alagad ay niloko ang isa’t isa sa mga pangako ng kapangyarihan at kaluwalhatian, at ngayo’y nagpaplano ng maraming pangyayari sa buong mundo na magdudulot ng di-mailalarawang dalamhati, pasakit at kilabot sa lahat ng lugar.
Magiging walang kaalam-alam ang Aking mga anak. Yung mga anak na pinakitaan na ng Katotohanan at Aking ginagabayan, ay matatapang na kaluluwa. Ginagawa nila halos lahat para bigyan ng babala ang mundo tungkol sa mga kilabot na mga grupong ito na kumalat na sa lahat ng direksyon, at iisa ang pakay sa kanilang isip. Nakakalat sila sa bawat bansa at naroon sila sa bawat antas ng kapangyarihan, at sikreto ang kanilang pagpaplano.
Meron din namang mga inosenteng miyembro, na kasapi man sa masamang samahan, ay hindi naman nila alam kung ano talaga ang katotohanan. Sa halip, patuloy silang gumagawa ng mabuti, nang hindi nalalaman ang masasamang gawain na ginagawa nang patago ng mga nakatatanda sa kanila. Walang kaduda-duda, na ang mga nakatatandang ito ay masugid na mga alagad ni Satanas at may mga seremonya sila ng pagsamba na, kung makikita lamang ng ibang mga tao, ay masusuka ang mga ito dahil sa malalaswang mga kilos ng pagsamba kay Satanas at paniniwala sa mga pangako ni Masama, na nasa pinaka-puso ng kanilang mga organisasyon.
Kayong mga natatawa sa mga salita ng Aking matatapang na kaluluwa, pakinggan nyo Ako ngayon. Pag hindi nyo nakita ang Katotohanan at hindi kayo nakinig sa matatapang na boses ng mga yun, mawawasak ang inyong buhay, ang inyong pananampalataya at ang inyong hanapbuhay. Ang tagal nang nagplano ng mga taong ito para mangontrol. Nakikita ang kanilang mga gawain sa maraming maraming bansa, pero pinapangyayari nila sa paraang yung mga walang-alam, na patuloy sa kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay, ay hindi mahahalata ang mga nangyayari.
Ang matandang Ahas ay lilitaw na NGAYON!
Pag sinabi kong ang matandang ahas ay malapit nang lumitaw, ang ibig Kong sabihin ay ngayon na. Siya at ang kanyang masamang hukbo na binubuo ng mayayabang at gutom na mga halimaw, ay matatag at mabilis na nagmamartsa sa lahat ng larangan ng buhay. Kinokontrol nila ang inyong buhay sa mga paraang hindi nyo nalalaman.
Ginagabayan sila ni Manloloko, kaya naman sila’y tuso, tsarming, mahusay magsalita, matakaw, walang-awa, at iisa lang ang pakay. Gusto nilang maghari sa inyong lahat gamit ang mga bangko, modernong komunikasyon, militar, relihiyosong mga organisasyon at gobyerno. Magbantay at makinig na kayo ngayon.
Hindi mga Conspiracy Theory o Teoriya ng Pagsasabwatan
Ang Aking Babala at yung sa Aking mahal na mga anak, ay babale-walain at ituturing na mga conspiracy theory o teoriya ng pagsasabwatan. Malungkot sabihin, pero hindi. Ang sitwasyong ito, anak Ko, ay hindi bigla na lang sumulpot. Ang grupong ito, at ang tinutukoy Ko ngayon ay isang grupo lamang, ay maraming daan-taon nang nagpaplano, at ang kinukuha nila para gawing mga miyembro ay yung mga nasa mataas na lipunan. Pinagpapatay na nila yung mga binuko sila nung nakaraan. Pumatay na sila ng mga pinuno, pati yung mga sikat at magagaling na mga pinuno sa loob ng mga daan-taon. Magkakapatid sila sa dugo at nilalamon nila ang laman ng sangkatauhan.
Mga relic na maka-Satanas
Pinararangalan nila ang malalaswang relic at mga palatandaang gusto ng matandang ahas. Walang kaduda-duda, ang grupong ito ay makapangyarihan at nakakatakot. Ganun sila kalakas, kaya mahirap takasan ang kanilang pagkakahawak pag ang inyong mga kabuhayan, pagkain at pero ay nakadepende sa kanila.
Mga anak Ko, maraming tao na nasa poder, sa mga gobyerno, sa mga bangko, sa mga negosyo ng pagkain at mga ahensya ng pagtulong, ay hindi alam kung ano ang nangyayari, at hindi nila ito malalaman hanggang matapos ang Malaking Pagdurusa na malapit nang mangyari.
Pagkatapos ay makikita nila ang paglitaw ng halimaw na gagawa ng mabilis na pagbabago, kaya kailangan nyong lahat lumaban, sa paraang hindi pa nyo nagagawa, para taguan ang kanyang masamang pamamahala.
Sa oras na makontrol na ng halimaw at ng kanyang mga alagad ang inyong pera, kokontrolin na nila lahat, maliban sa isang bagay. Hindi nila magagawa, at huwag na huwag nilang tatangkain, na nakawin ang inyong mga kaluluwa. Pero ito mismo ang pagsisikapan nilang gawin.
Yung ilan sa inyo na kinukwestyon ang Mensahe ng Katotohan na ito, na dinala sa inyo dahil gusto Ko kayong tulungan at gabayan at ibunyag ang Katotohanan, pakinggan nyo Ako ngayon. Kung hindi kayo naniniwala sa Mensaheng ito, Ako, sa pamamagitan ng mga panalanging hihilingin Ko, sa pamamagitan ng Aking mga alagad, ay ipananalangin Kong makita nyo ang Liwanag. Magbantay naman sana kayo at maging alerto sa mga palatandaan ng masasama at gutom-sa-kapangyarihang mga halimaw na ito, na naglalaway sa plano at sa pekeng kaluwalhatiang idudulot nito. Walang kaduda-duda, na hindi sapat ang kontrolin ang inyong kakayahang kumita ng pera, at ng mapagkukunan nito. Hindi, maraming marami pa ang gusto nilang makuha sa inyo. Gugustuhin nilang kontrolin ang inyong kinakain, iniinom, at tinitirhan. Kaya kailangan nyo ngayong gawin ang sumusunod para protektahan ang inyong sarili.
Maghanap kayo ng mga tirahan
Maghanap sana kayo ng tirahan bilang mga grupo ng mga sumasampalataya. Padadalhan Ko kayo ng Liwanag para tulungan kayong manatiling buhay. Magsimula kayong magtanim ng inyong sariling kakanin. Magtabi kayo ng pagkain. Magsimula na kayo ngayong magplano na parang naghihintay ng isang bagyo. Dapat nyong malaman na ang kadiliman ay ganun na lamang bababa kaya kailangan nyong maghanda para manatili kayong buhay.
Pakinggan nyo ang mga propeta. Huwag nyong uulitin ang pagkakamali ng Aking bayan na ayaw makinig sa Aking propetang si Noe. Tinalikuran nila siya; ayaw nilang makinig, nagpatuloy sila sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain, habang kumakain at naghahalakhakan, at tuluyan na nilang kinalimutan ang kakila-kilabot na kapalarang naghihintay sa kanila.
Bumangon na kayo. Lumapit kayo sa Aking Amang Walang-Hanggan, ang Kataas-taasan, at hingin ang Kanyang patnubay. Ihanda nyo na ang inyong pamilya para sa sumisinip na kadiliman, na hindi nyo pa mauunawaan ngayon. Manalangin, manalangin, manalangin para sa tapang na huwag tanggapin ang tatak ng mabangis na halimaw. Tatangkain niya, gamit ang kanyang masamang hukbo, na ipatupad ang, sa simula, ay isang masamang tatak ng pagkakakilanlan. Ibibigay ito sa inyo at sasabihing ito’y kinakailangan para makapag-withdraw kayo ng pera, bumili ng pagkain, maglakbay, tumira sa inyong mga tahanan at maghanapbuhay. Ito ang pinakamatinding pagkontrol. Kayo at ang inyong tunay na mga pinuno sa pulitika ay walang magagawa.
Hinihimok Ko ang media, yung mga hindi nahawahan ng masamang grupong ito, na tingnan at nang makita kung anong nangyayari. Bukuhin nyo yung lahat ng sumusuporta sa matandang ahas at ang kanyang hukbo, pero lumakad kayo nang buong-ingat.
Mga anak Ko, katakutan nyo ang grupo at dapat nyong malaman na nandyan talaga sila, at yung mga sinasabi nung matatapang at matatatag na mga tao, ay totoo.
Yung ilan sa inyo na nag-iisip kung paanong ang isang Mensahe mula sa mga maka-Diyos na pinagmumulan ay pwedeng magpasibol ng ganung kalaking “kalokohan”, mag-isip-isip uli kayo. Balikan nyo at basahin ang Banal na Kasulatan. Ang mga Salitang nilalaman ng Aklat ng Katotohanan ng Aking Ama ay tama. Sinasabi ng mga ito ang mga pangyayari mula pa sa sinaunang panahon. Ibinibigay nila ang Katotohanan para akayin kayo papunta sa Diyos. Ang Mga Salita ng Aking mga propeta, noon at ngayon, ay inilalarawan ang buong Katotohanan ng buhay na darating.
Ang mga babala na nakapaloob sa Aklat ni Juan, mahirap man itong maintindihan ng maraming tao ngayon, ay nakaugat sa mga pangyayari, na ngayo’y mabubunyag na.
Ang Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay nagpopropesiya nang tama sa sunud-sunod na mga pangyayari na ilulunsad ni Satanas habang palapit na ang pangwakas na panahon. Alam niya ang Katotohanan na bilang na ang kanyang mga araw. Pero sinasabi niya sa kawawa Kong mga anak, na sumasamba sa kanya, na may ibang paraiso, na mas maganda kaysa ipinangako ng Diyos, na naghihintay sa kanila. Kaya, sa pangwakas na pakikipaglaban sa Aking Amang Walang-hanggan, gagawin niya ang lahat para nakawin ang mga kaluluwang ito, ang pinakamaraming maaaring nakawin, bago bumaba ang Galit ng Aking Ama.
Si Satanas ay nagmamadali na. Tumakbo kayo sa kabilang direksyon. Protektahan nyo ang inyong pamilya at manalangin kayo sa paraang hindi pa nyo ginagawa nang napakahaba nang panahon. Panalangin ang poprotekta sa inyong lahat.
Patatagin nyo nang muli ang inyong pananampalataya, at pag bumaba na sa Lupa ang tatlong araw na kadiliman, sila, ang Aking mga alagad, ay madaling makakapag-ilaw sa kanilang mga tahanan. Ang nakakakilabot na kadiliman na walang sinumang makakaunawa ay mas madilim pa kaysa gabi.
Sa mga di-nananampalataya at sa mga umaawit ng mga papuri sa halimaw, makikita nila ang Katotohanan sa puntong yun. Dahil hindi nila magagawang takasan ang kaitiman habang ito’y bumababa.
Manindigan kayo, mga anak Ko, ngayon na, at lumaban. Magplano kayo para mapanatili ang inyong buhay sa katawan at kaluluwa, habang ang masasamang gawain ng mga taong ito ay nalaladlad sa harapan ng inyong mga mata.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Pagbabalik-loob
Linggo, November 21, 2010 1:30 am
Ngayong araw, anak Ko, ay naghahatid Ako ng isang Mensahe ng pag-asa at kapayapaan sa lahat Kong anak na sa palagay nila’y pagkatakot ang inihaharap ng Mga Mensaheng ito. Ipinaaalam Ko sa inyo, na kahit yung mga nahihirapang manampalataya sa Akin, sa Aking Amang Walang-hanggan at sa Espirito Santo, ay hindi sila dapat mag-alala. Marami sa inyo, mahal Kong mga anak, ay gustong manampalataya, pero dahil sa inyong pangangatwiran at pag-iisip na pan-tao, na kung saan ay sinusuri nyo ang lahat ng bagay batay sa pangangatwiran ng tao, ay mahihirapan kayong maniwala sa makalangit.
Huwag kayong matakot. Sa pamamagitan ng pananalangin, kahit minsan lang isang araw, at paghiling sa Aking Sagradong Puso na ibuhos Ko sa inyo ang Aking Pag-ibig, kaagad na maiiba ang inyong damdamin.
Marami sa inyo – yung malabo ang inyong mga pinaniniwalaan – ay naiinggit sa iba na may malalim na pananampalataya. Dapat nyong maunawaan na mahal Ko kayong lahat. Tulad ng isang magulang, bawat isa sa inyo ay may malalim at espesyal na lugar sa Aking Puso. Huwag na huwag nyong iisipin na hindi kayo karapat-dapat sa Aking Pag-ibig.
Di ba’t ganun Ko kayo minahal, na maluwag sa Aking Kalooban ay inialay Ko ang Aking buhay para sa inyo, sa pag-asang mabigyan kayo ng isa pang pagkakataon para magbalik sa Akin?
Mga anak, lagi kayong itutulak sa isang tabi ng iba dahil sa pagpapahayag nyo ng pananampalataya sa inyong Dibinong Maykapal. Pag nangyari ito, gunitain nyo na ito’y isang bagay na dapat pagdusahan ng tao sa Lupang ito, alang-alang sa pagmamahal nila sa Akin. Huwag na huwag nyong hahayaan na ang pananampalatayang ito sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay lalabo o matatago sa mga nagmamasid at awang-awa sa inyo.
Oo, marami sa Aking mga anak, na naimpluwensiyahan ng pangangatwiran at pag-iisip na pan-tao, na sadyang inilagay sa kanilang saradong mga kaluluwa, ay kukwestyunin ang inyong mga pinaniniwalaan. Para lalo pa kayong mainsulto, ikakahiya nila ang inyong pananampalataya, at hindi man nila ito aminin nang lantaran, nakadarama sila ng kakaibang selos. Ang selos na ito ay nanggagaling sa pagkamulat nila sa isang katunayan, na walang laman ang loob ng kanilang mga kaluluwa. Gaano man nila pagsikapang tingnan ang kanilang kalooban, hindi nila maunawaan kung bakit ganito. Ikaw naman, ang sumasampalataya, ay magdaranas ng panlalait ng mga nahihiyang mata ng mga usisero na may mahina, o wala talagang, pananampalataya.
Huwag na huwag kayong matatakot o mahihiya na amining meron kayong pagmamahal sa inyong puso na nakalaan para sa Aking Amang Walang-hanggan. Maging bukas kayo tungkol sa inyong pananampalataya. Isuot nyo nang may pagmamalaki ang inyong pagmamahal sa Akin, para makita ng lahat. Pag ginagawa nyo ito, nagbibigay kayo ng halimbawang gagabay sa kanila.
Huwag na huwag nyong masigasig na ipipilit, gamit ang pangangatwirang pan-tao, ang inyong mga paniniwala sa mga di-naniniwala. Sa halip, pagmamahal at pagtulong ang ipakita nyo sa inyong kapwa, kahit na alam nyong paggabay ang kanilang kailangan. Pag nakita nilang bukas-loob nyong ipinararating ang inyong pagmamahal sa Akin, nang may galak sa inyong puso, magsisimula silang magtaka.
Kung aakayin nyo ang iba sa pamamagitan ng halimbawa ng pagmamahal, respeto at mabubuting gawa, maaakit sila sa Liwanag. Sa simula, marami ang hindi makakaunawa kung bakit. Pero sa katagalan, lalo na sa kapangyarihan ng inyong mga panalangin, lalakad sila palapit sa Akin.
Hinihimok Ko kayong lahat na ipanalangin ang pagbabalik-loob ng lahat ng kaluluwa. Kasama rito yung mga kakilala nyo nang personal, na sa palagay nyo ay nangangailangan ng mga panalangin, dahil sa mga kahirapang kinakaharap nila sa buhay na ito. Ipanalangin nyo rin ang pagbabalik-loob nung kawawa Kong mga anak na nawawala sa Akin dahil sa kadilimang bumubulag sa kanila sa Katotohanan. Ipanalangin nyo nang may malasakit at pagmamahal lalong-lalo na yung mga masigasig na sinusundan ang daan ni Manloloko. Sila, higit kaninuman, ang nangangailangan ng inyong mga panalangin.
Ipagbigay-alam nyo sa lahat ng masasalubong nyo, ang mga detalye kung paano bawat isa sa kanila ay maliligtas, sa bingit man ng kamatayan, sa pamamagitan ng pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy.
Pakiusap, ibigay nyo naman ito sa lahat ng makikinig. Himukin nyo sila, kung kaya nyo, na basahin at sauluhin ito, dahil pag ginawa nyo ito at dinasal nga nila ito sa mga huling hininga nila, maaari silang maligtas at ililigtas Ko sila.
Huwag na huwag nyong ikakahiya ang mga Krus na inyong suot
Huwag na huwag kayong mai-insulto pag tinatawanan kayo o binibiro ng mga di-nananampalataya pag kayo’y nagdarasal. Huwag na huwag nyong ikakahiya ang mga Krus na inyong suot para sa inyong proteksyon. Huwag nyong itatago ang mga simbolong ito ng inyong pagmamahal sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, sa Aking Amang Walang-hanggan o sa Espirito Santo.
Pag isinuot nyo nang may pagmamalaki ang mga tsapang ito ng banal na karangalan, aakayin nyo ang iba palapit sa Akin. Makatikim man kayo sa mga taong ito ng panlabas na paghamak, sa kalooban naman nila ay kinaiingitan nila kayo dahil sa inyong pananampalataya. Marami sa mga miron na ito ay nakadarama ng kahungkagan sa kanilang kalooban dahil wala silang pananampalataya.
Panalangin, mga anak Ko, ang makakatulong sa Akin na mapalapit ang kanilang mga kaluluwa. Dasalin nyo ang panalanging ito para sa kanila.
“My dear Lord, I hold out my arms to ask You to take my beloved brother/sister into Your tender Arms. Bless them with Your Sacred Blood and give them the grace needed to allow them to receive the Spirit of Your Love, to lead them into eternal salvation.”
Mga mananampalataya Ko, pag lantaran kayong hinamon ng iba tungkol sa inyong pananampalataya, sabihin muna nyo ito:
“Alagad ako ni Kristo, Siya na dumanas ng kamatayan sa mga kamay ng mga di-nananampalataya. Dahil dito, bilang isang alagad ni Kristo, lagi akong makakaranas ng kahihiyan mula sa iba, alang-alang sa pagmamahal ko sa Kanya. Yun ang Krus na aking pinapasan at ipinagmamalaki ko ito. Siya, ang aking Tagapagligtas, ay namatay, hindi lamang dahil sa mga kasalanan ko, kundi pati rin sa iyo.”
Pag ipinagmalaki nila ang kanilang pagiging agnostic o atheist, sabihin nyo ito sa kanila. Tanungin nyo sila kung iba ang magiging damdamin nila pag nagtatapos na ang kanilang buhay sa Lupang ito. At pagkatapos ay payuhan nyo sila nang ganito. Sa bingit ng iyong kamatayan, tandaan mo ang panalanging ito ng Divine Mercy kahit hindi ka pa sigurado. Buksan nyo ang inyong puso at hilingin sa Aking Amang Walang-hanggan na sila’y patawarin. Tandaan nyo ang Pangako Ko. Bilang Hukom, at inyo ring Tagapagligtas, magpapatawad Ako, hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng bawat anak Ko sa Lupang ito. Sabihan nyo sila na taimtim silang manalangin, para magawa nilang buksan ang kanilang puso nang kahit minsan man lamang.
Ang panalangin ay inaakay ang lahat Kong anak palapit sa Aking Kaharian sa Lupa pag nagsanib ang Langit at Lupa. Ang kapangyarihan ng panalangin ay talagang mauunawaan lamang pag ang Aking mga anak ay nagbukas ng kanilang puso at tumawag. Humingi kayo, at kung ito’y Kalooban ng Diyos, sasagutin ang inyong mga panalangin.
Huwag na huwag nyong pagkakaitan ang inyong mga anak ng Sakramento ng Binyag
Bilang panghuli, ipanalangin nyo ang maliliit na bata, ang inyong mga anak na lalaki at babae at ang kabataan ng mundo. Bawat isa sa kanila ay karapat-dapat pakitaan ng Katotohanan. Hindi sila pinakitaan ng Katotohanan ng Pag-ibig ng Diyos o ginabayan ng kanilang mga magulang, dahil sa kadilimang espiritwal, na umiral sa Lupa nitong huling dalawang dekada. Mahina man ang inyo mismong pananampalataya, huwag nyong tatalikuran ang inyong tungkulin, bilang mga magulang, na mabigyan sila ng Mga Sakramento, lalo na ang Binyag. Huwag na huwag nyong ipagkakait ang napakahalagang Sakramentong ito sa inyong sariling anak.
Maraming magulang, na mapagmalaking ipinaninindigan at isinisigaw pa ang kanilang pananaw sa hindi pananampalataya, ay sinisira ang kaluluwa ng kanilang mga anak. Ibigay nyo sa inyong mga anak ang regalong mga Sakramento. Darating ang araw na pasasalamatan nila kayo dahil dito o itatanggi Ako. Nasa kanila na yun. Itanggi nyo na Ako kung itatanggi, pero huwag nyong nanakawin ang mga kaluluwa ng Aking mga anak. Maaaring kayo ang kanilang mga magulang sa Lupa, pero mga anak sila ng Aking Amang Walang-hanggan, ang Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay. Huwag nyong tatangkaing isama sila sa kadiliman. Minsan pa, alalahanin nyo, na sa kabila ng inyong sariling mga paniniwala, mahal Ko kayong lahat.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Hukom
Jesucristo, Anak ng Amang Walang-hanggan
Panawagan sa lahat ng Simbahan at Pananalig na Magkaisa Laban sa Kasamaan
Linggo, November 21, 2010 3:00 pm
Sa Aking mga simbahan sa buong mundo, pakinggan nyo ang Aking panawagan. Lahat kayong mga anak at mga alagad ay Akin. Ang dami nyong sumusunod sa mga aral ng inyong simbahan at ng Diyos na Maylikha ng Sangkatauhan. Mabuti yun. Marami sa inyo ay ipinaliliwanag ang Mga Aral ng Aking Amang Walang-hanggan sa iba’t ibang paraan. Nagkaganito dahil sa mga paliwanag ng mga propeta mula pa sa simula.
Maraming propeta ang nagpapaliwanag ng Mga Aral ng Diyos sa paraan ng pagkatanggap nila ng Mensahe. Ang mga salita ng ilan sa Aking mga propeta ay pinalitan. Lahat ng Aking mga propeta ay binigyan ng Katotohanan. Hindi lahat ng Aking mga propeta ay nagawang siguraduhin na lahat ng kanilang alagad ay mananatili sa iisang daan papunta sa buhay na walang-hanggan.
Lahat ng daan ay papunta sa Diyos na Maylikha ng sangkatauhan. Ang mga alagad ng Diyos ay ipinaliliwanag ang Mga Aral sa iba’t ibang paraan, at ito’y nagbubunga ng pagkalito. Sa oras na magkaroon na ng pagkalito, makakasiguro kayo na ang tanging paraan ay pasimplihin ang inyong mga paniniwala. Manampalataya na lamang kayo at magparangal sa inyong Maykapal.
Ako’y nananawagan sa lahat ng simbahan, relihiyon at pananalig sa buong mundo na ipanalangin ang sangkatauhan at yung mga walang pananampalataya – ngayon na. Ang pagmamahal sa Diyos ay walang kinalaman sa pagwasak sa buhay. Walang sinumang tao na may karapatan, sa Ngalan Ko, o ng Aking Amang Walang-hanggan, na kumitil ng buhay o pumatay sa Ngalan Niya. Sa halip ay magsama-sama kayo at magkaisa sa inyong pagmamahal sa inyong Maykapal sa harap ng kasamaan, habang mabilis itong bumabangon at binabalot kayo.
Mga anak Ko, hayaan nyong ipagunita Ko sa inyo ang Mga Utos ng Diyos. Ang Sampung Utos ay ibinigay sa inyo ng Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng Kanyang kabanal-banalan at tapat na propetang si Moses. Ang mga utos na ito ay ginawa para turuan ang mga anak ng Diyos, kung paano Siya kailangang parangalan, para maakay sila sa Katotohanan.
Napakaraming tao ang nakalimot na nito. Yun namang mga hindi nakalimot ay bihirang isipin kung ano talaga ang kahulugan ng mga ito. Yung mga hindi nakakaintindi sa Sampung Utos ay ipinaliliwanag ang mga ito sa paraang malayong-malayo sa Katotohanan. Sa mga yun, sinasabi Kong basahin nyo naman ang Sampung Utos at makinig, at kung hindi ay manganganib kayo na makaharap ang Poot ng Diyos. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi dapat pinalalabnaw sa pagdadahilan ng pekeng pagmamahal, pekeng malasakit o pagbibigay-katwiran sa kasalanan sa harap ng sinabi na sa inyo.
Sinasabi sa inyo ng unang Utos, na ang sasambahin nyo lamang ay ang kaisa-isahang Maykapal, ang Aking Amang Walang-hanggan, at iwasan ang pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Pero ang unang utos ay itinapon sa malayo alang-alang sa mga diyus-diyusan. Pag sinabi Kong diyus-diyusan, hindi Ko ibig sabihin na ang mga ito ay yun lamang mga tao na nasa matataas na puwesto o yung mga iniaangat nang napakataas ang kanilang sarili kaya kayo, Aking mga anak, ay nagkakandarapa sa paanan nila dahil sa sobrang kaligayahan. Oo, isa itong paglabag at labis na nakakainsulto sa Mata ng Diyos. Ang pagsamba sa mga diyus-diyusan na tinutukoy Ko ay ang pagmamahal ng sangkatauhan sa kapangayarihan at pera, na nagdudulot sa Aking mga anak ng hungkag na kawalang-pag-asa. Itong kawalang-pag-asa ay nauuwi naman sa paglabag sa isa pang utos, ang kasalanan ng labis na pagmamahal sa sarili. Ang pagnanasang humanap ng iyong sariling daan sa buhay, sa kapahamakan ng iyong kaluluwa, ang siya mong magiging pagbagsak. Ang pagmamahal sa sarili ay hindi pagmamahal. Ito’y kabanidosohan. Pero yun ay isang popular na doktrina ngayon. Sa likod ng pekeng pagmamahal, sarili mo ang itinataas mo at itinatanggi mo ang Diyos. Wala kang kababaang-loob kaya mapapahamak ka. Pag inuna mo ang iyong sarili sa iba, sila, at marami pang iba, ay magdurusa. Ang Utos na ito ay hindi kailanman dapat baliin. Ang pangangatwirang pan-tao, na ginagamit para bigyang-katwiran ang kasalanan, ay isang kalokohan.
Pagkaloko sa Kasikatan
Para sa kabataan na napakatagal na hindi nagabayan, nahihigop na sila papunta sa kailaliman ng pagsamba sa mga diyus-diyusan sa mga paraang malinaw na nakikita ng lahat. Ang mismong mga diyus-diyusan na sinasamba ng Aking batang mga anak, karamihan ay hindi sa Liwanag. Marami ang nagbenta na ng kanilang mga kaluluwa sa demonyo, at ipinagmamalaki pa nila ito.
Ang nakakatulala nilang kagandahan, gamit ang kanilang musika at mga salita, ay napapaniwala ang Aking mga anak na ito ang tunay na daang dapat sundan. Ang nakakaakit nilang imoralidad ay nag-uudyok sa kanilang mga tagasunod na gayanin sila. Pag ginagawa nila ito, sila, ang Aking mga anak, ay hinaharangan ang Liwanag, dahil sila man ay nahihigop sa kadilimang walang-hanggan. Ang pagkaloko sa kasikatan sa mundo ngayon ay nangangahulugang ang Aking mga anak ay laging balisa, dahil sinisikap nilang abutin ang ganung kataas na mga kalagayan, gaya nung sinasabing tinatamasa nung mga sumusunod kay Manloloko.
Halikayong lahat, lahat Kong anak, ng lahat ng simbahan at pananalig. Magsama-sama kayo at ipaglaban ang karapatang panatilihin ang pananampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan, ang karapatang magmahalan, ang karapatang magkaroon ng malinis na pag-ibig, ang Pag-ibig ng Diyos Amang Walang-hanggan, Maylikha ng Langit at Lupa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Ang Dakilang Babala, Isang Regalo ng Awa
Lunes, November 22, 2010 2:00 am
Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako sa ginagawa mong buong-pusong pagsunod at pananalig sa Aking Mga Salita. Matindi ang pagmamahal Ko sa iyo. Gayun ka rin naman sa Akin. Nadarama mo na ngayon kung gaano Ako kalapit sa iyong puso. Kaisa mo na Ako ngayon, anak Ko. Ako, at ang Aking Amang Walang-hanggan, pati na ang Espirito Santo – ang Santisima Trinidad, ay nagagalak sa iyong pagtugon sa napaka-importanteng panawagang ito. Kami, at lahat ng anghel at santo ay kasama mo sa iyong paglakad, araw-araw, para protektahan ka sa Pinaka-Sagradong Gawaing ito.
Lakasan mo ang loob mo at manatili kang nakahawak sa Aking Kamay. Hayaan mong gabayan Kita sa iyong mga salita para mabigyan ng pagkakataon ang sangkatauhan na maintindihan sa wakas ang Katotohanan bago mangyari ang Dakilang Babala. Ang Dakilang Babalang ito, dahil sa Awa at Pag-ibig, bilang huling Regalo sa Aking mga anak, ay malapit nang mangyari. Bawat isa sa Aking mga anak ay pakikitaan ng kanilang buhay, ang kanilang mga kasalanan, ang kanilang mga kamalian at bawat isa sa mga insultong pinaggagawa nila sa kanilang kapwa, at lahat ng ito ay mangyayari sa loob ng isang misteryosong karanasan. Wala ni isang lalaki, babae o bata sa Lupang ito ang hindi makakaranas nito.
Ang ilan ay sobrang magugulat at malulungkot dahil sa kanilang mga kasalanan at agad lalapit sa Akin, ang kanilang Makatarungang Hukom, at tutubusin ang kanilang mga sarili. Dahil sa pagmamahal at kalungkutan, hihingi sila ng Awa.
Ang iba nama’y labis na sasama ang loob at masisindak sa paraan ng pagkabunyag ng kanilang mga kasalanan kaya bigla na lamang silang mamamatay bago pa sila magkaroon ng pagkakataong humingi ng tawad.
Meron pang iba na sumusunod kay Manloloko. Dahil sa laki ng takot pag nakita nila ang kabuktutan ng kanilang mga kasalanan sa nakaraan nilang buhay na biglang mumulaga sa harapan nila, sila’y tatakas. Tatangkain nilang magtago, pero walang matataguan. Sa pag-ilag at pag-iwas nila, aaminin nila ang kanilang nakikita at kaagad silang hihingi ng tawad. O tatalikod sila at mamimilipit sa hiya at takot, pero hindi sila hihingi ng Awa.
At merong pangwakas na makasalanan. Pag ipinakita sa kanya ang kanyang mga kasalanan, ang gagawin na lamang niya ay makipagtalo at itanggi na ginawa niya itong grabeng mga pagkakasala sa mga Utos ng Diyos.
Basta na lamang niya itatanggi ang katotohanan at tatalikod siya at pupunta sa kadiliman ng Impiyernong walang-hanggan.
Wala ni isang itataboy mula sa Aking Awa
Bakit ba hindi ito maintindihan ng Aking mga anak? Kung talagang nagsisisi sila at gusto nilang sumama at makipamuhay sa Akin sa Bagong Lupa, kung saan ang Langit at Lupa ay magsasanib, bakit hindi sila humihingi ng tawad? Walang itataboy mula sa Aking Awa kung magpapakita sila ng pagsisisi. Pero abalang-abala sila sa kanilang makasariling mga layunin kaya hindi nila makayang intindihin ang magiging mga resulta.
Gising na, lahat kayo. Tanggapin nyo na ang mga pagbabagong malapit nyo nang masaksihan dahil sa masasamang gawain ng sangkatauhan, ang mga palatandaang naipropesiya na at mangyayari muna bago ang Aking pagbabalik sa Lupa.
Magpaakay kayo sa Akin tungo sa Paraiso
Sa pamamagitan ng propetang ito at ng Aklat ng Katotohanan, minsan pa Akong nakikiusap sa inyo, alang-alang sa Aking malaking Pagmamahal sa inyong lahat, lumapit na kayo sa Akin, ngayon na, bago maubos ang oras. Magpayakap kayo sa Akin. Padaluyin nyo ang Aking Pag-ibig sa inyong isip, katawan at kaluluwa. Buksan nyo ang inyong puso at magpaakay kayo sa Akin tungo sa Aking Paraiso, sa Lupa, kung saan magtatamasa kayo ng buhay na walang-hanggan. Bakit nyo gugustuhing piliin yung kabilang daan na walang patutunguhan kundi kapahamakan, gayung ipinakita na ang Katotohanan?
Hinihingal ang Aking Puso sa pagkabahala at kalungkutan pag naiisip Ko ang Aking mga anak na basta na lamang tinatanggihan ang Katotohanan ng Aking pangako. Sinasabi Ko sa inyo, minsan pa, lumapit na kayo sa Akin, ngayon na, at kausapin Ako. Hingin nyo sa Akin na Ako’y bumalik sa inyong puso. Pagkakasyahin Ko ang Aking Sarili sa loob ng inyong kaluluwa. Ibinibigay Ko sa inyo ang pangakong ito, pati sa mga pinakamatigas na mga kaluluwa. Isang salita lamang ang kailangan nyong sabihin. Hingin nyo na ipakita Ko sa inyo ang Aking Presensya sa pagsasabing:
“Jesus, I feel lost. Open my heart to accept Your Love and show me the Truth, so that I may be saved.”
Ang Aking Mga Salita ng Babala ay hindi pagbabanta. Ang pangyayaring ito ay alam na noon pang Aking pagkamatay sa Krus. Bakit nyo iniisip na hindi ito maaaring mangyari? Ang Katotohanan ay nasa Banal na Kasulatan para maintindihan ng lahat. Kikilos Ako bilang inyong Tagapagligtas, hanggang sa huling sandali, bago Ako dumating, bilang Makatarungang Hukom, para sa wakas ay maakay Ko na ang Aking mga anak sa Aking pamilya ng dakilang pag-ibig, galak at kaligayahan, kung saan ang lahat ay mamumuhay sa pagkakasundo magpakailanman.
Si Satanas at ang kanyang mga alagad ay ihuhulog sa kadiliman magpakailanman. Ang Aking pamilya ay masasaksihan ang kaligayahan at Dibinong Kalangitan, na kung masusulyapan lamang ninuman at matitikman ang pangako nito, ay hindi tatalikuran itong purong kaligayahan sa Kaharian ng Aking Ama.
Manalangin kayo, ipanalangin nyo na kayo’y patawarin at papasukin sa Kaharian ng Aking Ama sa kaluwalhatian kung saan kayo, at ang inyong mga mahal sa buhay, ay mapagmahal na tatanggapin sa Liwanag ng Purong Pag-ibig.
Ipaglalaban Kong mabawi Ko kayong lahat
Namatay Ako para sa inyong lahat at ipaglalaban Kong mabawi Ko kayong lahat, sa kabila ng kadiliman ng kasamaan sa mundo, hanggang sa kahuli-hulihang sandali.
Hayaan nyo namang minsan pa’y maipakita Ko sa inyo kung gaano Ko kayo kamahal. Hawakin nyo na ngayon ang Aking Kamay, ipatong nyo ang inyong ulo sa Aking balikat pag-aalabin ang inyong maamong kaluluwa ng isang pagmamahal na inyo nang nakalimutan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Babala ng Giyerang Nukleyar
Martes, November 23, 2010 03:00 am
Anak Ko, nagdurusa ka dahil sa Gawain na ginagawa mo alang-alang sa Akin. Ang kadilimang nadarama mo ay galing kay Manloloko, na nanghahampas oras-oras sa pamamagitan ng iba – yung mga taong kilala mo – sa kapangyarihan ng kanyang kadiliman – para atakihin ka.
Nasisiraan ka man ng loob, sa katunayan ay pinoprotektahan ka. Siya, si Manloloko, ay hindi niya mapipinsala ang iyong kaluluwa. Kailangang ipagpatuloy mo ang pagdarasal ng Santo Rosaryo para lagi kang protektado sa pasakit. Sa pamamagitan ng pagdarasal ng makapangyarihang parangal na ito sa Aking Pinagpalang Ina, makikita mo ang kaibhan.
Ang Gawain, na pinagsisikapan mong ipagpatuloy para tapusin alang-alang sa Akin, ay hindi madali, pero kailangang magpakatatag ka, anak Ko. Dahil ito ang Gawain, na pag ibinunyag sa mundo, ay magdadala ng kapayapaan at kasiyahan sa Aking mga anak.
Sila, ang Aking mga anak, pag naintindihan nila ang Katotohanan, ay malalaman nilang hindi sila iniitsa-puwera at kinakalimutan ng kanilang Maykapal. Ang kaginhawahang madarama nila, sa pamamagitan ng kaalaman na ibibigay Ko sa kanila sa pamamagitan ng Aklat na ito, ay ilalapit sila sa Akin.
Magplano para sa Giyerang darating
Huwag kang matakot, anak Ko, dahil ligtas ka, kahit sa akala mo’y wala kang magagawa at takot ka sa kawalan ng katiyakan. Ang mundo, pati na ang sarili mong bansa, ay malapit nang dumanas ng hirap dahil sa pandaigdigang pag-kontrol, na aalisan ang mga tao ng kapangyarihan, kaya mahalagang maghanda na ngayon.
Nasabi ko na sa iyo na kailangan mong sabihin sa Aking mga anak na magsimula na silang magplano ngayon bago pa magsimula ang nakakatakot na giyerang pandaigdig.
Ang giyerang tinutukoy Ko ay inaayos na ngayon ng Pulang Dragon. Ang Dragon, ang bagong pandaigdigang lakas, ay palihim nang nagpaplano at wawasakin ang mga siyudad ng Kanluran. Nalalapit na ang panahon.
Manalangin, manalangin para sa pagbabalik-loob dahil ang kasamaang ito ay hindi mapipigilan dahil kulang ang pagdarasal para pigilan ito. Ipanalangin nyo yung mga mamamatay dahil sa giyerang nukleyar na ito.
Tatlong Taon bago mabunyag ang Plano
Ipanalangin nyo na ngayon ang mga kaluluwang yun. Ang pandaigdigang lakas na ito, na sa simula ay maamo at may pekeng malasakit na kukunin ang pagkontrol, anak Ko, ay nagpaplanong kontrolin ang inyong kalayaang mamuhay, kumain at magdasal. Kaya kailangan ng Aking bayan na magsikap na maging sapat-sa-sarili. Kayo ang magtanim ng inyong kakanin. Maghanap kayo, habang may panahon pa, ng mga kanlungan na magagamit nyo para magsama-sama at magparangal sa inyong Diyos na Tagapagligtas. Basta magpakatatag kayo. Huwag nyong sasabihan ang napakaraming tao kung bakit nyo ito ginagawa. Sa loob lamang ng tatlong taon ay makikita na ng inyong mga mata ang mga palatandaan ng planong ito.
Sa panahong yun, ang inyong mga plano, na paminsan-minsan ay kinukwestyon nyo at akala nyo’y kakaiba, ay makakatulong na sa inyo. Magtanim na kayo ngayon ng inyong pagkain. Bilhin nyo na ngayon ang mga binhi na hindi nyo na mabibili sa darating na panahon. Pakakanin nito ang inyong pamilya pagsapit ng pandaigdigang taggutom.
Sige na at maghanda.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hagdanan tungo sa perpeksyong espiritwal
Miyerkules, November 24, 2010 2:30 am
Isulat mo ito, mahal Kong anak. Ang pananampalataya ay may paraang iniiwan ang Aking pinakatapat na mga alagad kung kailan hindi nila ito inaasahan. Ito’y mahalaga dahil sinusubukan nito ang kanilang pananampalataya para sila’y magbabalik sa Aking Puso, na mas malakas pa dahil sa karanasang yun. Huwag matakot, ito’y isang pagsubok na pinapayagan Kong pagdaanan ng Aking mga anak para lalo pa silang lumakas.
Hindi madali ang manatili kayong sumasampalataya sa Akin, dahil marami ang mga hadlang, na hinaharang ang inyong debosyon. Paminsan-minsa’y makakaramdam kayo ng isang lubos na kahungkagan sa inyong kaluluwa. Mababahala kayo dahil sa palagay nyo’y kayo’y nag-iisa at wala man lang kahit saklay.
Para sa Aking tapat na mga lingkod, ito ang dapat nyong maunawaan. Ako, sa kabila ng pangungulilang inyong nadarama, ay hinding hindi kailanman lumalayo. Ang lahat ng pangyayaring ito ay iisa ang pakay, at ito’y ang palakasin ang inyong pananampalataya sa paraang makakasigurado kayo na humahakbang kayo ng ilang hakbang palapit sa Akin sa bawat pagkakataon. Ito ang tinatawag na hagdanan tungo sa perpeksyong espiritwal na siyang Langit. Mahaba ang hagdanang ito at maaaring magtagal bago marating ang mga baitang sa itaas. Bawat hakbang ay maaaring magsagisag ng isang bagong pagbubunyag sa kung anong mga leksyon ang kailangan nyong pagdaanan bago nyo makamtan ang mga grasyang inyong kailangan para maitaas nyo ang inyong kaluluwa sa perpeksyong espiritwal na kinakailangan para makapasok sa Paraiso ng Aking Ama.
Sa bawat pag-akyat ng baitang, isang bagong pag-unawa na inaasahan Ko sa inyo ay nagaganap. Mahirap kung minsan, at parang di-patas naman, kung minsan. Pero sa bawat baitang na inyong akyatin, mas humuhusay kayo sa pag-unawa sa Katotohanan ng Aking Mga Aral.
Merong ilan na mabilis akyatin ang mga baitang na ito, samantalang ang iba nama’y hindi nagmamadali. Ilan sa Aking tapat na mga lingkod ay nasisiraan ng loob at aatras ng isang hakbang, dalawang hakbang, o tatlo pag nagkakataon. Natural lang yun. Ang iba naman, na ang bilis kumilos, ay madaling nagkakaroon ng kompiyansa na kinukumbinsi sila na nauunawaan na nila lahat ng bagay na espiritwal. Pero ito’y paraan ni Manloloko para paniwalaan nyo at tanggapin ang pekeng kompiyansang ito. Lahat ng regalong ibinibigay sa inyo ay sa Akin lamang maaaring manggaling. Ibinibigay ang mga ito sa inyo, mga tapat Kong mga alagad, dahil sa Aking walang-hangganang Pag-ibig para sa inyo. Huwag na huwag nyong ipapalagay na dahil malakas ang inyong pananampalataya ay ito’y gawa nyo. Oo nga’t maaaring ang inyong pananampalataya ay malakas dahil kayo’y may pusong-mamon. Pero ito’y Regalo rin na galing sa Akin. Para marating nyo ang pinakamataas na baitang, kailangang maging mapagpakumbaba kayo sa inyong pagmamahal sa Akin. Magpakita kayo ng kabutihan sa lahat ng oras.
Magpakita kayo ng kompiyansa sa inyong pananampalataya sa lahat ng paraan dahil natutuwa Ako pag ganito kayo. Pero huwag na huwag kayong mahuhulog sa bitag na aakalain nyong alam nyo na lahat ng misteryo ng Makalangit na Kaharian. Bilang mga tao na ipinanganak na may kasalanang orihinal, panahon lamang ang maaaring magbunyag ng mga misteryong ito sa inyo, mga anak Ko.
Lagi nyong pagsikapang tanggaping lahat, pati ang mga pagsubok na maaari Kong ipadala sa inyo, bilang isang Regalo mula sa Akin. Lahat ng Aking Mga Regalo ay ibinibigay para palakasin kayo sa inyong pagmamahal sa Akin.
Sobra ang pagmamalaki Ko para sa lahat Kong anak na sumasampalataya sa Akin at nagpapakita sa Akin ng parangal at respeto. Para maitaas Ko kayo sa lubos na Kaluwalhatian ng Paraiso ng Aking Ama, kailangang adhikain nyo ang kaluwalhatian ng lubos na pagkakaisa sa Akin.
Para magawa nyo ito, mga anak Ko, ay ito’y mangangailangan ng ilang panahon at pasensya bago nyo maisuko, nang may lubos na pagpapaubaya, ang inyong mga kaluluwa sa Akin. Pag nangyari na yun, kayo’y magiging bahagi na ng Aking Katawang Mistikal magpakailanman.
Sumuko kayo, mga anak Ko, sa Aking lubos at Malinis na Pag-ibig at hindi nyo na kailangang lumingon pa sa likod o matakot dahil magiging ligtas kayo sa Aking Mga Braso.
Magpakatatag kayo, Aking tapat na mga anak, maging sa harap ng mga balakid, dahil ang Aking mahal at tapat na mga alagad ay hinding hindi Ko pababayaan. Kailanman.
Ang inyong Mapagmahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Pandaigdig na Planong bawasan ang populasyon ng mundo at itumba ang mga pandaigdig na mga lider
Biyernes, November 26, 2010 3:00 am
Pinakamamahal Kong anak, malapit ka nang padalhan ng gabay mula sa isang spiritual director. Pero tatandaan mong marami sa Aking mga alagad ay tinatawag Ko pero hindi lahat ay tinatanggap ang tawag Ko. Alam mo namang hindi Ko pwedeng panghimasukan ang malayang loob, na isang Regalo sa sangkatauhan. Ganun pa man, ang mahalaga ngayon ay ipagpatuloy itong kailangang-kailangang Gawaing ito para ang Aking mga anak ay makinig at maligtas.
Ang Mga Palatandaan
Wala nang kaduda-duda, na malapit nang magkaroon ng pagbabago, at hindi na magtatagal, magkakaroon ng napakaraming mga palatandaan kaya iilan na lang mga tao sa mundo ang hindi mapapansin ang mga ito. Ang mga palatandaang tinutukoy Ko ay yung ibinibigay sa pamamagitan ng Aking mga bisyonaryo sa pamamagitan ng mga aparisyon ng Aking minamahal na Pinagpalang Ina sa Europe. Maraming tao na bukas ang isip at pinalaya na ang kanilang nakakulong na mga kaluluwa,ay mauunawaan ang pakikipag-ugnayang ito mula sa Langit. Pag nakita ng Aking mga anak ang mga milagrosong mga palatandaan, na makikita sa pamamagitan ng araw, malalaman na nila ang Katotohanan.
Huwag nyong papansinin ang pagdusta, panlalait at pagkasuklam na ipakikita pag binasa na ng mga tao ang nilalaman ng sulat na ito. Kapareho rin nito ang nangyari sa Aking Mga Apostol na, sa pamamagitan ng Regalo ng Espirito Santo, ay ginawa ang kanilang Gawain. Ikaw din, Aking anak, ay binigyan na ng Regalong ito. Huwag na huwag mo itong tatanggihan o pagdududahan. Tunay ito at ngayo’y alam mo na yun. Ang iyong mga duda, sa wakas, ay nagsimula nang mawala.
Gaya ng sinabi Ko na, padadalhan kita ng tulong. Ang katibayan ng pangakong ito ay nagsisimula na ngayong makita. Bibigyan din kita ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa hinaharap, na kailangan mong ibunyag, pati na sa mga hindi sumasampalataya. E ano, kung sa simula ay hindi sila maniniwala, dahil habang nagaganap ang mga pangyayari, wala silang magagawa kundi tanggapin ang Katotohanan.
Ang Planong lutuin ang isang giyera
Isang masamang plano ang isinasagawa ng mga pandaigdig na otoridad para lutuin ang isang giyera at nang mabawasan ang populasyon ng mundo. Manalangin, manalangin na kayo ngayon, para matulungan nyong bawasan ang pinsala na gustong gawin ng mga masasamang taong ito sa mundo. Ang kanilang katapatan kay Manloloko ay nangangahulugang, sa pamamagitan ng maka-satanas na mga kapangyarihang tinatanggap nila sa kanya, ay disidido silang isakatuparan ang gawaing yun anuman ang mangyari.
Mga plano para patalsikin si Pope Benedict.
Meron ding mga planong isinasagawa para agawin ang kontrol sa mga simbahan at sa iba’t-ibang mga pananalig kasama na ang Vatican. Ang Aking Pope, ang Aking minamahal na si Benedict, ay napapalagiran nung mga nagsasabwatan para ibagsak siya. Ang ibang mga pandaigdig na mga lider ay walang kamalay-malay sa mga tagong-kapangyarihan sa kanila mismong hanay, at tatargetin din sila para itumba sila.
Mga anak, gising at lumaban. Tunay ang giyerang ito at iba sa anumang giyerang nakita na sa mundo. Giyera ito laban sa inyo, sa bawat isa sa Aking mga anak. Kayo ang target. Ang problema ay hindi nyo makikita ang kaaway. Duwag sila at wala silang lakas ng loob na ipakita ang kanilang sarili.
Mga sikretong miting
Mga lokong-loko sa kanilang sarili, nagmimiting sila nang palihim sa loob ng inyong mga komunidad at nakakalat sila sa lahat ng larangan ng buhay. Matatagpuan nyo sila, hindi lamang sa mga pasilyo ng inyong gobyerno, kundi pati sa inyong mga husgado, sa kapulisan, sa mga pang-negosyong komunidad, sa mga pang-edukasyong komunidad, at sa military.
Huwag na huwag nyong hahayaang diktahan kayo ng mga taong ito kung paano manalangin. Abangan nyo kung paano nila pagtatangkaang maniobrahin ang inyong buhay at simulan nyo nang paghandaan ngayon ang inyong haharapin.
Babala tungkol sa Mga Pandaigdig na Bakuna
Una sa lahat, ay manalangin kayo nang grupo-grupo. Ipanalangin nyo ang mga taong ito na maalab na mga alagad ni Satanas. Ang panalangin ay makakatulong para maiwasan ang ilan sa mga malalaking kapahamakang ito. Bantayan nyo ang mga kasamaang tatangkain nilang gawin sa inyo sa pamamagitan ng bakuna. Huwag kayong magtitiwala sa anumang biglaang pandaigdig na programa para magbakuna, na maaaring magmukhang mapagmalasakit sa pakay nito. Maging alerto. Bansa-bansa ang mga ito na nagsasabwatan para kontrolin ang pinakamaraming taong maaari nilang kontrolin.
Huwag kayong matakot dahil poprotektahan Ko ang Aking mga alagad na nananalangin sa Akin. Ipanalangin nyo rin yung matatapang na mga kaluluwa na nagdisisyung ikalat ang Katotohanan. Marami sa mga taong ito ang pinagtatawanan pero ang malaking bahagi ng kanilang sinasabi ay katotohanan.
Magtabi ng pagkain
Huwag kayong aasa sa mga nagsu-supply ng pagkain. Maghanda na kayo ngayon para sa hinaharap. Simulan nyo ang pagkalap ng pagkain at pagtatanim ng inyo mismo. Magtabi kayo na parang may darating na giyera. Yung mga gagawa nito ay mapapabuti. Ang panalangin at debosyon ay palalakasin ang inyong kaluluwa at ililigtas kayo sa masasamang gawi ng mga taong ito. Huwag na huwag nyo silang papayagang kontrolin ang inyong isip o ang inyong mga paniniwala sa pamamagitan ng kanilang pag-giit at pagpilit na magpatupad ng mga batas na wawasak sa mga pamilya. Pagsisikapan nilang papaghiwalayin ang mga pamilya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng paghihiwalay, kasama na rito ang pagtataguyod ng diborsyo, kalayaang sekswal at kalayaang pang-relihiyon.
Pagtumba sa mga pandaigdig na mga lider
Itataguyod nila ang pagkasuklam sa pagitan ng mga bansa, pagtumba sa mga pandaigdig na mga lider sa pamamagitan ng pagpatay at aagawin nila ang kalayaan ng mga tao sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na asahan ang kanilang diktadurya.
Ang galit ng Diyos ay malapit nang makita dahil hindi Niya papayagan ang kanilang kasamaan na tumagal pa, maliban na lang kung ang mga taong ito, na pinili nang sundin ang kanilang mga organisasyong binigyan ng inspirasyon ni Satanas, ay tatalikuran ang kasuklam-suklam na kasamaang ito. Ipanalangin nyo sila.
Pag-ingatan nyo kung ano ang ibinoboto ng mga tao sa inyong bansa. Bantayan nyo kung ano ang iniaalok nila sa inyo sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit nila. Pakinggan nyo yung mga sinisikap kayong babalaan. Hinihimok Ko kayo na ipanalangin yung mga hindi nananalangin para maaari silang magbalik-loob at nang sa ganun ay sila man ay maligtas.
Ang mga kaganapang ito na tinutukoy Ko, ay malapit nang magsimulang mangyari. Magbukluran kayo, ihanda nyo ang inyong supply ng pagkain, pagsikapan nyong magtanim ng sariling gulay at iba pang mga bagay na makakatulong sa inyo na makalabas ng buhay. Giyera ito laban sa inyo, pero hindi magmumukhang ganito. Basta’t maging alisto kayo.
Ang Mga Simbahan ay ipagbabawal
Yung ilan sa inyo na makakahugot ng lakas ng loob na bumalik sa inyong simbahan, huwag na huwag kayong matatakot na manalangin o ipakita ang inyong pananampalataya nang lantaran. Yung ilan sa inyo na binabale-wala ang Aking Simbahan, huwag naman. Dahil kapag lamang ang mismong Regalong ito na kinakatawan nang lantaran ang inyong pananampalataya, ay inagaw na sa inyo, ay saka nyo lamang, sa wakas, makikita ang Katotohanan. At ikagagalit nyo ito.
Anak Ko, sabihin mo sa Aking bayan na huwag silang mag-panic. Silang Aking mga alagad ay maliligtas at itataas kasama Ko sa mga ulap para hintayin ang Aking Bagong Paraiso sa lupa. Tatamasahin nila ang Aking Bagong Paraiso at muli nilang makakasama ang kanilang mga pamilyang yumao dito sa Bagong Buhay na Walang-hanggan. Kailangang manatili silang matatag, manalangin, at magpakita ng pagmamahal sa isa’t isa. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo lalung-lalo na yung mga naliligaw at nalolokong mga kaluluwa na walang kaalam-alam kung ano ang magiging kahulugan ng kanilang mga ginagawa para sa kanilang kinabukasan sa susunod na buhay.
Yung mga maligamgam ang mga kaluluwa
Para sa Aking iba pang mga anak, yung mga maligamgam ang mga kaluluwa, ipanalangin nyo rin sila. Kailangang magbalik sila sa Akin, at bilisan nila. Mga anak, alang-alang sa inyong pagmamahalan, huwag kayong mag-atubiling babalaan ang mga taong ito tungkol sa Katotohanan. Ipakita nyo sa kanila, sa pamamagitan ng halimbawa, ang kahalagahan ng panalangin para sila man ay hindi mawawala.
Manatili kayong matatag. Huwag na huwag kayong susuko sa hukbo ni Manloloko. Kailanman. Panindigan nyo ang inyong pinaniniwalaan. Protektahan nyo na ngayon ang inyong pamilya. Magbalik kayo sa Akin. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy araw-araw. Para sa mga Kristiyano sa lahat ng lugar, dasalin nyo ang Santo Rosaryo. Hayaan nyo ang Aking Ina, na dalhin kayo pabalik sa Akin sa kanyang pamamagitan.
Mga anak Ko, iniiyakan Ko kayong lahat at kailangan Ko na ngayon ang Aking mga alagad na magsama-sama para bumuo ng puwersa kasama Ko laban sa kasamaang ito. Panalangin ang sagot.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas na si Jesucristo
Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag
Biyernes, November 26, 2010 12:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ngayon ang araw na ang Aking Puso ay dinudurog ng kaguluhan at malalim na kalungkutan sa mundo. Nababalisa Ako habang ang mundo ay galit na nag-aalsa laban sa isa’t isa. Ang malaking bahagi ng kalungkutan ay nagmumula sa kaalaman na ang mga propesiyang ito ay mangyayari pero walang kaalam-alam ang malaking bahagi ng sangkatauhan tungkol dito.
Ipanalangin nyo ang Russia na mai-consecrate sa Aking Pinagpalang Ina
Ayaw pa rin nilang tanggapin na ang mga pangyayaring ito ay iprinopesiya sa Aklat ni Juan. Kaya ang dami ngayong magdurusa dahil wala silang pananampalataya. Ipanalangin nyo na ang Russia ay susuko na rin sa wakas at hahayaan ang sarili na mai-consecrate sa Ngalan ng Aking Pinagpalang Ina. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyong mangyari ito dahil sa pamamagitan ng panalangin magiging posible ang dakilang pangyayaring ito. Pag nangyari ito, milyon-milyon ang maliligtas. Dahil ang panganib ay ang mga puwersang komunista ay babangon kasama ng matandang ahas at magsasama sila para wala na kayong magagawa pa, mga anak Ko.
Tingnan nyo ngayon kung gaano kabilis mag-alsa ang mga bansa para lumaban. Ang bilis ng mga pandaigdig na mga pangyayari ay magdadala ng panghihilakbot habang tumitindi ang mga ito. Mga alagad Ko, kailangang makinig kayo. Ang mga prayer group ay magiging kailangang kailangan para magpalaganap ng pagbabalik-loob at pahinain ang malalaking kapahamakang ito. Pati kayo, na komportable sa buhay at binabale-wala lahat,ay hindi nyo na rin magagawang bale-walain ang mga pangyayaring ito. Kailangang pakinggan nyo na Ako ngayon at tanggapin na yung mga pangyayaring iprinopesiya sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay nangyayari na.
Paglapatin nyo na ngayon ang inyong mga palad sa panalangin. Kung meron kayong kahit katiting na kislap ng pagmamahal sa Akin sa inyong puso, ay hilingin nyo sa Akin na kayo’y Aking hawakan para masindihan at mapalakas Ko ang inyong pananampalataya sa Akin.
Ipaglalaban Ko ang bawat isa sa inyo
Lalaban Ako hanggang sa mapait na wakas para dalhin kayong lahat malapit sa Aking Puso, maging bata man kayo, teen-ager, nasa sapat nang gulang, may-edad o matanda, sa Mata Ko ay pare-pareho kayong lahat. Kayo ang Aking minamahal na pamilya na mahalaga sa Akin – bawat isa sa inyo. Walang iniitsa-pwera, maging yung mga hindi tinatanggap na Ako’y umiiral. Maging yung mga tinatanggap nga ito pero nasusuklam naman sa Akin – mahal Ko pa rin kayo. Ang alab ng Aking Pag-ibig ay hindi kayang abutin ng inyong pang-unawa, at gagawin Ko lahat ng nasa Aking kapangyarihan para ibalik kayo sa Aking kawan. Hindi Ko isusuko ang inyong kaluluwa kay Satanas nang ganung kadali.
Lumapit naman kayo sa Akin
Lumapit naman kayo sa Akin – gaano man karami ang inyong mga pagdududa – at hayaan nyong punuin Ko ang inyong puso ng Aking Dibinong Pag-ibig. Isang tikim lang ng Pag-ibig na yun ay matutulungan kayong maghanda para sa Buhay na Walang-hanggan sa Paraiso kasama Ako, ang Aking Amang Walang-hanggan, at ang inyong mga kapatid. Ito ang inyong pamana, ang inyong karapat-dapat na pamana.
Huwag nyong sasayangin ang tsansang ito ng kaligtasan. Pag ang inyong buhay sa lupa ay natapos na, magkakaroon kayo ng dalawang pagpipilian sa susunod na buhay. Langit sa Paraiso o mga kailaliman ng Impiyerno kasama si Satanas na isasama kayo sa pamamagitan ng mga kasalanang tinukso kayo para gawin sa lupa. Imulat nyo na ngayon ang inyong mga mata. Tatandaan nyo na ang kamatayan sa lupa ay maaaring mangyari sa anumang araw, anumang oras at kung kailan hindi nyo ito inaasahan.
Sa pamamagitan ng Mensaheng ito, isinasamo Ko sa inyo na makita nyo ang Katotohanan bago ang Araw ng Paghuhukom. Lagi nyong tatandaan na mahal Ko kayo. Gaano man kalaki ang nagawa nyong pagkakasala. Pag lumapit kayo sa Akin, at hiniling nyo, mula sa kaibuturan ng inyong puso, na patawarin Ko kayo, mapapatawad kayo. Maging sa inyong huling hininga.
Ang Minamahal nyong Tagapagligtas na si Jesucristo
Panawagan sa mga Sumasampalataya na papagbaliking- loob ang mga naliligaw na mga kaluluwa
Biyernes, November 26, 2010 3:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, nakikiisa sa iyo ang Santisima Trinidad para isulong ang Katotohanan ng Diyos sa bawat kaluluwa sa mundo, at kailangang-kailangan na itong gawin.
Nararamdaman mo ngayon, anak Ko, ang hapdi at dusa sa iyong puso na kaisa Ko alang-alang sa sangkatauhan. Ang nawala nilang pananampalataya ay nagdudulot sa iyo ng isang malalim na kalungkutan at pagkatakot para sa kanilang kinabukasan.
Ang Aking mahal at tapat na mga alagad ay nagkakaisa na ngayon, sa panahong ito, sa lahat ng lugar sa mundo, sa pamamagitan ng makapangyarihang Pag-ibig ng Diyos, upang lumaban para iligtas ang mga kaluluwa sa hatol.
Ang mga ito, na Aking mga anak ng Liwanag, ay galing sa lahat ng bansa. Makikilala nila ang bawat isa sa isang iglap, anuman ang kanilang lahi, kulay o pananalig. Ginagabayan Ko sila para ang hukbong ito ng pag-ibig ay makatulong na palakasin ang pananampalataya ng sangkatauhan sa puntong ito ng kasaysayan.
Hindi Ko pa kailanman nagawa na iparamdam nang ganito ka-linaw ang Aking Presensya sa mga puso ng mga sumasampalataya. Nadarama nila ang pagdurusang tinitiis Ko, habang Aking nasasaksihan ang makadurog- pusong kasamaang umaalingasaw mula sa tao, pati na yung aakalain nyo’y mabait at may konsiderasyon. Ang pagmamahal sa sarili ay nakakasira sa Aking mga anak.
Ang pagka-makasarili at kawalang-konsiderasyon para sa mga nakapaligid sa iyo at para sa mahihina ay nag-iiwan ng mantsa na mahirap alisin. Ang kalupitan na ipinapakita ng tao sa kanyang kapwa, na isa lang ang pakay – pansariling kasiyahan – ay umabot na sa pinakamataas na lebel. Ang pagkaloko para sa pansariling mga pangangailangan ay isang kasalanan sa Mata ng Aking Amang Walang-hanggan.
Ang daming pekeng pagdadahilan, alang-alang sa pagbibigay-halaga sa sarili, na lubos na di-katanggap-tanggap at salungat sa Aking Mga Aral. Magmahalan kayo. Tratuhin nyo ang iba gaya ng inaasahan nyong pagtrato sa inyo. Isipin nyo muna ang pangangailangan ng iba bago yung sa inyo. Ipaglaban nyo ang mga karapatang pan-tao ng inyong kapwa pag ginagawan sila ng kawalang-hustisya ng iba. Huwag na huwag nyong bibigyang-katwiran ang pagparusa sa isang tao para lamang makakuha kayo ng materyal na bentahe.
Magpakita kayo ng pagmamahal at malasakit, pati na sa inyong mga kaaway. Hindi ito madaling gawin, dahil ang Aking mga anak ay maraming nararamdaamang kawalan ng seguridad pagdating na sa mga materyal na bagay. Ang mga sintomas ng pagkaloko sa kayamanan, kagandahan at yung tinatawag na tagumpay, na akala ng marami ay mga likas na katangian ng pagiging tao, ay nagdudulot ng katakut-takot na kalituhan.
Matagal nang naitanim sa isip ng mga tao na dapat ay unahin muna nila ang kanilang sariling mga pangangailangan. Bugbog-sarado na nga ang utak nila sa pilosopiyang ito, e lalo pang pinatindi ito ng mga kapangyarihan ng modernong komunikasyon. Pag naririnig ng Aking mga anak ang mga mensaheng ito, halos araw-araw, sa TV, sa media, sa sine, sa musika at sa Internet, ang nagiging dating sa kanila ay importante ang mga mensaheng ito.
Peke ang pangakong binibitawan ng mga paniniwalang ito, pero mahirap tanggihan dahil nakakaakit at nag-aalok ng pagbibigay ng kasiyahan sa sarili. Kaya tinatanggap ng Aking mga anak ang kasinungalingan, ang kasinungalingang itinanim na ni Manloloko – na si Satanas.
Hindi magtatagal, makadarama sila ng pagkabalisa, dahil nanlamang sila ng kapwa, at nahihirapan silang maintindihan kung bakit sila nababalisa. Nakuha na nila ang hinahangad na premyo, pero ang Aking mga anak na ito ay hindi pa rin masaya. Pagkatapos ay maghahangad sila ng ganun at ganun pa rin, dahil wala na nga silang kabubusugan. Pero wala rin. Hindi pa rin nila mabigyan ng lubos na kasiyahan ang kanilang sarili. Salat sila sa tunay na kaligayahan, sa likas na kasiyahan, at hindi nila maintindihan ang kahungkagang nadarama nila sa kanilang kalooban.
Pag inuna nyo ang inyong sarili bago ang iba, pagkamasarili yun. Pag iniisahan nyo yung mas mahihina at mas madaling saktan kaysa inyo, kasalanan yun. Pag sinisira nyo ang kakayahan ng taong yun na mamuhay nang marangal at pagkatapos ay inaalisan nyo sila ng karapatang pakanin nang sapat ang kanilang pamilya, sobrang nasasaktan Ako. Nagdurusa Ako kasama ng mga kaluluwang ito. Gawan nyo sila ng mali at ginagawa nyo ito sa Akin. Pag pinasasakitan nyo ang inyong kapwa sa pamamagitan ng masasakit na salita, nagkakasala kayo dahil sinaktan nyo ang Aking Damdamin.
Pag pinarurusahan ng isang tao ang kanyang kapwa gamit ang karahasan, pinagdaraanan Ko ang hapdi ng Aking Paghihirap sa Krus. Muli Ko itong isinasabuhay. Nadarama Ko ang hapding nadarama nila pag sinasaktan nyo ang kanilang katawan. Pag mamamatay-tao ka, ang kasalanan mo ay ang pangwakas na kahihiyan ng pagpapako sa Akin sa Krus.
Mga anak, dapat nyong malaman ito. Dadalhin kayo ng kasalanan sa impiyerno. Nakakatakot ito para sa mga sumasampalatayang itinuturing Ako na isang Maawaing Hukom. Ang Aking pangako ng walang-hanggang Awa, na ibibigay Ko sa bawat isa sa inyo na magsisisi, ay ginagarantiyahan Ko pa rin. Pero paano Ko naman ililigtas yung ayaw makita ang kamalian ng kanilang magulong buhay?
Ang pangangaral ng Katotohanan ng Aking Mga Aral ay importante. Pero dahil sa paglaganap ng napakaraming nakakaakit at nakakagulong bagay, hirap na hirap ang Aking mga anak na makilala ang Salita ng Diyos. Marami ang hindi matututunan ang Mga Aral ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta o Banal na Kasulatan. Marami namang talagang ayaw lang matuto. Ang iba nama’y ayaw makinig kahit pa ang Salita ay ikinakalat na sa pamamagitan ng Aking mga propeta at bisyonaryo ng panahong ito, nang may kasamang mga malinaw na palatandaan para makita ng lahat. Kaya nga nasa sa mga sumasampalataya na para ipanalangin ang iba. Mga espesyal na panalangin na ang kinakailangan ngayon. Sa pagdarasal ng Divine Mercy, ang makapangyarihang panalangin, na ibinigay sa Aking mahal na si Sister Faustina, magkakaroon ng maraming pagbabalik-loob.
Pag nangyari yun, hinihiling Ko na ang lahat Kong anak ay muling magsama-sama sa mga prayer group para magpatuloy na ipanalangin at gabayan ang Aking waldas na mga anak na ito – ang inyong mga kapatid. Sa Ngalan Ko at ng Santisima Trinidad, hinihimok Ko ang Aking mahal na mga anak na makipagsanib-puwersa sa Aking Puso at Ako’y tulungang magligtas ng kanilang mga kaluluwa. Ganun Ko sila kamahal, na umiiyak ako ng mapapait na luha ng kalungkutan at matinding takot para sa kanila. Ayaw Ko silang mawala sa Akin.
Tulungan nyo Ako, Aking mga alagad ng Liwanag, na muling ipagkaisa sa Aking pamilya ang mga naliligaw na kaluluwang ito, para sila rin ay makaranas ng Tunay na Paraisong kapit-sa-patalim nilang pinagsisikapan.
Ibigay nyo ang inyong kamay sa kanila. Kausapin nyo sila. Pakinggan nyo sila. Pagmalasakitan nyo sila, kahit na pagalit nila itong ibato pabalik sa inyong mukha. Pagpasensyahan nyo. Higit sa lahat ipadama nyo sa kanila ang Aking Pagmamahal. Sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, magagawa nyong iligtas, at ililigtas nyo nga, ang kanilang mga kaluluwa.
Saludo Ako sa inyo, mahal Kong mga alagad. Naluluha ang Aking Mga Mata dahil sa pagmamahal at debosyong ipinapakita nyo sa Akin, sa Aking Pinagpalang Ina, Reyna ng Kalangitan at sa Santisima Trinidad.
Kami, at lahat ng anghel at santo sa Langit, ay nagdiriwang dahil sa inyong pagtugon sa panawagang ito ngayon. Kaya, sige na at gawin nyo ang inyong Gawain sa Ngalan ng Aking Amang Walang-hanggan. Ibalik nyo ang Aking kawan.
Ang inyong tapat na Tagapagligtas
Jesucristo
Pag-usig sa Mga Totoong Bisyonaryo
Lunes, November 29, 2010 12:48 pm
Anak Ko, isulat mo ito para bigyan ng babala ang mundo tungkol sa pag-usig na ginagawa sa Aking piniling mga kaluluwa na isinugo sa mundo para ibigay ang Katotohanan, upang iligtas ang mga kaluluwa bago sumapit ang Aking Ikalawang Pagdating.
Mapapansin mo na ang Aking mga piniling mga bisyonaryo at propeta ang siyang tatanggihan, agad-agad, kumpara sa mga di-totoong propeta. Ang magaganda Kong mga kaluluwang ito, na pinili dahil sa kanilang simpleng debosyon, ay titiising kaisa Ko ang pagtangging naranasan Ko sa mga kamay ng sangkatauhan.
Yung mga nagdurusa sa Akin, kasama Ko at alang-alang sa Akin, ang mga ito ang mga totoong propeta. Sila ang mga kaluluwang pahihirapan, hahamakin at agad-agad na kokondenahin alang-alang sa Akin. Tatanggihan din sila ng Aking sariling Simbahan, pero hindi ng lahat ng Aking sagradong lingkod. Ang mga tapat na alagad, na sumusunod sa Aking Mga Aral, ay matutukso ring tanggihan sila, hanggang, sa katagalan ay unti-unti nilang makikita ang Katotohanan.
Mula pa sa simula, nang magpasya Akong magsugo ng mga propeta sa mundo, dahil sa Aking Dibinong Awa, para ipaalala sa inyong lahat ang tungkol sa Aking Mga Aral, iilan lang ang pinaniwalaan sa simula. Marami ang hinamak, at itinuring na may sakit na sobra ang imahinasyon, depresyon, o basta na lang hinusgahan na naloko lamang. Karamihan sa mga propetang ito ay nabalisa nang una nilang maranasan ang enkwentro sa Diyos. Marami sa kanila ay pinagdudahan ang mga misteryosong karanasang ito nang ilang panahon bago nila tinanggap na totoo nga ang mga ito. Matagal-tagal din bago nila unti-unting ibinunyag ang kanilang karanasan kaninuman. Kinailangan ang ilang panahon para matanggap nila ito.
Lahat ng Aking piniling kaluluwa, samantalang tinatanggap nila ang kanilang tawag, ay atubiling ibunyag ang Mga Mensahe, o mga utos galing sa Akin, pati na yung mga madre, pari, obispo at kardinal. Kabado sila sa mga taong ito at alam nila sa kanilang puso, na ang mga usaping iniharap sa kanila ay napakahirap harapin. Marami sa mga tinawag ang hindi nagbunyag ng kanilang Mga Mensahe at ang ginamit na lamang ay panalangin at personal na pagdurusa para tuparin ang kanilang tungkulin sa Akin. Ang iba naman, na nagbunyag nga ng Mga Mensahe, gaya nang iniutos Ko at ng Aking Pinagpalang Ina, ay hindi pinaniwalaan. Sa pamamagitan na nga lamang ng mga Makalangit na pagpapakita, na naging malinaw sa paglipas ng panahon, kaya sila pinaniwalaan.
Hinihimok Ko lahat ng Aking alagad na pakinggan nyo ang inyong puso. Tingnan nyo ang Mga Mensaheng ibinibigay ng Aking mahal na mga bisyonaryo at propeta. Ang Mga Mensaheng ito ay ibinibigay sa inyo, dahil sa Purong Pag-ibig, para gabayan kayo at magligtas ng mga kaluluwa. Yun ang layunin. Kung sa akala nyo’y hindi Makalangit ang pinagmumulan nito, ipanalangin nyong kayo’y gabayan. Kung ipinasiya nyo naman na Makalangit nga, ay kayo’y manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ang Aking mga bisyonaryo na sila’y pakinggan.
Ngayon ay hayaan nyong balaan kayo tungkol sa mga palatandaang dapat bantayan pag ang Aking mga totoong bisyonaryo ay inuusig sa Ngalan Ko. Ang mga alagad ni Manloloko, pag nakita ang kanilang Liwanag, ay tatargetin sila, hindi konti lang, kundi ganun kabangis kaya mapapa-buntong-hininga na lang kayo. Hindi lamang nila pahihirapan ang mga ito, sa pamamagitan ng pagkutya, kundi gagawin nila ang halos lahat ng paraan para sirain ang kanilang kredibilidad, at lahat sa Ngalan Ko. Ang hapding titiisin ng Aking mga alagad ay wala kumpara sa hapding idinudulot nito sa Akin.
Ang Aking pagdurusa, nitong mga panahong ito, ay umabot na sa lebel na muli Ko na namang isinasabuhay ang nakakakilabot na parusang tiniis Ko nang Ako’y mamatay para sa inyong mga kasalanan, lahat ng kasalanan, alang-alang sa buong sangkatauhan; pati na yung nagpapahirap sa Akin at sa Aking mga bisyonaryo; yung mga pagpaslang, yung mga taong lantaran Akong itinatanggi at ipinagyayabang pa ito, at ang nakakakilabot na kasamaan sa mundo sa panahong ito.
Pakinggan nyo naman ang Aking mga bisyonaryo. Madarama nyo ito sa inyong puso pag narinig nyo ang Katotohanan. Huwag naman sana kayong mahuhulog sa bitag ng mga umusig sa mga bisyonaryo ng Aking Pinagpalang Ina, kasama na sina Saint Bernadette o ang Aking maliliit na anak sa Fatima. Sobrang binastos sila, lalo na ng Aking sagradong mga lingkod. Sila ang mga pinaka-nasasaktan, pag ang Aking Makalangit na pagpapakita ay ibinibigay sa sangkatauhan, nang dahil sa Pag-ibig. Lalo pang nadudurog ang Aking Puso pag hindi sila naniniwala sa Makalangit, o hindi nila ito nakikilala pag ipinapakita sa kanila.
Ipanalangin nyo naman ang Aking mga bisyonaryo, lalo na ang mga bisyonaryo Ko na ang Mga Mensahe ay hindi pwedeng tanggihan dahil sa pagmamahal na ipinapakita ng mga ito at sa mga babalang nilalaman ng mga ito, dahil ang mga ito ang Aking totoong mga bisyonaryo. Makikilala nyo sila sa mga insulto, paninirang-puri, pasakit at abusong tinatanggap nila sa mga kamay ng Aking mga anak.
Kung titingnan nyo ang abusong tinatanggap nila at pagkatapos ay titingnan nyo ang mga kasinungalingang ikinakalat tungkol sa kanila sa napaka-mapanghamak na paraan, tatanungin nyo ang inyong sarili: Kung ang taong ito ay pinahirapan na nga at hindi na pinaniwalaan, e bakit patuloy pa rin ang napakalupit na pag-abuso sa kanya? At makukuha nyo na ang kasagutan.
Manalangin kayo sa Espirito Santo para kayo’y gabayan para makilala ang Aking mga totoong propeta at bisyonaryo at maihiwalay sila sa iba na nanloloko sa inyo.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Paghahangad ng Kayamanan
Martes, November 30, 2010 12:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, pagtuunan mo ng pansin at pakinggan ang Aking sasabihin. Ikaw ngayon ay nasa masakit na paglipat, mula sa panahon na tinanggap mo ang unang mensahe, hanggang sa kasalukuyan. Unawain mo naman sana, na ang Mga Mensaheng ito ay galing sa Akin at sana’y itigil mo na ang iyong pagdududa. Bibigyan ka nito ng kakayahang pagtuunan ng pansin ang Gawain, na siyang dahilan kung bakit ka tinawag.
Tungkol naman sa mga bagay na nangyayari ngayon sa mundo, nagiging malinaw, araw-araw, kung ano ang tinatangkang gawin sa mundo ng masamang World Order. Ang United Nations, na isa sa maraming pume-prente para sa New World Order na ito, ay tinatangkang burahin lahat ng Aking Mga Aral at gagamit sila ng lahat ng pamatay na sandata na meron sila para gawin ito.
Huwag kayong matakot, dahil ang Aking mga mananampalataya ay lalaban nang husto at hindi Ako itatanggi, lalo na sa mga bansang yun na ikinonsagra sa Akin at merong tapat at di-matitinag na pananampalataya. Hindi sila aatras para payagan ang ganito. Pero para sa marami, dahil napakalaki ang kailangang isakripisyo para siguruhing ang kanilang mga anak ay magagabayan sa Liwanag, wala silang magagawa.
Gaya ng naipaliwanag na sa iyo noon, ang Galit ng Aking Amang Walang-hanggan ay malapit nang ipakita sa Lupa, habang ang tao ay unti-unting umuusad sa tangka nilang itakwil Ako.
Ang mundo ay para pa ring gaya ng dati. Ang mga tao ay parang pareho pa rin sa dati. Ang mundo ng telebisyon, na may kulay-rosas na pang-akit, ay parang pareho pa rin sa dati. Ibinabaon ng mga tao ang kanilang mga ulo sa buhangin. Akala nila’y mananatiling pareho pa rin ang mundo. Malungkot mang sabihin, mali sila. Ang Aking tungkulin sa Aking mga anak ay iligtas kayo. Hindi yung hahayaan Ko kayong mahigop papunta sa kawalan ng pangakong walang kwenta, pangarap na walang katuparan, at mga ambisyong walang pupuntahan. Ang mga ito ay yung mga kasiyahang kinasama nyo nang napakaraming taon. Ang mga ito ay yung mga pangakong, sa hindi nyo naman kasalanan, ay nakumbinsi kayo na ito ang daan patungo sa pagkakaroon nyo ng sariling-pagpapahalaga. Sariling-pakinabang. Sariling-gantimpala. Sinabihan kayo na alagaan si numero uno, anuman ang mangyari, at si numero uno ay kayo. Kayo at ang inyong mga ambisyon, pagnanasa sa kayamanan para sa inyong sarili at sa inyong mga anak, pagnanais na maging mas magaling kaysa inyong mga kapatid, at isang palagian at walang-tigil na paghahangad ng parangal-sa-sarili, at naloko naman kayo.
Ang mga ambisyong ito, na nakakaakit at makinang, ay isinubo sa Aking mga anak ni Manloloko. Marami sa Aking mga anak ay pagtatawanan ang Mensaheng ito at sasabihing hindi ito totoo. Sa kasamaang-palad, si Manloloko ay umiiral at karamihan sa Aking mga anak ay hindi ito pinaniniwalaan.
Tuso siya, dahil tumatago siya sa likod ng mga bagay, tao, aksyon at nakakaakit na mga panghikayat. Ganun na lang ang galing niyang mang-akit, na sa panahong ito, pag tinanong mo ang isang tao kung ano ang pipiliin niya – pera o pagkakataong makaisa niya ang nawalay na pamilya – pera ang pipiliin niya. Tanungin mo ang isa pa kung tatraidurin niya ang kanyang kapatid para magkaroon ng materyal na pakinabang, at ang magiging sagot ay oo. Tanungin mo ang isang bata kung ipagpapalit niya ang simple nilang buhay para sa isang buhay na puno ng mga bagay na kamangha-mangha at nakakapukaw ng damdamin, at ang magiging sagot ay oo.
Kaya nga bakit nahihirapan ang Aking mga anak na maunawaan kung bakit sa oras na naibigay na ang pinakamalaking premyo sa kanila ay nadarama nilang kailangan pa nila nang lalo at higit pa? Ang isang mayaman na tumubo minsan ay palagi at patuloy na maghahangad ng higit pa. Ito’y dahil ang mga regalo ni Satanas ay nag-iiwan ng hilaw at hungkag na pakiramdam sa loob nyo, na hindi nyo maintindihan. Kaya nagpapatuloy kayo sa paghahangad ng higit pa at karaniwan ay naa-agrabyado ang inyong kapwa. Walang sinumang tao na nagkakamal ng malaking kayamanan ang hindi nagdudulot ng paghihirap, kahit papaano, sa mga taong nasasalubong niya sa daan. Walang sinumang tao na naging tanyag, ang nakamtan yun, nang walang ibang tao na kinailangang mawalan nyun. Ang taong hindi nagbabahagi ng kanyang yaman ay nahatulan na. Ang tao na walang-wala ay mas nagbibigay pa kaysa mga tao na nabiyayaan na ng materyal na mga kaginhawahan.
Ang Aking Mga Aral ay hindi maaaring palabnawin
Bakit ba hindi pinapansin ng Aking mga anak ang Mga Aral na ito, na itinuro ng Aking mga apostol simula pa ng likhain ang Bagong Kasulatan? Bakit ba hindi nila sinusunod ang mga doktrinang nilalaman ng mga ito? Akala ba nila’y sinulat ito ng Aking mga disipulo para huwag pakinggan ng mga tao? Ang Mga Aral na ito ay hindi nagbago mula pa nang umalis Ako sa Lupang ito. May dahilan kung bakit nandyan ang mga ito. Magagawa nyong baguhin ang kanilang kahulugan, palabnawin, magdagdag ng bagong kahulugan o alisin ang ilang bahagi, pero mananatili ang isang bagay. At yun ay ang Katotohanan. Ang Katotohanan ay laging mananatiling walang pagbabago. Ito’y hindi maaaring baguhin o babaguhin para ibagay sa sangkatauhan. Pakinggan nyo ngayon ito. Ayusin nyo ang inyong pagkakaupo at kayo’y makinig. Hindi nyo pwedeng sundan ang daang ito at aasa pa kayo na kayo’y makakapasok pa sa Kaharian ng Aking Ama. Marami sa inyo ay binibigyang-katwiran ang nakamtan nyong yaman at kaluwalhatian sa pagsasabing sinwerte kayo. Maaring hindi nyo alam na marami sa inyo ay nagbenta na ng inyong mga kaluluwa kay Masama habang ginagawa nyo yun.
Alam ng ilan sa Aking mga anak na ginawa nila ang grabeng kasalanang ito at bale-wala lang sa kanila yun. Ang iba nama’y talagang naniniwala na ginagawa lang nila ang pinakamabuti para sa kanila at sa kanilang pamilya, pero kailangan nilang maintindihan na ang kasigurunang pinansyal ay katanggap-tanggap; ang paghahangad ng kayamanan at luho ay hindi.
Sa totoo lang, ang mga kayamanang malaki ang halaga ay nakakamtan sa pamamagitan ng kasalanan. Ang kayamanang maaaring makamtan nang hindi nagkakasala, ay hahantong sa pagkakasala.
Sa kabila ng pagkakaroon ng Mga Aral ng Simbahan ng Aking Ama sa buong mundo, hindi pa rin tinatanggap ng mga tao ang Aking Aral. Ang mayayaman, na nagsisikap na mas yumaman pa, ay may isang Diyos. Ang mahihirap, na naghahangad ng kayamanan ay may isang Diyos. Pareho ang mga ito. Pera. Walang silbi ang pera kung nakuha sa masamang paraan, at kung yung mahihirap ay hindi nakinabang sa karanasang yun.
Ang pera, materyal na yaman at lahat ng mabuting bagay na nakamtan ng mga taong nagsasabing sila’y sinuwerte, ay kailangang ibahagi sa mga nangangailangan nito. Ang perang ibinigay sa kawanggawa ay walang saysay pag ginawa para hangaan o mapansin.
Sinisiguro Ko sa inyo na sa kasamaang pinaplano ngayon sa mundo, pag ang gusto nila na limasin ang pera sa inyong bulsa ay nangyari na, saka nyo lang malalaman kung gaano kaliit na halaga meron ang pera. Pag sila, ang masamang grupo, ay kinontrol na ang inyong pera at inalisan kayo ng kakayahang hawakan ito kung hindi kayo papayag sa mga kundisyon nila, makikita nyo, sa wakas, na kailangan nyo ng ibang daan tungo sa kaligayahan.
Mawawalan ng halaga ang inyong pera. Kaya kailangan nyong mabuhay ayon sa batas ng kagubatan. Yung mga may likas na kakayahang mabuhay ay mas madadalian kaysa yung mga hindi pa kailanman nakapagtrabaho nang nakaluhod. Mas magiging mahalaga pa sa inyo ang mga binhing pananim para magpalago ng inyong makakain kaysa isang milyung piso. Ang isang simpleng bungang-kahoy ay magiging mas mahalaga para sa inyo kaysa isang magarang kotse. Dahil pag nahubaran na kayo ng lahat ng bagay, tatawag kayo sa inyong Maykapal, ang Maylikha sa inyo. Sa puntong yun, doon nyo lamang makikita na walang mahalaga kundi ang pagmamahal na nasa inyong puso. Dahil kung wala ang pagmamahal, hindi kayo lalago, o makakapasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Mag-isip-isip na kayo. Mag-ingat kayo sa paghahangad nyo ng kayamanan. Tigilan nyo na bago maging huli na ang lahat. Magbigay at magbahagi at sumunod sa Aking daan. Mahirap ang leksyong ito para sa Aking mga anak na akala nila’y laging wala silang seguridad.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Babala sa Sangkatauhan
Martes, December 07, 2010 3:15 am
Oo, mahal Kong anak, nagbalik Ako. Isulat mo ito. Ikaw, anak Ko, na tumalikod noon sa Akin sa pagtanggi mo sa Katotohanan, ay ngayo’y tutulungan Akong gabayan ang Aking bayan pabalik sa Liwanag, ang Liwanag ng Katotohanan.
Walang sinumang tao na pagkakaitan Ko ng pagkakataon na makita ang Katotohanan ng Diyos. Papakitaan sila ng Awa sa pamamagitan ng Regalo na katibayan ng Aking Pag-iral na ibibigay sa kanila. Ibibigay sa kanila ang Regalong ito habang nangyayari ang Babala, kung saan malalaman nila, sa wakas, ang Katotohanan. Ang malungkot nito, kahit sa puntong yun, hindi lahat ay lalapit papunta sa Akin o sa Kaharian ng Aking Ama.
Anak Ko, ilang araw din Akong hindi nakipag-usap sa iyo. Sinadya Ko ito. Binigyan ka ng panahon para maingat mong masuri ang nilalaman ng Aking Mga Mensahe.
Ngayo’y alam mo na, na ang Mga Mensaheng ito ay mula sa Akin at tungkol ang mga ito sa napaka-importanteng mga usapin. Sa palagay Ko’y magagawa mo nang alamin kung alin ang Katotohanan ng Aking Mga Aral, at alin ang nagmumula sa imahinasyon mo lamang. Anak Ko, ngayo’y nakikita mo na ang hapdi at kawalang-pag-asang nadarama Ko pag nasasaksihan mo, halos araw-araw, ang kabiguang nadarama Ko at ng Aking Amang Walang-hanggan, dahil sa ugali ng malungkot, hungkag at di-sumasampalatayang mundong ito.
Hindi lamang ang mga di-sumasampalataya ang nakakasakit sa iyo, pero sa pamamagitan ng mga regalo at grasyang ibinigay Ko sa iyo, nakikita mo rin ang umiiral na pagkalito, pati na sa mga isipan ng Aking mga alagad. Sila man ay hindi madaling kumbinsihin ng Katotohanan, pag ito’y ibinibigay sa kanila bilang isang Regalong Pag-ibig mula sa Akin, sa pamamagitan ng Aking mga propeta.
Ang haba ng liku-likong daang ito para sa Aking mga anak, habang hinahanap nila ang Katotohanan at ang mga pangakong binitawan Ko sa kanila. Pag tinitingnan mo, araw-araw, ang Aking mga anak, nang harap-harapan, sa kalye, sa TV, sa media at sa hanay ng iyong mga kapit-bahay, nakikita mo na sila ngayon sa pamamagitan ng Aking Mga Mata. Anong nakikita mo – lubos na pagkalimot sa mundong espiritwal at kawalan ng tunay na layunin sa kanilang buhay, kawalang-pag-asa sa kabila ng pagkabighani sa mga makamundong paghahangad. Hindi ito alam ng Aking mga anak, pero isang paglilinis ang kanilang pinagdaraanan. Ang paglilinis na ito, kung saan ramdam nila ang matinding kahungkagan dahil sa kakulangan ng mga materyal na bagay, ay pinayagan Ko. Pero kasakiman ng sangkatauhan ang sanhi nito. Pinayagan Ko ang mga tao na gamitin ang kanilang malayang loob, kaya ang masasamang may kagagawan sa pagbagsak ng sistemang pinansyal sa buong mundo, ay magpapatuloy sa tuso nilang panloloko. Pinayagan Ko ang Aking bayan, ang mga inosenteng biktima, na dumaan sa paglilinis na ito. Importanteng gawin nila ito, dahil ang mga hirap na kanilang titiisin ay makakatulong para linisin ang kanilang mga kaluluwa.
Hindi magtatagal, habang kumokonti ang mga materyal na bagay at nagiging mahirap nang makamtan, makikita nila ang buhay sa isang mas malalim na paraan. Ang pagiging simple ay makakatulong para mamulat sila sa Katotohanan, ang Katotohanan ng kung ano talaga ang mahalaga. Kung wala ang paglilinis na ito, kung saan ang Aking mga anak ay pinapayagang magdusa alang-alang sa kanilang mga kaluluwa, hindi nila magagawang lumapit at hindi sila magiging malapit sa Aking Puso.
Salat sa mga bagay na materyal, na kinalolokohan nila noong parang mga pekeng diyos, babalik na sila sa Katotohanan. Malinaw na nilang makikita ang pagmamahal sa kaluluwa ng isa’t isa. Agad din nilang makikita ang kasamaan, sa buong kapangitan ng luwalhati nito, sa mga taong sumusunod sa pang-aakit ng pagkaloko-sa-sarili at katakawan. Ngayo’y titingnan nila ang mga taong ito, na sa tingin ng media ay dapat tingalain at hangaan, kung paano Ko sila tinitingnan. At yun ay, sila’y may malalim na kawalang-pag-asa at kalungkutan.
Sige na, Aking anak, at intindihin mo nang may malinaw na paningin ang iyong gawain. Alam mo na ngayon ang Katotohanan. Hindi ka na nagdududa. Ikalat mo ang Katotohanan ng kaligtasan sa lalong madaling panahon para mabigyan ang mga tao ng pagkakataong Matubos, bago sumapit ang Dakilang Babala.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Susunod na Buhay
Sabado, December 11, 2010 09:15 am
Pinakamamahal Kong anak, ngayo’y handa ka nang umabante at ipagpatuloy ang pagtapos sa Aking Banal na Aklat ng Katotohanan. Anak ko, pinagdadaanan mo ang paglilinis na kailangan para mabigyan ka ng lakas para sa Gawaing ito.
Ang Aking mga anak, na abalang-abala sa mundong ito na may dalawang bahagi, ay hindi alam na malapit nang maging isa ang lahat. Ang dalawang bahagi ay lungkot at tuwa. Ang lungkot ay umiiral sa mundo sa paraang nagdudulot ng malaking kalituhan at kawalang-pag-asa. Ito’y isang kalungkutang walang katulad mula pa nang itatag ang Lupa.
Ang lungkot na nadarama ngayon ay nakaugat sa pagkawala, na nangyari dahil nawala ang mga materyal na bagay. Nandun din ang paghahangad ng kapayapaan ng isip, katawan at kaluluwa. Maaari lang itong mangyari sa pamamagitan ng kababaang-loob, pagtanggap at pagmamahal sa Aking Amang Walang-hanggan. At nandyan din ang tuwa. Napapangiti Ako nang may pagmamahal, pag ang Aking mga anak ay humahalakhak, ngumingiti at nagkakasayahan. Ito’y isang Regalo mula sa Akin. Ang halakhak at tuwa ay isang mahalagang Regalo sa sangkatauhan, basta’t ito’y malinis at hindi nakakasakit sa kapwa.
Mga anak Kong maliit ang pananampalataya, alam Kong mahirap huminto at sabihing, “Babalik na ako sa Diyos.” Napakarami sa inyo ay hindi alam kung Sino ang Amang Walang-hanggan. Iilan lang ang may alam na sila’y Kanyang binabantayan sa bawat araw ng kanilang buhay – bawat isa sa kanila. Tumatawa Siya, humahalakhak, at tuwang-tuwa pag maligaya ang Kanyang mga anak. Pero hindi Niya kinatutuwaan yung mga natutuwa, o akala nila’y sila’y natutuwa, nang walang pagmamahal sa puso. Ako, ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo, ay mahal Ko kayong lahat na mga anak Ko rin. Pero Ako at ang Aking Amang Walang-hanggan ay Iisa. Nginingitian Ko kayong lahat at umaasa Akong kayo’y magbabalik sa Akin. Halina kayo, mga anak Ko, at sama-sama kayong lumapit sa Akin nang may bukas na puso.
Para sa marami sa Aking mga anak, ang Mga Mensahe, na tumutukoy sa Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa, ay nagdudulot ng takot sa kanilang puso. Hindi dapat matakot. Ito’y magiging isang sandali ng lubos na tuwa, luwalhati at purong kaligayahan. Dahil para sa lahat sa inyo na ibabalik ang inyong mga puso palapit sa Akin, aakapin Ko kayo sa Aking Mga Braso at iiyak Ako ng Mga Luha ng Kaligayahan.
Mga mananampalataya, manalangin na naman sana kayo, para sa mga hindi sumasampalataya o naliligaw. Ang pastol na tinitipon ang kanyang kawan ay laging hahanapin nang walang tigil ang mga nawawala. Ang tamis ng tagumpay niya pag naibalik ang mga ito sa kanyang kawan, ay katulad ng nadarama Ko pag napapabalik Ko sa Akin ang mga naliligaw Kong mga anak.
Mga anak, kahit sa mga sandali ng tuwa at halakhakan sa Lupang ito, tandaan nyo naman sana ang isang bagay. Ito’y isa lang kisap ng purong kaligayahan at tuwa na iiral sa Bagong Lupa paglitaw ng nawalang Paraiso. Pag nangyari na ito, ang bayang hinirang, yung mga mabuti ang pamumuhay at nananampalataya sa kanilang Maykapal, ay sasama sa mga patay na muling nabuhay; ang mga taong yun, mga kaibigan at kamag-anak na sumakabilang-buhay na, ay sasama sa Akin sa bago at maluwalhating kawalang-hanggang ito. Tandaan nyo, mga anak, na mahalagang huwag bale-walain ang Lupang ito. O akalaing ito’y kontrolado nyo, dahil hindi. Habang patuloy kayong nalulubog sa mga pangako nito, mga kabiguan, mga kaligayahan at mga kamangha-manghang bagay na iniaalok nito, tatandaan nyo na panandalian lang ang lugar na ito, isang lumilipas na yugto, bago pumasok sa Kaharian ng Aking Ama – ang Bagong Langit at Lupa, na magiging isa.
Bilang panghuling panawagan, mga anak Ko, manalangin kayo sa Akin, sa inyong sariling mga salita. Hilingin nyo sa Akin na kayo’y Aking patnubayan. Hilingin nyo sa Akin na ipakita Ko sa inyo ang pag-ibig at Katotohanan sa paraang mauunawaan. Huwag nyong ibabaon sa buhangin ang inyong ulo, dahil pag ginawa nyo yun, hindi nyo tatamasahin ang luwalhati ng Bagong Lupa.
Daang walang saysay papunta sa kawalan
Ang mga anak na humahamak at tumatanggi sa Akin, ay sasabihin sa inyo na walang buhay pagkatapos ng buhay na ito. Sinisiguro Ko sa inyo, pinagkakaitan nila ang kanilang sarili ng pagkakataong makarating sa Paraiso at sa halip ay pinipili nila ang isang daang walang saysay papunta sa kawalan. May mga pagkakataon na sumasakay sila sa panloloko ni Manloloko – ni Masama – na napaka-swabeng kumilos at pamatay ang galing, kaya akala nila’y hindi siya umiiral, pero yun pala’y parang mga bulag silang sumusunod, hawak ang kanyang kamay, papasok sa mga pintuan ng Impiyerno.
Ang Aking Pagdurusa sa Hardin ng Getsemane
Pag nakikita ng Aking mga mananampalataya ang mga taong ito na mayabang maglakad at ipinagyayabang na hindi sila nananampalataya sa Diyos, nakadarama ang mga sumasampalataya sa Akin ng isang nakakakilabot na pagdurusa. Silang mga nagpapasan na ng Aking Krus, ay nadarama ang paghihingalong tiniis Ko, sa Aking panahon sa Hardin ng Getsemane.
Dito Ko nalaman na, kahit kusang-loob Ko nang ginawa ang pangwakas na Sakripisyo, nang tanggapin Ko ang kamatayan bilang isang paraan para mabigyan Ko ng pagkakataon ang Aking mga anak na magkamit ng isang lugar sa Kaharian ng Aking Ama, alam Ko sa kalooban Ko na mababale-wala na rin ito para sa ilan sa Aking mga anak. Ito ang pinakamasakit sa lahat, na siyang nagpapawis sa Akin ng Dugo. Ang sobrang takot na nadama Ko, para sa mga nawalang mga kaluluwang yun, ay nasa Akin pa rin hanggang ngayon.
Yung ilan sa inyo na nagtatanong – kung Ikaw ay Diyos, o Ikaw si Jesucristo, e siyempre magagawa Mo kahit ano, di ba? Ang sagot ko ay, siyempre, mapuwera sa isang bagay. Hindi Ako pwedeng manghimasok sa inyong malayang loob na ibinigay sa sangkatauhan. Nasa sa Aking mga anak na kung ito na ang kanilang huling disisyon ng kanilang malayang loob.
Ang inyong nagmamahal na Kristo
Ang inyong Tagapagligtas, Jesucristo
Panawagang itigil ang Pagpatay/Aborsyon
Huwebes, December 16, 2010 1:10 pm
Isulat mo ito, anak Ko. Ang pagpatay sa mga inosenteng biktima ay isa sa mga pinakamalaking kasalanan na maaaring gawin ng tao sa kanyang kapwa. Ito ang pinakagrabeng kasalanan ng laman at sobra Akong nasasaktan nito. Ang kawalan ng pagpapahalaga ng sangkatauhan para sa buhay ng tao sa panahong ito, ay lalo’t lalo pang nagiging malinaw sa mundo.
Ang buhay ay isang mahalagang Regalo mula sa Diyos. Walang sinumang tao ang may karapatang utangin ang buhay ng kanyang kapwa. Walang sinumang tao ang may karapatang utangin ang buhay ng isang sanggol, na hindi pa nakukuha ang kanyang unang hininga sa kapanganakan niya.
Ang krimeng ito ay kasuklam-suklam at walang-kapatawaran. Lahat ng kaluluwa ay galing sa Aking Amang Walang-hanggan, at nalilikha sila sa sandali ng paglilihi. Ang maliliit na sanggol, mga inosenteng kaluluwa, ay walang-awang pinapatay ng mismong mga tao na sinugo para alagaan sila – ang kanila mismong ina, na mananagot sa pagkakait sa karapatan nilang maipanganak.
Bakit ba ang Aking mga anak ay basta nakatayo na lamang at walang ginagawa? Sa ngalan ng kalayaan, ang maliliit na anghel na mga ito mula sa Kaharian ng Aking Ama ay inaalis na sa Lupang ito, bago pa man dumating ang panahon para sa kanila bilang mga anak ng Diyos.
Di ba nauunawaan ng mga babaeng ito na ang mga buhay na napakaliit ang kanilang pagpapahalaga, ay sa Diyos? Naghihirap ang mga sanggol na ito. Tinitiis nila ang hapdi ng paghihingalo habang walang-awa silang pinapatay, at binibigyang-katwiran ito ng mga gobyerno, ng propesyon ng medisina, at ng mga pamilya ng mga babaeng ito. Wala ba silang pagsisisi sa kanilang mga kaluluwa?
Di ba nila alam na ang kanilang kasuklam-suklam na gawaing ito ay walang pinab-ibhan sa gawaing pagpatay ng tao sa kapwa tao?
Sa totoo lang, mas malaki pa ang kasalanang ito dahil ang mga sanggol na ito ay walang-kalaban-laban. Kailangang humingi ng awa ang mga babaeng ito, kung maysala sila. O humingi ng gabay sa Akin, kung pinag-iisipan nila ang aborsyon. Sa anu’t anuman, hahatulan sila ayon sa kanilang kasalanan. Ang mga kasalanan ng laman ang pinaka-nakakasuklam sa Mata ng Aking Ama. Walang kahit anong pangangatwiran para patayin ang kapwa, ang katanggap-tanggap sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan.
Gising na, mga anak Ko, at unawain nyo na ang pag-utang ng buhay ay dadalhin ang mga may kagagawan nito sa mga apoy ng Impiyerno. Walang pagbalik mula sa kailalimang ito na puno ng demonyo. Yun mismong mga demonyo na, dahil sa kagagawan ni Manloloko – si Satanas – ay nakukumbinsi ang mamamatay-tao na tama ang kanyang ginagawa! Halimbawa, kukumbinsihin niya sa tusong paraan ang mga ina, na “tama ang kanilang desisyon.” Gamit ang lahat ng paraan ng panloloko sa isip ng tao, iimpluwensyahan niya ang tao na bigyang-katwiran ang gawain, kahit mali ito. Gagamitin niya ang kasinungalingang ang mga mamamatay-tao ay meron ding kanilang sariling mga karapatan. Na dapat nilang pangalagaan ang kanilang sariling mga kapakanan, una sa lahat. Sa ngalan ng karapatang pan-tao, itinatanghal ang kasinungalingan na ang mga karapatan ng isang ina at ang kanyang kalayaang mamuhay, sa paraang gusto niya, ay dapat hangaan. Kaya nakukumbinsi siya ng kasinungalingan, na tama at wasto na walang-awang patayin ang kanyang anak.
Unawain nyo naman sana na ang pagtindi ng genocide o pag-ubos ng lahi sa mundo ay naipropesiya na. Isa ito sa maraming palatandaang tinutukoy, na may kinalaman sa pangwakas na panahon.
Huminto kayong lahat, ngayon din. Makinig kayo. Ang pagpatay ng tao ay napakalaking kasalanan. Gawin nyo ito at hindi kayo maliligtas. Wala nang balikan. Magsisi, yung ilan sa inyo na nakagawa ng nakakakilabot na kasalanang ito. Humingi ng tawad, ngayon din. Ako, sa Aking Awa, ay makikinig sa inyong panalangin. Pwede kayong maligtas, at maliligtas kayo, kung talagang pagsisisihan nyo ang inyong malaking kasalanan. Makikinig Ako. Magpapatawad Ako. Pero hindi nyo kakampi ang panahon.
Mga mananampalataya, taimtim nyong ipanalangin ang mga nawawala at pagala-galang Kong mga anak na ito, na iniligaw ni Manloloko at ng kanyang mga alagad na nasa mga pwesto ng kapangyarihan. Kailangan na nila ang inyong mga panalangin, ngayon na. Kailangang depensahan nyo, lahat kayo, ang karapatan ng tao na mabuhay, na hindi pwedeng pakialaman ng mga kamay ng tao, sa anumang pagkakataon.
Manalangin kayo sa Akin, araw-araw. Ialay nyo ang anumang pagdurusang meron kayo, para sa mga inosenteng biktima.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Aklat ng Katotohanan
Sabado, December 18, 2010 9:40 am
O, alam mo na ngayon na pag nangako Ako, natutupad. Nagpadala na Ako sa iyo ng isang spiritual director, ang taong pinili Ko sa simula pa lang ng iyong paglalakbay. Kailangan din ng panahon para kunin ng ilang mga pinili ang Kopa ng Aking Gawain. Anak Ko, kailangan mo ang isang spiritual director, para ang Aking Mga Mensahe ay lubusang maintindihan ng isa Kong lingkod. Sa ganun, ang Salita ay kakalat at malalaman ng mga tao ang Katotohanan. Ang daang ito ay puno ng lubak at maikling bahagi, na bubulagain ka at papupuntahin sa ibang direksyon, pero huwag kang matakot. Ginagabayan ka na ngayon at lalago ang iyong kompiyansa sa iyong Gawain.
Ngayon, isulat mo ito. Ang Aklat ng Katotohanan ay ibinibigay sa sangkatauhan para matulungan silang tubusin ang kanilang sarili sa Aking Puso. Binibigyan sila ng pagkakataong ipahayag ang Aking Kaluwalhatian, bago Ako bumalik bilang isang Maawaing Tagapagligtas at Makatarungang Hukom.
Hindi Ko kailanman gustong parusahan ang Aking mga anak, pero sa ilang pagkakataon, yung nakikisama kay Manloloko nang may buong pag-unawa, at ganun na lang nila hangaan siya at ang kanyang masasamang alagad, hanggang sa siya’y sambahin sa harap ng altar, ay hindi maliligtas. Alam nila kung sino sila. Mahihirapan silang bumalik sa Akin. Ipanalangin nyo sila.
Ang inaatake ni Satanas
Konting konti na lang ang panahon ni Manloloko para wasakin ang Lupa kaya pinatitindi niya ang kanyang mga pagkilos sa lahat ng dako. Ang tina-target niya, kalimitan, ay ang Aking sagradong mga lingkod sa Simbahan ng Aking Ama, ang mga talubata at magaganda, pati na ang sobrang matatalino.
Yung mga nagpapatuloy sa pagmamalaki na sila’y hindi naniniwala sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan, ay bibigyan ng isa na lamang pagkakataon para buksan ang kanilang mga puso.
Masakit sa Akin ang pagmasdan sila. Para itong tumitingin sa isang kotseng puno ng tao, mahal Kong mga anak, na tumatahak sa makapal na usok, papunta sa bangin. Nagkamali sila ng liko at ngayon, akala nila’y pauwi na sila sa kaginhawahan ng kanilang bahay, yun pala’y mahuhulog na sila sa madilim na kailaliman ng kawalang-pag-asa.
Ang mga Propesiyang Sinabi Noon ay Ibubunyag na ngayon
Ang sabihan ang Aking mga anak na sila’y makinig, mahal Kong anak, ay hindi magiging madali. Kailangang magtiyaga ka sa kabila ng mga balakid. Importante ang pasensya. Napakahalaga ng Mga Mensaheng ito, at puno ng pagmamahal, at mga babala rin. Silang Aking mga anak, ay kailangang tumigil at unawain na ang mga propesiyang sinabi noon, napakahabang panahon na ang lumipas, ay ibubunyag na ngayon. Ang mga pangyayaring ito ay parating na sa Lupang ito at konting konti na lang ang panahon.
Hindi Ko kailanman ibubunyag ang petsa ng Aking Ikalawang Pagdating
Hindi Ko kailanman ibubunyag sa iyo ang petsa ng Aking Ikalawang Pagdating, mahal Kong anak, dahil hindi ito para malaman mo. Pero bago Ako dumating, kinakausap Ko ang buong mundo ngayon para magpakita sa Aking mga anak ng Aking Makatarungang Awa.
Ang Aking Ina ay gumagawa alang-alang sa Akin
Ang Aking mahal na Ina, na gumagawa alang-alang sa Akin, ay nagpapalaganap ng Mga Mensahe sa pamamagitan ng mga piniling bisyonaryo. Ang iba namang mga piniling propeta ay kusang-loob na palihim na nagdurusa para magligtas ng mga kaluluwa.
Pinapayagan Ko silang danasin ang Aking Hapdi, dahil napakalaking kabutihang-loob ang ipinapakita ng sobrang tapat na mga mananampalatayang ito. Dahil sa kanila, maraming maliligtas. Pero hindi lang yung mga pagdurusang tiniis Ko sa Krus ang nadarama nila, kundi pati na yung mga pasakit na pinagdaraanan Ko ngayon. Bukod pa rito, nagtitiis silang pagtawanan, abusuhin at hamakin paminsan-minsan. Pero dahil sa kanilang kababaang-loob, nagtitiis sila sa katahimikan, o sa ilang pagkakataon, nang lantaran at nakikita ng lahat. Ang iba naman, ang Aking sagradong mga lingkod, na ang pinili ay buhay na mapag-isa, ay malaki ang ginagawa nilang paglilingkod sa Akin. Ang kanilang natatanging sakripisyo ng pagkakait-sa-sarili ay tumutulong din na magligtas ng mga kaluluwa.
Ang Mga Regalo mula sa Diyos ay binabale-wala
Ang paghahatid ng Katotohanan sa isang modernong mundo, kung saan ang teknolohiya ay nakaabot na sa taas na mahihilo ka, ay mahirap gawin. Ang Aking Boses ay parang namamalat na sigaw sa ilang, na initsa-pwera para bigyang-daan ang nakakakiliting pakinggan.
Hindi makuhang intindihan ng Aking mga anak, na lahat ng kamangha-manghang nalilikha para sa kapakanan ng tao, sa pamamagitan ng teknolohiya, ay isang regalo mula sa Aking Amang Walang-hanggan. Lahat ng kahanga-hangang pag-unlad sa gamot para sa kabutihan ng sangkatauhan ay isa ring regalo. Pero binabale-wala ang mga regalong ito, dahil akala ng Aking mga anak ay lahat ng ito ay kagagawan ng tao, pero hindi ganun.
Ang Regalong talino
Ang regalong talino, gaya rin ng regalong kanta, ay isang regalo mula sa Makalangit na Kaharian, na mga regalo nga mismo mula sa Diyos, kaya tina-target ang mga ito ni Satanas, na si Masama. Dahil sa impluwensya niya kaya pinapakialaman ang teknolohiya para wasakin at magdulot ng pagkawasak sa mundo. Ang halakhak niya, pag nakikita niya ang pagputok ng mga giyera at pag ang teknolohiya ay ginagamit para mag-espiya o pumatay. At ang halakhak niyang muli pag ang teknolohiya ng gamot ay ginagamit hindi lang para pumatay, kundi pati para bigyang-katwiran ang pagpatay. Lahat ng nakakatakot na krimeng ito laban sa sangkatauhan, na binigyang-kakayahan ng teknolohiya, ay itinatago sa maskara ng tinatawag na tolerance o pagpayag.
Ang tolerance o pagpayag bilang maskara para sa kasamaan
Ang tolerance o pagpayag ay pwedeng maging pinaka-mainam na maskara para sa kasamaan. Para sa sinumang naging alerto na dahil sa Aking Mga Aral, madaling makita ang mga krimeng ito laban sa sangkatauhan, pag nalalantad sa inyong paningin. Sa ngalan ng pagpayag, ang mga tao’y pinapaslang, pinagkakaitan ng kalayaan, at higit sa lahat, ng karapatang ipaglaban ang katarungang moral.
Talaga, mga anak, maging alerto kayo, maging listo at magbantay, pag naririnig nyo ang salitang “tolerance”, dahil ito ang isa sa mga pinaka-paboritong laro ng panloloko ni Satanas.
Hindi nagawang ipaglaban ng mga tao ang Kristiyanismo
Ang mga anak Ko, sa kabila ng modernong komunikasyon, ay hindi nagawang ipaglaban at aminin ang kanilang Kristiyanismo. Ito’y dahil karamihan sa mga Kristiyano ay nakatira sa western world o kanlurang mundo. Takot silang pagtawanan at bully-hin o kaya-kayanin. Tama sila. Gaganunin talaga sila. Pero ito ang pakinggan nyo. Ang Aking mga anak ay laging nagtitiis ng kung anong uri ng paghamak pag pinapasan nila ang Aking Krus. Makakasigurado sila na ginagawa nila ang Aking Gawain.
Sinumang nagdurusa, alang-alang sa Akin, ay tatanggap ng malalaking biyaya at maraming grasya. Pero ang mga Kristiyanong ipinaglalaban ang karapatang ipahayag nang lantaran ang Aking Ngalan, sila ang pinaka-mahihirapan. Kailangan niyang magpakatatag. Ikaw ang Aking Pag-asa sa Lupang ito. Kung wala ang Aking mga tapat na alagad, ang Aking mga anak ay hindi maitatawid sa huling pintuan tungo sa Kaharian ng Aking Ama. Mahal Ko lahat ng Aking mga alagad. Ako’y nasa kanilang puso, alam nila yun.
Pakinggan nyo na, ngayon na, ang Aking Salita, sa pamamagitan ng propetang ito. Makakatulong ang mga ito, sa pamamagitan ng pagkalat ng usap-usapan, na magligtas ng milyun-milyong kaluluwa sa buong mundo bago ang Aking Ikalawang Pagdating.
Hayo na sa kapayapaan at pagmamahal.
Ang inyong tapat na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Malaking Pagsubok
Lunes, December 20, 2010 10:00 am
Pakinggan mo ito, anak Ko. Ang sangkatauhan ay binabalaan, sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ng tungkol sa palakol na tatama sa mga patuloy na tinatanggihan ang Amang Walang-hanggan. Nalalapit na ang Pagdating ng Malaking Pagsubok. Magsisimula ang pangyayaring ito sa pagtatapos ng taong 2012 at hindi ito dapat ipagkamali sa oras, o petsa, ng Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa. Dahil ito, mga anak Ko, ay hindi ipinopropesiya sa Mga Mensaheng ito. Ang sinumang magtangkang bigyan ng petsa ang Aking Ikalawang Pagdating ay isang sinungaling at hindi totoong propeta. Pero ibinubunyag Ko naman ang mga taon ng mga detalyadong pangyayari patungo sa Aking Ikalawang Pagdating, sa pamamagitan ng propetang ito.
Hindi papayagan ng Diyos na mangyari ang isang planong ubusin ang populasyon ng mundo
Ang Malaking Pagsubok, na iprinopesiya napakahabang panahon na ang nakakalipas, ay ilaladlad ngayon sa paningin ng isang di-makapaniwalang mundo. Ito’y pag ang Tabak ng Katarungan ay tataga sa lahat ng dako. Ang Aking Amang Walang-hanggan ay hindi basta na lamang tatayo at papayagang maisakatuparan ang masamang planong ito, na sa mga sandaling ito ay pinaplano na nang palihim, at ang pakay nito ay ubusin ang populasyon ng mundo.
Ang masamang grupong ito, na mga tapat na alagad ni Satanas, ay tinangka na noon na ubusin ang lahi ng mga anak ng Aking Ama. Nabigo sila. Nagtatangka na naman sila. Mabibigo silang muli, pero magdudulot muna sila ng katakut-takot na pagwasak.
Ang mga Mananampalataya ay hindi dapat matakot
Ang Aking Amang Walang-hanggan, sa Kanyang Awa, ay kailangang manghimasok para pigilin sila, kahit na masakit sa Kalooban Niya na magpawala ng mga pandaigdigang kapahamakan, na nalalapit na. Mga mananampalataya, huwag kayong matakot para sa inyong sarili, o para sa inyong pamilya. Protektado kayo. Pero naman, dasalin nyo naman ang Santo Rosaryo at ang Aking Divine Mercy, palagi, para mabawasan at maiwasan ang ilan sa mga kapahamakang ito.
Magsimula na kayong magplano ngayon. Ang mga taong ito, habang tinatangka nilang kontrolin ang inyong pera, kalusugan, pagkain, pati na ang inyong pananampalataya, ay kailangang labanan. Manindigan kayo at protektahan ang inyong sarili at pamilya sa pamamagitan ng panalangin. Tumawag kayo sa mga santong pinararangalan nyo para tulungan kayo bilang mga tagapamagitan ng Aking Amang Walang-hanggan.
Mga pandaigdig na kapahamakan ay tatama
Habang nagsisimula ang mga pandaigdigang kapahamakang ito nang may kasamang kamangha-manghang mga pagbabago ng klima – na nagsimula na sa banayad pa nga lang na paraan – aakalaing dulot ito ng global warming. Oo nga’t sinira ng sangkatauhan ang Lupa, sa napakapangit na paraan, pero ang mga kapahamakang ito ay walang kinalaman sa climate change.
Ang Aking Amang Walang-hanggan, kung ipapasiya lamang Niya, ay pwedeng maupo na lang at walang gagawin. Sa ganun, mananalo ang masasamang grupong ito, na uhaw sa kapangyarihan at binubuo ng mga nalinlang pero makapangyarihan at gumagawa ng malalaking desisyon. Kung mahihigop nila ang Aking inosenteng mga anak papasok sa kanilang bitag na tulalang katapatan kay Satanas na si Masama, mananakaw nila ang mga kaluluwa. Hindi ito papayagan.
Panawagan sa lahat ng relihiyon na magsama-sama
Panahon na ngayon para ang mga anak at mga alagad ng Aking Ama, pati na yung mga sumasampalataya sa Umiiral na Kataas-taasan, na Diyos na Maykapal at Lumikha at Gumawa ng lahat ng bagay, ay magsanib-puwersa. Hindi na bale kung anumang daan ang inyong nilalakaran para sumunod sa Diyos, o kung sumasampalataya kayo sa Akin, ang Kanyang kaisa-isa at mahal na Anak, basta tumayo kayo bilang iisa. Labanan nyo ang grupong kumakatawan kay Masama. Siya ang inyong kaaway, kung kayo’y sumasampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan. Tinatangka ni Masama na pigilan kayong makapasok sa Paraiso sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanyang mga alagad, na isasama rin niya sila sa isang kapareho at kasing-gandang Makalangit na paraiso. Ang kawawang mga nalinlang at nananalig na mga alagad na ito ay hindi makita ang panloloko dahil binubulag sila ng pang-aakit ng kaluwalhatiang materyal.
Ang mga propesiya sa Aklat ni Juan ay nasisinag na sa Liwanag
Manalangin, manalangin, manalangin, kayong lahat, araw-araw. Konting panahon na lang at mauunawaan na ng lahat ang Katotohanan ng Banal na Kasulatan. Sa wakas ay mauunawaan ng lahat na ang Mga Aral na nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama ay tama. Hindi sila nagsisinungaling. Ang mga propesiya, na inihayag na noon pa, ay makikita na ngayon. Ang Mga Mensaheng ito, na ibinigay sa propetang ito, ay ihahanda ang Aking mga anak para pumasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Sige na, at ikalat ang Aking Katotohanan. Iligtas nyo ang isa’t isa mula sa mga kuko ni Manloloko, bago pa maging huli na ang lahat.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ikatlong Mensahe mula kay Birheng Maria
Lunes, December 20, 2010 10:00 am
Pakinggan mo ako, anak ko. Kailangang magpakatatag ka, alang-alang sa aking mahal na Anak na si Jesucristo. Napaka-importante at napaka-espesyal Niya para talikuran mo nang may pagdududa sa iyong isipan. Oo nga’t madaling malito sa Gawaing ito, pero kailangang buo ang iyong pananalig sa Kanya. Kailangan Niyang ikaw ay sumuko at manalig nang lubusan sa Kanya.
Anak ko, hindi naging madali para sa iyo ang Gawaing ito. Pero, gaya ng sinabi ko na noon pa, gusto mong magtiyaga. Magtatagumpay ka sa pag-kumpleto sa Gawain mo. Hinihimok kita na balikan ang iyong nakagawiang pananalangin araw-araw. Kasi, sa pamamagitan ng aking Santo Rosaryo, mapoprotektahan ka. Anak ko, napaka-Sagrado ng Gawaing ito, kaya bilang pagrespeto, sundin mo naman ang aking Anak sa pamamagitan ng lubusang pananalig sa Kanya. Isantabi mo ang iyong mga pagdududa, anak ko, dahil binigyan ka ng mga natatanging grasya ng Espirito Santo. Ang Katotohanan ay nananahan na ngayon sa iyong puso, kaluluwa at isipan. Ito ang dahilan kaya mas nadadalian ka na ngayong isulat ang Mga Mensahe, na ibinibigay sa iyo ng aking pinakamamahal na Anak.
Mahal ka Niya, anak ko, at pinili ka Niya para sa isa sa mga pinaka-importanteng gawain sa daan-taong ito. Ang iyong Gawain ay ikinukumpara sa ipinagawa kay Sister Faustina. Pinagdaraanan mo ang mga kaparehong pagdurusang tiniis niya. Huwag mong katakutan ang mga pagdurusang ito, na binubuo ng iyong kawalan ng kakayahang manalangin at araw-araw na pagdududa, dahil normal lang ang mga ito. Lilipas din ang mga ito. Lahat ng santo, pati si Saint Faustina, ay kasama mo sa iyong paglakad, anak ko, at araw-araw ka nilang ginagabayan.
Ang Gawaing ginagawa mo alang-alang sa akin at sa aking mahal na Anak, ay naipropesiya na. Isa ito sa mga pinaka-importanteng paraan kung saan makakapagligtas ka ng mga kaluluwa. Huwag kang manghina o mag-atubili. Lagi at lagi kang tatawag sa iyong mahal na Ina para sa tulong niya. Naroroon ako para sa iyo. Manalangin ka naman sa aking Anak sa pagdarasal ng Kanyang Divine Mercy Chaplet. Sa ganun, magiging mas malapit ka sa Kanya at madarama mo Siyang kumikilos sa iyong puso.
Magpakatatag ka na at umabante, ngayon na. Mapagmahal mong tingnan ang mahalagang daan papunta sa Santisima Trinidad. Kasama mo Silang lahat. Magdurusa ka, pero isipin mong ito’y isang biyaya, dahil kung walang pagdurusa, hindi mo magagawang manatiling malapit sa Puso ng aking Anak.
Yun na lang muna. Lumapit ka at buksan na ngayon ang iyong puso sa aking mahal na Anak na si Jesucristong Kataas-taasan.
Pag-ibig at Kapayapaan
Ating Ina ng Mga Rosas
Ang Aking Hapdi at Pagdurusa ngayon
Miyerkules, December 22, 2010 2:40 am
Anak Ko, sobra ang pagdurusa Ko dahil sa mga kasalanan ng sangkatauhan at sa malupit na pagtanggi na Ako’y Umiiral, na napaka-pangkaraniwan na ngayon sa mundo, at pambihira na ang dami ng mga mananampalatayang tinalikuran na Ako.
Lalo pang tumitindi ang hapdi, paghihirap at paghihingalo habang ipinagdiriwang ng mundo ang Pasko. Alam Ko sa Puso Ko na ito man ang pinaka-importanteng Kapistahang Kristiyano, hindi naman ipinahahayag ang Aking Mga Aral sa paraang nararapat.
Pinakamamahal Kong anak, kailangang tiisin mo ang iyong mga pagdurusa, maging sa isip man ito o sa kaluluwa. Mas ilalapit ka nito sa Aking Sagradong Puso. Sa puntong yun lang, pag tiniis mo na ang mga pagsubok ng pagdurusang ito, ay saka mo lang Ako makakaisa.
Anak Ko, manalangin, manalangin, ipanalangin mo na pagiginhawahin ng ibang mga kaluluwa ang paghihingalong Aking tinitiis. Naku, kung masasagip Ko lang kaagad ang mga kaluluwa at mayayakap Ko ng Aking mapagmahal na Mga Braso, gagaling na sana ang Puso Ko! Pero maraming kaluluwang ayaw bumalik sa Akin. Kailangang magtrabaho ka nang husto para kumbinsihin sila sa Katotohanan, anak Ko. Huwag na huwag kang susuko.
Napuno ka na rin ng mga duda, pero alam mo, sa kaibuturan ng iyong puso, na ang Mga Mensaheng ito ng Awa, para sa ikaliligtas ng mga kaluluwa, ay talagang galing sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan. Magtiyaga ka, tanggapin mo ang paghihirap, magpakumbaba ka, maging pasensyosa at kumilos nang may dignidad, pag kinukwestyon ka sa Ngalan Ko.
Hayo na, nang may panibagong sigla, pagmamahal at lakas, para mabawi ang mga kaluluwa ng Aking mahal na mga anak.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Bakit Ako Naging Tao
Biyernes, December 24, 2010 8:15 pm
Mahal Kong anak, salamat at tumugon ka sa Aking tawag. Kinakausap Kita nang may tuwa sa Aking Puso, sa espesyal na pagdiriwang na ito ng Aking Kapanganakan. Nag-uumapaw sa pagmamahal ang Aking Puso dahil sa pananampalataya at katapatang ipinapakita ng lahat Kong anak. Mahalagang-mahalaga ang pag-ibig na ito sa Akin.
Ito ang panahon para ang Aking mga anak, sa lahat ng dako, ay magnilay tungkol sa Aking buhay sa Lupa. Pag-isipan nila kung ano ang ipinahihiwatig ng Aking kapanganakan, para sa buong sangkatauhan. Nang dahil sa Aking kapanganakan kaya ang tao ay makakahanap ng kaligtasan. Nang dahil sa Pag-ibig ng Amang Walang-hanggan, para sa lahat Niyang anak, kaya Niya ginawa ang pinakamalaking Sakripisyo. Na kinailangan pa Niyang pagmasdan habang isinisilang ang sanggol, subaybayan ang paglaki ng bata, hanggang sa pagtanda, ay malinaw na ipinakikita nito ang Kanyang pagmamahal at determinasyong iligtas lahat Niyang mga anak. Ganun nga Niya kamahal ang lahat Niyang mga anak kaya hiniling Niya sa Akin na mamuhay bilang isang tao, at kahit alam Niyang Ako’y hahamakin at pagtatawanan, pinayagan pa rin Niya itong mangyari.
Ang Aking Kapanganakan ay isang Palatandaan sa lahat na ang Diyos Amang Walang-hanggan, sa laki ng Kanyang pagmamahal sa Kanyang mga anak, ay ginawa ang napakalaking Sakripisyo. Sa pagpayag Niya na Ako’y pumunta sa Lupa para mamuhay sa piling nyong lahat, ipinakita Niya ang Kanyang Malasakit at kagustuhang iligtas kayo, sa pagpayag Niya sa Aking kamatayan. Kung hindi Niya Ako sinugo, hindi sana maliligtas ang tao. Pero yung mga tumanggi sa Akin ay hindi pa sigurado sa Katotohanan ng mga pangakong binitiwan ng Diyos Amang Walang-hanggan. Marami pa ring pagkalito.
Ang mahalaga na lang ngayon ay maunawaan ng sangkatauhan ang mga pangako at katunayan ng Bagong Langit at Lupa, na itinalaga para sa lahat ng anak ng Diyos. Ito ang pinakamalaking Regalo sa lahat, ang Regalong ginusto Niyang makabahagi nyo, hanggang ito’y sinira lahat ni Satanas nang tuksuhin niya si Eba.
Ang tingin ng mga tao ngayon sa Mga Aral ng Luma at Bagong Tipan, sa maraming paraan, ay ang mga ito’y matatandang kwentong kathang-isip lamang. Maraming hindi pa nakakaunawa na ang Mga Aral na nakapaloob sa Kasulatang ito ay totoo noon at totoo pa rin hanggang ngayon.
Maraming beses, ang tinutukoy ay mga nangyari sa lebel ng espiritwal, kaya nahihirapan ang mga tao na paniwalaang pwedeng nangyari nga ang mga ito. Ang ginagamit kasi nila sa pagsuri sa mga nilalaman ay katwiran ng isip, base sa kung anong nangyayari sa Lupa. Pero mali sila.
Ang pagpunta Ko sa Lupa ay plinano, bilang isang huling pagkakataon na gisingin ang mundo, para malaman ng lahat na ang Diyos ay sobrang mapagpatawad. Ang papel na ginampanan Ko ay ipakita sa inyo, sa pamamagitan ng Aking Mga Aral at kamatayan sa Krus, ang daan papunta sa Langit.
Kaya alalahanin nyo, pag Pasko, na ang Aking kapanganakan ay para tulungan kayong muling suriin ang inyong paniniwala sa Kalangitan, na lahat kayo’y may karapatang makibahagi dito. Sa pag-alaala sa Aking Buhay, maaari na kayong sumama sa Akin sa Kaharian ng Aking Ama, kung bubuksan nyo ang inyong puso at hihingin sa Akin na kayo’y minsan Ko pang akapin.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Mga Pekeng Guro at Propeta
Sabado, December 25, 2010 10:20 am
Ako ang simula at ang katapusan. Sa pamamagitan Ko nilikha ng Aking mahal na Amang Walang-hanggan ang mundo at sa pamamagitan Ko ito matatapos. Ako ang Liwanag at ang Tagapagligtas na Siyang magdadala ng lahat ng nananampalataya sa Akin, sa ipinangakong Paraiso. Yung mga ayaw pa ring tanggapin Ako, sa kabila ng lahat Kong Mga Aral at mga pagsisikap ng Aking mga propeta, ay hindi papasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Yung ilan sa inyo na binigyan ng Regalong Katotohanan, sa pamamagitan ng Kasulatan, ay kailangang gumising na ngayon at tanggapin ang Aking Mga Aral at ang mga propesiyang ibinigay sa Aking mga propeta. Malapit na ang panahon na Ako’y babalik sa Lupa para bawiin ang Aking mahal na mga alagad. Malungkot sabihin, pero tatanggihan pa rin Ako, sa pagtanggi nila sa Aking mga propeta sa kasalukuyang panahon. Kailangang pakinggan at basahin nyong lahat ang Mga Mensaheng galing sa Akin, na ibinibigay sa inyo, dahil sa Awa, at dapat nyong intindihin ang kahulugan ng mga ito.
Ang Aking Mga Aral ay di kailanman nagbago
Dapat nyong tandaan na ang Aking Mga Aral ay pareho pa rin, kagaya ng dati. Yung mga dumarating, sa Ngalan Ko, ay dapat bantayang mabuti. Kung ipinapahayag nila ang Aking Salita, sa Liwanag sila. Pag nakita nyong ang Aking Mga Aral ay binago, sa anumang paraan na kakaiba sa inyo, lumakad na kayo nang palayo. Huwag kayong makikinig. Ang mga kawawang taong mga ito ay tinukso na ni Masama para baluktutin ang Aking Mga Aral, at sinadya nila ito para iligaw at lituhin kayo.
Anumang doktrina na hindi nagmula sa Banal na Kasulatan, at nagsasabing ito’y nagpapahayag ng Katotohanan, ay isang kasinungalingan. Kasalanan ito sa Akin at isang grabeng pag-atake sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Pekeng Mesiyas
Ang mga pekeng gurong ito ay malapit nang magsimulang ipakilala ang kanilang mga sarili sa buong mundo. Matatagpuan nyo sila sa lahat ng dako, na sumisigaw nang ubos-lakas. Nagpapapansin. Mapapa-bilib nila ang ilan sa Aking mga anak, sa puntong pati na ang Aking mga tunay na alagad ay maniniwalang sila’y may espesyal na mga Makalangit na kapangyarihan. Ang isa, lalo na, ay itataas nang napakataas ang kanyang sarili kaya mapapagkamalan ng mga tao na siya ang Mesiyas.
Kakailanganin ang tapang, determinasyon at lakas, para makapanatili sa Aking tabi ang Aking mga anak, at maakay Ko sila sa mapanganib na gubat na ito, na puno ng demonyo. Ang mga demonyo, na pinakakawalan na ngayon ni Satanas, sa pagsapit nitong mga pangwakas na araw, ay darating na nakabalatkayo bilang mga alagad Ko at mga propeta. Nagsasabwatan na sila ngayon para targetin ang Aking mga tunay na bisyonaryo at propeta.
Tatangkain nilang akitin ang mga ito gamit ang pekeng doktrina. Babaluktutin nila ang Katotohanan para ibagay ito sa masasama nilang asal, na mahirap mahalata kung titingnan sa labas. Makikilala naman agad ng Aking mga tapat na alagad, sagradong lingkod at mga propeta, kung sino ang masasamang taong ito. Makikita nila na ang mga pahayag ng mga ito ay masakit at nakakabalisa, pero ang magdudulot ng malaking takot sa kanilang puso ay ang katunayang napakaraming Kristiyano ang maaakit sa magagandang personalidad ng mga ito. Ganun kalakas ang kakayahan nilang kumumbinsi kaya mahuhuli nila sa kanilang bitag yun mismong mga sagradong lingkod na nag-alay na ng kanilang buhay sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Panawagan sa Mga Kristiyano na manindigan
Yung tapat Kong mga alagad, na biniyayaan ng mga grasya ng Espirito Santo, nananawagan Ako sa inyo ngayon. Hawakan nyo na ang sandata ng pananampalataya at magpakatatag. Labanan nyo sila. Ituro nyo sa mga tao ang Katotohanan sa pamamagitan ng pagpapaalala lagi sa kanila ng Katotohanan, na nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama – ang Aklat ng Katotohanan. Ang Mga Aral na ito ay tatagal magpakailanman.
Maaaring maging mahirap para sa inyo, mga anak Ko, na tumayo at manindigan, pero pakinggan nyo na Ako ngayon. Kung gagawin nyo ito, makakatulong kayong magligtas ng mga kaluluwa. Ang inyong mga kapatid sa mundo ay pamilya nyo. Dadalhin Ko kayong lahat sa Paraiso, na ipinangako Ko na sa lahat Kong anak. Parang awa nyo na, tulungan nyo naman Ako para wala ni isa sa inyo ang maiiwan. Madudurog ang Aking Puso pag hindi Ko nailigtas ang lahat Kong minamahal na mga anak. Kung mananalangin, magsasakripisyo at magtitiyaga ang Aking mga alagad sa lahat ng lugar, masusunod ang Loob Ko.
Kunin nyo ang Kopa ng Kaligtasan, ngayon na, sa Ngalan Ko. Sumunod kayo sa Akin. Magpagabay kayong lahat sa Akin. Magpaakap kayo sa Akin sa Puso Ko habang nagsasama-sama tayo para iligtas ang sangkatauhan kay Manloloko.
Tandaan nyo ito. Ganun Ko kamahal ang bawat isa sa Aking mga anak, na kung nagtagumpay man Ako pero hindi Ko nadala lahat sa buhay na walang-hanggan, ang tagumpay na yun ay matamis nga pero mapait din, at madudurog ang Aking Puso.
Manalangin, manalangin, manalangin, ngayon na, kayong lahat, at tandaan nyo ang mga Salitang – Ako ang Alpha at ang Omega.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo, Hari ng Lupa at Makatarungang Hukom ng buong sangkatauhan.
Pagdiriwang ng Pasko
Sabado, December 25, 2010 12:30 pm
Mahal Kong anak, bakit ka nag-aatubili? Di mo ba alam na ginagabayan ka araw-araw? Siguradong alam mo na, sa iyong puso, na ang kailangan mo lang gawin ay umupo, buksan ang iyong puso, at di magtatagal ay maririnig mo na ang Aking Mensahe. Manalig ka sa Akin. Sumuko. Paniwalaan mong pag ipinasa-Akin mo na ang iyong mga takot, pangamba, alalahanin at mga tanong, ay kukunin ko ang mga ito sa iyo at tutugon Ako ayon sa nararapat. Kailangan mo na ngayong maglaan ng panahon para pakinggan itong mga napakahalagang Mga Mensahe para sa buong sangkatauhan. Huwag kang mag-atubiling isulong itong napaka-Sagradong Gawaing ito.
Pakinggan mo ngayon ito, mahal Kong anak. Habang ang mga Kristiyano sa lahat ng lugar ng mundo ay nagbibigay ng parangal sa Aking Kapanganakan sa Bethlehem, marami ang magbibigay-galang na lamang, nang walang tunay na pagmamahal sa kanilang puso.
Marami rin naman ang mapapalapit sa Aking Puso. Ang iba naman ay tatango na lamang, ngingiti, tatawa, magsasalita nang konti tungkol sa kahulugan nitong pinaka-importanteng panahon sa pagdiriwang ng pinakamalaking Regalo na ibinigay sa mga anak ng Aking Ama mula pa sa simula. Kaya nga lang, pag ang Aking mga anak, ang Aking mga tapat na alagad, ay nagdiriwang ng Pasko, nadadala sila ng mga palabas at mga seremonyang may kaugnayan sa mga makamundong bagay.
Ilang Kristiyano ang nagpapaliwanag sa kanilang mga anak kung ano ang kahulugan ng Aking kapanganakan? Ilan ang gumugunita sa kababaang-loob na ipinakita ng Aking mahal na Ina at ng kanyang kabanal-banalang asawa na si Saint Joseph? Ilan ang nakakaunawa na Ako’y naging tao para iligtas ang sangkatauhan sa daan papunta sa Impiyerno? Ito yung simpleng Mensahe na binaluktot na sa loob ng mga daan-taon at tinakpan ng pagpapasikatan.
Ganun pa man, tinanggap ito ng mga tapat na Kristiyano bilang panahon para pagnilayan ang kanilang katapatan sa Akin, ang kanilang Tagapagligtas.
Mga anak, gamitin nyo naman ang Kapistahang ito para ipanalangin yung lahat ng nasa mundo na kailangang magising sa katotohanan na meron silang tatanggaping pamana. Dito’y may nakareserba nang espesyal na lugar para sa bawat isa sa kanila, sa Kaharian ng Aking ama, kung magdedesisyon silang tanggapin ito.
Ang Panahon para sa Dakilang Babala ay napagdesisyunan na
Abalang-abala ang Aking mga anak sa balita, bawat minuto ng bawat araw, pero nakakaapekto man ito sa kanilang buhay, bale-wala naman ito sa buhay na walang-hanggan. Mga anak, panahon na para lahat kayo’y eksaminin ang inyong mga konsyensya, ngayon na, bago sumapit ang Dakilang Babala, na nauuna sa Aking Ikalawang Pagdating. Magdasal kayo sa inyong sariling simpleng pananalita para hingin ang patnubay ng Diyos.
Ang panahon ng Dakilang Babala ay napagdesisyunan na. Maging alerto kayo. Manatili kayong nagbabantay.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Babala sa mga Mananampalataya na huwag tanggihan ang mga totoong Propeta
Martes, December 28, 2010 11:00 am
Mahal Kong anak, ibinibigay na sa iyo ngayon ang pangwakas na Mga Mensahe para sa sangkatauhan, para intindihin mo, bago sumapit ang pangwakas na panahon para mailigtas ang kanilang mga kaluluwa.
Meron na ngayong napakaraming anghel na ikinakalat sa lahat ng lugar sa mundo, gaya ng naipropesiya na, para ihanda ang Lupa para sa Aking pagdating. Marami sa mga anghel na ito ay hugis tao, at gaya mo, mahal Kong anak, pinili rin nila ang papel na ito na kanilang gagampanan. Ang paglitaw nila sa kanilang kapanganakan ay ityinempo para sumabay sa pangwakas na Babala at sa pangwakas na panahon. Gayundin, ang mga demonyong pinalabas mula sa kailaliman ng Impiyerno ay pinakakawalan na. Inihaharap nila ang kanilang mga sarili sa Lupang ito sa pamamagitan ng mga pagtukso at kasinungalingan. Naaakit nila ang Aking mga anak na bukas sa kanilang impluwensya. Sinasapian nila yung mga kaluluwang nasa kadiliman na. Pinapasok nila ang kanilang espirito sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanila at pagkumbinsi sa kanila na ang kanilang paniniwala sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan ay kalokohan.
Ang panlabas na anyo ng mga taong ito ay hindi nyo iuugnay sa itinuturing nyong masama. Sa halip, magmumukha silang marunong, matalino at nagbibigay ng inspirasyon. Magiging napaka-kapani-paniwala rin nila pag nangangaral ng sa akala ng Aking mabubuting anak ay katotohanan. Malungkot, pero walang pagmamahal sa kanilang mga puso at kailangan nyong maging alerto laban sa kanilang mga aral.
Ngayo’y gusto Kong manawagan sa Aking mga mananampalataya. Kayo, mga anak Ko, dahil sa inyong mga panalangin at pananampalataya, ay tumanggap na ng Mga Regalo na ipinangako Ko sa mga sumusunod sa Akin. Binibigyan kayo ng iba’t ibang Regalo at bawat Regalo ay dinisenyo para ibigay ang Aking Salita sa iba’t ibang panlabas na anyo.
Pagkilatis sa mga bisyonaryo
Yung mga binigyan Ko ng Regalong kaalaman para tulungan kayong kilalanin yung mga dumarating sa Ngalan Ko at yung mga dumarating sa ngalan ni Satanas, mag-ingat naman sana kayo. Tama lang na kayo’y maging alerto laban sa mga pekeng propeta. Ganun pa man, huwag na huwag nyong huhusgahan yung mga nagsasabing sila’y dumarating sa Ngalan Ko, nang hindi muna maingat na sinusuri ang kanilang mga mensahe.
Huwag na huwag nyong huhusgahan yung Mga Mensahe na ipinadala Ko sa “panlabas na itsura”. Pag sinasabi ng isang tao na siya’y dumarating sa Ngalan Ko, huwag nyong aakalain na ang inyong pagkilatis sa kanya ay hindi magkakamali. Tingnan nyong mabuti yung mga propetang pinagtatawanan o pinagagalitan pag sinasabi nilang sila’y tumatanggap ng mga Makalangit na Mensahe mula sa Akin o sa Aking Pinagpalang Ina.
Huwag kayong bibigay sa tukso na husgahan sila agad-agad bago pa man nyo maingat na pakinggan yung mga mensahe mismo. Ang Mga Mensaheng ito ay hindi lamang may kinalaman sa Aking Mga Aral, may kinalaman din ito sa Aking Salita at ito’y magiging puno ng pagmamahal. Tuturuan kayo ng mga ito kung paano mamuhay sa Ngalan Ko para makamtan ang kaligtasan.
Huwag na huwag kayong matatakot pag ang Aking mga tunay na propeta ay nagsasabing sila’y nakakatanggap ng Mga Mensahe tungkol sa mga pangyayari sa hinaharap, na sila’y may kaalaman dito. Huwag nyong sisikaping makagawa ng kasalanang diskriminasyon sa pamamagitan ng paghusga sa Mga Mensaheng ito dahil sa uri ng mga tao na kinakatawan ng mga propetang ito. Ilan sa kanila ay kulang ang pinag-aralan. Kabaligtaran naman ang iba, na magagaling magsalita. Maraming hindi tutugma sa inyong pagkaunawa kung paano kilalanin kung ang tao ay “banal”.
Pero may mga paraan para matiyak nyo kung sila nga’y tunay. Yung mga nakikipag-usap sa Aking mahal na Ina, kalimitan ay masasabi ang oras at petsa ng mga aparisyong kanyang ipinopropesiya. Maraming insidente ang masasaksihan nung mga pumupunta sa mga aparisyong yun. Pag Aking Mga Mensahe naman ang ibinibigay sa sangkatauhan, ibibigay ito sa mundo nang hindi sinisikap ng propeta na siya’y maparangalan.
Paghuhusga sa Mga Tao
Bilang pangwakas, ang Aking mga mananampalataya, tapat man sila sa Akin, ay magbubuhos pa rin ng galit sa mga nagpo-propesiya ng mga mangyayari sa hinaharap at sisiraang-puri yung mga biniyayaan ng mga kapangyarihang magpagaling mula sa Espirito Santo.
Tama na, gising na sa mapayapa nyong pagtulog. Sisirain talaga ng mga propetang ito ang inyong mga regular na asal dahil hindi sila komportable sa inyong banal na grupo. Hindi sila tutugma sa inyong inaasahan. Pakinggan nyo ito. Pag hinusgahan nyo ang mga taong ito base sa sabi-sabi at tsismis o parinig ng iba, magkakasala kayo. Ang kasalanan sa Aking mga propeta ay sobrang nakakasakit sa Akin. Pag tinatanggihan nyo ang Aking mga tunay na bisyonaryo at propeta, tinatalikuran nyo Ako.
Pero ito mismo ang nangyayari sa mundo ngayon habang mas maraming bisyonaryo ang lumalantad. Hindi ito madali para sa Aking mga mananampalataya. Basta tatandaan nyo na ang Mga Mensahe mula sa Aking mga propeta ay dapat basahin muna bago kayo maghusga, at kasama rito pati na yung maaaring manggaling sa mga pekeng propeta. Humingi kayo ng gabay pag sinusuri nyo ang Mga Mensaheng ito. Ang tunay na Mga Mensahe ay magiging puno ng pagmamahal. Pero strikto sa pagpapatupad ang mga ito. Ang Mga Mensaheng kumu-kontra sa lahat ng natutunan nyo tungkol sa Aking Mga Aral at sa mga aral ng Aking mga apostol, gaano man ka-tuso, ay madaling masusuri.
Huwag kayong mananahimik tungkol sa inyong pananampalataya
Hayo na, mga anak Ko, at pagbuksan nyo ng inyong puso ang Aking mga propeta. Nandyan sila para isiguro sa inyo na panahon na para ihanda Ko kayong lahat para magsalita alang-alang sa Akin. Tandaan nyo, ang luwalhati ay ibinibigay sa Aking mga propetang nagsasalita, sa kabila ng paghamak at paglait na kailangan nilang tiisin. Parusa naman ang ipapataw sa mga nagsasabing sila’y mga alagad Ko, pero laging nananahimik pag tungkol na sa pananampalataya; at napakadaldal naman pag kinokontra ang Aking mga tunay na bisyonaryo. Alam mo sa iyong puso na yung mga hinusgahan mo ay nagpapahayag ng mga pangyayaring darating, na para sa iyo ay mahirap tanggapin. Baka itanong mo pa : bakit naman ang aking Tagapagligtas na si Jesucristo, ay gagawa sa pamamagitan pa ng mga taong ito? Tutal, hindi naman sila mga banal na alagad ayon sa aking pamantayan. E ang tanong Ko naman sa iyo ay ito: Bakit mo inaakala na yung ilang pinili lamang, na nag-alay ng kanilang buhay sa panalangin, ay may karapatang iitsa-pwera yung mga nagsasalita na nasa labas ng inyong grupo? Wala ka na bang anumang natutunan? Di mo ba alam na yung mga ginugugol ang buo nilang buhay sa pananalangin ay pwede ring ma-biktima ni Manloloko?
Ang mga tunay Kong propeta ay kasusuklaman
Tandaan nyo, Ako man ay pinagtawanan, hinamak, tinanggihan at minaliit ng mga nakatatanda at mga pari nang Ako’y nasa Lupa. Kung Ako’y kinasuklaman, makakatiyak kayo na ang Aking mga tunay na propeta ay sobrang kasusuklaman, kung paanong sila naman ay pararangalan sa ibang mga lugar.
Mahiya naman kayong lahat. Ang Aking mga propeta ay hindi lilitaw mula sa inyong mga grupo, pero kailangan pa rin nyo silang parangalan. Sila ang mga pinaka-di-nyo-akalaing propeta dahil sa kanilang naging pamumuhay. May ilan na magmumula sa karukhaan. May ilan namang galing sa mas mayamang kalagayan. May ilan din na halos hindi nakapag-aral,at ang iba naman ay ipapanganak na may Kaloob na karunungan. Ang mga ito ang Aking piniling mga propeta. Pakinggan nyo ang kanilang boses bago nyo sila kondenahin.
Ipanalangin nyo sila. Ipanalangin nyo na ang Aking Salita, na ibinigay sa mga propetang ito, ay hindi tanggihan. Kayo man, huwag nyo ring tatanggihan ang Aking Salita. Ang mga di-sumasampalataya ay laging sisikaping sirain ang kredibilidad ng matatapang na kaluluwang ito na malakas na nagpapahayag ng Aking Salita, pero dapat lamang asahan yun. Pero pag yung Aking mga mananampalataya na, lalo na yung mga nasa mga prayer group, kumbento at iba pang mga ministeryo, ang lantarang tinatanggihan ang Aking tunay na mga propeta, doon na nadudurog ang Aking Puso. Pakinggan nyo ang Aking Mga Salita. Hindi kailanman lilihis sa Katotohanan ang mga ito, sa parehong paraan na kayo, mahal Kong mga alagad, ay hinding hindi rin maililiko ang Katotohan para itugma sa inyong interpretasyon.
Imulat nyo ang inyong mga mata. Gising na. Nagsimula na ang mga palatandaan para makita ng lahat. Kayo, mga mananampalataya Ko, paubos na ang oras nyo. Makinig kayo. Manalangin. Magkaisa at sama-samang ipahayag ang Aking Salita para iligtas ang mga kaluluwa bago pa man maubos ang panahon.
Ang inyong mahal na Kristo Jesus, ang Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Ang Media at Iba pang mga pag-censor na lalabas
Sabado, January 01, 2011 2:00 am
Pinakamamahal Kong anak, panahon na para sa isa pang taon na matuturuan Ko ang Aking mahal na mga anak kung paano baguhin ang kanilang buhay para pagdating Ko bilang isang Hukom ay magiging handa na ang sangkatauhan.
Magaganda Kong mga anak, na hawak Kong malapit sa Aking Sagradong Puso, kailangang pakinggan nyo na Ako ngayon. Hindi Ko kailanman kayo pababayaan pag kinikilala nyo Ako at ang Katotohanan ng Bagong Paraiso – ang pangakong ibinigay Ko sa inyong lahat bago Ako namatay sa Krus para sa inyong mga kasalanan. Malapit na ang panahon, mahal Kong mga anak. Huwag na huwag kayong matatakot. Kung mahal nyo Ako at nananampalataya kayo sa Akin, anong inyong dapat ikatakot? Ang pag-ibig kasi ay hindi matatakutin. Ang pag-ibig ay tuwa, kaligayahan. At para sa inyong lahat na naniniwala sa buhay na walang-hanggan sa Langit, walang dapat katakutan. Mahal Ko kayong lahat.
Papel na gagampanan ng Ina ng Diyos sa Ikalawang Pagdating ni Kristo
Ang Aking mahal na Ina, na umako ng pagtanggap sa Kalis ng Aking Pag-iral, sa sandali ng Paglilihi para ipagpa-una ang isang bagong simula para sa sangkatauhan, ay siya ring magpapa-una sa Aking Ikalawang Pagdating.
Tutubusin Ko yung lahat ng lalapit sa Akin para sa Aking Awa. Ang Aking Ina, na sinugo ng Amang Walang-hanggan para maghatid ng pagtubos at kaligtasan sa mundo, ay sasamahan Ako sa ikalawang beses na ito. Ang Aking mahal na Ina, ang Anghel ng Liwanag, ay matagumpay na ngayong ihahatid ang Aking Awa at ipagpapa-una ang Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa.
Ang Aking tapat na Ina, ang Imaculada Concepcion, bilang Mediatrix, ay tutulong na maihanda ang mundo para sa Aking Ikalawang Pagdating. Maraming daan-taon na niyang inihahanda ang sangkatauhan, pero ngayon, sa huling 100 taon, ay sinisikap niyang magpasibol ng pagmamahal sa inyong mga puso, para papag-alabin ang kung minsan ay maligamgam na pagmamahal nyo para sa Akin at sa Aking Amang Walang-hangan.
Nagkaroon pa nga ng panahon na ang Aking Ina, sa pamamagitan ng Makalangit na Aparisyon, ay talagang pinapansin sa Lupa. Pero ang malungkot nito, pagkatapos ng Fatima at Garabandal, iilan na lang sa Aking sagradong mga lingkod ang nagpapahalaga sa kanyang mga Makalangit na aparisyon. Pati ang kanyang mga bisyonaryo, ang ilan na pinili, ay hindi rin pinahahalagahan. Ngayon naman, sa pagsisimula ng taon 2011, maraming maraming pagbabago ang mangyayari sa mundo. Kasi, mga anak Ko, ang mundong nakilala nyo ay malapit nang magbago.
Sikreto ng Fatima – ang kaugnayan sa hinaharap
Napakarami nyong mga inosente at nagtitiwalang mga kaluluwa ang walang kamalay-malay sa kasamaang malapit nang makita. Mga anak Ko, at isinasama Ko na rin yung ngayon pa lang nagbabasa ng Mga Mensaheng ito para lang mag-miron, at nararamdamang may kulang sa inyong espiritwal na kabutihan, makinig na kayo ngayon. Kayo at ang inyong mga kapwa ay inaakay papunta sa isang mundong kontrolado ng isang grupo, gaya ng nai-propesiya na sa huling Sikreto ng Fatima, na hindi kayo binigyan ng pagkakataong malaman kung ano ito, at dito’y malapit nyo nang matuklasan ang mga sumusunod:
1. Ang inyong pera ay mawawalan ng halaga at ang tanging paraan na lang para magnegosyo ay sa pamamagitan ng ginto o pilak.
2. Kailangan nyong manalangin nang grupo-grupo at maghanap ng isang sagradong lingkod na may sapat na tapang para labanan ang pang-uusig.
3. Kailangan nyong maghanap ng mga kanlungan para manalangin dahil ang inyong mga simbahan ay ibebenta para kumita ng pera.
4. Ingatan nyo ang Biblia. Maaring hindi nyo pa ito nababasa pero makakatiyak kayo na imposible nang makabili nito sa darating na panahon.
5. Magtatag kayo ng mga Prayer Group para ipanalangin ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlong taon, malalaman nyo kung bakit importante ito.
Pag-censor sa Media
Sa media, ito ang masasabi Ko. Bilang mga tagapag-pahayag sa mundo, ang kayabangang ipinapakita nyo ngayon ay mauuwi sa kawalang-pag-asa pag hindi na naririnig ang inyong sinasabi. Kayo man ay mababatid nyo ang kahalagahan ng panalangin pag ang sangkatauhan ay tumalikod na sa Katotohanan. Ang inyong salita ngayon ay pwedeng maghayag pa rin ng mahalaga at independenteng katotohanan. Pero ang regalong ito ay aagawin na sa inyo. Sa halip, itatago na sa sangkatauhan ang Katotohanan sa pamamagitan ng diktaduryang malapit nyo nang masaksihan sa panahon ng Malaking Pagdurusa. Kaya ang inyong salita ay tatanggihan din kagaya ng Aking Salita.
Ang “Sikretong Channel” ng Komunikasyon
Wala nang makikinig sa inyo dahil gagamitin ang teknolohiya para ihatid sa mundo ang Sikretong Channel na siyang maghahatid sa kaisa-isang salitang bibigyang-pansin ng sangkatauhan. Pupulutin kayo sa kangkungan at mauuwi na lang kayo bilang tagapagpahayag na hindi na pinaniniwalaan ng mundo, gaya Ko sa panahong ito, na ang inyong salita ay hindi na pinapakinggan.
Mag-ingat sa Mga Diktador
Huwag kayong matakot, anuman ang daang pinili nyo papunta sa Diyos, basta’t pakinggan nyo Ako ngayon. Labanan nyo yung mga nagtatatag ng diktadurya sa inyong mundo, dahil kay Satanas sila. Huwag kayong paloloko sa kanila, gaano man kalaki ang ibayad nila sa inyo para mag-report ng mga kasinungalingan. Mapupunta sila sa Impiyerno kung hindi sila magsisisi; pero hindi nila kakampi ang panahon. Ipaglaban nyo ang kalayaang i-report ang mga kawalang-katarungang inyong nasasaksihan. Hindi na importante kung naniniwala kayo sa Akin, dahil pag nakita nyong nagkatotoo na ang propesiyang ito, makikita nyo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral.
Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag
Sa panahong ito, makita nyo man na bugbog-sarado na ang ekonomiya ng mundo, madali pa ring isipin na maaayos din ang lahat. Oo nga’t noon ay yun ang pangkaraniwang palagay, pero hindi na ngayon. Ang mga masasamang planong palihim na ginawa ng pinaka-sentrong grupo ng mga organisasyon, na pandaigdig at nasa bawat bansa, na magkakabit ang mga balakang dahil nagmula sila lahat kay Satanas, ay handa na ngayong lumitaw. Yung ilan sa inyo na hindi naniniwala sa Akin, ngayon, sa wakas, ay mauunawaan nyo na ang mga propesiyang nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama at sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag. Huwag kayong matakot, mga anak Ko. Lumapit kayo sa Akin at kausapin nyo Ako sa inyong sariling pananalita, at bibigyan Ko kayo ng lakas, pag-asa at kakayahang pagdaanan itong madilim na bahagi ng kasaysayan ng sangkatauhan.
Yung ilan sa inyo na nagbabasa ng Mensaheng ito, mag-isip kayong mabuti. Kung duda kayo sa nilalaman, tumingin kayo sa inyong paligid at magpasya kayo kung mangangahas kayong pag-isipan ang tungkol sa mga palatandaan. Napapansin nyo ba na ang kalayaan ng inyong malayang loob, na ibinigay sa inyo bilang isang Regalo mula sa Aking Amang Walang-hanggan, ay pinakikialaman na ngayon? Ni Ako ni ang Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi namin kailanman pakikialaman ang Makalangit na Regalong ito, ganun nga ka-Sagrado ang Regalong ito. Pero kung nagdesisyon ang tao na tanggapin si Satanas at ang mga apoy ng Impiyerno, e hayaang mangyari ito.
Ang Diyos, na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi Niya mapipigilan ito. Pero si Satanas, tatangkain niyang agawin sa inyo itong Regalong malayang loob. Pag nakita nyo na, na inaagaw na ang inyong malayang loob, sa pamamagitan ng mga makapangyarihang puwersa na hindi nyo kayang kontrolin, alam nyo na, na si Masama ang nasa likuran nito.
Si Satanas ay di kailanman magwawagi
Manatiling alerto naman sana kayo, mahal Kong mga anak. Huwag kayong susuko. Kung sapat ang dami nyong mga mananalangin at maninindigan, magliligtas kayo ng mga kaluluwa. Si Satanas at ang kanyang hukbo ay hindi kailanman magwawagi. Hindi nila kaya. Imposible yun. Tanging Diyos lang ang may kapangyarihang tapusin ang nakakakilabot na giyerang ito.
Ako, ang inyong Tagapagligtas at itinalagang Hukom, ay hinihimok Ko kayo na manindigan, maging matapang at ipaglaban ang tama, ayon sa isinisigaw ng inyong puso, kahit na dinadaanan kayo ng takot. Si Satanas ang nagbibigay sa inyo ng takot. Ako at ang Aking Amang Walang-hanggan ay hindi kailanman maglalagay ng takot sa inyong puso.
Alisin nyo ang inyong depensa at buksan ang inyong puso sa pagmamahal, hindi sa takot. Ang pag-ibig ay galing sa Diyos. Sinabi Ko na sa inyo na ang pag-ibig ay hindi nadarama, hanggat hindi nyo binubuksan ang inyong puso. Ang Pag-ibig at ang Diyos Amang Walang-hanggan, na Maylikha ng Lupang ito, ay magkahawak-kamay. Hindi sila mapaghihiwalay. Pag pinaghihiwalay Sila, si Satanas ang may kagagawan.
Hayo na, Aking mga anak, at magdesisyon. Ano bang gusto nyong bumalot sa inyo, Pag-ibig ba ng Aking Sagradong Puso, o takot. Kayo ang magpasya.
Ang inyong Diyos na Guro, Tagapagligtas at Makatarungang Hukom ng Awa
Kung paanong ang Babala ay isang Regalo sa sangkatauhan
Linggo, January 02, 2011 9:45 pm
Bakit nakakatakot ang Mga Mensaheng ito?
Mahal Kong anak, pag narinig ng mga tao ang Mga Mensaheng ito, kukwestyunin nila ito, kokontrahin at gugutayin. Higit pa roon, sobrang lalaitin nila ang mga ito at itatanong: Bakit hindi tuwa at kaligayahan ang pag-usapan ng Mga Mensaheng ito? Bakit sila nakakatakot? Pwede ba namang manggaling kay Jesucristo ang ganitong pakikipag-usap sa mundo? Di ba’t ang ipinangangaral ni Jesucristo ay pagmamahal at hindi takot? Simple lang ang sagot Ko sa mga sumbat na ito. Mahal Ko kayong lahat kaya pinagpapakitaan Ko kayo ng Aking Awa sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Dumarating muna Ako bilang Tagapagligtas ng lahat, para palayain kayo, at nang sa ganun ay lahat ay makinabang ng kaligtasan. Ang Aking kamatayan sa Krus ay para bigyan kayo ng ikalawang pagkakataon para makapasok sa Kaharian ng Aking Ama. Sa pagkakataong ito, bumabalik Ako bilang isang Makatarungang Hukom.
Dahil sa mahal Ko kayong lahat, ang ipinapakita Ko sa inyo ngayon ay Awa muna. Ang Awang ito ay dumarating sa anyo ng isang paunang Babala para tulungan kayong isaayos muli ang inyong buhay bago Ako bumalik sa Araw ng Paghuhukom.
Nang dahil sa Aking Malasakit sa bawat isa sa inyo, binibigyan Ko kayo ngayon ng huling pagkakataon para buksan ang inyong puso at mamuhay sa paraang nararapat sa inyo.
Ang Kaligayahan sa Lupa ay hindi pwedeng ikumpara sa Kaligayahan sa Langit
Talikuran nyo na ang kasalanan, magsisi at ibalik ang pananalangin sa inyong buhay. Dahil sa Awa kaya kailangang babalaan Ko kayo tungkol sa Katotohanan. Ang kaligayahan na sa palagay nyo’y wala sa Aking Mga Mensahe ay dahil sa katunayang ang sangkatauhan ay tumalikod na sa tunay na kaligayahan. Ang kaligayahang nadarama sa Langit ay hindi pwedeng ikumpara sa tinatawag na kaligayahan na nadarama nyo sa Lupa.
Ang kaligayahan sa Lupa, na nagmumula sa tunay na pag-ibig, ay malinis. Ang kaligayahang nagmumula sa mga makamundong bagay ay walang kabuluhan.
Mga anak Ko, mabilis na nawala ang tuwang dapat Kong madama sa pagmamasid sa inyo dahil, sa kasamaang-palad, sa nasasaksihan Ko sa Lupa ngayon. Lahat ng pinahahalagahan nyo ay nakaugat sa makamundong mga ari-arian, o sa pagtanggap ng iba na pumupuri sa inyo. Halos walang panahon kayong inilalaan para ihanda ang inyong sarili para sa kabilang buhay.
Ang Babala ay isang Regalo
Ang Aking Awa ay dinadala sa inyo bilang isang Regalo. Tanggapin nyo ito. Lasapin. Lumapit kayo sa Akin, lahat kayo. Ako ang inyong balsang pansagip sa inyo sa isang nagngangalit na karagatang puno ng mga di-inaasahang agos at pagsabog. Iligtas nyo na ngayon ang inyong sarili, o harapin ang panganib na mahigop sa isang dambuhalang agos, na magpasiya man kayo sa huling sandali na umakyat sa balsa, ay wala na kayong lakas para gawin ito.
Ang Paglilinis sa mundo ay patuloy
Pagod na Ako, mga anak. Gaano Ko man pagsikapang makipag-usap, marami pa rin sa inyo ang nagbibingi-bingihan. Maging ang Akin mismong mga pari ay ayaw tumugon sa Aking panawagan pag nais Kong ibunyag ang Aking Awa. Habang ang Paglilinis sa mundo ay patuloy at bumibilis pa, ito na ang panahon para tumawag kayo sa Akin, mga anak.
Mga lindol at iba pang mga pandaigdigang kapahamakan
Huwag na huwag nyong katatakutan ang mga bagyo, mga lindol, mga tsunami, mga baha, mga bulkan at matinding tag-init, na mangyayari sa mundo para tulungang mapigilan ang antikristo at ang kanyang hukbo. Ang Aking mga alagad ay ligtas dahil alam nila ang naghihintay sa kanila sa Bagong Paraiso, na lilitaw pag nagsanib na at naging isa ang Langit at ang Lupa. Kailangang mangyari ang mga ito. Hindi na sila mapipigilan dahil naipropesiya na ang mga ito. Pero ang mga pangyayaring ito naman, mga anak Ko, ay madaling matatapos.
Kayong Aking mga mananampalataya, ay gagantimpalaan dahil sa inyong pananampalataya at katatagan sa harap ng napakalaking oposisyon. Kaya mahirap matarok ang inyong magiging tuwa, mga anak Ko. Yung mga kasapi ng Liwanag ay babalutin ng Luwalhati at Pag-ibig na naghihintay sa inyo. Yun namang nasa kadiliman ay hindi matatagalan ang Liwanag. Gustuhin nyo man, sobra naman kayong masasaktan kaya kakailanganin nyong magtago. Pero wala naman kayong mapupuntahan kundi yung lungga ng kadiliman, na pinaghaharian ng hari ng kadiliman mismo – si Masama. Ito ba ang gusto nyo?
Paanong magtrabaho si Satanas sa pamamagitan ng mga tao
Nauunawaan nyo ba ang kilabot na kinakatawan ni Manloloko? Di nyo ba alam na siya’y nag-aabang sa likod ng bawat akto ng pagkamakasarili, katakawan at pagmamahal-sa-sarili? Habang isinasabuhay nyo ang sa akala nyo’y isang buhay na nakaka-eksayt, ang saya-saya at bising-bisi, gumagastos kayo, kumakain, nagpapaganda at walang-patid sa paghahanap ng kasunod na pag-aaliwan, maligaya nga kayo pero wala kayong kamalay-malay kung ano ang nasa likod ng inyong mga gawain.
Yung sikretong boses, na hindi nyo naririnig pero nararamdaman – pag parang may pumipilit sa inyo na gumawa ng isang bagay, at sinasabihan kayong maghanap, maghanap at maghanap pa ng dagdag na kasayahan, nakakakilig at nakaka-eksayt na mga bagay, yung boses na yun ay nagmumula kay Masama. Pangitiin man kayo ng inyong mga gawaing ito, patawanin o papalakpakin sa kilig, bale-wala rin ang mga ito. Ang matitinding paghahangad na ito ay isa lang ang pakay – ang itulak kayong walang-tigil na maghangad ng pagpapasarap-sa-sarili. Ano bang kabutihan nito? Maganda ba ang pakiramdam nyo pagkatapos nito? Siyempre, hindi. Kung tanungin nyo kaya ang inyong sarili: paano kung hindi ko na pwedeng gawin ang mga ito? Paano na? Magkaka-problema kaya? Sa umpisa, oo, baka ma-irita ka, pero pag nawala na sa iyo lahat, saka mo lang maiisip na ang kailangan mo lang ay mabuhay.
Ang pagkain ay magiging mas mahalaga kaysa mga materyal na bagay na puro kasiyahan ang idinudulot. At pag naubusan ka na ng pagkain at nagutom, makikita mo, na yung lahat ng dati mong kinatutuwaan ay wala palang kwenta. Ito ang paglilinis na mabilis na mangyayari sa mundo. Sa pamamagitan ng paglilinis na ito, na isang uri ng paghuhugas, magiging buo kayong muli. Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, kayo magiging handa para tanggapin ang Katotohanan.
Paanong iniiwan kayong parang hungkag at walang laman ni Satanas
Mga anak Ko, hindi nyo nakikita kung paano magtrabaho si Satanas. Hindi nyo siya nakikita, pero ginugugol niya ang lahat niyang panahon sa pagsisikap na nakawin kayo sa Akin. Matinding pasakit ang idinudulot niya sa inyo, mga anak. Lahat ng tuksong ipinapain niya sa inyong dadaanan ay gumagamit ng makamundong pang-aakit ng pera, ganda, ari-arian at talento, na inyo namang nilalamon dahil sa katakawan at pagnanasa. Akala nyo’y pag nakamtan nyo na lahat ito ay makukumpleto na kayo. Malungkot sabihin, pero hindi totoo ito. Ito ang kasinungalingan ginagamit ni Satanas para mambitag. Pag yung ilan sa inyo na nakarating na sa ganun kataas na lebel ng yaman at pagkatapos, sa anumang dahilan, ay natagpuan nyong nawala na lahat ito sa inyo, magpasalamat kayo. Dahil pag nahubaran kayo ng lahat nyong makamundong ari-arian, sa puntong ito lamang talagang mapapayagan nyo Akong pumasok sa inyong puso.
Mensahe sa mayayaman
Para sa inyo na may kayamanan – hindi Ko kayo kinokondena. Hindi dahil maykaya kayo ay nangangahulugang hindi kayo sumusunod sa tamang daan. Pero may responsabilidad kayong bahaginan at kalingain yung mas hindi-sinwerte kaysa inyo. Tungkulin nyo ito. Hindi ang yaman o materyal na mga kaginhawahan ang mali. Hindi ang tuwa at halakhak na nararanasan nyo pag nasisiyahan kayo sa buhay ang mali. Pag nahumaling kayo at pag ang pagnanasa nyo sa maluhong pamumuhay ay inuna nyo pa sa inyong pananampalataya at sa kapakanan ng iba, nagiging paglabag na ito sa Mata ng Aking Ama.
Ang inyong yaman, tahanan, damit at ari-arian ay parang mga ulap na tumatawid sa himpapawid. Naroon sa isang saglit at wala na pagkatapos. Hindi nyo madadala ang mga ito sa susunod na buhay. Ang inyong kaluluwa ang makakasama nyo. Ingatan nyo ang inyong kaluluwa, magpakita kayo ng pagmamahal sa isa’t isa at sa mga nagpapahirap sa inyo sa buhay na ito.
Sundin nyo ang Aking Mga Aral. Hingin nyo ang Aking Awa. Saka nyo lang Ako makakasama sa Bagong Lupa na siyang Paraiso. Huwag nyong iwala ang inyong mana at ang inyong lugar sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang inyong mahal na Jesucristo
2011 Taon ng Paglilinis
Martes, Enero 11, 2011 12:30 am
Pinakamamahal Kong anak, sa wakas ay nagkasama Tayo muli. Ilang araw na ring nasa kondisyon ang iyong isipan para tanggapin ang Aking Mga Mensahe. Huwag kang matakot dahil kakailanganin mo na ngayon ang panahon para pakinggan ang Aking pinaka-mahahalagang Mensahe na ibinigay sa mundo hanggang ngayon.
2011 ang taon para sa panahon na ang pagbabago – ang paglilinis – ay magsisimula at masasaksihan ng milyun-milyon sa buong mundo. Makatulong man ang panalangin para mabawasan ang mga pandaigdigang sakuna, hindi pa rin ito magiging sapat para pigilin ang Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan, paghampas Nito sa sangkatauhan sa nalalapit nang panahon.
Ang masamang asal at dumi ng isip, katawan at kaluluwa, na nabubunyag na sa mundong ito sa sandaling ito, ay malinaw na nakikita ng lahat. Para sa inyo na bising-bisi at abalang-abala sa inyong buhay, ngayon na ang panahon para huminto at tingnan kung anong nangyayari sa harapan mismo ng inyong mga mata.
Si Masama, na nagtatrabaho sa pamamagitan nung mga nasa kadiliman, ay lumikha na ng napakalaking gulo kung saan ang araw-araw na patayan ay napaka-ordinaryo na kaya ang sangkatauhan ay namanhid na at dini-dedma na lamang nila ang masasamang taong gumagawa ng mga nakakasuklam na mga gawaing ito. Pagmamahal-sa-sarili at katakawan ang naghahari sa inyong lipunan. Ang inyong mga pinuno at mga pulitiko ay gutom sa kapangyarihan at maraming beses ay wala silang pakialam sa inyong kapakanan. Dumarami ang mga pagpapatiwakal o pagsu-suicide, na bunsod ng kawalang-pag-asa na nililikha ni Manlolokong si Masama, sa inyong lipunan. Siya, na hinding-hindi nagpapakita sa inyo, ay nakatago sa likod ng bawat akto ng pagpapakita at pagpaparangal sa mga tao, ng imoralidad na sekswal at grabeng pananakit na pisikal sa iba at sa sarili.
Ang walang-patid na paghabol sa maluluhong bagay, na inuuna nyo pa kaysa kapakanan ng inyong pamilya, ay laganap na. Habang hinahabol nyo, mga anak Ko, itong mga walang-kabuluhang pangarap, makikita nyo, pagdating ng panahon, na wala na kayong makakain. Hindi nyo naman pwedeng kanin yung mga walang-kwenta at walang-silbing mga bagay na yun. At hindi rin naman mapupunuan ng mga yun ang inyong mga kaluluwang walang laman, na sumisigaw para mabigyang-ginhawa – isang kaginhawahang hindi nyo na kayang abutin. Ang kaginhawahang ito ay makakamtan lang sa pamamagitan ng panalangin, lalo na ng organisadong pananalangin na ginagawa nang grupo-grupo.
Ang Paglilinis ay mangyayari bago ang Aking Ikalawang Pagdating
Malapit nang hampasin ng mga lindol ang Lupa, habang pinapakawalan ang galit ng Aking Ama. Kayong mga anak Ko na walang utang na loob, at tinalikuran ang Liwanag ng Katotohanan, matakot na kayo ngayon. Malapit nang mabunyag ang simula ng Malaking Pagdurusa, kung saan, lalo pang lalala ang kaguluhang pang-kapaligiran. Walang magagawa ang tao. Pagdating ng panahon, malalaman nya rin at tatanggapin na ang Aking Ama ay Umiiral at Ako, na Kanyang mahal na Anak, ay inihahanda Ko na ang mundo para masaksihan nito ang Aking pagbabalik sa Lupa sa ikalawang beses. Nalalapit na ang panahong yun. Pero dapat munang pagdaanan ng mundo ang kinakailangang paglilinis na ito.
Sa lalo pang pagdami ng mga pandaigdigang sakuna, gayundin lalo pang dadami yung mga alagad ni Satanas. Mapanadya at mapang-himagsik nilang ipagpapatuloy ang kanilang masasama at miserableng buhay, at patuloy nilang sasaktan at tatakutin ang Aking mga alagad at yung mga namumuhay nang tama.
Habang ipinapahayag ng Aking mga alagad ang Katotohanan sa di-naniniwalang mundo, mas marami na ang makikinig at tatanggap na ang mga pagbabago ay nangyayari na nga sa mundo. Mauunawaan kaagad nila, sa pamamagitan nitong mga propesiyang ibinibigay Ko sa Aking mga anak sa pamamagitan ng Aking mga piniling sugo, na ang mga darating na mga pangyayari ay hindi pwedeng papangyarihin ng tao. Mangyayari lang ang mga ito kung papayagan, at pag papayagan ng Aking Amang Walang-hanggan.
Panahon na para buksan ang Mga Tatak
Panahon na, mga anak Ko, para sa mga palatandaang nai-propesiya na, kung kailan kailangan nang buksan ang Mga Tatak at patunugin ang mga trompeta para i-anunsyo ang mga pagbabago. Ang kasamaan ay hindi mapapayagan ng Diyos na Maylikha ng sangkatauhan, at tutuluyan na Niya ito para mawala na ito nang tuluyan sa mundo. Wala ni isang alagad ni Masama, anuman ang lebel ng kanyang katapatan kay Satanas at sa kanyang mga pangakong walang katuparan, walang maliligtas, maliban na lang kung siya’y magsisisi!
Mga anak Ko, pagpapakitaan ng pagmamahal lahat ng Aking alagad at yung mga alagad ng Aking Amang Walang-hanggan, buksan nyo lang ang inyong puso.
Si Satanas naman, ay napagmukha niyang siya’y napakataas, kaya nahawahan na ng kanyang kapangyarihan ang marami sa Aking mga anak. Hindi na tuloy nila pinaniniwalaan ang mga kabutihan tulad ng pagiging totoo, mabubuting gawa, pagrespeto sa buhay, sa kapwa man o sa sarili nilang mga pamilya. Nilalabanan ng kapatid na lalaki ang kapatid na lalaki, kapatid na babae laban sa kapatid na babae, kapwa laban sa kapwa, pari laban sa mga mas nakakataas sa kanya, Mga Obispo laban sa Mga Aral ng Banal na Aklat.
Bakit mo Ako pinapahirapan ng iyong kawalang-pagmamahal?
Ang Mga anak Ko ay tinalikuran na rin pati ang magandang planetang ito – na napaka-mapagmahal na iniregalo sa inyo ng Diyos Ama, ang Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay. Ano itong ginawa nyo? Bakit nyo Ako pinahihirapan ng inyong kawalang-pagmamahal para sa inyong Tagapagligtas. Bakit nyo tinatalikuran ang inyong sariling mga pangangailangan – ang pangangailangang pakanin ang inyong sariling mga kaluluwa, pawiin ang uhaw nyo para sa kaalaman tungkol sa Kaharian ng Aking Ama, na walang iba kundi ang Langit – ang pamanang ipinangako sa inyo? Kayo, mga anak Ko, ay tinatalikuran nyo ang inyo mismong sariling kaligtasan! Hindi nyo ba ito nababatid? Paniwalaan nyo naman na pag hindi nyo ineksamin ang inyong konsyensya ngayon at ipinanalanging kayo’y gabayan, ay hindi kayo pwedeng iligtas at hindi nga kayo maliligtas!
Mga Paring binabale-wala ang Mga Aral
Ang Aking mga sagradong lingkod, ang mismong mga pastol na itinalaga para gabayan ang Aking kawan, ay hindi pa naipapaliwanag ang pag-iral ni Masama. Sa kagustuhan nilang magmukhang moderno, bukas ang isip at praktikal na mga guro, ay hindi nila nagawang ituro ang mga panganib ng pagbale-wala sa Mga Aral na nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama. Ang Aklat na malinaw na sinasabing umiiral nga si Masama at tinatrabaho niya ang bawat isa sa inyo para alisin kayo sa inyong pangwakas pero karapat-dapat na tahanan – ang Bagong Paraiso, na ipinangako Ko sa inyong lahat nang mamatay Ako sa Krus alang-alang sa inyo. Hindi para sa isang walang-mukhang pulutong ng mga tao Ako namatay. Kundi para sa bawat isa sa inyo kaya Ko isinuko ang Aking buhay, at nang kayo’y maligtas.
Tandaan nyo na walang-hanggan man ang pagmamahal Ko sa inyo, nagdudulot pa rin ito sa Akin ng malaking pagdurusa. Ang pagdurusang ito ay dahil binabale-wala nyo ang Aking Pag-iral. Mas gusto nyo pang magbulag-bulagan at parang mga batang musmos na paniwalaang maiibigay ng Lupa lahat nyong maaaring naisin.
Nakakalimutan nyo na, na ang buhay, ang buhay na susunod sa buhay na ito, ay magpapatuloy magpakailanman.
Ang mga propesiya ay ibinibigay sa inyo nang dahil sa Awa
Ang mga palatandaan, mensahe at propesiya ay ipinadala sa inyo, mga anak, sa loob ng maraming taon, dahil sa Aking Awa. Maliban sa Aking mga alagad, konting-konti lang sa inyo ang nakikinig, nagmamatyag o nag-iisip kahit sandali man lang, na itanong sa inyong sarili: Ito nga kaya’y pakikipag-usap ng Diyos? Kung ganun, anong kailangan kong gawin? Ang sagot: pakinggan nyo at tanggapin ang Katotohanan ng inyong mga pagpipilian sa hinaharap. Piliin nyo ang landas na inyong gustong tahakin. At pagkatapos ay ipanalangin nyo ang inyong kaluluwa at yung mga kaluluwa ng inyong mga mahal sa buhay.
Para sa inyo naman, na mga mayayabang, at nananadya pang tatalikod pag binabanggit ang Aking Ngalan, o yung mga pa-bastos na iwawagayway ang mga kamay pag ipinapahayag ng Aking mga alagad ang Katotohanan, wala na kayo sa Akin. Ang magagawa Ko na lamang ay magbigay, sa pamamagitan ng Aking Awa, ng mga palatandaan at Mga Mensahe sa mundong ito para kayo’y gabayan. Dahil nga sa Kaloob na malayang loob, na ibinigay sa sangkatauhan ng Amang Walang-hanggan, Diyos na Maykapal at Maygawa ng lahat ng bagay, hindi Ko kayo pwedeng pilitin sa inyong desisyon.
Samantalang Pag-ibig at Malasakit ang mga pangunahing dahilan ng pakikipag-usap Ko sa inyo, gayundin naman ang Aking pagdanas ng pasakit at dalamhati.
Lalo pang lumalala ang hapdi at sakit na Aking nararamdaman habang ang Aking mga anak ay lumulundag papunta sa mga bukas na braso ni Satanas. Ang ibig sabihin lamang nito ay kailangan Ko na ngayong ipakita nang malinaw sa inyo kung ano ang magiging kapalaran ng mga tumatanggi sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Totoong may Impiyerno
Piliin nyo ang mga kasinungalingang ibinibenta ni Manloloko – ang pangunahin ay ang Diyos Amang Walang-hanggan ay hindi umiiral – at nakondena na kayo sa Impiyerno. Pagpasok na pagpasok nyo sa mga pintuan ng Impiyerno, bigla nyong malalaman kung gaano kakila-kilabot ang kamaliang inyong nagawa. Maniwala kayo sa Akin, mga anak Ko, kung masasaksihan nyo lang yung pagkabigla at pangingilabot ng mga kaluluwang yun, pag ang pangwakas na Katotohanan pagkatapos ng kamatayan, ay mabunyag sa kanila, hindi nyo matatagalan, kahit isang sandali man lang, ang pahirap na ito. Kung masusulyapan nyo man lang ang lugar na ito, sa inyong kalagayan bilang tao, patay kayong babagsak dahil sa sobrang nakakatakot na kapalarang darating sa mga pumili ng daan ng kasalanan.
Ang daang ito, na mukhang maganda, nakakaakit, nakakahalina, maluwalhati at puno ng nakakamanghang bagay, ay nagbabago pag umabot na kayo sa kalagitnaan nito. Biglang hindi na kayo nasisiyahan. Magpapatuloy ang kakaiba, hungkag at nakaka-walang-ganang pakiramdam na ito hanggang sa dulo ng inyong paglalakbay. Hindi nyo alam kung bakit ganito ang inyong nararamdaman. Ang inyong mga karanasan, na masarap sa panlabas, ay puno ng mga di-inaasahang pakiramdam na nakakagulo at nakakainis, na may kahalo pang galit, pagkabigo, lungkot at takot. At sa punto lang na inyo nang makikita ang inyong idolo sa dulo ng inyong paglalakbay at matitingnan nyo ang masama niyang mga mata, na sasayaw-sayaw sa mapanlait na pagkatuwa, sa puntong yun lamang kayo magsisisigaw hanggang kayo’y mamalat. Sa huling sandaling yun lamang kayo sisigaw para humingi sa Akin ng saklolo. Pero huli na ang lahat. Sa puntong yun, wala nang balikan. Nagawa nyo na ang inyong desisyon sa buhay na ito.
At umiyak man Ako ng mapapait na Luha ng dalamhati para sa bawat isa sa Aking nawalang mga kaluluwa, hindi Ko pa rin kayo maililigtas sa puntong yun. Ang inyong malayang loob, kung saan kayo ang pumipili ng inyong sariling kapalaran, ay wala na talaga sa Aking Mga Kamay.
Sa pamamagitan ng Mensaheng ito, masakit man ito, ay binibigyan Ko ang mundo ng kahuli-hulihang Babala, nang dahil sa Malinis Kong Pagmamahal sa bawat isa sa inyo. Parang awa nyo na, sa wakas ay pakinggan nyo na naman sana ngayon ang Aking Boses, para mailigtas nyo ang inyong kaluluwa.
Ang inyong mahal na Jesucristo
Tagapagligtas ng Sangkatauhan at Makatarungang Hukom
Ang Babala, ang Nalalapit na Ikalawang Pagdating, Pagkakataon para Iligtas ang inyong mga kaluluwa
Miyerkules, Enero 12, 2011 3:00 pm
Anak Ko, masakit ang Aking Mensahe kahapon. Maraming nagbabasa nito ay sasabihin, “hindi ganito magsalita ang Panginoon.” Pero paano nila nalaman? Dahil sa pagdurusang tinitiis ng Aking mga mahal na anak sa kamay ng iba, kaya kailangan Kong magsalita. Dahil sa Aking Dibinong Awa, Ako’y nagsasalita, para tulungang mailigtas kayo, mga Anak Ko, para makaisa Ko kayo at maging isang Banal na Pamilya tayo sa Bagong Paraiso.
Ayaw Kong maiwala ni isang kaluluwa kay Manloloko. Importanteng ang Aking Boses ay marinig.
Napakahirap para sa mga Di-sumasampalataya
Naiintindihan Ko, na para sa marami sa Aking mga anak, lalo na yung mga di-sumasampalataya, ay napakahirap paniwalaan ang susunod na buhay. Sobrang nakundisyon na sila ng mga makamundong bagay kaya sa kanilang pagsisikap na mabuhay, kinaligtaan na nila ang kanilang espiritwalidad kaya hindi na sila naniniwalang may susunod na buhay pa. Kailangan na nilang mag-isip-isip. Naniniwala sila na lahat ay natatapos pag sila’y namatay, at ang mundong tinitirhan nila ngayon ang siya lang nilang dapat pag-ukulan ng pansin. Sobra Akong nababalisa dahil sa mga kawawang kaluluwang ito. Kung masusulyapan man lang sana nila kung ano ang iniaalok ng Paraiso, gugugulin sana nila ang kanilang buong panahon sa pananalangin at pagsamba sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, sa papuri at pasasalamat.
Totoo itong Bagong Mundong ipinangako Ko sa kanila. Papuri sa mga mananampalataya, na hindi kailanman kinalimutan ang katunayang ito, at nananalangin pa rin araw-araw sa Akin. Ang laki ng Aking pagmamahal sa Aking mga alagad; pero ang laki rin ng Aking pagdurusa para sa kanila. Ang Aking mga tapat na alagad na ito ay ginagawa ang lahat para kumbinsihin ang iba na Ako’y Umiiral. At pagkatapos ay sila’y pagtatawanan at lalaitin alang-alang sa Akin. Nadudurog ang Puso Ko dahil dito.
Paano pinananabikan ng mga yumao yung lahat ng naiwan nila na di-sumasampalataya
Ang tindi ng pananabik ng inyong mga yumaong mahal sa buhay para sa inyong lahat, mga di-sumasampalataya! Para sa inyo, na ang mga mahal sa buhay ay namamayapa na sa Kaharian ng Aking Ama, lagi nila kayong ipinananalangin. Ang hindi nyo alam ay ito. Kung gugugol lamang kayo ng konting panahon para kausapin Ako ng sarilinan – sa inyo mismong pananalita – at hihilinging kayo’y Aking gabayan, tutugon Ako, kahit na maligamgam ang inyong pananampalataya. At malalaman nyo na tumugon nga Ako. Lumapit na kayo ngayon sa Akin, mga anak. Sa inyong sariling pananalita at hilingin sa Akin na ibalik ang inyong pananampalataya.
Pag-isipan nyo ang Aking Mga Aral sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito at ng Biblia, at tandaan nyo kung paano kayo kailangang mamuhay. Ako naman, dahil sa Aking Awa, ay ibubunyag Ko sa iyo ang iyong mga kasalanan at paglabag na ginawa mo sa buo mong buhay. Malapit na itong mangyari.
Hindi Araw ng Paghuhukom, kundi patikim kung parang ano ito
Ito’y isang Akto ng Awa mula sa Akin. Makikita nyo ang inyong mga kasalanan at kaagad mauunawaan kung paano Ko nakikita ang mga ito. Sa isang iglap, malinaw nyong mauunawaan kung gaano ka-grabe at ka-mali ang mga ito. Ito na ang inyong pagkakataon, mga anak, para magsisi. Hindi ito Araw ng Paghuhukom, kundi patikim kung parang ano ito.
Nang dahil sa Awa, binibigyan kayo ng pinakamalaking Regalo sa lahat bago ang Araw ng Paghuhukom – ang pagkakataong magsisi at magbagong-buhay bago pa ang pangwakas na araw – ang panahon ng muli Kong pagdating sa Lupang ito.
Alam nyo na naman na Ako’y dumarating, hindi bilang isang Tagapagligtas, kundi bilang isang Makatarungang Hukom. Malapit na ang panahong yun, mga anak Ko. Huwag kayong matakot. Mahal Ko kayong lahat. Nasa Puso Ko kayo. Papasukin nyo na ngayon Ako sa inyong puso at magpaakay kayo sa Akin papunta sa Kaharian ng Aking Ama. Huwag na huwag nyong katatakutan ang kamatayan. Ang kamatayan ay isa lang pintuan papunta sa isang bago at magandang buhay ng walang-hanggang kaligayahan, na puno ng pagmamahal, kapayapaan at kaligayahan.
Buhay sa Lupa – isa lamang pagdaan sa loob ng panahon
Ang inyong buhay sa Lupa ay isa lamang pagdaan sa loob ng panahon. Maaari itong maging puno ng pag-ibig, tuwa, hapdi, pagtanggi, takot, galit, kawalang-pag-asa, kabiguan at kalungkutan. Pero sa paglapit nyo lang sa Akin mababawasan ang inyong hapdi. Pinagpala yung mga nagdurusa, at lalo na kung alang-alang sa Akin, dahil luluwalhatiin kayo sa Kaharian ng Aking Ama. Pinagpala rin yung mga nagbabalik sa Akin, dahil sobra kayong ipagdiriwang sa Langit.
Mainit kayong tatanggapin sa Aking Bagong Paraiso. Ipanalangin nyo ang inyong mga kaluluwa at ang mga kaluluwa ng inyong pamilya, ngayon na. Malapit nang mangyari ang Babala. At malalaman nyo na rin ang Katotohanan. Kaya magkakaroon kayo ng pagkakataong tubusin ang inyong sarili sa Paningin Ko. Mahal Ko kayong lahat. Natutuwa Ako dahil alam Kong napakarami pa sa Aking mga anak ang babalik na sa Akin at sa Amang Walang-hanggan, habang palapit na nang palapit ang pangwakas na panahon. Maging handa kayo.
Ang inyong mapagmahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Paano pumasok sa Langit – papel na ginagampanan ng pagdurusa
Biyernes, January 14, 2011 10:00 am
Mahal Kong anak, ang paraan ng Aking pakikipag-usap sa iyo ay nagsisimula nang magbago. Sa nakaraang mga Mensahe, binalaan Ko ang Aking mga anak na kailangan nilang magsisi para makamtan ang kaligtasan. Ang mga susunod Ko namang mga pakikipag-usap ay pagtutuunan ng pansin ang pagtulong sa mga kaluluwa para makamtan ang perpeksyong espiritwal.
Ang Paraiso, anak Ko, karapat-dapat man itong maging tahanan ng bawat isa sa inyo, ay hindi madaling pasukin. Maliit ang pasukan at ilan lang ang pwedeng pumasok sa bawat beses. Para makapasok, kailangang magpakita ng kababaang-loob ang mga kaluluwa at lubusan nilang ihabilin ang kanilang sarili sa Aking Mga Kamay.
Kailangan nilang alisin ang kayabangan, katigasan ng ulo, pananabik at pagkaloko sa mga materyal na bagay sa Lupang ito, kung gusto nilang pumasok sa Langit.
Lahat Kong anak na nagsisimula na sa kanilang espiritwal na paglalakbay papunta sa Akin, ngayong alam na nila ang Katotohanan, ay kailangan naman ngayong magtrabaho nang husto at unawain ang mga katangiang kinakailangan para makapasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Kahalagahan ng kababaang-loob
Ang kababaang-loob ay isang salita na nauunawaan ng marami sa Aking mga anak sa pamamagitan ng Aking Mga Aral. Marami man sa Aking mga alagad ang nakakaunawa kung bakit ito’y mahalaga, nalilito naman sila kung ano ang kinakailangan nito. Ang ibig sabihin ng kababaang-loob ay katapatan. At pagtanggap, nang may dignidad, sa mga pagsubok, pagsalungat at pang-aabuso na kakaharapin nyo lalo na kung dumarating kayo sa Ngalan Ko.
Ito ang maipapayo Ko. Isipin mong ikaw ay isang bata, isang simple at inosenteng bata na walang alam tungkol sa masamang lipunan na karaniwan mong nararanasan bilang isang matanda. Lagi mo Akong kakausapin sa iyong pananalangin sa pamamagitan ng paningin at puso ng isang bata.
Gawin mong laging simple ang iyong panalangin at pakikipag-usap. Hindi Ko naman inaasahan na dadasalin mong lahat yung Mga Panalanging ibinigay sa mundo, dahil sa Pag-ibig. Tumingala ka at sabihin mo sa Akin ang iyong mga problema. Ibahagi mo ang iyong mga paghihirap. Ibigay mo ang mga ito sa Akin. Malaki ang iyong magiging gantimpala pag tinanggap mo ang kalungkutan o pagdurusa sa iyong buhay, alang-alang sa Akin. Maaaring hindi nyo ito alam, pero pag ginagawa nyo ito, nagliligtas kayo ng maraming kaluluwa at pinadadali nyo ang kanilang daan para makapasok sila sa Langit. Ang katunayang ito ay mabubunyag lamang sa inyo, sa inyo ring pagpasok sa Langit, kung saan tatamasahin nyo ang kaluwalhatian ng inyong mapagmahal na regalo sa Akin.
Huwag iinit ang iyong ulo pag dinidipensahan mo ang iyong Pananampalataya
Ang pagpapakita ng kababaang-loob ay nangangahulugan ng pagtanggap sa nangyayari sa paligid mo, maging masakit man ito. Lagi kang magpapakita ng dignidad, laitin man ang Ngalan Ko sa harapan mo. Tama, magdepensa – nang maalab kung gusto mo – pero huwag na huwag mong palalayuin ang nang-aabuso sa pamamagitan ng paglait sa kanya sa harap ng mga tao.
Ipaliwanag mo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral sa panatag na paraan. Huwag iinit ang iyong ulo. Huwag ka ring magpapakita ng takot sa nang-aabuso. Magpakatatag ka. Depensahan mo ang iyong sarili, pero sa pamamagitan lamang ng pag-ulit sa Aking Mga Aral. Huwag na huwag kang matatakot na sabihin ang Katotohanan sa harap ng mga tao. Huwag mong ipagkakamali ang kababaang-loob sa pagiging duwag. Ilan sa Aking mga alagad na nakakaunawa sa kahalagahan ng kababaang-loob at ang kaugnayan nito sa pagpapabanal ng mga kaluluwa, ay naipagkakamali ito sa pananatili nilang walang-imik pag ang Ngalan Ko ay pinagtatawanan sa harap ng mga tao. Oo, huwag na huwag mong huhusgahan ang taong lumalait sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan, o sa Akin ngang mahal na Pinagpalang Ina, pero panindigan mo naman ang pag-depensa sa Katotohanan.
Kalungkutan, isang Regalo mula sa Diyos
Pag Ako’y kinakausap mo, bilang isang bata, dapat mong malaman ito: pag binuksan nyo ang inyong puso at lubusan kayong nanalig sa Akin, gagabayan Ko kayo pag nagdanas kayo ng kalungkutan sa Lupang ito. Huwag nyo Akong tatalikuran. Napakasakit man nito, mga anak Ko, ituring nyo itong isang Regalo mula sa Diyos. Isang pagpapala. Ito’y dahil sa pamamagitan ng kalungkutan at pagdurusa nangyayari ang paglilinis. Ialay nyo ang inyong mga pagdurusa sa Akin. Pag ginawa nyo ito, naiibsan nyo ang pasakit na tinitiis Ko, pag nadarama Ko ang hapdi ng Aking Paghihirap sa Krus, nang paulit-ulit, araw-araw habang nasasaksihan Ko ang mga nakakakilabot na mga nangyayari sa mundo ngayon.
Ang Paglilinis na nagaganap pag tinatanggap nyo ang kalungkutan o pagdurusa, gaano man ito ka-grabe, pag inialay nang may galak para sa ikaliligtas ng sangkatauhan, ay hindi nyo pa talagang mauunawaan, mga anak Ko. Pero habang lumalapit kayo sa Akin,sa pagbubukas nyo ng inyong puso, at paghabilin ng inyong loob sa Akin sa lubusang pagsuko nyo sa Akin, mas mauunawaan nyo ito. Alam nyo, ang paggawa nyo nito ang siya lamang paraan para makaisa nyo Ako. At pag ginawa nyo ito, maiibsan ang inyong mga pagsubok at paghihirap sa Lupa. Darating ang panahon na tatanggapin nyo ang pagdurusa nang may galak sa inyong puso, lalo na pag iniaalay nyo ito bilang isang regalo sa Akin.
Ang pagdurusa ay isang Regalo mula sa Diyos at ito’y pinapayagan. Ang mga kaluluwang tutulungan nyong maligtas ang siyang garantiya nyo ng isang lugar sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang Mga Aral na ito ay hindi bago, mga anak Ko. Hindi lang kayo napapa-alalahanan ng simpleng Katotohanan. Hindi kailanman nagbago ang Aking Mga Mensahe at Mga Aral. Simple ang mga ito at binuod sa Mga Ebanghelyo at sa Sampung Utos. Basta tandaan nyo, na pag ibinigay nyo ang inyong sarili sa kapwa, ibinibigay nyo ang inyong sarili sa Akin. Pag nagpakita kayo ng pagmamahal sa inyong kapwa, nagpapakita kayo ng pagmamahal sa Akin.
Tratuhin nyo siya kung paano nyo gustong kayo’y tratuhin. At huwag na huwag nyong kalilimutan na pag kayo’y nagagalit na sa iba at natutuksong saktan sila, o parusahan sa anumang paraan, na Ako’y naroroon sa kanila – maging sa mga nasusuklam sa Akin. Saktan mo ang alinman sa Aking mga anak at ginawa mo na rin yun sa Akin.
Darating din ang panahon, mga anak Ko, na lahat ng mabubuting aktong ito ay magkakaroon ng saysay. Ipanalangin nyo, araw-araw, na kayo’y patatagin sa pamumuhay alang-alang sa Ngalan Ko. Dapat nyong malaman na sa tuwing magpapatawad kayo ng inyong kapwa, kahit na parang siya ang kaaway, ay pinatataba nyo ang Aking Puso ng Pag-ibig at Awa. DahiI dyan, tatanggap kayo ng walang-hanggang kaligayahan sa Langit.
Ipanalangin nyo na kayo’y maging matiyaga. Tularan nyo ang Aking Buhay. Hindi ito magiging madali. Pero ang inyong mga akto, gaano man kaliit, ay makakatulong sa mga kaluluwa.
Ang inyong mahal na Guro at Tagapagligtas
Jesucristo, Kaisa ng Diyos Amang Walang-hanggan at ng Espirito Santo
Pagpasan ng Aking Krus
Linggo, January 16, 2011 3:00 pm
Oo, mahal Kong anak, Ako ito. Ang daan ng iyong pag-aaral ay mahaba at patuloy kang bubusugin ng kaalaman ng Katotohanan sa pamamagitan ng Regalong Espirito Santo, na pumupuno sa iyong kaluluwa.
Anak Ko, siguraduhin mo naman na ang Mga Mensaheng ito, na pinaghalong mga paunang babala, mga propesiya at isang buod ng Aking Mga Aral, ay maikalat sa bawat sulok ng mundo. Mahalagang maunawaan ng Aking mga anak ang mga paraan ng paghahanda ng kanilang mga kaluluwa para matubos nila ang kanilang sarili sa Mata ng Diyos.
Ang Pagbabagong Espiritwal ay nangyayari na ngayon sa mundo
Sa mundo ngayon ay may lumilitaw na debosyon at parangal sa Akin, sa Aking Amang Walang-hanggan, sa Espirito Santo at sa Aking mahal na Ina. Hindi man ito malinaw pang nakikita, makakatulong pa rin ang pagbabagong espiritwal na ito, na protektahan ang Aking mga anak, pati na yung mga tumalikod sa Akin, sa lahat ng lugar. Ang Ebanghelyo ay muling bibigyang-pansin, dahil magsisimula nang maramdaman ng mga tao ang pagkagutom para sa Katotohanan. Habang patuloy na tumitindi ang Paglilinis at lumalaganap sa buong mundo, gayundin ang mga kaluluwang ito, na salat sa pagmamahal sa Akin, ay muling bubuksan ang kanilang puso.
Habang bumubukadkad ang pag-ibig sa pamamagitan ng liwanag ng Aking mga alagad, ang mga epekto ni Masama at ang asal ng kanyang mga sinapian ay hihina. Gaganti si Masama.
Nabibilang na ang mga araw ni Satanas
Habang nababawasan oras-oras ang kanyang mga araw sa Lupang ito, sisikapin niyang maminsala sa abot ng kanyang makakaya. Bibilisan ng kanyang mga alagad ang kanilang mga ginagawa at kaagad silang magkakalat ng kasamaan sa lahat ng lugar. Ang kanilang mga kilos, na magiging kakila-kilabot tingnan, habang ipinakikita nila ang kanilang sarili sa namamangha nyong mga mata, ay madaling matatapos.
Ang pananampalataya, mga anak Ko, na pinatatag ng regular at araw-araw na panalangin ay buburahin ang masasamang gawaing ito. Balik, mga anak Ko, at diskubrihin muli ang Aking Mga Aral. Ibalik nyo Ako sa inyong buhay. Papasukin nyo Akong muli sa inyong puso, para makarga Ko kayo sa Aking Mga Braso. Magpaakay kayo sa Akin papunta sa perpeksyong espiritwal, para maging handa kayo para sa buhay na walang-hanggan, pagdating ng pinagsanib na Lupa at Langit.
Tularan nyo Ako, mga anak Ko, sa inyong pang-araw-araw na buhay. Pasanin nyo ang Aking Krus, kahit na maging parang sobrang pasanin na ang paggawa nito. Huwag na huwag kayong matatakot na tanggapin ang Aking Krus, dahil ang ipapapasan Ko lamang sa inyo ay yung makakaya nyo.
Kahulugan ng pagdurusa sa buhay na ito
Pag kayo’y nagdurusa sa buhay na ito, pinapasan nyo ang Aking Krus. May dalawa kayong pagpipilian. Kung tatanggihan nyo ang Aking Krus, dadaing at maghihinanakit dahil dito, lalo’t lalo pang titindi ang pagdurusa. Kung tatanggapin nyo naman ang Krus at iaalay ang inyong pagdurusa para magligtas ng mga kaluluwa, ito’y magiging napakagandang regalo sa Akin. Pag tinanggap nyo ang pagdurusang ito, ang mga pagsubok at problema, nang may galak, magiging mas magaan ang inyong pasanin. Tutulungan Ko kayong pasanin ito. Sa ganun, huhupa ang pananakit at ang maghahari sa inyo ay kapayapaan, pag-ibig, tuwa at purong kaligayahan.
Mamuhay nang simple
Mamuhay nang simple, mga anak, at gawin ang lahat ng bagay nang katamtaman lang. Sa inyong pagkain, pag-inom, pagtulog, pahinga at aliwan, siguraduhin nyong ginagawa nyo ito nang katamtaman lang. Basta’t napunuan nyo na ang pangangailangan ng inyong katawan, huwag na kayong maghahangad nang higit pa, dahil manghihina ang inyong espirito. Ang Penitensya, mga anak Ko, ay mahalaga para kayo’y mas makalapit sa Akin. Ang ibig Kong sabihin dito ay personal na sakripisyo. Ang pag-aayuno ay isa lang halimbawa ng penitensya. Ipinangaral Ko ang kahalagahan ng penitensya noong panahon Ko sa Lupa. Ganun din ang Aking mahal na propetang si St. John the Baptist.
Nag-ayuno Ako nang 40 araw para magpakita sa inyo ng halimbawa. Mga anak, sa pag-aayuno nyo lang matutulungang palayasin si Masama.
Mahal Kong mga anak, ang dami nyong kakaharapin. Hindi nyo pa nauunawaan kung ano ang kakailanganin sa inyo sa darating na mga taon. Samantala, mahalaga na kayo’y lumapit sa Akin, para maihanda kayo para sa mga pagsubok na kakaharapin ng mga Kristiyano sa buong mundo.
Humayo na kayo sa kapayapaan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang daling magkasala
Lunes, January 24, 2011 10:00 pm
Ngayong araw, mahal Kong anak, naunawaan mo na rin sa wakas ang mga panganib na dulot ni Manloloko pag ibinaba mo ang iyong panangga. Mahalaga para sa pagbabanal ng iyong kaluluwa ang Panalangin sa Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng Divine Mercy Chaplet.
Ang kasalanan, mahal Kong anak, ay mahirap iwasan. Mas mahirap makamtan ang Aking mga espesyal na grasya kaysa umiwas sa kasalanan sa anumang uri nito. Pag tinawag ka para gawin ang sagradong Gawaing ito, lagi kang magiging target ni Masama, na sa bawat pagkakataon ay lilikha ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. Gagamitin niya yung mga taong nasa iyong paligid para umatake, kaya dapat ay lagi kang handa sa kanya.
Huwag na huwag mo siyang hahayaang manalo, dahil pag nagkaganun, nagagawa niyang sapian ang mga kaluluwa at nagdudulot siya ng nakakakilabot na hapdi, dalamhati at pagdurusa. Nagdudulot siya ng pagkawasak ng mga pagkakaibigan, pagkalito, kawalang-pag-asa, at naglalagay siya ng mga di-totoong kaisipan sa mga pag-iisip ng kanyang mga target. At pagkatapos, pag nakonsyensya na ang Aking mga anak dahil sa kanilang kahinaan, sapagkat bumigay nga sila sa tukso, nakakaranas sila ng isang uri ng kalungkutang nagdudulot ng kawalang-pag-asa, pagdadalamhati at pagkalito sa kanilang buhay.
Mga anak Ko, lagi kayong tutuksuhin para magkasala. Ang perpeksyon ng inyong kaluluwa ay napakahirap makamtan at ito’y nangangailangan ng inyong sobrang disiplina at determinasyon. Kung sakali mang kayo’y mahulog sa bitag ng pang-aakit ni Masama at kayo’y nagkasala, kailangang manalangin kayo kaagad mula sa inyong puso at humingi ng tawad.
Ang regular na Kumpisal ay isang Sakramentong hindi nauunawaan ng marami. Sa pamamagitan lamang ng linggo-linggong pangungumpisal mapapanatili nyo ang inyong kaluluwa sa kalagayan ng grasya. Pag ang inyong kaluluwa ay pinababanal sa ganitong paraan at sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin, saka nyo lang mapipigil ang mga atake ni Masama.
Ang pangongonsyensya dahil sa kasalanan
Kung nangongonsyensya ka dahil ikaw ay nagkasala, gaano man ka-grabe ang paglabag sa Paningin ng Aking Ama, huwag kang mag-alala. Magbalik-loob ka, buksan ang iyong puso at humingi ka ng tawad. Ang pangongonsyensya ay isang negatibong pakiramdam.
At nagsisilbi man ito bilang isang uri ng pag-gabay sa iyong konsyensya, hindi makabubuting manatili sa ganitong kalagayan. Humingi ka ng mga grasya, sa pamamagitan ng panalangin, para makamit ang kalinisan ng kaluluwa na kinakailangan para Ako’y paglingkuran. Mahalaga ang pasensya. Huwag na huwag mong hahayaang ilayo ka sa Akin ng kasalanan. Hinding-hindi dapat maging hadlang ang pangongonsyensya sa daan ng paghahanap ng kaligtasan.
Tandaan nyo, mga anak, na dahil sa kasalanang orihinal, ay lagi kayong mabibiktima ng panunukso ni Masama. Sa pamamagitan naman ng panalangin, pag-aayuno at katapatan sa Banal na Eukaristiya, mapapalapit kayo sa Akin. Siyempre, mangangailangan ito ng panahon, na dapat nyong paglaanan.
Hayo na, Aking mga anak, at isang bagay ang inyong pakaka-tandaan – huwag na huwag kayong matatakot na magbalik-loob sa Akin pag kayo’y nagkasala. Huwag na huwag kayong mahihiyang humingi ng tawad pag kayo’y talagang nagsisisi. Pero tandaan nyo rin na pag hindi nyo ito ginawa, ay paulit-ulit nyong maaakit si Manloloko at ang inyong kaluluwa ay mahuhulog sa kadiliman. Ang kadiliman ay umaakit sa dilim. Ang Liwanag ay umaakit sa liwanag. Ako ang Liwanag.
Lumapit na kayo ngayon sa Akin at hayaan nyong ang Aking Pag-ibig ay masinag sa inyong mga kawawa at naliligaw na kaluluwa. Ganun Ko kayo ka-mahal, mga anak Ko, na pag kayo’y nagbabalik-loob sa Akin, gaano man kayo ka-lungkot sa inyong pangungulila, ay hinding hindi kayo kailanman palalayasin.
Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig,
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Paghandaan ang Babala, ang Pagliliwanag ng Konsyensya
Biyernes, January 28, 2011 12:15 am
Ngayong gabi, pinakamamahal Kong anak, binigyan ka ng mga grasya para gawin kang maging mas malakas para maipagpatuloy mo ang sagradong Gawaing ito. Sa pamamagitan ng debosyon ng Aking mahal na mga alagad, na napaka-taimtim kang ipinananalangin, ikaw, anak Ko, ay mabilis na susulong para tapusin ang Aklat ng Katotohanan. Gaano ka man naguguluhan, mahihirapan ka pa ring tanggihan ang iyong tungkulin sa Akin. Ikinalulugod Ko ito pero konti na lang ang panahon natin.
Ang mundo, Aking anak, ay binibigyan ng espesyal na Regalong ito – ang Aklat ng Katotohanan – para ipakita sa Aking mga anak kung ano ang kinakailangan nila ngayon para paghandaan ang Babala, ang Pagliwanag sa Konsyensya, na ibinibigay sa sangkatauhan para matulungan silang makapaghanda nang husto para sa Aking Ikalawang Pagdating.
Para sa mga hindi naniniwala sa Akin, kailangan pa rin silang bigyan ng pagkakataong basahin ang Katotohanan. Pagsapit ng pangyayaring ito, matapos ibigay sa mundo ang Mga Mensaheng ito, maiintindihan ng mga tao ang katunayan ng Aking Mga Salita na ibinibigay sa pamamagitan mo, Aking anak, para iligtas ang sangkatauhan.
Ang Mahiwagang Pangyayari na mararanasan ng lahat ng may edad na higit 7 taon
Huwag kang maghinanakit pag hindi tinatanggap ng mga tao ang Mga Mensaheng ito, anak Ko. Ipagpasalamat mo na lang na naibibigay sa kanila ang Regalong ito. Maiintindihan nila ang Katotohanan ng propesiyang ito, pag ang Mahiwagang Pangyayaring ito, na mararanasan ng lahat Kong anak na may edad na higit 7 taon, sa buong mundo, ay nangyari na. Yung mga buhay pa pagkatapos ng pangyayaring ito, ay magiging mas maingat na tungkol sa mga nilalaman ng sagradong Aklat na ito. Mahihirapan na silang bale-walain ito, mahina man ang kanilang pananampalataya. Ang iba naman, na ayaw malaman ang Katotohanan, ay dapat pa ring paalalahanan tungkol sa mga nilalaman ng Gawaing ito.
Huwag na huwag kang susuko, anak Ko, pagdating sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Lahat Kong mahal na anak ay isinilang nang dahil sa Pag-ibig ng Aking Amang Walang-hanggan. Nang sila’y maligaw, wala yun. Mahal pa rin ng Aking Amang Walang-hanggan ang bawat isa sa Kanyang mga anak.
Ang pananampalataya, anak Ko, ay muling masisindihan ng pananampalataya ng iba, na biniyayaan ng Espirito Santo. Ang Aking piniling mga anak, na sinugo para ikalat ang Aking Salita ngayon, ay may kakayahang magpatulo ng mga luha ng kaligayahan sa mga kaluluwang nagsusumigaw at humihingi ng direksyon sa kanilang walang-laman at nakakalitong buhay.
Tingnan ang bawat isa sa pamamagitan ng Aking Mga Mata
Lagi nyong titingnan ang inyong mga kaibigan, pamilya, kapit-bahay at ka-opisina sa pamamagitan ng Aking Mga Mata. Lagi nyong hanapin ang mabuting bahagi. Pagpakitaan nyo sila ng pagmamahal at madarama nila ang Aking Presensya. Mapapalapit sila sa inyo at di nila alam kung bakit.
Sa pamamagitan ng Aking halimbawa, tularan nyo Ako at matutulungan nyo Akong mapapag-balik-loob ang Aking nawawalang mga anak. Taimtim nyo silang ipanalangin, at inyo silang mapapalapit sa Akin. Mag-sakripisyo kayo at tanggapin ang pagdurusa, kaisa Ko, at makakapagligtas kayo ng mga kaluluwa. Kasama rito yung mga kaluluwang yayao pa lang mula sa Lupang ito, pati na yung mga naghihintay ng Paghuhukom sa Purgatoryo.
Sa huli, gusto Ko lang kayong paalalahanan, na may dalawa kayong pagpipilian. Manampalataya sa Akin sa pagbubukas nyo ng inyong isip sa Katotohanang nilalaman ng Ebanghelyo. Kung lubusan na kayong nawalan ng pananampalataya, basahin nyo kahit isang bahagi lang ng Aking Mga Aral. At pagkatapos ay hingin nyo sa Akin na ipakita sa inyong puso ang Katotohanan. At malalaman nyo kung alin ang daang magdadala sa inyo sa Akin sa Langit. Sa kabilang panig naman, pwede rin namang ipikit nyo ang inyong mga mata at huwag makinig. Pag nagkaganun, panalangin na lamang ng mga sumasampalataya ang makakatulong sa inyo. Ang panalangin ng Aking mga alagad, kasama ang pagdarasal ng Aking Divine Mercy Chaplet na Regalo ng Awa ng Diyos kay Sister Faustina noong ika-20 siglo, ay maililigtas ang inyong kaluluwa kung kayo’y mamamatay.
Dasalin ang Divine Mercy
Manalangin, manalangin, manalangin ng Aking Divine Mercy para sa inyong sariling mga kaluluwa at sa mga kaluluwa ng mga di-sumasampalataya, ngayon na. Ang mga prayer group ay makakatulong na maikalat ang Katotohanan, at magpasibol ng pananampalataya sa mga di na alam kung sino sila at kung saan sila nagmula. Magiging kasangkapan ito para sindihan ang pagkalat ng pang-ebanghelyong kaliwanagan, na madarama na ngayon sa lahat ng lugar sa mundo, habang nalalapit na ang panahon na magsisimula nang mabunyag ang mga propesiyang may kaugnayan sa Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa, at nakikita na ang mga ito sa harap ng sunud-sunod na mga pandaigdigang pangyayari.
Mga anak, maging handa kayo sa lahat ng oras. Manatili kayo sa kalagayan ng grasya at ibukas nyo ang inyong puso sa Aking Mga Aral ng pagmamahal at kapayapaan sa Lupa. Kung sinunod lang sana ng lahat Kong anak ang Aking Mga Aral, wala na sanang mga giyera, katakawan, pagkasuklam, o karukhaan sa mundo. Ang kailangan nyo lang gawin ay maupo nang ayos, bawat isa sa inyo, kalahating oras lang araw-araw.
Basahin nyo ang Mga Salmo, ang Mga Parable, at itanong nyo sa inyong sarili, “Pwede kayang gamitin ang leksyong ito sa aking buhay sa mundo ngayon?” Siyempre, alam nyong ang sagot ay oo. Ipanalangin nyo na magkaroon kayo ng kakayahang baguhin ang inyong mga pananaw tungkol sa susunod na buhay. Tandaan nyo ang importanteng leksyong ito. Ang Lupa ay isa lang maikling paglalakbay sa loob ng panahon. Ang tanging tunay na kaligayahan at buhay na walang-hanggan ay nasa Akin sa Langit, sa Paraiso – ang Kaharian ng Aking Ama.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Pag-ibig ang daang papunta sa Kaligtasan
Sabado, February 05, 2011 11:50 am
Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw ay binigyan ka ng mas marami pang grasya para lalo pang mapalapit kita sa Akin. Dahil sa pamamagitan lang ng pagiging malapit sa Akin, magagawa mong makaranas ng kapayapaan, pag-ibig at tuwa sa iyong puso. Sa pamamagitan lang ng panalangin at pagsuko sa Akin ng iyong mga problema, magagawa mong makiisa sa Akin. Pag ikaw ay sumusuko, anak Ko, at nananalig sa Akin, saka mo mauunawaan ang Pagmamahal Ko sa iyo na iniingatan Ko sa Aking Puso. At pag naunawaan mo na ito, lalo pang lalalim ang pagmamahal mo sa Akin. Pag isinuko mo na ang lahat mong alalahanin at inilagay ang mga ito sa Aking Mga Kamay, ay saka lamang maaayos ang mga ito.
Makakapagpakita lamang kayo ng tunay na pagmamahal sa kapwa pag mahal nyo Ako. Sa pamamagitan ng pag-ibig, ay bibigyan kayo ng regalong makita ang inyong kapwa sa pamamagitan ng Aking Puso, na puno ng Pagmamahal at Pagmamalasakit.
Pag pinagpakitaan nyo na Ako ng tunay na pagmamahal, ay saka lamang magbabago ang inyong buhay at bubulwak ang tuwa sa pang-araw-araw nyong buhay. Huwag na huwag nyong katatakutan ang Aking Pag-ibig, mga anak Ko. Masaganang-masagana ito para sa inyong lahat, lumapit lang kayo at hingin ito sa Akin. Pag tinatanggap nyo na ang Pag-ibig na ito, maging mapagbigay kayo nito. Ikalat nyo ang Aking Pag-ibig sa lahat ng lugar, para lahat kayo, lalo na ang maligamgam na mga kaluluwa, ay maimbita Ako sa inyong mga kaluluwa. Ito lamang ang tanging daang papunta sa kaligtasan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Pandaigdigang Pagbabalik-loob ay malapit nang mangyari
Linggo, February 06, 2011 1:40 pm
Pinakamamahal kong anak, isa ito sa mga pangwakas na Mga Mensahe na dapat isama sa Aking unang bahagi ng Banal na Kasulatan na nakapaloob sa Bahaging “Ang Babala.”
Mahal Kong mga anak, malapit nang iparamdam sa inyo ang Aking Pag-iral sa pamamagitan ng pagpaparusa. Konting panahon na lang at ang mga sumasampalataya sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at ang mga di-sumasampalataya ay parehong bibigyan ng pangwakas na Regalo bago ang maluwalhating araw ng Aking pagbabalik para Maghukom. Ang Dakilang Pangyayaring ito ay bubuksan ang inyong puso at mamamangha kayo sa kahanga-hangang Pag-ibig na Aking ipapakita sa inyo sa Aktong ito ng Awa. Marami sa inyo ay hindi alam na Ako, o ang Aking Amang Walang-hanggan, ay Umiiral. Para sa napakarami sa inyong mga inosenteng kaluluwa, dapat nyong maunawaan na ang Aking Awa ay ibinibigay sa inyo sa pangyayari ng Babala.
Kahit ano pang ngalan na gusto nyong ibigay sa Akin, sa puntong yun kayo magkakaroon ng bagong pang-unawa na babalot sa inyong mga kaluluwa. Ipagpasalamat nyo pag nangyari na ito dahil ang pagpaparusang ito ang siya nyong kaligtasan.
Pagkatapos ng pangyayaring ito, yung lahat ng sumasampalataya, kasama yung mga magbabalik-loob dahil makikita na nila, sa wakas, ang Katotohanan, ang siyang bubuo ng Aking bagong hukbo sa Lupa. Bawat isa sa inyo, na nakahingi na ng tawad pag nabunyag sa inyo ang inyong mga kasalanan, ay sisikaping ikalat ang Katotohanan sa mga nasa kadiliman.
Ang Regalong ito, mga anak Ko, ay magdudulot sa inyo ng pasakit pag pinagtawanan kayo sa Ngalan Ko. Ipagpasalamat nyo pag ito’y nangyari na, dahil malalaman nyo, masakit man ang mga karanasang ito, na kayo’y isang tunay Kong alagad. Sasama kayo sa Akin sa Paraiso pagdating ng panahon. Huwag na huwag nyong katatakutan ang inyong Pananampalataya, mga mahal Ko. Dahil kung masisilayan nyo lang, kahit sandali, ang sobrang kagandahan na nilikha ng Aking Ama para sa inyo sa Paraiso, hindi matatagalan ng inyong pisikal na mga mata ang Liwanag at Luwalhati. Minsang masilayan nyo, kapit-tuko man kayo sa Lupang ito dahil maganda nga, at likha rin nga ito ng Diyos, ay magmamakaawa kayo para sa panahong makakasama nyo na Ako sa Paraiso.
Mensahe ng Pagmamahal para sa mga atheist na hindi sumasampalataya
Tandaan nyo itong isang pangwakas na leksyon mula sa Akin. Kayong mga atheist sa lahat ng dako, pakinggan nyo ang Mensaheng ito ngayon, kahit nahihirapan kayong gawin ito. Bawat isa sa Aking mga anak sa Lupang ito ay nakakaramdam ng pagmamahal sa isang yugto ng kanilang buhay. Pag nakakaramdam kayo ng pagmamahal sa inyong puso, hindi nyo ito nakikita, ni nahihipo, at mahihirapan kayong ilarawan ito. Walang paraang siyentipiko na magagamit para eksaminin ito. Ginagawa kayong mapagpakumbaba ng Pag-ibig. Ginagawa kayong mapagbigay ng Pag-ibig. Tinutulungan kayo ng Pag-ibig na gumawa ng malalaking sakripisyo. Ang Pag-ibig ay nakakalito, pero maalab. Ang Pag-ibig ay hindi gawa ng tao. Ito’y Regalong galing sa Diyos. Iisa lamang ang Pinagmumulan ng Pag-ibig. Ang Pag-ibig ay ang Diyos. Ang Diyos ay Pag-ibig. Ganun ka-simple yun. Buksan nyo ang inyong puso sa Purong Pag-ibig na meron Ako, at ang Aking Amang Walang-hanggan, para sa bawat isa sa inyo. Tingnan nyo Ako kung paanong tinitingnan ng isang bata ang kanyang magulang. Tawagin nyo Ako at pupunuin Ko ang inyong puso. Pag nangyari yun, hinding hindi na kayo tatalikod pa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ilathala ang Aking Mga Mensahe sa lahat ng lugar sa mundo
Lunes, February 07, 2011 10:00 pm
Anak Ko, medyo naligaw ka at ngayo’y humihingi ka ng lakas para magkaroon ka ng kompiyansa at tapang na tuparin ang Aking mga utos. Mabuti naman. Ibigay mo sa Akin ang iyong panahon gaya ng ipinakiusap ng Aking mahal na Ina, dahil kailangang maging malinis ang iyong kaluluwa pag ipinararating mo ang Aking Salita.
Kailangan Ko na ngayong hilingin sa iyo na simulan mo na ang pagpaplano ng pagpapalabas ng Aking mahalagang Babala, isang Regalo para sa bawat tao sa mundo. Kailangang mabigyan na sila ng mga detalye nito sa katapusan ng Pebrero sa pamamagitan ng Internet at sa buong mundo. Bilisan mo, anak, gawin mo ang kinakailangang gawin para nang sa ganun ay mabigyan ng pagkakataong marinig ito ng pinakamaraming taong maaaring bigyan. Paglaanan mo ito ng panahon, mahal Kong anak, dahil kailangang-kailangan na ito ngayon. Ang pakiusap na ito ay hindi para takutin ka. Ito’y para bigyang-diin ang mahigpit na pangangailangang gawin na ito, para makapaghanda ang pinakamaraming tao sa mundo na maaaring makapaghanda. Para nang sa ganun, gugustuhin nilang magbalik-loob pag ang kanilang mga kasalanan ay naladlad sa harapan mismo ng kanilang mga mata.
Sa pamamagitan ng paghahanda, sobrang makikinabang sila. Dahil sa bahaging ito ng Kasulatan kaya nila matatagalan ang Babala. At pagkatapos ay magiging malinis na sila, at dahil sa mga biyayang kanilang tatanggapin ay magiging handa na silang harapin ang mga darating na pagsubok.
Mapagmahal mong tanggapin ang Regalong ito, anak Ko. Huwag kang matakot o mawalan ng gana. Ito’y isang Regalo para sa buong sangkatauhan. Dahil sa pagtugon mo sa tawag na ito, nagdusa ka, pero hindi sa paraang iyong inaasahan. Nagdusa ka dahil sa tukso. Pinigilan ka ng iyong pagdududa na tanggapin ang kapayapaan at galak sa iyong kaluluwa, na mapapasaiyo, kung bibigyan mo lamang Ako ng kalayaang kunin ka at gabayan. Panahon na, anak Ko, na isuko mo lahat sa Akin. Ibigay mo sa Akin ang iyong malayang loob bilang isang Regalo at ibibigay Ko naman sa iyo ang pinakadakila at pinaka-ninanais na Regalo sa lahat. Kapayapaan, tuwa at napakalaking pagmamahal sa Akin, sa bawat parte ng iyong pagkatao. Halika na, anak Ko. Maging Akin ka. Sa wakas ay makipag-isa ka sa Akin. Ibigay mo sa Akin lahat mong pagmamahal, pagdurusa, pagkabahala at alalahanin. Basta pakawalan mo na ang mga ito ngayon. Sa ganun, at sa ganun lamang ikaw magiging talagang malaya at magaan ang puso.
Ang Gawaing ito ay mangangailangan ng lakas, anak Ko. Hindi ka lamang yung kung tawagin ay bisyonaryo. Ibinibigay Ko sa iyo ang Regalong propesiya. Bakit? Kasi, ikaw, mahal Kong propeta, ang magiging kasangkapan para ikalat ang Mabuting Balita sa buong mundo tungkol sa Aking Ikalawang Pagdating, pagbalik Ko sa Lupa. Alam Kong pwedeng ikagulat mo ang balitang ito, pero matagal mo nang pinaghahandaan ang papel na gagampanan mong ito, hindi mo nga lang alam. Para tulungan ka sa gawaing ito, nagtalaga Ako ng ilang santo para tulungan ka. Kasama rito sina Saint Benedict, Saint Agustin, Saint John Paul II, Saint Faustina, Saint Malachy at Saint Teresa of Avila. Ibubunyag Ko ang iba pa pagdating ng panahon. Lahat ay nagtatrabaho na ngayon para itaguyod ang iyong gawain, na isa sa mga pinakamahalagang ibinigay magpa-hanggang ngayon sa sangkatauhan sa napakahalagang panahong ito ng kasaysayan.
Huwag kang matakot, anak Ko. Sobra-sobra pa ang kakayahan mo para sa gawaing ito. Bakit Ko pa hihilingin sa iyo ang ganitong paghihigpit, sa palagay mo? May ilan ka pang dapat gawin para sa iyong espiritwal na pag-unlad, pero darating ka rin doon sa paglipas ng panahon. Patuloy Akong makikipag-usap nang sarilinan sa iyo habang ipinararating sa mga tao ang Unang Bahagi. Mahal Kita, anak Ko. Alam Kong mahal mo Ako. Alam Kong pwedeng maging mahirap ito para sa iyo dahil sa lahat ng mahigpit na pangangailangang kinakaharap mo. Pero magagawa mong magtiyaga, at lalo’t lalo pang maging malakas. Ang iyong enerhiya at mabilis na pag-iisip ay magbibigay-katiyakan na ang mahahalagang serye ng Mga Mensaheng ito ay maikakalat sa lahat Kong anak sa lahat ng lugar. Sa lahat ng bansa.
Yun na lang muna para sa ngayon. Salamat sa iyo at gumugol ka ng panahon na magnilay at tumugon sa Akin ngayong gabi.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Mensahe mula sa Espirito Santo
Sabado, February 12, 2011 3:30 pm
Panahon na para bumangon at kunin ang Kopang ito – uminom dito, dahil ito ang Kopa ng Kaligtasan. Sa iyong pag-inom sa Kopang ito, magiging handa ka na ngayon para ibahagi ang Kopang ito sa sangkatauhan.
Naghahanda ka na ngayon na ihayag ang Mga Salita ni Kristo, para maligtas ang mga kaluluwa habang nangyayari ang Babala.
Huwag kang mag-aksaya ni isang sandali dahil nalalapit na ang panahon ng pagsapit ng Dakilang Pangyayaring ito. Kokonti lang ang magiging panahon mo para basahin ng mundo sa Internet ang mga nilalaman nito. Pero ang panahong ito ay magiging kasangkapan para iligtas ang milyun-milyon sa mga apoy ng Impiyerno.
Malaking responsabilidad ito, pero handa ka na ngayon.
Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan.
Ang Espirito Santo
Pagbangon ng Arab World, 3 Pandaigdig na Pinuno ang papatayin
Huwebes, February 17, 2011 11:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, sobrang natutuwa Ako ngayong araw, ngayong ang mahahalagang seryeng ito ng Mga Mensahe ay inihahanda na para iparating sa buong sangkatauhan. Kaagad mong madidiskubre na lahat ng bansa ay hahanapin ang Mga Mensaheng ito. Huwag kang mag-alala tungkol sa iyong kaligtasan, dahil poprotektahan kita pati na ang iyong pamilya sa lahat ng oras.
Puno Ako ng pagmamahal para sa iyo, anak Ko, pero nadudurog ang Aking Puso sa malaking dalamhating dala ng pagdurusang dulot ng tusong samahan na nagpaplanong kontrolin ang mga bansa.
Gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagtumba sa mga Pinuno sa tusong pamamaraan.* Pagkatapos ay mag-aalok sila ng tulong. Pagkatapos ay bibilhin nila ang pakikipag-kaibigan ng mga bagong rehimen hanggang sa ma-kontrol nila ang mga ito. Ang bagong pag-kontrol na ito ay magiging mas masahol at mas masama pa kaysa mga diktador na hayok sa kapangyarihan, na itinumba sa ngalan ng kalayaan.
Bantayan mo na ngayon, anak Ko, kung gaano kabilis magkakaisa ang Arab World laban sa Aking bayan, ang mga Hudyo. Bantayan mo kung paano sila ilalaglag ng kanilang mga ka-alyado at iiwan silang lantad na lantad.
Anak Ko, pag nangyari na ang Babala, mas pakikinggan na ang Aking Salita, pagkatapos mangyari ang pagbabalik-loob. Ito na ang magiging panahon para ang Aking banal na mga alagad ay buong-tapang na magkakaisa laban sa diktaduryang lilitaw sa Western World lalo na sa Europe. Ipaglaban nyo ang inyong karapatang manalangin. Pag hindi nyo ito ginawa, hindi ito magiging giyerang pang-relihiyon, kundi giyera para isagawa ang genocide o pagpuksa ng lahi.
Hindi na magtatagal, at tatlong pandaigdig na pinuno ang papatayin, iisa-isahin sila. Tandaan nyo na bawat isa ay papatayin sa pamamagitan ng pagsasabwatan ng masamang grupo – ang mga organisasyong nakapaloob sa lipunan, na naghahari sa lahat ng bansa – bagamat hindi nyo sila nakikita dahil mga duwag sila. Pero hindi na magtatagal ang kanilang pagtatago. Pag napasa-kamay na nila ang pag-kontrol, magpapapansin na sila at sasabihan kayong sila’y inyong irespeto.
Ang Babala ay makakatulong sa pagliligtas ng lahat Kong anak sa lahat ng lugar. Ang pagbabalik-loob, na isang Regalo mula sa Akin, ay ibibigay maging sa mga nagsasabwatan at nagpaplanong kontrolin ang Lupa ng Diyos. Kung mauunawaan lang sana nila na ang kapangyarihang ito ay hindi kailanman mapapa-sa-kanila, titigil na sana sila. Pero bulag sila.
Mas marami pa sa Aking mga anghel** na pinasok na ang Lupa bilang mga tao, ay tutulong na ipakita ang Katotohanan sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang ito. Marami ang magbabalik-loob. Ang iba nama’y hindi.
Anak Ko, sige na at bilisan mo ang pagpapalaganap ng Salita. May ilang linggo ka na lang. Gamitin mo lahat ng pwede mong gamitin. Magpakita ka ng tapang. Gawin mo ang kalahat-lahatan para bigyan ng pagkakataon ang lahat Kong anak, lahat ng bansa, na maunawaan ang kahulugan ng Aking espesyal na Regalo – pag inilabas Ko ang Aking Kamay sa Langit para sagipin ang kanilang mga kaluluwa.
Yung mga hindi muna magbabalik-loob, ay gagawin din ito bago sumapit ang pag-uusig, kung kailan parami nang parami ang mga kaluluwang magbabalik-loob sa Akin. Magiging napakahirap ng panahong ito para sa lahat. Pero konting pasensya, dahil may darating namang masayang panahon, pag nagbalik na sa Lupa ang kapayapaan. Pagkatapos ng panawagang sila’y gumising na, ang Aking mga anak ay makikita ang Pagmamahal na meron Ako, at tatakbo silang pabalik sa Aking Mga Braso. At pag nangyari na yun, mabubuo na ang Aking hukbo, at dedepensahan nito ang Aking Kaharian laban kay Manloloko na ang paghahari ay magiging napaka-ikli.
Ito’y sangandaan sa kasaysayan ng sangkatauhan, mga anak. Malapit nyo na itong maunawaan. Sa panahong yun, kung meron man kayong mga pagdududa sa panahon ng Babala, pag nangyari na yun, pagbubuksan nyo na sa inyong puso ang Katotohanan.
Hayo na, anak Ko, sa kapayapaan at pag-ibig para sa buong Sangkatauhan.
Jesucristo
Hari ng mga Hudyo
(Pansinin* : Nais linawin ng bisyonaryo sa mundo na ang dahilan kung bakit hindi niya pwedeng ilista ang mga ngalan ng mga pinuno, na DALAWA SA KANILA AY MULA SA ARAB WORLD AT ISA MULA SA MAINLAND EUROPE, AY BILANG PAGRESPETO SA KANILANG MGA PAMILYA AT PARA IWASAN ANG DI-KINAKAILANGANG PAGKABALISA. Ganun pa man, ibinigay na niya ang Mga Mensahe sa ilang kleriko at media, pinipigilan ang paglalathala pero agad ilalathala sa oras na mangyari ang mga pagpatay, na malapit na ( at magkakalapit na mangyayari).
(** – Sa pagkaunawa ng bisyonaryo, ang mga anghel ay tumutukoy sa “mga sugo” na pinili sa lahat ng lugar sa mundo para ipahayag ang Mga Dibinong Mensahe na makakatulong sa pagpapalaganap ng pagbabalik-loob.)
Ang Mga Propesiya – La Salette, Fatima at Garabandal, ay nahahayag na
Sabado, February 19, 2011 3:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, sinisikap mong mabuti na sundin ang Aking mga utos na pabanalin ang iyong kaluluwa, at sobra Ko itong ikinatutuwa. Bigyan mo naman sana Ako ng isang buong oras ng iyong araw sa pananahimik kasama Ko, at hayaan mong ilapit Kita sa aking Sagradong Puso.
Madarama mong mas malakas ka pag ginawa mo ito. Simulan mo ngayong araw ang pag-gugol ng panahon Kasama Ko para mabigyan Ko ng liwanag ang iyong puso at mapagaan ang iyong pasanin.
Ngayong araw, gusto Kong ihayag sa iyo ang Aking nais para sa sangkatauhan, na simulan na nilang kilatisin ang kanilang buhay bilang paghahanda sa Babala. Anak ko, yung ilan sa inyo na hindi magagawa ito ay mangangailangan ng panalangin, at marami nito.
Ang Babala, ang Dakilang Regalo, ay ibibigay na ngayon sa mundo. Lahat ay bibigyan ng pagkakataong lasapin ang tuwa pag sa wakas ay naunawaan na nila ang Katotohanan, ang Katotohanan ng Aking Pag-iral. Ipanalangin mo ang bawat isa, anak Ko, para sila’y magkaroon ng lakas ng loob na humingi sa Akin ng Tawad.
Sa wakas, anak Ko, ang Aking mga anak sa lahat ng dako ay nagsisimula nang magmulat ng kanilang mga mata. Nauunawaan na nila na nagbabago na ang mundo. Ang mundong kilala nila noon ay pumasok na sa isang bagong yugto. Ang bagong yugtong ito ay papunta sa ilan pang yugto bago silang mga anak Ko ay magiging handa na rin, sa wakas, para sa Bagong Paraiso.
Ang mga linta ni Manloloko, malungkot mang sabihin, ay lalaban nang patayan hanggang sa huli. Ipanalangin nyo na ngayon ang mga kawawa at nag-iilusyong mga kaluluwang ito, na nawa’y may isang kislap ng liwanag na babaha sa kanilang mga puso pag nagkita sila ng Aking tapat na mga alagad. Kayo, mga alagad Ko, ay binibigyan ng mga grasyang tulungang magbalik-loob yung lahat ng kaluluwang naliligaw sa ilang, at litong-lito ang kanilang mga kaluluwa gawa ni Satanas.
Ang Mga Propesiya – La Salette, Fatima at Garabandal, ay nahahayag na
Lahat ng propesiyang ibinigay sa mga pinagpalang bisyonaryo sa La Salette, Fatima at Garabandal, ay nahahayag na ngayon para makita ng lahat. Para sa lahat ng libu-libong mananampalataya na alam at tinatanggap ang mga propesiyang ito, dapat nyo nang malaman ngayon, na Ako, ang inyong Tagapagligtas, ay nananawagan sa inyong lahat na ipanalangin ang mga kaluluwa ng buong sangkatauhan. Minsan nyo pang pagbuksan ng inyong mga puso ang mga bagong Mensaheng ito – ang mga huling propesiya na ganitong klase, na ibibigay sa lahat Kong anak, bago Ako magbalik para Maghukom.
Panawagan sa lahat ng Ministro ng mga Simbahan
Nananawagan Ako sa Aking mga sagradong lingkod ng lahat ng sektang nagpaparangal sa Aking Amang Walang-hanggan, na kayo’y makinig na ngayon. Huwag kayong paloloko kay Manloloko, sa pamamagitan ng kanyang pekeng propeta, at baka kayo mapapaniwala sa kasinungalingang gagawin sa kanyang ngalan sa nalalapit na panahon. Magiging napakahirap ng panahong ito para sa inyo na nagmamahal sa Akin, dahil sobra kayong malilito.
Ang pekeng propeta at ang antikristo
Basta’t bantayan nyong mabuti ang pekeng propeta, na magtatangkang pamunuan ang Aking Simbahan, dahil hindi siya nagmumula sa Tahanan ng Aking Amang Walang-hanggan. Magmumukhang ganun. Pero hindi. Bantayan nyo rin ang pakikipag-kaibigan niya sa antikristo, dahil sila ang dalawang pinaka-manlolokong alagad ni Satanas – na nakasuot ng damit ng tupa. Magkakaroon sila ng mga kapangyarihan, na magmumukhang parang mga milagro nung unang panahon, pero maka-Satanas ang mga kapangyarihang ito. Kailangang lagi kayong nasa grasya sa lahat ng oras para madepensahan nyo ang inyong Pananampalataya. Ipanalangin nyo ang Aking mga banal na lingkod, na naging maligamgam na ang pananampalataya, at maaakit patungo sa yakap ni Manloloko. Maaakit niya sila dahil mag-aalok siya ng mga nakakapukaw ng damdamin, maalab na emosyon, pag-ibig kuno, na bunsod naman ng pagka-makasarili, at magpapakita siya ng karisma na mahirap labanan. Tahakin nyo ang landas na ito, mga sagrado Kong alagad, at mawawala na kayo sa Akin magpakailanman. Pwede nyong itanong: Bakit ba magkaka-problema dahil sa mga pangyayaring ito? At magtataka pa kayo kung bakit Ko pinapayagang mangyari ang mga ganitong bagay. Si Jesus pa kaya, sa Kanyang Awa, ang magbigay ng ganitong mga problema? Kailangan Ko ngang payagan ang mga ito, dahil sa pamamagitan ng mga salungatang ito mapapapangyari ang pangwakas na laban sa pagitan ng Aking Amang Walang-hanggan at ni Masama. Kung walang pangwakas na komprontasyon, siya, na si Satanas, ay hindi maitatapon, sa wakas, sa kailaliman ng Walang-hanggang Impiyerno.
Maging alerto kayo sa panlolokong ito. Huwag nyong hahayaang mawala ang inyong kaluluwa sa ganitong paraan. Manalangin, manalangin, ipanalanging nyong bigyan kayo ng pang-unawa para makilala nyo ang pekeng propetang ito kung sino talaga siya. Isang demonyong sinugo mula sa kailaliman ng Impiyerno, para guluhin kayo. Ipagpasalamat nyo na kayo ang kanyang mga target. Dahil sa inyong katapatan sa Akin, ilalagay kayo sa sukdulang pagsubok, ang pagsubok ng inyong pananampalataya. Hindi nyo na kailanman kakailanganin pang harapin ang ganung pagsubok. Kaya maging handa. Lumapit kayong lahat sa Akin, mga sagrado Kong lingkod, bago pa maging huli na ang lahat.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Parte 2
Unang Aklat
Mga Mensahe 50 – 99
Huwebes, March 03, 2011 hanggang Lunes, May 30, 2011
Ang Demokrasya ay Maglalaho – ang mga Pari ay Papatayin alang-alang sa Pananampalataya
Huwebes, March 3, 2011 11:00 pm
Ay naku, mahal Kong anak, ikinagagalak Kong tanggapin ang iyong presensya ngayong gabi. Medyo nasaktan Ako sa iyong pagliban, pero alam Kong babalik ka agad.
Makinig kang mabuti. Alam Kong bising-bisi ka sa iyong pamumuhay, pero kailangan mong maunawaan na sobrang kailangang kailangan na ang Mensaheng ito.
Ang Aking Salita ay ibinibigay sa iyo sa pinaka-makasaysayang panahon mula pa sa simula. Sa panahong ito kasi mararanasan ng mundo ang mga pagbabagong hindi pa kailanman nasaksihan ng sangkatauhan magpahanggang ngayon.
Maghanda na kayo, mga anak Ko, saanman kayo naroroon. Dahil hindi na magtatagal at ibibigay na sa bawat isa sa inyo, dahil sa Awa Ko, ang isa sa mga pinakamahalagang Regalo. Ang Aking Babala, na ibinibigay sa inyo, ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob sa lahat ng lugar. Pag ito’y nangyari na, pagkatapos ng sandaling yun sa loob ng panahon na ang Lupa ay mananatiling hindi gumagalaw, ang Pag-ibig na dulot ng pagtanggap sa Katotohanan ay magiging laganap.
Ang mga alagad ni Satanas ay mahihirapang depensahan ang kanilang masamang asal, sa harap ng pag-ibig at liwanag na sisinag mula sa loob nyo. Pero kahit na ang dakilang pangyayaring ito, na ikakagulat nyo, ay nagdudulot ng pagbabalik-loob, kailangan nyo pa ring paghandaan ito. Tanggapin nyong ang propesiyang ito ay mangyayari. Iilan lang ang itatanggi ito habang ito’y nangyayari o pagkatapos. Ganun pa man, marami pa ring magpapatuloy na tumalikod sa Akin. Kasunod nito ang Malaking Pag-usig.
Ang mga Pari ay magdurusa
Ang Aking hukbo na binubuo ng mga mahal na alagad, ay matapang na babangon at didepensahan ang Aking Pag-iral. Pero maging yung mga hindi nyo pinaka-aakalaing gagawa ng ganun, pati na ang Aking mga Kristiyanong mga pinuno ng simbahan, ay kakampi kay masama at sa kanyang mga linta. Maaakit sila dahil sa kahinaan ng kanilang pananampalataya. Makikita nyo na yung Aking mga banal na kinatawan, ang Aking tapat na mga sagradong lingkod, ay kakailanganing depensahan ang kanilang pananampalataya. Ang lupit na ipakikita sa kanila ay magiging katulad nung hinarap Ko sa Aking mga berdugo. Pakinggan nyo ito, kayong lahat na sumusunod sa Akin. Huwag kayong matukso na sumunod sa daan ng mga traidor, kahit na kayo’y natatakot. Huwag na huwag kayong paloloko sa kanilang mga pekeng pangako. Maging matapang. Ipanalangin nyong kayo’y bigyan ng lakas.
Ang Pag-usig ay hindi magtatagal
Magpakatatag kayo, mga mananampalataya, dahil maging yung mga pinakamatalik sa inyo ay tatalikod sa Pananampalataya. Baka makita nyong kayo’y naiwang nag-iisa, pinagtatawanan at nilalait sa harap ng mga tao. Huwag nyong pansinin ang kanilang panunukso. Gagabayan Ko kayong lahat at poprotektahan dahil hindi magtatagal ang panahong ito. Ang pinakamasakit na mararanasan nyo ay ang kanilang pagtraidor sa Akin, sa Katotohanan.
Ang mga di-Kristiyanong bansa ang mangongontrol
Ang Panalangin ay makakatulong sa pagbawas sa ilang malalaking kapahamakang mangyayari. Ang pag-usig, na ihahampas sa mga sumasampalataya sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, ay gagawin ng mga bansang walang pagmamahal. Pagmamahal sa Diyos. Ang tanging pag-ibig na nasa kanilang puso ay ang pagharian ang mga mas hindi sinwerteng mga bansa. Kontrol ang pangunahin nilang pakay. Kaluwalhatian, at paghabol sa kayamanan at pag-angkin sa inyo, sa inyong bansa, at yung ilan sa inyo na ayaw Akong itanggi. Sumuko kayo, mga anak Ko, at talagang mahihirapan na kayong balikan ang inyong mga yapak na papunta sa Akin.
Mangangailangan ito ng sobrang katapangan sa harap ng napakalaking panganib, pero magwawagi kayo. Kung ang maalab na pagmamahal sa Diyos ang dahilan ng inyong pagdurusa, tatanggapin nyo ito nang may galak sa inyong puso.
Ang paglitaw ng mga bagong diktador
Ang mga biglaang pagbabago ng pandaigdig na mga kalagayan, na hanggang sa puntong ito ay parang maliliit na kaguluhan lamang, ay magiging todo-todong mga digmaan na. Ang mga digmaan ay magdudulot ng kakulangan sa pagkain. Ang Demokrasya ay mabilis na mawawala at lilitaw ang masasamang diktadurya. Pero ang mga diktaduryang ito ay todo ingat sa magiging imahe nila. Darating sila bilang mapayapang mga negosyador at “mga tagapagligtas”. Kapalit ng pagsubo ng pagkain sa inyong bunganga, kokontrolin nila ang inyong mga ari-arian, na kanila nang aangkinin. Kailangan nyo pang ihingi ng pahintulot ang pagpapakain sa inyong pamilya. Para makapaglakbay, kakailanganin nyo ang isang espesyal na klase ng ID at sasabihan kayo na tanggapin ang tatak – ang tatak ng halimaw. Takbo, mga anak Ko. Tago. Dahil hindi lang yun. Ididikta nila sa inyo kung paano magdasal dahil hindi sila sa Diyos lumalapit. Sila, mga anak Ko, ang mga tropa ni Satanas, at gusto nilang nakawin ang inyong mga kaluluwa.
Kayong mga sumasampalataya sa Akin, maghanda na. Bumalik kayo kaagad sa inyong mga simbahan. Manalangin kayo sa Diyos Amang Walang-hanggan. Mag-grupo-grupo kayo at manalangin, manalangin, manalangin. Hilingin nyo na ngayon, na kayo’y makapagbalik-loob, para pag nasaksihan nyo na ang Babala, tatanggapin nyo nang may kababaang-loob ang kalagayan ng inyong kaluluwa. Wala kayong dapat ikatakot.
Ipanalangin nyo rin ang inyong pamilya at mga kaibigan, ang inyong mga anak at mga kapitbahay. Lahat sila’y kailangang maghanda. Kaya napakaraming magbabalik-loob pag nasaksihan nila ang Katotohanan ng Aking Pag-iral. Maraming hindi matatagalan ang matinding pagkabigla pag nakita nila kung paano nila Ako sinaktan. Ang iba nama’y walang pakialam. Tumatakbo na ang oras.
Hilingin nyo na kayo’y Aking tulungan
Ang mga palatandaang naipropesiya na ay nasa paligid nyo na, mga anak. Masdan nyo sila at tanggapin kung ano sila. Mga rebelyon. Mga lindol. Mga baha. Pagbabago ng Klima. Mas titindi pa ang mga ito ngayon. Kinukulang na ang pera at magkakaganun din ang pagkain. Huwag nyong aakalain na wala nang pag-asa, dahil pag humingi kayo ng tulong sa Akin, sasagutin ang inyong mga panalangin. Hahawakan Ko kayong lahat sa kamay at tutulungan Ko kayong makaraos sa gulong ito. Pero kailangan nyong buksan ang inyong puso.
Hadlangan nyo ang lahat ng pagtatangkang akitin kayo para sumali sa mga plano ni Masama. Panatilihin nyo ang kalinisan ng inyong puso at isip. Maging mapagpakumbaba kayo sa inyong pananaw. Pero huwag na huwag kayong matatakot na depensahan ang inyong karapatang sumampalataya sa Akin.
Panahon na para ihanda ang inyong mga kaluluwa
Panahon na. Sige na, mga anak Ko, at ihanda nyo na ang inyong mga kaluluwa. Hanapin nyo, sa pamamagitan ng Mga Sakramento, ang mga grasyang kinakailangan para pabanalin ang inyong mga kaluluwa. At pagkatapos ay hilingin nyo sa Akin na kayo’y Aking dalhin sa Aking Mga Braso at hingin nyo ang kaligtasan. Ang Aking Pag-ibig at Malasakit para sa bawat isa sa inyo ay hindi maaabot ng inyong pang-unawa. Ang Babala, na isa sa pinakamapagbigay na Mga Regalo na pwede Kong ibigay sa inyong lahat bago pa mangyari ang huling paghuhukom, ay kailangang buong-puso nyong tanggapin. Ipagpasalamat nyo na binibigyan kayo ng kahanga-hangang Regalong ito. Dahil pag nangyari ang pagbabalik-loob sa lahat ng sulok ng mundo, magiging handa na kayo para sa Bagong Langit at Lupa, na magsasanib at magiging isa. Ito ang Aking Paraiso at ang maluwalhating pamana na bawat isa sa inyo ay may karapatang kunin ang inyong kaparte – kung pipiliin nyo lang.
Hintayin nyo na ngayon ang Aking Babala, mga anak Ko. Dahil malapit na malapit na ang panahon.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Makatarungang Hukom at Maawaing Jesucristo
Lahat ng Kristiyano, Magsisi na kayo Ngayon; Mga Katoliko, Ipanalangin nyo si Pope Benedict XVI
Sabado, March 5, 2011 10:00 am
Mahal Kong anak, muli tayong nagkasama. Naging bisi ka nitong nakalipas na ilang araw. Napansin mo ba ang lakas na Aking ibinibigay sa iyo sa pananampalataya at pati na rin sa iyong katawan? Ito’y dahil tuwang-tuwa Ako sa iyong trabaho. Habang inilalathala mo ang Mga Mensaheng ito, himukin mo naman yung mga kakilala mo, yung pinakamaraming kaya mong himukin, na magbalik-loob na agad dahil sa kanilang mga kasalanan. Hindi importante kung saang Kristiyanong pananampalataya sila kasali. Kailangang magpakita sila ng kanilang kababaang-loob at katapatan sa Akin sa pamamagitan ng akto ng paghahangad ng Pagtubos.
Ang simpleng aktong ito ay palalakasin sila habang nangyayari ang sinasabi Kong Babala. Magsisi, lahat kayo, para mailigtas nyo ang inyong mga kaluluwa. Maghanda na agad kayo para sa Babala, dahil yung ilan sa inyo na wala sa kalagayan ng grasya, ay maaaring hindi ito matagalan at tuluyan nang mamatay.
Mahal Kong anak, gusto Kong mabilis mong ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng Salita tungkol sa Mga Mensaheng ito. Ipinaliwanag Ko na sa iyo noon na ang mga ito ay kailangang maibigay sa pinakamaraming tao hanggat maaari, sa pinakamadaling panahon kung pwede. Habang nalalapit ang pangyayaring ito, ganun din ang isang pangyayari tungkol sa Banal na Vatican.
Hilingin mo sa lahat na ipanalangin ang Aking mahal na Holy Vicar na si Pope Benedict XVI, dahil napapaligiran na siya ng mga kaaway ng Aking Amang Walang-hanggan. Ipanalangin nyo ang mga paring hindi kailanman natinag ang pananampalataya sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan.
Paglitaw ng pekeng propeta
Kailangang manalangin na sila ngayon ng taimtim, dahil ang kahihinatnan ng pag-atakeng ito sa Aking Holy Vicar na si Pope Benedict XVI, ay masasaksihan nyong lahat. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyong ang pekeng propeta ay makikilala kung ano talaga siya. Bantayan nyo ang kanyang asal. Ang kanyang pagiging papansin, ang halos sambahin siya ng Aking mga naliligaw na mga sagradong lingkod. At pagkatapos ay pakinggan nyong mabuti ang kanyang sasabihin. Peke ang kanyang kababaang-loob. Masama ang kanyang pakay. At makasarili ang kanyang ipinapakitang pagmamahal. Magmumukha siyang tagapagtaguyod ng pagbabago, aktibo – parang sariwang ihip ng hangin. May determinasyon nga siya at buhay na buhay, pero ang kanyang mga lakas ay hindi mula sa Diyos Amang Walang-hanggan. Ang mga ito ay mula kay Satanas, na si Masama.
Manalangin, manalangin, manalangin. Dahil kayo, mga anak Ko, ay kailangang maging alerto. Kailangan nyo Ako para gabayan kayo ngayon, habang ang mga propesiyang ito ay nabubunyag na sa sangkatauhan. Maging matatag, tapat sa Aking Mga Aral. Manalangin sa mga grupo. Dasalin ang Santo Rosaryo para maprotektahan kay Masama.
Tandaan nyo ang isang leksyon. Ang Aking Mga Aral ay hindi nagbabago. Pareho pa rin ang mga ito ngayon at kailanman. Gaya ng sinabi Ko na noon pa, pag nakita nyong ang mga ito ay pinakialaman, pinalabnaw, o ang mangyayari, ang mga ito ay binaluktot sa paraang kakaiba , o lihis sa Aking Mga Aral, tumalikod na kayo at manalangin na kayo’y Aking gabayan.
Ang inyong Dibinong Tagapagligtas
Jesucristo
Mga salitang nagpapaginhawa, tungkol sa mga kumikwestyon sa Mga Mensaheng ito
Linggo, March 06, 2011 3:00 pm
Anak Ko, magpakatatag ka. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pagbasa ng mga komento sa Internet, na nagpapatunay ng pagkasuklam sa Akin ng maraming marami sa Aking mga anak.
Ang pagtanggi sa Akin ay hindi nagmula at natapos sa Pagpapako sa Akin sa Krus. Patuloy pa rin ito ngayon bunsod ng pagkasuklam na ikinakalat ni Satanas sa pamamagitan ng Aking mga anak. Magdurusa ka sa Ngalan Ko, ganun din ang Aking mga mahal na alagad na mangangahas na depensahan Ako. Hindi na ito bago, mahal Kong anak. Nabibigla ka lamang pag nakikita mo ito.
Maging yung Aking mga alagad na nagsasabing sila’y sumasampalataya sa Akin, ay mahihirapang lunukin ang Mga Mensaheng ito. Darating din ang panahon, pag nakita na ang katibayan, na yung lahat ng nagsasabing Ako’y kanilang kinasusuklaman, ay susuriing muli ang kanilang mga pananaw. Iiyak ang ilan pag ipinakita sa kanila ang tamis ng Katotohanan. Ang iba nama’y mangungulit sa pagkwestyon dahil mali sila sa pagsisikap na makapagdesisyon gamit ang pangangatwirang pan-tao. Sige na, at ipanalangin mo yung lahat na kumikwestyon sa Mga Mensaheng ito. Tama lang na gawin nila ito. Dahil yung mga dumarating sa Ngalan Ko ay kailangang tanggapin na sila’y kukwestyunin, at tama lang yun. Kaya nga, lahat ng mensahe ay dapat suriing mabuti.
Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig. At tandaan nyo, mahal Ko lahat ng Aking anak, pati yung mga nagsasabing kinasusuklaman nila Ako.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo
Hukom ng buong sanlibutan
Ang sangkatauhan ay pinaparusahan
Biyernes, March 11, 2011 3:30 pm
Mahal Kong anak, ang Paglilinis, na pagdurusahan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mga digmaan, lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami, sobrang init ng panahon at pagguho ng lupa, ay nagpapatuloy dahil sa mga kasalanan ng sangkatauhan.
Yun lamang mga lalapit sa Akin, ang kanilang Dibinong Tagapagligtas at ang kanilang Maykapal, ang Aking Ama, ang kanilang Ama, sila lamang ang maliligtas. Huwag na huwag nyong katatakutan ang Aking Ama dahil mahal Niya ang lahat Niyang anak. Pero lalapatan Niya ng parusa yung mga ayaw tumanggap na Siya’y Umiiral.
Habang patuloy ang kasamaan, kawalan ng pananampalataya, at malaswang pagmamahal ng tao sa kanyang sarili, ang Kanyang Pasensya naman ay paubos na.
Ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos na Maykapal at Maylikha ng lahat, ay mahal ang lahat Niyang anak nang may paglambing na nadarama ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Pero tulad din ng mga magulang, yung mga responsableng mga magulang, ay pinaparusahan nila ang kanilang mga anak pag gumagawa ang mga ito ng mapanira o di katanggap-tanggap na mga bagay. Ganun din ngayon pakakawalan ang Galit ng Aking Ama sa mundo. Ito nga, anak Ko, ang Taon ng Paglilinis, gaya ng sinabi Ko na noon sa iyo.
Mauunawaan ng mga tao sa lahat ng dako na ang mga pangyayaring ito ay hindi mula sa kalikasan. Dahil ito sa panghihimasok ng Diyos para ipaunawa sa tao, sa wakas, ang Katotohanan ng Banal na Kasulatan.
Manalangin, manalangin, manalangin para sa pagbabalik-loob.
Ang inyong mahal na Jesucristo
Lindol sa Europe at Digmaang Pandaigdig
Biyernes, March 18, 2011 12:00 am
Pinakamamahal Kong anak, kinakausap Kita nang may napakalaking Pagmamahal ngayong gabi. Dahil alam Ko ang hirap na iyong tinitiis. Ang pagdurusa, na inialay mo ngayon para sa mga kaluluwa ay nangangahulugang napunta sana sila sa Impiyerno kung hindi mo ito ginawa nang may galak.
Anak Ko, totoo ang Mga Mensaheng ito, pero dapat ay kakausapin mo lang Ako pag ikaw ay nananalangin o pagkatapos manalangin. Importante ito dahil kung minsan, sinisikap ni Manloloko na mangharang maliban kung mapayapa kang nananalangin sa Akin.
Digmaang Pandaigdig
Anak Ko, ang mga propesiyang sinabi Ko ay malapit nang mangyari. Konting panahon na lang ang natitira para sa Aking mahal na Vicar sa Vatican, batay sa mga nangyari noong Marso. Ang iba pang mga pangyayaring masasaksihan ng sangkatauhan ay isang lindol sa Europe, na makakasindak sa marami. Pero dahil sa paglilinis na ito, magkakaisa ang mga tao, at ito’y mabuti para sa lahat. Ang iba pang pandaigdig na mga pangyayari ay ang pagputok ng bulkan, na mangyayari na, (ang mga detalye ng lugar at buwan ay nasa bisyonaryo) samantalang ang giyera sa Middle East ay magsasangkot ng iba pang mga bansa. Gaganti ang Russia at China sa ibang mga bansang Kanluranin. Lahat ay magtatapos sa isang Digmaang Pandaigdig.
Ang panalangin ay makakabawas sa tindi ng mga pangyayaring ito
Ang panalangin ay lilikha ng pagbabalik-loob. Mababawasan naman ng pagbabalik-loob na dulot ng panalangin, ang lawak at tindi ng mga pangyayaring ito.
Ang Pagdurusa ay magdudulot ng Kababaang-loob – Ang Kababaang-loob naman ay magliligtas ng mga kaluluwa
Anak Ko, habang patuloy na pinagdaraanan ng mundo ang mga nakakabahalang mga pangyayaring ito, silang mga nagdurusa ay magiging mababang-loob. Sa pamamagitan ng kababaang-loob, sila’y maliligtas. Lahat ng ito ay kinakailangan para ihanda ang mundo para sa Aking Ikalawang Pagdating. Malapit na ang panahong ito. Anak ko, magiging araw ito ng malaking kaluwalhatian para sa mga mananampalataya. Bigyan nyo ng pangunahing lugar ang araw na ito sa inyong isip dahil anumang pagdurusang tiniis nyo alang-alang sa Ngalan Ko, ay nakalimutan nyo na sa araw na yun.
Lahat ng propesiyang binanggit sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay nabubunyag na ngayon sa mundo. Para sa mga nakakaunawa sa kahulugan ng mga pangyayaring ito, ipaliwanag nyo naman sa iba ang kahalagahan nito at ang pangangailangang humingi ng tawad sa Diyos na kinakailangan para linisin ang kanilang mga kaluluwa.
Pagdududa sa Aking Mga Mensahe
Anak Ko, lagi at lagi mong pakikinggan ang Aking Mga Mensahe sa pamamagitan ng iyong puso. Alam mong ang mga ito ay galing sa Akin, ang iyong Diyos na Tagapagligtas, bagamat kung minsa’y nakukumbinsi ka ng iba na hindi. Sobra Akong nasasaktan nito. Nauunawaan Ko na marami sa iyong mga pagdududa ay dahil ayaw mong iligaw ang mga tao. Kailangan mo nang tuluyang alisin ang ganung pag-iisip.
Isuko mo ang iyong loob sa Akin
Ikaw, anak Ko, ay mas magiging malakas kung binigyan ka sana ng espiritwal na tulong na iyong kailangan mula sa isang pari. Malungkot mang sabihin, wala ni isa sa kanila ang gustong kumuha sa Aking Kopa sa tamang paraan – isang katunayang sobrang nakakainsulto sa Akin. Kaya kailangan mo na ngayong lubusang manalig sa Akin. Isuko mo na nang tuluyan ang iyong loob sa Akin at magmumukhang malinaw ang lahat. Dasalin mo ang Aking Divine Mercy, gaya ng hiniling Ko na sa iyo noon, araw-araw, pati na ang Santo Rosaryo. Pumunta ka na rin sa adorasyon minsan sa isang linggo sa isang Simbahan. Lahat ng maliliit na regalong ito ay ilalapit ka sa Akin. Habang mas nagiging malapit ka, magiging mas madali at mas simple rin ang iyong mga gawain.
Depensahan mo ang Mga Mensaheng ito
Irespeto mo ang Kabanal-banalang Kasulatang ito. Depensahan mo ito. Tanggapin mo na ito’y aatakihin at gugutayin, lalo na nung mga nagsasabing sila’y mga eksperto. Hahanapan nila ito ng mga bahagi, na sasabihin nila ay salungat sa Aking Mga Aral. Ang salungat lamang ay ang kanilang maling interpretasyon ng Aking Mga Aral. Dito nila binaluktot at minali ang interpretasyon ng Aking Banal na Salita, dahil ibinabagay nila ito sa sarili nila.
Kahalagahan ng pananatili sa kalagayan ng grasya
Anak Ko, pinanabikan Kita at ang matalik mong pakikipag-usap sa Akin mula sa puso. Humingi ka sa Akin ng mga grasya na magpapanatili sa iyong matatag, at ibibigay ang mga ito sa iyo. May mga plano Ako para sa iyo, anak Ko. Napakaimportante ng mga ito. Kaya kinakailangang linisin ang iyong kaluluwa at manatili kang lagi sa kalagayan ng grasya. Habang nangyayari ang iyong tuluyang pagbabago tungo sa perpeksyong espiritwal, magdurusa ka, anak Ko. Pero ihahanda Kita para rito. Hindi mo dapat ikabahala ang mga opinyon ng iba tungkol sa iyo. Yung mga wala sa Liwanag, na nakakabalisa sa iyo – huwag mo silang pansinin. Pero ipagdasal mo sila. Ganun pa man, maging alerto ka dahil pwede ka nilang ilayo nang napakalayo sa Akin, nang hindi mo nalalaman. At sa panahong malaman mo na, napagsarhan mo na Ako ng iyong puso.
Sina Saint Agustin at Saint Benedict ay parehong nagtatrabahong kasama mo. Hingin mo ang kanilang tulong at makikita mo at magiging mas madali lahat. Ang paggawa sa Aking Gawain at pagtupad sa mga tungkuling kailangan mong gawin para sa Akin, ay mahirap. Bawat hakbang mo sa daan ay magkakaroon ng mga pagtatangkang tisurin ka. Mapapaligiran ka ng galit, pagkainis at pagtatalo, at titindi pa ang mga ito. Ang pakay ng lahat ng ito ay sirain ang iyong loob kung papayagan mo ito.
Kailangan mong pabendisyunan ang iyong bahay at magdala ka ng Rosaryo, Krus ni Saint Benedict at Holy Water sa lahat ng oras ngayon. Maging matapang ka ngayon. Manalig ka ng lubusan sa Akin. Tuluyan ka nang sumuko. Ialay mo na ngayon ang iyong malayang loob at bibigyan kita ng lahat ng grasyang kinakailangan para gawin sa perpektong paraan ang Aking Gawain.
Mahal Kita, anak Kong hirang. Patuloy Kong gagawin kang mas malakas kaysa sa dati. Gagabayan Kita. Para talagang maging epektibo ito, kailangang isuko mo sa Akin ang iyong katawan, isip at kaluluwa. Pero kailangang sa iyo manggaling ang alok at ibigay bilang isang mahalagang regalo sa Akin. Hindi Ko pwedeng basta na lang agawin ito sa iyo dahil ang iyong malayang loob ay isang natatanging Regalo mula sa Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan.
Hayo na, anak Ko, sa kapayapaan. Ihabilin mo sa Akin ang iyong mga pagkabalisa at alalahanin. Palayain mo ang iyong isip, katawan at kaluluwa. At pag isinuko mo na ang iyong malayang loob, tuluyan mo na Akong makakaisa. Ang regalong ito sa Akin ang gagarantiya na ang Aking Salita ay mas epektibong maririnig sa buong mundo.
Ang iyong mahal na Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Jesucristo, Makatarungang Hukom
Ipanalangin mo yung mga nananakit sa iyo
Lunes, March 21, 2011 11:00 pm
Ngayong gabi, mahal Kong anak, nakakaramdam ka ng isang kapayapaang matagal mo nang hindi nadarama. Ikaw, anak Ko, ay pinahirapan ni Manloloko at ngayon, sa pamamagitan ng mga grasya Ko, ay hindi mo na nararamdaman ang mga epekto ng ganung mga pag-atake.
Nagsugo Ako sa iyo ng isang malinis na kaluluwang puno ng pagmamahal, at gagabayan ka niya. Aakayin ka niya papunta sa Akin at sa Katotohanan. Alam mo na ngayon, anak Ko, kung paano magdusa sa Ngalan Ko. Alam mo na kung paano hamakin sa harap ng mga tao, pagtawanan sa likod mo, sumbatan ng paggawa ng masama, gayong wala ka namang sala, at lahat, sa Ngalan Ko. Magalak ka, anak Ko, dahil ang ibig sabihin nito ay naging mas malapit ka sa pakikiisa sa Akin. Ang panalangin, na tuluyan mo na ngayong naunawaan, ay papapanatilihin kang nasa kalagayan ng grasya at kapayapaan.
Anak Ko, huwag mong husgahan yung mga nananakit sa iyo. Ipanalangin mo sila. Patawarin mo sila. Pero ginawa mo na yun, di ba? Ngayo’y nauunawaan mo na ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Lalo’t lalo pa Kitang palalakasin, anak Ko. Huwag na huwag kang matatakot. Gaya ng sinabi Ko na sa iyo noon pa, hindi kailanman mananakaw ni Manloloko ang iyong kaluluwa. Hawak Kita nang mahigpit sa Aking Mga Braso at ipinangangako Ko na pag ikaw ay naligaw, lagi Kitang hihilahing pabalik sa Akin.
Ngayo’y kailangan mo nang magkaroon ng lakas at tapang para ihatid ang Aking Mga Dibinong Mensahe sa sangkatauhan. Kailangang kailangan na ang mga ito. Alam mo na ang iyong gagawin. Tawagin mo Ako papasok sa iyong puso sa bawat sandali ng bawat araw. Mahal Kita, Aking matapang at mahal na anak. Ipinagmamalaki Kita dahil sa iyong panatag na pagdepensa sa Katotohanan at hindi mo itinanggi ang Mga Sagradong Mensaheng ito, dahil alam mo na ngayon ang Katotohanan.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo
Kahalagahan at Kapangyarihan ng Panalangin
Huwebes, March 24, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako at tayo’y muling magkasama ngayong gabi. Puno ka na ngayon ng grasya ng pag-unawa at malinaw na sa iyo ngayon kung alin ang tamang daan na iyong susundan.
Sa iyong tuluyang pagsuko sa pakikiisa sa Akin, malaya ka na ngayon. Walang pagdududa, malinis ang konsyensya, malakas kaysa dati at handa nang ibunyag sa mundo ang Aking Pangako. Ipaparating ng Aking Salita na kailangang kailangan nang maghanda na ibukas ang inyong mga puso para sa sandali na ipapakita sa lahat ang kanilang mga kasalanan.
Sa pagiging handa at paunang nasabihan, maraming marami pang kaluluwa ang maaaring iligtas. Pag mas marami ang nagbalik-loob, mas hihina ang pang-uusig na kasunod nito. Anak Ko, huwag kang maging walang pakialam o di kaya’y natatakot sa mga mangyayari. Lahat ay lilipas din at kapalit nito ay isang mas masayang mundo na mas may pagmamahalan sa lahat ng lugar.
Ang Mga Mensahe ay para lamang ipagunita sa lahat na Meron ngang Diyos
Sabihin mo sa mga tao sa lahat ng lugar na ang Mga Mensaheng ito ay para lamang ipagunita sa lahat ng anak ng Diyos, na Meron ngang Diyos. Dapat din nilang malaman na ang pinaka-importanteng bahagi ng kanilang katauhan ay ang kanilang mga kaluluwa. Kailangang alagaan nila ang kanilang mga kaluluwa kung gusto nilang makibahagi sa napakagandang kinabukasang naghihintay sa lahat. Kailangan lamang gunitain ng mga tao ang Sampung Utos at parangalan ang mga ito. At pagkatapos, ang kanila na lamang kailangang gawin ay sundin ang Aking Mga Aral at mamuhay gaya ng sinabi Ko sa kanila.
Ang dahilan kung bakit Ako’y nagbibigay ng mga propesiya ay para patunayan sa Aking mga mahal na alagad na may nangyayaring isang Dibinong panghihimasok. Ginagawa Ko ito dahil inaasahan Kong bubuksan nila ang kanilang mga puso para maunawaan nila ang Katotohanan.
Ang Pag-ibig ng Diyos ay naghahatid ng Kapayapaan
Maraming tao ang hanggang salita lamang pagdating sa Aking Mga Aral. Para naman sa iba, nakakainip at nakakapagod ang mga ito. Kung tutularan nila Ako, natatakot sila na baka hindi nila makamtan ang ginhawang akala nila’y ibibigay ng mga materyal na bagay sa kanilang buhay. Ang hindi nila alam ay ang tanging tunay na ginhawang maaari nilang maranasan ay ang Pagmamahal ng Diyos. Ang Pagmamahal na ito ay darating lamang sa inyong buhay sa pamamagitan ng paglapit, sa simpleng pananalangin, sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan. Minsang maranasan nyo ang kapayapaang ito, makikita nyong kayo’y malaya na sa mga pag-aalala at pagkabalisa.
Walang pekeng pampasigla, gaano man ito kadami, ang makakapantay sa matinding kaligayahang nadarama pag kayo’y naging malapit sa Aking Puso. Ang pag-ibig na ito ay hindi lamang tumatagos sa inyong buong katawan, isip at kaluluwa, kundi binibigyan pa rin kayo nito ng isang mas malayang buhay. Mararanasan nyo ang isang malalim na kasiyahang hindi nyo pa naranasan kailanman. At pagkatapos ay labis nyong ikagugulat na hindi na kayo halos naaakit ng mundo ng materyal na luho. Mawawalan na kayo ng interes sa mga bagay na ito at magugulat na lang kayo.
Naku, mga anak, kung susubukan nyo lang lumapit sa Akin, tuluyan na kayong magiging malaya. Hindi nyo na mararamdaman ang hungkag na kawalang-pag-asa sa inyong mga kaluluwa. Sa halip ay kayo’y magiging mas palagay ang loob, hindi na kayo masyadong magmamadali, mas may panahong magpakita ng interes sa inyong kapwa at mas panatag. Sisinag ito mula sa inyo. Maaakit ang iba sa inyo sa napaka-natural na paraan. Magtataka kayo kung bakit. Huwag kayong matakot, dahil ito’y grasya ng Diyos na nagtatrabaho. Pag kayo’y puno ng grasya, nakakahawa ito at pagkatapos ay ito’y kumakalat sa iba sa pamamagitan ng pag-ibig. At pagkatapos ay mag-uumpisa uli ito. Kaya tandaan nyo naman, mga anak, ang kahalagahan ng panalangin. Ang kapangyarihang ibinibigay nito at ang bilis nitong kumalat para balutin yung lahat ng kawawang kaluluwang naaakit sa ulap na ito ng pag-ibig.
Ang sapot ng panloloko ni Satanas ay nagdudulot ng takot
Kung paanong ang panalangin at pagmamahalan ay lumalaganap, gayundin ang pagkasuklam na ibinubuga ni Satanas. Si Satanas ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga taong ito na walang pananampalataya, o sumasawsaw sa maiitim na mga espiritwal na laro, kaya naikakalat niya ang kanyang panloloko. Ang kanyang sapot ng pagkasuklam ay nabibitag maging yung mga nasa pinakamalayong mga hangganan, na akala nila’y namumuhay na sila nang risonable at mabuting pamumuhay. Ang tusong sapot na ito ay pwedeng bitagin ang sinumang hindi nag-iingat. Ang magkakaparehong kalagayan nung mga nabibitag ay lahat sila’y nakakaramdam ng pagkabalisa, pagkabahala, kawalang-pag-asa at takot. Ang takot na ito ay napakabilis maging pagkasuklam.
Takbo sa Akin, lahat kayo. Huwag nyo nang hintayin pang baligtarin ng di-kinakailangang kalungkutan ang inyong buhay. Dahil lagi naman Akong naroroon, nagmamasid, naghihintay, umaasang bawat isa sa inyo ay bibitawan na ang kayabangan para makapasok naman Ako at maakap Ko kayo. Pumunta na kayo sa inyong simbahan at manalangin sa Akin. Kausapin nyo Ako sa inyong bahay, sa pagpunta nyo sa trabaho. Saanman kayo naroroon, basta tumawag kayo sa Akin. Malalaman nyo sa medyo maikling panahon kung paano Ako tumugon.
Gising – Buksan ang nakasara nyong puso
Gising, mga anak. Di nyo pa ba alam hanggang ngayon na kailangan nyo Ako? Kailan nyo pa bubuksan ang inyong nakasarang puso para Ako’y papasukin? Huwag kayong mag-aksaya ng mahalagang oras, alang-alang sa inyong sarili at sa inyong pamilya. Ako ay Pag-ibig. Kailangan nyo ang Aking Pag-ibig para busugin ang inyong tuyot at gutom na mga kaluluwa. Ang Aking Pag-ibig, minsang maranasan nyo ito, ay itataas nito ang inyong espirito at bibigyan kayo ng kakayahang makadamang muli ng tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal na ito naman ay ibubukas ang inyong isip sa Katotohanan – ang mga ipinangako Ko sa bawat isa sa inyo nang mamatay Ako sa Krus para sa inyong mga kasalanan. Mahal Ko kayo, mga anak. Ipakita nyo naman ang pagmamahal na hinihingi Ko sa inyo. Huwag kayong manatiling wala sa Akin. Konting panahon na lamang, mga anak, para magbalik sa Akin. Huwag na kayong magpaliban pa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Kamay ng Aking Amang Walang-Hanggan ay babagsak na ngayon sa walang-utang na loob at bulag na mundong ito
Lunes, April 4, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, hindi na pabor sa atin ang panahon. Tulak. Itulak mo ang Mga Mensaheng ito sa pinakamalayong lugar na makakaya mo. Napakalapit na ng panahon para sa Babala. Sabihin mo sa Aking mga alagad, na alang-alang na lang sa Akin, ay tumulong sila para mapagbalik-loob ang mga di-sumasampalataya para maghanda para sa Babala.
Anak Ko, kung kinukwestyon mo man ang Mga Mensaheng ito, nag-aaksaya ka lang ng mahahalagang oras. Wala nang panahon para sa Aking mga mahal na kaluluwang nananabik matubos. Ang kasalanan, anak Ko, ay laganap at kumakalat na parang mikrobyo sa bawat sulok ng mundo. Ginugulo nang husto ni Satanas ang sangkatauhan. Siya’y nasa lahat ng lugar. Pinahihirapan niya ang mabubuting kaluluwa pati yung mga nawawala na sa Akin. Kailangan siyang pigilin. Makakatulong ang panalangin at pagpapalaganap ng Aking Salita. Sabihin mo sa Aking mga alagad kung paano sinasapian ni Satanas ang sangkatauhan. Naroroon siya hindi lamang sa pamamagitan ng pandaigdigang kaguluhan, sinasapian pa rin niya yung mga nag-aakalang sila’y kumikilos para itaguyod ang katarungan. Naroon na rin siya pati sa walang-pakialam na pagsasama-sama ng mga kabataan, sa kanilang musika at kulturang nagpaparangal sa mga sikat na tao.
Magligtas na kayo ngayon ng mga kaluluwa sa pagdarasal ng Aking Divine Mercy. Ikalat nyo ang panalanging ito dahil ito’y kailangang kailangan na. Ang pagkalito, malaking takot, pagkabalisa at mapait na pagkamuhi na dinaranas sa mundo ay matindi Kong nadarama, Akong Diyos na Tagapagligtas ng tao, Na walang-tigil ang pagluha para sa mga kawawang kaluluwang ito.
Siguro nama’y hindi pwedeng hindi makita ng sangkatauhan ang pagkasuklam nila sa isa’t isa sa bawat kanto? Di ba nila alam na ito’y si Satanas na Manloloko, na nagtatrabaho? Habang ang masamang pagkasuklam at nakakasukang mga kasamaan ay kumakalat na parang apoy sa kagubatan, gayundin ang Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan ay babagsak na ngayon sa walang-utang na loob at bulag na mundong ito. Habang patuloy ang masasamang gawain ng tao, kung saan sobrang nagtatakutan at nagpapatayan ang isa’t isa, gayundin titindi ang pagpaparusa ng kalikasan sa pamamagitan ng malalaking kapahamakan, dahil sa pagkakasala ng tao sa kanyang kapwa. Ang parusang ito ay babagsak na ngayon sa mundo.
Ang laban para iligtas ang mga kaluluwa ay nagsimula na
Ang laban para iligtas ang mga kaluluwa ay nagsimula na. Taimtim nyong ipanalangin ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya. Dahil maraming inosenteng kaluluwa ang masasangkot sa kalamidad na ito. Huwag kayong matakot dahil yung mga tapat sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan ay maliligtas. Kung hindi pa manghihimasok ngayon ang Aking Amang Walang-hanggan, ganun na lamang pupuksain ng tao ang mga lahi kaya malaki ang mababawas sa populasyon ng mundo.
Dibinong Awa
Panghawakan nyo ang inyong pananampalataya, lahat kayo, dahil kung wala ang inyong pananampalataya, mahihirapan kayong pagtiisan ang inyong pagdurusa. Papuri sa Aking Ama dahil binigyan Niya Ako ng Regalong Dibinong Grasya. Ang Aking Awa ay walang hangganan at ito ngayo’y patutunayan sa inyong lahat. Ang dagat na ito ng puro at walang-halong Pag-ibig ay ibubuhos sa lahat Kong anak para tulungan kayong maligtas sa pagkasuklam at kasamaan, na ikinakalat ni Masama. Hugasan nyo na ngayon ang inyong mga kaluluwa, sa Aking Pag-ibig, sa pamamagitan ng panalangin, dahil malapit na ang panahon.
Tandaan nyo, mahal Ko kayong lahat. Ang Regalo Kong Awa ay para sa lahat, maging sa mga makasalanang may kasalanang mortal. Bibigyan sila ng pagkakataong magsisi, para talunin si Satanas, para makisali sa Aking Laging Maawaing Kahariang darating.
Tumingin kayo sa direksyon ng Langit. Hayaan nyong hawakan Ko kayo at akapin.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Laging-Maawaing Hukom
Jesucristo
Huwag na huwag nyong Huhusgahan ang ibang Relihiyon, Pananalig o opinyong sekswal
April 6, 2011 12:05 am
Pinakamamahal Kong anak, ang pahirap na tinitiis mo ay dulot ng palagiang pagtatangka ni Manloloko na tuksuhin kang iwanan na ang Sagradong Gawaing ito. Ginugutay ka niya. Tanggapin mo na ito. Huwag na huwag mong pagdududahan ang Aking Dibinong Salita, gaano man ito kahirap para sa iyo. Gagantimpalaan ka ng espirito ng kapayapaan pag sumuko ka nang talaga sa Akin. Lagi mo itong sabihin sa Akin araw-araw. Buong araw mo itong gawin at hingan mo Ako ng mga grasyang pupuno sa iyo ng tuwa sa sandaling atakihin ka ni Manloloko.
Magpakatatag ka, anak Ko. Huwag na huwag kang susuko. Alisin mo ang basura sa iyong isip at pagtuunan mo ng pansin ang Aking Mga Mensahe para sa mundo. Ang mga ito ang pinaka-importanteng Mga Mensahe para sa sangkatauhan ngayon. Ibinibigay ang mga ito para turuan ang sangkatauhan kung paano muling matagpuan ang tamang daan papunta sa Akin.
Ang mga tao ay nalilito sa Aking Mga Aral
Marami nang tao ngayon ang naliligaw. Nalilito sila sa Aking Mga Aral at sa maraming paraan kung paano ang mga ito ipinaliwanag. Pinalabnaw. Binago. Dinagdagan. Binawasan. Kailangan na ngayon ng gabay ang Aking mga anak, para mahingi nila ang mga grasyang kinakailangan para muli silang maging malakas at magaan ang puso. Mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng panalangin at pagsunod sa Aking Mga Aral.
Wala Akong iniitsa-pwera ni isang kaluluwa sa mundo
Alam ito ng Aking mga anak na nagbalik-loob at napalapit na sa Aking Puso sa pamamagitan ng Mga Sakramento. Pero para sa mga naliligaw at nawawala Kong mga anak na yun, kailangan nilang magsimula sa simula at gunitain ang Sampung Utos na ibinigay sa mundo sa pamamagitan ni Moses. Maraming maraming mga anak ngayon ang hindi nakakaalam sa mga ito. Wala Akong iniitsa-pwera ni isang kaluluwa sa mundo, anumang relihiyon ang kanilang sinasalihan.
Babala sa mga mananampalatayang humahamak sa ibang mga pananalig
Kung ang Aking mga mananampalataya ay ibubukod ang kanilang mga sarili at itataas nila ang kanilang mga sarili sa ikapipinsala nung mga hindi nakakaalam sa Aking Mga Aral, umaasal silang parang mga Pariseo. Mahiya naman yung mga akala nila’y mas mataas sila sa mga kaluluwang nangangailangan ng kaliwanagan. Mahiya naman yung mga nakakaalam sa Katotohanan pero pinagtatawanan yung mga iba ang pananalig; yung mga nag-aakalang – dahil alam nila ang Katotohanan at nakikinabang sila sa Kabanal-banalang Mga Sakramento, ay mas importante na sila sa Mata Ko. Oo nga’t nakakatanggap Ako ng malaking kaginhawahan at tuwa sa Aking Puso mula sa mga tapat Kong alagad na yun. Pero pag kinondena na nila o hinusgahan ang iba dahil sa kanilang pananampalataya, sobra nila Akong sinasaktan.
Mga alagad Ko, imulat nyo ang inyong mga mata sa Katotohanan ng Aking Mga Aral, sa pinaka-simpleng lebel. Huwag nyong husgahan ang iba. Huwag nyong hamakin yung mga sa akala nyo’y mga makasalanan at tinatanggihan ang Aking Mga Aral, dahil kapantay nyo sila sa Mata Ko, kahit na binigyan na kayo ng Regalong Katotohanan. Matinding hapdi ang nadarama Ko pag yung mga alagad na mabuti naman ang intensyon, ay nagdidikta sa kawawa at naliligaw na mga kaluluwa kung paano sila mamumuhay. Mali ang kanilang pamamaraan.
Huwag na huwag nyong pagsasabihan yung mga iba ang pananalig o opinyong sekswal, na sila’y nakondena na.
Kung itataguyod nyo ang Aking Mga Aral sa paraang pagsasabihan nyo yung mga hindi alagad na sila’y matutupok o mapapahamak sa pagsasabing ang kanilang asal ay ‘masama,’ lalo lang silang magiging mas mahina pa kaysa dati. Maraming tatalikod na lang sa inyo. Kaya mabibigo kayo. Sa halip na magturo ng leksyon, magpakita kayo ng malasakit. Magturo kayo sa pamamagitan ng halimbawa. Huwag na huwag nyong pagsasabihan ang mga taong ito na sila’y nahusgahan na sa Mata Ko, dahil hindi.
Mahal Ko ang bawat isang kaluluwa, ng lahat ng relihiyon, ng lahat ng kuru-kuro, ng lahat ng opinyong sekswal. Bawat isa ay isang mahal na anak, walang mas mabuti kaysa iba. Kahit laging nandyan ang kasalanan – tandaan nyo na makasalanan kayong lahat – nasa sa inyo na, bawat isa sa inyo, para sundin ang Aking Mga Aral at palaganapin ang Aking Salita.
Mag-akapan kayo. Pagmalasakitan nyo ang isa’t isa. Huwag kayong mag-iitsa-pwera kaninuman, maging Katoliko man, o ibang Kristiyanong sekta, Islam, Hindu, Hudyo, Budist – pati na yung ibang mga sektang lumitaw, na hindi sumasampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan. Ipanalangin nyo sila. Ituro nyo sa kanila ang kahalagahan ng pagbubukas ng kanilang puso sa Katotohanan. Magturo kayo sa pamamagitan ng halimbawa. Palaganapin nyo ang pagbabalik-loob. Pero huwag na huwag nyong huhusgahan ang iba, o tangkaing ibukod ang inyong mga sarili sa mga yun na hindi nakakaunawa sa Katotohanan.
Huwag na huwag nyong aakalain, na dahil binigyan kayo ng grasya mula sa Langit, ay mas mabuti na kayo kaysa inyong kapwa. Oo nga’t nagdadala kayo ng tuwa sa Aking Sagradong Puso, pero kailangang tratuhin nyo ang iba sa mapagmahal na paraan, hindi yung para kayong isang diktador.
Wala ni isa sa inyo ang karapat-dapat maghusga sa iba
Tandaan nyo ang leksyong ito. Wala ni isa sa inyo ang karapat-dapat maghusga o kumilatis sa iba. Walang may kapangyarihan o Dibinong Kaalaman para kilatisin ang moralidad ng iba. Magkaroon kayo lagi ng bukas na isip at tandaan nyo, na sa araw na akala nyo’y kayo’y mas mahalaga sa Mata Ko kaysa dun sa mga itinuturing nyong mga makasalanan, yun ang araw na nawala na kayo sa Akin.
Hindi Ko iiitsa-pwera ang alinmang pananalig mula sa Mga Mensaheng ito
Ang Aking Salita ay ibinibigay na ngayon bilang isang Regalo sa sangkatauhan, sa bawat isa sa inyo. Sa mga pakikipag-usap na ito, hindi Ko pagtutuunang-pansin ang isa lamang grupo ng tapat na mga alagad. Para sa inyong nakakaunawa sa Katotohanan, hayaan nyong ipaalala Ko sa inyo. Lahat Kong anak sa buong mundo, lalo na yung mga makasalanang matigas ang puso, at yung mga hindi naniniwala sa Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan, ay siya na ngayong pinakamahalaga. Nasa sa inyo na, mga alagad Ko, para taimtim na ipanalangin at pakitaan ng pagmamahal yung mga bulag. Pero gawin nyo ito sa paraang itinuturo Ko sa inyo. At sa huli, tandaan nyong mahal Ko kayong lahat.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng buong Sangkatauhan
Milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito
Huwebes, April 7, 2011 10:00 pm
Mahal Kong anak, ang Regalong Espirito Santo ay ibinigay sa iyo ngayong araw, kasama ang mga espesyal na Dibinong grasya. Naisuko mo na, anak Ko, ang iyong malayang loob, at magpapatuloy ka na para sundin ang Aking Kabanal-banalang Loob. Mauunawaan mo na ngayon ang kahalagahan ng lubusang pagsunod sa Akin, sa iyong isip, gawa, asal at pananaw. Susunod ka na ngayon sa Aking paggabay at hihilingin mo ito bago ka gumawa ng anumang aksyon alang-alang sa Akin.
Sa wakas, ay handa ka nang sumunod sa Aking ipinag-uutos. Kailangan mo na ngayong maglaan ng di-bababa sa dalawang oras para sa Akin sa panalangin tuwing ikalawang araw. Bukod dito, kailangan mong sundin ang paggabay mula sa banal na spiritual director na ipinadala sa iyo mula sa Langit. Kakausapin ka niya ayon sa iuutos Ko sa kanya. Gawin mo nang eksakto ang sasabihin niya. Siguraduhin mong Ako’y kakausapin mo araw-araw dahil marami Akong kailangang sabihin sa iyo.
Anak Ko, tanging ang Tinig Ko na lamang ang papakinggan mo mula ngayon. Ang isusulat mo lamang ay yung tinatanggap mo mula sa Akin. Huwag na huwag kang kukuha ng mga kahulugan tungkol sa Kabanal-banalang Mga Mensaheng ito mula sa iba. Iisa lamang ang bibig na ginagamit Ko para kausapin ka, at Akin yun. Manalig ka sa Akin, anak Ko. Manalig ka nang lubusan sa Akin. Huwag na huwag mong kukwestyunin ang Mga Mensaheng ito, dahil Ako ang nakikipag-usap sa iyo. Lagi mo yung tatandaan. Ngayong nananalig ka na sa Akin, magiging mas malakas ka na. Sinisigurado Ko sa iyo na mas epektibo mo nang mahaharap ang mga atake ni Manloloko.
Maging panatag ka. Bumubugso sa Puso Ko ang Pagmamahal Ko sa iyo, anak Ko, habang ang iyo namang debosyon at pagmamahal sa Akin ay pinupuno ka at pinapapanghina. Ang makapangyarihang Pag-ibig na ito, sa kabuuan, ay puro at hindi maihahambing sa anumang naranasan mo na sa mundong ito.
Nagdiriwang ang langit sa iyong tuluyang pagsuko. Pero kailangan mo na ngayong ihanda ang iyong sarili para tumulong sa pagsagip sa milyun-milyong kaluluwa. Anak Ko, ang gawaing ipinagagawa Ko sa iyo ay ga-higante kung titingnan sa pan-taong pananaw. Ikaw, anak Ko, ang siyang magiging sugo na magdadala sa mundo ng pinakamakapal na aklat ng Aking Banal na Salita, para ang mundo ay makapaghanda para sa Aking Ikalawang Pagdating.
Silang mga mahal Kong mga anak, na ang init ng Pag-ibig Ko para sa kanila ay lampas sa pwede mong maunawaan, ay kailangang mapabalik sa Aking Pinakasagradong Puso bago maging huli na ang lahat. Ikaw, anak Ko, ang aasahang magdadala ng Aking Salita sa sangkatauhan. Hindi madali ang trabahong ito. Magdurusa ka dahil dito, pero dapat mong malaman na ito ngayon ang tungkulin mo sa Akin. Tinatawag ka para siguraduhin na, sa pamamagitan ng Salita mula sa Aking Dibinong Mga Labi, ay milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas sa mga apoy ng Impiyerno.
Makipag-usap ka ngayon nang ayos sa Akin. Lagi Kitang gagabayan. Sumaiyo ang kapayapaan, anak Ko. Pinaaapaw na ngayon ng Aking Espirito Santo ang iyong kaluluwa. Puno ka na ngayon ng pagmamahal at tuwa, at handa ka na para sa susunod na yugto ng Dibinong Misyong ito.
Ang iyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang sakit na nadarama Ko ngayon ay mas matindi pa kaysa nung Ako’y Ipako sa Krus
Miyerkules, April 13, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, umiiyak Ako dahil sa malaking kalungkutang dulot ng mga kasalanan ng sangkatauhan, na lalo pang dumami at tumindi, habang nalalapit na ang panahon ng paggunita ng mundo sa Aking Paghihirap sa Krus. Ang sakit na nadarama Ko ngayon ay mas matindi pa kaysa nung Ako’y unang ipako sa krus. Muli Ko ngayong isinasabuhay ang Paghihingalong Aking tiniis, habang tumatagos sa Aking Puso ang mga kasalanan ng sangkatauhan, na parang isang patalim na mas mahaba, mas matalas at mas mahapdi. Pakinggan nyo ang Aking mga pagsamo. Dinggin nyo ang Aking mga hinaing. Lahat kayo, bigyan nyo Ako ng ginhawa sa matinding paghihingalong tinitiis Ko ngayon. Kailangan Kong saksihan, araw-araw, ang matinding kalungkutan, ang hapdi at pahirap na ginagawa ng tao sa tao, ng tao sa mga bata. Ang mga mamamatay-taong mga ito ay walang pagsisisi, ganun nga sinapian ang kanilang maiitim na kaluluwa, ni Satanas, ang Manloloko.
Wala siyang malasakit sa sinuman sa inyo, dahil wala siyang kaluluwa. Pero ang tao ay parang gago at parang bulag na bumibigay sa kanyang panunukso. Ganun na lang sila nagpapakaladkad na parang mga alipin papunta sa nakakakilabot na kadilimang ito, kaya kinakailangan Kong asahan yung ilan sa inyong mga mananampalataya, na taimtim na manalangin para sagipin ang ganung mga kaluluwa.
Patindi nang patindi ang hapding nadarama Ko araw-araw. Ang kasalanan ay hindi nakikita ng tao kung ano talaga ito. Sa pinaka-simpleng lebel, ito’y pagmamahal-sa-sarili. Sa pinakamasamang lebel, ito’y pagmamahal sa lahat ng bagay na nakakasakit sa iba, sa pamamagitan ng pandaraya, karahasan, abuso at pagpatay. Bakit nagbubulag-bulagan ang mga tao pag nakakasaksi ng ganitong mga kasamaan? Ang mga biktimang yun ay mga tao ring katulad nyo. Taimtim nyong ipanalangin ang mga gumagawa nito, dahil mga biktima rin sila. Sila, mga anak Ko, ay nabitag na ni Manloloko, pero maraming hindi man lang tinatanggap na siya’y nandyan at umiiral. Malapit na ngayon ang panahong ang Aking Salita ay talagang maririnig nang muli sa Lupa. Ipaliwanag nyo naman na ang Aking Awa ay malapit nang makita sa Lupa pag nangyari ang mahiwagang pangyayaring malapit nang maganap.
Importanteng sabihin sa pinakamaraming taong pwedeng sabihan, na hilingin sa Diyos Amang Walang-hanggan, na patawarin ang bawat isa sa inyo, sa mga nagawang kasalanan sa nakaraang panahon. Gawin nyo na agad ito ngayon. Iligtas nyo ang inyong mga kaluluwa at yung sa iba. Magiging laganap nga ang pagbabalik-loob, pero ilang sawimpalad na kaluluwa ang hindi matatagalan ang malaking takot. Manalangin, ipanalangin nyo na hindi sila mamamatay na nasa kasalanang mortal.
Gunitain nyo naman ang Aking Paghihirap sa loob ng Kuwaresma, sa pagninilay sa Sakripisyong ginawa Ko nang maluwag sa Aking Kalooban para sa inyong lahat para kayo’y maligtas. At pagkatapos ay unawain nyo na Ang Babala, ang Pagliwanag ng Konsyensya, ay ang Aking kasunod na Regalong Awa para sa sangkatauhan.
Palaganapin nyo ang pagbabalik-loob sa lahat ng lugar. Tumulong kayong talunin si Manloloko sa pamamagitan ng pananalangin ng Aking Divine Mercy para iligtas ang mga kaluluwa. Manalig na kayo ngayon sa Akin at ibalik nyo Ako sa inyong puso. Magsama-sama kayo para iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-ibig.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas, Jesucristo
Anak ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat
Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay
Mga espesyal na grasya ang ipinangangako pag tinawag si Jesus kahit isang araw lang
Huwebes, April 14, 2011 11:00 am
Mahal Kong anak, salamat sa paglalaan mo ng higit pang panahon para sa pinaka-Banal na Gawaing ito. Panahon na para lahat kayo’y magbukas ng inyong mga puso sa Akin, kahit isang araw lang, para mapuno Ko kayo ng mga espesyal na grasya. Ang mga grasyang ito ay ibibigay sa ilan sa inyo na nakalimutan nang Ako’y Umiiral, habang palapit na ang Biyernes Santo.
Habang nalalapit na ang panahon ng makapangyarihang Nobena ng Divine Mercy, ang panahong ito ay gagamitin para pabahain sa inyong mga kaluluwa ang isang espesyal na Regalo mula sa Akin. Gawin nyo na ngayon ang sinasabi Ko, at manalangin kayo sa Akin ngayong araw sa inyong sariling pananalita. Ang mga grasyang ibibigay Ko sa inyo ay hindi lamang kayo ilalapit sa Aking Sagradong Puso, kundi pupunuin pa kayo nito ng Espirito Santo. Gawin nyo ang Aking Nobena mula Biyernes Santo at isama nyo ang pinakamaraming kaluluwang maaari nyong isama, at ililigtas Ko ang bawat isa.
Para sa ilan sa inyo na nadarapa, kahit nag-debosyon na sa Akin, paulit-ulit Ko kayong ibabangon. Huwag na huwag kayong matatakot na magbalik sa Akin kung kayo’y maliligaw. Hindi Ko kailanman pababayaan yung mga balik nang balik sa Akin. Mga makasalanan nga kayo, kaya mangyayari’t mangyayari ito. Huwag na huwag kayong matatakot, dahil sa bawat pagkakataon, katabi nyo lang Ako at handang akapin kayo. Ang kasalanan ay mapapatawad. Huwag na huwag kayong makokonsyensya kung kinakailangan nyong lumapit sa Akin para humingi ng tawad. Lagi Akong naroroon.
Mga anak Ko, gamitin nyo ang Semana Santa para ipagunita sa lahat ang mga Sakripisyong ginawa Ko para sa mga makasalanan. Malakas pa rin ang Aking Malasakit. Hindi ito kailanman nanghina, kahit para sa mga tao na ang mga kasalanan ay nagdulot ng malalim na sugat sa Aking Damdamin. Kung ang isang kaluluwa ay naghahangad ng kapatawaran, ang kasalanang yun ay aalisin. Ang Aking Nobenang Divine Mercy ay magbibigay ng pinakamakapangyarihang mga grasya pag dinasal mula Biyernes Santo hanggang sa Kapistahan ng Divine Mercy siyam na araw pagkatapos. Dasalin nyo ito at hindi lang ang inyong kaluluwa ang inyong ililigtas kundi milyun-milyong iba pa. Gawin nyo ito para sa Akin.
Ang inyong laging-nagmamahal at tapat na Diyos na Tagapagligtas,
Jesucristo
Naroroon Ako sa Eukaristiya sa kabila ng maling pagpapaliwanag ng Aking Pangako
Huwebes, April 14, 2011 12:05 am
Pinakamamahal Kong anak, huwag kang mabahala. Humuhusay ka sa paraan ng paglalaan ng panahon para manalangin sa Akin. Ngayon naman, importanteng maunawaan ng tao, na para mapalapit sa Aking Puso, ay dapat niyang maunawaan na kailangang tumanggap siya ng Sakramento ng Kabanal-banalang Eukaristiya.
Maraming tao, pati na ang ibang mga Kristiyanong grupo, ay itinatanggi ang Aking Tunay na Presensya sa Eukaristiya. Kung bakit pinanindigan na nila na itanggi ang mga pangakong ginawa Ko sa Aking Huling Hapunan, kung saan ipinangako Kong ibibigay Ko ang Aking Katawan at Dugo bilang Pagkain at Pampalusog sa inyong mga kaluluwa, ay hindi malinaw. Ang malinaw ay ang Milagro ng Banal na Eukaristiya, na naroroon sa lahat ng Tabernakulo sa buong mundo, ay Umiiral sa kasalukuyan, at naroroon para busugin ng Aking Presensya ang inyong kawawa, kulang sa sustansya at hungkag na mga kaluluwa. Palalakasin kayo ng Presensyang ito sa paraang, pag nakasanayan nyo na Akong tanggapin, at napaliban kayo, ay sa pakiramdam nyo’y kayo’y nawawala.
Maraming Kristiyano ang hindi pinapansin ang isa sa mga pinakamahalagang pangakong ginawa Ko nang Ipako Ako sa Krus: na Ang Presensya Ko ay iiral sa Tinapay at Alak, at mag-iiwan ng isang permanenteng tatak para tulungang palusugin ang mga kaluluwa. Dahil sa sobrang pangangatwirang pan-tao, itinanggi na rin Ako maging ng mga Kristiyanong mabubuti ang kalooban. Ang mismong mga Kristiyanong ito ay hindi pwedeng tumanggap sa Banal na Eukaristiya sa Tunay na Anyo nito. Ang Kabanal-banalang Eukaristiya ay ibinigay sa inyong lahat bilang isang dakilang Regalo para sa inyong katubusan at kaligtasan. Sa pagtanggi sa katunayang Ako ay Naroroon, ang ibig sabihin nito ay inaalis nyo ang inyong karapatan sa mga espesyal na grasya, na bahagi ng isang kasunduan para lalo Akong mapalapit sa inyong puso. Kung maaalala nyo, nang mamatay Ako para sa inyo, ito’y para akayin kayo papunta sa buhay na walang-hanggan at kaligtasan. Tanggapin nyo Ako bilang Presensyang Buhay, at ang inyong mga kaluluwa ay magliliwanag sa mga paraang hindi nyo pinaniwalaang pwedeng mangyari. Magbalik kayo sa pagtanggap sa Aking Katawan at Dugo. Hayaan nyong pawiin Ko ang inyong mga duda. Ito’y isa sa mga pinakamalaking pagkakamali ng mga Kristiyano, na pinahindian nyo ang Aking pagpasok sa inyong mga kaluluwa sa ganitong paraan. Ito’y napakasakit para sa Aking Amang Walang-hanggan dahil sa Sakripisyong kinailangan para iligtas ang inyong mga kaluluwa. Hayaan nyo Akong magdala ng Liwanag at pagkain sa inyong buhay. Mas gugustuhin nyong tanggapin ang Katotohanan ng Aking Mga Aral pagkatapos mangyari ang Babala.
Tandaan nyo ang ipinangako Ko noon sa Aking Huling Hapunan, na pag kinain nyo ang tinapay at alak, ito’y magiging Aking Katawan at Dugo para sa inyo. * Ang anupamang ibang interpretasyon ay binaluktot na ng pangangatwirang pan-tao. Ngayon, unawain nyo na at tanggapin ang Katotohanan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo
*Para sa paliwanag tungkol sa Doktrina ng Transubstantiation, paki-basa ang Mensaheng ibinigay noong Biyernes, June 1, 2012 8:15 PM
“Pag nilalamon na ng antikristo ang lahat ng relihiyon, ang tanging mga sandatang hindi niya makakayang labanan ay ang Banal na Misa at ang Transubstantiation ng tinapay at alak para maging Aking Katawan at Dugo, sa Banal na Eukaristiya.” May mga espesyal na grasyang ipinangako pag tinawag si Jesus kahit sa isang araw lamang
Paano maisisiguro na ang inyong pamilya at mga kaibigan ay makakapasok sa Langit
Biyernes, April 15, 2011 3:30 pm
Mahal Kong anak, natutuwa Ako at napakarami sa Aking mga mabubuti at tapat na mga alagad ay nagsasama-sama at nagkakaisa pag Semana Santa, para parangalan ang Sakripisyong ginawa Ko para sa lahat. Isang Sakripisyong paulit-ulit Kong gagawin kung ito ang kinailangan para sagipin ang bawat isa sa inyo. Malalim ang Aking Pag-ibig para sa bawat indibidwal sa mundo, na bawat isa’y nalikha sa pamamagitan ng Banal na Loob ng Diyos Amang Walang-hanggan, ang Maylikha ng sangkatauhan. Lahat kayo’y merong isang espesyal na lugar sa Aking Puso, maging yung mga hindi Ako nakikilala.
Kung kayo’y pinangakuan ng isang buhay sa Lupang ito na nag-aalok ng kayamanan at kaligayahan, marami sa inyo ang susunggab sa pagkakataong ito. Ganun nga kayo ka-desperadong busugin ang pagnanasa ng inyong katawan. Kung ang mga tao naman ay pinag-alukan ng Paraiso sa Langit, mahihirapan silang ipinta ito sa isip. Nauunawaan Ko ito. Para sa maligamgam na kaluluwa, kakailanganin niyang magkaroon ng makulay na imahinasyon para ilarawan ang maluwalhating bagay na ito. Ang mga kaluluwa lamang na makagagawa nito ay yung merong malakas na pananampalataya na Merong Diyos. Ang kaisa-isang paraan para maintindihan ang alahas na naghihintay sa bawat isa sa inyo ay ang palakasin ang inyong pananampalataya. At ang kaisa-isang paraan para magawa ito ay ang taimtim na manalangin para makita ang Katotohanan, ang Liwanag, ang nagniningning na kinabukasang naghihintay sa lahat ng nagpaparangal sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Mga mananampalataya, kailangang ipagdasal nyo ang inyong mga kaibigan, asawa, kamag-anak, magulang, kapatid na lalaki at babae, at mga anak na kokonti ang pananampalataya. Ang Aking panalangin ng Divine Mercy, pag dinasal nyo alang-alang sa kanila, ay magliligtas sa kanilang mga kaluluwa. Yan ang Aking pangako ngayon sa inyo.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Gising na sa Katotohanan bago pa maging huli na ang lahat
Biyernes, April 15, 2011 11:00 pm
Mahal Kong anak, kailangang sabihin mo sa mundo na ang Aking Kabanal-banalang Loob ay kailangang sundin, kung nais ng sangkatauhan ng buhay na walang-hanggan. Marami mang naiaalok ang mundong ito, hinding hindi nito mabubusog ang inyong kagutuman. Kung hindi nga lang dahil sa mga kasalanan ng inyong unang mga magulang na sina Adan at Eba, oo nga, naging posible nga sanang mabuhay sa walang-hanggang kaligayahan nang walang mga balakid sa inyong daan. Dahil ang Manloloko ay nasa lahat ng dako, hindi niya papayagan ni isa man sa inyo na ma-plano ang inyong buhay papunta sa Akin. Tuso at sinungaling, walang-tigil niyang sisikaping siguraduhin na kayo’y mahulog sa kasalanan sa pamamagitan ng marami niyang paraan ng pang-aakit. Pero mahihirapan talaga siyang targetin kayo kung kayo’y nasa kalagayan ng grasya, na makakamit sa pamamagitan ng Kumpisal at Banal na Sakramento. Ang Banal na Rosaryo ay talagang napaka-epektibo laban kay Satanas dahil sa mga kapangyarihang ibinigay sa Birheng Pinagpala, ang Aking Ina, ng Diyos Amang Walang-hanggan. May napakalaking kapangyarihan siya kay Manloloko. Walang magagawa si Satanas laban sa kanya at alam ito ni Satanas. Kung hahayaan nyong gabayan kayo ng Aking Banal na Ina patungo sa mga grasyang maaari niyang ipamagitan alang-alang sa inyo, hindi na kayo tatablan ng impluwensya ni Manloloko.
Habang ang mga tao ngayo’y pinagsusumikapang makamtan ang kaligayahan at kapayapaan sa Lupang ito, naghahanap sila ng sikretong formula. Dito na sila gumugugol ng panahon sa pagsisikap na matagpuan ang sikreto ng kaligayahan, materyal na kapakinabangan at kapayapaan sa kanilang buhay. Nakakaisip sila ng mga bagong paraan, mga ideya, na lahat ito’y pinalalaganap sa pamamagitan ng mga plano ng pagpapayaman. Anumang pangangatwiran ang ibigay nila, na karamihan sa mga ito ay nakaugat sa idealismong bunsod ng siyensya ng kaisipan, hindi talaga pwedeng makamtan ang kapayapaan at kaligayahan sa inyong buhay kung hindi kayo sumasampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan. Siya lamang ang tanging Tagapagbigay ng Buhay. Kung hindi kayo lalapit sa Kanya, magiging hungkag ang inyong espirito. Yung ilan sa inyo, na gumugugol ng maraming panahon sa pagsisikap na pabulaanan ang Aking Pag-iral, ay nag-aaksaya lang ng panahon sa paghahabol sa mga pangarap na hindi kailanman magkakatotoo. Ang katigasan ng inyong ulo na nagbubunsod sa inyo na huwag kilalanin ang inyong Maykapal, ang Kataas-taasang Umiiral na Siyang lumikha sa mundong ito, ay dadalhin kayo sa isang napakalalim at walang-hanggang kadiliman. Maraming taong kagaya nyo, na talagang sobrang nagsumikap na itanggi ang Pag-iral ng Diyos, sa buo nilang buhay, sa pagkakalat ng kasinungalingang walang ganung Diyos Ama. Malungkot mang sabihin, sila ngayo’y nasa kailaliman na ng Impiyerno sa kanilang sariling kagustuhan. Huwag na huwag nyong hahayaang mangyari ang ganito sa inyong mga kaluluwa; dahil yung mga humahantong sa Impiyerno, ay nasusunog na parang sila’y nasa kanila pa ring katawan. Ang lakas ng halakhak ni Satanas sa inyong katangahan! Pag itinatanggi nyo ang Diyos, tinatanggihan nyo ang inyong karapatang lumigaya magpakailanman. Ito rin ang walang-hanggang kaligayahang hinahanap-hanap nyo sa mundong ito. Pero hindi ito makakamtan sa Lupa.
Huwag na huwag kayong mamumuhay sa Lupa na parang dito na lamang umiikot ang inyong pag-iral, dahil hindi ganun. Ang inyong talagang tahanan ay sa Paraiso, kasama Ko.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ano ang mararanasan nyo habang nangyayari ang Babala at Panalangin para sa agarang kapatawaran
Sabado, April 16, 2011 10:00 am
Mahal Kong anak, bilisan mo ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Aking Mensahe, dahil ang Babala ay halos narito na sa mundo. Sabihin mo sa mga kaluluwang ayaw manalangin, na isantabi na nila ang kanilang kayabangan at disgusto, at lumapit na ngayon sa Akin para humingi ng tawad. Dapat mong malaman na maraming maraming kaluluwa ang hindi mananatiling buhay sa nalalapit na pangyayaring ito. Marami sa mga kaluluwang ito ay talaga lang tamad, at baka, sa kabila ng lahat, ay sumasampalataya sila sa Amang Walang-hanggan, kaya iniisip nila na darating din ang panahon na aasikasuhin nila ang kanilang mga espiritwal na paniniwala. Pero baka maging huli na ang lahat.
Sabihin mo sa mundo na ang pangyayaring ito ang magliligtas sa kanila. Maraming magsisisi habang nangyayari ang Mahiwagang Karanasang ito. Makakadama sila ng nakakapasong pakiramdam, na hindi naiiba sa nararamdaman ng mga kaluluwa sa purgatoryo. Bibigyan sila nito ng pagkaunawa kung ano ang kailangang pagdaanan ng mga kaluluwang hindi pa lubos na malinis, bago nila masilayan ang Maluwalhating Liwanag ng Langit. Sa simple lamang na pagtanggap na mangyayari nga ang pangyayaring ito, matatagalan nila ito. Lumapit kayo sa Akin at sabihin: “Nawa’y akayin Mo ako papunta sa Liwanag at Kabutihan ng Iyong dakilang Awa at patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan.” at agad Ko kayong patatawarin. At pagkatapos ng Babala, makakaramdam kayo ng isang malalim na kapayapaan at kaligayahan sa inyong kaluluwa.
Ang mga kabataan ay nahihiyang magdasal
Maraming tao ngayon sa mundo ang ayaw magdasal. Lalo na ang maraming kabataan na sa tingin nila ay nakakahiya at makaluma ito. Oo nga’t sila’y may pananampalataya sa Diyos pero mali ang kanilang akala na hindi kailangang magdasal. Hindi totoo ito.
Kinakailangan ito para makapasok sa Paraisong sobra nyong pananabikan pagkamatay nyo. Pag kayo’y nanatili sa kasalanan, hindi nyo matitikman ang maluwalhating kapistahang ito. Kapareho rin ng ilan sa inyo na nagsisikap manatiling malakas, inaalagan ang katawan at iniingatan kung ano ang kinakain para manatiling medyo payat, ganito nyo rin kailangang ihanda ang inyong kaluluwa. Pag hindi nyo iningatang mabuti ang kondisyon ng inyong kaluluwa, manghihina ito at magkukulang sa pagkaing kinakailangan para masigurado na ito’y nasa perpektong kondisyon.
Panalangin para mapapagbalik-loob ang iba
Dahil sa kahinaan ng pananampalataya nung mga mananampalatayang nasa mundo, kayong malakas ang pananampalataya ay may malaki ngayong responsabilidad. Kailangan nyong dasalin ang panalanging ito para mapapagbalik-loob ang iba.
“O Jesus, isinasamo ko, na sa iyong Dibinong Awa, ay takpan Mo ng iyong Mahal na Dugo yung mga maligamgam na kaluluwa, para sila’y magbalik-loob.”
Dasalin nyo ang maikling panalanging ito alang-alang sa mga taong sa palagay nyo’y pinaka-nangangailangan nito.
Tandaan nyo, mga anak, ang Aking maluwalhating pangako. Ako’y Magtatagumpay sa huli. Si Satanas, ang Manloloko, ay talaga namang hindi makakatagal. Hayaan nyo namang kayo’y Aking protektahan at Aking isama. Huwag nyong ibibigay ang inyong kaluluwa kay Satanas. Mahal Ko kayong lahat. Lagi nyong hingin sa Akin na palakasin ang inyong pananampalataya araw-araw.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Hari ng Awa at Malasakit
Jesucristo
Kahit maliliit na mga Prayer Group ng Divine Mercy ay makakapagligtas ng milyun-milyon
Sabado, April 16, 2011 10:45 pm
Mahal Kong anak, ang panahon para sa Babala ay nalalapit na at ito’y mangyayaring simbilis ng kisap-mata. Lahat ay mapapatigil sa kanilang pagkakatayo habang nasasaksihan nila ang Aking Dakilang Awa. Ipanalangin nyo, una sa lahat, yung mga nasa kasalanang mortal. Kailangan nila ang inyong mga panalangin, dahil marami sa kanila ay babagsak na parang batong wala nang buhay dahil sa takot pag nakita nila, sa pamamagitan ng Aking Mga Mata, ang nakakakilabot at makasalanang mga kasamaang pinaggagawa nila. Ang pananalangin ng Divine Mercy ay makakapagligtas ng milyun-milyon kahit na ang nananalangin ay isa lang maliit na grupo ng tapat at mapagmahal na mga alagad.
Hindi Kita bibigyan ng petsa, anak Ko, para sa Dakilang Pangyayaring ito. Pero sinisigurado Ko sa iyo, anak Ko, na ang mundo ay dinatnan na ng panahon, at habang ang kasamaan ay patuloy na lalo’t lalo pang kumakalat sa buong mundo, gayundin naman ang Kamay ng Aking Ama ay babagsak sa lahat ng lugar. Hindi Siya basta na lamang tatayo at papayagan ang masasamang makasalanang mga ito, na kasapi ni Satanas, na puksain o hawahan pa ang Aking mga anak. Mahiya naman yung mga makasalanang ang sarili nila ang kinalolokohan, na mahal Ko pa rin sa kabila ng masamang bahid ng kanilang kasalanan. Hinihiling Ko sa inyo na ipanalangin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, ngayon na.
Dahil ang Babala ay mangyayari na, gayundin ang malalaking kapahamakang pangkalikasan na sasapit sa sangkatauhan. Panalangin na lang ang sandata nyo ngayon, mga anak Ko, para mailigtas nyo ang inyong mga sarili at ang sangkatauhan sa mga apoy ng Impiyerno. Sa oras na matapos na ang Babala, ang kapayapaan at kaligayahan ay lalaganap. At pagkatapos, ang pang-uusig ng New World Alliance ay magsisimula na. Ang kanilang kapangyarihan ay hihina kung magkakaroon ng sapat na bilang sa inyo na magpapalaganap ng pagbabalik-loob at taimtim na mananalangin.
Huwag kayong matakot, mahal Kong mga alagad. Matalik kayong sama-samang magtatrabaho para ipanalangin ang kaligtasan ng sangkatauhan. At magliligtas kayo ng milyun-milyong kaluluwa habang ginagawa nyo ito.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Plano ng New World Order na kontrolin ang inyong pera at pagkain
Linggo, April 17, 2011 9:00 am
Mahal Kong anak, sabihin mo sa mundo na malapit na nilang masaksihan ngayon ang ilang malalaking kapahamakang pangkalikasan. Mangyayari ang mga ito sa pinaka-di-pangkaraniwan at di-inaasahang mga lugar at sobra ang tindi ng mga ito. Dala ito ng makasalanang asal ng tao. Magsisi na, lahat kayo, at tandaan nyo na ang malalaking kapahamakang dulot ng klima ay gigisingin kayo sa inyong pagtutulug-tulugan at kawalan ng pananampalataya. Nangyayari rin ang mga ito para bawasan ang epekto ng masamang grupo ng mga pandaigdigang alyansa at ang kanilang masasama at kalokohang mga gawain. Ang mga grupong ito, na tatawagin Kong isang “new world government” na itinalaga na para maglingkod, ay nagpa-plano nang lumitaw ngayon sa pamumuno ng antikristo. Ang mga grupo ring ito ang nagpabagsak ng sistema ng pagbabangko at ngayo’y wawasakin ang mga pera sa lahat ng dako. Ito’y para ma-kontrol nila kayo.
Anak Ko, nang una Kong ibinahagi sa iyo ang Mensaheng ito, ilang buwan na ang nakakalipas, akala mo’y kakaiba ang mga Mensaheng ito, pero isinulat mo pa rin ang sinabi Ko. Ang buktot at masamang planong ito ay matagal-tagal na ring pina-plano ng mga ahas na ito, na mga alagad ni Satanas. Ang ilan sa kanilang mga tusong pakana ay nabubunyag na, pero maraming tao sa mundo ang naniniwalang ang mundo ay dumadaan lang sa isa pang krisis na pinansyal. Gising, lahat kayo – ngayon din! Luminga-linga kayo at magmasid. Itigil nyo na ang pagpapakahulugan na ang mundo ay dumadaan lang sa isang depresyong pang-ekonomiya, dahil hindi ito totoo. Ang mga taong ito ay kokontrolin ang bawat isa sa inyo sa pamamagitan ng isang pandaigdigang pera at pagkakautang ng inyong bansa. Walang bansang makakatakas sa kanilang mga kuko. Pakinggan nyo naman ang Aking Salita. Ang inyong pera ay mawawalan ng halaga. Makakakuha lang kayo ng pagkain at iba pang mga pangangailangan sa pamamagitan ng “tatak”, ang ID na sinabi Ko na noon pa. Huwag, huwag nyo namang tatanggapin ang tatak na ito dahil mawawala kayo sa Akin. Papatayin kayo ng tatak na ito, hindi lamang sa pisikal na paraan kundi pati na rin sa espiritwal. Huwag kayong pasasakop dito. Simulan nyo nang planuhin ang inyong pag-iimbak ng pagkain, kumot, kandila at tubig kung gusto nyong maiwasan ang pagtanggap ng tatak, ang tatak ng halimaw.
Siya, ang antikristo, ang mamumuno sa New World Government na ito, ay akala niya’y mananakaw niya ang mga kaluluwa ng sangkatauhan. Pero hindi niya ito magagawa. Kung paanong marami ang mahuhulog sa kanyang impluwensya, gayundin ang Aking mga alagad ay mananatiling tapat sa Akin, ang kanilang Diyos na Tagapagligtas.
Para sa inyong lahat na pagtatawanan ang mga propesiyang ito, makinig kayo ngayon. Magpasakop kayo sa pandaigdigang kapangyarihang ito at kayo’y mawawala. Mangangailangan kayo ng malakas na pananampalataya para kayo makapanatiling buhay. Tutugunin ang inyong mga panalangin. Poprotektahan Ko kayo sa loob ng nakakatakot na panahong ito sa Lupa. Maghanda na kayo ngayon para sa pagsasama-sama sa pagbuo ng mga grupo, kung saan makakapagdasal kayo nang payapa at palihim. Sila, ang New World Order, ay mananalangin din sa loob ng kanilang masasamang simbahan. Meron nang mga ganitong simbahan sa lahat ng dako, pero palihim nila itong itinayo. Nagdiriwang sila ng mga sakripisyo at pinararangalan nila ang kanilang diyos na si Satanas. Laganap na ngayon ang mga kultong ito, at lahat ay nakikiisa sa iisang kalokohang pakay – ang kontrolin ang sangkatauhan. Gagawin nila ito sa pagtatangkang kontrolin ang inyong pera, pagkain at enerhiya. Labanan nyo sila sa pinaka-epektibong paraan – sa pamamagitan ng panalangin at pagpapalaganap ng pagbabalik-loob. Ipanalangin nyo rin ang mga nalinlang na mga taong ito, na pinangakuan ng malaking kayamanan, teknolohiya, mas mahabang buhay at mga milagro. Maling-mali sila! Talagang naloko sila. Makikita lang nila ang katotohanan pag nahulog na sila sa kailaliman ng Impiyerno at huli na ang lahat.
Manalangin, dasalin nyong lahat ang Aking Divine Mercy at ang Santo Rosaryo, araw-araw, nang pinakamaraming beses na inyong magagawa, para mabawasan ang epekto ng tuso at maka-demonyong planong ito.
Ipanalangin nyo rin yung mga kaluluwa ng mamamatay sa nalalapit na pandaigdigang kapahamakang pangkalikasang idudulot ng Kamay ng Diyos Ama. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Pakinggan nyo naman ang aking paghingi ng mga panalangin dahil tutugunin ang mga ito.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Galit ng Diyos ay babagsak sa New World Order
Linggo, April 17, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, malaki ang dalamhati Ko dahil kailangan Kong sabihin sa iyo ang nalalapit na malalaking kapahamakang dulot ng kalikasan, na magdudulot ng malaking bilang ng mamamatay sa Asia, Europe, Russia at United States. Ang Galit ng Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan, ay mabilis na babagsak sa Pandaigdigang Alyansang ito na nagpaplano ng mga sikretong organisasyon na magdudulot ng kamatayan sa iba pang natitirang mga bahagi ng mundo, para sa kanilang sariling kapakinabangan. Sila ang may kagagawan ng mga paglikha ng mayayamang bukirin at bagong teknolohiya, na sisilaw at magpapahanga na sana sa inyo, kung hindi nga lang napakasama ng kanilang mga pakay. Ang mga taong ito, mula sa bawat bansang first world, ay mayayaman, makapangyarihan, matatalino; kontrolado nila ang mga bangko, sandatahang lakas, mga pandaigdigang organisasyong makatao, pulisya, mga gobyerno, mga nagnenegosyo ng enerhiya at ang media. Wala ni isa sa inyo na makakaligtas sa kanilang mga kuko kung hindi Ko sasabihin sa inyo kung paano. Panalangin, lalo na ang pagdarasal ng Divine Mercy, ang magpapalaganap ng pagbabalik-loob, at sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, pahihinain nito ang gawain nitong masasamang linta na ang diyos ay si Satanas. Ang nakakagulat dito ay ito. Marami sa mga panatikong ito na nabitag ng mapanlinlang na sapot na ito, ay naniniwalang sila’y nagiging ambisyoso lamang, na may natural na paghahangad sa kayamanan, at wala silang kahit anong relihiyosong pananalig. Ang hindi nila alam ay sila’y niloloko na ni Satanas at iniimpluwensyahan sila nito araw-araw, sa kanilang mga kaisipan, adhikain, salita at gawa. Napakabulag nila!
Kung saang lugar sila nagsasama-sama, doon babagsak nang may nakakatakot na lakas ang Galit ng Diyos. Parating na ito. Mapipigil sila pero mangangailangan ng konting panahon. Hindi sila lubusang mapipigil, pero mapapahina ang nakakakilabot sanang epekto ng kanilang mga gawain. Ang Santisima Trinidad ay kumikilos na ngayon at nakikipag-usap sa mga piniling kaluluwa sa buong mundo. Napansin na ito ng mga mananampalataya. Yung mga hindi sumasampalataya sa Diyos Ama, ay aakalaing ang mga taong ito ay mga baliw lamang na nagsasabing matatapos na ang mundo. Oo nga’t maraming tao sa mundo ngayon na pwedeng magsabi ng hindi totoo, pero huwag nyo naman sanang bale-walain sila nang hindi muna pinakikinggan ang kanilang sasabihin. Lagi kayong manalanging kayo’y gabayan sa mahirap at nakakalitong mga panahong ito. Lagi nyong ituon ang inyong pansin sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas. Hahawakan Ko kayo sa kamay at tutulungan Ko kayo sa pinagdaraanan nyong mga pagsubok na ito. Maraming tao, pag nasasaksihan na nila na nangyayari na ang mga propesiyang ito, ay nalilito at sobrang natatakot sa maraming pagkakataon. Pero walang dapat ikatakot dahil ang panahong ito ay magiging maikli lamang. At pagkatapos ay darating na ang Bagong Langit at Lupa, kung saan kayong lahat ay mamumuhay nang payapa, matagal at masaya kasama Ko.
Pagdami ng mga taong magbabalik sa Diyos Ama at hihilingin sa Kanya na sila’y gabayan, ay paghina naman ng epekto ng masamang paghaharing ang New World Order ang nag-plano. Hayo na sa kapayapaan. Manalangin kayo para palakasin ang inyong pananampalataya sa Akin.
Ang inyong Maawaing Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Ang Imoralidad na Sekswal ay magdadala sa inyo sa Impiyerno
Martes, April 19, 2011 11:50 pm
Anak Ko, habang ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang bahagi – yung mga namumuhay nang simple at maayos, ang ilan sa kayamanan at kapayapaan, at yung mga pinapahirapan ng karukhaan at karamdaman o mga biktima ng giyera, at yung mga nasa poder – lahat ay manghang masasaksihan ang magkakaparehong mga pangyayaring malapit nang dumating.
Maraming makakakita sa malalaking kapahamakang pang-kapaligiran bilang Kamay ng Diyos. Ang iba naman ay sasabihing ang mga ito ay isang palatandaan ng pangwakas na panahon; at ang iba pa ay sasabihing lahat ng ito ay may kinalaman sa global warming. Pero ang pinakamahalaga ngayon sa panahong ito ay maunawaan ito: Ang kasalanan, kung ito’y lalaganap sa lebel na hindi pa naaabot hanggang ngayon, ay magdudulot din naman ng pagkawasak ng inyong maayos na pamumuhay.
Pero kung umaabot na ito sa lebel na nararanasan at nasasaksihan nyong lahat sa mundo ngayon, makakasigurado na kayo na ang malalaking kapahamakang ito ay gawa na ng Kamay ng Diyos.
Ang Diyos Amang Walang-hanggan ay tumugon at kumilos na nang ganito. Ngayon, habang nalalapit ang panahon na pupuksain na si Satanas at ang kanyang mga alagad, mas marami pang kaguluhang pang-kapaligiran ang pakakawalan ng Diyos, sa Kanyang Awa. Gagawin Niya ito para pigilin si Satanas at ang kanyang masasamang tau-tauhan, na naglalaway sa pinananabikang kayamanan at kaluwalhatiang ipinangangako niya sa kanila sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang pang-kaisipan.
Si Satanas ay nagtatanim ng masasamang kaisipan at pagkilos sa mga kaluluwa na dahil sa kahinaan ay inilalantad nila ang sarili sa kanyang mapang-angking kapangyarihan. Ang ganung mga tao ay may magkakaparehong mga katangian. Sila’y makasarili, naloloko sa makamundong mga ambisyon at kayamanan, at adik sa maling sekswalidad at kapangyarihan. Sa Impiyerno silang lahat mapupunta, kung magpapatuloy sila sa pagsunod sa pagluwalhati sa antikristo, na malapit nang iladlad ang sarili sa mundo.
Maraming inosenteng tao ang hindi naniniwala kay Satanas, sa antikristo, o maging sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Kaya nagbubulag-bulagan sila. Gayunpaman, nagtataka sila kung bakit ang mismong lipunang ginagalawan nila ay bumagsak na. Hindi nila naiintindihan ang nakakatakot na bilis ng pagbagsak ng tradisyunal na pamilya. Isinisisi nila ito sa mga sakit ng modernong lipunan. Ang hindi nila alam ay ang pangunahing target ni Satanas ay ang pamilya. Alam niya kasi, na pag ang pamilya ang nawasak, ay wasak na rin ang lipunan. Alam na nga ito ng marami dahil halatang-halata na ito sa mundo ngayon. At tingnan nyo ang imoralidad na sekswal. Magtataka kayo kung paano nahawahan nang ganito kabulok na karamdaman ang lipunan. Minsan pa, ang hindi nyo nalalaman ay si Satanas ang may kagagawan ng bawat akto ng malaswang imoralidad sa mundo. Samantalang yung ilan sa inyo ay abalang-abala sa mundo ng malisyoso at maling sekswalidad at pang-aabuso sa iba, at ikakatwiran nyo pa na ang mga ito ay aliwan at kung minsan pa nga ay pinagkakakitaan – dapat nyong malaman na ang mga ito ang magiging pasaporte nyo sa walang-hanggang apoy ng Impiyerno.
Sa bawat bulok na aktong sekswal na inyong salihan, kahit nasa espirito na lamang kayo, masusunog pa rin ang inyong katawan na parang katawang-tao, magpakailanman. Ang bawat parte ng inyong katawan na inyong abusuhin sa pamamagitan ng kasalanang mortal, yun ang parteng pinaka-masasaktan sa apoy ng Impiyerno. Bakit nyo ito gugustuhin? Marami sa inyo, mga kawawa at nalinlang na mga kaluluwa, ay hindi nyo alam na hindi pa kailanman sinabi sa inyo ang Katotohanan, ang Katotohanang merong Langit, Purgatoryo at Impiyerno. Marami sa Aking mabubuting-loob na mga sagradong alagad ng Mga Simbahan, ay hindi binigyang-diin ang Mga Aral na ito sa napakahaba nang panahon. Mahiya naman sila! Umiiyak Ako sa pahirap nila dahil marami sa kanila mismo ay hindi talaga naniniwala sa Impiyerno. Kaya paano nila maipapangaral ang kilabot na Impiyerno? Hindi nila magagawa, dahil marami ay pinili ang madaling kasagutang: “Ang Diyos ay laging Maawain. Hindi Niya kayo kailanman papupuntahin sa Impiyerno. Di ba?”
Ang sagot ay hindi – hindi Niya gagawin. Totoo yun kasi hindi Niya kailanman magagawang talikuran ang Kanyang mga anak. Pero ang totoo nito, ay maraming maraming kaluluwa, na nakulong na sa kasalanang mortal na naakit silang gawin, ay naa-adik na sa kanilang mga kasalanan, na paulit-ulit nilang ginagawa. Nalalagay sila sa ganung kakapal na kadiliman – na nakasanayan na nila ang kanilang sariling imoralidad – kaya patuloy pa nilang pinipili ang kadiliman kahit sila’y patay na. Hindi na sila maililigtas pag nagkaganun. Pinili na nila ang daang ito sa pamamagitan ng kanila mismong malayang loob – na isang Regalo mula sa Diyos, na hindi Niya maaaring panghimasukan. Pero magagawa ito ni Satanas. At ginagawa nga niya.
Piliin nyo ang buhay na gusto nyo, ang daan ng buhay tungo sa Diyos Amang Walang-hanggan papunta sa Langit, o si Satanas na Manloloko, sa apoy ng walang-hanggang Impiyerno. Wala nang iba pang mas malinaw na paraan para ipaliwanag ang resulta sa inyo, mga anak Ko. Mahal Ko kayo at may Malasakit Ako sa inyo, kaya kailangan Kong ituro sa inyo ang Katotohanan.
Pakay ng Mensaheng ito na medyo takutin kayo, dahil kung hindi Ko naman ipapakita sa inyo kung ano ang mangyayari sa kanila, hindi Ko ipinapakita ang Aking Tunay na Pagmamahal para sa inyong lahat.
Panahon na para harapin ang kinabukasan, hindi lamang para sa iyong sarili, kundi para rin sa iyong mga kaibigan, pamilya at mga mahal sa buhay, na naiimpluwensyahan mo sa pamamagitan ng iyong asal. Ang asal ay nanganganak ng asal. Sa kaso ng isang inosente, maaaring hindi mo sinasadya pero inaakay mo na rin sila sa daan papunta sa walang-hanggang kadiliman dahil sa kamangmangan.
Ingatan mo ang iyong kaluluwa. Ito’y isang Regalo mula sa Diyos. Ito lamang ang maaari mong dalhin sa susunod na mundo.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Maging matatag laban sa mga pag-atake ni Satanas
Miyerkules, April 20, 2011 5:45 pm
Anak Ko, ang iyong pananampalataya ay patuloy na sinusubok oras-oras sa maghapon, na pinipilit ka ng mga taga-labas na bale-walain ang Mga Mensaheng ito. Lagi itong mangyayari. Panahon na para makasanayan mo ang pahirap na ito. Ngayo’y nakakasigurado ka, higit kailanman, na ang Mga Mensaheng ito ay totoo at nagmumula sa Akin, ang Diyos na Tagapagligtas ng Sangkatauhan, na si Jesucristo.
Nalulungkot Ako, lalo na pag nakikita ko ang mga mananampalataya, na ganun na lang nalinlang ni Manloloko kaya binabale-wala nila ang Aking Kabanal-banalang Salita pag ibinibigay ito para masaksihan ng mundo.
Anak Ko, mas malaki ang kakayahan mo ngayon na bale-walain lahat ng boses na nagsasabing sila’y nagsasalita nang may awtoridad, na ibinigay sa kanila mula sa Langit. Maraming pekeng propeta sa mundo ngayon, at hindi sila yung sinasabi nilang ganun sila. Tanging ang Aking Boses lamang ang pakinggan mo, gaya nang sinabi Ko na noon pa. Hindi mo kailangan ang pag-apruba ng iba para ituloy ang Sagradong Gawaing ito. Darating ang panahon na ang mga aklat ng Mga Sagradong Mensaheng ito ay makikita kung ano talaga ito. Huwag na huwag kang bibigay sa panunukso ng mga nalilinlang na mga kaluluwa, na nagsasabing sila’y sinabihan mula sa Langit, dahil hindi naman ganun. Huwag mong pakinggan ang mga kasinungalingan ng manlolokong si Satanas; anak Ko, gusto niyang ihinto mo ang Gawaing ito at gagawin niya lahat para pigilan kang maisakatuparan ang Misyong ito.
Manindigan ka na ngayon at magsalita nang may kapangyarihan ng Espirito Santo, na ibinigay na sa iyo, mahal Kong anak. Isa kang sugo na pinili para dalhin, gaya ng nasabi Ko na, ang pinaka-importanteng Mga Mensahe para sa sangkatauhan sa mga panahong ito. Sobrang pinasasaya mo Ako sa ipinapakita mong lakas at tapang, sa harap ng mga pag-atakeng tiniis mo sa mga kamay ni Satanas. Pero tandaan mo, na dapat mong tanggapin ang Gawaing ito nang may kababaang-loob na inaasahan sa iyo. Tanggapin mo Ako sa iyong kaluluwa ngayon, araw-araw, para sa mas marami pang grasya. Mahal Kita, anak Ko. Nagdiriwang ang Kalangitan dahil sa bilis ng iyong pagtugon sa Aking Kabanal-banalang Loob.
Ang iyong Tagapagligtas
Jesucristo
Depensahan nyo ang karapatan ng inyong mga anak na magkaroon ng Kristiyanong edukasyon
Sabado, April 23, 2011 12:05 am
Mahal Kong anak, ngayong araw ang panahon para sa lahat ng sumasampalataya sa Pasyon ng Krus, para tumulong na ito’y pasanin upang ang Aking Salita ay muling marinig sa mundo. Ipaalala nyo sa kanila kung paano Ako namatay at kung bakit sinasagisag nito ang kaligtasan. Tungkulin mo ngayon na ipaalam dun sa mga naliligaw, na muli nilang buksan ang kanilang puso sa Katotohanan ng Aking Mga Aral.
Manindigan na kayo ngayon at depensahan ang inyong mga karapatang maging mga Kristiyano. Oo nga’t inaasahan Ko ang inyong pagiging hindi istrikto – kung saan kailangan nyong irespeto ang mga pananaw ng ibang mga pananalig – pero huwag na huwag nyo Akong iinsultuhin sa paglalagay nyo sa inyong Kristiyanismo sa pangalawang lugar. Mapanganib na doktrina ang ipagkakamali nyo ang pagiging hindi istrikto, sa pagpapalit sa Katotohanan. Maging bukas kayo sa ibang mga pananalig at tratuhin nyo nang pantay-pantay ang inyong mga kapatid. Pero huwag kayong magpapapilit na isantabi ang inyong mga paniniwala o ipagkait sa inyong mga anak ang karapatang magkaroon ng Kristiyanong edukasyon. Maraming paaralang pinamamahalaan ng mga Kristiyanong organisasyon ang sumuko na sa mga pamimilit na talikuran na ang kanilang katapatan sa Akin. Maraming gobyerno na ang sinisikap ipagbawal ang Kristiyanismo, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga bagong batas. Pero makikita nyo na yung ibang di-Kristiyanong mga relihiyon ay hindi ganung kalupit tratuhin. Mas papaboran pa nga ang kahit na anong relihiyon huwag lang ang Kristiyanismo. Ipaglaban nyo na ngayon ang inyong pananampalataya. Ipanalangin nyo ang pagbabalik-loob. Ipanalangin nyo na yung mga rehimeng sumisikil sa inyong karapatang maging isang Kristiyano ay mas maging hindi istrikto. Pag hindi natagalan ang ganitong mga paghihigpit, ang ibubunga nito ay isang tuyot na mundo kung saan mas kokonti na lang na mga Kristiyano ang magsasabuhay ng kanilang pananampalataya.
Pasanin nyo ang Krus mula ngayong araw, at magpakita kayo ng halimbawa sa iba. Huwag na huwag nyong ikakahiya ang Krus.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo, Hari ng Sangkatauhan
Mangako kayo ng katapatan sa Aking Divine Mercy
Linggo, April 24, 2011 4:40 pm
Pinakamamahal Kong anak, natutuwa Ako at ang Aking mga anak ay ipinagdiriwang ang alaala ng Aking Pagbangon. Importante ang taon na ito dahil minanarkahan nito ang Bagong Panahon ng Kaliwanagan na malapit nang magsimula sa mundo.
Ang Aking dakilang regalong Awa ay magdudulot ng malaking ginhawa sa mga mananampalataya at lilikha ng isang malalim na kaligayahan sa mga di-mananampalataya na magbabalik-loob. Pag nadiskubre nila ang Katotohanan, gagaan ang kanilang kalooban at mapupuno sila ng pagmamahal sa Diyos Amang Walang-hanggan at sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas. Maging ang mga di-Kristiyano ay mauunawaan ang Katotohanan ng Aking Pag-iral. Sa wakas, lilikha ito ng malaking tuwa at pagmamahalan sa mundo.
Ang Babala ay kailangang sundan ng panalangin
Pero importanteng tandaan ang isang mahalagang leksyon tungkol sa Babala. Sa Dakilang Pangyayaring ito, lahat kayo’y hindi lamang makikita ang inyong mga kasalanan kung paano Ko nakikita ang mga ito, kundi mauunawaan nyo rin ang Katotohanan tungkol sa susunod na buhay. Ang Pangyayaring ito ay kailangang sundan ng panalangin.
Malungkot sabihin, pero marami ang babalik muli sa kasalanan pagkatapos. Ngayon na ang panahon para makapaghanda at maiwasan ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng pagdarasal ng Aking Divine Mercy Chaplet sa bawat araw ng inyong buhay. Pag nakasanayan nyong dasalin ang makapangyarihang panalanging ito, mapapanatili nyo ang lebel ng inyong pagbabalik-loob at pananampalataya, na lalaganap sa buong mundo pagkatapos.
Magdiwang, manalangin at magpasalamat kayo sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, para sa dakilang Awa na ito. Lumuhod at magparangal sa Diyos Ama, para sa Regalo na siyang Aking Sakripisyo. Ang panalangin ay makakatulong na bawasan ang tindi ng pang-uusig ng Pandaigdigang Alyansang New World, na susunod. Kung magiging sapat ang bilang nyo na mananatiling tapat sa Akin, sa Aking Mga Aral, at magpapatuloy sa pananalangin at sa pagtanggap din ng Mga Sakramento, mababago nyo ang takbo ng mga pangyayari, na susunod.
Ang lakas ng Aking Divine Mercy! Napakarami pa rin sa inyo ang hindi nakakaunawa sa kahulugan nito. Malungkot sabihin, pero marami ang hindi pa man lang nakakarinig nito.
Yung ilan sa inyo na tapat sa Akin ngayon, kailangan Kong hingin ang napaka-espesyal na pakiusap na ito sa inyo. Ayaw Kong makita ni isa man sa Aking mga anak na mawawasak. Ito ang dahilan kung bakit ang Babala ay ibinibigay sa inyo. Ipapakita nito sa bawat isa sa inyo, pati sa mga ayaw maniwala sa inyo, kung ano ang mangyayari sa Pangwakas na Paghuhukom. Kaya para matulungan nyo Ako na magligtas ng lahat ng kaluluwa, gusto Ko na kayo’y mangangako ng inyo mismong regalo para tulungan Akong makakuha ng mga kaluluwa.
Lumikha kayo ng mga Divine Mercy Prayer Group sa buong mundo at gamitin nyo ang Panalanging ito para sa lahat ng kakilala nyo na malapit nang mamatay, dahil gagarantiyahan Ko ang kanilang kaligtasan pag ito’y ginawa nyo.
Magtipun-tipon na kayo, Aking bayan. Sumunod kayo sa inyong Tagapagligtas. Manalangin kayo sa paraang hindi nyo pa nagawa kailanman, at mas maraming kaluluwa ang maliligtas. Sa ganun, lahat kayo’y magiging bahagi ng Bagong Mundo na ipinangako Ko, pag nagsanib na at naging isa ang Langit at Lupa. Ang maluwalhating kinabukasang ito ay para sa inyong lahat. Sa halip na matakot sa malaking pagbabagong ito, buksan nyo ang inyong isip, puso at kaluluwa sa malaking kaligayahang darating. Kung magsasama-sama kayo para maging isang malaki at makapangyarihang grupo sa buong mundo, sa bawat bansa, sa bawat pamilya, sa bawat simbahan at sa bawat komunidad, makakagawa kayo ng malaking kaibhan.
Ang inyong mga panalangin ay makakatulong para pigilin ang malaking bahagi ng pag-usig na mangyayari gaya ng nai-propesiya na. Kaya bilang pagrespeto sa Akin, ang inyong Laging-nagmamahal na Tagapagligtas, sumunod na kayo ngayon sa Akin.
Nabubuhay Ako sa bawat isa, sa bawat isa sa inyo. Alam Ko ang nilalaman ng inyong puso’t kaluluwa. Pag ibinigay nyo ang inyong pangako ng awa para sa inyong mga kapwa, tatanggap kayo ng espesyal na mga grasya.
Ang inyong Diyos na Hari ng Awa at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Gumawa kayo ng paraan para magbalik-loob ang iba sa bawat pagkakataon
Linggo, April 24, 2011 8:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, importante ang araw na ito dahil ang Aking pagbangon mula sa mga patay ay katuparan ng Aking mga pangako sa tao, na sa Aking pagbangon, tutulungan Kong maitaas kayong lahat papunta sa Liwanag ng Langit. Bangon na, lahat kayo, at lumapit sa Akin at sa inyo mismong kaligtasan.
Mga anak Ko, kailangang gumawa kayo ng paraan para magbalik-loob ang iba sa bawat pagkakataon. Habang mas nagpapaliwanag kayo at mas nagpapakita kayo sa mga mahinang kaluluwang yun, ng pagmamahal sa inyong puso, makakamtan ang pangwakas na resulta pag nakagawa kayo ng paraan para magbalik-loob ang isang kaluluwa. Pauulanan Ko kayo ng malalaking biyaya. Ito’y isang napaka-espesyal na Regalo mula sa Akin at isang akto ng dakilang awa naman sa inyong parte.
Ang pagbabalik-loob, mga anak Ko, ay magliligtas ng mga kaluluwa. Pag nagkaroon ng isang pagbabalik-loob, kakalat ito sa mga kaibigan at kakilala ng taong nagbalik-loob. Ang pagbabalik-loob ay nagpapalaganap ng pagbabalik-loob. Kahit na pagtawanan pa kayo, o tratuhin kayong parang nagsasabi ng kalokohan. Kinakailangan ang tapang sa parte nyo, mahal Kong mga alagad na tapat sa Akin. Pero sa bawat pagkakataong itaguyod nyo at ipaliwanag ang Aking Mga Aral sa iba, makikinig ang mga tao. Kung may ilan mang pangiti-ngiti lang at mukhang hindi kayo siniseryoso, marami namang buong-pusong pakikinggan ang inyong sasabihin.
Pag ang Espirito Santo ay nagtatrabaho sa pamamagitan nyo habang ginagawa nyo ang inyong trabaho, ang tumatanggap ay makakaramdam ng isang hatak sa kanilang puso. Pero hindi nila alam kung bakit. Sa ganun, mapapalapit nyo sila sa inyo.
Magiging mabagal tumugon ang ilan. Pero maging pasensyoso kayo. Unti-unti silang bibigay. Una muna’y tatanungin nila kayo. Malamang ay tungkol ito sa kung tama o mali ba ang isang bagay. Sa puntong yun magkaka-ugat ang pagbabalik-loob. Huwag na huwag kayong susuko sa pagpapalaganap ng Katotohanan ng Aking Mga Aral. Hindi ito kailangang gawin na parang nagsesermon. Maaari naman itong gawin sa paraang napaka-simple at padaplis lamang. Gawan nyo ng paraan para magbalik-loob ang iba sa inyong pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng ordinaryong pakikipag-usap. Sa ganun, ang mga tao ay magiging mas interesado.
Pero, mga anak Ko, masisindak kayo sa reaksyon ng ibang mga tao, lalo na yung mga namumuhay sa pagtanggi at kadiliman. Ang pagtugon nila ay magiging mabalasik at mapanghamak. Tatanungin kayo kung talagang pinaniniwalaan nyo ang ganung basura. Pagkatapos ay kayo’y mumurahin at iinsultuhin. Kukwestyunin ang inyong katalinuhan. Susumbatan kayo, na kaya nyo binabalingan ang relihiyon, ay dahil sa inyong personal na mga kagipitan. Mapapahiya kayo paminsan-minsan, at maaaring mahirapan kayong depensahan ang inyong sarili. Manahimik kayo sa ganung mga sitwasyon. At pagkatapos ay magtanong na lang kayo paminsan-minsan.
Tanungin nyo yung ganung mga kaluluwa, “Bakit ganito ang pakiramdam mo”? Habang dumarami ang inyong mga tanong sa kanila, mas magsisimulang pag-isipan ng mga taong ito ang kanilang mga sagot. Hindi nyo makukumbinsi ang bawat isa sa Katotohanan. Pero sa bawat pagsisikap nyo, tataas kayo sa Aking Pagtingin.
Hayo na, mga Anak ko. Gawan nyo ng paraan para magbalik-loob ang iba sa Ngalan Ko at pagkakalooban kayo ng maraming maraming grasya.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang pag-aalsa ng mga Arabo ay magpapasiklab sa kaguluhang pandaigdig – ang Italy ang siyang pagmumulan ng alitan
Martes, April 26, 2011 8:10 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang Aking Mga Luha, na tumutulo para sa lahat Kong mahal na mga anak sa mundo, na pinahihirapan at mga biktima ng karahasan at pang-aabuso, ay walang patid. Ang kawawa Kong mga anak na minamahal, ay naghihirap sa lahat ng lugar sa buong mundo, at lalo na sa mundong Arabo. Ang laki ng pagdurusa Ko dahil sa pagdurusa nila, yung mga kawawa at walang kalaban-labang mga kaluluwa! Ipanalangin mo naman sila, anak Ko, sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyo mismong pagdurusa para sa kanila.
Malungkot sabihin, pero ang mga kasamaang ginagawa sa mundong Arabo ay magpapatuloy, habang mas marami pang mga bansang Arabo ang masasangkot sa sunud-sunod na labanan. Ang una sa mga pagpatay na sinabi Ko sa iyo nung nakaraang Pebrero ay nalalapit na. Ang pag-aalsa ng Mundong Arabo ay magpapasiklab, bagamat hindi sa direktang paraan, sa bawat sulok ng mundo.
Ang Italy ang siyang pagmumulan ng alitan na magsasangkot sa mga puwersang pandaigdig sa isang digmaan – hindi na maiiwasan ang mga pangyayaring ito, pero makakabawas ng pagdurusa ang panalangin. Ipanalangin mo, anak Ko, na ang mga tao ay lalapit sa Akin at hihingi ng tulong at gabay sa panahong ito ng kaguluhan.
Ayaw Kong makitang nagdurusa ang Aking mga anak. Pero magdurusa nga sila, hanggang sa ang Katotohanan ay mabunyag habang nangyayari ang Babala. Ipanalangin mo na ngayon yung mga naliligaw na mga diktador na pumapatay sa mga inosenteng kaluluwa.
Nananawagan Ako sa Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo, na tanggapin na nila na ang mga propesiyang ginawa sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag, ay nabubunyag na ngayon. Ikalat nyo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral at iligtas ang inyong kawan bago pa man maubos ang panahon. Sige na. Gawin nyo na ang inyong tungkulin sa Akin. Nananawagan Ako sa ilan sa inyo na nagpalabnaw ng Aking Mga Aral, tumigil na kayo. Tingnan nyo ang inyong mga puso at sabihin sa Aking bayan ang Katotohanan na hindi sila maaaring maligtas, at hindi nga sila maliligtas, hanggat hindi sila humihingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan. Kinakailangang sila mismo’y magpakumbaba sa Aking Paningin at hilingin sa Akin ang Regalong Pagtubos.
Kayo, mga sagrado Kong mga alagad, ay kailangan nyo na ngayong gampanan ang papel na pinili para sa inyo. Maging matapang kayo. Ipangaral nyo ang Katotohanan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang kababaang-loob ay kinakailangan para makapasok sa Langit
Biyernes, April 29, 2011 3:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang kababaang-loob ay isang leksyon, na lahat ng gustong pumasok sa Aking Kaharian ay kailangang matutunan.
Ang kababaang-loob ay nagpapahayag ng inyong kaliitan sa Aking Paningin, kung saan, pinararangalan nyo Ako, ang inyong Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala nito, kayabangan ang manghihimasok. Wala yung saysay, kung gusto nyong ituring ang inyong sarili na karapat-dapat sa Aking Kaharian.
Sa mundo sa kasalukuyan, ang kababaang-loob ay hindi katanggap-tanggap, sa isang panahong ang kakapalan ng mukha, at paghahangad na mapagtagumpayan ang pag-unlad ng sarili nang nauuna sa iba, ay itinuturing na katangiang dapat hangaan. Yung mga hindi nagtataas ng sarili, o hindi kompiyansa at mayabang na umuunlad sa mundo, ay hindi pinapansin. Ang kanilang katangiang kababaang-loob at pagka-mapagbigay sa iba ay itinuturing na isang kahinaan – hindi sila dapat pag-aksayahan ng panahon ni isali sa kanilang grupo. Pero ang katangiang kabaligtaran ng kayabangan ang siyang susi para makapasok sa Kaharian ng Langit. Kaya ang itinuturing na matagumpay na paraan para makamtan ang susi sa kayamanan at salapi sa buhay na ito ay ang mismong pamamaraan na magdadala sa inyo sa kadiliman pag kayo’y namatay na.
Ang kababaang-loob, kung saan tinatanggap nyo, na kailangan nyong paglingkuran ang inyong Maykapal at Maylikha una sa lahat, ang siyang tunay na mahalaga. Sa pagpapahayag nyo ng inyong pagiging bale-wala, ipinapahayag nyo ang Kaluwalhatian ng Diyos. Ang kababaang-loob ay isang mabuting katangian, na hindi lamang mahalaga sa Aking Paningin, kundi isa ring mahalagang bahagi ng inyong espiritwal na pag-unlad. Ang ibig-sabihin nito’y pagpapahalaga sa iba bago ang inyong sarili para sa Luwalhati ng Diyos. Pero napakadali at napakabilis mahulog sa kalagayan ng kayabangan.
Babala sa mga kaluluwang pinili
Halimbawa, yung mga nagtrabaho nang husto para paunlarin ang kanilang buhay-espiritwal para matuwa Ako.
At yung mapapalad na mga kaluluwa na binigyan ng mga Regalo, na sa Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay ginagampanan ang papel na mga bisyonaryo sa mundo. Kalimitan, pag nakamtan na nila ang mga grasyang ito, unti-unti nilang itinuturing ang kanilang sarili na mas espesyal kaysa kanilang kapwa. Ipinagyayabang nila ang mga Regalo na meron sila. At pagkatapos ay nagiging mapili na sila kung paano ibabahagi ang Mga Regalong ito. Kaya naaapektuhan ng kanilang pagluwalhati sa sarili, ang kanilang kakayanang maibigay ang Katotohanan. Ang nakalimutan na nila ay lahat ng Regalong ibinigay sa kanila ay nanggaling sa Akin. Mahal Ko ang bawat isa. Ibinigay ang Mga Regalong ito sa kanila para ipamahagi. Kung paanong ibinibigay Ko ang mga Regalong ito sa mga piniling kaluluwa para sa kapakanan ng iba, ganun Ko rin pwedeng alisin ang mga ito.
Ang pagluwalhati sa sarili ay pinipigilan kayong sumunod sa Aking mga yapak. Matuto kayong maging mababang-loob, pasensyoso at hindi mayabang. Kung magsisikap kayong maging mababang-loob, bibigyan kayo ng isang espesyal na lugar sa Aking Puso. Pinipili Ko man ang ilang tao bilang mga hirang na kaluluwa, kailangan pa rin nilang ituring ito bilang isang Regalo. Huwag na huwag nilang iisiping mas importante sila sa Aking Paningin, dahil mahal Ko ang bawat isa. Pero gagantimpalaan Ko ang mahusay na trabaho pag ang kababaang-loob ay ipinakita sa Akin at sa inyong kapwa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo.
Ang mga tao sa buong mundo ay pare-pareho ang mga katangian
Sabado, April 30, 2011 8:45 pm
Natutuwa Ako ngayong gabi, mahal Kong anak, dahiI sa paraan ng pagsunod mo sa Akin. Ang pagsunod mo sa pagpunta araw-araw sa Misa at pagtanggap ng Kabanal-banalang Eukaristiya, ay ikinalulugod Ko. Nagiging mas malakas ka na ngayon sa isip at espirito para mabilis na tumugon sa Aking Kabanal-banalang Loob. Marami ka pang dapat gawin para ihanda ang iyong kaluluwa, anak Ko, tungo sa perpeksyong kinakailangan sa iyo. Huwag na huwag kang matatakot dahil ginagabayan Kita sa bawat paghakbang mo sa daan.
Anak Ko, ang laki ng pagmamahal Ko sa mga makasalanan, ang laki ng pananabik Ko para sa kanilang katapatan sa Akin. Nagmamasid Ako at nakikita Ko ang mga tao kasama ang mga kaibigan at pamilya, masaya, may tawanan sa tahanan, at napupuno Ako ng tuwa dahil ang Aking Espirito ay naroroon. At pagkatapos ay tinitingnan Ko ang iba pang mga tahanan, at nakakakita Ako ng gulo, lungkot, galit at sa ilang pagkakataon, kasamaan sa anyo ng pang-aabuso. At Ako’y umiiyak. Dahil alam Ko na si Satanas ay naroroon sa bahay na yun. At pagkatapos ay nagmamasid Ako at nakakakita ng mga grupo ng magkakaibigan na sama-samang nagtatrabaho para sa kapakanan ng iba sa kanilang pang-araw-araw na buhay, at Ako’y nasisiyahan. At tinitingnan Ko naman ang ibang grupo na paspasan ang pagtatrabaho para sa sariling kapakanan at iisa lang ang motibo. Yun ay magkaroon ng malaking kapangyarihan at kayamanan. Lahat ng aksyon nila ay iisa ang pakay – ang alagaan ang kanilang sarili. At kalimita’y sa ikakapinsala ng iba. At Ako’y lumuluha dahil alam Kong sila’y nasa kadiliman. At pagmamasdan Ko naman ang nakakatawag-pansing mga intelihente at edukadong grupo na gustong kumbinsihin ang mundo na ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi Umiiral. Nagsisisigaw sila sa galit at nagbibigay sila ng masalimuot na mga pangangatwiran habang itinatanggi na rin nila Ako. Pag nakikita Ko ang mga mananampalatayang maligamgam ang pananampalataya, na nahuhulog sa yungib na ito ng kadiliman, ay nadudurog ang Aking Puso. Ang daming grupo na iba’t iba ang pinagkakaabalahan, mga pakay at layunin. Pero malungkot, dahil napaka-konti ang gumugugol ng panahon sa pakikipag-usap sa Diyos Amang Walang-hanggan.
Nilisan na ng pananampalataya ang milyun-milyong tao sa mundo ngayon. Ang resulta nito ay maraming tao ang nalilito, hindi alam kung anong kanilang aadhikain, at hindi na naghahangad ng paggabay mula sa Aking sagradong mga lingkod.
Ang ipo-ipo ng kalituhang ito ay magpapatuloy hangga’t hindi tumatawag sa Akin ang Aking mga anak para sila’y tulungan. Ipanalangin nyo ang lahat Kong anak sa lahat ng dako. Luminga-linga kayo at makikita nyo, na lahat ng tao sa buong mundo ay pare-pareho. Maaaring magkakaiba sila ng nasyonalidad, nagsasalita sa iba’t ibang wika at iba’t iba ang kulay ng balat. Pero pare-pareho ang kanilang mga katangian. Masaya ang ilan, nagdurusa ang ilan, puno ng pagmamahal ang iba, at ang iba nama’y galit at mararahas. Karamihan ay mabiro at nararanasan nila ito sa isang yugto ng kanilang buhay. Kaya pag tiningnan nyo ang inyo mismong pamilya at mga kaibigan, makikita nyo ang gayunding mga pagkakapareho.
Kaya kung sa palagay nyo ay kailangang ipanalangin yung mga pinakamalapit sa inyo, hinihimok Ko kayo na isaalang-alang ang inyong mga kapatid sa bawat sulok ng mundo. Lahat kayo’y Aking mga anak. Sa pananalangin nyo ng Divine Mercy para sa lahat Kong anak sa lahat ng lugar, kayo, Aking mga alagad, ay masasagip nyo ang sangkatauhan mula sa kadiliman ng Impiyerno. Ang kapangyarihan ng panalanging ito ang siyang gagarantiya na ang Aking Awa ay tatakpan ang bawat tao sa buong mundo.
Hayaan nyong dalhin Ko kayong lahat sa Aking Paraiso. Huwag nyo Akong pababayaang magdusa, pag kinailangan Kong pabayaan ang sinuman sa inyo sa mga kamay ni Satanas.
Manalangin, Dasalin ang Aking Divine Mercy pagsapit ng 3:00 P.M. araw-araw, at maililigtas nyo ang mundo.
Ang inyong Laging-Maawaing Jesucristo
Ang Russia at China ay maghahasik ng kaguluhan
Linggo, May 1, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, sabihin mo sa mundo na ang mga paghahanda ay nakakasa na para ihanda ang mga kaluluwa para sa Bagong Paraiso sa Lupa, na ipinangako Ko na. Ang petsa ng Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa ay hindi para sa iyong kaalaman. Pero makakasigurado ka naman na ang Aking mga pangako ay laging matutupad. Walang makakapigil sa Aking dakilang Akto ng Awa para tubusin ang sangkatauhan. Walang ganitong kapangyarihan si Satanas. Siya, si Manloloko, ay pupuksain, anak Ko, at hindi makakatagal. Ang kanyang panahon ay napakaikli na. Binabalaan Ko yung mga sumusunod sa kanya sa pamamagitan ng kasalanan, na kokonti na lang ang kanilang pagkakataon para tubusin ang kanilang sarili. Kailangan na nilang talikuran ang kasalanan kung gusto nilang maligtas. Kayong mga alagad Ko na may miyembro ng pamilya o matalik na kaibigan na sumusunod sa daan ng kasalanan, ay tungkulin nyong sikapin at buksan ang kanilang mga mata sa Katotohanan.
Maghanda na ngayon para maiwasang tumanggap ng tatak ng halimaw
Maraming mangyayari sa Lupa pati sa Langit, na babaguhin ang takbo ng kasaysayan. Maghanda na, lahat kayo, sa panahong ito. Sinabi Ko na sa inyo noon na magiging kokonti na ang pera kaya sikapin nyo namang ihanda ang inyong pamilya para kayo’y makatagal, at hindi nyo kakailanganing tanggapin ang tatak. Huwag nyo namang bale-walain ang Aking mga kahilingan.
Ang mga Prayer Group ay napakahalaga na ngayon para protektahan nyo ang inyong sarili at iligtas ang mundo sa pang-uusig ng mga organisasyong pandaigdig – maging pulitikal man, pinansyal at mga tinatawag na pang-karapatang pan-tao. Ang pakay nila ay magkaroon ng kapangyarihan at kontrol sa inyo, mga anak Ko, bagamat marami sa inyo ay hindi ito nakikita. Pero makikita nyo rin pagdating ng panahon. At ang panahong yun ay malapit na. Simulan nyo na ang paghahanda para makatagal kayo sa darating na panahon, at manatili sa pagdarasal, dahil magbibigay Ako ng mga espesyal na grasya para sa proteksyon nyong lahat. Huwag naman sana kayong matakot, dahil ang magiging mahalaga na lamang ay ang inyong katapatan sa Akin.
Habang ang One World Order ay nagkakaroon ng kontrol sa Middle East, mamamangha kayo sa dami ng mga bansang sasailalim sa kanilang kontrol, sa dami ng inosenteng kaluluwa na naniniwala na ang mga bagong rehimeng ito ay magbibigay sa kanila ng kalayaan. Pero hindi mangyayari ito.
Ang Russia at China ay maghahasik ng kaguluhan
Pagmasdan nyo ngayon habang ang Russia at China ang nagiging ikatlong samahan na maghahasik ng gulo. Malapit na malapit na, na yung mga nagsuko ng kontrol ng inyong bansa sa mga grupong walang-mukha na tinatrato kayong parang mga tau-tauhan,ay makikita na nila ang kasamaan ng mga grupong pulitikal na ito, na hindi galing sa Diyos, at tatangkain nilang idikta sa inyo kung paano mamuhay. Depensahan nyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng panalangin. Araw-araw at oras-oras ay babawasan Ko ang inyong pagdurusa. Tanggapin nyo Ako sa Banal na Eukaristiya at makakakuha kayo ng isang lakas na tutulong sa inyo sa mga pambihirang lebel sa loob ng pang-uusig na ito.
Ako, si Jesucristo, ay hindi Ko nais na maging sanhi ng sobrang pagkalito nyo sa inyong buhay. Pero hindi Ko magagawang tumayo na lang sa isang tabi at hindi kayo babalaan tungkol sa mga pangyayaring ito. Nang dahil sa Aking Awa, binibigyan Ko kayo ng isang pagkakataon para maghanda; hindi lamang para sa inyong kabutihang espiritwal, pero para sa mga hanapbuhay ng inyong pamilya. Para makaiwas sa tatak, maghanda naman kayo nang buong ingat.
Ang Babala ay malinaw na makakabawas sa pang-uusig, dahil napakarami ang magbabalik-loob. Manalangin, manalangin na ngayon para sa ganap na pagbabalik-loob sa buong mundo, at sa pagbawas sa anumang pahirap na mangyayari sa loob ng paghahari ng antikristo at ng pekeng propeta.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Si Satanas ay naghahasik ng kaguluhan sa mundo pero mabibilang na ngayon ang kanyang mga araw
Miyerkules, May 4, 2011 8:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang-kailangan na ngayon na ang mundo at lahat ng natutulog sa Katotohanan ng Aking Mga Aral ay kailangang makinig sa Aking Banal na Salita. Habang magpapatuloy ang paglaki ng gulo sa mundo, kailangan mong huminto ngayon para pagnilayan ang Banal na Kasulatan – kung ano ang sinabi sa iyo tungkol sa mga pagbabago, na masasaksihan sa Lupa pag ang kasalanan ay nagpatuloy.
Maging yung mga nagdududa sa Pag-iral ng Diyos Amang Walang-hanggan, o Ako, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay pati sila’y makakasaksi sa kasalanang ginagawa araw-araw sa inyo mismong paningin. Kung ito man ay nangyayari sa inyong pang-araw-araw na buhay, sa dyaryo, radyo o TV, o Internet, mahirap itong hindi mapansin. Maging yung ilan sa inyo na maluwag sa pagtanggap ng kasalanan, ay nagugulat sa mga lebel ng kasamaang napipilitan kayong masaksihan.
Anong nakikita nyo? Anong pinaka-nakakagulat sa inyo? Ang grabeng karahasan ba na nakikita nyo sa TV, na pinapanood nyo sa kaginhawahan ng inyo mismong tahanan? Ang mga pagpaslang kaya, na isinasagawa at pinapayagan ng mga gobyerno sa ngalan ng hustisya? O ang kabulukang ipinapakita ng malaswang pornography, na itinatanghal bilang sining? O kaya’y ang mga kasinungalingang sinasabi ng madadayang mandarambong sa likod ng sistemang legal, kung saan nakakaya nilang bilhin ang kanilang kalayaan at di maparusahan? O ang pagkasuklam na ipinapakita ng tao sa mga istrangherong nasasalubong nila sa kalye? Ang malaking takot na nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan sa kamay ng kanila mismong gobyerno? And dami nang paglabag sa Mga Batas ni Moses, ng Mga Utos, na ginagawa ngayon, kaya imposible nang maunawaan kaagad ang lahat. Naglaho na ang batas at ang kaayusan. Ang pagmamahal at pagbibigay ng kapwa sa kanyang kapwa ay mabilis na nawawala. Maging yung Aking mga tapat na lingkod, na kumikilos sa Ngalan ng Diyos, ay hindi na pinapastol ang kanilang kawan.
Ang malaking gulong ito ay gawa ng hari ng panloloko, na si Satanas, si Masama, na gagawin lahat para itago ang kanyang pagkakakilanlan sa sangkatauhan. Isa siyang duwag, kaya ginagamit niya ang kanyang mga kapangyarihang mang-akit. Huwag kayong magkakamali, dahil meron siyang mga kapangyarihan, na ginagamit niya para wasakin ang sangkatauhan. Pinaglalaban-laban niya ang tao laban sa tao. Kapatid laban sa kapatid. Kapwa laban sa kapwa. At lahat ay dahil sa iisang pakay, ang mabilis na pagdadala ng pagkawasak sa pinakamaikling panahong posible. Hindi niya kayo tatantanan sa walang-patid na pagpapahirap sa inyo, mga anak Ko. Harapin nyo ang katotohanang nandyan siya. Tanggapin nyo na siya nga’y umiiral. Para sa mga hindi sumasampalataya, pag naunawaan nyo na lamang sa wakas na totoo nga palang may Satanas, saka nyo na lamang malalaman ang katotohanan, at ito ay ang Diyos Amang Walang-hanggan ay talaga ngang Umiiral.
Tandaan nyo lang na ang mga araw ni Satanas ay bilang na. Huwag nyo siyang papapanalunin. Ipanalangin nyo yung lahat ng nasa mundo, nang huwag silang mahulog sa patibong ng pagkasuklam na inilalatag niya para bitagin ang mga anak ng Diyos. Kaya niya ito ginagawa ay hindi lang dahil nasusuklam siya sa inyo kundi kinasusuklaman din niya Akong si Jesucristo, at ang Aking Amang Walang-hanggan. Hindi siya magpapahinga hangga’t hindi siya nakakagawa ng pinakamalaking pinsala.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ang kanyang lakas ay mabawasan. Dasalin nyo lalo na ang Santo Rosaryo, dahil yun ang panalanging dudurog kay Satanas.
Pagbalik Ko sa Lupa, tandaan nyo na iisa lamang ang daan patungo sa kawalang-hanggan, at yun ang dapat nyong daanan papunta sa Akin.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang mga karahasan ng Pagpapako sa Akin sa Krus ay hindi ibinunyag sa tao kung paano ito dapat sana ibinunyag
Sabado, May 7, 2011 9:50 pm
Mahal Kong anak, kailangan mo na ngayong kunin ang Krus at tulungan Akong pasanin ito sa paglalakbay na itinakda Ko para sa iyo. Mahal Kong anak, talagang nagdusa ka nitong mga nakaraang ilang linggo. Pinayagan Ko itong mangyari dahil inilapit ka nito sa Aking Sagradong Puso.
Maraming kaluluwa ang tinatawag para ipahayag ang Aking Mga Mensahe sa mundo. Ang kalidad ng pag-unawa ay nakabatay sa kusang-loob na paglilinis ng kaluluwa. Sa madaling salita, kung ang kaluluwang pinili Ko para ipahayag ang Aking Salita ay malinis, ang Mga Mensahe ay mas magkakaroon ng dating. Mas matagal na titimo ang mga ito sa kaluluwa. Ang mga ito’y magiging puno ng malasakit, pero ibubunyag din ng mga ito ang Katotohanan sa puro at di-pinalabnaw na anyo.
Wala Akong panahon para sa mga kaartehan na inaasahan ng tao, na sinanay na marinig ang Aking Salita sa partikular na paraan – yun bang sobrang de-kahon na bersyon. Maging ang Aking Pasyon, ang Krus, at ang mga karahasang pinaggagawa ng tao sa Aking Pagpapako sa Krus, ay hindi ibinunyag sa mundo kung paano dapat sana ibinunyag ang mga ito. Napaka-konti nyo, mga anak Ko, ang nakakaalam sa karumal-dumal na pagtrato sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, sa mga kamay ng tao. Ang trato sa Akin ngayon, na Ako’y nilalait, pinagtatawanan, sinusumpa, binabale-wala at inaabuso, ay nakikita pa rin. Ang Aking kamatayan ang nag-ayos ng daan para maligtas ang inyong mga kaluluwa sa walang-hanggang hatol na kamatayan. Ganito pa rin ang kaso ngayon. Huwag nyong itapon ang Regalong kaligtasan, dahil pag hindi nyo tinanggap ang Katotohanan, ay hindi kayo maliligtas.
Pakinggan nyo ito. Ako ang Katotohanan. Ako ang Susi sa inyong kaligtasan. Pag kayo’y malapit nang mamatay, binale-wala nyo man Ako, ang Aking Mga Aral, itinanggi ang Aking Tunay na Pag-iral, lapitan pa rin nyo Ako at humingi kayo ng Pagtubos. Hindi kailanman magiging huli na ang lahat para lapitan Ako at hilinging hawakan Ko kayo sa kamay at akayin Ko kayo papunta sa Makalangit na Kaharian ng Aking Ama. Pero magagawa nyo lamang ito kung kayo’y nabubuhay pa sa Lupang ito. Ito ang kaisa-isa nyong pagkakataon na kayo’y aalukin ng buhay na walang-hanggan. Magiging huli na ang lahat pagkatapos.
Ang inyong minamahal na Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Espirito Santo ay ibinuhos na ngayon sa buong mundo
Martes, May 10, 2011 4:00 pm
Anak Ko, sabihin mo sa mundo na isang mahalagang Akto ng Aking Awa ang nangyari ngayong araw, at ito’y ang Espirito Santo, na isa sa pinakadakilang Mga Regalo sa Aking mga anak, ay ibinuhos na sa buong mundo. Ang Regalong ito ay kailangang-kailangan para tulungan ang sangkatauhang maghanda para sa Babala. Puspos ng Kapangyarihan ng Espirito Santo, ang Aking mga sagradong lingkod at mga alagad ay mapapalakas nang husto sa kanilang pagmamahal sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Ang Regalong buhay na ito ay magbibigay ng panibagong sigla sa inyong lupaypay at maligamgam na mga kaluluwa, na sumisigaw na sila’y bigyan ng kaliwanagan. Nai-propesiya na ito, at lahat, pati na ang mga makasalanang pinakamatigas ang puso, ay makikinabang.
Ang Aking Awa, gaya ng nasabi Ko na, ay walang kinikilalang hangganan. Puno na nga kayo ng espirito ng liwanag at kabanalan, kaya kayo, lahat Kong alagad sa lahat ng lugar, ay kailangan nang maging matapang ngayon, at ipahayag ang Aking Salita sa lahat nyong makakasalamuha. Huwag nyong papansinin ang paglait na maaari nyong matanggap, dahil sobrang napakahalaga na ngayon para hindi pansinin ang Aking mga hinaing para sa pagbabalik-loob.
Pakinggan nyo ngayon ang Aking panalangin para bigyan kayo ng lakas ng loob na inyong kinakailangan.
“Punuin mo ako ngayon, O Panginoon, ng Regalong Espirito Santo para maihatid ko ang Iyong Kabanal-banalang Salita sa mga makasalanan na kailangan kong tulungang maligtas sa Ngalan Mo. Tulungan Mo akong takpan sila, sa pamamagitan ng aking mga panalangin, ng iyong Mahal na Dugo, upang sila’y mailapit sa iyong Sagradong Puso. Ibigay Mo sa akin ang Regalong Espirito Santo upang ang kawawang mga kaluluwang ito ay makapagdiwang sa iyong Bagong Paraiso.”
Dasalin nyo ang panalanging ito araw-araw, matapos nyong dasalin ang Aking Divine Mercy, at kayo, sa pamamagitan ng inyong katapatan sa Akin, ay tutulong na mailigtas ang Aking mga anak.
Sagipin nyo Ako sa pahirap na dumudurog sa Aking Puso, habang napakalungkot Kong pinagmamasdan kung paano tanggapin ang Aking Banal na Ngalan sa mundo ngayon. Hindi pa sila makuntento na itanggi na lamang Ako, maraming maraming kaluluwa ang nagagalit pa pag kayo, mga alagad Ko, ay pinangahasan nyong banggitin kung ano ang Aking pinaninindigan. Galit na galit sila dahil binabaluktot ni Manloloko ang kanilang mga isip sa tusong paraan, para talikuran nila ang Katotohanan. Tulungan nyo ang mga kaluluwang ito, lahat kayo. Ipanalangin nyo at hilingin sa Akin ngayon, na bigyan kayo ng lakas na kakailanganin nyo sa gawaing ito.
Mga espesyal na grasya para sa mga magpapalaganap ng pagbabalik-loob
Para sa inyong lahat na nagpapalaganap ng pagbabalik-loob, mga natatanging grasya ang ibibigay sa inyo at isang napaka-espesyal na lugar ang ilalaan para sa inyo sa Kaharian ng Aking Ama. Hayo na at hayaan ang Espirito Santo na mag-umapaw sa inyong mga kaluluwa para tulungan Akong sagipin ang sangkatauhan.
Mahal Ko kayong lahat. Bawat isa sa inyo ay merong lugar sa Aking Sagradong Puso. Wala ni isa sa inyo, pati na ang mga makasalanan, ang di-isasali sa Aking laban para magligtas ng mga kaluluwa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo, Hari ng Awa
(Pansinin: Panghuling komento ng Ating Panginoong Jesucristo sa bisyonaryo, na ibinigay sa wakas ng Mensaheng ito.
“Anak Ko, mahalaga ang pangyayaring ito. Magliligtas ito ng maraming kaluluwa bago mangyari ang Babala at magpapatuloy itong manatili sa mundo pagkatapos para tulungan ang mga makasalanan na iwasan ang pag-urong. Nai-propesiya na ito, anak Ko, at magandang balita ito. Pero kailangang magtrabaho nang husto ang Aking mga alagad para tulungan Akong mamuno sa laban para sa mga kaluluwa.”)
Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa proteksyon ng Mga Santo
Miyerkules, May 11, 2011 10:30 pm
Anak ko, mas napapalapit ka na ngayon sa mahal na Puso ng aking Anak. Naging mahirap ang iyong paglalakbay, pero nangyari ito sa loob ng napakaikling panahon. Utos ito ng Diyos Ama, kaya ako sinugo para sabihin sa iyo na ikaw ay tinawag para sa Gawaing ito. Kaagad kang tumugon. Hindi ka nag-atubili pa. Dahil ito sa kapangyarihan ng iyong pagmamahal sa akin, ang iyong Pinagpalang Ina. Ginabayan kita at hinimok tungo sa napaka-espesyal na tawag na ito. Patuloy ka namang lumapit sa akin, ang iyong mahal na Ina, araw-araw para sa pang-araw-araw na paggabay. Lahat ng santo ay naglalakad pa ring kasama mo, bagamat hindi mo ito alam. Kailangang tumawag ka kay Saint Benedict, Saint Joseph, Saint John the Evangelist, Saint Augustine at Saint Michael, the Archangel, para bigyan ka ng tulong na iyong kailangan. Sobrang mas malakas ka na ngayon, anak ko, kaya nagtataka ka. Ito’y dahil sa pagsunod mo sa aking mahal na Anak, kaya tumatanggap ka ngayon ng mga grasyang kinakailangan para sa espesyal na Dibinong Misyong ito, na siyang dahilan kung bakit ka pinili.
Mahalagang dasalin ang Kabanal-banalang Rosaryo araw-araw dahil poprotektahan ka nito laban kay masama. Itinalaga na si Saint Benedict para protektahan ka sa lahat ng oras laban sa mga pag-atake ni Manloloko. Ito ang dahilan kung bakit ang pinakamasasama ay nailayo sa iyo. Manalangin ka sa kanya araw-araw, anak ko, para sa palagiang proteksyong ito.
Tanggapin mo ang pagdurusang hinihiling sa iyo ng aking mahal na Anak na si Jesucristo, dahil magliligtas ito ng di-mabilang na kaluluwa. Ang iyong espesyal na regalo sa Kanya na iyong malayang loob, ay hahadlangan ang milyun-milyong kaluluwa na pumasok sa mga apoy ng Impiyerno. Lagi mong tatandaan kung ano ang nagagawa ng iyong pagdurusa, at ang tuwang ihahatid nito sa Sagradong Puso ng aking Anak.
Tinatamasa mo na ngayon ang espesyal na Kaloob na pagkakaisa sa aking Anak. Habang mas nilulubos mo ang iyong pagsuko, nagpapakita ka ng kababaang-loob at gumagawa ka ng higit pang sakripisyo, mas matutulungan mo Siya sa gawain Niyang ito, na napakahalaga para sa Kanya.
Magpasalamat ka, anak ko, at hiniling sa iyo na gawin ang sagradong Gawaing ito, dahil kung wala ito, milyun-milyong kaluluwa ang hindi maliligtas. Halika’t lumapit ka pa sa aking Puso at hayaan mo akong lalo ka pang ilapit sa aking Anak. Poprotektahan kita at gagabayan sa lahat ng oras.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Kapayapaan
Lindol sa Europe ay nangyari ngayong araw gaya ng hinulaan
Miyerkules, May 11, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw, ang lindol na sinabi Ko sa iyo ilang buwan na ang nakakalipas, ay nangayari na sa Europe, sa Spain ngayong araw. Ang iba pang mga pangyayaring pang-ekolohiya, na binubuo ng isang bulkan, mga pagbaha at matinding init ng panahon, ay susunod pa. Bantayan mo ang mga pangyayaring ito, dahil pag nangyari nga ang mga ito, pinatutunayan nito na ang Mga Mensaheng ito ay nagmumula sa Akin, si Jesucristo.
Ito, anak Ko, ang Kamay ng Aking Ama, Na malapit nang magpawala ng kaparusahan sa mundo para tulungang mapuksa ang kasalanan. Manalangin ka at patuloy pang manalangin para sa mas marami pang mga pagbabalik-loob para mabawasan ang malalaking kapahamakang ito.
Ang Aking mahal na Ina ay ipinaliwanag sa iyo ang ilang mahahalagang bagay ngayong gabi. Ang pangangailangan ng araw-araw na panalangin at Pagsamba ay mahalaga – nang pinakamaraming beses na magagawa mo – dahil ito’y magdudulot ng malalaking resulta para sa iyo, anak Ko, sa iyong Gawain. Magpahinga ka na. Pagod ka na. Kakausapin Kita bukas. Hayo na sa kapayapaan.
Ang iyong Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Bakit ang Diyos Amang Walang-hanggan ay nagsusugo ng mga bagong propeta sa mundo
Biyernes, May 13, 2011 10:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, para sa mga nagdududa, lalo na ang Aking mga sagradong lingkod, na maaaring itanggi ang Aking Salita sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ito ang gusto Kong sabihin sa kanila.
Palakihin nyo ang inyong pananampalataya sa Akin sa pamamagitan ng pagtanggap na ang Aking Salita ay ibinigay sa mundo hindi lamang noong Aking panahon sa Lupa, kundi sa pamamagitan din ng Kapangyarihan ng Espirito Santo pagkatapos nyun.
Mula pa sa simula, ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ay nakikipag-usap na sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga propeta; sa ganitong paraan ang Mga Aral ng Katotohanan ay itinuro sa tao para siguraduhing ang kanilang pananampalataya ay mananatiling malakas. May iba pang mga pagbubunyag at mga leksyon sa Katotohanan na ibinigay din sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga apostol, ng iba pang tapat na mga disipulo at sa pamamagitan ng propetang si John the Evangelist. Pagkatapos nyun, tama lamang na ibigay ang Aking Mga Aral at lahat ng kailangan ng tao para maihatid siya sa kaligtasan. Ngayong ang mundo ay nahaharap sa pinakamalaking pagbabago sa kanyang kasaysayan, ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ay nagsugo na ng mga bagong propeta sa mundo. Ang mga propetang ito, huwag kayong magkakamali, ay hindi naghahatid sa inyo ng mga bagong Aral, dahil hindi yun kailangan. Sa halip, sinusugo sila para sa tatlong dahilan.
Ang una ay para ipagunita sa sangkatauhan ang Katotohanang nakapaloob sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag. Ang ikalawa ay para alertuhin ang tao sa mga panahong pinagdaraanan niya, para mapagningas niyang muli ang kanyang pananampalataya. Ang ikatlo ay para tumulong sa pagpapalaganap ng pagbabalik-loob at nang sa ganun ay ang Aking mga alagad ay makabuo ng pinakamalaking hukbo sa lahat, para magligtas ng mga kaluluwa.
Nakikipag-usap Ako sa pamamagitan ng propetang ito at mga iba pa, para ang Aking Salita ay marinig sa lahat ng sulok ng mundo.
Alalahanin nyo ang Aking Buong-buong Pag-ibig at Malasakit
Pakinggan nyong mabuti ang lahat ng Mensaheng ito, na hindi lamang nagpapahayag ng Aking Salita gaya ng nalalaman nyo, kundi nagpapakita sa inyo ng Aking Buong-buong Pag-ibig at Malasakit para sa bawat isa sa inyo. Alalahanin nyo rin ang Aking dakilang Awa. Lahat ng makasalanan ay patatawarin sa sandaling humingi sila ng pagtubos.
Kahalagahan ng Santo Rosaryo at Divine Mercy
Mangyayari nga ang mga kapahamakang pang-ekolohiya, pero sana’y alalahanin nyo na ang panalangin, kasama na rito ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at Divine Mercy, ay tutulong para mapigilan ang malaking bahagi nito.
Tandaan nyo, mahal Kong mga anak, na kayong mga sumasampalataya sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan at sumusunod sa Aking mga utos, ay walang dapat ikatakot. At hayaan nyo ring ipaalala Ko sa inyo na dahil sa dalawang dakilang Mga Akto ng Awa na ibinibigay sa inyo – ang Regalong Espirito Santo, na sumabog sa buong mundo ilang araw pa lang ang nakakalipas, at ang Dakilang Babala, milyun-milyon ang magbabalik-loob sa Katotohanan. Magiging napakalaking milagro nito, at magdudulot ito ng sobrang kaligayahan sa napakaraming tao.
Ang Pang-uusig ng Pulang Dragon at ng mga hindi sa Diyos
Babangon nga si Satanas sa pamamagitan ng kanyang kawawa at naliligaw na mga alagad na inaagaw niya sa Akin – na Ako na nga lamang ang kanilang kaisa-isang pag-asa ng kaligtasang walang-hanggan – pero magiging maikli lamang ang panahong ito. Magkaganun man, kailangan Ko kayong balaan na ito’y magiging isang nakakatakot na panahon ng pang-uusig sa pamumuno ng Pulang Dragon at yung mga grupong pulitikal, na hindi sa Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin at Mga Sakramento, magkakaroon kayo ng lakas para matagalan ang mga pagsubok na ito. Lahat ng pangyayaring ito ay nai-propesiya na at kailangang mangyari ang mga ito, para tuluyan nang mabura ang kasamaan sa mundo. Kaya kinakailangang ang paglilinis na ito at ang sunud-sunod na pagpaparusa ay mangyari; dahil sa puntong yun lamang magiging handa ang mundo para sa Bagong Paraiso sa Lupa.
Huwag na huwag nyong babale-walain ang Aking panawagan. Sa panahong makita nyo, na ang mga propesiyang ibinunyag sa inyo ng Aking mga piniling sugo ay nagsisimula nang magkatotoo, sa panahong yun lamang nyo masisigurado na Ako nga ang nakikipag-usap sa inyo.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Talikuran nyo ang gawa ng Espiritwalismong New Age
Linggo, May 15, 2011 5:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, nananawagan Ako sa lahat Kong alagad, na kondenahin nyo ang gawain ng New Age Movement, na umakit na sa buong mundo.
Ang Kristiyanismo ay laging pangunahing target ni Satanas. Napakatuso nga niya, kaya lagi niyang pagtatangkaang akitin yung mga hungkag at naliligaw ang mga kaluluwa. Lagi niyang tatangkaing ialok ang kanyang mga kasinungalingan na pinagmumukha niyang pag-ibig. At pagkatapos ay susubukan niyang kontrolin ang isip ng Aking mga anak sa pamamagitan ng mga sinauna at paganong pamamaraan na ang pakay ay palayain ang kanilang isip mula sa tinatawag na tensyon ng modernong buhay. Mag-ingat yung ilan sa inyo na sumasailalim sa mga gawaing diumano’y dinadala sa pagkalimot ang kundisyon ng inyong isip, sa ngalan ng meditation. Pag hinayaan nyong ma-kontrol ang inyong isip sa ganitong paraan, makakapasok si Satanas at ang kanyang mga demonyo sa napaka-tahimik na paraan, kaya hindi nyo na ito mamamalayan. Ganun ka-swabe nga ang pagpasok.
Iwasan ang mga sinaunang espiritwal na mga seremonya pati na ang paggamit ng mga tarot card.
Maraming, maraming kaluluwa sa mundo ang nagugutom sa paggabay na espiritwal. Sa paghahangad nilang magkaroon ng kahulugan ang kanilang buhay, wala silang kaalam-alam na nagpapaakit na pala sila sa mga seremonya o gawaing pagano. Ang anumang pekeng pananalig, na pinapapaniwala kayong ang kapayapaan ng inyong puso’t kaluluwa ay makakamtan sa pamamagitan ng mga sinaunang seremonyang espiritwal, ay kailangang laging iwasan. Matututo kayong kilalanin ang mga ito kung ano talaga sila.
Ang paggamit ng mga crystal, meditation, reiki, yoga, tarot card, paniniwala sa mga spirit guide, metaphysics at yung tinatawag na mga faith healer ay para akitin kayong maniwala sa isang alternatibo at mas mataas na pag-iral na hindi sakop ng nilikha ng Diyos Amang Walang-hanggan.
Babala tungkol sa mga ascended master
Marami sa inyo ngayon, na walang-patid sa paghahanap ng kaginhawahang espiritwal sa pagsubaybay sa inyong mga anghel, ay kailangang maging alerto rin sa katunayan na pag ang salitang ascended master ay binanggit, makakasigurado na kayo na ang mga anghel na ito ay hindi nagmumula sa langit. Ang mga ascended master, mga anak Ko, ay mga anghel na nagkasala at sila’y nanggagaling sa kadiliman. Pero sasabihan kayo, at kukumbinsihin na sila’y mula sa liwanag. Lahat ng ito’y paganong espiritwalismo. Pag pinapaghari nyo ito sa inyong buhay, darating ang panahon na hihilahin kayo nito pababa tungo sa mga kailaliman ng kadiliman kung kailan hindi nyo inaasahan. Si Satanas ay magiging napaka-ingat kung paano niya iaalok ang madidilim na kasinungalingang ito, dahil lagi kayong sasabihan, at paniniwalaan nyo naman, na lahat ng ito ay mabuti.
Karamihan sa mga gawaing ito ay ihaharap bilang mabuti para sa inyong pagpapahalaga sa sarili, kompiyansa, kontrol sa inyong buhay, at lahat ng ito ay kasinungalingan. Ang mga gawaing ito ay hindi lamang kayo inilalayo sa Katotohanan, kundi nagdudulot pa ito ng di-mabigkas na paghihirap pag ang masasamang espirito ay pumasok na sa inyong kaluluwa bilang direktang resulta ng mga gawaing ito.
Ang Biblia ay may babala tungkol sa magic
Ang Katotohanan ay hindi kailanman maaaring pakialaman. Ang Mga Aral na ibinigay sa tao sa Banal na Biblia ay may babala sa sangkatauhan tungkol sa mga panganib ng magic, panghuhula at pagsamba sa mga pekeng diyos. Sa mundo ngayon, ang mga gawaing ito ay inihaharap bilang di-nakakapinsala, pero kinakailangan para sa inyong kapakanang espiritwal. Dahil sa kalikasan ng maaamong kaluluwa, likas silang naaakit sa mga gawaing new age dahil sa pekeng mukha ng pag-ibig na ipinapalabas nito. Ang layo nito sa Katotohanan.
Babala tungkol sa panatikong debosyon sa mga anghel
Tandaan nyo, si Satanas at ang kanyang mga anghel na nagkasala, ang umakit sa inyo sa maingat at tusong paraan, sa mga kasinungalingang hindi nyo pagsususpetsahan. Para sa ilan sa inyo na nagtataguyod ng halos panatikong debosyon sa mga anghel, ito ang masasabi Ko. Bakit hindi nyo muna ipahayag ang Salita ng Diyos na Aking Amang Walang-hanggan? Di ba’t ang pagkalokong ito sa mga anghel ay isa rin lang anyo ng pagsamba sa pekeng diyos? Oo, sige lang, manalangin kayo para sa tulong ng mga banal na anghel, pero itanong nyo ito. Ang inyo bang debosyon sa mga anghel ay nakakasira sa inyong pagmamahal kay Jesucristo, ang Anak ng Diyos o sa Diyos Amang Walang-hanggan? Kung ganun, sinasaktan nyo Ako, ang inyong Diyos na Tagapagligtas na si Jesucristo.
Gumising na kayo sa mga kasinungalingan ng tinatawag na espiritwalismo. Ang mga anghel na maaakit nyo sa pagsali nyo sa ganung mga gawain ay hindi magmumula sa Langit o sa Liwanag. Magmumukhang galing sila sa Liwanag pero yun ay panloloko ni Satanas at ng kanyang mga demonyo para itago sa tusong paraan ang kanilang mga kilos.
Tandaan nyo ang isang pangwakas na leksyon. Bihisan nyo ang inyong mga paganong gawain hanggang sa gusto nyo para magmukhang ang sinasamba nyo ay ang Dibinong Liwanag ng Langit, pero ito’y magiging isang kasinungalingan. Ang kasinungalingan, at yung mga kinukumbinsi nyo na sumama sa kalokohang paglalakbay na ito tungo sa isang tinatawag na espiritwal na lugar na hindi sakop ng sa Aking Ama, ay dadalhin kayo nang napakalapit kay Satanas, na pag lumampas pa sa isang punto, ay wala nang balikan.
Ang tanging Makalangit na Kaharian ng Pag-ibig na umiiral sa labas ng Lupang ito ay ang Langit. Ang anupamang sinabi sa inyo ay hindi totoo. Pero si Satanas, gusto niya kayong papaniwalain na meron. Ang totoo ay hinihila niya yung lahat ng walang kamalay-malay at mapamahiing mga kaluluwa tungo sa kadiliman ng Impiyerno kasama niya at ng lahat ng nagkasalang anghel, lahat ng ito sa ngalan ng pekeng pag-ibig.
Tandaan nyo naman sana na ang Pag-ibig, ang Tunay na Pag-ibig, ay maaari lamang magmula sa Diyos Amang Walang-hanggan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Kahalagahan ng Pag-aayuno at Pagtanggi-sa-sarili
Lunes, May 16, 2011 11:30 am
Mahal Kong anak, sa wakas ay nalalaman mo na rin na kung wala Ako, wala ka. Sa pamamagitan nga ng Aking mga grasya tumatanggap ka ng buhay sa Kaharian ng Aking Ama. Kung wala ang Aking Presensya sa iyong buhay, hindi ito magbubunga at wala rin itong saysay. Naku, kung mauunawaan lang sana ng lahat Kong anak ang buhay na maibibigay ko sa kanila, lalo na sa pamamagitan ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya! Dahil pag tinatanggap nyo lamang Ako sa inyong marurupok na kaluluwa sa pamamagitan ng Dibinong Tinapay at Alak ay saka nyo lamang talagang madarama ang Aking Pag-ibig. Palalakasin kayo ng Pag-ibig na ito, hindi lamang sa inyong kaluluwa, kundi pati sa inyong isip. Itataas kayo ng Aking Presensya para maging Aking tunay na mga alagad. Ang Aking alagad na hindi Ako tinatanggap nang regular sa pamamagitan ng Kabanal-banalang Sakramentong ito, ay magiging parang sisidlan na kalahati lang ang laman. Kailangan nyo ang Aking Katawan at Dugo, na ibinubo para sa inyong lahat, para punuin kayo ng Aking Tunay na Presensya. Dahil kung wala ito, hindi kayo magkakaroon ng tunay na lakas para ipahayag nang lubusan ang Aking Kaluwalhatian.
Mga anak, kailangan nyong maunawaan na ang paniniwala sa Aking Pag-iral ay bahagi lang ng inyong espiritwal na paglalakbay. Napakarami pang kailangan nyong maunawaan. Pag tinanggihan nyo ang mga kasiyahan ng laman, saka lamang kayo talagang magkakaroon ng kaganapan. Si Satanas nga ay kino-kontrol ang tao sa pamamagitan ng mga tukso ng laman, kaya kayo naman, ay dapat nyong pagsarhan siya ng pintuan sa mga kasiyahang maaari nyong hanapin. Ang pag-aayuno ay isa sa mga pinaka-makapangyarihang paraan para palayasin sa inyong kaluluwa si Satanas at ang kanyang mga demonyo. Napaka-konti lang ang mga tao sa mundo na makakagawa ng ganitong sakripisyo, gayung ito’y napaka-simple at hindi naman makakasira sa inyong kalusugan. Isang araw na pag-aayuno sa isang linggo ay magdadala sa inyo ng mga espesyal na grasya. Kung kayo’y gagawa ng maliliit na sakripisyo para parangalan Ako, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, hindi lamang kayo magliligtas ng mga kaluluwa, kundi magiging mas malapit din kayo sa Akin. Ang iba pang mga sakripisyo, kung saan tinatalikuran nyo ang mga makamundong bagay, ay ilalapit din kayo sa Aking Sagradong Puso.
Ang buhay, mga anak Ko, ay hindi lamang puro paghahangad sa mga materyal na bagay, kung ang mga ito’y sobra-sobra na sa inyong mga tunay na pangangailangan. Kung masisiyahan kayo sa mga simpleng pangangailangan na lamang, at ilalaan ang inyong panahon sa Akin, makakaranas kayo ng tunay na kasiyahan. Hindi lang yun, kundi sa kauna-unahang pagkakataon sa inyong buhay, ay mauunawaan nyo ang kahulugan ng tunay na kalayaan. Pakatandaan nyo, si Satanas ay kinokontrol niya ang tao sa pamamagitan ng mga pagnanasa ng laman, gaya ng pagkain, damit, sex, mga bahay, mga kotse, mga bakasyon, maluhong pamumuhay, musika, alak at pag-idolo sa mga sikat na tao. Kung tatanggapin nyo, na ang mga ito ay mga ilusyon lamang, mauunawaan nyo na ang inyong panahon sa Lupa ay hindi dapat aksayahin sa ganung mga walang-silbing layunin.
Ang inyong panahon sa Lupa, mga anak, ay bahagi lang ng inyong paglalakbay tungo sa kawalang-hanggan. Ang buhay na ibang klase ay magpapatuloy para sa inyo pagkatapos ng kamatayan. Maniwala man o hindi ang tao, sa Diyos Amang Walang-hanggan, iiral pa rin ang kanilang kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Ngayon pa lang ay hanapin nyo na ang Liwanag, upang ang inyong kaluluwa ay magtamasa ng tunay na kaligayahan magpasa-walang-hanggan, at isang marangal na lugar sa Paraiso. Para nyo maabot ang ganitong lebel ng kabanalang espiritwal, gumawa naman kayo ng mga sakripisyo ng laman habang kayo’y nabubuhay pa sa Lupa. Ialay nyo rin, lahat ng inyong pagdurusa sa buhay para sa mga nawawalang kaluluwa, at aani kayo ng mga gantimpalang naghihintay sa inyo sa susunod na buhay.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Parangalan nyo ang Aking Ama
Miyerkules, May 18, 2011 5:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, pinanabikan Ko ang panahong ipinangako mo sa Akin kahapon. Alam Kong napakarami mong gawain sa iyong buhay, pero tandaan mo na Ako ang Buhay na Siyang dapat mong hanapin higit sa anupamang pang-araw-araw mong gawain.
Panahon na para pagnilayan ng tao ang kanyang buhay sa makatotohanang paraan
Ang panahon para ang sangkatauhan ay magnilay sa kanyang buhay sa talagang makatototohanang paraan, ay dumating na. Lahat ng Aking anak sa lahat ng dako, sa bawat sulok ng mundo, ay kailangan nang itanong ito sa kanilang sarili. Naniniwala ba sila, o hindi, na ang Diyos Ama ay umiiral? Habang palapit na nang palapit ang nai-propesiya nang pangwakas na panahon, may ilang pagpipilian kayong dapat gawin. Tinatangap nyo ba, mga anak Ko, na ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ang lumikha sa inyo? Kung ganun, sagutin nyo ang sunod na tanong. Gaano kahabang panahon ang ginugugol nyo sa pasasalamat sa Kanya para sa Mga Regalong buhay, ang inyong pamilya at mga kaibigan? Ang bahay na inyong tinitirhan? Ang inyong pagkain? Kung wala kayong ginugugol na panahon, hindi kayo alagad ng Katotohanan.
Pakitaan nyo ng respeto ang Aking Ama
Para sa inyo na sumasampalataya sa Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay, alam nyo ba na ang panalangin ay kinakailangan para kayo’y makinabang sa susunod na maluwalhating buhay na plinano Niya para sa inyo? Kausapin nyo Siya araw-araw. Magpakita kayo ng respeto na nararapat sa Kanya, dahil pag hindi nyo siya pinansin, nagkakasala kayo sa Akin. Yung lahat Kong tapat na alagad, Ako, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, si Jesucrito, Ako’y nananawagan sa inyo ngayon para unawain nyo kung gaano ka-importante ang pagpaparangal sa Aking Ama. Hindi ibinibigay sa Kanya ang atensyong nararapat sa Kanya. Maraming tao ay inilalarawan ang Diyos Ama, na istrikto, nakakatakot at galit. Ganun na lang ang inyong takot kaya iniitsa-pwera nyo Siya. Kung alam nyo lang kung gaano Niya pinananabikan ang inyong pagmamahal, ngayon din ay mapapaluhod kayo at magmamakaawa sa Kanya na kayo’y Kanyang patawarin. Manalangin naman kayo sa Diyos Ama. Kailangan Niya ang inyong pagmamahal. Kailangan Niya ang inyong debosyon. Ang panalangin sa Aking Ama ay nagdudulot ng napakalaking Awa. Pag hiniling nyo sa Aking Ama na kayo’y Kanyang protektahan at sagipin, sa Ngalan Ko, bihirang-bihira na tatanggihan Niya ang inyong kahilingang naaayon sa Kanyang Kabanal-banalang Loob. Ang Diyos, na Aking Amang Walang-hanggan, ay napaka-Mapagmahal, Mapagmalasakit, at ang katapatan sa Kanya ay magdudulot sa mundo ng mga dakilang grasya at kaligtasan.
Manalangin sa Aking Ama para maiwasan ang mga pandaigdig na kapahamakan
Manalangin kayo sa Aking Ama para maiwasan ang mga pandaigdig na kapahamakan alang-alang sa Kanyang minamahal na Anak, at pakikinggan Niya ang inyong mga panalangin. Napaka-konti na ng mga Kristiyano ang tumatawag sa Kanya mismo para sila’y tulungan. Siya, Na nilikha ang tao sa Kanyang Imahe sa napakamapagmahal na paraan, ay kinalimutan na. Magpakita kayo ng parangal na kinakailangan na ngayon, para tulungang maiwasan ang malalaking kapahamakang pangkalikasan na mangyayari sa Lupa sa loob ng Malaking Pagsubok.
Hawak ng Aking Ama sa Kanyang Mga Kamay ang mundo. Pero ang Kanyang mga anak, ay hindi na Siya pinararangalan ni sinasamba. Wala na silang pakialam kung patuloy mang ninanakaw ni Satanas ang mga kaluluwa at iisa lamang Kapangyarihan ang makakatagal magpasawalang-hanggan, at yun ay ang Kapangyarihan ng Diyos. Sa Kanyang Awa, pakikinggan Niya ang inyong mga sigaw ng paghingi ng tulong. Tumawag naman kayo sa Kanya ngayon, lalo na sa mga panahong ito ng malaking pagbabago.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Ang Anak ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat
Jesucristo
Responsabilidad ng Mga Magulang sa mundo ngayon
Huwebes, May 19, 2011 6:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mundo ngayon ay bumigay na sa malalim at lubos na kawalang-pag-asa dahil hindi ito naniniwala sa Pag-iral ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Maging ang maliliit na bata ngayon ay masayang itinatanggi ang Kanyang Pag-iral. Yung mga hungkag at matitigas na mga kaluluwa ay iniinsulto nila hindi lamang ang Aking Amang Walang-hanggan, kundi binibigyan pa nila Ako ng malaking pasakit.
Ang lalim na ng inyong kinahulugan, mga anak, na tuluyan na kayong nawalan ng damdaming espiritwal, na nasa inyo noong kayo’y ipinanganak. Gaano kalayo kaya kayo dadalhin, sa palagay nyo, ng inyong pagmamahal sa mundo at ang materyalismo nito? Yung ilan sa inyo na naloloko sa kayamanan at mga kaginhawahan ng lahat ng makamundong panghalina, dapat nyong malaman na ang mga ito’y aalisin sa inyo bilang bahagi ng Paglilinis na darating.
Responsabilidad ng mga magulang
Bakit nyo itinuturo sa inyong mga anak na importante ang materyalismong gawa ng tao, kaya naman napipinsala ang kanilang maliliit at kawawang mga kaluluwa? Ang inyong pangunahing pakay ay ituro sa inyong mga anak ang kahalagahan ng paglikha at pagpaparami ng kayamanan. Bihira nyo silang turuan ng moralidad na kailangan nila para makatulong sa mga responsabilidad pagtanda nila, gaya ng pagpapakita ng respeto sa iba, pagkaalam sa kahalagahan ng katapatan, at pagkakaroon ng pang-unawa para sa kanilang kapwa.
Malungkot sabihin, pero ang Aking mga anak ay tuluyan nang naligaw sa espiritwal na daan na kinakailangan para marating nila ang pangwakas na destinasyon. Wala ba kayong hiya? Kelan nyo pa matututunan na ang pagkaloko nyo sa pera at lahat ng iniaalok nito, ay magwawakas sa malaking kapahamakan? Pag nahubaran na lamang kayo ng mga kaginhawahang ito na inyong pinananabikan, saka nyo na lang makikita kung paano mangulila.
Pakinggan nyo na Ako ngayon habang magagawa nyo pa. Unahin nyo ang pangangailangan ng pamilya, dahil mabuti yun. Kalingain nyo sila. Pero huwag nyo namang udyukan ang inyong mga anak na maging mga alipin ng kayamanan at paghahangad ng kasikatan, dahil itutulak nyo sila sa mga braso ni Satanas. Isinilang nga ninyo ang inyong mga anak at binigyan nyo sila ng buhay sa pisikal na paraan, pero sila’y Nilikha ng Diyos Amang Walang-hanggan, nang binigyan Niya sila ng kanilang mga kaluluwa. Oo, sige, magpakita kayo ng responsabilidad bilang magulang sa pagbibigay sa kanila ng kanilang mga pangngailangang pisikal. Pero tandaan nyo na ang kanilang mga kaluluwa ay nangangailangan ng pagkain. Ituro nyo sa kanila ang Katotohanan ng Aking Mga Aral at ang kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang mga kaluluwa. Sa ganun nyo lamang maibibigay sa inyong mga anak ang tunay na pagkain ng katawan at isip na kinakailangan nila para mabuhay, at nang tamasahin naman nila ang buhay na walang-hanggan.
Ang inyong nagmamahal na Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Pagkalito sa kahulugan ng Aking Ikalawang Pagdating
Biyernes, May 20, 2011 10:00 am
Pinakamamahal Kong anak, maraming tao ang nagtataka kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Aking Ikalawang Pagdating, kaya hayaan mo Akong magpaliwanag.
Pumarito Ako sa mundo sa unang beses para tubusin ang sangkatauhan sa kadilimang walang-hanggan, at nang sa ganun ay makinabang siya sa buhay na walang-hanggan. Ang Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, dahil sa Kanyang Awa, ay sinugo Ako upang lahat ng Kanyang anak ay magkaroon ng buhay. Dahil hanggang sa panahong yun, dahil sa mga kasalanan nina Adan at Eba, ay hindi ito pwedeng mangyari. Pumaparito Ako muli, at sa pagkakataong ito ay para gantimpalaan yung lahat ng sumusunod sa Akin.
Nagkakaroon ng malaking kalituhan sa mundo tungkol sa pangyayaring ito. Maraming tao ang naniniwala na ang Aking Ikalawang Pagdating ay nangangahulugan na ang katapusan ng mundo ay dumating na. Hindi ganun, dahil sa halip, ang ibig sabihin nito ay ang pangwakas na panahon kung saan si Satanas at ang kanyang mga alagad, na lumilikha ng di-mabigkas na paghihirap sa mundo, ay itatapon mula sa Lupa nang 1,000 taon.
Tungkol sa Bagong Paraiso sa Lupa
Ang Bagong Paraisong ipinangako Ko, ay mangyayari pag ang Langit at ang Lupa ay nagsanib para maging isa na lamang. Ang bagong buhay na ito na dinadala Ko sa lahat Kong tapat na alagad, ay puno ng pagmamahal at kaluwalhatian. Pero kayo, mga alagad Ko, ay kailangang magtiis ng maraming pagdurusa habang ang paglipat na ito ay nangyayari. Para tulungang maihanda ang mundo para sa Dakilang Pangyayaring ito, may dala Akong isang dakilang Regalo ng Aking Awa bago pa man ito mangyari. Ang Dakilang Babala, na magbibigay sa bawat isa sa inyo ng pagkakataong makita ang inyong mga kasalanan at kung paano Ako sinasaktan ng mga ito, ay bibigyan kayo ng kakayahang makita ang Katotohanan. Pag nakita nyo na lamang ang bahid ng kasalanang nasa loob nyo, saka nyo na lamang talagang mauunawaan ang dalamhating Aking nararamdaman.
Isang sulyap kung ano ang mangyayari sa Pangwakas na Paghuhukom
Hahayaan kayong lahat na maranasan ang dakilang Aktong ito ng Aking Awa para bigyan kayo ng isang tunay na sulyap kung ano ang mangyayari sa araw ng Pangwakas na Paghuhukom. Sa ganun, binibigyan kayo ng magandang pagkakataon na muling magbalik sa Akin. Alam nyo, minamahal Ko kayong lahat nang may damdaming napakalalim at walang-sawa, kaya gagawin Ko ang lahat ng maaaring gawin para iligtas kayo sa mga kuko ni Manloloko.
Pero binabalaan Ko kayo, na mas pag-iibayuhin pa ni Satanas ang kanyang mga pagkilos sa pamamagitan ng inyong mga kapwa para himukin kayong talikuran Ako, kahit pagkatapos ng Dakilang Pangyayaring ito. Kailangan nyo na ngayong buksan ang inyong isip, isantabi ang lahat ng pangangatwirang pan-tao para tanggapin ang katotohanan ng inyong pagkakaroon ng buhay sa Lupa. Lahat ng kasinungalingang binihisan ng kaisipang siyentipiko at pangngatwirang pan-tao ay gagawin para pigilan kayong tanggapin ang Katotohanan.
Ayaw ni Satanas, mga anak Ko, na kayo’y lalapit sa Akin. Ang hawak niya na sing-higpit ng sipit, ay kailangang sirain, pero magagawa lamang ito sa tulong ninyo. Huwag nyong hahayaang palabuin niya ang inyong pagdidisisyon sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan. Magiging napakahirap para sa inyo na bale-walain ang kanyang mga pangangatwiran, panunukso at panlalait, dahil ganun siya magtrabaho.
Si Satanas ay magtatrabaho sa pamamagitan ng ibang mga tao para sirain ang loob nyo
Marami sa inyo ay hindi malalaman na ganito magtrabaho si Satanas sa pamamagitan ng ibang mga tao na ang mga pananaw ay maaaring inirerespeto nyo. Pero ganito mismo siya magtrabaho. Makikipag-usap siya sa pamamagitan nung mga kawawang kaluluwa na naaakit sa dilim. Sisiguraduhin niya na ang kanilang isip ay sarado sa Katotohanan ng Aking Kaluwalhatian at sa buhay na walang-hanggan na karapatan nyong angkinin. Huwag na huwag nyong hahayaang maapektuhan ng kanyang impluwensya ang pagmamahal nyo sa Akin. At tandaan nyo, na hindi nga siya mananalo sa labang ito, kaya yung mga kawawang kaluluwa na sumusunod sa kanya ay itatapon sa Impiyerno kasama niya. Kung hinahangad nyo ang buhay na walang-hanggan, gamitin nyo ang panahong ito sa Lupa para talikuran si Satanas habang magagawa pa ninyo.
Paghaharian Ko ang Lupa nang 1,000 taon
Anak Ko, Paghaharian Ko ang Lupa nang 1,000 taon. Sinisigurado Ko sa inyo, na Ako na ang namamahala sa mga pangyayari habang sumasapit ang mga ito sa mundo. Naihanda Ko na ang daan para sa Aking Bagong Kaharian sa Lupa, at malapit na ang panahong yun, mas malapit pa kaysa akala ng marami. Magalak kayo, dahil ang balitang ito ay mainit na tatanggapin ng lahat. Wawakasan nito lahat ng paghihirap sa mundo. Papapagningasin nito ang isang bugso ng pagmamahal at kaluwalhatian para pagsaluhan ng lahat Kong anak. Ang Paraisong ito ay lampas sa inyong pang-unawa, pero pakinggan nyo ito. Ang bagong buhay na ito ay magbibigay sa inyo, lahat Kong tapat na alagad, ng isang buhay na walang pamomroblema.
Hindi kayo kukulangin sa kahit anong bagay. Lahat ay ibibigay Ko. Bawat isa sa inyo na pipiliin ang Maluwalhating Kahariang ito ay mamamangha sa Mahalagang Hiyas na naghihintay sa inyo. Ipanalangin nyo na ngayon, na ang inyong mga kapwa ay imumulat ang kanilang mga mata sa Katotohan ng Aking mga pangako, para sila rin ay makapasok sa Bagong Buhay na ito sa Lupa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Kapatawaran ang daan tungo sa kalayaan
Sabado, May 21, 2011 10:40 am
Anak Ko, kapatawaran ang daan tungo sa kalayaan. Pag pinatawad mo yung mga nagkasala o nakasakit sa iyo, nagiging malaya ka sa espirito. Sa pagkakataong yun, mapupuno ng tuwa ang iyong kaluluwa.
Nangangahulugan din yun na Ako’y nasa kalooban mo. Pag nagpapatawad ka sa iba, ito’y isang palatandaan ng pag-ibig, hindi lamang para sa iyong kapwa, kundi pag-ibig din para sa Akin na iyong Diyos na Tagapagligtas.
Dapat nyo ring malaman na yung mga hindi sumasampalataya sa Akin, pag pinatawad din nila ang iba, ay naroon Ako at lumalakad kasama nila. Pero wala silang kaalam-alam na ganun yun.
Ang pagpapatawad ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay walang katapusan. Pero nagmamakaawa Ako sa inyo, mga anak Ko, na hayaan nyo Akong patawarin kayo sa inyong mga kasalanan. Kung mahihiling nyo lang sa Akin na gawin ito, hindi lamang kayo magiging malaya, kundi gugulatin kayo ng pag-ibig at kaligayahang mararanasan nyo. Ang aktong ito ng kababaang-loob ay bibigyan kayo ng kakayahang makipag-usap sa iba nang may pagmamahal.
Magniningning ang inyong liwanag at espesyal ang magiging dating nyo sa iba, pero hindi nyo ito mamamalayan, at sila’y ganundin. Ang Aking Pag-ibig, pagkatapos mangyari ang akto ng pagtubos, ay aapaw sa inyong kaluluwa. Ang inyong malinis na kaluluwa ay magiging parang isang bato-balani na aakit ng inyong kapwa palapit sa inyo.
Ang magpatawad ng kapwa ay hindi madali, mga anak Ko. Kayabangan at pagpapahalaga-sa-sarili ang humahadlang para mangyari ang dakilang aktong ito ng awa. Kagagawan ito ni Satanas; dahil alam niya na ang kawalan ng pagpapatawad ay naghahatid sa iba pang mas malaking kasalanan sa Diyos Ama. Pag hindi nyo mapatawad ang iba, una sa lahat, ay pinalalaki nyo ang inyong sama ng loob, na pag ito’y nagnana, ay ito’y humahantong sa pagkasuklam at umaabot sa pagpatay. Sa maraming pagkakataon, maaari itong humantong sa giyera.
Kung ang mga tao sa lahat ng lugar ay mapagbigay na magpapatawad sa isa’t isa, hindi magkakaroon ng pagkasuklam. Mababawasan ang patayan. At ang pag-ibig – ang pag-ibig ng Diyos Amang Walang-hanggan, ay lalaganap.
Matuto kayong magpatawad sa isa’t isa. Isantabi nyo ang kayabangan at humingi kayo ng Aking Awa. Dahil pag may hiningi kayong isang bagay ayon sa Aking Banal na Loob, pagbibigyan ang inyong kahilingan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Hari ng Awa, Jesucristo
Mga Bagong Pagbubunyag, Mga Baha sa France ngayong Tag-init
Linggo, May 22, 2011 2:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang pagbubunyag na ibinigay sa iyo noong ika-18 ng Marso, 2011, nang hatinggabi, na magkakaroon ng pagputok ng bulkan sa Iceland sa Mayo, ay nangyari na ngayon. Maaaring magtaka ka kung bakit sobra kang nagulat nang mangyari ito gaya ng nai-propesiya. Kaya magpapaliwanag Ako. Nawala man ang karamihan sa iyong mga pagdududa tungkol sa katunayan ng Aking pakikipag-usap sa iyo, may takot pa rin sa parte mo na hindi tama ang pagkaunawa mo sa mga propesiya. Kailangan mo na ngayong tumayo nang may kompiyansa at hayaan mong pahupain Ko ang iyong mga takot. Kumilos ka na ngayon at ilathala, nang walang pag-aatubili, ang iba pang mga pangyayaring ibinunyag Ko na sa iyo. Pag ginawa mo ito, mas maraming tao ang makakaalam na Ako, si Jesucristo, ang Siya na ngayong namamahala sa atensyong kinakailangan para makatulong sa pagliligtas ng mga kaluluwa.
Pag ang mga propesiyang ito ay napatunayan, mawawala na ang pagdududa sa mga puso ng Aking mga alagad tungkol sa katunayan ng mga ito. Pero ang kaluluwang nagmamatigas, na ayaw maniwala at laging may katwirang tugon pag nakita nila ang Katotohanan, ay hindi pa rin makukumbinsi.
Mga Baha sa France, Mainit na Panahon sa Turkey
Pakinggan nyo na Ako ngayon. Magkakaroon ng mga pagbaha sa timog ng France ngayong tag-init. Mainit na panahon naman ang tatama sa Turkey. Ang iba pang mga pangyayaring pangkalikasan, na magdudulot ng kaguluhan, ay lindol sa England (pero hindi kaagad) at may ilan na tatama sa iba pang mga bansa sa Europe. Asahan ang pagtaas ng lebel ng dagat sa Mediterranean, na ikakagulat ng lahat. Mararamdaman din ang mga lindol sa Norway at South America. Anak ko, magbubunyag pa Ako sa iyo ng iba pang mga pangyayari pero iisa lang ang motibo Ko. At yun ay para mapapagbalik-loob ang Aking mga anak. Kung tatanggapin nila, at pag tinanggap na nila na Ako ang nakikipag-usap sa kanila sa pamamagitan mo, magdudulot ito sa Akin ng tuwa. Hindi Ko gustong takutin ang Aking mga anak, pero patuloy na mas titindi ang mga pangyayaring ito sa mundo bilang bahagi ng Malaking Kaparusahang nakaabang. Ang mga ito ay isang kinakailangang bahagi ng pakikipaglaban kay Manloloko.
Manalangin na kayo ngayon, mga anak Ko, at nang mabawasan at maiwasan ang mga pangyayaring ito, dahil ang panalangin ay sobra-sobra ang kapangyarihan bilang isang paraan para mapatawad.
Hayo na sa kapayapaan. Huwag kang matakot na ilathala ang mga propesiyang ito, dahil ang mga ito’y mangyayari.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Bakit ganito Ako makipag-usap sa mundo
Lunes, May 23, 2011 09:45 am
Pinakamamahal Kong anak, panahon na ngayon para pagnilayan ang Aking Sagradong Mga Mensahe at siguraduhin na pinakamaraming bilang ng mga makasalanan ang susunod sa mga ito.
Kailangang maging malinaw ito. Ang Mga Mensaheng ito ay ibinibigay sa mundo bilang isang Regalo para tulungan kayong lahat para maligtas, lahat Kong anak, kasama na yung mga sumusunod sa ibang mga daan tungo sa Diyos Amang Walang-hanggan.
Ang mga tao, lalo na ang mga Katoliko, ay malilito pag hindi Ko sila inilalagay sa unahan ng iba Ko pang mga anak na iba ang mga pananalig. Ang pagpili Ko ng Mga Salita ay ginawa Ko para marinig ng lahat at hindi lamang ng iilang pinili. Ang Aking Pag-ibig ay hindi namimili. Yung mga kumukwestyon sa paraan ng pakikipag-usap Ko sa sangkatauhan, pakinggan nyo na Ako ngayon.
Oo nga’t nauunawaan nyo, mga alagad Ko, na ang Katotohanan ay hindi kailanman nagbago mula sa panahon na Ako’y Ipinako sa Krus, pero dapat nyong malaman na kailangang ipaabot Ko ang Aking Pag-ibig sa lahat ng anak ng Diyos. Walang sinuman na mas mabuti kaysa iba.
Anak ko, huwag kang tutugon o sisikaping depensahan ang Aking Salita pag hinamon ka na ipaliwanag mo kung bakit Ako magsasalita sa ganitong paraan. Ang Salita Ko ay Dibino. Hindi ito dapat baguhin o palitan para ibagay sa mga nag-aakalang sila’y mga eksperto sa batas pan-teolohiya; dahil ang Aking Salita ay kailangang ibigay sa mundo sa wikang malinaw na maiintindihan ng sangkatauhan ngayon. Maraming magtatanong kung bakit ang Mga Salitang ito ay hindi gumagamit ng pananalita o mga pangungusap na kapareho sa ginamit ng Aking mga propeta at apostol ng sinaunang panahon, at sasagutin Ko na sila ngayon.
Tandaan nyo na ang Aking Mga Aral ay hindi kailanman nagbabago. Kahit ano pang wika ang gamitin Ko ngayon para makipag-usap sa isang makabagong paraan, ang Katotohanan ay nananatili pa ring pareho ng dati, buo.
Mag-ingat kayo sa mga bisyonaryo o propeta na nagsasabing sila’y tumatanggap ng mga mensahe mula sa Akin, at gumagamit ng sinaunang wika o mga sipi mula sa Banal na Biblia; dahil hindi ito ang paraang Aking gagamitin para kausapin ang sangkatauhan ngayon. Bakit Ko gagawin yun? Para layuan Ako ng isang bagong henerasyon, na walang alam sa wikang nilalaman ng Banal na Aklat ng Aking Ama?
Ang pagiging simple ang susi, mga anak Ko, pag ipinapahayag ang Aking Kabanal-banalang Salita. Tandaan nyo, pag tinuturuan nyo ang iba tungkol sa Katotohanan ng Aking Pag-iral, na ang pagiging simple sa inyong pamamaraan ay napakahalaga. Pag hindi nyo ito ginawa, hindi nyo maaabot yung mga naliligaw na kaluluwa, dahil magbibingi-bingihan sila.
Ang Aking Mensahe ng Pag-ibig
Ang Mensahe ng Aking Pag-ibig ay napaka-simple. Ako ang Buhay na pinananabikan ng Aking mga anak sa Lupa. Ipaliwanag nyo na Ako ang Katotohanan. Linawin nyo ito. Kung wala Ako, walang buhay na walang-hanggan. Gamitin nyo ang mga propesiya, na ibinubunyag Ko sa sugong ito, para makuha ang pansin ng mga hindi sumasampalataya. Dahil ito ang dahilan kung bakit ibinibigay ang mga ito sa mundo. Hindi para sila’y takutin, kundi para patunayan na Ako ay nakikipag-usap na ngayon sa paraang ang Aking Kabanal-banalang Salita ay hindi lamang maririnig, kundi paniniwalaan din.
Ang inyong Tagapagligtas at Guro
Jesucristo, Hari ng Awa
Bubukas ang langit habang nangyayari ang Babala
Lunes, May 23, 2011 2:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, dinaranas mo ang pahirap na tinitiis Ko para sa mga kasalanan ng tao. Ganito ang pakiramdam nito. Ngayo’y nasusulyapan mo ang napakaliit na bahagi ng Aking pagdurusa, na kinakaharap Ko bawat sandali ng inyong araw. Wala kang dapat ikatakot, anak Ko, tungkol sa Babala.
Ang Babala ay magiging isang kamangha-manghang pangyayari
Maraming tao sa mundo ang matatalot, dahil ang pangyayaring ito ay magiging kamangha-mangha, kung saan ang langit ay bubukas at ang Mga Apoy ng Awa ay maglalagablab sa buong mundo. Maraming tao ang hindi maiintindihan ang nangyayari. Sa laki ng kanilang takot, magkakaroon sila ng maling akala na ang kanilang nasasaksihan ay ang katapusan ng mundo. Sabihin nyo sa kanila na sila’y matuwa pag nakita nila ang Aking Kaluwalhatian, dahil kung nakapaghanda ka sa tamang paraan, ito ay magiging pinaka-kamangha-manghang halimbawa ng Aking Awa mula sa araw ng Pagpapako sa Akin sa Krus. Ito, mga anak Ko, ang grasyang magliligtas sa inyo, at mapipigilan sa pagpasok sa kailaliman ng Impyerno yung mga sana’y makokondena na.
Ang lahat kong anak sa lahat ng lugar ay kailangan nilang balaan ang mga naliligaw na kaluluwa kung ano ang dapat asahan. Himukin nyo silang hanapin ang pakikipagbalikan sa pamamagitan ng pagkumpisal na ngayon ng kanilang mga kasalanan. Mahalaga na mas maraming tao, hangga’t maaari, ay nasa kalagayan ng grasya bago ito mangyari, dahil baka hindi nila matagalan ang pangyayaring ito, at mamatay sila sa takot. Mas mabuti nang makita na muna ang kamangha-manghang Makalangit na pangyayaring ito, kaysa maging di-handa sa pangwakas na araw ng Paghuhukom.
Magpakatatag kayong lahat. Matuwa ka kung isa kang tapat na alagad, dahil ipapakita sa iyo ang isang sulyap ng Aking Dibinong Presensya, na hindi kailanman nakita ng iyong mga ninuno sa buong buhay nila. Ipanalangin mo ang iba Ko pang mga anak. Sabihin mo na sa kanila ang Katotohanan habang magagawa mo pa. Huwag mong pansinin ang kanilang panlalait, dahil kung kikilos sila ngayon at ipananalanging patawarin ang kanilang mga kasalanan, pasasalamatan ka nila pagkatapos mangyari ang Dakilang Milagrong ito.
Hayo na sa kapayapaan. Huwag kayong matakot. Ipanalangin nyo na lamang yung mga kaluluwang walang pananampalataya, para naman hindi sila mamatay sa kasalanang mortal.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Kung nahihirapan kang manalangin
Martes, May 24, 2011 6:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako ngayong araw dahil napakaraming nagawa para maibigay ang Aking Kabanal-banalang Salita sa mundo, sa pamamagitan ng iyong Gawain. Huwag na huwag mong iisipin na hindi sapat ang iyong ginagawa dahil sa dami ng mga taong tumatanggi sa Mga Mensaheng ito. Dahil yung mga anak Ko na hindi pa tinatanggap ngayon ang Aking Salita, ay gagawin din nila ito pagdating ng panahon. At pagkatapos ay mananabik sila na marinig ang Aking Boses.
Ako ang pagtuunan mo ng pansin ngayon. Huwag mong hayaang iligaw ka nung mga lumalait sa Mga Mensaheng ito. Huwag kang masisiraan ng loob, dahil yung mga nakikinig sa Aking Salita ngayon ay ikinakalat na nga nila ang Katotohanan sa iba, dahil sa pagmamahal nila sa Akin.
Ang pagbabalik-loob ay isang mahirap na hamon sa isang mundong bulag sa Katotohanan ng buhay na walang-hanggan. Pagtitiyaga ang kinakailangan, sapagkat sa tulong ng Espirito Santo, Na ang Kapangyarihan ay nadarama na ngayon, sa lahat ng dako, sa buong mundo, sa dakong huli ay magbabalikan din sa Akin ang Aking mga anak, pero hindi lahat. Yung mga mas ginusto ang mga artipisyal na kaginhawahang inialok sa kanila ni Manloloko, talagang mahihirapan silang talikuran ang buhay na kanilang pinili. Ipanalangin nyo ngayon lahat ng inyong pamilya at mga kaibigan para kayong lahat ay magkaisa sa inyong pagmamahal sa Akin pag nangyari ang Babala. Dahil pag tinanggap nyo ang pangyayaring ito bilang inyong daan papunta sa kalayaan, ang magiging gantimpala nyo ay ang Aking dakilang Awa.
Ang Pananalangin ay hindi madali
Ang pananalangin ay hindi madali para sa marami sa Aking mga anak, na para sa kanila ay paulit-ulit at medyo nakakatamad ang pagdarasal ng mahahabang panalangin. Kung ganito kayo magdasal at kayo’y nahihirapan, umupo na lang kayo nang tahimik at kausapin nyo Ako sa katahimikan. Pagnilayan nyo lang yung Aking Buhay sa Lupa. Gunitain nyo ang panahong ginugol Ko roon at ang mga leksyon ng pagmamahal na ibinigay Ko sa inyong lahat. Yun lang. Payapain nyo ang inyong isip at uupo Ako kasama nyo sa pagninilay. Lumalakad Ako kasama ang bawat isa sa inyo. Naroroon Ako sa bawat sandali ng isang araw, anuman ang inyong ginagawa. Hindi Ako kailanman malayo. Alalahanin nyo, na ako ang inyong saklay sa inyong buhay. Sumandal kayo sa Akin. Hingan nyo ako ng Aking tulong, nang may katapatan, at didinggin Ko ang inyong tawag. Hindi Ko kailanman pahihindian ang inyong pakiusap kung ito’y naaayon sa Aking Banal na Loob. Pero kung ang layunin ng inyong pakiusap ay bigyan kayo ng sobra-sobrang makamundong mga bagay, dapat nyong malaman na hinding hindi Ko kailanman ibibigay ang mga ito. Dahil hindi Ko naman kayo mabibigyan ng mga regalo, na alam Kong makasasama sa inyong kaluluwa. Ang Aking mga Regalo ay ibinibigay para mas mailapit Ko kayo sa Aking Puso, dahil pag nangyari yun, wala na kayong hahanapin pa.
Ang inyong nagmamahal at tapat na Tagapagligtas
Jesucristo
Nais Kong pasalamatan yung mga tumutulong sa pagpapalaganap ng Aking Banal na Salita
Miyerkules, May 25, 2011 4:00 pm
Pumarito Ako ngayon para palakasin ang loob nung lahat Kong alagad, na nang makilala ang Aking Tunay na Boses, ay tumugon sa pamamagitan ng mga dakilang gawa ng kagandahang-loob. Para sa inyo na bukal sa kaloobang gumugugol ng panahon para itaguyod at ikalat ang Aking Mga Mensahe, nais Ko kayong pasalamatan. Kayo, mga mahal Kong anak, ay nagbibigay ng malaking tuwa sa Aking Nagdadalamhating Puso sa panahong ito ng kasaysayan. Kayo, mga anak Ko, ay matapang, buo ang loob at puno ng Regalong Espirito Santo. Ang inyong katapatan at regalo sa Akin ng inyong panahon at mapagmahal na debosyon sa Katotohanan ay magbibigay ng mga dakilang grasya sa Bagong Paraisong ipinangako Ko sa Aking mga anak.
Gagabayan Ko ang inyong kamay habang ginagawa ang Sagradong Gawaing ito at madarama nyo ang Aking Pag-ibig. Huwag na huwag kayong matatakot na ipahayag ang Aking Salita, dahil bawat kaliit-liitang pagsisikap na gawin ng sinumang nagtataguyod ng Mga Mensaheng ito, ay gagantimpalaan.
Hayo na, Aking mga mahal at tapat na mga alagad. Ikalat nyo ang Aking Banal na Salita at tulungan nyo ang inyong mga kapwa na nangangailangan ng paggabay.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Babalang Mensahe sa Mga Pinuno ng Mundo
Miyerkules, May 25, 2011 10:00 pm
Anak Ko, ang mga bansa sa buong mundo ay kumukulo na ang ilalim sa pagkasuklam ng tao sa kanyang kapwa at sa darating na mga kapahamakang pangkalikasan. Dito malapit nang magpapawala si Inang Kalikasan ng mga di-inaasahang paraan, para ipakita sa tao na, anumang kayabangan ang ipagmalaki niya, ay wala pa rin siyang kontrol sa kahit ano.
Maraming leksyong dapat matutunan ang tao. Ang walang-patid na pagtatangkang mang-agaw ng kapangyarihan sa pinakamatataas na lebel ng mga nasa poder ay nakakaapekto na sa ordinaryong mamamayan na umaasa mismo sa mga pinuno ng gobyerno at industriya para pangalagaan ang kanilang mga pangangailangan. Ang pagtulong na kailangan ng tao ay makikita lamang pag yung mga pinunong yun ay namamahala nang may tunay na pagmamahal para sa kanilang mga kababayan. Malungkot sabihin, pero kasakiman at pagnanasa sa kapangyarihan ang nagpapatunay na hindi talaga ito ang pakay ng maraming pinuno ng mundo ngayon.
Ang Diyos Ama ay hindi na Niya palalampasin ang inyong makasalanang mga gawain
Babala Ko lang dun sa mga pinuno sa buong mundo, maging sinuman kayo. Patawan nyo ng mga di-makatarungang gawain at pahirap ang inyong mga mamamayan, at ang Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan ay mabilis na babagsak sa mga bansa at lugar na yun na inyong tinitirhan. Hindi na Niya palalampasin pa ang inyong makasalanang mga gawain. Magtago na kayo kung gusto nyo, pero magiging walang-silbi ito. Ang inyong mga sandatang pangwasak ay siyang mawawasak. Ang pagtrato nyo sa inyong mga kababayan ay lilikha ng sitwasyon na, gustuhin nyo man o hindi, ay kailangan nyong panagutan sa Diyos Amang Walang-hanggan. Ang inyong mga responsabilidad-moral ay kailangang panagutan, dahil huhusgahan din kayo ayon sa inyong mga ginawa pagdating ng araw.
Pamunuan nyo ang inyong bayan nang may pagmamahal, dignidad at respeto, para sa kanilang pisikal at moral na kapakanan. Subukan nyo lang pagkaitan ang inyong bayan ng kanilang karapatang malayang magkaroon ng relihiyon, o isailalim sila sa anumang uri ng diktadurya na pipilitin silang itigil o bawasan ang kanilang mga gawaing pang-relihiyon sa ngalan ng pagkakaisang pulitikal, at kondenado na kayo. Hindi lang kayo magdurusa dahil sa inyong mga pinaggagawa, kundi magiging malupit pa ang magiging hatol sa inyo. Sinuman sa inyo, na mangangako na magiging tapat sa inyong bayan, sa Ngalan ng Diyos Amang Walang-hanggan, at pagkatapos ay magtatakda ng mga di-makatarungang batas na magkakait sa kanila ng karapatang kumain, magkaroon ng tahanan at malayang pumili ng relihiyon, ay haharapin niya ang Galit at ang Kamay ng Diyos Ama.
Ang mundo ay nagdurusa ngayon sa bawat bansa dahil sa mga diktadurya, bagamat hindi sa mga lugar na inyong inaasahan. Nagdurusa rin ang mundo dulot ng mga kahirapang pinansyal, kaya kung sino pang mahihina na ay lalo pang humihina. Sinasabi Ko na ngayon dun sa mga pinunong may natitira pang pagpapahalaga sa tungkuling Kristiyano, na ipaglaban nyo ang karapatang maimpluwensiyahan ng Aking Mga Aral ang inyong mga disisyon, na magkakaroon ng direktang epekto sa Aking mga anak sa lahat ng lugar.
Yung ilan sa inyo, na nagsasabwatan sa mga pasilyo ng kapangyarihan para sikilin ang napakaraming bansa sa isang kontroladong paraan, na makakaapekto sa sunud-sunod na mga bansa, at magdudulot ng paghihirap sa lahat ng lugar, dapat nyong malaman na ang inyong mga aksyon ay parurusahan. Dahil ang Diyos Amang Walang-hanggan ay naging pasensyoso hanggang ngayon sa pag-asang makikita pa ninyo ang kawalan ng saysay ng inyong pinaggagagawa. Bagkus, sumige pa rin kayo bilang isang elitistang grupo, na itinuturing nyong kayo’y mas importante kaysa natitira pang bahagi ng sangkatauhan. Ang inyong mga aksyon, babala Ko lang, ay hahantong sa malaking kapahamakan. Ang inyong katapatan sa kayamanan, pangongontrol, ay gagawin kayong hindi lang hubad at mahina, kundi mas magiging masahol pa ang kalagayan nyo kaysa yung mga inabuso nyo sa inyong maling paggamit ng kapangharihan.
Dumating na ang panahon ng laban para alisin sa mundo ang kasamaan at ang paghahari ni Satanas. Ang Diyos Ama ay malapit nang magpawala ng maraming lindol, tsunami at baha para kayo’y magising. Ang inyong mga sikreto at masasamang plano na itumba ang mga pinuno ng mundo, yung mga nasa pwesto ng mga grupong panrelihiyon, at maglagay ng mga pang-kontrol na mga paraan, gaya ng Perang One World, ay hindi babale-walain. Habang nasasaksihan nyo ang pagdating ng mga pangyayaring ito, hindi pwedeng hindi nyo ito mapansin. Aalugin ng mga pangyayaring ito ang pagiging bulag at adik sa kapangyarihan. Magigising kayo sa kamalian ng inyong asal. At pag nangyari yun, naroroon Ako at nakatayo – naghihintay. Tatakbo kayo palapit sa Akin at hihingi, hindi lamang ng kapatawaran, kundi gagamitin nyo ang inyong pagmamahal sa Akin para magbayad-puri. Kayo, mga anak Ko, na may malalim na pagmamahal sa Akin, ang Aking pinakamalaking pag-asa na talunin ang kasamaan at di-patas na korapsyong pulitikal sa mundo ngayon. Manalangin kayo para sa mga grasyang tutulong sa inyo na makapagbalik-loob sa Akin.
Malalaking kapahamakang dulot ng klima na hindi pa nasasaksihan mula ng panahon ni Noe
Ang panalangin, gaya ng nasabi Ko na, ay tutulong sa pagbawas sa tindi ng malalaking kapahamakan sa mundo, habang patungo ito sa sunud-sunod na mga kalamidad na bunsod ng klima, na hindi pa nasasaksihan mula noong panahon pa ni Noe. Ang mundong kilala nyo ay magdurusa bunsod ng maraming pangyayaring sabay-sabay, kaya magiging normal na ang malaking kaguluhan at kalituhan.
Bakit nyo papayagan itong mangyari? Kinakausap Ko yung mga may malaking kapangyarihang pulitikal at pinansyal na nakakaalam kung ano ang nangyayari sa likod ng mga nakasarang pinto. Huling pagkakataon nyo na ito, na ibinibigay sa inyo alang-alang sa pagmamahal at pagmamalasakit sa tao sa lahat ng lugar, na magbalik-loob na kayo at ihinto na ang inyong masasamang gawain – o haharapin nyo ang mga kahihinatnan.
Ang inyong Makatarungang Hukom
Jesucrsito, Hari ng Awa
Pag-Aksyon sa Pinansyal na Kagipitan
Huwebes, May 26, 2011 1:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, gusto Kong magsimula ka na ngayong mag-ayuno, nang hindi bababa sa isang araw bawat linggo. Dahil pag ginawa mo ito, magdudulot ka ng malaking kasiyahan sa Akin. Ang sakripisyong ito ay palalakasin ang iyong kaluluwa at dadalhin ka nang mas malapit sa Aking Sagradong Puso.
Ang mga anak Ko sa mundo ay nahaharap sa maraming hamon sa mga panahong ito, mga hamon na hindi pa nila kailanman hinarap magpa-hanggang ngayon. Ang pinakamalaking hamon ngayon ay ang pag-aksyon sa pagkonti ng pera. Sobrang nakakatakot ito para sa marami, na kailangang hindi mapalayas sa kanilang tirahan at kailangang magpakain ng pamilya. Ang ikalawang kahirapan ay ang kawalan ng anumang makahulugang gabay-espiritwal sa kanilang buhay, na hanggang ngayon ay itinuturing pa ring mahalaga.
Pag nawalan kayo ng kinikita, nawawalan kayo ng mga adhikaing magkaroon ng maluluho at makamundong mga bagay. Dahil anong silbi ng magarang kotse kung hindi mo naman mapakain ang iyong pamilya? Anong silbi ng magandang damit kung hindi mo kayang maging komportable sa iyong bahay? Pag ang Aking mga anak ay nawalan na ng sobra-sobrang mga bagay na nakasanayan na nila, saka lamang nila maiintindihan ang katunayang kanilang kinasasadlakan.
Ngayon, ang inyong mga pangangailangan ang kailangan nyong unahin. Pagkatapos nyun, kailangan nyong itanong sa inyong sarili: Ano naman ngayon ang mahalaga? Pag nakakakain na at nadadamitan na, ano naman? Ang pagiging pasikat sa kapwa ay wala nang kwenta pag sinisikap nyo na lang mabuhay sa pinakamababang kalagayan. Bale-wala na ang mainggit pa sa yaman at kalagayan ng inyong kapwa. Ngayon nyo na lamang hahanapin ang mga espiritwal na kaginhawahan na napakatagal na nawala sa inyong buhay.
Sa paghahanap nyo ng kaginhawahan ng isip, lumapit kayo sa Akin at sa Aking Amang Walang Hanggan, na Diyos na Maygawa ng lahat ng bagay. Huwag kayong matutuksong maghanap ng mga remedyo mula sa mga spiritual healer maliban kung kinakatawan nila Ako. Huwag kayong maghahanap ng artipisyal na ginhawa sa mga droga para mabawasan ang hapdi at kalungkutang nadarama nyo. Ang tanging paraan para maging malaya kayo sa mga problema at dalamhati ay pag kayo’y lumapit sa Akin, si Jesucristo, na inyong Tagapagligtas.
Naghihintay Ako ngayon. Hilingin nyong kayo’y Aking tulungan at ibibigay Ko ang inyong mga pangangailangan. Lagi Ko kayong bibigyan ng gusto nyo. Pero kailangan nyo munang humingi sa Akin. Huwag nyong sosolohin ang inyong mga problema. Ibahagi nyo ang mga ito sa Akin. Isuko nyo ang lahat nyong alalahanin. Agad Akong tutugon; dahil pupunuin nyo Ako ng tuwa kung mananalig kayo sa Akin nang lubos.
Mahal Ko kayong lahat.
Ang inyong tapat na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng Awa at Malasakit
Ang kasalanan ay laging magiging kasalanan, gaano nyo man ito bigyang-katwiran
Linggo, May 29, 2011 5:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, sobra ang pagtangis Ko para sa lahat Kong anak na nagkakasala dahil hindi nila nauunawaan ang Aking Mga Aral. Marami sa kanila ay hindi namamalayan na nagkakasala sila sa Akin dahil hindi kailanman naituro sa kanila ang Katotohanan, o di kaya naman ay pinanindigan na nilang depensahan ang kanilang mga kasalanan. Marami sa mga nagkakasala ay sinisikap bigyang-katwiran ang kanilang akto dahil nakikinig sila sa iba, na ginagamit ang pagpayag bilang isang maskara para bigyang-katwiran ang kasalanan. Ang kasalanan ay laging magiging kasalanan sa Paningin ng Aking Ama, gaano man kaliit ang kasalanan. Marami sa mga gumagawa ng malaking kasalanan, kahit paano, ay laging nagagawang depensahan yung tinatawag na ‘karapatang magkasala’ sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan nila sa kasamaang kinakatawan ng kanilang kasalanan.
Mapalad ang Aking mga anak dahil pinatatawad Ko sila sa kanilang mga kasalanan
Kung alam lang ng mga anak Ko sa lahat ng lugar ang tungkol sa Aking Awa, nabatid na sana nila kung gaano sila ka-swerte para bigyan ng dakilang Regalong ito na iniaalok Ko sa kanila sa buhay na ito. Kung hindi sila regular na hihingi ng tawad, aakayin sila ng kanilang mga kasalanan para patuloy silang magkasala nang magkasala. Pag mas marami ang kanilang kasalanan, mas nalalayo sila sa Akin at mas nagiging mahirap makabalik sa Akin. Pakinggan nyo Ako. Nandyan ang Aking Awa para pakinabangan nyong lahat. Tanggapin nyo na ito sa Akin ngayon. Huwag kayong magpabitag sa mundo pag hinahayaan nyong lamunin kayo ng mga tukso ng kasalanan. Sa sandaling magkasala kayo, para kayong nasilo at hindi malaman kung saan pupunta. Ang kasalanan ay nagdudulot ng malalim na pagkabalisa sa inyong kalooban.
Ang pagpayag ay uso ngayon
Ang dami sa Aking mga anak ang nagsisisigaw na kailangan ng ‘pagpayag sa lipunan’. Ang pagpayag ay uso ngayon sa maluwag nitong kahulugan. Pwede itong gamitin para baluktutin maging ang pinakamalalaking kasalanan. Ang pagpayag ay hinubog sa tusong paraan, para depensahan ang lahat ng klase ng kasalanang alam ng tao sa mundo ngayon. Lahat ay nagsasabing sila’y may karapatang payagan. Anuman ang kasalanan, kalimitan ay itataguyod ito bilang isang karapatan ng mamamayan. Paano man itaguyod ang mga kasalanang ito bilang “tama”, lagi itong magiging mali. Panahon na para harapin ng tao ang Katotohanan, para siya’y maging muling responsable, para tanggapin na ang mga pagkakasalang sinasalihan nila ay imoral, para tratuhin ang kanilang mga kapwa, pati na yung mga sanggol sa sinapupunan, na kapantay sa lahat ng bagay.
Manalangin kayo nang taimtim para sa mga grasya na makita ang Katotohanan kung ano talaga ito. At hindi ang dinuktor na bersyon na inyong pinipiling paniwalaan dahil salpak na salpak ito sa inyong mga makasariling pakay. Iisa lamang ang Katotohanan. Sa inyong puso, bawat isa sa inyo ay alam kung alin ang tama at ang mali. Tanggapin nyo na ito ngayon, kung gusto nyong iligtas Ko kayo mula sa mga apoy ng Impiyerno.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Mga Tabak ng Katarungan ay babagsak na
Lunes, May 30, 2011 3:00 am
Pakinggan nyo Ako ngayon, mga anak Ko, sa lahat ng lugar. Ang Mga Tabak ng Katarungan ay babagsak sa mga hindi nakapaghanda nang tama para sa Babala.
Ang Aking Mga Apoy ng Dibinong Awa, na ibinibigay sa mundo bilang patikim sa karanasang katulad ng pangwakas na araw ng Paghuhukom, ay hindi nauunawaan nang tama ng napakarami sa inyo. Ang dakilang araw ng Babala ay nalalapit buwan-buwan, kaya kailangan nyo nang maglaan ng panahon para paghandaan ang Aking Dibinong Awa.
Maraming maraming kaluluwa ang mahihirapang unawain kung ano talaga ang ibig sabihin ng pangyayaring ito. Kaya marami ang mamamatay sa takot, na ikinalulungkot Ko, dahil sa mga hindi lalabas nang buhay; ito’y dahil sa kawawang kondisyon ng kanilang mga kaluluwa. Mga Katoliko sa lahat ng lugar, hanapin nyo na ang Kumpisal ngayon, kung gusto nyong makinabang sa Aking Dakilang Akto ng Pag-ibig at Awa. Mga Kristiyano at iba pang mga pananalig, magsalita kayo nang hindi nadidinig, at sabihin nyo sa Diyos kung gaano ang inyong pagsisisi, kung gaano kayo nagsisisi sa lahat nyong paglabag, at humingi kayo ng tawad sa Kanya para sa inyong mga kasalanan. Yun lamang mga matatag ang puso sa kanilang pagmamahal sa Akin at sa Amang Makapangyarihan-sa-lahat, ang magiging tama ang paghahanda. Yung iba, dahil sa lakas ng kanilang isip at pagkatao, ay mauunawaan din sa wakas ang Katotohanan at tatanggapin nila Ako nang may pagmamahal sa kanilang puso.
Yung iba naman, ganung kalaki ang magiging takot nila, na pag naipakita sa kanila ang kanilang mga kaluluwa sa kadiliman nito, ay patay silang babagsak. Sa puntong yun, huli na ang lahat para humingi pa ng tawad. Wala na silang pag-asa. Manalangin, ipanalangin nyong lahat, na ang pinakaraming kaluluwang pwede, ay matagalan ang Aking dakilang Akto ng Awa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Babala sa mga sangkot sa Maka-Satanas na mga Kulto
Lunes, May 30, 2011 10:00 pm
Anak Ko, mas nagiging malakas ka na ngayon, at sa pagiging masunurin mo sa Aking Kabanal-banalang Loob, ay maaalerto mo ang mundo sa kinakaharap nito.
Pag nagsasalita Ako tungkol sa kasalanan, hindi Ako nagbunyag ng mga kasuklam-suklam na kasalanang ginagawa, na maging ang mga regular na makasalanan ay mahihirapang intindihin. Ang nakakasukang mga gawain ng tinatawag na mga sosyal na lipunan sa kanluran – sa likod ng mga saradong pinto – ay magdadala ng malaking takot sa inyong kalooban.
Ang kasuklam-suklam na mga kasamaan, kung saan ang mga bata ay ma-seremonyang pinapatay bilang parangal kay Satanas, ay isang katunayan sa mundo ngayon. Pero ilan lang ang mga ito sa mga napakatinding kasamaang ginagawa ng tao sa impluwensya ni Satanas. Pag umabot na kayo sa puntong ito, mga anak Ko, hindi nyo na magagawang bumalik pa sa Akin. Ang iba pang mga ginagawa, na dumudurog sa Aking Puso, ay ang pisikal na pang-aabuso, lalo na sa mga inosenteng bata. Hayaan nyong isa-isahin Ko sa inyo ang mga uri ng kasalanang sobrang mababagabag kayo kung detalyado Kong ilalarawan ang mga ito sa inyo. Ang mga alagad ni Satanas, sa pamamagitan ng kanilang mga kulto, ay mabangis sa pagtrato sa tao, na hindi nila nirerespeto. Mga sakripisyo, pati na mga sakripisyo ng tao, mga pambabastos sa Diyos, mga pagsumpa at pambabastos sa Akin, sa Aking Amang Walang-hanggan at sa Aking mahal na Ina, ay mga regular na seremonya. Halos hindi na nahihiya ang mga sumasamba kay Satanas na mga ito, kaya ipinagmamalaki pa nila ang kanilang kabastusan sa publiko, sa pamamagitan ng kanilang musika, sine, TV at sining. Yung mga maysala ng ganitong mga sakrilehiyo ay nahaharap sa walang-hanggang hatol, kung saan sila’y masusunog sa Impiyerno magpakailanman. Isa ito sa mga huling babala na tatanggapin nyo mula sa Akin, ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo. Ito rin ay ang Aking kahuli-hulihang pakiusap sa inyo na iligtas nyo ang inyong sarili habang magagawa nyo pa.
Akong si Jesucristo, ay hindi gumagawa ng mga walang-saysay na banta. Gagawin Ko lahat para sagipin kayo. Pero may hangganan, na pag lumampas pa kayo rito, ay wala na Akong magagawa para pigilan kayong maghanap ng pekeng kaginhawahang akala nyo ay ibibigay sa inyo ni Masama. Kalagin nyo na ang maka-Satanas na mga posas na pumipigil sa inyo, at tumakas na kayo papunta sa Akin. Ililigtas Ko kayo, pero kailangan nyong humingi ng tawad sa Akin habang kayo’y nabubuhay pa sa buhay na ito.
Tandaan nyo, kayo ang pipili, Langit o Impiyerno. Pipili kayo habang kayo’y buhay pa sa Lupang ito, dahil hindi nyo na ito magagawa pag yumao na kayo papunta sa susunod na buhay.
Ang inyong laging pasensyoso at mapagmahal na Jesucristo
Ikatlong Parte
Unang Bahagi
Mensahe 110 – 149
Martes, May 31, 2011 hanggang Lunes, July 25, 2011
Sabihin nyo sa kanila na mahal Ko sila, pero gusto Kong kausapin nila Ako
Martes, May 31, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, napaka-pambihirang paglalakbay ito para sa iyo sa napakaikling panahon. Alam Kong pagod ka na ngayon. Pero ang bilis ng pagtanggap mo sa Mga Mensaheng ito at paglathala sa napakaraming wika, ay nagpapakita lamang na kailangangang kailangan na ang mga ito. Ipinapakita rin nito ang Dibinong paggabay na gumagawa sa pinaka-perpekto nitong anyo. Ang Mga Mensaheng ito, bagamat puno ng Aking Mga Aral, ay ibinibigay talaga para ipaliwanag ang kahalagahan ng paghahanda ng inyong kaluluwa sa buhay na ito, habang magagawa nyo pa. Maraming tao, pag binasa ang Mga Mensaheng ito, lalo na yung maliit ang pananampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan, ay mababalisa ng mga ito. Marami ang magbabalik-loob. Maraming matatakot para sa kinabukasan nila at ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Sabihin mo naman sa kanila na mahal Ko sila. Kung mabubuksan muna ang kanilang isip sa katotohanang meron ngang Diyos, magiging handa sila para sa ikalawang yugto. Doon sila mag-iisip-isip kung bakit kaya nagkaroon pa ng ganitong komunikasyon. Bakit si Jesucristo, ang kaisa-isang Anak ng Diyos Amang Walang-hanggan, ay gagawa ng ganung ka-pambihirang mga hakbang? At pagkatapos ay matatagpuan nila ang napaka-linaw na kasagutan. Ito ay dahil mahal Ko ang bawat isa sa inyo kaya gusto Ko kayong muling sagipin. Gusto Kong maglambing sa inyong lahat at gagawin Ko ang pinaka-pambihirang mga hakbang, mapalapit Ko lamang kayo sa Aking Puso.
Gusto Kong hipuin ang inyong puso para sindihan ang isang liwanag sa inyong kaluluwa. Walang dapat ikatakot sa mundong ito kung mananalig kayo sa Akin nang lubusan. Marami Akong napaka-gagandang plano para sa inyong lahat na lalapit sa Aking Sagradong Puso. Mga pinaka-mahahalagang Regalo ang naghihintay sa inyo. Huwag nyong katakutan ang makamundong kaguluhan, dahil poprotektahan Ko yung lahat ng sumasampalataya sa Akin at ibibigay Ko ang mga pangangailangan ng inyong katawan. Manalig kayo sa Akin, ang Panginoon ng Sangkatauhan, na minsan pang sinugo para iligtas kayo sa kadilimang walang-hanggan. Lapitan nyo Ako gaya ng paglapit ng inosenteng mga bata. Hindi na kailangang matuto ng mga panalangin kung wala kayong alam. Oo nga’t napaka-makapangyarihan at talagang makakatulong ang mga ito, pero ang hinihingi Ko lang talaga sa inyo ay kausapin Ako na parang nakikipag-usap kayo sa isang kaibigan. Relaks. Magtiwala kayo sa Akin. Hingin nyo ang tulong Ko. Punung-puno at umaapaw na nga ang Aking Awa, na naghihintay lang na ibuhos sa inyo. Kung alam nyo lang kung gaano kalaki ang Malasakit Ko para sa bawat tao sa Lupa – maging sa mga makasalanan! Alam nyo, ang mga anak Ko ay mga Anak Ko, kahit na may dungis ng kasalanan ang kanilang kaluluwa. Kinasusuklaman Ko ang kasalanan pero mahal Ko ang tao. Napakarami sa inyo ang natatakot humingi sa Akin ng tawad, nang paulit-ulit. Pero hindi kayo kailanman dapat mabahala. Kailanman. Kung kayo’y talagang nagsisisi, kayo’y patatawarin.
Ang kasalanan, mga anak Ko, ay laging magiging isang problema sa inyong buhay. Kahit ang Aking pinakatapat na mga alagad ay nagkakasala, at paulit-ulit pa. Isa itong katunayan. Nang pakawalan si Satanas sa mundo, lumaganap na ang kasalanan. Marami ang sobrang nahihiya para lumapit sa Akin. Itinutungo nila ang kanilang ulo at nagbubulag-bulagan na lamang pag umaasal sila nang masama. Sa sobra nilang kayabangan at kahihiyan, nagpapatuloy sila na parang ang kasalanan ay malilimutan na lamang. Ang hindi nila alam ay ang kadiliman ay umaakit ng kadiliman. Kaya pag kayo’y nagkasala, mas madali nang magkasalang muli. Pag piniringan nyo ang inyong konsyensya, ang sunud-sunod na pagkakasalang ito ay paikot-ikot na lang. At pagkatapos, ang makasalanan ay gagawa ng lahat ng dahilan para bale-walain ang masamang gawain. Patuloy silang mahuhulog, palalim nang palalim, sa paikot na sistemang ito. Dahil hindi sila marunong humingi ng tawad. Dahil hindi nila naunawaan ang kahalagahan ng kababaang-loob, akala nila’y imposibleng lumapit sa Akin para sila’y mapatawad.
Alam nyo, hindi naman komplikadong humingi sa Akin ng tawad. Hindi nyo kailanman Ako dapat katakutan. Hinihintay Ko ang bawat isa sa inyo na may tapang na kondenahin ang inyo mismong mga kasalanan. Pag nakaugalian nyo na ito, bibigyan kayo ng mga pambihirang Regalo. Matapos ikumpisal ang inyong mga kasalanan, mapapapunta kayo sa kalagayan ng grasya. At sa pagtanggap nyo ng Banal na Eukaristiya, makakadama kayo ng isang bugso ng kasiglahang ikagugulat nyo. Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, kayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan.
Walang makakatinag sa inyo. Magiging malakas kayo hindi lamang sa inyong kaluluwa. Pati ang inyong isip ay magiging mas panatag at mas kontrolado. Haharapin nyo ang buhay nang may iba at mas positibong pananaw. Sinong hindi gugustuhin ang ganung buhay?
Magbalik kayo sa Akin, mga anak, sa mga panahong ito ng dalamhati sa mundo. Hayaan nyong ipakita Ko sa inyo ang kaligayahang napapasainyo pag kayo’y lumalapit sa Akin. Tandaan nyo, nag-alay Ako ng Aking Buhay para sa inyo noon. Ang Aking Pagmamahal ay walang kinikilalang hangganan. Tutugon Ako sa inyong tawag. Ang kailangan nyo lang gawin ay humiling.
Ang inyong mahal at nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Propesiya sa Garabandal ay magkakatotoo na
Martes, May 31, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, malayo ang narating natin sa napakaikling panahon. May dahilan yun. Yun lang ang panahong kinakailangan para ibigay ang Aking Kabanal-banalang Salita sa isang mundong gutom na gutom sa Aking Pag-ibig. Ayaw pa rin nilang makinig, dahil ayaw nilang malaman. Marami man ang mga tapat Kong alagad na alerto na ngayon sa mga darating na pagbabago, napakarami rin naman ang walang kapaki-pakialam sa mga babalang ibinibigay sa mundo ng Aking mahal na Ina magpa-hanggang ngayon. Ang mga propesiyang ibinigay sa Garabandal ay magkakatotoo na ngayon. Maghanda na kayo para sa pangyayaring ito, dahil ilang buwan na lang ang natitira para maihanda nyo ang inyong mga kaluluwa.
Huwag ka namang matakot, anak Ko, dahil alam Kong pinalungkot ka ng mga pangyayaring ito dahil iniisip mo ang kinabukasan ng iyong mga anak. Babaguhin ng Babala ang lahat. Pero magbibigay ito ng sanga sa daan. Ang sangkatauhan, pag ginising na ng Katotohanan na Meron ngang Diyos, ay gagamitin ang kanyang malayang loob para piliin ang isa sa dalawang daan, ang daan tungo sa kaligtasan o ang daan tungo sa walang-hanggang hatol.
Pupuksain ng Parusa ang malaking bahagi ng mundo
Taimtim nyong ipanalangin na pipiliin ng tao yung una. Dahil kung hindi, daranasin ng mundo ang sobrang parusa kaya mabubura ang malaking bahagi nito. Bakit ito gugustuhin ng Aking mga anak? Pero, dahil sa kasalanan, malungkot mang sabihin, pero pipiliin ng tao na bale-walain ang Aking pangako at sundan ang daan ni Manloloko. Sinabi Ko na sa inyo, na hindi Ko ibibigay sa inyo ang petsa ng Babala, dahil iilan lang na mga piniling kaluluwa ang nakakaalam nito. Dahil kung ang petsang ito ay ipapaalam sa publiko, matutukso ang mga tao na hanapin ang kaligtasan dahil sa pekeng kababaang-loob. Manalig kayo sa Akin. Magiging maayos ang lahat, mga anak. Pinagpala kayong bigyan ng kahanga-hangang Regalong ito ng Pagbubunyag. Ang mundo ay magmumukha na ngayong mas tahimik at medyo kaiba sa mga darating na buwan patungo sa Babala. Dahil pag nangyari na ito, kamangha-mangha man ito na makita sa langit, ganun na lamang katahimik ang mahiwagang karanasang ito, kaya mas magiging handa kayo para sa tahimik na engkwentrong ito sa pamamagitan ng inyo mismong konsyensya.
Tandaan nyo, kung mas marami ang mababalaan tungkol sa pangyayaring ito, mas maraming kaluluwa ang maliligtas. Manalangin, dasalin nyo ang Aking Divine Mercy para sa mga kaluluwang mamamatay habang nangyayari ang Babala. Kailangan nila ang inyong mga panalangin.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Bilang Na ang Mga Araw ni Pope Benedict
Miyerkules, June 01, 2011 11:00 am
Pinakamamahal Kong anak, minsan ka pang sinubukan, sa Aking Kabanal-banalang Ngalan, para talikuran ang Katotohanan. Magiging pangkaraniwan na ang pangyayaring ito, dahil walang araw na di lilipas, na hindi magtatangka si Manloloko na palayasin ka sa Gawaing ito, sa paglalagay niya ng mga pagdududa sa iyong isip.
Kailangang huwag mong tingnan ang mga mensahe ng ibang mga bisyonaryo, o pakinggan ang sinupamang tao na nagsasabing siya’y dumarating sa Ngalan Ko, kung bibigyan ka ng isang mensahe na taliwas sa Salitang tinatanggap mo sa Akin.
Ang Aking mga propesiya ay sinasabi Ko sa iyo sa wastong paraan, anak Ko. Si Satanas ay patuloy na unti-unti kang pinipinsala at sinasaktan pag hindi mo ito inaasahan. Kaya lagi kang maging alerto. Bilang na ang mga araw ng Aking minamahal na Vicar. Lilisanin na niya ang Vatican bago pa man mangyari ang Babala. Manalig ka sa akin. Sumunod ka sa Akin. Umaabante ka na ngayon nang husto. Pero huwag na huwag mong aalisin ang iyong mga mata sa Akin.
Pero huwag ka namang matatakot na mamuhay sa normal na paraan, basta’t ang panalangin at debosyon mo sa Akin ay pangunahin at mahalagang bahagi nito. Sisiguraduhin Kong hindi ka mag-iisa sa Gawaing ito mula ngayon, at yung mga ginagabayan Ko lamang ang makaka-impluwensya sa iyong pag-unawa.
Manalig ka sa Akin pag sinabi Kong, hindi masasabotahe ni Satanas ang Aking Mga Salita, ni madudungisan ang Mga Mensaheng ito na tinatanggap mo sa Akin. Hindi yun mangyayari sa pagkakataong ito, dahil napakahalaga ng Misyong ito at lahat ng proteksyon ay ibinibigay sa iyo, anak Ko. Kung sakaling mabahala ka tungkol sa alinman sa Mga Mensahe, basta tanungin mo lang Ako para sa kasagutan at ibibigay ito sa iyo. Huwag mong tatanungin ang sinupaman tungkol sa kanilang mga pananaw, dahil wala silang kakayahang mag-komento sa Aking Dibinong Salita.
Huwag na huwag kang sasangkot sa mga mensahe ng ibang mga bisyonaryo. Napaka-importante nito, dahil makakasira ito sa iyong Gawain.
Sa panahong ito, alam mo na, na Ako, ang iyong Tagapagligtas at Hari ng Sangkatauhan, Ay nasa Awtoridad. Walang sinumang tao na dudungis sa Aking Salita. Ipagpasalamat mo na binibigyan ka ng Regalong propesiya at sundin mo Ako sa lahat ng pagkakataon. Huwag mo Akong saktan sa pagdududa. Ang mga panahong yun ay nakaraan na sa iyo. Hanapin mo Ako nang may kababaang-loob sa iyong puso at kaluluwa.
Manatili kang tahimik pag ang Aking Salita ay hinahamak, inaatake, itinatanggi, sinasalungat at kinukwestyon, dahil hindi para sa iyo ang sumagot para sa Akin. Napakarami mong matututunan sa Akin, anak Ko, kung uupo ka at makikinig sa Akin. Pinupuno Ko ang iyong isip ng Regalong pang-unawa. Tanggapin mo ang Regalong ito. Huwag kang magduda. Matuwa kang kasama Ko.
Ito ay isang napakahalagang Misyon, di tulad ng anumang ipinadala Ko sa sangkatauhan mula ng panahon ng mga sinaunang propeta. Mangangailangan ito ng lakas sa parte mo, ayon sa pananalita ng tao. Ang mahalaga ngayon ay makipag-usap ka lang sa Akin sa panalangin, Pagsamba at Mga Banal na Sakramento. Ang anumang iba pa ay kailangang hindi kasali dito. Ang iyong pamilya ay laging napaka-importante. Lahat ng nasa labas ng dalawang ito ay nasa mas mababang kategorya. Sikapin mong mag-relaks at damhin ang Aking Pagmamahal. Huwag mong sayangin ang iyong mahalagang oras sa pamomroblema. Samahan mo na lamang Ako sa lubusang pakikiisa at maliligtas ka sa kapahamakan. Mahal Kita, anak Ko, at nananalig Ako sa iyo.
Ang iyong tapat na Tagapagligtas at Guro
Jesucristo
Si Satanas ay nag-eenrol ng mga kabataan sa pamamagitan ng pop culture
Sabado, June 04, 2011 5:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang pagbabalik-loob, na direktang resulta ng Aking Mga Mensahe na ibinibigay sa iyo, ay kumakalat na sa buong mundo. Matuwa ka, dahil sinabi Ko na sa iyo noon, na ang Aking Salita, pag nabasa, ay magsisindi ng mga kaluluwa sa lahat ng lugar, pati na yung mga maligamgam na makasalanan. Nang ibigay Ko ang Aking Salita sa mundo, ilang libong taon na ang nakakalipas, sa mahal Kong mga apostol, malalim ang naging epekto nito sa sangkatauhan. Ngayon, bukod sa mga alagad ng Diyos Amang Walang-hanggan at sa Akin,ang Kanyang Anak na si Jesucristo, marami sa mga itinuro, malungkot mang sabihin, ay nalimutan na.
Ang Aking pakikipag-usap sa pamamagitan mo, anak Ko, ay para sikaping pasimplihin ang Aking Mga Aral. At mas mahalaga pa, ang dahilan kung bakit Ako nagsasalita ngayon ay para ipaalala, ituro at ilagay ang Aking Kabanal-banalang Salita sa isipan ng Aking mga anak, para maligtas sila sa mga kuko ni Satanas.
Anak Ko, pinuno Ko na ang iyong kaluluwa, sa pamamagitan ng Regalong Espirito Santo, ng kapangyarihang umunawa. Ibinibigay sa iyo ang kapangyarihang ito, hindi lang para maunawaan mo ang Mga Mensaheng ito, kundi para ipakita sa iyo ang kasamaan ng kasalanan. Ngayon, pag nakikita mo ang kasalanan, sumasama ang iyong pakiramdam na humahantong sa iyong pagkabalisa. Pinatitikim Ko na sa iyo ngayon kung ano ang tinitiis Ko pag nakikita Ko ang Aking mga anak na tadtad ng kasalanan.
Marami sa mga nakikita mo sa iyong pang-araw-araw na buhay, sa pamamagitan ng media, mga sine at TV, ay nakakalito sa iyo. Ang kasalanan, pag nasa kaluluwa, ay malinaw na nakikita sa pamamagitan ng ilang palatandaan. Ikaw, anak Ko, ay may kakayahan na ngayon, sa pamamagitan ng Aking mga grasya, na agad makita ang kasalanan sa isang tao. Ang unang palatandaang makikita mo ay ang pagiging arogante at mayabang, kung saan itinuturing ng isang tao ang sarili na mas importante kaysa iba. Ang iba pang mga palatandaang makikita mo ay nagmumula sa kasalanan ng kayabangan at kasakiman.
Ang isa sa mga pinaka-laganap na kasalanan ngayon sa mundo ay ang sekswal na kasamaan. Pag ito’y ipinapakita sa mundo, lagi itong minamaskarahan ng pagpapatawa. Isa itong tusong paraan para sikaping kumbinsihin ang iba na ito ay natural lang na bahagi ng iyong pagkatao. Alam mo, anak Ko, lahat ng tao sa mundo ay gustong humalakhak at kailangan nilang maging marunong magpatawa, na Regalo naman talaga ng Diyos yun. Kaya nga pag maling asal ang itinataguyod, ihaharap ito sa inyo para kayo’y matawa. Hindi lang nito binabastos ang kababaihan, kundi iniimpluwensyahan pa nito ang kabataan para tanggapin nila itong masama at bulok na asal na ito, at ituring itong normal na bahagi ng pop culture.
Gustong gusto ni Satanas na i-enrol ang mga batang kaluluwa. Kaya gumagamit siya ng mga modernong pamamaraan para targetin itong Aking mahal na bunsong mga kordero. Sila, ang Aking mga bunso, ay walang kamalay-malay na gagayanin ang kanilang nakakasukang asal, na lalo pang gagatungan ng pangungulit ng kanilang mga kabarkada.
Babala sa mga nasa Industriya ng Musika
Binabalaan Ko na ngayon yung mga nasa industriya ng musika, sine at sining. Pag ipinagpatuloy nyong hawahan ang mga anak Ko, grabe ang magiging parusa nyo. Kayo, mga anak Kong naliligaw, ay tau-tauhan sa armory ni Satanas. Ginagamit niya kayo sa pag-akit muna sa inyo sa pamamagitan ng halina ng kayamanan, kasikatan at luho. At pagkatapos ay kakaladkarin kayo sa kalaliman ng kasamaan kung saan ang kanyang mga demonyo ay papasok sa inyong katawan para maisagawa nila ang kanilang nakakakilabot na mga pagnanasa at masasamang aktong sekswal. At sa kabila ng lahat ng ito, aakalain nyong ito’y pag-aaliw lamang, at walang masama. Di nyo ba alam na ninanakaw na ang inyong mga kaluluwa? Wala ba kayong pakialam? Di nyo ba alam na pag ginawa nyo itong malalaswa at masasamang sekswal na mga aktong ito, ay maglalaho na kayo magpakailanman? Habang pinananabikan nyo ang mas marami pang kalaswaan, pag hindi na kayo masiyahan sa huling aktong inyong ginawa, wala na kayong magiging kasiyahan pa. At pagkatapos nyun, sarili nyo na ang inyong wawasakin. Sa palagay nyo, bakit napakarami sa inyo na namumuhay sa kaplastikan ng kultura ng kasikatan, ay nagpapakamatay? Nag-o-overdose ng gamot? Nade-depress. Ginugutay ba ng ka-desesperahan ang inyong kalooban? Di nyo ba alam na gusto ni Satanas ang inyong kaluluwa, agad-agad? Kung mas maaga kayong mamamatay sa kasalanang mortal, mas mabilis mananakaw ni Satanas ang inyong kaluluwa sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, na inyong Maykapal.
Mahirap itong intindihin ng Aking mga anak na nabitag na ng kasinungalingang ito. Pero isipin nyo ito nang ganito. Kahit na kayo’y nasa kasalanan, meron pa ring Liwanag ng Diyos na nasa inyo. Maraming makasalanan at di-sumasampalataya sa Diyos ang hindi nakakaalam nito. Patuloy silang paikot na bumubulusok pababa at palapit sa Impiyerno. Pero dahil lamang sa Liwanag mula sa Diyos kaya sila nakakapanatiling matino. Kung wala ang Liwanag ng Diyos, ang Lupang ito ay mababalot ng dilim. Ang kadilimang ito, pag naranasan nyo, ay sobra kayong mahihintakutan. Ang inyong makasalanang mga akto ay hindi lamang magiging kasuklam-suklam sa inyo, kundi gugustuhin nyo pang tumakbo at magtago. Dahil sa puntong yun, bigla mang magpakita ang Liwanag ng Diyos, hindi nyo na matatagalan ang tindi ng Liwanag o ang Kapangyarihan.
Kung wala ang Liwanag ng Diyos, ganap ang kadiliman ng kaluluwa. Mga anak Ko, hindi kayo kailanman nawalan ng Liwanag na ito, kaya hindi kayo makatatagal na may buhay pag ang Liwanag na ito ay nawala, o kung ito’y mawawala.
Alagaan nyo ang inyong kaluluwa – ito lamang ang madadala nyo sa susunod na buhay
Ang Babala ay ipadadama sa inyo kung ano ang katulad nito. Kung sakaling kayo’y nasa kasalanang mortal pag nangyari ang Babala, huwag kayong matakot, dahil yun lang talaga ito – isang babala. Pero ang malungkot nito, kasindak-sindak ang inyong mga kasalanan pag nakita nyo ang mga ito sa walang-halo at pangit na kalagayan nito, kaya maaari kayong masindak sa pisikal na paraan. Huwag nyo nang hintaying umabot sa ganun. Ngayon pa lang ay aksyunan nyo na ang inyong buhay-espiritwal. Isaalang-alang nyo ang dangal ng inyong kaluluwa. Alagaan nyo ang inyong kaluluwa dahil ito lamang ang madadala nyo sa susunod na buhay. Ang inyong katawan ay hindi mahalaga. Pero kung ang inyong katawan, na ibinigay sa inyo ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat bilang isang Regalo, ay gagamitin nyo sa makasalanang paraan, para papagkasalanin ang iba, ang inyo mismong katawan ang magiging sanhi ng pagkawasak ng inyong kaluluwa.
Isip-isipin nyo naman, mga anak Ko, ang inyong kaligayahang hinaharap. Dahil ang panahon nyo sa Lupa ay maliit na bahagi lang ng panahong pagdaraanan nyo sa inyong pag-iral. Pag hindi nyo pinangalagaan ang inyong kaluluwa, sigurado nang maiitsa-pwera kayo at maiiwan sa Impiyerno kung saan wala roong anumang buhay kundi walang-hanggang hapdi at pahirap.
Araw-araw, milyun-milyon ang mabilis na lumulutang patungo sa mga pinto ng Impiyerno
Araw-araw, milyun-milyong kaluluwa, sa sandali ng kamatayan, ang mabilis na lumulutang patungo sa mga pinto ng Impiyerno: mga makapangyarihang tao, mga pinuno, mga mayaman, mga dukha, mga mang-aawit, mga aktor, mga terorista, mga mamamatay-tao, mga nanggahasa at yung mga gumawa ng aborsyon. Nagkakapareho sila sa iisang bagay na ito. Wala ni isa sa kanila ang naniwalang merong Impiyerno.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Guro
Jesucristo
Dalawang Kometa ang magbabanggan; Ang Aking Krus ay makikita sa isang mapulang langit
Linggo, June 05, 2011 4:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, malapit na ang panahon. Ang Babala ay nalalapit na. Ikinalulungkot Kong sabihin na maraming kaluluwa ang hindi makikinig sa mga Mensaheng ito tungkol sa Babala. Mga binging tenga ang dinaratnan ng Aking Salita. Bakit ba ayaw nilang makinig? Hindi lamang ang Aking dakilang Regalong Awa ang ibinibigay Ko sa kanila, pag nagpaambon Ako ng Aking mga grasya sa buong mundo, kundi sinisikap Ko pa ring ihanda sila para sa pangyayaring ito. Milyun-milyong makasalanan ang matutuwa pag pinakitaan sila ng Aking dakilang Awa. Ang iba nama’y hindi na magkakaroon ng pagkakataong tubusin ang kanilang sarili dahil mamamatay sila sa malaking takot.
Anak ko, kailangang gawin mo lahat para balaan ang mundo, dahil matatakot ang lahat ng tao sa Dakilang Pangyayaring ito. Makakakita sila ng malalaking palatandaan sa langit bago pa mangyari ang Babala. Ang mga bituin ay sobrang lakas na magsasalpukan kaya magkakaroon ang mga tao ng maling akala na ang nakikita nilang kamangha-manghang panoorin sa langit ay isang malaking kalamidad. Habang nagbabanggaan ang mga kometang ito, ang magiging resulta ay isang malaking langit na pula at ang Tanda ng Aking Krus ay makikita sa buong mundo, ng bawat tao. Maraming matatakot. Pero sinasabi Ko sa inyo na kayo’y matuwa, dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa inyong buhay ay makakakita kayo ng isang tunay na Makalangit na Tanda na kumakatawan sa napakagandang balita para sa mga makasalanan sa lahat ng lugar.
Pag nakita nyo na ang Aking Krus, alam nyo na, na ang Aking dakilang Awa ay ibinibigay na sa bawat isa sa inyo, mga minamahal Kong mga anak. Sapagkat ito’y dahil sa Aking malaki at walang-maliw na Pag-ibig para sa inyo kung kaya kusang-loob Akong namatay sa Krus para kayo’y iligtas. Pag nakita nyo ang mga Krus sa langit habang nangyayari ang Babala, alam nyo na, na ito’y isang Palatandaan ng Aking Pag-ibig para sa inyo.
Ipanalangin nyo, mahal Kong mga alagad, na ang inyong mga kapatid ay matutuwa rin pag sila rin ay pinakitaan ng patunay ng Aking Pag-iral. Ipanalangin nyo na tanggapin nila, na ito na ang pagkakataon para tubusin nila ang kanilang sarili sa Mata Ko. Na itong dakilang Akto ng Awa ay ililigtas ang kanilang mga kaluluwa kung hahayaan nila Akong tulungan sila.
Ipapakita sa inyo kung ano ang katulad ng mamatay sa kasalanang mortal.
Ang Babala ay magiging isang naglilinis na karanasan para sa inyong lahat. Maaaring medyo hindi ito kasiya-siya, lalo na sa mga nasa grabeng kasalanan. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, ipapakita sa inyo kung ano ang nararamdaman pag ang Liwanag ng Diyos ay nawala sa inyong buhay. Mararamdaman ng inyong mga kaluluwa ang nararamdaman ng mga namamatay sa kasalanang mortal, na sila’y pinabayaan na, ang mga kaluluwang ito na huli na ng iwan nila ito para humingi ng tawad sa Diyos para sa kanilang mga kasalanan. Tandaan nyo, importanteng payagan Ko kayong lahat na maramdaman ang kahungkagang ito ng kaluluwa. Dahil sa ganun lamang nyo tuluyang mauunawaan na kung wala ang Liwanag ng Diyos sa inyong mga kaluluwa ay wala na kayong mararamdaman. Ang inyong kaluluwa at katawan ay magiging mga sisidlang walang-laman na lamang. Kahit ang mga makasalanan ay nararamdaman ang Liwanag ng Diyos dahil naroroon Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak sa Lupa. Pero pag kayo’y namatay sa kasalanang mortal, wala na ang Liwanag na ito.
Kaya nga ngayon pa lang ay maghanda na kayo para sa Dakilang Pangyayaring ito. Iligtas nyo ang inyong kaluluwa habang magagawa nyo pa. Dahil pag kayo’y iniwan na ng Liwanag ng Diyos, saka nyo na lamang mauunawaan ang walang-laman at walang-ibubungang kadiliman na iniaalok sa inyo ni Satanas, na puno ng pighati at malaking takot.
Punuin nyo ang inyong mga kaluluwa. Magalak na kayo, dahil ililigtas kayo ng Babala at ilalapit pa kayong lalo sa Aking Sagradong Puso.
Mainit nyong tanggapin ang Babala. Dahil doon kayo bibigyan ng patunay na meron ngang buhay na walang-hanggan at malalaman nyo kung gaano ito ka-importante.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng Sangkatauhan
Ang Mga Susi ng Roma ay isinosoli na sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat
Lunes, June 06, 2011 10:30 am
Pinakamamahal Kong anak, magpakatatag ka na ngayon. Ang nilalaman ng Aking Mga Mensahe sa iyo, ay nagdudulot sa iyo ng takot, at hindi ka dapat bumigay dito. Kung minsa’y sa palagay mo’y ikaw ay nag-iisa sa Gawaing ito, pero kasama mo Ako araw-araw at hindi Ako lumalayo sa tabi mo. Ang Aking Mga Mensahe, tulad ng sinabi Ko na sa iyo, ay hindi laging magdudulot ng tuwa sa mga kaluluwa. Pero naiintindihan naman ng mga mananampalataya na ang parusa ay kinakailangan para tulungang linisin ang mundo.
Alam Kong mahirap, kung minsan, na maunawaan ang nilalaman, pero kailangang manalig ka nang lubusan sa Akin. Sinasabihan Kitang muli, na huwag makipagdibate sa mga taong yun, mga sumasampalataya sa Akin, na kinukwestyon, sinusuri at hinahanapan ng butas ang Aking Banal na Salita. Dahil ni ikaw, ni yung mga kaluluwang yun, ay may awtoridad na gawin ito. Kailangang sundin mo na Ako ngayon. Hayaan mo lang sila, yung mga patuloy na nilalait at itinatanggi ang Aking Salita, dahil hindi mo na problema yan. Oo, siyempre, sisiraan ka pag ipinahayag mo ang Aking Salita. Huwag mo na lang pansinin yung mga gustong makipagdibate sa iyo. Napaka-konti ng oras para sayangin sa ganung mga dibersyon. Ang mga taong kailangan mong isaalang-alang ngayon ay ang Aking mga kawawang anak, na kulang ang pananampalataya, o hindi nakakakilala sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan. Sila ang talagang inaalala Ko.
Kaya nga habang yung mga Kristiyanong mabuti naman ang intensyon, ay laging sinisikap intindihin ang Aking Salita at gumugugol pa ng panahon para suriin, sa halip na sundin na lamang ang Aking Mga Aral at ipanalangin ang kawawa nilang mga kapatid, mahalagang oras ang naaaksaya. Anak ko, sabihin mo sa mundo na ang malalaking kapahamakang dulot ng kalikasan na nai-propesiya na, ay tatama na sa Lupa. Lahat ay magsisimula na ngayon, napakarami, napakabilis. At lahat ng ito ay dahil sa pagbubulag-bulagan sa Salita ng Diyos Ama, ng mga makasalanang komportableng nakakubli sa kanilang mga kuweba ng kasamaan.
Mga mananampalataya, huwag kayong matakot
Mga mananampalataya, manalangin kayo ngayon. Huwag kayong matakot. Bibigyan Ko kayo ng Aking Dibinong Proteksyon sa lahat ng oras, kahit na pinagtatawanan kayo sa Ngalan Ko. Ang panalangin ang magbibigay sa inyo ng lakas at tapang, habang ibinubuhos ni Masama ang kanyang kamandag sa Aking mga anak. Habang patuloy na tumitindi ang kanilang kasuklam-suklam na mga akto ng panggi-giyera sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng terrorism, pag-kontrol ng mga pandaigdig na pera at paglason sa Lupa na sinasadya nilang parumihin, pakinggan nyo Ako ngayon.
Ang Galit ng Diyos Ama ay babagsak na ngayon, at babagsak ito nang mabilis. Ang pananalangin ay kailangang gawin nang grupo-grupo sa buong mundo, dahil makakatulong ito na maiwasan ang ilan sa mga pangyayaring ito.
Ipanalangin nyo ang Aking minamahal na si Pope Benedict. Napapaligiran siya ng napaka-makapangyarihang mga kaaway ng Diyos, mga matakaw sa kapangyarihan at pag-kontrol sa Aking Simbahan. Ang panalangin ay makakatulong antalain ang kanyang nalalapit na pag-alis, pag siya’y pinilit paalisin sa Vatican, gaya ng nai-propesiya na. Manalangin, manalangin, manalangin para sa panahong ito, dahil ito na ang pinakamadilim na panahong sumapit sa Aking sagradong mga lingkod, mga Obispo, mga Kardinal, at lahat ng tapat Kong mga alagad. Ang Mga Susi ng Roma ay isinosoli na ngayon sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Panahon na para labanan si Satanas at ang kanyang masasamang mga alagad. Ang kanilang pagtatangkang pag-sabotahe sa sangkatauhan ay mahigpit na aaksyunan, dahil magtitiis sila ng matinding pagdurusa dahil sa masasama nilang mga gawain.
Bangon na, mga anak Ko. Unahin nyo ang pagbibigay ng buo nyong tiwala, kompiyansa at katapatan sa Akin. Ang pananalangin araw-araw, Misa at Eukaristiya ay makakatulong sa Akin at sa Aking Ama, para burahin at alisin ang kasamaang ito. Sumunod kayo sa Akin. Kunin nyo ang Aking Kopa, dahil pag ginawa nyo ito, magtatamasa kayo ng buhay na walang-hanggan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo
Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa mga nawawala niyang mga anak
Martes June 07, 2011 2:45 pm
Anak ko, hindi naging madali itong mga huling araw. Pag sinusunod mo ang aking Anak, yun lang ang mahalaga. Huwag mo namang hayaang pasukin ng duda o takot ang iyong puso sa panahong ito, dahil pag nagkaganun, si Manloloko ang may kagagawan.
Buksan mo ang iyong puso at hayaang bahain ng mga grasya ang iyong kaluluwa para mas mapalapit ka sa aking Mahal na Anak. Malapit ka na ngayon sa iyong Pinagpalang Ina, na lagi kang tinutulungan at ginagabayan. Ang bahaging ito ng iyong misyon ay mahirap, pero alalahanin mo na ang pagtatrabaho para sa aking Anak ay di kailanman naging madali. Mas lalakas ka pa, sa kabila ng iyong pag-aatubili dahil sinusunod mo pa rin ang Kanyang mga utos, kaya mabuti ito.
Ipanalangim mo ngayon ang lahat kong nawawalang anak sa lahat ng lugar, dahil wala sila ng pag-ibig, ang tunay na pag-ibig na gustong ibigay sa kanila ng aking Anak. Ang pag-ibig na ito ang kanilang kaligtasan. Kaya ialay mo naman ang lahat mong panalangin para sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang ito.
Hayo na sa kapayapaan , at patuloy mong gawin lahat ng hilingin sa iyo ng aking Anak, sa tuwina.
Ang iyong Pinagpalang Ina
Maria Ina ng Langit
Mensahe sa mga pari, mga Obispo at mga Kardinal tungkol sa pekeng propeta
Martes, June 07, 2011 3:50 pm
Pinakamamahal Kong anak, nagdusa ka dahil pinapahirapan ka ni Manloloko. Kailangang taimtim kang manalangin para labanan ang kanyang mga pag-atake sa iyo. Manalig ka sa Akin nang lubusan at hayaan mo’t Ako ang bahala sa mga bagay na ito. Sa halip, umiinit ang iyong ulo, samantalang dapat mong ialay ang pagdurusang ito sa Akin nang may tuwa sa iyong puso. Kung lagi mong papaalalahanan ang iyong sarili na kaya dumarating ang mga pagdurusang ito, ay dahil kaisa mo Ako, at ikaw ay talagang pinagpala dahil isa kang kaluluwang pinili, iba ang madarama mo.
Marami sa Aking mga alagad ay nagsisimula nang malaman kung ano ang nangyayari sa mundo, at sa pamamagitan ng mga grasya ng Espirito Santo, tinatanggap nila ang hamon na depensahan ang Aking Salita. Ang hukbong ito ng mga mananampalataya ay magiging mas malakas na ngayon at walang-takot nilang pamumunuan ang mga makasalanan papunta sa kaligtasan.
Ang Aking Vicar na si Pope Benedict ay nangangailangan ng inyong mga panalangin. Ipagdasal nyo siya araw-araw dahil kailangan niya ng proteksyon sa lahat ng lebel para matulungan siyang pagdaanan ang pahirap na kinakaharap niya. Importanteng maging alerto ang Aking mga alagad sa sinumang bagong pope na sisipot dahil hindi siya manggagaling sa Diyos. Himukin mo naman lahat ng Aking sagradong mga lingkod na maghanda para sa mga nakakakilabot na mga pagbabago, ang pinaka-nakakatakot na kakaharapin nila kailanman sa kanilang paglilingkod. Kailangan ng malaking katapangan para ipanindigan ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Napakarami sa Aking mga banal na lingkod ay bulag sa mga ipinangako Ko, nang sabihin Kong Ako’y muling darating. Kailan ba nila akalang mangyayari ito? Sobrang nasanay sila sa pagsaulo sa Aking Mga Aral kaya tuloy nalimutan na nila na pwede pala nilang masaksihan ang pangyayaring ito kahit anong oras, at baka nga, sa kanila pa mismong buhay. Dahil ito ang isa sa mga pinakamalaking hamon ngayon.
Kung Ako’y nagsugo ng mga propeta sa mundo ilang libong taon na ang nakakaraan, e siyempre, susuguin Ko silang muli sa panahong ihahanda na ang mundo para sa muli Kong pagdating.
Gising na sa mga leksyong itinuturo nyo sa inyong mga kongregasyon. Alamin nyo na Ako itong nagsasalita sa inyo ngayon. Maraming darating sa Ngalan Ko, pero iilan ang magsasabi ng Katotohanan. Ang Mensaheng ito ay galing sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas. Manalangin kayo para sa pang-unawa para makilala ang Aking Tunay na Boses pag ito’y ibinibigay sa inyo. Buksan nyo na ngayon ang inyong puso at pakinggan ang kailangan Kong sabihin sa inyo. Panahon na para ipagbigay-alam sa inyo, na ang mg propesiyang nakapaloob sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay malapit nang maladlad sa harapan ng inyong mga mata.
Kayo, mahal Kong mga alagad, ay kailangang matapang na lumaban, alang-alang sa pagmamahal sa Akin, para labanan ang mga balakid na inilalagay ni Manloloko na hahamunin kayo kung hanggang saan kayo tatagal. Kailangan nyong tanggapin na malapit na kayong akitin ng pekeng propeta. Papa-tsarmingan kayo. Kukumbinsihin kayo na kinakatawan niya ang Katotohanan. Kailangan nyo na ngayong magpakita ng inyong katapatan sa Akin, at sa Aking Amang Walang-hanggan. Huwag naman kayong mawalan ng pag-asa. Dahil kahit na kayo matakot at mabagabag ng mga pangyayaring ito, kailangang sa Akin kayo kakampi at magiging tapat.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa inyong paglilingkod, ang inyong pananampalataya ay talagang masusubukan ngayon. Ang Simbahan ni Peter ay Aking Simbahan. Pero pag ang Mga Susi ay isinoli na sa Diyos Ama, na mangyayari na ngayon, ang Simbahan ay magiging bahagi na ng Aking Kaharian. Ako ang Katotohanan. Susunod kayo lagi sa Katotohanan.
Ngayo’y manalangin kayo sa Akin, para sa mga grasyang kinakailangan para makasigurado kayo na mapaglalabanan nyo sa tamang panahon ang panloloko ni Satanas. At kung hindi, bibitagin ng pekeng propeta ang Aking mahal na mga anak sa pamamagitan ng kanyang may karisma at pa-tsarming na asal, na asal din ni Manlolokong kasabwat niya. Hindi mapapanalunan ni Satanas ang Aking Simbahan kung ang Aking mga lingkod ay alerto sa panloloko at makikita kung ano talaga ito. Isang maka-demonyong kasinungalingan, na pag kayo’y nasangkot at sumumpa ng katapatatan sa bagong kasuklam-suklam na bagay na ito, ay hindi na kayo makakabalik pa!
Pakinggan nyo na Ako ngayon. Lumapit kayo sa Akin para kayo’y magabayan at para sa mga natatanging grasyang kinakailangan para akayin ang Aking kawan pabalik sa Akin at sa Aking Makalangit na Ama. Dahil pag ginawa nyo ito, bibigyan Ko kayo ng ganung mga grasya kaya hindi magtatagal at magkakaroon kayo ng lakas na depensahan ang Aking Salita, anuman ang mangyari.
Mahal Ko kayong lahat at pinananabikan Ko ang inyong pag-suporta sa pangwakas na mga panahong ito.
Jesucristo
Ihanda nyo ang inyong pamilya para saksihan ang Aking Krus sa Langit
Miyerkules, June 08, 2011 4:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang ibahagi Ko sa iyo ang mga damdaming tinitiis Ko ngayon. Ang una’y kaligayahan, dahil magdadala Ako ng ganung kalaking Awa sa Aking mga anak pag nangyayari na ang Pagliwanag ng Konsiyensya, na nalalapit na. At nandyan din ang Aking Mga Luha ng malaking dalamhati, para dun sa mga walang pakialam sa pangyayaring ito at hindi handa. Kailangang sabihan ng Aking mga anak ang pinakamaraming mga kaibigan at pamilya nila na pwedeng sabihan, tungkol sa Dakilang Pangyayaring ito para iligtas ang kanilang mga kaluluwa. Hindi bale kung ngumisi sila at pagtawanan ang inyong mga sinasabi, dahil pagkatapos ay pasasalamatan nila kayo. Sabihin nyo sa kanila ang Katotohanan. Sabihin nyong buksan nila ang kanilang isipan. Kailangang ipagbigay-alam sa kanila kung ano ang kanilang masasaksihan, dahil pag nakita nila ang Aking Krus sa langit, ay nakahanda na sila. Yun lang ang dapat nilang maintindihan. Kaya tatanggapin nila ang asiwang pakiramdam na titiisin nila pag ang kanilang buhay na nakaraan ay ipinakita sa harap ng kanilang mga mata. Sabihin nyong repasuhin nila ang kanilang buhay at ipaalala nyo sa kanila ang pinsalang pwedeng nagawa nila sa kanilang kapwa.
Ikalat nyo ang Aking Salita pagkatapos ng Babala
Mga anak Ko, pag nangyari na ang Babala at nagkaroon ng pagbabalik-loob, mabilis kayong kumilos para ikalat ang Aking Kabanal-banalang Salita. Kailangang kailangan agad itong gawin dahil napakahalaga ng panahong ito. Ito ang panahon na, sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng Aking mahal na mga alagad, ay ang Aking mga anak ay mananatili sa tamang daan. Ito rin ang panahon na ang panalangin at pagbabalik-loob ay makakabawas sa tindi ng kalamidad na mangyayari dahil sa paghahari kapwa ng antikristo at ng pekeng propeta.
Tanggapin nyo ang Katotohanan kung ano ito. Huwag nyong katakutan ang Katotohanan. Akapin nyo ito; dahil pag ginawa nyo ito, lalaya kayo at dahil sa inyong pananalig sa Akin, makakaya nyong depensahan ang Aking Salita sa tamang paraan. Pipigilan kayo ng takot, mahal Kong mga anak. Ang katapangan naman ay nagliligtas ng mga kaluluwa. Ang inyong paglaban, alang-alang sa Akin, ay magpapahupa sa Aking pagdurusa at magdudulot ng buhay na walang-hanggan sa mas marami pang mga kaluluwang nadidisispera na at kailangang kailangan na ang inyong tulong.
Ang Aking Pag-ibig para sa inyo, mga anak, ay walang-hanggan at walang-maliw. Mabigat man ang Aking Krus, pag meron namang pagmamahal sa inyong puso, gagaan ang pasaning ito.
Kayo, minamahal Kong mga alagad, mga sagradong lingkod at mga layko, o ordinaryong tao, kayo ang Aking hukbo sa darating na panahon para tulungan Akong talunin si Satanas. Manalangin kayo na kayo’y bigyan ng lakas para makayanan nyong aksyunan ang mga hamon sa inyong pananampalataya. Mamuno kayo sa pamamagitan ng halimbawa, at ang Regalo na ibinibigay Ko sa bawat isa sa inyo na nangangakong maging tapat sa Akin, ay kaagad magdudulot ng pagbabalik-loob pag sinasabi nyo ang Aking Kabanal-banalang Salita.
Tandaan nyo, lagi nyo na Akong kasama ngayon. Marami sa inyo, na naging malapit sa Akin sa mahaba-haba na rin namang panahon, ay makakaramdam ngayon ng mas malakas na udyok ng Espirito Santo at kapangyarihang makaunawa, at magugulat na lang kayo. Tanggapin nyo ito bilang isa sa mga pinaka-dakilang Regalo na ibinibigay ngayon sa tao. Hindi pa Ako nakapagbigay ng ganito karaming grasya mula pa nung ang Aking mga apostol ay binigyan ng mahahalagang Mga Regalo sa pamamagitan ng Espirito Santo.
Kayo, Aking mga alagad, kasama ang Aking mga sagradong lingkod, ang Aking Tunay na Simbahan. Sa tulong ng Diyos Amang Walang-hanggan, pamumunuan Ko kayo para makapag-martsa kayo kasama ng lahat Kong anak papunta sa Bagong Paraisong naghihintay sa inyo.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Mensahe ng Pag-ibig sa lahat Kong alagad
Miyerkules, June 08, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ngayo’y natutuwa Ako sa pananampalatayang ipinapakita ng Aking minamahal na mga alagad sa buong mundo, na dinidinig ang Aking panawagan sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Natutuwa Ako dahil sa lalim ng pananampalatayang ipinapakita ng Aking minamahal na mga anak, sa isang mundong tumatanggi sa Akin. Ang mahal Kong mga anak, yung mga sumasampalataya sa Akin, ay nagdudulot ng mga luha ng kaligayahan sa Akin sa panahon ng kalungkutan. Kung wala yung mga may malalim na debosyon sa Akin, hindi na Ako maaalo pa.
Mga anak Kong nagmamahal sa Akin, makinig kayo ngayon sa Akin. Magpaakap kayo sa Aking Mga Braso at ipapaliwanag Ko sa inyo ang kahalagahan ng inyong pananampalataya. Ang inyong pananampalataya ay parang isang apoy sa Aking Puso na kailanma’y di mamamatay. Paminsan-minsan, maaaring aandap-andap ito, pero bibigyan Ko kayo ng lakas para panatilihing nagniningas ang apoy na ito. Kayo, Aking mga anak ng Liwanag, ang lalamon sa kadiliman, pero kailangan nyong magsama-sama at magkaisa para labanan ang antikristo.
Hindi pwedeng manalo si Satanas, dahil imposible ito
Lagi nyong iisipin ang mahalagang katunayang ito. Siya, si Manloloko, ay hindi pwedeng manalo at hindi talaga mananalo, dahil imposible ito. Kaya nga kailangan nyong tanggapin, na ang Liwanag Ko, at ng Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi lalabo, dahil hindi ito ang Liwanag na namamatay. Pero ang kadiliman ang aakit dun sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwa, na doon lalapit. Ang mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang yun ay iniingatan Ko sa Aking Puso at pareho ang halaga nyo at nila para sa Akin. Kayo, mga anak Ko, gaya sa alinmang pamilya, ay kailangang tingnan nyo ang inyong mga naliligaw na mga kapatid. Gaano man kalaki ang kanilang mga kasalanan, huwag na huwag nyo silang huhusgahan. Ibalik nyo sila sa Akin. Kausapin nyo sila. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy para sa kanila, para mailigtas sila sa mga kuko ni masama sa oras ng kamatayan.
Sumigaw na kayo ngayon mula sa mga tuktok ng burol. Ipaalala nyo sa lahat ang Katotohanan. Huwag nyong pansinin yung mga panlalait. Pero pag ipinapaliwanag nyo sa Aking mga anak kung gaano ko sila kamahal, huwag nyong ipipilit ang inyong pananaw sa kanila. Sa halip, ipaliwanag nyo na lang na sila’y nilikha ng Diyos Ama. Sabihin nyo sa kanila na sinugo Niya Ako, ang Kanyang kaisa-isang Anak, para sila’y iligtas, para bigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng buhay na walang-hanggan. At sabihin nyo sa kanila na mahal Ko sila at sinasamahan Ko sila sa kanilang paglalakad bawat minuto ng bawat araw. Kahit nasasaksihan Ko ang kanilang pagtanggi at paggawa ng kasamaan sa kanilang kapwa, naroroon pa rin Ako sa tabi nila. Umaasang lalapitan nila Ako at hihingan ng tulong, dahil pag ginawa nila ito, aakapin Ko sila nang may luha ng kaligayahan at kaginhawahan. Tulungan nyo Akong iligtas ang mga mahal na kaluluwang yun. Huwag nyong hayaang maagaw sila sa Akin ni Manloloko. Pamilya nyo sila. Aking pamilya. Iisa tayo. Kahit iisang kaluluwa lamang ang mawawala, sobra-sobra pa rin ito. Maraming salamat, Aking mahal na mga anak sa lahat ng lugar. Dapat nyong malaman na Ako ngayo’y kasama nyo, nang may mas malakas na Presensya, sa pamamagitan ng Espirito Santo, kaysa alin mang panahon sa buong kasaysayan. Hawakan nyo ang Aking Kamay at samahan nyo Akong maglakad tungo sa Bagong Paraiso sa Lupa na siya nyong magiging maluwalhating tahanan sa kinabukasan.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng Awa
Ang Aking Espiritwal na Gabay ang hahadlang sa mga pangwawasak na gagawin ni Satanas
Sabado, June 11, 2011 3:30 pm
Mahal Kong anak, isang linggo na namang may maraming pagsubok ang nakalipas, kung saan, sa isang dako, ay inakap ng napakarami ang Aking Salita, at sa kabilang dako naman ay kasabay na itinanggi bilang lubusang panloloko ng iba. Yung mga itinatanggi ang Aking Salita, hindi ba nila nabasa ang Katotohanan? Ang Katotohanang nakapaloob sa Aking Banal na Aklat? Ang Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay ibinigay sa lahat Kong anak para tulungan silang maunawaan ang kaguluhang mangyayari sa paglapit ng pangwakas na panahon, dahil sa pagkalat ng mga kasinungalingang gawa ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Kung hindi nyo naiintidihan ang Katotohanang nakapaloob sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag, paano nyo pa mauunawaan ang Mga Mensaheng ibinibigay Ko sa inyo ngayon?
Sa palagay nyo ba’y tatalikuran Ko kayo at pababayaan sa kapangyarihan ni Satanas at ng kanyang masamang hukbo? Hindi nyo ba naisip na sisikapin Kong balaan kayo at tulungan pagkatapos?
Ang aking dakilang Awa ang wawasak sa impluwensya ni Satanas sa Aking mga anak. Minsan pa Akong dumarating para iligtas kayo sa kanyang mga kuko. Ang Aking Kaloob na Babala ay makakabawas sa malaking takot na sana’y palaki nang palaki kung hindi ito mangyayari.
Kinakausap Ko na kayo ngayon, hindi lamang para ihanda kayong lahat para rito sa dakilang Akto ng Aking Awa, kundi para rin kayo gabayan sa masalimuot na pagwasak na pinaplano ng masamang grupo, na ang hari ay si Masama. Ang Aking espiritwal na gabay ang hahadlang sa malaking bahagi ng mga pangwawasak na gagawin ni Satanas. Makinig kayo sa Aking Salita. Sundin nyo ang Aking mga utos. Pamunuan nyo at tulungan ang isa’t isa sa inyong pananampalataya at bibigyan kayo ng tulong na kinakailangan para mabilis nyong masundan ang daan papunta sa mga ipinangako Ko sa inyo.
Marami sa inyo ang matatakot, mahal Kong mga anak, pero huwag nyo namang hayaang hadlangan ng takot ang Katotohanan. Gagamitin ni Satanas ang takot para pigilan kayo sa pagtanggap sa Aking Mga Mensahe ng Pagmamahal. Marami sa mga sinasabi Ko sa inyo ngayon ay hirap na hirap nyong intindihin. Pero unawain nyo ito. Kung hindi Ako darating ngayon para ipakita sa inyo ang Katotohanan, maliligaw na sana kayo.
Mahihirapan kayong mamuhay sa panahong ito. Kung paano Ko kayo inihanda noon, sa pamamagitan ng Aking mga propeta, ihahanda Ko naman kayo ngayon, sa pamamagitan ng sugong ito, para sa panahong Ako’y muling darating.
Ito’y isang Regalong dulot ng Aking malalim na Pagmamahal sa lahat Kong anak, para aksyunan ang nalalapit na paghahari ni antikristo at ng kanyang kakampi, ang madayang pekeng propeta, na ililigaw ang Aking Simbahan sa Lupa.
Ibaba nyo ang inyong mga depensa. Imulat nyo ang inyong mga mata sa Katotohanan. Ang Aking Salita ngayon ay ibinibigay para lamang ipaalala sa inyo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Ang Aking Banal na Kasulatan ay ang Katotohanan. Ang Katotohanan ay nasasalmin sa Aking Banal na Kasulatan. Kung pinapaalala Ko sa inyo ngayon ang mga ipinangako Ko noon, at ang daan papunta sa kaligtasan, ito’y isang pag-ulit lamang ng Aking Banal na Salita. Ang Katotohanan ay laging magiging kung ano ito. Hindi ito kailanman mapapalitan o mababago para ibagay sa sangkatauhan. Lagi itong mananatiling kung ano ito.
Hayaan nyo Akong tulungan kayong maunawaan ang nangyayari ngayon. Huwag kayong manginig sa takot. Mahal Ko kayong lahat at ang gusto Ko lang gawin ay hawakan ang inyong kamay, mga anak, at kayo’y protektahan. Pakay Kong siguraduhing bawat isa sa inyo ay kasama Kong mabubuhay sa Bagong Paraiso sa Lupa.
Ang inyong laging-nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
‘Mga Tagapagpalaya’ sa Middle East, gustong kontrolin ang mga Hudyo
Sabado, June 11, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, mapagmahal Kitang kinakausap ngayong gabi, dahil konting panahon na lang at lalo’t lalo pang dadami ang Aking mahal na mga alagad na magkakaisa para labanan si Manloloko. Ngayon mismo, siya at ang mayayaman at ma-impluwensyang mga grupo na pinagkukublihan niya, ay nagpaplanong kontrolin kayong lahat, pero hindi nyo ito namamalayan.
Mapipigilan sila nang mas maaga kaysa akala nyo. Marami sa kanila ay magbabalik-loob habang nangyayari ang Babala. Sobrang pahihinain nito ang One World Group ni Satanas kaya maraming malilito kung anong daan ang susundan nila. Ganun sila kalito. At maraming babalik at lalapit sa Akin, mga anak, dahil gusto nilang sila’y matubos.
Ang paghihiganti, kontrol, kapangyarihan at pagkasuklam, pag pinagsama-sama, ay lilikha ng pinakamalaking banta sa pananatiling buhay ng tao. Lahat ng giyerang nakikita nyong nangyayari sa Middle East at lampas pa rito, ay niluto, “lutong-makaw.” Hindi sila nagkataon lang. Dapat nyong malaman na ang maraming bansang sabay-sabay nag-alsa, ay hindi ito ginawa sa sarili nilang sikap, kundi tinulungan sila ng masamang grupo sa lahat ng gobyerno, yung mga gobyernong kumu-kontrol sa mundo. Ang mga pinunong ito sa Middle East ay inaalis na ngayon para bigyang daan ang mga tagapagpalaya, yun bang magpoproklama ng katarungan at mapayapang mga paraan para tulungan ang Aking mga anak. Pero hindi naman yun ang kanilang intensyon. Ang intensyon nila ay kontrolin ang Aking minamahal na bansa, ang Mga Hudyo, na nalalagay na ngayon sa panganib sa buong paligid nito. Lahat ng pangyayaring ito ay mauudlot dahil sa Babala. Lahat nung sangkot sa masamang pandaigdig na grupong ito ay kailangang humarap din sa Akin, nang isa-isa, at doon Ko ipapakita sa kanila kung paano sila nagkakasala sa Akin. Maraming luluhod at hihingi ng pagtubos.
Napakahalaga nito, mga anak Ko, dahil habang mas maraming makasalanan sa lahat ng dako, lalo na yung mga kumu-kontrol ng inyong mga kabuhayan, ay magbabalik at lalapit sa Akin, mas magiging malaki rin ang Aking Awa. Ipanalangin nyo na yung mga makakakita ng Katotohanan, ay magbabalik-loob pag, habang nangyayari ang Babala, ay nalaman nilang mahal Ko sila. Ang panalangin, mga anak Ko, ay napaka-makapangyarihan. Pag nanalangin kayo sa Diyos Ama sa Ngalan Ko para sa kaligtasan ng mga kaluluwang ito at ng iba pa, hindi Niya kayo tatanggihan.
Ang inyong katapatan sa Akin at ang pananalangin araw-araw ay kailangang-kailangan na para paluwagin ang hawak ni Satanas sa Aking mga anak, na nararapat maging Akin.
Ang inyong Laging-Maawaing Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Saganang Pag-ibig sa Adoration ay gagawin kayong mas malakas at mas panatag
Linggo, June 12, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mga grasyang tinatanggap ng Aking mga anak sa Eucharistic Adoration ay makapangyarihan. Hindi lang nito kayo binibigyan ng mga grasya para makayanan ang mga pagdurusa sa buhay, ginagawa rin kayong mas malakas sa pagmamahal nyo sa Akin, ang inyong lagi at tapat na Tagapagligtas.
Ang pag-ibig na ibinubuhos sa mga kaluluwa sa Adoration ay saganang ibinibigay. Nadarama ng kaluluwa ang pagbahang ito ng Aking mga grasya sa maraming iba’t ibang paraan. Ang unang Regalo ay kapayapaan sa inyong kaluluwa. Kaagad nyo itong madarama pagkatapos ng inyong panahon na kayo’y malapit sa Akin.
Maraming marami sa Aking mga anak ang ipinagkakait sa kanilang sarili ang maraming Regalong ibinibigay Ko sa Adoration, kung saan isang oras ng inyong panahon ay ginugugol nyo sa harapan ng Aking Presensya sa altar.
Alam man ng mga Katoliko ang Kapangyarihan ng Eukaristiya, maraming hindi tanggap ang kahalagahan ng importanteng panahong ito na kasama Ako sa pagninilay. Basta di lang nila pansin ang Regalong ito. Pinagsasawaan nila ang paggugol ng karagdagang oras na ito na kasama Ako.
Naku, kung alam nyo lang kung gaano sila palalakasin nito. Ang kanilang mga takot at pamomroblema ay mapapawi kung sasamahan lang nila Ako sa tahimik at matalik na pagninilay. Kung makikita ng Aking mga anak ang Liwanag na ito na bumabalot sa kanilang kaluluwa sa loob ng espesyal na Banal na Oras na ito, mamamangha sila. Mga anak, sa loob ng oras na ito kayo nagiging napakalapit sa Akin. Dito pakikinggan ang inyong boses, ang inyong mga kahilingan, ang inyong mga pangako ng pagmamahal para sa Akin. Maraming nakakamanghang grasya ang ibinibigay sa inyo, mga anak, sa panahong ito, kaya huwag nyo namang bale-walain ang Aking pakiusap na gugulin ang panahong ito na kasama Ako.
Ang mga gantimpala ay palalayain kayo sa mga pag-aalala
Ang mga gantimpala ay palalayain kayo sa mga pag-aalala, pagagaanin ang inyong kalooban, isipan at kaluluwa, at kayo’y papayapain. Pag tinanggap nyo Ako sa Eukaristiya, pupunuin Ko ang inyong kaluluwa. Pero pag lumapit kayo sa Akin sa Adoration, ganun Ko kayo babalutin, kaya babahain ng Aking Maawaing Pag-ibig ang inyong isip, katawan at kaluluwa hanggang sa mapuno ang mga ito. Makakaramdam kayo ng isang uri ng lakas na magbibigay sa inyo ng isang tahimik na kompiyansa, na mahirap na di nyo mapansin.
Halina kayo sa Akin, mga anak, ngayon na. Kailangang samahan nyo Ako. Kailangan Ko kayo para kausapin Ako pag ang Aking Dibinong Presensya ay pinakamalakas. Mahal Ko kayo at gusto Kong ibuhos lahat Kong grasya sa inyo, para maibuklod nyo ang inyong mga kaluluwa sa Aking Sagradong Puso.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ibigay nyo sa Akin ang inyong mga problema at pagagaanin Ko ang inyong pasanin
Lunes, June 13, 2011 6:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang panalangin ay mas mabilis na ang paglaganap, dahil sa Regalong Espirito Santo, na tumagos na sa mga kaluluwa ng lahat Kong alagad sa buong mundo. Ang kanilang mga tainga ay alerto na ngayon sa Aking Kabanal-banalang Salita.
Ipanalangin nyo lahat Kong kawawa at pinahihirapang mga anak na nagtitiis ng malaking paghihirap sa mundo, na dulot ng nakakakilabot na mga gawain na sila ang mga biktima, at lahat ay dahil sa mga kasalanan ng sangkatauhan.
Hayaan nyo Akong ipagunita sa lahat Kong anak, sa lahat ng lugar, na dasalin ang Aking Divine Mercy Chaplet, araw-araw. Dasalin nyo rin, at isinasama Ko lahat ng pananampalatayang Kristiyano, ang Santo Rosaryo – sa Aking minamahal na Ina, dahil pahihinain ng makapangyarihang panalanging ito ang kapangyarihan ni Satanas sa Aking mga anak.
Ang hinihiling Ko lamang ay lahat kayong nalulungkot dahil sa mga pagsubok at pamomroblema, ay ibigay nyo na sa Akin ngayon, lahat nyong problema, at hayaan nyo Akong aksyunan ang mga ito. Manalig kayo sa Akin at ang inyong pasanin ay gagaan. Magpaakay kayo sa Akin papunta sa isang mas mapayapang kalagayan. Relaks, mga anak Ko, at hayaan nyo ang Aking Kapayapaan na bumaha sa inyong nanghihina at nagugutom na mga kaluluwa. Ang kadilimang nadarama nyo ay nagmumula sa takot. Ang takot ay nagmumula sa kawalan ng tiwala. Pag nawalan kayo ng tiwala sa Akin, nandun na si Satanas at nagtatanim ng mga duda sa inyong isipan.
Huwag na huwag nyong mamaliitin ang kanyang ginagawa dahil ang kanyang laro ay pag-awayin kayo ng inyong kapwa. Ang panlolokong ito ay laging sa Aking mga tapat na alagad muna nakatutok. Nasusuklam siya sa inyo kung mahal nyo Ako. Hindi siya magpapahinga hangga’t hindi niya kayo nagugulo. Humahalakhak siya pag kayo’y nanghihina. Huwag nyo siyang bibigyan ng ganitong kapangyarihan, dahil pag ginawa nyo ito, hihina ang inyong pananampalataya sa Akin.
Ang Panalangin kay Saint Michael at ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ang pinaka-makapangyarihang mga sandata nyo laban kay Satanas.
Hayo na nang may mas malaking kompiyansa at ibigay nyo sa Akin ang inyong mga problema at mga alalahanin dahil narito Ako at naghihintay sa inyo sa lahat ng oras para akayin kayo papunta sa Liwanag.
Mahal Ko kayong lahat, mga anak. Mas manalig pa kayo sa Akin.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang mga alagad Ko ay kailangang magpakita ng katapangan para ihanda ang iba para sa Babala
Martes, June 14, 2011 7:00 pm
Minamahal Kong anak, marami pang trabaho ang dapat gawin ng Aking mga alagad para sabihan ang mga tao kung anong dapat nilang asahan pag nangyari ang Babala.
Paunahan nyo na sila ng mga detalye para pag nakita nilang lumagablab ang pulang langit, na sinasalmin ang Aking Dakilang Awa, alam nilang walang dapat katakutan. Sa halip, dapat silang matuwa, dahil heto na, sa wakas, para sa marami sa Aking mga anak sa buong mundo, ang katibayang buong buhay nilang hinahanap.
Malaking tuwa ng Aking mga anak ang Aking pinananabikan, at hindi mga luha ng kalungkutan. Pag nakita nyo na ang Aking Krus, alam nyo na ang Init ng Aking Pagmamahal para sa inyong lahat.
Maraming iiyak ng luha ng malaking kaligayahan, dahil alam na nila na nagpapabaha na Ako ng mga grasya ng pagtubos sa kanilang mga kaluluwa. Para sa ibang hindi nakakakilala sa Akin, matatakot sila, dahil malinaw na nilang makikita kung gaano ka-grabe ang kanilang mga kasalanan.
Mga alagad Ko sa lahat ng lugar, nananawagan Ako sa inyo na kayo’y magpakita ng malaking katapangan at sabihan ang Aking mga anak na huwag silang matakot pag nakita nila ang Makalangit at kahanga-hangang palabas ng Aking dakilang Awa para sa sangkatauhan. Ibalik nyo sila sa Aking kawan sa pamamagitan ng paghahanda sa kanila. Kung ayaw nilang makinig, ipanalangin nyo sila.
Ang inyong Walang-hanggang Tagapagligtas at Manunubos ng Sangkatauhan
Jesucristo
Nadidismaya Ako ng Kayabangan ng Pag-iisip tungkol sa mga relihiyosong bagay
Miyerkules, June 15, 2011 10:00 am
Ngayong araw, anak Ko, ay gusto kong balaan yung mga tapat Kong mga alagad na nagpapahayag ng Ngalan Ko sa mga tao, na sila’y sumunod sa Katotohanan ng Aking Mga Aral at sila’y mag-ingat.
Mahal Ko ang lahat Kong alagad lalo na yung nagpapakita ng kababaang-loob sa lahat ng oras. Pero nadidismaya Ako pag ang mga seryoso at istriktong mga Kristiyano, na nagpapahayag ng Aking Salita, ay sinisikap suriin ang Aking Mga Aral sa malakas na boses at parang diktador ang dating. Hindi pa sila masiyahan sa pagpapalaganap ng Aking Salita, kundi kailangan pang paabutin ang Aking Mga Aral sa isang debate sa pamamagitan ng pangangatwirang pan-tao, na isa lamang ang pakay. Para patunayan sa iba na mas may kakayahan silang unawain ang Aking Kabanal-banalang Salita. Sa sobrang ka-seryosohan nilang patunayan na sila’y tama sa kanilang pagkaintindi, hinahati nila ang Aking mga tapat na alagad. Ang kanilang seryoso at istriktong debosyon sa Akin ay kalimita’y ginagawa silang walang-silbi sa kanilang tunay na pagmamahal sa Akin, na dapat laging nakaugat sa kababaang-loob.
Ang malalakas nilang boses, na puno ng paghamak sa kaisipan ng iba, ay patahimikin nila. Tumigil na sila, at makinig sa Aking Boses. Labanan nila ang pananabik na patunayan sa iba ang kanilang kaalaman tungkol sa mga espiritwal na bagay. Pag ginagawa kasi nila ito, gumagawa sila ng kasalanan ng kayabangan. Hindi talaga nila Ako nakikilala. Hindi kasi sila gumugugol ng panahon na manatiling tahimik at magpakumbaba sa harapan ng Mata Ko na nakakakita sa lahat. Hangga’t hindi nagiging maliit sa Mata Ko ang mga seryoso Kong alagad na ito, at hindi nagpapakumbaba sa harapan Ko, hindi Ko magagawang palapitin sila sa Akin.
Luwalhatiin nyo Ako. Parangalan nyo ang Aking Salita. Sundin nyo ang Aking halimbawa. Huwag na huwag nyong uusigin ang iba sa Ngalan Ko, lalo na yung mga kapwa nyo Kristiyano.
Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas
Jesucristo
Makipag-usap ka sa isang bata, materyoso at kapritsyosong lipunan
Miyerkules, June 15, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mga pagsubok at katigangang espiritwal na pinagdadaanan mo ngayon ay pinapayagan Ko para maging mas matalik ang pakikipag-isa mo sa Akin.
Kung minsan, pag naghihirap ka, kailangan Kong tuminging palayo para hindi Kita makitang nalulungkot. Pero habang natatagalan mo ang bawat pagsubok at umaabante ka sa kasunod na yugto, magiging mas malakas ka kaysa dati.
Habang mas tumitindi ang iyong pagdurusa, dulot ng kalupitan at pang-aabuso ng iba na pinagtatawanan ka dahil sa Sagradong Gawaing ito, mas marami kang grasyang tatanggapin.
Paano magdusa sa Ngalan Ko
Pero hindi sapat na magdusa sa Ngalan Ko. Kailangang hindi ka lantarang magrereklamo tungkol sa mga pahirap na ito. Anak ko, kailangang, para mabigyan mo Ako ng kasiyahan, ay tahimik kang magdurusa. Kailangang magmukha kang masaya sa paningin ng mga tao. Sa ganun lang magiging malakas ang iyong kaluluwa at madadala ito sa lebel ng kabanalan na hinahanap Ko sa iyo para sa iyong Misyon. Dahil pag umuunlad ka nang ganito, magbubunga ang pagpapahayag mo ng Aking Salita at nangangahulugan ito na ang Aking Mga Mensahe ay mas epektibong maririnig sa lahat ng sulok ng mundo.
Sa pagkakataong ito, habang inihahanda Ko lahat Kong anak para sa pinakamalaking hamon simula ng Ipako Ako sa Krus, mahalagang ganun din karaming tao ang makarinig ng Aking Kabanal-banalang Salita.
Ang Katotohanang ibinubunyag na ngayon ay maririnig hindi lang ng mga mananampalataya, kundi pati nung mga ayaw Akong makilala, o ayaw tanggapin ang Katotohan ng Pag-iral ng Diyos Amang Walang-hanggan.
Makipag-usap ka sa isang bata, materyoso at kapritsyosong lipunan
Anak ko, kailangang gamitin mo lahat ng paraan na magpaparating ng Aking Salita sa isang bata, materyoso at kapritsyosong lipunan. Siguraduhin mong kinakausap mo sila sa paraang kanilang mauunawaan, papansinin at pag-uusapan. Dahil anong silbi ng Gawaing ito kung pinalalakas nito ang Aking Banal na Salita sa mga sumasampalataya lamang? Oo nga’t mahalagang ang Aking mga alagad ay pinaaalalahanan ng mga ipinangako Ko nang sabihin Kong Ako’y magbabalik, pero yung mga kaluluwang walang alam, walang pag-unawa at hindi interesado sa Aking Malasakit para sa sangkatauhan, sila ang kailangan Kong maabot anuman ang mangyari.
Ikaw, anak Ko, at ang Aking mga alagad ay may tungkuling sabihin na ngayon ang Katotohanan sa mga agnostic na walang pakialam sa Diyos, at mga atheist na hindi naniniwala sa Diyos, at isang buong henerasyon ng mga kabataan. Kakausapin nyo sila nang malumanay. Huwag pagalit. Kundi nagpapalakas ng loob. Gawan nyo ng paraan para mawili sila sa Aking Salita.
Hindi katapusan ng mundo
Sabihan nyo sila tungkol sa ipinangako Kong Bagong Paraiso sa Lupa. Hindi ibig sabihin nito ay matatapos na ang mundo, bagkus ay magkakaroon na ng isang Bagong Panahon ng Kapayapaan, tuwa at kaligayahan. Hindi nila maaaring talikuran, at hindi nila dapat talikuran ang kaluwalhatiang ito. Ipanalangin nyo sila. Dalhin nyo sila sa Akin at tatanggap kayo ng espesyal na gabay at mga grasya.
Kasimplihan at Katotohanan ang mga sandatang dapat nyong piliin
Mamuno kayo sa pamamagitan ng halimbawa. Anak ko, kailangan mo nang planuhin ang paggamit ng iba’t iba at mga modernong paraan ng pagbibigay ng Aking Salita. Padadalhan ka ng tulong para magawa mo ito.
Ikalat ang Aking Salita gamit ang modernong komunikasyon
Mga paraan ng modernong komunikasyon ang kailangang gamitin para siguraduhing ang Aking Salita ay mabilis kakalat. Manalangin na ngayon. Sabihan mo ang mga tagalathala sa pinakamaraming bansang pwedeng sabihan, na sila’y maglimbag ng mga aklat sa pinakamaraming wika hangga’t maaari. Gumamit ng audio, video at iba pang mga paraan para ikalat ang Aking Salita nang mabilis. Manawagan kayo sa mga volunteer para iparating ang Aking Mga Mensahe sa maraming maraming tao.
Dahil ito, anak Ko, ay magliligtas ng mga kaluluwa. Mahal Kita. Ang iyong lakas at determinasyon na magtagumpay sa Gawaing ito, na nagmumula sa wagas na pagmamahal mo sa Akin at sa Aking minamahal na Ina, ay maghahatid ng mga kaluluwa – na sana’y napapunta na sa Impiyerno – pabalik sa Aking Mga Braso at sa kaligtasang walang-hanggan.
Huwag mong pansinin yung mga hindi nagpapakita ng respeto sa Aking Ngalan
Maging matapang ka. Huwag mong pansinin ang mga abuso. Huwag kang tumugon sa mga hindi nagpapakita ng respeto sa Aking Ngalan. Mga alagad Ko ang magdudulot sa iyo ng pinakamatinding hapdi. Dahil marami sa mga tapat Kong alagad, mabuti man ang kanilang intensyon, ay nagkakamali rin paminsan-minsan. Ang kaalaman nila tungkol sa Aking Mga Aral ay maaaring lumikha ng pagmamalaki, na humahantong sa kayabangan. At pagkatapos ay papasok na ang intelektwal na kayabangan. Yung Aking mga kawawa, mapagmahal at seryosong mga kaluluwa, na walang kwestyong mahal nila Ako, ay hinding hindi dapat hamakin yung sa akala nila’y maling landas ang tinatahak. Hindi sila dapat mahulog sa patibong ni Satanas sa pag-aakalang mas magaling sila kaysa iba at kailangan nilang maging sobrang istrikto. Kaya nauuwi na lang sa pagalingan ng ulo para malaman kung sinong mas may alam o mas nakakaunawa sa Katotohanan ng Aking Mga Aral.
Tandaan nyong lahat yung itinuro Ko. Ang Katotohanan ay simple lang. Ang Katotohanan ay Pagmamahal. Sa paghahangad nyong patunayan ang inyong interpretasyon ng Aking Banal na Salita, kung hindi naman kayo nagpapakita ng pagmamahal at pasensya, ang bersyon nyo ng Katotohanan ay hindi sa Akin.
Magmahalan kayo. Pantay-pantay kayo sa Aking Paningin. Pero yung ilan sa inyo na gumawa talaga ng paraan para tumulong na maihatid ang Aking mga naliligaw na kaluluwa pabalik sa Akin, tataas kayo sa Aking Paningin.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Hari ng buong Sangkatauhan, Jesucristo
Ang Aking mga anak ay haharap sa Akin sa unang pagkakataon pag nangyari ang Babala
Lunes, June 20, 2011 11:45 am
Minamahal kong anak, ihanda mo na ngayon ang Aking mga anak, dahil hindi na magtatagal at haharap na sila sa Akin sa buo Kong Luwalhati at Malasakit. Ipapakita Ko ang Aking Sarili sa bawat lalaki, babae at batang nasa edad na para makaalam ng tama at mali. Ang kamangha-manghang araw na ito, kung saan ang Aking Awa ang ipapakita Ko sa kanila at hindi ang Aking Katarungan, ay dapat mainit na tanggapin ng lahat. Matuwa kayo, dahil kayong lahat, bawat isa sa inyo, ay haharap sa Akin sa kauna-unahang pagkakataon.
Para sa marami, mapupuno sila ng pagmamahal at kaligayahan, dahil ito’y isang napakagandang pagsasamang muli. Ang iba nama’y matatakot. Pero walang dapat ikatakot, dahil mahal Ko kayong lahat. Ang kasalanan na lang ang naghihiwalay, pero kung kayo’y magsisisi at tatanggapin nyo ang katotohanan ng inyong mga pagkakasala sa Akin, at sa Aking Amang Walang-hanggan, makikita nyo ang napakagandang Awa na ibinibigay sa inyo. Para dun sa mga matatakot, ito ang masasabi Ko. Ang takot ay dulot ng kasalanan. Kung may kasalanan sa inyong kaluluwa, malalayo kayo sa Akin. Tanggapin nyo ang kasalanan kung ano ang mga ito, isang kahinaan ng tao. At pagkatapos ay tumingin kayo sa Akin at aakayin Ko kayo sa buhay na walang-hanggan at sa Katotohanan.
Ang Aking dakilang awa ay nagdadala ng magandang balita
Ang Aking dakilang Awa ay nagdadala ng magandang balita sa Aking mga anak sa buong mundo. Dahil pag nangyari na itong Dakilang Babalang ito, bibigyan kayo ng pagkakataong magbagong-buhay at maging mas mabuting tao. Pag ang Katotohanan ng Aking Pag-iral ay nabunyag, magiging laganap ang pagbabalik-loob.
Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, pagkatapos mangyari ang Babala, ay saka bibigyan ang mundo ng pagkakataong mapaglabanan ang Malaking Kaparusahan, na mangyayari pagkatapos, kung walang pagdagsa ng mga makasalanang nagsisisi. Dahil sa puntong yun babagsak sa lahat ng lugar ang Kamay ng Aking Ama, sa mga ayaw makinig sa Katotohanan – yung mga tumatalikod sa pag-ibig, pag-ibig para sa Akin at sa inyong kapwa. Dahil sa puntong yun, hindi na tatanggapin ang inyong makasalanang asal. Dahil ito na ang huling dayami na babali sa gulugod ng kamelyo. Dahil ang malakas na impluwensya ni Satanas ay hindi na papayagang magkaroon pa ng singhigpit-ng-sipit na hawak sa sangkatauhan. Yung matitigas ang ulo na susunod pa rin sa masamang daan sa pag-usig sa Aking mga anak, ay pahihintuin na.
Ang Malaking Kaparusahan
Isang Malaking Kaparusahan, na wala pang nakikitang katulad nito mula pa sa panahon ni Noe, ay papakawalan ng Diyos Amang Walang-hanggan. Yung Aking mga alagad na maaaring magsabi na hindi ganito magsalita si Jesus, ay kailangang tanungin ang kanilang sarili nang ganito. Kung si Jesus ay puno ng Awa, bakit Siya, o ang Diyos Ama, ay pinapayagan ang hukbo ni Satanas na magpatuloy sa paghahasik ng lagim sa Aking mga anak?
Dahil nga sa Pagmamahal para sa lahat ng anak ng Diyos, kaya ang Dakilang Kaparusahang ito ay darating.
Magsisi na, lahat kayo. Tanggihan nyo ang walang-katuparang mga pangako ni Satanas. Tanggihan nyo ang peke at hungkag na buhay na iniaalok sa inyo. Tanggapin nyo, na pag naririnig nyong tinatanggihan ang Ngalan Ko sa mundo ngayon, ay direkta itong nagmumula sa impluwensya ni Satanas. Hangga’t hindi siya tinatalikuran ng Aking mga anak, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa mundong ito.
Tanggapin nyo ang Babalang ito bilang isang Mensahe ng Lubos na Pagmamahal. Sa mga nasa kapangyarihan, ito ang masasabi Ko. Tanggihan nyo na ang mga kasinungalingang binayaran nyo ng katapatan, o pagdusahan nyo ang mga susunod na mangyayari.
Ang dakilang Awa na ipapakita Ko sa inyo habang nangyayari ang Babala, ay ang mismong solusyon para magkaroon ng Bagong Panahon ng Kapayapaan. Tanggapin nyo ito, at maiiwasan ang kaparusahan. Tanggihan nyo ito at yun lamang mga alagad Ko ang maliligtas. Magiging huli na ang lahat para sa inyo na natitira pa.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa pakikipag-usap sa Mga Kabataan
Miyerkules, June 22, 2011 6:00 pm (Matapos ang isang pribadong aparisyon kung saan napakita siya sa bisyonaryo sa loob ng 30 minuto.)
Narito ako sa Ngalan ni Jesucristo. Ako ang Ina ng Diyos, ang inyong mahal na Ina, Reyna ng lahat ng Anghel. Anak ko, katatapos lang na ikaw ay sinubukan dahil sa Gawaing ginagawa mo para sa aking mahal na Anak, at naging mas malakas ka dahil nito. Alam mo na ngayon ang dapat gawin para masabihan ang pinakamaraming mga kabataang maaaring sabihan para malaman nila kung sino ang aking Anak. Siya, ang Pinakamamahal kong Anak, ang Tagapagligtas ng Mundo, ay gagawin lahat para iligtas yung lahat ng naglalakad sa Lupa na walang alam tungkol sa Kanyang Awa.
Yung mga anak na matitigas ang ulo, na ayaw makinig, ay kailangang sabihan tungkol sa Katotohanan, at agad-agad na. Sabihin nyo naman sa mga kabataan sa buong mundo, na kasama nila Siya sa kanilang paglakad bawat saglit ng bawat araw. Mahal na mahal Niya sila. Hindi nila alam kung gaano kalaki ang Kanyang Pagmamahal. Gusto Niya silang akapin sa Kanyang Sagradong Puso para tamasahin nila ang Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Kung tutugon lang sana sila.
Anak ko, napakahirap maintindihan ng mga tao ang Katotohanan ng Pag-iral ng Diyos Ama. Napakahirap ding kumbinsihin sila tungkol sa Katotohanan ng Sakripisyo ng Kanyang mahal na Anak. Ito, anak ko, ang dapat mong maging layunin.
Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig.
Ang inyong mahal na Ina
Reyna ng Mga Anghel
Babala ang magpapatunay na Merong Diyos
Miyerkules, June 22, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, malakas ka na dahil napaglabanan mo ang pinakagrabeng pagsubok hanggang ngayon, kaya kikilos ka na para iparating ang Aking mga pakiusap, na kailangang-kailangan na, sa buong mundo.
Mahal Kong mga anak, kailangan nilang malaman na pagdating Ko, at malapit na yun, ay magkikita Kami nang harap-harapan. Ang laki ng pananabik Kong ipakita sa kanila na Ako nga’y Umiiral at sobra Kong hinihintay makita ang tuwa sa kanilang mga mukha pag nasaksihan nila ang Aking Pag-ibig at Awa.
Dahil marami sa Aking mga anak ay mapapaluhod at iiyak ng mga luha ng tuwa at kaligayahan at mga luha ng pagkamangha at pagmamahal. Dahil, sa wakas, pwede nang magkaroon ng isang Bagong Buhay pagkatapos, kung saan lahat ay makakasunod sa Katotohanan ng Lahat ng Aking Mga Aral.
Hindi mauunawaan ng Aking mga anak ang kahulugan ng dakilang Aktong ito ng Awa, ang pinakadakilang Regakibg ibinigay sa sangkatauhan mula pa nung Pagpapako sa Akin sa Krus. Dahil sa pamamagitan nitong Regalong Babala, ay mabubuksan na rin ang mata ng tao, sa wakas, sa Katotohanan ng buo nilang pag-iral sa Lupang ito at lampas pa rito.
Yung mga nabubuhay sa mundong ito ngayon ay dapat maunawaan kung gaano sila ka-swerte na bibigyan sila ng patunay na Umiiral nga ang Diyos Amang Walang-hanggan at Ako, ang Kanyang minamahal na Anak, kahit na ito’y hindi kayang abutin ng inyong pang-unawa.
Pagkatapos ng Babala, huwag na kayong babalik pa sa inyong mga dating gawi
Hinihimok Ko kayong lahat, na pag nakita nyo na ang Aking Presensya at ipinakita na kung paanong ang kasalanan ay hindi lamang nakakasugat sa Aking Damdamin, kundi itinutulak pa kayo nito sa daan papunta sa Impiyerno, ay kailangang huwag na kayong babalik sa inyong mga dating gawi.
Ang panahon pagkatapos ng Babala ay napakahalaga para sa kapayapaan ng mundo at para sa inyong kaligtasan. Huwag nyong tatanggihan ang Regalong ito. Hawakan nyo ito nang dalawa nyong braso. Hayaan nyong dalhin kayo ng Babala para makaisa Ko kayo. Pag ginawa nyo ito at nagdasal kayo para gabayan, gagantimpalaan kayo ng Bagong Paraiso sa Lupa kung saan wala na kayong hahanapin pa.
Matuwa kayo. Pakinggan nyo Ako. Sundin nyo ang Aking Mensahe at hayaan nyong balutin kayo ng Aking Pag-ibig para dalhin sa Aking Maluwalhating Kaharian.
Mahal Ko kayong lahat. Sa sunod na beses na makaramdam kayo ng kurot ng pagmamahal para sa isang tao, tandaan nyo na ang Regalong ito ay galing sa Akin. Kung walang pagmamahal, walang buhay.
Ang inyong Diyos na Hari ng Awa
Jesucristo, Anak ng Diyos Amang Walang-hanggan
Tinatalikuran Ako ng mga Ordinaryong Tao, mga Mabubuting Tao
Huwebes, June 23, 2011 9:10 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang tuwang nadarama mo ngayong araw ay dulot ng mga grasyang ibinigay sa iyo nung Adoration kahapon. Ngayo’y alam mo na kung gaano kahalaga ang hayaan Akong magbuhos ng ganung mga grasya sa mga kaluluwa sa loob nitong pinaka-espesyal na panahon pag personal nyo Akong kasama.
Paano kikilalanin ang mga naliligaw na kaluluwa
Ngayong araw, gusto Kitang kausapin tungkol sa mga naliligaw na mga kaluluwa sa mundo at kung paano sila kikilalanin. Malimit magkamali ang Aking mga alagad sa pag-aakalang ang mga naliligaw na mga kaluluwa ay yung mga nasa kasalanang mortal. Hindi laging totoo ito. Ang isang naliligaw na kaluluwa ay pwedeng isang tao na hindi sumasampalataya sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan. Ang isang naliligaw na kaluluwa ay pwede ring yung mga anak na abalang-abala sa kanilang pang-araw-araw na paghabol sa pera, pagpapayaman, trabaho at pananabik sa mga materyal na bagay. Lahat ng ito dahil sa kaligayahang akala nila’y idudulot ng mga bagay na ito sa kanila sa kinabukasan. Mga ordinaryong tao ang mga ito, mga mabubuting tao, pero tinatalikuran nila Ako.
Marami sa mga anak Kong ito ay mabuti ang kalooban. Pwedeng puno sila ng pagmamahal sa kanilang kapwa, sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Pwedeng popular sila at gusto ng mga tao. Pero pwede pa rin silang maging mga naliligaw na mga kaluluwa. “Paanong nangyari yun?”, tanong nyo naman. Dahil hindi sila naniniwalang ang kanilang kaluluwa ay kasing-importante ng kanilang mga pisikal na pangangailangan, kaya pinababayaan nila ito. Pag pinabayaan nila ang kanilang kaluluwa, madali itong kapitan ng mga tuksong inihahagis sa daan nila araw-araw. Nahihirapan silang tanggihan ang makamundong mga bagay at hindi na nila naiisip na ang panahong ginugugol nila para sa kanilang ambisyon ay pwede sanang gugulin sa pagpapakita nila ng pagmamahal sa iba sa pamamagitan ng galing ng pakikibahagi. Sa paghabol nila sa salapi, pwede silang maging mayabang. Pag mayabang kayo, mahihirapan kayong umasal gaya ng isang alagad na tapat sa Akin.
Mga anak, pag ginugol nyo lahat nyong panahon sa paghabol sa mga pangarap na sa akala nyo’y ibibigay sa inyo ng mundong ito – kayamanan, ari-arian, pwesto ng kapangyarihan – wala na halos panahon para manalangin o palakasin ang inyong mga kaluluwa para sa susunod na buhay. Ang dami sa Aking mga anak ay hindi-hindi maintindihan kung bakit ang makamundong mga bagay ay iniiwan silang hungkag at parang walang-laman ang kanilang kalooban. Hindi nila pinapakinggan yung mga alagad Kong nakakaalam sa Katotohanan. Sa di nila pagtanggap sa Pag-iral ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, hindi nila magawang magbigay-kasiyahan kaninuman maliban sa kanilang sarili. Kung titingnan mo sa labas, ang mga taong ito ay aktibo sa kanilang buhay, malusog, puno ng tuwa at walang ka-paki-pakialam sa mundo. Pero ang pamumuhay na ito ay hindi magagawa nang tama kung hindi kayo naniniwala sa buhay na walang-hanggan. Walang kababaang-loob sa kanilang buhay.
Pwede nyong sabihin, sa pagdepensa sa kanila, na kailangan kasi nilang pakanin ang kanilang pamilya at alagaan yung mga umaasa sa kanila, kaya nagtatrabaho sila para sa mga adhikaing ito. Ang Aking sagot ay hindi. Hindi nila layuning pakanin ang kanilang pamilya. Sa maraming pagkakataon, ang pakay nila’y magkaroon ng sobra-sobra para bigyang-kasiyahan ang kanilang mga pagnanasa. Habang mas ginagawa nila ang ganito, mas naliligaw sila at napapalayo sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Maliban na lang kung ang Aking mga anak ay gumising at kilalanin ang mga paraan ni Satanas para gamitin ang lahat ng nakakaluwalhating pang-akit ng mundo, para higupin kayo sa isang peke at materyosong katiyakan, hindi kayo makakalapit sa Akin. Sa buhay na ito, kailangang gumugol ng panahon para papurihan ang inyong Maykapal – sa pagtingin sa inyong kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa – sa pag-una sa mga pangangailangan ng iba bago ang sarili – sa pagsunod sa Aking mga apak.
Ang Aking mga anak na hindi sumasampalataya sa Diyos Ama, o sumasampalataya nga sa Kanya pero mas pinipili pa nilang isantabi kaagad ang pagpaparangal sa Kanya dahil mas iniisip nila ang makamundong mga bagay, ay mahihirapang makapasok sa pintuan ng Langit, ang Tunay na Paraisong kanilang pinananabikan. Ang Lupa ay isa lang yugto ng buo nyong pag-iral. Ang Langit, kahit isang sulyap man lang sa iniaalok nito, ay hindi mararanasan sa inyong buhay sa Lupa. Wala ni isa dun sa mga makamundong pang-akit ay karapat-dapat habulin kung ang ibig sabihin naman ay mawawalan kayo ng hiyas, at ito’y ang Langit.
Ang mga katangiang kinakailangan para makapasok sa Aking Maluwalhating Kaharian ay pananampalataya, pag-ibig, kababaang-loob at kagustuhang bigyan Ako ng kasiyahan.
Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan
Jesucristo
Hindi alam ng mga tao kung ano ang kaluluwa nila – simple lang ang sagot
Sabado, June 25, 2011 1:30 am
Pinakamamahal Kong anak, ang iyong boses, bagama’t sa wakas ay naririnig na ng Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo, ay tahimik na dumarating sa mga lugar na walang pakialam sa Pag-iral ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Pwede mong sabihing, ayaw naman nilang makinig. Pero hindi sila makikinig kung wala naman silang naririnig. Maging matapang ka na ngayon, kausapin mo ang pinakamaraming pwede mong kausapin. Sabihan mo ang mga tao na ilathala ang balita tungkol sa Aking Salita. Tawagan mo sila. Humiling ka sa kanila. Ipaliwanag mo na kailangan nilang basahin ang Aking Mga Mensahe bago ito bitiwan. Dahil pag naramdaman na lamang nila ang lakas na nanggagaling sa Aking Dibinong Mga Labi, at pag naakit na ng Aking Espirito ang kanilang espirito, ay saka na lamang nila tuluyang mauunawaan na Ako nga ang nakikipag-usap sa mundo.
Nalulungkot Ako, anak Ko, dahil sa malalawak na mga barikada at hidwaan, na ngayo’y hinahadlangan ang bawat pagsisikap ng Aking Pinagpalang Ina, pati na yung sa Akin, ang kanyang mahal na Anak, na magsalita sa mundo sa pamamagitan ng mga bisyonaryo. Nung nakaraang panahon, medyo mas laganap ang kababaang-loob. Ngayon, ang mahalagang katangiang ito ay tuluyan nang nawala. Ang naging kapalit nito ay isang mundo na kung saan, lahat ng may kinalaman sa galing ng ulo, magandang dating, o nakakaakit na anyong pisikal, ay itinuturing na napakahalaga sa buhay ng tao. Namatay na ang kanilang espiritwalidad. Anak ko, sila’y mga basyo na lang na wala nang laman. Mga basyo na pag binasag mo ay wala kang makikitang nasa loob. Sangkap ng kaluluwa ang kailangang pagsikapan ng Aking mga anak. Ito’y mahirap para sa marami, lalo na yung ang isip ay puno ng galing ng ulo kaya wala na halos lugar para sa espiritwal na karunungan.
Ganun na ang kawalan ng espiritwalidad, na ginatungan ng kapangyarihan ni Satanas, at ang mga nabibitag dito ay binubuksan ang kanilang kaluluwa para magkasala. Ang kawalan ng espiritwalidad, o pananampalataya sa Diyos, ay nagpapahina sa isang kaluluwa kaya madali siyang hawahan ni Manloloko. Pinapapaniwala ng hari ng panloloko, ang mga kaluluwa, na ang katawan at isip lamang ang pinagsasanib para maging buo. Sori, pero hindi kayo magiging buo kung wala ang inyong kaluluwa.
Ano ba ang inyong kaluluwa?
Maraming di alam kung ano ang kanilang kaluluwa. Kung ano ang pakiramdam nito, o kung paano ito makikilala. Ito ba’y ang inyong pag-iisip, ang inyong konsiyensya? Simple lang ang sagot. Ang inyong kaluluwa ay kayo. Ito’y kung sino kayo, ang inyong konsiyensya, ang inyong mga paniniwala, ang inyong pang-unawa, kinakatawan man nito ang Katotohanan, kung ano talaga ito, o ang katotohanan kung paano nyo ito gustong paniwalaan. Hindi ito isang bahaging hiwalay sa inyo, mga anak Ko, isang bagay na kabilang sa ibang mundo. Naroroon ito sa loob ng bawat tao.
Ang inyong kaluluwa ay mapapangalagaan sa pamamagitan ng pagsunod sa Aking Mga Aral. Pwede itong mapabayaan sa pamamagitan ng kasalanan, na napakahirap iwasan, pero mapupunuang muli ito sa pamamagitan ng pangungumpisal o pagpapahayag ng pagsisisi at pagsisimulang muli. O pwede itong mawasak. Merong ilan na sinasadyang wasakin ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakasala, para sa mga kasiyahan o bisyo ng mundong ito, nang may buong kaalaman kung ano ang kanilang ginagawa. Yung iba nama’y itinatangging meron silang kaluluwa. Sa kayabangan nila, kumbinsido silang alam nila lahat. Na ang buhay ay nagsisimula at natatapos sa Lupang ito.
At nandyan din yung mga batang kaluluwa, na hindi naman nila kasalanan, ay pinalaki ng mga magulang sa panahon ng kasaganaan, kung saan wala na silang hahanapin pa sa materyosong kahulugan nito. Ang kanilang relihiyon ay nakabase sa materyal na pakinabang. Sa pagsisikap na magkaroon ng mas marami pang motibo, palaki nang palaki ang kanilang ambisyon hanggang sa wala na silang ma-ambisyon pa dahil nasa harap na nila ang kamatayan. Kaya naligaw na sila. Takang-taka. Litong-lito. Sobrang magiging masama ang kanilang loob kaya alam nilang merong hindi tama. Sinasabihan sila ng kaluluwa, pero hindi nila alam kung paano tumugon. Sila ang kailangan nyong iligtas.
Nananawagan Ako sa lahat kong alagad sa lahat ng lugar na Ako’y tulungang iligtas lahat ng kawawa Kong anak. Alam Kong humihingi Ako ng di-pangkaraniwang akto ng kagandahang-loob mula sa inyo. Malaking responsabilidad ito. Pero pag sinunod nyo ang Aking Kabanal-banalang Loob, tutulungan nyo Akong iligtas ang malaking bahagi ng mundo sa mga kuko ni Satanas at sa kilabot na ginagamit niya.
Hayo na, mga alagad Ko, lahat kayo, at ikalat nyo ang Aking Salita sa isang pagod, naliligaw at bigong mundo. Ang Aking grasya ay bubuhos sa bawat isa sa inyo, para sa kahit isa lang na magbalik-loob – isang kaluluwang makakatakas sa kilabot ng Impiyerno.
Mahal Ko kayong lahat. Inaakap Ko kayo, mga tapat Kong alagad, mahal Kong mga anak, sa lahat ng lugar. Sobrang kaginhawahan ang dulot nyo sa Akin araw-araw. Sobrang konswelo. Ngayon, dalhan nyo Ako ng mas marami pang mga kaluluwa.
Ang inyong Diyos na Manunubos
Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan, Jesucristo
Maria: Si Satanas ay nawawalan ng kapangyarihan pag dinarasal ang Aking Rosaryo
Sabado, June 25, 2011 3:00 pm
Anak ko, lagi mong pagtuunan ng pansin ang aking Anak dahil kailangan Niya ang iyong atensyon. Lagi kang manalig nang lubusan sa Kanya at huwag mong hahayaang may mag-alis ng iyong paningin sa Kanya.
Anak ko, pinili ka Niya bilang isa sa mga importanteng sugo sa mga panahong ito para ang mga naliligaw na kaluluwa ay maligtas. Sabihan mo ang mga tao na dasalin ang aking Santo Rosaryo, at isama mo na pati yung mga hindi Katoliko, dahil ito ang pinakamalaking sandata laban sa impluwensya ni Manloloko, na umaatungal sa sakit pag ito’y dinarasal. Ang kapangyarihan niya ay humihina pag dinarasal ng aking mga anak ang panalanging ito. Habang mas dinarasal ng aking mga anak ang Santo Rosaryo, mas maraming kaluluwa ang maliligtas.
Ikaw, anak ko, ay merong napakahirap na Misyon, mas mahirap pa kaysa sinumang propeta sa kasaysayan. Ito’y dahil sa kadiliman ng espirito sa mundo. Hindi pa kailanman bumaba ang ganung kadiliman, na tinatalikuran ng aking mga anak ang aking Anak, Na Siyang namatay sa nakakakilabot na paraan para iligtas sila. Pero hindi lamang nila kinalimutan ito, kundi sadya pa nilang itinatanggi ang Kanya mismong Pag-iral.
Ang panalangin sa akin, ang inyong Pinagpalang Ina, ay nakakasakit kay Masama, na umaatras at nawawalan ng lakas pag ang aking Rosaryo ay dinarasal. Ito ang sandatang ibinigay na sa akin para makatulong akong magligtas ng mga kaluluwa, bago ko tuluyang durugin ang ulo ng matandang ahas. Huwag na huwag nyong mamaliitin ang kapangyarihan ng Rosaryo, dahil kahit isa lang grupo ng mga tao na nakalaan sa palagiang debosyon sa aking Santo Rosaryo, ay makakapagligtas ng kanilang bansa.
Sabihan mo ang aking mga anak na pag-ingatang huwag tatalikuran ang panalangin, dahil pag ginagawa nila ito, iniiwan nila ang kanilang sariling bukas na bukas kay Manloloko para bitagin sila sa pamamagitan ng kanyang nakakaakit pero mapanganib na daan papunta sa kadiliman. Dalhin mo ang aking mga anak papunta sa Liwanag sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng debosyon sa aking Santo Rosaryo.
Ang inyong minamahal na Ina
Maria Reyna ng Kapayapaan
Unang Mensahe mula sa Diyos Ama: Panahon na ngayon para kunin Ko nang muli ang Aking Maluwalhating Kaharian – ang Bagong Paraiso sa Lupa ay tatagal ng 1000 taon
Sabado, June 25, 2011 4:00 pm
Tala mula sa bisyonaryo: “Nang matanggap ko ang Mensaheng ito ay katatapos ko lamang dasalin ang Divine Mercy nang biglang ipinahayag ng Espirito Santo sa akin na ako’y tatanggap ng isang Mensahe mula sa Diyos Ama. Nanginginig ako sa nerbiyos. Pagkatapos ay nagtanong ako: “Kaninong Ngalan ka dumarating?” Ito ang sagot:
Ako’y dumarating sa Ngalan ng Aking minamahal na Anak na si Jesucristo, Tagapagligtas ng sangkatauhan. Ako ang Diyos Ama at Ako’y nagsasalita sa iyo sa kauna-unahang pagkakataon. Aking hirang na anak, kinakausap Kita ngayon para maipagbigay-alam Ko sa sangkatauhan na Mahal Ko silang lahat.
Maraming hindi nakakakilala sa Akin. Akala nila’y kilala nila Ako, pero para sa milyun-milyon sa Aking mga anak, Ako’y isang indibidwal na walang mukha. Halos wala silang alam sa Aking kagustuhang hayaan nila Akong mahalin sila sa paraang itinaga na sa bato.
Ang Aking Ngalan ay maluwag na ginagamit sa mundo, ng marami na hindi tinatanggap na sa pamamagitan ng Aking Kamay nalikha ang mundo at ang mga nilalang na narito. Yun namang kinikilala ito, nalilito naman kung Sino ba talaga Ako, at medyo takot pa sa Akin. Hindi Ako dapat katakutan dahil ang Aking Pag-ibig ay Dalisay, Puro at Walang-halo, para sa lahat Kong anak. Ganun Ko nga kayo kamahal, na ginawa Ko ang pinakamalaking Sakripisyo sa lahat para ibalik kayo sa Aking Mga Braso at bigyan kayo ng pagkakataong maligtas mula kay Manloloko. Sinugo Ko ang Aking minamahal na Anak na si Jesucristo, papunta sa mundo para maunawaan nyo ang Katotohanan ng Pag-ibig. Ang Pag-ibig na ito, tanggapin nyo lang, ay ligtas na kayong lahat.
Nadudurog ang Aking Puso dahil ang dami sa inyo ay ayaw lumapit sa Akin at pakitaan Ako ng inyong pagmamahal. Pinananabikan Ko kahit lumapit lang kayo at hingan Ako ng tulong. Hindi nyo dapat kinatatakutan ang Aking Pag-ibig dahil ang Aking Pag-ibig ngang ito ang nagbigay sa inyo ng inyong unang hininga. Nilikha Ko kayong katulad Ko para magkaroon Ako ng pamilya. Gawa sa Purong Pag-ibig ang mundong nilikha Ko para sa inyo, mga anak Ko, at nang sa ganun ay makasali Ko kayo sa Paraisong ito. Buong pagmamahal Kong nilikha ito kaya bawat detalye ay napakaingat Kong ginawa. Laking tuwa Ko nang ang Paraiso sa Lupa ay nalikha na, at pati na ang mga anghel ay nagdiwang, at ang Langit ay nagliliwanag sa mga apoy ng pagmamahal, na wala ni isang tao ang pwedeng makaunawa. At pagkatapos ay winasak ito ng kasalanan, na kagagawan ng matandang ahas.
Mga anak ko, hayaan nyo Akong magpaliwanag. Dumating na ang panahon para kunin Ko nang muli ang Paraisong buong pagmamahal Kong nilikha, para maging isang pamilya tayo muli.
Isang pamilya na magiging sobrang magkakalapit ang mga miyembro dahil sa malalakas na buklod ng pag-ibig na nagtatali sa kanila.
Ang Bagong Paraisong ito sa Lupa ay pinaplano na ngayon para sa lahat Kong anak.
Tatagal ito ng 1,000 taon sa Lupa at walang dapat ma-itsapwera, dahil madudurog ang Aking Puso pag nangyari yun. Ang Aking minamahal na Anak na si Jesucristo at ang Espirito Santo ay talagang nagsisikap na kayo’y maibalik sa Aking mapagmahal na kawan, para ang Paraiso, na nilikha sa simula pa, ay minsan pang makita bilang pinakamalaking Regalo sa lahat, para tamasahin ng Aking mga anak.
Ang Paraisong ito ay magiging isang lugar ng pagmamahalan, kagandahan, kaluwalhatian, at ito ang magiging tahanan ng lahat ng malinis ang puso at kaluluwa. Ito’y para sa bawat kaluluwang nasa Lupa at ito ang layuning nakapaloob sa bawat kaluluwang nasa mundo, pati na yung mga hindi nakakaalam nito.
Ang Aking Anak ay nagsasalita sa mundo at naghahanda na Siya na ipakita ang Kanyang dakilang Awa habang nangyayari ang Babala para bigyan ang lahat ng makasalanan, ng pagkakataong tamasahin ang Bagong Paraiso sa Lupa.
Kailangang pakinggan nyo ang Aking Boses. Nananawagan Ako sa inyong lahat na makinig. Magbalik kayo sa Akin. Tanggapin nyo na Ako’y Umiiral, na Ako ang Pinagmumulan ng lahat ng buhay, lahat ng Sanlibutan, lahat ng kaluwalhatian. Pag ginawa nyo ito, buong pagmamahal kayong tatanggapin sa Aking Paraiso sa Lupa na ibibigay sa inyo lahat ng pwede nyong pangarapin. Pakinggan nyo ang Aking Anak at ang Mensaheng ibinibigay Niya sa mundo para kayong lahat ay magbalik-loob. Yung mga hindi pa rin makikinig sa kabila nito, o magpapatuloy sa daan ng kasuklam-suklam na kasalanan, walang ipapakitang Awa sa inyo.
Ako ang Diyos ng buong Sangkinapal. Ako ang Diyos ng Pag-ibig, ng Malasakit. Ako rin ang Diyos ng Katarungan. Ang Aking Kamay ay babagsak sa sangkatauhan na, dahil sa buktot na katapatan kay masama, ay ayaw sumunod sa daan ng Pag-ibig at Katotohanan.
Dahil dumating na ang panahon para muli Kong kunin ang Aking Maluwalhating Kaharian, na walang sinumang tao, sa pamamagitan ng kasalanan, ay makakapigil. Subukan lang nila, at mawawala na sila magpakailan pa man.
Ako ang inyong Diyos, ang inyong Maykapal. Ang Aking Pag-ibig ay hinding-hindi namamatay. Naglalagablab ito at puno ng malaking pagmamahal sa inyo para mabalik kayo sa Akin, sa pamanang buong pagmamahal Kong nilikha.
Nang dahil sa kasalanan, marami sa Aking mga anak ay maaalisan ng kanilang karapatan sa pamanang ito at kailangan nilang umatras para hayaan yung mga talagang nagmamahal sa Akin, na pumasok sa pintuan nang walang sagabal.
Mga anak naman, huwag nyo naman sanang pahindian ang Aking Pakiusap sa sangkatauhan. Tanggapin nyo ang Awang ibinibigay ngayon ng Aking minamahal na Anak.
Tanggapin nyo ito nang bukas-palad.
Diyos Ama
Maykapal at Maylikha ng Lahat ng Bagay
Ang Babala ay isang Pagpapakita ng Aking Dibinong Awa na ibinigay kay Sr. Faustina
Linggo, June 26, 2011 6:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, malapit na ang panahon. Konting-konting panahon na lang para balaan at papaghandain yung lahat ng kawawang kaluluwa na dahil sa laki ng takot pag nangyari na ang Babala, ay hindi mauunawaan ang kanilang nasasaksihan. Kailangang masabihan sila para alam nila kung ano ang aasahan. Pag binuksan nila ang kanilang puso sa dakilang sandaling ito ng Dibinong Awa, bibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng buhay na walang-hanggan.
Ang dakilang Babalang ito ay pagpapakita ng Aking Dibinong Awa na ibinigay ko kay Sister Faustina. Ang Dakilang Aktong ito ng Aking Awa ay nai-propesiya na at pag nangyari na ang Aking Babala, babalutin ng Aking dakilang Awa ang buong mundo. Bubukal ang Aking Dugo at Tubig para malaman nyo nang lahat, sa wakas, ang Katotohanan. Sabihan nyo yung mga hindi naniniwala sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan, na ang pangyayaring ito ay magkakatotoo. At pag nagkaganun nga, matatagalan nila ang dagok ng Aking Awa, na sasagip sa milyun-milyung kaluluwa habang nangyayari ang Babala, mula sa mga kuko ni Satanas. Ang Katotohanan, pag nabunyag, ay magliligtas ng napakarami mula sa mga apoy ng Impiyerno.
Ang Espirito Santo, na pagkatapos ng pangyayaring yun, ay mananahan sa Aking mga anak sa buong mundo, ay tutulong para talunin ang mga gawain ni Masama. Lahat kayo, kailangang ikalat nyo ang Salita, na kailangang ihanda na ng sangkatauhan ang kanilang kaluluwa bago pa man ito mangyari. Dahil maging ang mga mananampalataya ay kailangan ding malaman na sila man ay magugulumihanan pag nakita na nila ang kanilang makasalanang nakaraan kung paano Ko ito nakikita.
Nananawagan Ako sa inyong lahat, mangumpisal kayo. Para naman dun sa ibang mga Kristiyano, kailangan nyong lumuhod at manalanging kayo’y tubusin. Para dun sa mga hindi sigurado kung totoo nga ang propesiyang ito, buksan nyo naman ang inyong puso dahil pag nakita nyo na ang pangyayaring ito, na pang-kalikasan nga, pero makalangit din, ay importanteng malaman nyo na ito ang pinakamalaking milagrong makikita nyo kailanman, at ito ang Aking dakilang Regalo sa inyong lahat. Pag-isipan nyo ito. Ganito ang pangwakas na araw ng Paghuhukom, kaya nga lang, sa pagkakataong ito, ay hindi pa kayo makokondena. Bibigyan kayo ng panibagong buhay na ikaliligtas ng inyong kaluluwa, para magawa nyong ibalik ito sa lebel na gusto Ko para rito.
Mga mananampalataya, buong-puso nyong ipanalangin ngayon na ang inyong kapwa ay maligtas.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Patuloy mong ikalat ang Aking Salita – Nagpapadala Ako sa iyo ng maraming volunteer
Martes, June 28, 2011 7:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mga balakid na kailangan mong luksuhan ay patuloy na tumataas, pag nagdurusa ka alang-alang sa Akin. Hindi pa kailanman naging ganito katindi ang mga pagtatangka ni Satanas na alisin ka sa Gawaing ito. Kailangang manatili kang malakas at matatag laban sa ganung mga pag-atake. Alam mo, hindi ka naman kailanman maaagaw ni Manloloko sa Akin, pero banat pa rin siya nang banat. Ito na ang isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng iyong Misyon. Ito’y nagdudulot ng lungkot sa iyong pag-iisa, mahirap isagawa at masakit sa katawan at kaluluwa. Kailangang manalig ka sa Akin para tulungan kang mapaglabanan ang mga pag-atakeng ito at makita ang mga ito kung ano talaga sila.
Ngayon, anak Ko, makinig ka sa Akin. Kailangang ipagpatuloy mo ang pagpapakalat ng Aking Salita sa mabilis na paraan sa buong mundo gamit ang lahat ng tulong na ipapadala Ko sa iyo. Nagpapadala na Ako sa iyo ng maraming volunteer, at ngayon pa lang ay nagbubunga na ang kanilang trabaho.
Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay patuloy na ipagbigay-alam ang Aking Salita para magligtas ng mga kaluluwa. Huwag na huwag kang susuko. Nakakatukso, alam Ko, at ang pang-aabusong kailangan mong tiisin ay hindi madali para sa iyo. Hayaan mong hawakan Kita sa kamay, nang mahigpit, at akayin ka papunta sa lakas na kinakailangan mo. Pinaulanan na Kita ng mga biyaya, para palakasin ang iyong armor, at nang sa ganun ay wala nang hahadlang pa sa daan para siguraduhing maririnig ng mundo ang Aking Boses.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ikumpisal nyo na ngayon ang inyong mga kasalanan – huwag kayong matakot
Miyerkules, June 29, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang tulong na ipinadala Ko sa iyo ay mabilis na ikakalat ang Aking Salita sa buong mundo gamit ang modernong komunikasyon. Nag-aalab ang Aking Puso sa pagmamahal sa Aking espesyal na mga anak na tumugon sa Aking panawagan, dahil sila ang hukbong mamumuno sa Aking mga anak.
Binabalot ng lahat Kong biyaya ang bawat isa sa mga yun na tumutulong sa pagpasan sa Aking Krus para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Ang Espirito Santo ay ibinibigay sa kanila para magawa nilang ikalat ang mga Mensaheng ito sa pamamagitan ng internet at sa paraang talagang may dating.
Mga anak Ko, at lahat Kong alagad, tandaan nyo lang ang kaisa-isang bagay na gusto Kong tutukan nyo. Bigyan nyo ng babala ang iba na hanapin ang Pagtubos bago pa mangyari ang Babala. Kailangan na nilang ikumpisal ngayon ang kanilang mga kasalanan at huwag silang matakot. Matuwa pa nga sila. Ilang buwan na lang ang natitira para sa dakilang Aktong ito ng Aking Awa. Huwag kayong mag-aksaya ng panahon. Humayo kayo sa pag-ibig at kapayapaan. Huwag nyong aatrasan ang Gawaing ito. Para ito sa kabutihan ng lahat Kong anak. Yung lahat ng nagtatrabaho para ikalat ang Aking Katotohanan ay gagantimpalaan dahil sa kanilang debosyon at pananampalataya. Ang Aking mga biyaya ang magbibigay ng proteksyon sa bawat isa sa kanila at sa kanilang pamilya.
Matuwa na kayo ngayon, dahil hinog na ang panahon para sa wakas ay marinig na rin ang Aking Boses kung paano ito dapat mapakinggan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Manunubos at Hari ng buong sangkatauhan
Jesucristo
Huwag nyo Akong tatalikuran dahil lamang sa mga pagkukulang ng mga tao sa Aking Simbahan
Huwebes, June 30, 2011 8:00 am
Pinakamamahal Kong anak, ngayong gabi’y napapangiti Ako sa tuwa, sa Aking Puso, dahil sa wakas, ay naririnig na rin ng mga kabataan ang Aking Salita sa pamamagitan ng Internet, gaya ng nai-propesiya na.
Sa ganitong paraan, mas maraming tao ang masasabihan ang mundo kung paano maghanda para sa Babala. Tumataba ang Aking Puso sa tuwa pag nakikita Ko ang pagmamahal ng Aking mga anak sa Akin sa lahat ng sulok ng mundo. Ang Aking Pag-ibig ay walang kamatayan. Sila, ang Aking mahal na mga anak, ay puno ng Aking Pag-ibig, na nararamdaman nila sa kanilang puso. Ngayo’y masasabi na nila sa mundo, pati na sa mga masungit, kung gaano nila Ako pinararangalan dahil pinupuri nila ang Aking Kaluwalhatian sa lahat. Dahil yung matatapang at mapagmahal na mga nilalang Kong yun ay aakitin ngayon yung mga tumatanggi sa Akin at sa Katotohanang nagpapaliwanag kung bakit nga ba sila napapunta pa sa Lupang ito.
Nagpipiyesta ang Langit kasama nung mga lantarang nagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa Akin sa Internet. Sa bugso ng Aking Pagmamahal para sa kanila, umuulan ang Aking grasya sa bawat isa sa kanila, mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa kabila.
Dumarating na Ako ngayon para iligtas kayo bago pa man sumapit ang Araw ng Paghuhukom
Isang leksyon ang tatandaan nyo, mga anak. Ang Katotohanan ng Aking Mga Aral ay hindi kailanman nagbago. Ang mga pagkakamali ng mga tao, mga kasalanan ng Aking sagradong mga lingkod at yung mga umabuso sa Katotohanan para ibagay sa kanila mismong ambisyon, ay maaaring nakadungis sa Aking Ngalan, pero hinding hindi nila nabago Kung Sino Ako. Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Dumating Ako para iligtas kayo, sa unang beses, para payagang mapatawad ang kasalanan. Ngayo’y muli Akong dumarating, para iligtas naman kayo bago pa sumapit ang Araw ng Paghuhukom.
Ganun ka-Lakas ang Aking Pag-ibig, na magagawa nitong tumagos sa buong mundo sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo para palapitin kayong muli sa kawan ng Aking magiliw na Pag-ibig. Samdamin nyo na ngayon ang Aking Pagmamahal, mga anak. Huwag nyo Akong tatalikuran, Akong si Jesucristo o ang Aking Amang Walang-hanggan, dahil lamang sa mga pagkukulang ng mga tao sa Aking Simbahan.
Yung mga tumalikod sa Akin dahil sa mga kasalanan ng Simbahan
Kasalanan ang dahilan kung bakit natukso kayong magbulag-bulagan sa Katotohanan. Yung ilan sa inyo na sinisisi ang Simbahan kaya nawalan kayo ng pananampalataya sa Akin, hindi kayo nagpapakatotoo sa inyong sarili, dahil kung talagang mahal nyo Ako, hindi kayo magdadahilan. Si Satanas ay nasa lahat ng lugar na ngayon sa mundo, mga anak. At tinatangka niyang kumbinsihin kayo, sa bawat pagkakataon, na ang inyong pananampalataya ay wala nang saysay, hindi na importante, at hindi naman garantiya na pupunta kayo sa Langit. Kung minsan, naniniwala kayo na ang Awa ng Diyos ay walang-katapusan, at kayo’y ligtas na basta’t hindi kayo nakapinsala sa iba. Kalimitan, hinahamon nyo Ako pag sinisisi nyo Ako dahil sa kasamaan sa mundo. Dito na kayo magagalit sa Akin at sa Diyos Amang Walang-hanggan. Paano nagagawa ng Diyos na tumayo na lamang at pabayaan ang ganung kasamaan na sumulpot sa mundo?
Kung saan merong pagpatay, panggagahasa, aborsyon, pagpapahirap, katakawan at karukhaan? Tigil na at makinig sa Akin.
Kung inyong natatandaan, ang kasalanan ay kagagawan ni Satanas. Marami nga dyan ay naniniwalang wala namang Satanas, e. Pero nagagawa niyang sapian ang bawat isa sa inyo dahil sa Regalong ibinigay sa inyo ng Maylikha sa inyo, ang Diyos Ama. Ang Regalong ito ay ang malayang loob, at ibinigay ito sa bawat isa. Ang ilan ay ginagamit ang Regalong ito para sa mabuting gawa, kaya nakikita ang pagmamahal nila sa kapwa, samantalang ang iba naman ay inaabuso ito para pagsamantalahan ang kanilang kapwa. Pag ang mga ito ay naakit ni Satanas, dahil sa mahina ang kanilang malayang loob, makakaya na nilang gumawa ng malalaking kasamaan. Ang malayang loob ay sa inyo, mga anak. Pag nadungisan ito ng kasalanan, ang resulta ay malaking gulo sa mundo. Hindi kayo mapipilit ng Diyos Ama na patigilin ang inyong ginagawa, mabuti man ito o masama, dahil hindi Niya panghihimasukan ang inyong malayang loob. Lagi Niya kayong hihimuking manalangin para tumanggap ng mga grasyang kinakailangan para makaiwas sa kasalanan. Gagamitin nyo ang inyong malayang loob para gumawa ng isa sa dalawang disisyon. Lumapit sa Diyos, o magpaakit sa mga kasinungalingan ni Satanas, na babaluktutin ang inyong pag-iisip para talikuran nyo ang Katotohanan.
Tandaan nyo, Ako ang Katotohanan. Ayaw ni Satanas na makita nyo ang Katotohanan. Gagamitin niya ang galing ng inyong ulo at masalimuot na pangangatwiran para akitin kayo. Magagawa pa nga niyang kumbinsihin kayo na ang isang bagay ay masama kahit na mabuti ito. Kaya pag inisip nyo na kaplastikan lang ang manalangin at purihin ang Diyos Ama dahil sa mga kasalanan ng Simbahan, dapat nyong kilalanin ang panlolokong ito kung ano talaga ito – isang paraan para tuksuhin kayong layuan Ako. Ang Katotohan. Ngayon, mga anak, ipakita nyong mahal nyo Ako sa pamamagitan ng pagtayo at pagdepensa sa Aking Ngalan sa isang mundong ayaw maniwala.
Malapit na malapit na, hihimukin nyo ang iba na pakinggan ang inyong mga pananaw. Kung paanong yung mga nagsasabing sila’y hindi naniniwala sa Akin ay isinisigaw kung gaano sila nasusuklam sa Akin, kayo naman ay kailangang sabihan ang mundo na Ako’y mahal nyo. Sa ganito lamang makakapukaw ng napakaraming pagbabalik-loob sa mundo. Hayaan nyong itaas Ko kayo ngayon para maihanda nyo ang Aking mga anak para sa pagpasok sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa. Tandaan nyo, yun lamang mga sumasampalataya sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, ang makakapasok sa Paraisong ito.
Hayo na at dalhan nyo Ako ng napakaraming tao.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Panalangin ay makakapigil ng kaguluhan sa mundo
Biyernes, July 1, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang panalangin at debosyon sa Akin ay parang tubig na ibinibigay sa isang nauuhaw. Pag wala kang tubig, magpapatuloy ang iyong pagkauhaw hanggang ikaw ay mamatay. Para dun sa mga nakakakilala sa Akin, nagmamahal sa Akin at nagpapakita ng debosyon sa Akin, unawain nyo ang isang bagay. Kung hindi kayo magpapatuloy sa pagtanggap sa Aking Katawan at sa regular na pananalangin sa Akin, madaling mawawala ang pagkagusto nyo sa Akin. Kung wala ang pagnanais na ito, lalayuan nyo Ako, hanggang sa ibaling ang inyong ulo, ng tukso ng kasalanan na itinanim sa inyong isipan ni Satanas. Kung wala Ako, na Tunay ang Presensya sa inyong buhay, wala kayo, mga anak Ko.
Lagi kayong magbantay. Pinoprotektahan kayo ng panalangin laban sa kasalanan. Ang inyong debosyon sa Akin ay maaaring makaakit kay Manloloko, at mas malimit niya kayong tutuksuhin. Pero kung wala kayong regular na debosyon sa Akin, maglalakad kayong walang puntirya sa mundong ito.
Alam ng mga mananampalataya na ang panalangin ay nakakapigil ng maraming kaguluhan sa mundo. Ang mga panalanging dinasal sa pamamagitan ng bisyonaryong ito ay nakabawas na ng napipintong mga panganib na kinakaharap ni Pope Benedict, pero hindi ito pangmatagalan. Ang panalangin sa Aking Pinagpalang Ina ay makakapagpagalaw ng mga bundok, makakapagpahina ng hampas ng masasamang gawain, pati na yung mga nai-propesiya na, at makakapagpabalik-loob sa mga makasalanan.
Anak Ko, tandaan mo ang leksyong ito, na ang panalangin ay nagsisilbing armor mo laban kay Manloloko. Ikaw, higit sa lahat, ay kailangan mong matutunan ang pangangailangan ng regular na pananalangin sa iyong Misyon. Kailangan mong gumugol ng higit pang panahon sa tahimik na pagninilay kasama Ko. Dahil pag hindi mo ito ginagawa, ang pag-unawa mo sa Aking Mga Mensahe ay lumalabo at pwedeng magkaroon ng mga kamalian. Mag-ingat ka, anak Ko, pag tinutukoy mo ang mga petsa ng mga propesiyang ibinibigay sa iyo. Pag sinabi Kong mga buwan, maaaring anumang oras sa loob ng isang taon. Huwag mong ipagkakamali ang pan-taong interpretasyon sa mga tagal ng panahon na ibinibigay Ko sa iyo. Wala pa Akong ibinigay na mga eksaktong petsa ng mga pangyayari, kundi mga gabay lamang. Mangyayari ang mga propesiyang ito, pero sa pamamagitan lamang ng Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan. Manalig ka pang lalo sa Akin. Ang iyong panalangin at yung sa mga alagad Ko, ay makakatulong para maantala, o sa ilang pagkakataon, ay maiwasan ang mga kalamidad. Lagi mo yung tatandaan.
Manalangin, Manalangin, Manalangin. Dahil pag ginawa mo ito mula sa puso, ang iyong mga panalangin ay pakikinggan. Ipanalangin mo lalo na yung mga pinuno ng mundo na ang buhay ay malapit nang tapusin sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at masasamang aksyon. Sila at yung matitigas ang puso, na nagkasala ng krimen laban sa sangkatauhan, ay pinaka-nangangailangan ng iyong mga panalangin.
Lagi mong ipapanalangin ang mga makasalanan dahil mahal Ko lahat Kong anak at kailangan Ko ang iyong mga panalangin para iligtas sila sa mga apoy ng Impiyerno.
Ang iyong Laging-Maawaing Jesucristo
Ang Giyerang inilulunsad ni Satanas para sirain ang kredibilidad ng Mga Mensaheng ito ay lalo pang tumitindi
Sabado, July 2, 2011 10:00 am
Pinakamamahal Kong anak, ang panahong ito ay magiging mahirap para sa iyo habang ang Mga Mensahe ay tumatagos sa mundo. Mas marami pang tao ang aatake sa Mga Mensaheng ito at pag ginawa nila ito, huwag mo silang pansinin. Ang Aking Banal na Salita ay ikinakalat na gaya ng sinabi Ko. Gusto Ko ngayong higit pang ipahayag ang mga pangunahing kahulugan ng Aking Mga Mensahe. Alam mo na itong gawin, kaya simulan mo na ngayong araw. Ang hinihiling Ko sa iyo ay hindi madali, pero bibigyan ka naman ng higit pang tulong para gawin ito.
Samantala, kakailanganin mong ipanalangin ka ng iba, dahil ang giyerang inilulunsad ni Satanas para sirain ang kredibilidad ng Mga Mensaheng ito ay lalo pang tumitindi. Kailangang manalangin ka para protektahan ka laban sa hapding idudulot niya sa iyo sa pamamagitan ng ibang mga tao. Tanggapin mong ang sunod-sunod na mga pagsubok na ito ay mahalaga para panatiliin kang mababang-loob. Dapat mong malaman na ikaw ang Aking Boses sa mundo. Itaguyod mo ang Aking Boses at gawin mo ito sa lalong madaling panahon. Mahal Kita, anak Ko. Sa Akin ka lubusang sumandig at dadalhin kita hanggang sa matapos ito.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang mga walang-diyos at mga siyentipiko ay sasabihing ang Babala ay isang ilusyon
Linggo, July 3, 2011 6:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang tumingin ka sa harapan nang deretso at sumunod sa Aking mga iniuutos. Huwag kang palingon-lingon sa tabi pag inaatake ka ni Masama bawat minuto ng araw. Sa Akin ka lang tumutok. Kailangan mong matutunang unawain na ang panahong ginugugol mo kasama Ko, lalo na sa Adoration, ay mahalaga kung gusto mong magawa nang ayos ang Misyong ito. Ang haba ng panahong ginugugol sa panalangin ay mahalaga rin dahil kung mas matagal ang matalik mong pakikipag-usap sa Akin, mas marami rin ang grasyang iyong tatanggapin. Pag hindi mo ito nagawa, iiwan mong bukas na bukas ang iyong sarili sa mga pag-atake ni Manloloko. Ang Aking Salita, anak Ko, ay binabale-wala ng mga ayaw makinig. Maraming dahilan ito. Marami sa Aking mga anak ngayon, ay nagbubulag-bulagan na sa Katotohanan ng kanilang espiritwal na pag-iral. Inaakap nila ang mundo at lahat ng iniaalok nito bilang kapalit ng Tinapay ng Buhay. Marami rin ang nag-iingat laban sa mga pekeng propeta, dahil ito ang panahon na ang mga pekeng propeta ay magsusulputan kung saan-saan. Ito ang kaguluhang gustong likhain ni Satanas para yung Aking tunay na mga sugo ay hindi mapansin. Dahil sa kababaang-loob na kinakailangan ng Aking piniling mga bisyonaryo, hindi nila pwedeng itaas ang kanilang sarili sa mata ng mundo, dahil hindi ito ang natural nila. Ang mga pekeng bisyonaryo ay ipipilit ang kanilang sarili para sumikat. Sa kanila mismong sarili sila nakatutok. Ang kanilang mga mensahe ay mukhang totoo at puno ng mabulaklak na mga salita, na magpapakita pa ng mga tekstong hango sa Banal na Biblia, kung saan babagay ang mga ito. Pero may dalawang pangunahing katangian na magbubulgar sa mga kasinungalingang sinasabi nila. Ang una ay, sila mismo ang sentro ng mga mensahe at pagpipiyestahan nila ang kanilang pagiging sikat. At pagkatapos ay ang mga mensahe mismo. Mahirap basahin ang mga ito at walang masyadong dating sa kaluluwa kaya madaling nalilimutan. Malungkot sabihin, anak Ko, pero nakagawian na ng Simbahan na bale-walain ang mga totoong bisyonaryo dahil kailangang magpakita sila ng pananagutan sa mga bagay na ito.
Kaya nga mas madali para sa Aking Simbahan na suportahan yung mga mensahe na may kasamang mga tekstong hango sa Banal na Biblia, at ideklarang totoo ang mga ito. Hindi ganung kadali para sa kanila na tanggapin ang kasimplihan ng Aking Mga Aral, lalo na sa panahong ito na ang malaking bahagi ng Katotohanan ay itinago sa likod ng maskara ng pagpayag. Hindi rin ganung kadaling tanggapin ang paalaala ng pangwakas na panahon, dahil ayaw kunin nung Aking sagradong mga alagad ang Aking Kopa at kumilos nang may responsabilidad, dahil takot sila at walang alam.
Ito na ang pinaka-importanteng panahon sa kasaysayan ng mundo. Lahat ng palatandaan ay ibinigay na sa Aking mga bisyonaryo sa loob ng nakaraang daang-taon, pero binale-wala at isinantabi habang ibinabaon nila ang kanilang ulo sa buhangin para wala silang makita. Ito na nga mismo ang panahon na ang Aking mga sagradong alagad ay kailangang ipahayag ang kahalagahan ng Aking pagbalik sa Lupa. Kailangang ihanda nila ang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila ng mga mangyayari pag hindi nila natubos ang kanilang sarili habang sila’y nasa Lupa pang ito, dahil hindi na sila pwedeng humingi ng tawad pagkatapos nilang mamatay. Nananawagan na Ako ngayon sa Aking sagradong mga lingkod. Bakit di nyo ito bigyang-diin sa inyong kawan? Bakit di nyo aktibong pinag-uusapan ang mga epekto sa Aking mga anak pag nangyari na ang Malaking Parusa? Di nyo ba alam na marami sa Aking mga anak ay mawawalan ng kaluluwa dahil sa antikristo, na narito na ngayon sa Lupang ito, at handa na siyang lumitaw dahil naghihintay lang siya sa tabi-tabi? Kailangang maunawaan ng Aking mga anak na ang Babala, isa man itong dakilang Akto ng Awa, ay unang yugto pa lamang ng panahong magiging mahirap at maraming pagsubok para sa lahat Kong anak. Dahil pagkatapos ng Babala, yung mga makasalanang matitigas ang puso, at ang mga alagad ni Satanas ay itatanggi ang Aking Pag-iral.
Sasabihin ng mga walang-diyos na ito’y isang pandaigdig na ilusyon. Ang mga siyentipiko naman ay maghahanap ng makatwirang paliwanag, pero wala nito.
Samantala, ang Aking mga alagad ay mahahati. Milyun-milyon ang magbabalik-loob, pero lilituhin sila ng mga kasinungalingang ikakalat ng masamang grupo, ang pamatay na organisasyong one world, na ang pakay ay wasakin ang maliliit na tao para sa kanila mismong kikitaing pera.
Mga anak, kung hindi sapat ang bilang ng mga taong mananatili sa totoong daan, hindi na posibleng iwasan ang haplit ng parusa. Dahil dito na kikilos ang Diyos Ama para pigilin ang mga makasalanan sa pagwasak sa Kanyang Sangnilikha at sa Kanyang mga anak. Magpapakawala Siya ng mga lindol na ang lakas ay di pa naranasan kailanman; mga bulkan sa pinaka-di-inaasahang mga lugar, at ang Lupa ay ihahagis na parang isang barko sa maalong dagat, at walang angkla para panatiliin ito sa isang lugar.
Mga anak, hayaan nyo naman ang Babala na iligtas kayong lahat. Tanggapin nyong ang milagrong ito ay tutulong sa pagsagip sa milyun-milyon, na nawala na sana. Pero para dun sa mga ayaw magbagong-buhay, pipiliin nila ang tahanan ni Satanas. Kung walang panalangin, wala na silang pag-asa, dahil mawawalan sila ng mga susi ng Bagong Paraiso sa Lupa. Sa halip, masusunog sila sa mga apoy ng Impiyerno. Kung alam lang nila kung saan sila dadalhin ng masamang daang ito, sa palagay nyo ba’y magbabago sila ng kanilang mga gawi?
Mga anak, tulungan nyo naman sila sa pagsasabi sa kanila ng Katotohanan. Ipanalangin nyo na maligtas ang kanilang mga kaluluwa kung ayaw nilang makinig, dahil yun na lang ang pwede nyong gawin.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Makatarungang Hukom at Hari ng Awa, Jesucristo
Para sa Aking Mga Alagad na sinisiraan ang Mga Mensaheng ito
Martes, July 5, 2011 2:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, espesyal ang araw na ito, dahil natutuwa Akong sabihin sa iyo na yung mga lumakas ang pananampalataya dahil sa Aking Mga Mensahe ay magagarantiyahang ang kanilang araw-araw na pagdarasal ng Divine Mercy ay nagliligtas ng mga kaluluwa. Hinding hindi dapat kalimutan ng Aking mga anak na ang mga panalangin, pag dinasal mula sa puso, ay laging pinapakinggan. Ang mga panalangin ay laging dinirinig at anumang espesyal na mga intensyon ay tinutupad ayon sa Aking Kabanal-banalang Loob.
Mga anak, ipagpatuloy nyo naman ang inyong mga panalangin dahil makakatulong itong ibsan ang panahon ng Malaking Kaparusahan. Ang Aking Ama ay handa nang pagharian ang Kanyang Banal na Kaharian at minsan pang simulan ang Kanyang Paghahari paglitaw ng Bagong Paraiso sa Lupa. Ang kasamaan sa mundo ngayon ay hindi pa naging kasin-tindi tulad ngayon. Dahil sa laki ng populasyon ng mundo at mga gawain ni Masama, merong giyera sa lahat ng lugar. Damang-dama ang pagkasuklam sa isa’t isa. Kung ang pagkasuklam na ito ay nakikita bilang kasakiman sa pulitika, o pag-kontrol sa mga bansa ng iba, pare-pareho lahat ito. Si Satanas ay maraming alagad. Silang mga alagad niya, kalimitan, ay hindi namamalayan kung paano niya iniimpluwensyahan ang bawat isip at gawa, sa bawat sandali, sa bawat araw. Kung makikita lang ng Aking mga anak ang dami ng mga demonyong nasa mga taong yun, sasamaan sila ng pakiramdam. Sinapian na ang marami sa Aking mga anak, at nakikita lamang ang palatandaan nito sa kanilang masasamang gawain. Manalangin, manalangin na kayo ngayon, Aking mga alagad, para ang mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang yun ay maligtas habang nangyayari Ang Babala. Mula ngayon hanggang mangyari Ang Babala, ang hinihiling Ko lamang sa inyo, mga anak, ay ang inyong mga panalangin at lalo na ang pagdarasal ng Divine Mercy. Ang Aking Ama ay magliligtas ng mga kaluluwa kung pangangatawanan nyong dasalin ito minsan sa isang araw, mas mabuti kung pag alas tres ng hapon.
Yun namang Aking mga alagad na sinisiraan ang Mga Mensaheng ito, parang awa nyo na, manalangin muna naman sana kayo sa Espirito Santo bago nyo ibasura ang Aking Banal na Salita. At yung mga nang-iinsulto sa Aking bisyonaryo at tagatanggap ng Mga Mensaheng ito, dapat nyong itanong ito. Kung si Satanas ang sa palagay nyo ay ang umiimpluwensya sa Mga Mensaheng ito, bakit niya kayo sasabihang manalangin, humingi ng tawad, tumanggap ng Banal na Komunyon? At malalaman nyo na imposibleng mangyari ito.
Iimpluwensyahan ni Manloloko ang Aking mga alagad unang-una, para udyukan silang tanggihan ang Aking Salita dahil alam niyang ang kanilang pagtanggi sa Aking Kabanal-banalang Mga Salita ng Pagmamahal ang pinaka-makakasakit sa Akin.
Talikuran nyo na ngayon din si Satanas at ang kanyang masasamang gawain. Sa Akin kayo lumapit. Nagmamakaawa Ako sa inyo, dahil hinding hindi nyo siya dapat payagang impluwensyahan kayo nang ganito. Ang inyong mga panalangin ay kinakailangan na ngayon para iligtas ang Aking kawawang mga anak na mamamatay dahil hindi nila natagalan ang Babala.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Kahalagahan ng Mga Sakramento – Kasal at Unang Banal na Komunyon
Miyerkules, July 6, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, pagmasdan mo ngayon ang paglago at pamumulaklak ng pananampalataya ng Aking mga anak. Habang nababalot sa kadiliman ang mundo, ang liwanag ng Aking mga alagad ay lalo pang tumitingkad araw-araw dahil sa Apoy ng Espirito Santo, na bumaba na sa buong mundo.
Ngayong araw, anak Ko, nais Kong paalalahanan ang lahat Kong alagad tungkol sa kahalagahan ng panalangin para mabawasan ang pagdurusa sa mundo.
Ang inyong mga panalangin ay tumutulong na ngayon para maiwasan ang maraming pandaigdig na kalamidad na naipropesiya na. Ang panalangin ang merong pinaka-makapangyarihang bisa para mabawasan ang paghihirap, at pag dinasal ito para sa iba, ito’y didinggin.
Natutuwa man Ako para sa mga malakas ang pananampalataya, natatakot pa rin Ako para sa mga tumatanggi sa Aking Dibinong Liwanag, ang Katotohanan. Maraming tao ngayon ang gumagala sa mundo na parang walang malay. Walang makapagdulot sa kanila ng kapayapaan. Walang makapagbigay sa kanila ng kaligayahan. Walang kaginhawahang materyal para mabawasan ang kanilang hapdi. Wala na ngang laman ang kanilang mga kaluluwa, ay nawawala pa ang mga ito. Ipanalangin nyo sila.
Anak Ko, ipanalangin mo naman ang Aking Vicar na si Pope Benedict, dahil napapaligiran na siya ng mga puwersang maka-mason na ginagawa ang lahat para alisin siya sa trono, yung masasamang puwersang palihim na pinasok ang Aking Simbahan simula pa noong Vatican II at hinaluan ng dumi ang Aking Mga Aral. Maraming batas ang ipinasa na labag sa Akin, lalo na yung pagbibigay ng Aking Banal na Komunyon ng mga layko o lay minister. Ang pambabastos sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng mga bagong batas na ipinasa para paginhawahin ang modernong lipunan ay malungkot Kong iniyakan.
Ang Kabanal-banalang Komunyon ay kailangang tanggapin sa pamamagitan ng dila at hindi dapat dungisan ng kamay ng tao. Pero ito mismo ang ginawa ng Aking mga sagradong lingkod. Ang mga batas na ito ay hindi ipinasa sa pamamagitan Ko sa Espirito. Ang Aking mga sagradong lingkod ay inakay sa daan na hindi tugma sa Mga Aral ng Aking mga apostol. Ngayon, ang Aking Mga Sakramento ay hindi na sine-seryoso, lalo na yung mga naghahangad ng Sakramento ng Kasal at Unang Banal na Komunyon.
Ang Pangako ng Kasal ay napaka-seryoso. Dahil kung natatandaan nyo pa, ito’y isang Sakramento na ginagawa sa Presensya ng Diyos Ama. Pero sa marami, materyalismo lang ang pinag-uusapan dito, at mga dekorasyong panlabas. Maraming tumatanggap ng Sakramento ng Kasal ang hindi inaako ang kahalagahan nito pagkatapos. Maraming napakadaling sumisira sa kanilang pangako pagkatapos. Bakit nila ito ginagawa? Bakit puro salita lang ang itatapat sa napakabanal na pagkakaisang ito para lamang maghiwalay agad pagkatapos? Pambabastos ito sa isa sa pinaka-mahalagang mga pagbubuklod na pinagpapala ng Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan. Maraming tao ang hindi sumusunod sa Loob ng Aking Ama na walang sinumang tao na paghihiwalayin ang ganung buklod pagkatapos, pero marami pa ring mga tao ang nagdi-diborsyo. Ang batas na ito ay hindi kinikilala ng Aking Ama. Ang diborsyo ay isang madaling paraan para takbuhan ang inyong mga responsabilidad. Lahat ng kasal ay gawa sa Langit. Walang sinumang tao na wawasak ng isang kasal nang hindi nagkakasala sa Aking Ama.
Unang Banal na Komunyon
Ang pagtanggap ng Aking Katawan sa Sakramento ng Eukaristiya sa kauna-unahang pagkakataon, ay isang halimbawa kung paano Ako nilalait. Ang daming magulang ang hindi pinapansin ang kahalagahan ng pagtanggap ng kanilang mga anak ng Katawan ng Buhay. Mas iniintindi pa nila kung gaano kaganda ang damit ng kanilang mga anak kaysa ang napakagandang Regalong kanilang tinatanggap. Dadalhin sila ng Regalong ito sa kaligtasan. Pero ang materyalismong nakapaligid sa okasyon ay walang kinalaman sa kanilang mga kaluluwa. Para sa Akin, ang pinakamalungkot na parte ay wala man lang sinabing kahit ano sa mga paslit na ito tungkol sa Akin. Ang Aking Pagmamahal sa maliliit na mga bata ay walang-hangganan. Pag tinanggap nila ang Banal na Eukaristiya nang may buong kaalaman kung ano ang kanilang tinatanggap, lubos na nalilinis ang kanilang mga kaluluwa. Pagdami ng beses na tinatanggap nila Ako nang ganito, paglakas din ng kanilang pananampalataya. Tandaan nyo, kung walang Mga Sakramento, hihina ang inyong pananampalataya. Sa paglipas ng panahon, pag ang inyong kaluluwa ay wala na ng Aking mga espesyal na biyaya, makakatulog na ito. Sa katagalan, lahat ng pananampalataya sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan ay mawawala at ang matitira na lang ay isang aandap-andap na pagkakilala na paminsan-minsan na lang maglalagablab. Magbalik kayo sa Akin sa pamamagitan ng Mga Sakramento. Irespeto nyo ang Mga Sakramento sa paraang nararapat, at muli nyong madaramang talaga ang Aking Presensya.
Tandaan nyo, ang Mga Sakramento ay nandyan para sa isang dahilan, at ito’y para palusugin ang inyong kaluluwa, na kailangan nito para sa buhay na walang-hanggan. Kung wala ang mga ito, ang inyong kaluluwa ay mamamatay.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo
Narcissism, o pagmamahal sa sarili lamang – isang masamang epidemya na nasa mundo ngayon
Huwebes, July 7, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, nais Kong ipagbigay-alam sa mundo na ang Aking Pag-ibig para sa kanila ay pinupuspos ang Aking buong Pag-iral, habang naghahanda Ako para sa Dakilang Babala. Nag-uumapaw ang Aking tuwa dahil alam Kong ang Aking mga anak, lalo na yung mga hindi nakakakilalala sa Akin, ay tatanggapin na rin, sa wakas, na Ako’y Umiiral, habang nangyayari ang Aking dakilang Akto ng Awa.
Isa sa mga nakakabagabag na mga katangian, na humawa na sa Aking mga anak, ay yung narcissism, o pagmamahal sa sarili lamang, sa mundong ito. Ang masamang epidemyang ito ay kalat na sa bawat lebel ng lipunan, at isa ito sa mga paboritong pang-atake ni Satanas dahil pinapasok ng kanyang mga demonyo ang mga kaluluwa ng Aking mga anak sa lahat ng dako. Makikita ang mga ito na pumoporma, at parang model kung kumilos para hangaan ng iba. Ang una nilang pag-ibig ay ang kanila mismong sarili lamang, at pag hindi pa sila nasiyahan dito, agaw-pansin sila sa mga nasa paligid nila para hikayatin ang mga ito na maging mga lantarang tagahanga nila.
Ganun na ka-grabe ngayon ang panghahawang ito ni Satanas sa mga kawawang kaluluwang ito, kaya mahirap na itong hindi mapansin. Ang pagkaloko nila sa kung ano ang kanilang itsura ay nauwi na sa mismong pagsira sa kanilang mga katawan at paggawa ng lahat ng kinakailangan mapagbigyan lang ang pagmamahal nila sa kanilang sarili.
Pag si Satanas ay naroroon sa ganung mga kaluluwa, napakadali yung makita. Puno ng kayabangan ang mga taong ito at malamang ay nasa mga pwesto sila ng kapangyarihan. Ang kasalanang narcissism ay lalo pang titindi sa pangwakas na mga panahon, kung saan sisiguraduhin ng marami na ang kanilang itsura, kapakanan at pagkamakasarili ay magdudulot ng pinsala sa kanilang mga kaibigan at maging sa kanila mismong pamilya. Ang pagmamahal sa sarili ay itinuturing sa mundo ngayon na isang kahanga-hangang katangian. Ang paghahangad ng kapakanang-pangsarili ay hinding hindi lubusang mabibigyang-kasiyahan dahil sisiguraduhin ni Satanas na ang mga taong ito ay maghahangad nang lalo’t lalo pa.
Mga anak, ang kasalanang kayabangan ay tumitindi na ngayon sa mundo. Huwag nyong tatanggapin ang ganitong asal bilang bahagi ng inyong pang-araw-araw na buhay. Napakaraming kabataan ang tinitingnan itong mga personalidad na merong tinatawag na perpeksyong pisikal bilang halimbawang dapat gayanin. Pero ang kanilang ugali ay dapat kaawaan kung imumulat nyo lang ang inyong mga mata at titingnan kung ano nga ba talaga ito. Ito’y isang paglabag sa Unang Utos, at kung magpapatuloy ang ganung mga tao sa ganitong daan, hahatakin sila ni Manloloko sa mas malaking gulo.
Ang narcissism ay makikita sa lahat ng larangan ng buhay, maging sa pulitika, moda, media, sine, pati na sa loob ng Akin Mismong Simbahan. Hindi nyo makakamtan ang kababaang-loob kung meron kayong sakit na narcissism. At kung walang kababaang-loob, hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Pipigilan ng Amang Walang-hanggan ang New World Order na usigin na nang tuluyan ang Kanyang Mga Anak
Biyernes, July 8, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, alam Kong pagod ka na sa Gawaing ito at kailangan mong magpahinga ng isa pang linggo, pero pakinggan mo muna ang Aking sasabihin.
Sabihan mo ang Aking mga anak na sila’y gumising na at tingnan ang gulo sa mundo kung saan kabi-kabila ang mga krisis pinansyal. Sabihan mo sila na kasakiman man ng tao ang medyo nagdulot ng pagkabaon nila sa utang, sa totoo lang, sinadya talaga ng One World Order na pabagsakin ang malalaking bangko para likhain ang krisis na ito.
Marami sa mga makakabasa ng Mensaheng ito ay ngingiti na lang at kukwestyunin ang katunayang ito, pero dapat din nilang malaman na kung hindi nila paninindigan at dedepensahan ang kanilang mga karapatan, mapipilitan silang tanggapin ang tatak ng halimaw para makuha nila ang kanilang pera.
Ang Bagong Pera ng Mundo ay ibibigay sa isang di-makapaniwalang mundo
Ang Bagong Pera ng Mundo, na ibibigay sa isang di-makapaniwalang komunidad, ay dinisenyo para kontrolin kayo. At pag nangyari na yun, tatangkain nilang pagkaitan kayo ng pagkain. Maliban na lang kung tatanggapin na ngayon ng Aking mga anak ang realidad na ito, wala silang kalaban-laban pag sumailalim na sila sa kontrol ng isang New World Order, na pinamumunuan ng mga puwersang maka-mason. Maghanda na kayo, Aking mga anak, dahil kahit na ang Babala ay magdulot ng pagbabalik-loob ng milyun-milyon, pati na yung mga tapat sa One World Order, hindi pa rin ito magiging sapat para pigilin ang masasamang mga alipin na ito ni Satanas at ng antikristo. Pag wala na kayong kontrol sa inyong pera, mahihirapan na kayong depensahan ang inyong karapatan sa pag-aari, pagkain at kalusugan, ang tatlong bagay na kokontrolin nila, kung hindi nyo isisigaw na ngayon ang inyong pagtutol dito. Pigilan nyo kaagad ang inyong mga pinuno. Huwag kayong magpakaya at magpatakot sa kanila. Kung sapat ang dami nyo na alerto sa masama at maka-halimaw na planong ito, magagawa nyong bigyan ng babala ang iba.
Planuhin nyo na ngayon ang pagkukunan nyo ng pagkain
Planuhin nyo na ngayon ang pagkukunan nyo ng pagkain. Bumili kayo ng mga binhi at palaguin nyo para kayo’y mabuhay. Bumili kayo ng mga baryang pilak o ginto, para makabili kayo ng inyong mga kakailanganin. At pinakamahalaga sa lahat, maghanap kayo ng mga lokasyon na grupo-grupo kayong makakapagtipun-tipun para mag-alay ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Dahil darating ang panahon na susunugin at magiging abo na lamang sa lupa ang inyong mga simbahan.
Ang mga alagad ni Satanas ay parang mga langgam, libu-libo sila kung dumami
Huwag na huwag nyong tatanggapin ang tatak, o ang chip ng halimaw. Manalangin, ipanalangin nyo na ang inyong tahanan ay bibigyan ng espesyal na mga pagpapala para protektahan kayo laban sa hukbong magtatangkang palayasin kayo sa inyong tahanan. Ang mga alagad ni Satanas ay parang mga langgam, libu-libo sila kung dumami oras-oras. Kayo, mga anak Ko, ay kailangan na ngayong manalangin at labanan ang sunud-sunod na kasamaang ito na pinaplano ng New World Order, na naglalaway sa posibilidad na ma-kontrol nila ang buong mundo. Planuhin nyong magkaroon ng mga benditadong kandila sa inyong tahanan. Mag-imbak na kayo ngayon dahil pananatilihin kayo nito sa liwanag ng proteksyon. Magplano na kayo ngayon kung ayaw nyong maging alipin ng pangit na doktrinang ito.
Bumili na kayo ng mga gas stove, blanket, tuyo at de-latang pagkain, mga tabletang naglilinis ng tubig at mga kandila, pati na mga relihiyosong imahen para matagalan nyo ng inyong pamilya ang Malaking Kaparusahang darating kasunod ng Babala.
Ang mga panalangin ay nakakabawas na sa tindi ng dagok ng Malaking Kaparusahan, pero lagi kayong maging alerto, mga anak Ko. Kung magiging maingat kayo sa inyong paghahanda, matatagalan nyo ang malaking pambobombang pinaplano, na magiging mas masahol pa kaysa nangyari sa mga Hudyo, sa ilalim ng paghahari ng disipulo ni Satanas – na si Hitler.
Panatag nyong sundin ang babalang ito. Dahil kung sapat ang inyong paghahanda, maliligtasan nyo ang kasamaang pinaplano ng New World Order. Para naman sa ilan sa inyo na sangkot sa New World Order, pakinggan nyo na Ako ngayon. Magsisi na kayo. Sundin nyo ang Babala dahil sa ibinibigay nito sa inyo – isang pagkakataon para talikuran nyo si Satanas at ang mga apoy ng Impiyerno.
Payo sa mga lingkod ng Simbahan
Para naman sa Aking mga sagradong lingkod, ito ang kailangan Kong sabihin sa inyo. Itutok nyo ang inyong paningin sa Akin ngayon at manalangin kayo sa Espirito Santo na lagi kayong gawing handa, para makilala nyo ang pekeng propeta sa sandaling magpakita siya sa inyong hanay. Pag nagkaganun, kailangan nyong magsama-sama, nang grupo-grupo para siguraduhing ang Aking mga anak ay makakatanggap ng Kabanal-banalang Komunyon habang nangyayari ang pang-uusig.
Ang Kamay ng Aking Ama ay handa na ngayong bumagsak, nang napakalakas, dun sa mga masasama at mayayabang na mga pinuno ng mga bangko, mga Western at Eastern power na palihim na nagpaplano kung paano nila kayong lahat kokontrolin. Wawasakin ng Aking Amang Walang-hanggan lahat ng kanilang hapening at paraan para pigilin ang tuluyan nilang pag-usig na pinaplano nila laban sa Kanyang mga anak. Hindi Niya ito mapapayagan. Tandaan nyo, mga anak, gusto ng Diyos Amang Walang-hanggan na protektahan kayong lahat. Tuluyan na Siyang naubusan ng pasensya. Tatanggapin Niya, hanggang sa kahuli-hulihang sandali, yung mga lalapit sa Kanya para humingi ng tawad. Pero kailangan na Niya ngayong patigilin yung masasamang rehimen na magdulot ng kilabot sa natitira Niyang Sangnilikha.
Mahal kasi Niya ang Kanyang mga anak kaya Niya ito ginagawa. Yung mga nagsasabing ang Diyos Ama ay hindi naman pwedeng magalit dahil mahal Niya lahat, ito ang tandaan nyo. Oo, galit Siya, at makatwiran ang Kanyang Galit dahil sa kasamaan ng kawalang-hustisyang ginagawa sa Kanyang mahal na pamilya. Minsan pa, pagkakaisahin Niya lahat ng Kanyang anak para mamuhay sa kapayapaan, sa wakas, magpakailanman.
Tandaan nyo, mga anak, na tingnan ang mga palatandaan sa inyong paligid, ang maraming giyera, ang kahirapan ng pera, ang kakulangan sa pagkain, ang kakulangan ng mga serbisyong pangkalusugan, at maniwala kayong ito’y kagagawan ni Masama. Hindi ito gawa ng Diyos Amang Walang-hanggan. Hindi na Niya pwedeng palampasin pa ang ganitong asal. Magpasalamat kayo at Siya’y umaaksyon, dahil kung hindi, ay mawawasak ang Kanyang Sangnilikha. At hindi Niya mapapayagang mangyari ito.
Ang inyong minamahal na Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan, Manunubos ng Mundo
Ipagbigay-alam mo sa Aking sagradong mga lingkod ang nilalaman ng mga ito, para maihanda nila ang kanilang kawan
Sabado, July 9, 2011 4:00 pm
Pinakamamahal kong anak, kung kailan bumilis ang pag-abante mo dahil kompiyansa ka na sa pag-unawa sa Aking Mga Mensahe, saka ka naman hihinto at pahihirapan ka ng mga pagdududa. Ang mga pagdududang ito, sa yugtong ito ng Aking pakikipag-usap sa iyo, ay pwedeng problemahin mo. Para sa bawat hakbang mong paatras, ito’y isang pagsubok sa iyong pananampalataya, anak Ko. Dahil walang sinumang tao na dapat mag-akalang sila’y laging karapat-dapat sa Akin. Tanggapin mo ang pagdurusang ito, anak Ko, dahil ang mga pagsubok na ito ay lagi kang guguluhin sa Gawaing ito. Manalig ka sa Akin at palagi mong isuko ang iyong malayang loob para matulungan kang maging mas matatag sa Gawaing ito.
Anak ko, sa panahong ito, may ilang bisyonaryo Akong kinakausap, sa tulong ng Aking Pinagpalang Ina, ni Michael the Archangel at ng Santisima Trinidad, pero mas konti sila kaysa akala mo. Ang ilan sa mga apostol ay nakakubli, at ang mga santo lamang sa langit ang nakakaalam tungkol sa kanilang gawain. Nandyan din yung mga makikilala ng mundo bilang Aking mga sugo sa paglipas ng panahon. Isa ka sa mga ito. Ang Misyong ito ay hindi magiging madali, anak Ko, kaya nga Kita pinapayagang makaranas ng mga pagkaantala, mga pagsubok at mga kamalian. Pag nakasanayan mo na ang mga pangyayaring ito ay saka ka lamang magiging lalo’t lalo pang malakas, hanggang sa wala ka nang pakialam kung anuman ang isipin ng iba tungkol sa iyo. Kasama mo Akong naglalakad sa bawat hakbang mo sa Misyong ito at huwag na huwag mo yun kalilimutan.
Importanteng siguraduhin mo na ang pinakamaraming kaluluwang pwedeng mabigyan, ay mabigyan nga ng Katotohanan ng Aking Salita. Kailangang ipagbigay-alam mo sa Aking sagradong mga lingkod ang nilalaman ng mga ito para maihanda nila ang kanilang kawan bago mangyari Ang Babala. Hindi na mahalaga na pagtibayin pa ng Simbahan ang mga Mensaheng ito, dahil kukulangin na sila sa panahon. Sila, ang Aking sagradong mga lingkod, ay mangangailangan ng maraming, maraming taon para maniwala sa Aking Mga Mensahe, kaya sige ka lang nang sige.
Ikaw, anak Ko, ay gagawa ng maraming kaaway sa Ngalan Ko. Ito’y isang bagay na dapat mo nang tanggapin, kaya huwag mong hahayaang maharang ka ng mga balakid na yun sa iyong daan. Ang Aking Mga Mensahe ay napagbalik-loob na ang libu-libong naliligaw na kaluluwa. Kaya napakahalagang lagi mo Akong susundin, para mas maraming kaluluwa ang maligtas.
Alam Kong nalulungkot ka sa iyong pag-iisa at natatakot dahil sa Gawaing ito, pero kung maaalala mo, ang pinipili Ko lamang ay yung mga bukas ang puso at may sapat na tapang para ipahayag ang Aking Salita. Sa ganun, ang pagiging matatag mo ay tutulong para mapabilis ang pagbibigay ng mga Mensaheng ito sa mas maraming tagapakinig. Kaya huwag na huwag ka namang malungkot. Dahil sikapin mo mang makaramdam ng tuwa sa iyong puso, bihira itong mangyayari pag pinapasan mo ang Aking Krus. Lagi kang magdurusa sa Ngalan Ko at malalaman mo na matatagalan pa bago mo madama ang malakas na bugso ng kaligayahan. Ang pagdurusa mo ay nagliligtas ng milyun-milyong kaluluwa kaya dapat mo itong ipagpasalamat. Lahat na ng santo ay nagtatrabahong kakampi mo para patatagin ka at protektahan ka laban kay Satanas, na gagawin lahat para pigilan ka. Pero hindi niya kailanman magagawa yun dahil ang Kamay ng Aking Ama ay hahampasin at pababagsakin yung mga magtatangkang sabutahihin ang Aking Gawain na iligtas ang pinakamaraming kaluluwang magagawa Kong iligtas sa pamamagitan mo. Sumandig ka sa Akin at Ako ang magpapatakbo ng Gawaing ito, para ang Aking Mga Mensahe ay marinig ng milyun-milyon, mananampalataya at di-mananampalataya, sa bawat sulok ng mundo.
Ang iyong minamahal na Guro
Tagapagligtas ng Sangkatauhan, Jesucristo
Huwag matakot, ang pagbabalik-loob ay lilikha ng isang dakilang damdamin ng pag-ibig at kapayapaan
Linggo, July 10, 2011 12:10 pm
Pinakamamahal Kong anak, yung marami Kong anak na natatakot sa Aking Mga Mensahe at nahihirapang harapin ang mga ito, pakinggan nyo naman Ako ngayon. Ang kasamaang lumalaganap sa buong mundo ay kagagawan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng kasalanan. Hindi ito pwedeng magpatuloy. Huwag naman kayong matakot, dahil hindi babaguhin ng takot ang mga plano na isinasakatuparan na ng masamang Grupong One World. Kayo, mga anak Ko, ay kailangang masabihan kung ano na nga ba ang nangyayari. Importanteng mabigyan ng babala ang lahat tungkol sa mga kilos ng Grupong ito at ang kanilang masasamang mga plano na ginawa nila para kontrolin kayo.
Mainit nyo namang tanggapin Ang Babala
Ang Aking Babala, ang dakilang Akto ng Awa, ay ganung ka-dakilang Regalong Pag-ibig, kaya mainit nyo namang tanggapin ito, dahil magbubunsod ito ng maraming pagbabalik-loob. Ganun na lamang ang paglaganap ng pagbabalik-loob kaya lilikha ito ng isang dakilang damdamin ng pag-ibig at kapayapaan pag ang Aking mga anak ay naging mababang-loob dahil sa Dakilang Pangyayaring ito. Kaya sila’y lalakas dahil sa dami nila. Pagdami ng mga taong naniniwala sa Katotohanan, paghina naman ng dagok ng Grupong New World. Panalangin, maraming panalangin, ang mag-iiwas sa inyo sa pinsalang tatangkain nilang gawin. Kaya huwag nyo namang kalilimutang dasalin ang Santo Rosaryo at ang Divine Mercy, dahil pag pinagsama ang dalawang ito, makakatulong itong burahin ang malaking bahagi ng nalalapit na kasamaang ito. Hayo na at huwag matakot. Panabikan nyo ang isang bagong simula, isang bagong kapayapaan kung saan ang kasamaan ay aalisin na nang tuluyan.
Pangako Ko yun sa inyo, mga anak.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Manawagan kayo sa mga sikat na personalidad para ikalat ang Aking Salita
Miyerkules, July 13, 2011 4:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, pag Ako’y tinalikuran mo, mahihirapan ka nang matagpuan Akong muli. Alam Kong sa palagay mo’y mahihirap ang Aking mga hinihiling sa iyo, pero ang Aking Salita, na dapat ibigay sa mundo, ay kailangang-kailangan na, kaya dapat mo Akong sundin gaya ng hiniling Ko sa iyo.
Kung maaalala mo, isinuko mo na ang iyong malayang loob sa Akin, anak Ko, at napakagandang regalo nito. Para bigyang-dangal ang regalong yun ay mahirap para sa iyo, dahil tao ka lang naman. Ngayo’y muli Akong nananawagan sa iyo na pakinggan ang Aking tawag at gumugol ka ng mas mahabang panahon Kasama Ko. Kailangan Kong ipadama sa iyo ang Aking Pagmamahal, hindi lamang ang Pag-ibig Ko para sa iyo, kundi yung para rin sa bawat isa sa Aking mga anak sa Lupang ito.
Gusto Kong ang Aking mga alagad ay ikalat ang Aking Salita ng kapayapaan at pagkakasundo sa buong mundo. Kailangan nilang mag-volunteer sa lahat ng lugar para ipaalala sa bawat isa na kailangang itaguyod ang Aking Mga Mensahe ng Pag-ibig. Sabihan nyo naman ang mga manganganta, ang media, ang mga personalidad o sinumang ang boses ay pinapakinggan at nirerespeto, na dinggin ang Aking mga pakiusap. Kunin nyo ang Aking Kalis ng Pag-ibig. Uminom kayo mula rito, dahil ibibigay nito sa inyo ang kaligtasang inyong pinananabikan, hindi lang sa mundong ito kundi pati sa susunod na buhay. Sabihin nyo ito sa inyo mismong mga alagad.
Nasa sa inyo na kung paano nyo ito gagawin, dahil yung mga tutugon sa Aking panawagan ay bibigyan ng Regalong mga grasya na kinakailangan para gawin ang Kabanal-banalang Gawaing ito. Mga anak, tandaan nyo ito.
Pagdami nyo na maninindigan ngayon na ikalat ang Aking Kabanal-banalang Salita at sabihin sa lahat ang Katotohanan, pagdali rin para sa Aking mga anak na mapagdaanan ang Malaking Kaparusahan, pati na yung pang-uusig na pinaplano ng New World Order.
Ang Aking Mensahe sa sangkatauhan ay kailangang pakinggan, suriin at aksyunan para ipaalala sa lahat na kinakailangan nilang buksan ang kanilang isip para tanggapin na Merong Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, ang Siyang Banal, ang Siyang Makapangyarihan, dahil pag ginawa nila ito, maghaharing muli ang kapayapaan.
Alang-alang na lang sa Sakripisyong ginawa Ko para sa inyong lahat sa pamamagitan ng Aking pagkamatay sa Krus, dinggin nyo ang Aking panawagan at gawin nyo lahat ng inyong magagawa para ipaunawa sa lahat nyong kakilala, na Ako’y nakikipag-usap sa buong mundo gaya ng ginawa ng Aking Ama sa pamamagitan ng mga propeta bago sumapit ang Aking panahon sa Lupa. Magpakatatag kayo. Maging matapang. Manalangin kayo sa Akin na kayo’y gabayan habang ginagawa nyo ang inyong krusada alang-alang sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Jesucristo
Hari ng Sangkatauhan
Tagapagligtas at Manunubos
Ang Aking Mga Mensahe ay magdadala ng mga luha ng pagbabalik-loob
Huwebes, July 14, 2011 2:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, huwag na huwag mong kakalimutan na yung mga magsasalita sa Ngalan Ko ay hahamakin, pagtatawanan at pagmumukhaing tanga. Ito ang krus na sinasabi Ko. Huwag na huwag kayong masisiraan ng loob pag nangyari ito.
Marami na ngayong kumukwestyon sa Aking Sagradong Salita. Merong mga tapat kung magtanong, dahil mahal nila Ako, samantalang meron din namang ang tanong ay ginawa para lang pagmukhaing kalokohan lang at walang-saysay ang Aking Salita. Kailangang tanggapin na ng Aking mga anak na mas dadagdagan Ko pa ang Aking pakikipag-usap sa inyong lahat dahil kulang na sa panahon. Kwestyunin man ang Aking Salita, matuwa pa rin kayo, dahil alam nyo na pag ganito Ako makipag-usap sa Aking mga anak ay magkakaroon talaga nang mga balakid. Dito nyo malalamang Ako nga ito. Kung sa pagbasa ng Aking Mga Mensahe, ay ang Aking mga anak ay naluluha, alam na nilang ang mga ito ay mga luha ng pagbabalik-loob – isang Regalo sa bawat isa sa inyo sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo.
Marami sa Aking mga anak ay naguguluhan dahil pag ibinigay ang Aking Salita sa mundo sa ganitong paraan, nasisira Ko ang kanilang diskarte. Ang Salita Ko’y hindi magdudulot ng tuwa sa bawat kaluluwa, dahil kung minsan ay nakakatakot ang Katotohanan. Kung uupo muna sila nang ayos at hahayaan ang Aking kapayapaan na bumaha sa kanilang kaluluwa pag isinuko nila ang kanilang sarili sa Aking Banal na Loob, mararanasan nila ang tunay na kasiyahan. Manalig kayo sa Akin, mga anak. Huwag nyo Akong dedmahin. Pakinggan nyong mabuti ang Aking sasabihin at isasama Ko kayo sa Aking paglalakbay tungo sa walang-hanggang kaligtasan.
Tandaan nyo, ang Diyos Ama na ngayon ang namamahala sa Kanyang Kaharian, na walang sinumang tao ang magagawang itumba ito. Anumang pagtatangkang gawin yun ay mabibigo. Habang ang mga makasalanan ay patuloy na iniinsulto Ako at ang Aking Amang Walang-hanggan, ang Kanyang Kamay ay nakaamba na para mabilis na bumagsak. Dahil sa Babala, magpipigil Siya hanggang makamtan ang pagbabalik-loob.
Samantala, yung lahat ng hindi tumatanggap sa Katotohanan, dapat nyong malaman na kokonti na ang inyong panahon para ihanda ang inyong mga kaluluwa.
Ipanalangin nyo ang isa’t isa para ang mga kaluluwa ay maligtas.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng Sangkatauhan
Pagpatay, Euthanasia, Aborsyon at Pagpapakamatay
Biyernes, July 15, 2011 5:30 pm
Anak Ko, pag ang Aking mga anak ay nakakaramdam ng pagmamahal sa kanilang puso, nakakasigurado sila na Ako’y naroroon sa kanilang mga kaluluwa. Ang Aking Pag-ibig ay gagawing laging malakas ang Aking mga anak sa panahong hindi nila inaasahan. Totoo rin ito para sa mga tigasing mga makasalanan, na ang makunat na balat ay kalimita’y nagkukubli pala ng isang pusong mamon.
Bawat tao sa Lupa ay isang anak na nilikha ng Diyos Ama. Dahil dito, may Liwanag na nananahan sa kalooban ng bawat tao, gaano man ito kalabo pag ang kaluluwa ay naaakit ng kadiliman. Pero naroroon pa rin ang Aking Liwanag, dahil kung wala ito, magkakaroon ng lubos na kadiliman kung saan hindi na sila makakakilos nang matino. Pag ang mga kaluluwa ay umabot na sa ganitong nakakakilabot na kalagayan ng kadiliman, dito na sila kalimitan nagpapakamatay. Ito na yung panahon na, dahil sa kahinaan ng kanilang kaluluwa at espirito ay nagagawa ni Satanas na nakawin ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanila na wakasan na nila ang kanilang buhay. Marami sa Aking mga alagad ang hindi nakakaunawa sa kalagayang idudulot ng ganung kadiliman sa isang kaluluwa, kaya kailangan nilang taimtim na ipanalangin ang mga anak na ito na nasa ganitong kalagayan ng kawalang-pag-asa.
Ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan ay laging-Maawain at lagi Niyang tutulungan ang mga kaluluwang ito, na ang marami sa kanila ay ganun na lamang ang pagdurusa kaya wala na sila sa wastong pag-iisip. Ang kasalanang mortal ay magagawa lamang pag ang isang tao, na nasa wastong pag-iisip, ay malinaw ang intensyon, pag alam niya na ang kanyang ginagawa ay mali. Kaya huwag nyo namang ipalagay na ang ganung mga kaluluwa ay tuluyan nang nawala, dahil marami ang hindi alam ang kanilang ginagawa.
Dapat nyong malaman na ang euthanasia, o pagpatay dahil sa awa, ay hindi nagugustuhan ng Aking Ama at hindi Niya ito pinapayagan, dahil walang sinumang tao na pwedeng sadyaing kumitil ng buhay o pumatay ng kanyang kapwa. Walang dahilan na pwedeng ibigay para bigyang-katwiran ito sa Ngalan ng Aking Ama. Pagpayag at pagka-makatao ang kalimitang ibinibigay na katwiran para sa ganitong gawain, pero walang sinumang tao, maliban sa Amang Makapangyarihan-sa-lahat, ang makakapagpasiya sa petsa ng kamatayan, dahil hindi ito karapatan ng tao. Hindi siya kailanman bibigyan ng karapatang gumawa ng kasalanang mortal na ito.
Lahat na ng klaseng dahilan ay ibibigay ng tao, pag siya’y pumapatay ng kapwa, pero wala ni isa sa mga ito ang ituturing na makatwiran sa kahit anumang pagkakataon. Ang tinutukoy dito ay ang pagkitil ng buhay, ang kasalanan ng aborsyon at ang euthanasia. Umupo kayo nang ayos, lahat kayo, at tandaan nyo na magiging matindi ang hatol sa inyo pag nilabag nyo ang pinaka-Sagrado sa lahat ng Mga Utos ng Aking Ama – Huwag Kang Papatay. Tandaan nyo na iisa lamang ang Diyos at Siya lamang ang makakapagdesisyon kung kailan kukunin ang buhay. Labagin nyo ang Utos na ito nang meron kayong lubos na kaalaman tungkol sa inyong ginagawa, at pagdurusahan nyo ang parusa ng Impiyerno magpakailanman.
Isinasamo Ko sa inyo, huwag naman kayong bibigay sa pamimilit ni Satanas, na laging itinataguyod ang pagkitil ng buhay para manakaw niya ang mga kaluluwa na papunta sana sa Maluwalhating Kaharian ng Aking Ama.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Guro at Manunubos, Jesucristo
Magkaisa kayo ng inyong pamilya para tamasahin ang Bagong Paraiso sa Lupa
Sabado, July 16, 2011 11:00 am
Pinakamamahal Kong anak, pag ang mga kaluluwa ay naliligaw, pwedeng sa panlabas na itsura ay magmukhang ang saya-saya nila at sobrang nagtatamasa sa buhay. Pero pwedeng sila’y nawawala sa Akin, at nagdudulot ito sa Akin ng matinding lungkot. Ang daming tao sa mundo na sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay napakaraming ginagawa, sobrang bisi kaya nalilimutan na nila na ang Lupang ito ay yari sa putik, na ang panahong ginugugol dito ay napakaikli lang, na yung mga ari-arian ay nawawala ring lahat sa katagalan, na ang tao, pag namatay, ay nagiging putik, pero ang kanyang kaluluwa ay nananatiling buhay at hindi kailanman mamamatay. Ang kaluluwa ay magpapatuloy na umiral magpakailanman.
Sinasabi Ko na sa inyo ngayon, mga anak Ko, na magkaisa kayo ng inyong pamilya at mga kaibigan, malapit sa Aking Puso, dahil pag ginawa nyo ito, tatamasahin nyo ang Bagong Paraiso sa Lupa sa loob ng 1,000 taon, na kayo’y nagkakaisa pa rin. Pangako Ko ito sa inyong lahat. Mamuhay kayo nang responsable. Lagi rin nyong uunahin ang inyong pamilya bago ang lahat sa Lupang ito. Lagi kayong mananalig sa Akin.
Dalhin nyo ang inyong pamilya sa Akin. Kung ayaw nilang sumama, magdasal kayo sa Akin at bibigyan Ko sila ng pampalakas ng loob na kanilang kailangan. Lagi Kong tinutugon ang mga panalangin para magligtas ng mga kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang sinumang tao na nagsasabing Ako siya ay isang sinungaling, dahil hindi Ko kailanman Ipapakita ang Aking Sarili na nasa Katawan ng isang tao
Linggo, July 17, 2011 3:40 pm
Pinakamamahal Kong anak, malapit nang dumating ang panahon na pinaka-nakakalito, kung saan magkakaroon, hindi lamang ng mga impostor na magsasabing dumarating sila sa Ngalan Ko, kundi yung mga magsasabing Ako sila. Kailangang maunawaan ito ng Aking mga anak. Dumating Ako nung unang beses bilang tao para sagipin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa pagkakataong ito naman, darating Ako para Maghukom. Marami man ang makaharap Ko habang nangyayari Ang Babala, hindi Ako darating sa ikalawang beses hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang sinumang tao na nagsasabing Ako siya ay isang sinungaling. Ang mga ganung kaluluwa, at marami sila, anak Ko, ay wala namang masamang intensyon. Sobra lang talaga silang naloko ni Manloloko, na kinumbinsi silang hindi lamang sila nag-aangkin ng mga Makalangit na kapangyarihan, kundi sila’y Anak ng Diyos na Nagkatawang-tao. Pero hindi ito totoo, dahil hindi Ako kailanman magpapakita ng Aking Sarili na nasa katawan ng ibang tao sa Lupang ito.
Imposible ito. Walang sinumang tao na karapat-dapat sa ganung karangalan, dahil hindi ito nai-propesiya.
Marami ngayong haharap at magsasabing sila ay Ako, si Jesucristong Anak ng Diyos. Para sa kawawang mga kaluluwang yun, ito ang masasabi Ko. Lumuhod kayo, ngayon din, at hilingin sa Diyos Ama na kayo’y protektahan laban kay Manloloko. Gusto niya kayong lituhin para kayo naman, ay hindi lamang nyo lilituhin ang Aking mga anak na naghihintay ng Aking pagbabalik sa Lupa, kundi patitindihin nyo pa ang panlalait ng mga atheist na walang kinikilalang Diyos. Hindi lamang kayo nagbibigay ng kahihiyan sa Aking Ngalan, kundi wala kayong kamalay-malay na pinatatalikod nyo ang mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Gusto Ko ring bigyan ng babala yung mga nagsasabing sila’y gumagawa ng mga milagro. Ang sinumang nagsasabi nang ganito, na may angkin silang ganitong kapangyarihan, ay hindi mula sa Diyos, dahil iisa lamang ang Diyos, at Siya lamang o Ako, ang Kanyang minamahal na Anak, ang makakagawa nito. Si Satanas naman ay meron ding mga kapangyarihan. Nakakalikha siya ng mga ilusyon. Yun namang tungkol sa mga milagrong pagpapagaling na nagagawa ni Satanas sa pamamagitan nung mga, kung tawagin ay, mga faith healer, na mula sa kadiliman kumukuha ng kapangyarihan, mukhang may milagro nga, pero panandaliang remedyo lang pala. Hindi rin nagtatagal. Si Satanas ay nakakagawa rin ng mga milagro, kuno, tulad ng mga pangitain sa kalangitan na nakikita ng marami. Minsan pa, mga ilusyon din ang mga ito at hindi sa Diyos.
Mga anak, habang sinisikap nyong maging tapat sa Akin, kayo’y tinutukso ng mga puwersa ng kasamaan araw-araw. Kinakailangang sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan lamang kayo tumutok. At inyong tatandaan, na hindi Ako naglalakad sa Lupang ito bilang isang tao. Maaaring naroon Ako sa Lupa sa Espirito, pero hindi Ako kailanman magpapakita ng Aking Sarili na nasa katawan ng sinumang tao.
Ipanalangin nyong kayo’y gabayan araw-araw at malaman kung alin ang mga kasinungalingan at kung alin ang Katotohanan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang pipiliin nyong armas ay ang pagmamahal nyo sa Akin
Martes, July 19, 2011 11:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, salamat naman at bumabalik ka na sa dati mong mga gawain, matapos ang maikling bakasyon. Mas lalakas ka dahil dito, pero tandaan mo naman na kailangan mo pa ring laging tumutok sa Akin.
Ang Pag-ibig Ko para sa lahat Kong anak ay napakatindi at iba ito sa pag-ibig na maluwag na sinasambit sa mundong ito. Nararamdaman ng Aking mga anak ang Aking Pag-ibig pag pinagbubuksan nila Ako ng pinto sa tuwing Ako’y kakatok. Pag Ako’y nasa may pintuan na nila, dalawa ang kanilang pagpipilian. Buksan ang pinto at Ako’y papasukin, o pagsarhan Ako ng pinto. Pag naman pinapasok nila Ako sa kanilang kaluluwa, ang Pag-ibig Ko’y nanunuot sa kaloob-looban ng kanilang pagkatao. Magugulat na lang sila dahil bigla silang nanghihina. Napakatindi nito, napakasaya, kaya hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na sabihin sa iba ang kanilang magandang balita.
Para sa Aking minamahal na mga alagad na nagmamahal sa Akin, dapat nyo itong malaman. Dahil sa inyong pagmamahal at debosyon sa Akin, pinasisinag Ko mula sa inyo ang Aking Pag-ibig kaya nakakahawa ito at kumakalat para akapin ang iba pang mga kaluluwa. Pag pinapasok nyo Ako sa inyong puso, pupunuin Ko kayo ng grasya ng Espirito Santo, para masabi nyo sa lahat kung ano ang kinakailangan Kong sabihin sa inyo ngayon.
Una sa lahat, minamahal Ko kayo nang may napakalalim na pagmamahal mula sa Aking Puso. Pangalawa, dahil sa Aking Pag-ibig, aalisin Ko na ang kasamaan sa mundo para maisama Ko na lahat Kong anak pabalik sa akap ng inyong laging-Nagmamahal na Maykapal, ang Diyos Ama.
Sana naman, wala ni isa sa inyo, mga tapat Kong mga alagad, ang matatakot habang sa paglipas ng mga linggo ay lalong nalalapit Ang Babala. Dahil pag nangyari itong dakilang Akto ng Aking Awa, ang laking tuwa lang nyo. Dahil ang Aking Regalo sa inyo ay gawin kayong mas malapit sa Aking Puso kaysa dati. Gagawin kayo nitong napakalakas, kaya walang-atubili kayong lulutang tungo sa Bagong Paraiso sa Lupa dahil napakadali nga talaga ng paglipat nyong ito.
Ang Pag-ibig Ko ngayon ay mas malakas pa kaysa dati habang kayo, minamahal Kong mga alagad, ay ginagawa nyo lahat para ikalat ang Aking Salita. Gamitin nyo lahat ng paraang pwede nyong gamitin para sabihan ang mga tao na maghanda na sila para sa Babala. Matapang kayo, mga anak Ko, at pinasasaya nyo at pinaliligaya ang Aking Nalulungkot na Puso, na bawat saglit ay nananabik na magligtas ng lahat ng Aking nawawalang mga kaluluwa.
Umaasa Ako ngayon sa inyo na buong taimtim nyong ipananalangin yung mga makasalanang hindi makakayanan ang pagsubok na ibibigay sa kanila ng Babala. Hayo na, Aking malakas at mapagmahal na hukbo. Ang pipiliin nyong armas ay ang inyong pagmamahal sa Akin. Alam nyo sa inyong puso na Ako ito na kumakatok ngayon sa inyong pinto. Ngayon naman, kayo ang kailangang kumatok sa pinto ng Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo at siguraduhing mababasa nila ang Aking Banal na Salita.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Manunubos
Jesucristo
Kayo ngayo’y nasa kalagitnaan na ng Pagsubok
Miyerkules, July 20, 2011 11:00 pm
Anak Ko, alam mo, ikaw ang pinaka-di-aakalaing bisyonaryo dahil kulang ang kaalaman mo tungkol sa mga bagay na Banal. Pero ikaw pa rin ang piniling sugo. Kailangang malaman mo na hindi mo kayang depensahan ang Aking Mga Mensahe nang talagang may awtoridad kaya tumahimik ka pag hinihingi sa iyo ang kahulugan ng Mga Mensahe.
Bubuyuin ka at hahamuning makisali sa mga dibate tungkol sa relihiyon, lalo na yung tungkol sa pangwakas na panahon, pero hindi ka na dapat pang tumugon, o magbigay ng iyo mismong interpretasyon ng mga kasagutan. Dahil sa Gawaing ito, kayayamutan ka. Magkakaroon ng pagseselos na espiritwal sa Aking mga alagad, lalo na sa mga eksperto sa teolohiya at mga tao na buong-buhay na nilang pinag-aaralan ang Banal na Kasulatan. Kaya tumahimik ka, dahil wala sa iyo ang kaalaman at, gaya ng nasabi Ko na, wala ka ring awtoridad para gawin ito.
Basta sundin mo na lang ang Aking mga utos at magsarili ka na lang. Siyempre, tutugunin mo ang mga prayer request, at tumulong kang pagsama-samahin yung Aking mga alagad at deboto na nangako ng kanilang tulong sa Gawaing ito.
Konting panahon na lang. Lahat ay mabilis na mangyayari. Malapit na Ang Babala kaya kokonti na lang ang panahon para ipanalangin yung kawawang mga kaluluwang mawawala. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy, na nakaalay sa mga partikular na mga kaluluwang yun, at maraming milyon ang maliligtas.
Mga anak Ko, nasa kalagitnaan na kayo ng tinatawag na Pagsubok, gaya ng nai-propesiya na sa Aking Banal na Aklat. Ang ikalawang bahagi, ang Malaking Pagsubok, ay magsisimula, gaya ng sinabi Ko na, bago matapos ang 2012. Hindi ito para takutin ka, anak Ko, pero para malaman mo na kailangang-kailangan na ng Aking mga anak na manalangin sa Akin para tulungan sila.
Dahil sa mga panalangin ng Aking mga bisyonaryo sa buong mundo, ang kapangyarihan ng New World Order, na itinutulak ng mga puwersang maka-mason, ay nagsisimula nang humina at magkawatak-watak sa harap mismo ng inyong mga mata. Marami pa sa mga pandaigdigang organisasyong ito na matakaw sa kapangyarihan, ang paluluhurin sa kahihiyan, dahil hindi lamang sila mananagot sa Diyos Ama dahil sa kanilang kasamaan, kundi pati sa mga pananagutan nila sa Lupang ito.
Pagmasdan nyo ngayon habang ang mga asosasyon ng mga makapangyarihang grupo ay nagsisikap maglamangan, ikubli ang kanila mismong mga kasalanan at itago ang Katotohanan mula sa mga nasa matataas na pwesto na kanilang kinatatakutan. Dahil sa panalangin, mga anak Ko, kaya nangyayari ito. Ang Diyos Ama ay nanghahampas na para parusahan ang mga taong ito bago nila maisagawa ang masamang planong inihahanda nila para kontrolin ang Aking mga anak.
Masakit ang panahong ito, mga anak, dahil hindi pa kailanman naging ganito kalakas ang impluwensya ni Satanas sa mga huling araw na ito ng kanyang paghahari sa Lupa. Labanan nyo ang kanyang masamang asal, mga anak – lahat kayo. Tingnan nyo na lang ang laki ng gulong ginagawa niya pag pinaglalaban-laban niya ang magkakapatid, ang mga bansa laban sa ibang bansa, ang paglikha niya ng pagkasuklam nyo sa isa’t isa at pambabastos sa buhay ng may buhay. At nandyan din ang lubos na pagkasuklam na itinatanim niya sa Aking mga anak para sa Akin, ang kanilang minamahal na Tagapagligtas. Ang pagkasuklam na ginagatungan niya para sa Aking Ama ay umabot na sa lawak ng isang epidemya. Ang pinakamabagsik na uri ng pagkasuklam na maipapakita sa Aking Ama ay pag itinatanggi ng tao na Merong Diyos na Umiiral.
Ang daming pasakit, di ba, mga anak, na kailangan nyong harapin sa mundong ito. Walang sinumang tao na hindi mapapansin ang malalim at nakakabalisang kaguluhan na pinasisiklab ni Satanas at ng kanyang milyun-milyong demonyo na sumapi na sa buong mundo. Ngayon mapapatunayan sa inyong lahat ang Aking Pag-ibig. Sa pamamagitan ng Aking Babala, dumarating Akong muli para iligtas kayo sa pamamagitan ng Awa ng Diyos Ama. Manampalataya kayo sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, at wala kayong dapat ikatakot. Bale-walain nyo ang nangyayari at hindi kayo makakapaghanda nang husto.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Walang sinumang tao na hindi maririnig ang Salita ng Aking Anak bago dumating ang panahon ng Kanyang pagbabalik
Sabado, July 23, 2011 5:15 pm
Ikalawang Mensahe mula sa Diyos Ama
Ako’y dumarating sa Ngalan ng Aking Pinakamamahal na Anak, na si Jesucristo.
Anak Kong hirang, nag-aatubili ka man, kung minsan, na pansinin ang panawagan ng Aking Anak na pakinggan ang sinasabi Niya, tumaas ka pa rin sa Paningin Ko dahil sa regalong inihandog mo sa Kanya. Dahil sa iyong regalo na maging isang victim soul para tumulong na iligtas ang milyun-milyong kaluluwa, hayun at naluluha Siya sa tuwa at nakakahinga na nang maluwag; ang dami kasing kaluluwang nawawala dahil napupunta sa mga apoy ng Impiyerno araw-araw, bawat segundo, at bawat paghinga mo. Ang puso mo ay puno ng pagmamahal at pagmamalasakit, hindi lamang para sa Aking Mahal na Anak, kundi para rin sa lahat Kong anak. Sa Hipo ng Espirito Santo, makakaramdam ka ng biglaang pagmamahal para sa mga estranghero na makikitaan mo ng Aking Liwanag. Ikaw, anak Ko, ay binigyan na ngayon ng mga grasya para makita pareho ang pag-ibig at kasamaan sa lahat. Mabilis mo na ring makikita ang kasalanan sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwa.
Dahil sa Gawaing ito, kailangan mo na ngayong balutin ang iyong sarili ng lahat ng klase ng proteksyon. Poprotektahan Kita, anak Ko, pati na ang iyong mga mahal sa buhay, dahil ngayo’y mas matindi kang tatargetin ni Masama. Ipanalangin mong bigyan Kita ng proteksyong ito araw-araw at maliligtasan mo ang tindi ng pag-usig. Kailangang tumawag ka ngayon sa Akin para tulungan kang ikalat ang Mga Mensaheng ito, para marinig ang Boses ng Aking Anak at parangalan ito gaya ng nararapat.
Aking sugo, Aking anak, hindi mo pa masyadong alam kung ano ang kinakailangan sa iyo. Ganun lang karaming impormasyon ang pwedeng ibigay sa iyo bawat beses. Ngayon, sa pamamagitan ng Aking inspirasyon, at sa Aking paggabay, tutuparin mo ang mga propesiya, pag ang Salita ng Aking Anak, tulad ng Banal na Ebanghelyo, ay ikinalat sa sangkatauhan. Walang sinumang tao na hindi maririnig ang Salita ng Aking Anak bago dumating ang panahon ng Kanyang pagbabalik.
Ibinigay na sa iyo ang gawaing ito, at para sa Regalong ito, kailangang yumuko ka bilang pasasalamat sa maluwalhating kahilingang ito mula sa Kalangitan.
Anak Ko, tutulungan ka sa lahat ng paraan, pero kailangan mong sundin ang Aking Anak sa lahat ng oras. Bangon na, anak Ko, dahil kailangan nang marinig ng tao ang Salitang may Babala na ibinibigay ng Aking Anak, para hindi na kailangang pagdusahan pa ng mga kaluluwa ang pahirap ng Impiyerno, kung sila’y mamamatay sa kasalanang mortal, nang hindi muna nabigyan ng pagkakataong Matubos ng Aking Anak habang nangyayari Ang Babala.
Hayaan mong pabahaan Ko ngayon ng Aking kapayapaan ang iyong kaluluwa. Pinapaligiran ng Aking Puso ang iyong bawat kilos. Huwag na huwag mong iisiping ikaw ay nag-iisa sa Gawaing ito, dahil inaakay ka sa bawat minuto ng bawat araw.
Diyos Ama
August, 2011 – Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa
Sabado, July 23, 2011 5:30 pm
Minamahal Kong anak, talagang pinaliligaya mo Ako. Ang lubos mong pagsuko ngayon ay nangangahulugang mas marami Akong maililigtas na mga kaluluwa sa lahat ng lugar. Hindi pa lubusang malinaw sa iyo kung ano ang buong kahulugan ng isang victim soul, pero malilinawan mo rin ito sa paglipas ng panahon. Pag nagkaganun, napakalakas mo na kaya ang magdusa para sa Akin ay magdudulot sa iyo ng tuwa at hindi lungkot. Hindi ito magiging madali, pero ang pagtatrabaho para sa Akin, ang iyong minamahal na Tagapagligtas, ay hindi maaaring maging madali.
Inspirasyon ng Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan, ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob para gawin ang pangwakas na sakripisyong ito para sa Akin. Napaka-espesyal ng grasyang ito, anak Ko, hindi man ito mukhang ganun sa mata ng tao, dahil ang Aking mga grasya ay hindi palaging tungkol sa pagdudulot ng tuwa at kaligayahan sa iyong buhay. Maaaring magdulot ang mga ito ng paghihirap, pero kasabay nito, ay binibigyan ka naman ng isang tunay na kaalaman sa Aking Maluwalhating Kaharian.
Maraming, maraming tao ang bumubuo sa Aking mahal na hukbo. Sa pamamagitan ng panalangin, pagdurusang personal at pagpapalaganap ng Aking Salita, magliligtas sila ng mga kaluluwa. Paglakas ng Aking hukbo sa pagliligtas ng mga kaluluwa, paghina naman ng dagok ng Parusa.
Hinihiling Ko sa lahat Kong anak na gugulin ang buwan ng Agosto sa pananalangin ng Divine Mercy araw-araw para sa mga naliligaw na mga kaluluwa na hindi matatagalan Ang Babala at sila’y mamamatay. Kinakailangan din ang pag-aayuno nang isang araw sa isang linggo, pati ang araw-araw na Misa at pagtanggap ng Aking Kabanal-banalang Eukaristiya.
Kung sapat na bilang sa inyo ang gagawa nito, na tinatawag Kong buwan ng “Kaligtasan ng Mga Kaluluwa,” milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas sa buong mundo. Gawin nyo ito para sa Akin, mga anak, at makakasali kayo sa Aking Maluwalhating Kaharian. Ang inyong mga kaluluwa, sa sandali ng kamatayan, ay isasama Ko sa Paraiso. Yun ang Aking pinaka-taimtim na pangako. Mahal Ko kayo, mga anak. Ngayon, hayo na at buuin ang pinaka-makapangyarihang hukbo sa buong mundo, ang Hukbo ng Pag-ibig, ang Hukbo ng Kaligtasan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Manunubos ng Sangkatauhan
Jesucristo
Sisirain ng Diyos Ama ang planong pabagsakin ang lahat ng klase ng pera
Linggo, July 24, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, dahil sa debosyon at katapatan ng Aking mga alagad sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, malaki ang nagiging pagbabago. Alam nyo, mga anak Ko, ganun pinalalagablab ng inyong debosyon ang apoy sa Aking Puso kaya halos sumabog na ito dahil sa Pagmamahal sa inyo. Nagdiriwang ang Kalangitan ngayon, mahal Kong mga anak, dahil sa init ng inyong debosyon at pagpaparangal sa Akin. Alam nyo, sa inyong kaluluwa, na Ako ito na Siyang nagsasalita. Ako ito na Siyang nagpapadama ng ganung ka-init na pagmamahal at paglalambing sa inyong puso.
May Mensahe Ako para sa inyong lahat, mga anak, na sumusubaybay sa Aking Kabanal-banalang Dibinong Salita sa website na ito. Sa isang modernong mundo, ganito Ako dapat makipag-usap. Ito at ang iba pang mga paraan ng komunikasyon ay gagamitin para siguraduhing ang Aking Salita ay maririnig at madarama ng lahat ng mananampalataya, di-mananampalataya at yung mga hindi talaga Ako nakikilala.
Alam nyo, bawat pagsisikap na ginagawa nyo dahil mahal nyo Ako, ay malakas ang dating. Naririnig Ko ang bawat isa sa inyo. Alam Ko ang tuwang idinulot Ko sa inyong kaluluwa. Mapagmahal Kong tinatanggap kung paano ikinakalat ng inyong gawain ang Aking Salita. Gagantimpalaan Ko ang bawat isa sa inyo ng mga espesyal na grasya at biyaya. Hilingin nyo naman sa Akin na pakinggan ang inyong mga panalangin. Lumapit kayo sa Akin. Tutugunin Ko ang inyong panawagan.
Ang gawain ng New World Order ay nagsisimula nang matastas sa mga laylayan. Dahil ito sa mga panalangin – inyong mga panalangin. Pupuksain ng Diyos Amang Walang-hanggan yung mga magpapatuloy na isagawa ang kasuklam-suklam nilang plano para ibagsak ang lahat ng klase ng pera sa mundo, pati na yung mga pinuno sa pulitika na sinisikap nilang alisin ito. Ang Kanyang Kamay ay magpapatuloy na ngayon ng paghampas para protektahan kayo, mga anak Ko.
Nananawagan Ako sa inyong lahat na sabihan ang pinakamaraming boses na malakas ang impluwensya, kabilang ang media, tungkol sa mga Mensaheng ito. Maraming aakalaing kayo’y nagdidiliryo pag nagpapahayag kayo ng Mga Mensaheng ito. Huwag kayong matakot, dahil ang grasyang inyong matatanggap ay sobra sobra pa kaysa mga nauunang pang-aabusong inyong titiisin.
Hayo na, minamahal Kong mga anak, nang may pag-ibig at tuwa sa inyong puso. Dahil ang Aking Salita ay kailangang mainit na tanggapin. Sa wakas, ay alam nyo na, na kasama nyo Ako sa inyong paglakad, para mapalakas Ko ang mga buklod ng pagmamahal para sa lahat Kong alagad, na pinili Kong maging malapit sa Aking Sagradong Puso. Ang Aking Mahal na Dugo na buong-pusong ibinubo para sa bawat isa sa inyo, para kayo’y maligtas, ay binabalot kayo araw-araw. Kayo ang Aking minamahal na hukbo, at magkasama tayong babangon para minsan pang dalhin lahat ng inyong kapatid sa kanilang marapat at maluwalhating tahanan.
Mahal Ko ang bawat isa sa inyo at nagigiliw Ako sa inyo, mga anak. Huwag na huwag nyong kalilimutan na pag kayo’y nananalangin sa Akin araw-araw, ay dadasalin nyo ang panalanging ito:
“O aking mahal na Jesus, akapin mo ako ng Iyong Mga Braso at hayaan Mong isandal ko ang aking ulo sa Iyong Mga Balikat, para maitaas mo Ako sa Iyong Maluwalhating Kaharian sa tamang panahon. Padaluyin Mo ang Iyong Mahal na Dugo sa aking Puso para tayo’y maging isa.”
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Si Satanas ay walang-laban sa Aking tapat na mga alagad
Lunes, July 25, 2011 9:00 am
Mahal Kong anak, tuwang-tuwa Akong muling sabihin sa iyo na ang pagbabalik-loob ay nangyayari na ngayon sa buong mundo. Habang mas maraming kasamaan ang ginagawa ng tao dahil sa impluwensya ni Satanas, mas marami rin sa Aking mga anak ang nagtatanong na kung bakit ba ganun na katindi ang pagnanais na pumatay ng kapwa, na laganap na sa inyong mundo. Habang mas maraming kasamaan ang ipinapakita sa inyo, gayundin naman pumapasok sa inyong isipan na meron nga palang Satanas na umiiral. Yung mga di naniniwalang siya’y umiiral, hayaan nyong ipaliwanag Ko sa inyo kung paano nyo makikita ang kanyang masasamang gawain.
Tuwing ang Aking mga anak ay makakasaksi ng pagpatay sa kapwa, pagpapakamatay, giyera, katiwalian sa gobyerno at ng mga nasa pwesto, katakawan, kayabangan at kawalang-katarungan, dapat nyong malaman na sa mga gawaing ito nakikita si Satanas. Desperado na ngayon si Satanas kaya gusto niyang lasunin ang isip ng Aking mga anak. Ganun na katindi ang kanyang galit kaya gagawin na niya lahat sa puntong ito ng kasaysayan. At kayo, mga anak Ko, ang kanyang target. Nadadalian man siyang sumapi sa mga kaluluwang nagpapabayang sila’y bukas na bukas sa kanyang impluwensya – yung walang-patid na naghahangad na luwalhatiin ang kanilang sarili sa Lupa – lalo naman siyang nahihirapang sirain ang loob ng Aking tapat na mga Alagad. Ganun nga sila pinagpala, sa pamamagitan ng Regalong Espirito Santo, kaya siya, si Satanas, ay walang-laban sa kanila.
Yung mga sumusunod sa Aking iniuutos na manalangin, lalo pa silang lalakas sa isip at espirito. Kaya wala na silang pakialam kahit na hagupitin sila sa matinding galit ni Satanas dahil ang kanilang armor na panangga ay sobrang tibay. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na niya gagamitin lahat ng paraan para akitin kayo sa pamamagitan ng pagnanasa ng laman. Hindi rin ibig sabihin nito’y hindi na niya kayo sasaktan sa pamamagitan ng pagbulong sa tainga ng malalapit sa inyo at ng mga mahal nyo sa buhay. Magpakatatag kayo, Aking mga alagad, dahil ang inyong lakas ang dudurog sa kanya magpakailanman. Siya, mga anak Ko, ay magiging walang-laban habang ang pagbabalik-loob ay lumalaganap. Paano niya kasi kayo mapapainom sa kanyang mabahong tasa ng pagkasuklam para sa sangkatauhan, kung hindi naman kayo nauuhaw sa lahat niyang pangakong walang katuparan? Habang mas lumalakas kayo, mas hindi niya kayo bubuwisitin.
Alam nyo, pag kayo’y nakakakita ng pandaigdigang kaguluhan, kagagawan yun ni Satanas. Namamalayan na kaagad ng Aking mga alagad ang kasamaan ni Satanas dahil napaka-bulgar na ang kanyang mga gawain. Ipanalangin nyo ang inyong mga kapatid na patotohanan ang kanyang masasamang gawain at kilalanin ang mga ito kung ano talaga ito. Pag tinanggap na, sa wakas, ng mga hindi sumasampalataya, na meron ngang Satanas na umiiral, saka lamang sila lalapit sa Akin para kumanlong.
Ipanalangin nyo na ngayon, na magkaroon ng pagbabalik-loob sa buong mundo, isang pagbabalik-loob na mangyayari, hindi lamang dahil sa Babala, kundi dahil din sa Katotohanan.
Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas
Jesucristo
Panawagan sa mga pari at mga madre sa Simbahang Katoliko Romano
Lunes, July 25, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, gaya ng nai-propesiya na, ang tungkol sa Babala ay mabilis na ngayong kumakalat.
Ang Aking kawawang mga sagradong lingkod ay nagdurusa, anak Ko. Pakiusapan mo naman yung mga nagbabasa ng Aking Mga Mensahe na taimtim na ipanalangin yung lahat Kong sagradong lingkod – mga pari, mga madre, mga pastor at lahat ng namumuno sa mga Kristiyanong kongregasyon sa buong mundo.
Ang Simbahang Katoliko ay inuusig nang sobra pa sa makakayanan nito. Inatake na ni Satanas at ng kanyang hukbo ang Simbahang Katoliko Romano sa pamamagitan ng pagsapi. Gusto niyang pinsalain ang Aking Simbahan sa pamamagitan ng kasamaan ng pang-aabuso ng mga pari at relihiyoso, at umabot na nga ito sa ganitong nakakakilabot na sitwasyon.
Ang kawawang mga bata na nagtiis ng pang-aabusong sekswal ay inatake ng mga alagad ni Satanas, na sumapi at naroroon sa mga sagradong lingkod na nagpaakit kay Masama.
Si Satanas ay naglalakad sa Aking Simbahan dahil gusto niya itong pabagsakin. Yun namang Aking kawawa at walang-salang mga madre at pari, sila’y mga biktima rin ng paninirang-puri sa kamay nung mga nagbibintang na sila ang gumawa ng kasalanan ng iba.
Ito ang Aking pakiusap sa Aking minamahal na mga pari, mga madre at mga sagradong lingkod. Huwag kayong susuko. Tandaan nyo, itataas kayo sa Aking Paningin ng inyong mga pagsubok kung matatagalan nyo ang mga paninirang ito. Hayaan nyong pahirin Ko ang inyong mga luha ngayon, dahil inuusig kayo sa paraang hindi pa naranasan kailanman ng Aking Simbahan.
Kayo, Aking minamahal na mga lingkod, ang Aking mga apostol, at huwag na huwag kayong bibigay sa mga mahigpit na kalagayang panlabas na ito. Huwag na huwag nyong isusuko ang inyong bokasyon na sumunod sa Akin. Dahil tandaan nyo, na Ako ang inyong Simbahan. Umiiyak Ako ng Mga Luha ng matinding kalungkutan para sa inyo. Nagdurusa kayo ngayon para sa mga kasalanan ng inyong mga kapatid na bumigay kay Masama. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyong magkaroon kayo ng tatag ng kalooban na ipanindigan nang may dignidad ang pagbibigay ng Aking Banal na Salita.
Kailangan Ko ang inyong tulong, ngayon higit kailanman. Kailangan Ko kayong magbigay ng Mga Sakramento sa nagugutom at nadidismayang kongregasyon. Huwag nyo naman Akong ilalaglag lalo na sa panahong ito na pinasok na ni Satanas at ng kanyang mga alagad ang Simbahang Kristiyano.
Lapit na kayo at taimtim na manalangin na kayo’y maligtas sa pekeng propeta, na lumalakad sa mga pasilyo ng kapangyarihan, sa loob ng Vatican. Malapit na siyang sumulpot. Huwag kayong kakampi sa kanya kung ayaw nyong mawala kayo sa Akin magpakailanman. Pangako Ko ito. Lumuhod kayo nang may kababaang-loob at tumawag sa Espirito Santo para liwanagan ang inyong kaluluwa upang magawa nyong makita kung alin ang Katotohanan at kung alin naman ang mga kasinungalingan, na pilit na ipalulunok sa inyo ng pekeng propeta. Huwag na huwag kayong madidismaya dahil sa mga pagsubok na inyong tinitiis. Tanggapin nyo ang mga ito dahil sa ibibigay ng mga ito sa inyo – tatag ng isip at kaluluwa. At pagkatapos ay pamumunuan nyo ang Aking mga anak tungo sa pangwakas na panahon nang may kababaang-loob, dignidad at lakas. Ngayo’y maging matapang kayo. Ginagabayan Ko kayo. Lumapit na kayo ngayon at manalangin para sa higit pang mga grasya para gawin kayong mas malakas sa inyong Makalangit na Misyon.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Parte 4
Unang Volume
Mensahe 150 – 199
Huwebes, July 28, 2011 hanggang Miyerkules, September 21, 2011
Mensahe mula kay Birheng Maria: ‘Victim Soul’
Huwebes, July 28, 2011 2:45 pm
Anak ko, tuwang-tuwa Akong pumarito para gabayan ka sa iyong Misyong tulungan ang aking minamahal na Anak na si Jesucristo, para magligtas ng mas marami pang kaluluwa. Ang iyong tuluyang pagsuko para ialay sa Diyos Amang Kataas-taasan, ang iyong pagpayag na maging isang victim soul, ay tinatanggap nang may malaking kaligayahan sa Kalangitan.
Anak ko, ikaw ngayon ay tutulong para mailigtas yung mga kaluluwang napapunta na sana sa kailaliman ng kadiliman. Ang pag-aalay na ito ay gagantimpalaan ng mga espesyal na grasya para mabigyan ka ng lakas at nang mas madali mong mapagtiisan ang mga pagsubok. Anak ko, ngayo’y ang iyong espirito ay palalakasin kaya ang mga bagay ng materyosong mundo ay mawawalan na ng kwenta sa iyong paningin.
Lagi kang tatawag sa akin, ang iyong Ina at guro, para dalhin ka sa Dibidib ng aking mahal na mahal na Anak, na si Jesucristo at Diyos na Kataas-taasan. Ngayo’y manalangin ka para makapaghanda nang husto sa tamang pag-aalay ng iyong sarili para sa importanteng hamon na ito.
Lagi kitang tatakpan ng aking Banal na Kapa at ikaw, mahal kong anak, ay laging magiging malapit sa aking Puso.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Mga Anghel
Ipanalangin mo ang mga kaluluwang nahaharap na mahatulan sa Impiyerno, na hindi na mabubuhay pa pagkatapos ng Babala
Huwebes, July 28, 2011 4:30 pm
Pinakamamahal kong anak, ang espiritwal na katigangan, na pinagdadaanan mo nitong nakalipas na ilang araw, na hindi mo magawang magdasal, ay kagagawan ni Manloloko na gusto kang agawin sa Akin.
Ngayong ibinigay mo na ang iyong pangwakas na pangako na maging isang victim soul sa Aking Amang Walang-hanggan para tulungan Akong magligtas ng mga kaluluwa, ngayo’y bibigyan ka ng higit pang proteksyon para pigilin si Manloloko na guluhin ka.
Mga anak, panahon na para sa maraming panalangin dahil ito na ang inyong huling pagkakataon para tumulong na iligtas yung mga kaluluwang hindi matatagalan ang Babala. Dinggin nyo naman ang Aking panawagan na taimtim na ipanalangin yung kawawa at nawawalang mga anak sa loob ng buwan ng Agosto, na itinakda bilang Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa.
Sabihan lahat ng prayer group sa lahat ng lugar, na sundin ang iniuutos Kong araw-araw na Misa, araw-araw na Komunyon at isang araw na pag-aayuno sa isang linggo, sa buong buwan. Huwag nyong mamaliitin ang kapangyarihan ng inyong mga panalangin pag ang pinag-uusapan ay ang pagliligtas ng mga kaluluwa.
Magsimula kayo sa pamamagitan ng pananalangin para dun sa mga miyembro ng inyo mismong pamilya na nasa kasalanan, o di-sumasampalataya. Kasama rito ang matatalik na kaibigan at kakilala, na tinalikuran na ang Aking Mga Aral at gumagawa ng kawalang-katarungan sa kapwa. Kailangan na nila ngayon ang inyong mga panalangin.
Ngayon na ang panahon para sa tahimik na pagninilay habang nalalapit na Ang Babala. Tahimik at walang-patid na panalangin at debosyon ang kailangan, at iniuutos Ko, na ang Aking sagradong mga lingkod sa lahat ng lugar, ay pamunuan ang Aking mga anak para ipanalangin ang mga kaluluwang kondenado* kaluluwang nahaharap sa kondenasyon. Panalangin na lamang ang makakatulong sa kanila ngayon, lalo na ang pagdarasal ng Aking Divine Mercy Chaplet.
Magkaisa kayo sa pagmamahal sa Akin.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
*Bigyang-pansin: nang isulat ng bisyonaryo ang Mensaheng ito, inakala niyang ang mga salitang, “mga kaluluwang nahaharap sa kondenasyon” ay kapareho ng pagsasabing, “mga kaluluwang kondenado.” Kaya pagkatapos nito ay ipinakiusap na ni Jesus sa Kanyang mga anak na unawain na LAHAT ng kaluluwang nahaharap sa kondenasyon ay, sa totoo lang, ay pwedeng maligtas sa pamamagitan ng pagdarasal ng Divine Mercy alang-alang sa kanila. Inutusan niya si Maria na palitan ang mga salitang, “mga kaluluwang kondenado” ng mga salitang, “mga kaluluwang nahaharap sa kondenasyon.”
Hindi ka kay Satanas, sa Akin ka at sa Aking Amang Walang-hanggan
Sabado, July 30, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, may mga panahong akala mo’y hindi mo na matatagalan ang mga pagsubok na tinatanggap mo dahil sa Aking Mga Mensahe, pero huwag kang matakot. Ang takot ay isang bagay na hindi mo dapat nararamdaman. Kung magagawa mo munang ipaalis sa Akin ang iyong mga takot sa pamamagitan ng lubos na pananalig sa Akin, magiging malaya ka.
Ay naku, anak Ko, talagang nalimutan na ng Aking mga anak ang kapangyarihan ng Makalangit na Kaharian! Kung kahit sandali man lang ay maibababa nila ang kanilang panangga, malinaw sana nilang makikita kung paano nabubunyag ang mga bahagi ng Aking Makalangit na plano para sa sangkatauhan. Ang pananggang ito, na panangga ng talino ng tao na pinagagalaw ng pangangatwiran ng tao, at pinag-aalab naman ng mga kaunlarang ginawa ng tao sa pamamagitan ng siyensya, ay parang dayami lamang. Mukhang siksik, pero wala namang laman. Pero akala ng tao ay mapoprotektahan siya nito laban sa Katotohanan, ang Katotohanan ng Dibinong Presensya ng Diyos.
Ang inyong panangga, mga anak Ko, na hinaharang Ako at ang Aking Mga Aral sa inyong buhay, ay magiging inyong pagbagsak. Pagdating ng panahon, wala itong maibibigay na proteksyon. Napakabilis nitong masusunog, nang biglaan, kaya maiiwan kayong hubad. Ang inyong kahubaran, sa paglipas ng panahon, ay ipapakita rin sa inyo ang panloloko ni Satanas at ang lahat niyang walang-saysay na pangako ng makamundong seguridad, dahil wala naman talagang ganun. Ang katigasan ng ulo ng tao, na ayaw tanggapin ang Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan, ang siyang magiging sanhi ng kanyang pagkakatapon sa kadiliman.
Pag nakita nyo ang Aking Liwanag, ang Mga Apoy ng Aking Pag-ibig, na nabuo sa langit, at ito’y malapit nang mangyari, huwag na kayong magdududa. Hindi ito magiging isang ilusyon. Ito’y magiging isang katunayan at kailangan nyong magpakumbaba para mamulat kayo sa Katotohanan. Huwag kayong titingin palayo o manginginig sa takot. Ang Aking Presensya ay kailangang mainit nyong salubungin bilang inyong huling pagkakataon na maligtas. Ako itong dumarating para akapin kayo ng Aking Mga Braso. Ako ito, ang inyong Tagapagligtas, na minsan pang dumarating para ibalik kayo mula sa bingit ng kadiliman at kawalang-pag-asa. Sinabi Ko na sa inyo na hinding hindi Ko kayo pababayaan. Hinding hindi Ko kayo iiwan sa mga kamay ni Satanas, dahil hindi kayo kanya. Sa Akin kayo at sa Aking Amang Walang-hanggan, ang inyong Maykapal.
Pag nakita nyo ang Aking Mga Apoy ng Kaluwalhatian sa langit, matuwa kayo. Anumang dudang meron kayo tungkol sa Pag-iral ng Diyos Ama, ay mawawala. Para makinabang sa mga grasyang ibibigay ng Babala sa inyong mga kaluluwa, para kayo’y maligtas, kailangang magmukha kayong maliit sa Mata Ko, at hingin nyo sa Akin na patawarin Ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan. At pagkatapos ay babaha ang Aking Pag-ibig sa inyong mga kaluluwa, at magbabalik kayo sa Akin at sa inyong nararapat na tahanan. Labanan nyo ang Aking Awa dahil sa kayabangan o pangangatwiran ng isip, at wala na kayo.
Hintayin nyo na ngayon ang Aking Awa nang may galak at pananabik, dahil magiging buo na kayong muli. Muli kayong isisilang.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Laging maging handa
Lunes, August 01, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, sa wakas ay talagang kaisa mo na Ako. Ngayo’y makikita mo na kung bakit kailangang-kailangan nang tulungan ang mga tao na imulat ang kanilang mga mata, para makapagbalik-loob sila at nang sa ganun ay makapasok sila sa Kaharian ng Aking Ama.
Ang daming tao ngayong lumalait sa Akin. Pag binabanggit ng mga mananampalataya ang Ngalan Ko nang may respeto, pati sila’y nilalait, hinahamak at pinagtatawanan din. Ang iba nama’y nagagalit pag kinukuwestyon sa Ngalan Ko. Yung ilan naman, ay hindi lang Ako itinatanggi, kundi kinasusuklaman pa Ako. Hindi pa kailanman nangyari na napakaraming tao sa mundo ang tumalikod sa Pananampalataya.
Ang daming kaluluwang nagdesisyon nang alisin ang anumang kaisipang Ako o ang Aking Amang Walang-hanggan, ay Umiiral. Akala nila’y bale-wala kung maniwala man sila o hindi, at wala naman itong kinalaman sa kanilang buhay. Maraming tao na maligamgam ang pananampalataya ay basta na lang ibinabasura ang Aking Mga Aral, na sa salita lang nila sinusunod. Akala kasi nila ay marami pa silang panahon sa mga susunod na bahagi ng kanilang buhay para maglaan ng panahon para sa kanilang pananampalataya. Totoo ito, lalo na sa mga kabataan, na akala’y hindi pa panahon para asikasuhin ang kanilang pananampalataya. Akala nila’y marami pang susunod na mga taon para parangalan Ako, ang kanilang minamahal na Tagapagligtas, at ang Aking Amang Walang-hanggan. Kaya nga yung medyo matatanda na ay malamang ay sinisindihan nang muli ang kanilang pananampalataya sa mga huling bahagi ng kanilang buhay, pag naiisip na nila ang susunod na buhay.
Ang hindi masakyan ng tao ay pwede siyang mamatay anumang oras, anumang panahon, anumang edad, mula pagkapanganak hanggang pagtanda. Hindi bale. Kailangang lagi siyang handa.
Isinasamo Ko sa lahat ng mananampalataya na sila’y manalangin para magkaroon sila ng kaalamang turuan ang mga kabataan sa lahat ng lugar tungkol sa matinding pangangailangan na imulat na nila ang kanilang mga mata sa Pag-ibig na meron Kami ng Aking Amang Walang-hanggan para sa bawat isa sa kanila. Tulungan nyo silang mamulat sa pangako ng Paraiso. Tungkulin nyo na ito sa Akin ngayon, para naman hindi Ko maiwala ang Aking mas nakakabatang mga anak sa mga kasinungalingang ikinakalat ni Satanas ngayon sa mundo.
Tulungan nyo Akong iligtas yung lahat ng nag-aakalang marami pang panahon, para pagtuunan na nila ng pansin ang kanilang kaluluwa at maghanda na para sa Bagong Paraiso sa Lupa, na malapit nang dumating, at magkakatotoo sa isang kisap-mata kung kailan karamihan sa inyo ay hindi ito inaasahan.
Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas
Jesucristo
Mga tanong kay Jesus
Lunes, August 1, 2011 11:00 pm
Matapos tanggapin ang Mensaheng pinamagatang, “Laging maging handa,” nakita ng bisyonaryo ang isang imahe ni Jesus kung saan mukha Siyang malungkot. Kaya tinanong niya Siya ng ilang mga katanungan, na sinagot naman Niya.
Tanong kay Jesus: “Malungkot ka ba?”
Sagot: “Oo, at pagod. Ang mga kasalanan ng tao ay pinupunit sa dalawang piraso ang Aking Puso.”
Tanong kay Jesus: “Anong makakatulong?”
Sagot: “Panalangin, at marami nito. Ang debosyon ng Aking mga alagad, sa pamamagitan ng araw-araw na pagdarasal ng Divine Mercy at ng Santo Rosaryo, ay magliligtas ng Aking mga anak. Sila, na Aking mga alagad, ay kailangang magtiyaga kahit na mahirap ito.”
Tanong kay Jesus: “Anong pinaka-nagpapalungkot sa iyo?”
Sagot: “Yung mga taong hindi lamang nasusuklam sa Akin, kundi pinipili pa nilang sambahin si Satanas sa malalaswang seremonya kung saan hindi nila makita kung paano sila pinagsisinungalingan.”
“Ang Aking sagradong mga lingkod na nawalan na ng kanilang pagmamahal sa Akin.”
“Yung mga nang-uusig ng iba.”
“Yung mga mamamatay-tao na walang pagpapahalaga para sa buhay ng Aking mga anak.”
“Aborsyon, ang mas masahol na uri ng pag-ubos ng lahi. Naluluha ako sa bawat sandali para sa Aking maliliit na mga kaluluwa, na ni hindi man lang nakuha ang una nilang hininga.”
“Ang giyera at ang madaling paglulunsad nito, na kalimitan ay kagagawan ng mga tao na, kung sila ang inilagay sa gitna ng labanan, ay magtatakbuhang palayo dahil mga duwag sila. Marami sa mga taong ito na nagsisimula ng giyera, ay ginagawa lamang yun para magkamit ng kapangyarihan. Malaki ang pagkakasala nila sa Akin.”
Tanong kay Jesus: “Anong nagpapasaya sa Iyo?”
Sagot: “Ang pananampalataya ng Aking mga alagad at yung mga disididong tumulong sa Akin para magligtas ng mga kaluluwa. Minamahal Ko sila nang may labis na paggiliw at pagmamalasakit. Gagantimpalaan sila nang malaki sa Kaharian ng Aking Ama.”
Wakas
Diyos Ama: Isa sa mga kailangang-kailangang Mensahe sa sangkatauhan
Martes, August 2, 2011 8:15 pm
Dumarating Ako sa Ngalan ng Aking Anak na si Jesucristo. Ako ang Diyos Ama at gusto Kong kausapin ang buong mundo. Ang pakay Ko’y ipagpaliban ang malubhang Parusa para bigyan ng pagkakataon ang sangkatauhan na buksan ang kanilang puso sa Katotohanan ng Aking Pag-iral. Sila, na Aking mahal na mga anak, ay kailangang malaman na Ako ay isang Diyos, ng Awa muna, at ng Katarungan pagkatapos.
Ang Aking Awa ay pinalawak na nang sobra-sobra. Dahil sa kapangyarihan ng panalangin, pipigilan Ko ang Aking Kamay dahil sa Awa, para mabawasan ng tao ang pagkasuklam na nakikita sa maraming kaluluwa sa buong mundo.
Mag-ingat, mga anak Ko, pag binigyan Ko kayo ng babala na pag hindi natigil ang pagkalat ng kasalanan, magkakaroon ng parusang pupuksa sa malaking bahagi ng sangkatauhan. Ang ganung parusa ay hindi pa nasaksihan simula ng mga araw ng delubyo na winasak ang Lupa noong panahon ni Noah.
Hindi Ko na kayo papayagan, mga anak Kong walang-utang-na-loob, na wasakin nyo pa yung mga nagpakita ng katapatan sa Akin. At hindi rin Ako basta tatayo na lamang at papayagan ang One World Order na dungisan ang Aking Sangnilikha, ang Aking Mga Anak, ang Aking Lupa.
Pakinggan nyo na ito, isa sa mga huling babala na ibinibigay sa sangkatauhan. Talikuran nyo na ngayon ang daan ng kasalanan at kayo’y maliligtas. Talikuran nyo ang inyong bulag na debosyon sa pamain ni Satanas at ng kanyang nakakatuksong mga panghahalina, na inaakit kayo sa pamamagitan ng pagmamahal-sa-sarili at sa nakakamanghang mga materyal na bagay. Kung magpapatuloy pa kayo na bastusin ang magandang mundong ito, na nilikha dahil sa Pagmamahal sa inyo, sa paraang ginagawa nyo, mawawala na muna ito bago nyo ito mas mapinsala pa.
Ako ang Diyos ng Pag-ibig, na matagal bago Magalit, pero nauubos na ang Aking Pasensya. Kayong nagpapatuloy manakit at pumuksa sa Aking mga anak, sa pamamagitan ng giyera at pagkontrol sa pananalapi ng mundo, dapat nyong malaman, na bilang na ang inyong mga araw. Ito na ang inyong huling pagkakataon para kayo’y Matubos. Kung hindi pa kayo reresponde nang tama pag nangyari ang dakilang Regalong Awa, na Babala, kayo at ang inyong mga alagad ay wawasakin.
Ang Kaluwahatian Ko ay madidiskubre ng bawat lalaki, babae at bata. Yung mga pipili ng daan papunta sa Aking Kaharian ay magkakaroon ng buhay na walang-hanggan. Yung mga hindi naman, ay makakaranas ng isang kadilimang hindi nila kailanman magagawang ilarawan sa kanilang isip ni gugustuhin.
Mga kampon ni Satanas, kayong buong-kaalamang sinasamba ang kanyang kasamaan, pakinggan nyo ngayon ang aking pangako. Kayo, Aking mga nawawalang anak, ay iaalok sa inyo ang Kamay ng pag-ibig at kapayapaan nang minsan pa, pag nangyari Ang Babala. Hawakan nyo ito nang mahigpit, dahil ito ang lubid ng kaligtasan, na magdadala sa inyo pabalik sa Dibdib ng Aking Pag-ibig. Huwag nyong pansinin ang Aking mga pakiusap, at magdurusa kayo magpakailanman. Hindi na kayo kailanman makakabalik sa kawan ng Aking minamahal na pamilya.
Ito ngayon, anak Ko, ang isa sa mga pinaka-importanteng babala para iligtas ang iyong mga kapatid sa nagpaparusang mga apoy ng walang-hanggang kondenasyon.
Haring Kataas-taasan
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat
Mensahe mula kay Birheng Maria: Ilang beses na lang ako magpapakita sa mundo
Miyerkules, August 3, 2011 9:45 am
Anak ko, wala kang dapat ikatakot sa Gawaing ito, dahil nai-propesiya na, na ang pagbabalik-loob ay mangyayari. Sayang, at hindi lahat ng tao ay maliligtas. Yung mga umuusig sa aking Mahal na Anak ngayon sa mundo ay mas masahol pa kaysa dun sa mga pumatay sa Kanya sa Pagpapako sa Kanya sa Krus. Dahil namatay ang aking Anak para iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan, isang leksyon ang natutunan sa buong mundo na kailangang magkaroon ng debosyon sa aking Anak. Marami sa nakakaalam ng Katotohanan ay binabale-wala ito.
Ang daming beses na akong sinugo para itaguyod ang panalangin sa buong mundo pero ang aking mga babala sa mga anak sa loob ng mahabang panahon ay nalimutan na. Ngayon, pag nagpapakilala ako sa pamamagitan ng mga bisyonaryo sa iba’t ibang bansa, hindi lang sila hindi pinapansin, kundi pinagtatawanan pa sila. Ang aking presensya at ang mga palatandaang ipinapakita ko sa kalangitan at ang iba pang mga pagpapakita ay tinatanggihan. Maging ang mga pari at mga obispo ay binabale-wala ang aking mga babala. Sila man ay tumalikod na sa paniniwala sa mga Makalangit na pamamagitan. Napakabulag naman nila para tanggihan ang tulong ko, ang kanilang minamahal na Ina.
Sobra na ang pagdurusa ng aking Anak, at nadudurog ang aking Puso na makita Siyang naghihingalo ngayon dahil sa kasamaan ng kasalanan. Walang kaalam-alam ang aking mga anak kung paano Niya pinagdurusahan ang pahirap na kailangan Niyang masaksihan sa mundo, pag nakikita Niya ang kalupitan ng tao.
Anak ko, ipaalala mo sa aking mga anak na ako’y ilang beses na lang magpapakita sa mundo dahil dumating na ang panahon para sa pangwakas na laban at kailangan ko nang durugin ang ulo ng matandang ahas.
Kailangang malaman ng aking mga anak kung gaano sila kamahal at kinagigiliwan ng aking minamahal na Anak. Buksan naman nila ang kanilang puso at pakitaan Siya ng pagmamahal at pagmamalasakit na nararapat sa Kanya. Siya, ang inyong Tagapagligtas, na buong-pusong tinanggap ang pinakamalupit na kamatayan, para iligtas kayo, ay gusto ngayong iligtas ang henerasyong ito sa mga bitag ni Satanas.
Nakangiti si Manloloko, anak ko, dahil alam niyang nagtagumpay siya sa pagnakaw sa mga mahal na kaluluwa. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ngayon na ang aking Anak ay papakinggan pag nangyari ang Babala, at ang Kanyang Regalong Pagtubos ay tatanggapin nang may mapagkumbaba at bukas na mga palad.
Tandaan nyo, na bilang inyong Ina, lagi Akong hihingi ng awa para sa aking mga anak. Umaagos ang aking luha para sa mga ayaw marinig ang Katotohanan, dahil sa pamamagitan na lamang ng walang-patid na panalangin matutubos ang mga kawawang kaluluwang ito.
Ang inyong minamahal na Ina
Ang Ating Inang Reyna ng Mga Dalamhati
Ang aking kaarawan ay isang napaka-espesyal na Kapistahan
Huwebes, August 4, 2011 8:30 pm
Bukas, anak ko, ay isang napaka-espesyal na Kapistahan para sa akin, ang iyong minamahal na Ina, dahil ito ang aking kaarawan.
Parang sasabog ang aking Puso dahil sa abusong dinaranas ng aking minamahal na Anak dahil sa mga kasalanan ng tao. Napapangiti ako pag nakikita ko ang aking tapat na mga anak na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para magligtas ng mga kaluluwa, pero umaagos pa rin ang aking luha dahil hindi ko kayang tingnan ang pagdurusa sa inyong mundo.
Anak ko, huwag mong tatalikuran, kahit sandali lamang, ang pagpapakalat ng Mga Mensahe mula sa aking Anak na si Jesucristo at Diyos na Kataas-taasan, dahil paubos na ang oras. Maglaan ka ng pinakamaraming panahon na pwede mong ilaan, sa Gawaing ito. Magpatuloy ka, anak ko. Tatakpan kita ng aking Banal na Kapa sa lahat ng oras.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Kalangitan
Panahon ng paghihintay – sabihan ang iba kung ano ang dapat asahan
Huwebes, August 4, 2011 9:40 pm
Pinakamamahal Kong anak, araw-araw ay pabulok nang pabulok ang mundo. Sa Aking mga anak ay naghahalo ang pag-asa, pamomroblema, galit at kawalang-pag-asa dahil sa giyera at kahirapan ng pera para pakanin at damitan ang inyong pamilya nang tama. Pero pakinggan nyo ito. Hindi na kayo kailangang magkumahog sa paghahanap-buhay dahil malapit na malapit na, pagkatapos ng Babala, ay magkakaroon ng mas positibong damdamin ng Liwanag at Pag-ibig sa mundo. May pag-asa pa, anak Ko.
Ipanalangin nyo yung mga magbabalik-loob pag nangyari Ang Babala, para sila’y manatili sa daan ng Katotohanan. Ipanalangin nyo na ang pagmamahal sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan ay mas lalakas pa sa hanay nung mga alagad na nakakaalam na sa Katotohanan.
Habang mapagmahal na inaakap ng Aking mga anak ang Regalong Babala, walang dapat ikatakot.
Para dun sa mga hindi nananatili sa daan at bumabalik sa mga makasalanang asal, marami silang dapat ikatakot. Hindi na sila papayagan ng Aking Ama na hawahan pa ang iba, ng kanilang mali at masamang asal. Pipigilan sila. Nakakalungkot, pero maraming tatalikod sa Katotohanan at tatangkaing ipagpatuloy ang paghahari at pag-kontrol sa natitira Kong mga anak.
Ipanalangin nyo na ang Parusa ay mabawasan. Ang inyong mga panalangin ay makakatulong na baguhin at iwasan ang ganung mga sitwasyon. Ngayon na ang panahon ng paghihintay, pananalangin, paghahanda at pagsigurado na ang pinakamalaking bilang ng tao na maaaring makaalam, ay alam kung ano ang kanilang aasahan.
Ang buwang ito ng Agosto, na “Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa,” ay napakahalaga, mga anak. Pagtiyagaan nyo naman ang inyong debosyon sa buwang ito, dahil ang mga kaluluwang inyong ililigtas, ay talagang napakarami. Nagdiriwang ang Langit sa pagmamahal at pagkabukas-loob sa puso at kaluluwa ng lahat Kong alagad na gumawa nang ganitong debosyon, na isang mahalagang regalo sa Akin, para ang mga tao’y maligtas pag nangyari Ang Babala.
Sige na, anak Ko, at ikalat mo ang Aking Salita. Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig.
Ang iyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Diyos Ama: ang papel na ginagampanan ng pagdurusa
Linggo, August 7, 2011 2:45 pm
Ako ang Alpha at ang Omega. Ako ang Diyos Ama, Maylikha ng tao at ng sanlibutan.
Mahal Kong anak, sa wakas, ay tinatanggap Ko na ngayon ang iyong regalo sa Akin para tumulong magligtas ng mga kaluluwa. Ang iyong regalo ay tinatanggap nang may pagmamahal at tuwa. Hindi ito magiging isang madaling daan, pero poprotektahan ka basta’t hingan mo lang Ako ng tulong sa bawat araw.
Ang pagdurusa mo ay sa isip, at isang kadiliman ng kaluluwa. Habang lumalala ito, gunitain mo yung mga nilalang na maliligtas dahil sa iyong pagdurusa. Pumunta ka sa Adoration nang malimit, hanggang sa iyong makakaya para makamtan mo ang lakas na kinakailangan para sa Gawaing ito. Ang Mga Mensahe mula sa Aking minamahal na Anak ay magpapatuloy. Kailangang i-post ang mga ito gaya ng dati, dahil ang Kanyang Mga Mensahe sa mundo ay dadami at hindi kokonti. Tinutulungan ka ng maraming santo na namamagitan para sa iyo.
Lagi kang manalangin sa Espirito Santo para sa mga grasyang kinakailangan para manatiling malakas. Huwag na huwag mong aakalaing ikaw ay pinabayaan na, dahil parang magiging bahagi ito ng iyong pagdurusa. Ipahinga mo ang iyong isip. Manahimik ka at magmukhang masaya sa mundong nasa labas. Huwag mong papansinin yung mga mananakit sa iyo. Alalahanin mo na lang na ang Makalangit na Liwanag na sisinag mula sa iyong kaluluwa ang mag-aalis ng kadiliman sa iba. Sa puntong yun mo lamang mauunawaan ang hapding pumapaso sa Puso ng Aking Anak pag nakikita Niya ang kasalanan sa mundo. Ang pagdurusa mo ay isang maliit na bahagi lamang ng pinagdurusahan Niya bawat sandali ng isang araw.
Tanggapin mo ngayon ang Regalong ibinibigay din sa iyo dahil tinawag ka para maging isang victim soul.
Tandaan mo, anak Ko, na lagi kang nasa Aking Puso. Binabantayan at pinoprotektahan kita. Ngiti naman dyan. Huwag kang matakot dahil ang Gawaing ito ay magdadala sa iyo ng malalaking gantimpala para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay sa Aking Maluwalhating Kaharian.
Ang minamahal mong Ama
Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay.
Mga anak, huwag kayong masisiraan ng loob dahil sa mga kwento ng kawalang-pag-asa na kinakaharap ng sangkatauhan
Lunes, August 8, 2011 7:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, ilang araw na rin ang nakalipas simula nang huli Kitang makausap. Ito’y para bigyan ka ng pagkakataong pakinggan ang payo ng Aking minamahal na Ama, ang Diyos na Kataas-taasan, para tulungan kang maunawaan ang papel na ginagampanan ng pagdurusa para magligtas ng mga kaluluwa.
Umiikli na ang mga araw habang ang panahon para sa Babala ay nalalapit na. Handa na ang lahat para sa Mga Apoy ng Aking Pag-ibig, na babalot sa buong mundo nang minsanan. Ang mga anghel, ang mga koro ng Langit, ay hinihintay na ngayon ang Araw ng Kaluwalhatian pag Ako’y nagbalik para ibigay sa tao ang kanyang huling pagkakataon para tanggapin ang Aking Pag-iral pati na ang sa Aking Amang Walang-hanggan.
Mga anak, huwag kayong masisiraan ng loob dahil sa mga sabi-sabi o mga kwento ng kawalang-pag-asa na kinakaharap ng sangkatauhan, bagkus ay tumingin kayo ngayon sa Akin at ihabilin sa Akin ang inyong mga takot. Ang sangkatauhan ay bibigyan ng isang napakagandang Regalo. Hindi lamang Ako makaka-enkwentro ng tao, nang harap-harapan, kundi sobrang matutuwa pa sila na matutunan at makita ang Katotohanan na ipapakita sa harap mismo ng kanilang mga mata.
Ito’y magiging isang dakilang araw sa kasaysayan na ang pag-asa at pag-ibig ay ipapakita sa inyong lahat. Maging ang mga tigasing makasalanan ay mapapaluhod at iiyak ng mga luha ng pagsisisi. Magandang balita ito, mga anak, dahil lahat ay maliligtas kung tatalikuran lang nila ang kanilang kayabangan at pagkamakasarili. Lahat, sa sarili mismo nilang malayang loob, ay pagkakaisahin para papasukin Ako sa kanilang puso at nang sila’y maakay tungo sa Liwanag.
Para sa maraming makasalanan na nasa kasalanang mortal, papasuin ng Liwanag na ito ang kanilang mga mata at kaluluwa. Magiging masakit ito. Matagalan lamang nila ang takot pag nakita kung paano nila Ako sinasaktan, lalakas sila at magbabalik-loob.
Kaya nga, mga anak ng Aking hukbo, sinasabi Ko sa inyo ngayon. Ngiti na, dahil ang pangyayaring ito ang magiging pinaka-pambihira sa inyong buhay, at ang pag-ibig na meron kayo para sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, ay pupuno sa inyong kaluluwa kaya mapapanibago kayo sa espirito magpakailanman. Ipanalangin nyo na ngayon ang isa’t isa, dahil kokonti na ang oras. Ang mundo’y inihahanda na ngayon para sa Babala at nang sa ganun ay lahat ay magiging handa para sa Aking dakilang Regalo.
Ipagpatuloy nyo, mga anak Ko, ang debosyon ngayong Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa, dahil sa pagtatapos ng Agosto, milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas dahil sa inyong mga pagsisikap.
Tandaan nyo, mga anak, naroroon Ako sa inyong buhay sa bawat araw. Nagmamasid. Gumagabay. Mahal Ko kayong lahat. Manatili kayong tapat sa Aking mga kagustuhan na magligtas ng mga nagdurusang kaluluwa.
Jesucristo
Magulo ang mundo dahil walang pagmamahal sa Akin
Martes, August 9, 2011 8:30 pm
Minamahal Kong anak, dumating na ang panahon na magkakagulo sa mundo, kung saan ang tao ay lalaban sa tao, kapatid laban sa kapatid, kapwa laban sa kapwa, gaya ng nai-propesiya na. Magpuputukan nang sunud-sunod ang mga pangyayari. Maraming bansang makakaranas nito. May malaking galit sa mundo, kabiguan at takot sa Aking mga anak. Sabihan mo sila na ang mga pangyayaring ito ay sinisindihan ni Satanas, at mas dadami pa ang gulo, at mas titindi, bago mangyari Ang Babala.
Ito, anak Ko, ay nai-propesiya na bilang isa sa mga palatandaan na mararanasan ng sangkatauhan sa loob ng 2011, ang Taon ng Paglilinis. Takot na takot, na masasaksihan ng Aking mga anak, ang kasamaang umiiral sa mundo sa mga kaluluwa nung mga pinakikilos ng lubos na pagkasuklam at pagkagalit sa isa’t isa. Walang panalo, anak Ko, sa labanang ito na magpapatuloy sa pagtindi. Kamay ng tao ang lilikha ng mga kasamaang ito. Wala kasi silang pagmamahal sa Akin, at sa Aking Amang Walang-hanggan kaya kusang-loob nilang tinutulungan si Satanas.
Ipanalangin nyo, mga anak Ko, yung mga magdurusa dahil sa kaguluhan sa mundo. Dahil iilang bansa lamang ang makakaligtas sa mga pagsabog na ito ng galit at pagkawasak. Ang giyerang ito ng pagkasuklam ay makikita sa iba’t ibang bansa at nasyon. Pagkalito, sindak at kalungkutan ang mararanasan ng marami.
Manalig naman kayo sa Aking Ama, ang Diyos Amang Walang-hanggan, dahil ang Kanyang Kamay ay tutulong para pigilan ang mga kalamidad na ito, mga anak. Manatili kayong matatag, alerto at tapat sa Akin, ang inyong minamahal na Tagapagligtas. Lahat ay bubuti sa inyong mundo pag nalaman nyong mahalaga pala sa inyong buhay ang pagmamahal at mahalaga rin pala ang pagkakasundo at pagmamalasakit para sa inyong kapwa. Ang panalangin ay makakatulong para bawasan ang tindi ng masamang kaguluhan.
Tandaan nyo, na ang giyera, karahasan at pagpatay, ay hindi sa Diyos kundi gawa ni Satanas. Ang kanyang galit ay umabot na sa lebel na hindi pa kailanman naabot dati, at ang kanyang galit ay ipinararamdam sa Aking mga anak, ng mga taong sinapian na dahil mahina ang kanilang espirito at walang pag-ibig sa kanilang puso.
Pakinggan nyo na Ako ngayon. Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal Ko sa inyo. Talikuran nyo si Satanas, ang kanyang mga alagad at mga tau-tauhan, ngayon na. Manalangin kayo kay Saint Michael the Archangel para protektahan ang inyong komunidad. Manalangin kayo na Akin kayong gabayan. Manalangin kayo para tawagin ang Espirito Santo na bumaba sa inyong bansa.
Ang inyong Maawaing Tagapagligtas
Jesucristo
Ang takot sa Babala ay isang bagay na hindi Ko itinataguyod
Miyerkules, August 10, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang pagiging mabilis ng mga pandaigdigang pangyayari papunta sa Babala, gaya ng nai-propesiya na, ay patuloy na tumitindi. Ang panalangin, mga anak Ko, ay kailangang-kailangan na ngayon, habang ang Aking mga alagad sa buong mundo, na puno ng mga grasya ng Espirito Santo, ay bumubuo ng Aking hukbo. Ang hukbong ito ay medyo maliit pa dahil marami sa Aking mga alagad ay hindi pa alam na bawat isa sa kanila, ngayon pa lang, ay may importante nang papel na ginagampanan. Pero babangon pa rin ang hukbong ito at pamumunuan ang Aking mga anak hanggang sa katapus-tapusan.
Lahat Kong anak, pakinggan nyo na Ako ngayon. Para sa bawat kasamaang gawin ng tao laban sa tao sa mga panahong ito, kailangang ipanalangin nyo yung may kagagawan sa bawat pagkakataon. Panalangin para sa mga makasalanan ang kinakailangan na ngayon. Sa pamamagitan ng panalangin, matatawag nyo ang Banal na Espirito para dalhan ng Makalangit na Liwanag ang kawawang mga kaluluwang ito. Marami sa kanila ay bulag sa Katotohanan ng Pag-ibig ng Aking Ama kaya nagpapalakad-lakad sila nang walang puntirya, napupunta sa sunud-sunod na krisis, kaya lahat ng makasama nila ay nasasaktan. Kung mas marami pa sa inyo ang hihingi ng Aking Awa para sa mga makasalanang ito, mababawasan nang malaki ang epekto ng mga gawain ni Masama. Ito ang sikreto, mga anak Ko, kung paano pahinain ang pagkasuklam ni Satanas, habang bumubuga itong parang apoy mula sa bunganga ng dragon, sa pagtatangkang balutin ang mundo ng nakakasuklam nitong usok.
Siyang si Manloloko at ang kanyang mga demonyo ay nasa lahat ng lugar. Dahil mahina ang pananampalataya ng Aking mga anak sa buong mundo, ang masasamang gawain ni Satanas ay nahawakan ang sangkatauhan nang mahigpit, sa isang pang-ipit na mahirap matakasan. Kung ang mga anak Ko lamang sa lahat ng lugar ay naniwala sanang Merong Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, hindi sana ito nangyari. Mas mahina sana ang hawak ni Satanas, lalo na kung ang Aking mga anak sana ay nanalangin para sila’y tulungan at humingi ng Awa sa Aking Ama.
Panalangin na ngayon ang inyong armor, mga anak, mula ngayon hanggang sa panahon ng Babala. Gamitin nyo ang panalangin para magligtas ng mga kaluluwang nasa kadiliman. Pagkatapos ng Babala, ang inyong mga panalangin ay kakailanganin naman para tulungan ang Aking mga anak na panatilihin ang kanilang debosyon sa Aking Amang Walang-hanggan at papurihan ang Kanyang Kaluwalhatian.
Pag pinagsama-sama mo ang pasensya, tahimik na panalangin araw-araw, pagbuo ng mga prayer group, araw-araw na pagdadasal ng Divine Mercy Chaplet, pag-aayuno at Santo Rosaryo sa Aking minamahal na Ina, ito ang perpektong formula para magligtas ng mga kaluluwa.
Ang takot sa Babala ay isang bagay na hindi Ko itinataguyod. Ipanalangin nyo ngayon ang inyo mismong kaluluwa at yung sa iba sa pamamagitan ng Akto ng Pagtubos at bago ang inyong harap-harapang pakikipagkita sa Akin, ang inyong minamahal na Tagapagligtas.
Napapangiti Ako sa tuwa at galak pag naiisip Ko ang sandali na ang dakilang Regalong ito ng Aking Awa ay ipapakita sa Aking mga anak. Para itong reunion na hindi mailalarawan sa salita. Dahil pupunuin dito ang inyong puso ng Dibinong Pag-ibig. Ang inyong mga kaluluwa, sa wakas, ay maliliwanagan, bilang paghahanda para sa Bagong Paraiso sa Lupa. At dadalhan Ko kayo ng kaginhawahang wala pa rin sa inyong buhay magpa-hanggang ngayon pag nakaisa nyo na Ako.
Tandaan nyo, mga anak, ang dahilan kung bakit Ako’y nakikipag-usap sa mundo ngayon. Gusto Kong siguraduhin na lahat Kong anak ay maliligtas sa mga kuko ni Satanas. Dahil din sa Aking malalim at di-matatarok na Pag-ibig para sa bawat isa sa inyo kaya kailangan Kong iabot ang Aking Kamay sa bawat isa sa inyo, at nang sa ganun ay makasama nyo Ako para ihanda kayo sa muli nyong pag-uwi sa inyong nararapat na tahanan.
Ang takot ay hindi galing sa Akin. Mahal Ko kayo, mga anak. Dinadala Ko sa inyo ang maluwalhating Regalong ito dahil sa Aking Pag-ibig. Matuwa kayo, ngumiti at mainit nyo Akong tanggapin pag lumabas na ang Palatandaan sa langit. Itaas nyo ang inyong mga kamay at umawit ng papuri sa Diyos Ama, dahil binigyan Niya Ako ng huling pagkakataong ito para iligtas kayo.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo, Hari ng Awa
Ipanalangin nyo yung mga walang nakikita bukod sa materyal na pakinabang
Miyerkules, August 10, 2011 12:05 am
Pinakamamahal Kong anak, dapat mong pagtiisan ang pagdurusang ito dahil pag ginawa mo ito ay magliligtas ka ng mga kaluluwa. Ipinapakita ngayon ng iyong pagdurusa ang pahirap na tiniis Ko sa makasalanang kamay ng tao.
Ang kasakiman ng tao ay ganun na ka-grabe kaya wala nang moralidad sa inyong lipunan. Ang ibig sabihin ng kasakiman, na kasalanan ng tao, ay wala na siyang pakialam kung sinong magdusa sa kamay niya, basta’t nabibigyang-kasiyahan ang kanyang mga pagnanasa. Alam nyo, yung mga nagpapahirap sa iba dahil sa kasakiman at katakawan, ay hindi makakatakas sa Aking Paningin. Pinagmamasdan Ko. Nakikita Ko. Pinangingilabutan Ako pag nakikita Ko ang pangit na daang pinipiling lakaran ng tao para yumaman kahit na mapinsala ang iba.
Sila, Aking anak, ay mawawalan ng mga materyal na bagay pag hindi sila humingi ng Awa sa Akin. Ang kanilang pera ay mawawalan ng halaga. Ikaw na tao ka, na nagpatuksong magpahirap ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagnanakaw ng dapat ay sa iyong kapwa, alam mo, mawawala sa iyo lahat, at abo na lang ang matitira.
Ipanalangin nyo yung mga walang nakikita bukod sa materyal na pakinabang, dahil pag hindi nila tinalikuran ang masasamang gawaing ito, maiitsa-pwera sila at hindi sila papasok sa Kaharian ng Aking Ama.
Gawan nyo ng masama ang inyong kapwa sa mundong ito, at mapapatapon kayo sa lungga ni Satanas. Ang akala mong karapatan mo sa kayamanan, na nakamtan mo nga dahil pininsala mo naman yung iba, ang siyang magpapahirap sa iyo magpakailanman.
Ibaba nyo na ang inyong mga armas na kasakiman at katakawan, ngayon din. Hanapin nyo ang pagtubos, dahil pag ginawa nyo ito, babalik ang kapayapaan sa lipunan.
Ang inyong Tagapagligtas
Hari ng Katarungan, Jesucristo
Ang Aking mga alagad ay binigyan na ngayon ng Regalong Mamagitan
Biyernes, August 12, 2011 11:45 pm
Mahal Kong anak, ang pagmamahal ng Aking mga alagad ang siyang patuloy na umaalalay sa Akin. Umiiyak Ako ng Mga Luha ng kaligayahan pag nasasaksihan Ko ang pagmamahal nung Aking mga alagad na pumapaligid sa iyo at inaakap ka ng kanilang mga panalangin.
Sila, anak Ko, sa pamamagitan ng Regalong Espirito Santo, ay tinawag para ipahayag ang Aking Kabanal-banalang Salita sa mundo sa pamamagitan ng mga importanteng Mga Mensaheng ito.
Kung yung iba pang mga kaluluwang sumusunod sa Akin at alam na Ako’y nakikipag-usap sa iba’t ibang bisyonaryo ay magmumulat lang sana ng kanilang mga mata at pakikinggan ang Aking sasabihin. Sana’y ang kanilang mga panalangin ay pinakinabangan nung kawawang mga kaluluwa na hindi nakapaghanda para sa Babala.
Ang Aking Pag-ibig ay nasisinag sa Aking tapat na mga anak sa buong mundo. Ang Liwanag ng Aking Pag-ibig, na sumisinag mula sa kalooban nila, ay lumilikha na ngayon ng maraming pagbabalik-loob. Sa loob lamang ng buwang ito, bagamat hindi ito alam ng Aking mga anak, milyun-milyong kaluluwa na ngayon ang naliligtas dahil sa debosyon ng Aking minamahal na mga alagad. Sila, ang Aking mga anak, ay sumunod sa Aking utos para sa panalangin at debosyon sa loob ng Agostong ito, ang Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa. Sabihin mo sa Aking mga anak na ang kanilang panalangin at pag-aayuno ay nagdulot ng malaking kaligayahan sa mapagmahal na Puso ng Aking Ama. Pinapaapawan na ng grasya yung mga mahal at banal na mga kaluluwang yun, kaya binigyan na sila ng regalong mamagitan para sa mga nawawalang kaluluwa mula sa araw na ito. Ang laki ng Aking pananabik na akapin sila sa Aking Mga Braso, malapit sa Aking Sagradong Puso, para maipakita Ko sa kanila kung gaano ko silang lahat kamahal. Ang tatapang nila, ang tatapat, at meron mang mga makasalanang dibersyon paminsan-minsan, ang bubuti nila. Ang kanilang puso’t kaluluwa ay pinuno na ng Aking Malasakit, at gagabayan ng Espirito Santo ang Aking mahal na hukbo habang nagmamartsa sila tungo sa tagumpay para tulungan Akong makakuha ng mas marami pang kaluluwa.
Ang inyong minamahal at tapat na Tagapagligtas
Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo
Nilikha ng Diyos ang mundo – Wala nang iba pang planeta ang pwedeng tirhan ng tao
Sabado, August 13, 2011 5:00 pm
Ang pagbabalik-loob, anak Ko, ay kailangan nang maging isang prayoridad ngayon para sa Aking mga anak, habang sinasabihan nila ang iba tungkol sa Aking Mga Mensahe sa mundo. Kahit isa lang kaluluwa sa isang araw ay nagdudulot na ng malaking tuwa, mga anak Ko, pag ang iba’y nagsisimula nang mamulat sa Katotohanan.
Mahal Kong anak, pag araw-araw ay bising-bisi ang tao, wala na halos panahon para sa panalangin sa kanyang buhay. Ang panalangin, mga anak Ko, ay pwedeng mangahulugang isang saglit, isang oras, isang salita, o anumang pakikipag-usap sa Akin. Hindi mahalaga kung saan Ako tinatawag ng tao. Pwedeng sa bahay, sa hardin, sa kotse, sa trabaho, pati na sa Aking Simbahan. Hindi mahalaga kung saan nyo Ako kinakausap. Pero mas mabibigyan nyo Ako ng kasiyahan pag kinakausap nyo Ako sa Aking Tahanan.
Maraming tao ang nagkakamali sa kanilang pag-aakala na hindi Ko naririnig ang kanilang mga iniisip, nadarama ang kanilang hapdi, ang kanilang lungkot o ang kanilang tuwa. Di ba nila alam na nilikha sila ng Aking Ama, na Makapangyarihan-sa-lahat, Maylikha ng LAHAT ng bagay? Siya na nakakaalam sa lahat ay nananawagan sa inyong lahat na huminto kahit man lang isang saglit sa isang araw. Hingan nyo Ako ng tulong para kayo’y Aking palakasin. Isang saglit lang naman ang hinihingi Ko, ang mahalagang saglit na ito na Ako’y inyong tinatawag para makapasok Ako sa pamamagitan ng inyong kaluluwa sa bisa ng Kapangyarihan ng Espirito Santo.
Kahit pabulong nyo na lang Ako tawagin para kayo’y tulungan, maririnig Ko pa rin kayo. Kung hindi nyo Ako tatawagin, hindi Ako makakatugon, dahil hindi Ko naman kailanman pakikialaman ang inyong malayang loob.
Para Akong isang ama na pinagmamasdan ang isang grupo ng mga bata na naglalaro, bising-bisi lahat, tumatakbo, nakikipagdaldalan, naghahalakhakan ang ilan, at kung minsa’y sila-sila ang nag-aaway-away.
Karamihan sa mga bata ay tumutugon sa isang matanda pag sila’y tinawag. Pero ang ilan, matigas ang ulo, tumatalikod at ayaw sundin ang ipinagagawa sa kanila. Ilan sa mga bata ay malambing, ang iba naman, hindi masyado. Pero sa ganung ka-murang edad, bihira ang magpapakita ng lubos na pagkasuklam. Pero pag pinagmamasdan Ko yung mga anak Ko sa mundo ngayon, nakakakita Ako ng pagkasuklam, at mas masahol pa rito, ng pagbale-wala kung Ako ba’y Umiiral, Akong si Jesucristo na kanilang minamahal na Tagapagligtas. Marami pa nga dyan, tunog pa lang ng Pangalan Ko ang naririnig, nasusuklam na.
Sa panahong kinaroroonan nyo, mga anak, may pasaway na grupo ng Aking mga anak na halos walang disiplina. Akala nila’y kanila ang mundo para pagharian, kontrolin, abusuhin, o kahit na pinsalain, kung sa palagay nila’y tama lang. Halos wala nang respetong ipinapakita sa Ama, na Maylikha ng Lahat ng Bagay. Ang yabang na ng tao ngayon kaya akala niya’y siya’y lumitaw mula sa mas mataas pang uri ng kaayusan kaysa sa kaayusang nagmumula sa Aking Amang Walang-hanggan. Kaya hanap siya nang hanap kung saan siya nagmula kahit na nandyan lang naman ang Katotohanan para makita niya. Ang daming naaaksayang oras sa paghabol sa mga walang saysay na bagay. Mga walang-kabuluhang pangarap, na lahat ay gawa-gawa lang nung mga siyentipiko na ang galing ng ulo, na isang Regalo ng Diyos, ang kanilang ipinagyayabang, kaya akala nila’y makakadiskubre sila ng mga bagong katunayan tungkol sa kanilang pinagmulan.
Bakit ba hindi maunawaan ng mga batang ito na ang Lupa ay nilikha para sa tao? Wala nang iba pang planeta na pwedeng tirhan ng tao, dahil hindi ito bahagi ng plano ng Aking Ama. Gaano kalaking katangahan ba pwede magkaroon ang tao para lang busugin ang kagutuman ng kanyang espirito sa kanyang kaluluwa? Samantalang lahat na ng pagkain at kasiyahan ay mapapasakanya, maupo lang siya nang ayos at tanggapin ang Katotohanan. Ang Katotohanang Merong Diyos na Umiiral, ang Diyos Amang Walang-hanggan, na Maylikha ng Sanlibutan.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas, Guro at Makatarungang Hukom
Jesucristo
Tamasahin ang maluwalhating buhay na naghihintay sa inyo sa loob ng 1,000 taon
Linggo, August 14, 2011 2:25 pm
Pinakamamahal Kong anak, patuloy mo pang dinidipensahan ang Aking Salita, gayong, sa totoo lang ay hindi naman ito kinakailangan.
Ang Aking Salita ay maglalagos sa puso ng mga mananampalataya na parang isang patalim pag pinagnilayan nila ang Aking Mga Mensahe na ibinibigay sa iyo para sa mundo. Malalaman nila ang Katotohanan pag binasa nila ang Aking Salita, dahil ang Aking Makalangit na Liwanag ay may dating na mahihirapan nilang bale-walain. Maraming kumukwestyon at nangungulit, gaya ng ginawa ng mga tao noon sa kapanahunan ni Noah. Binalaan sila, pero ayaw nilang makinig. Dinedma nila ang Boses ng Aking Ama nang Siya’y magpadala ng Mga Mensahe sa pamamagitan ni Noah at ng iba pang mga propeta. Yun lamang mga nakinig at sumunod ang naligtas.
Pakinggan nyo na ngayon din ang Aking Mga Mensahe. Buksan nyo ang inyong puso at papasukin ang Aking Salita para kausapin ang inyong kaluluwa, mga anak. Huwag nyong pansinin ang mga makamundong bagay na nakakagulo lamang. Sa Aking Boses lamang kayo tumutok. Pag ginawa nyo ito, ililigtas nyo ang inyong kaluluwa.
Yung mga hindi makikinig dahil sila’y tatalikod, darating ang panahon, pagkatapos ng Babala, na lalamunin ng inyong mga gutom na gutom na bibig ang Aking Kabanal-banalang Salita. Dahil sa panahong yun, magiging handa na kayong sumunod sa Aking paggabay, para mapalakad Ko kayo sa tamang direksyon papunta sa Bagong Paraiso sa Lupa kung saan, ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay ay tatamasahin ang Maluwalhating Buhay na naghihintay sa inyo, sa loob ng 1,000 taon. Walang karamdaman. Walang kakulangan sa pagkain. Walang problema. Tanging pag-ibig lamang, sa pinakapurong uri nito, isang maluwalhating bagay na inyong marapat na pamana. Taimtim naman kayong manalangin ngayon para maunawaan nyo at matanggap ang Aking Banal na Salita pag ito’y ibinigay sa inyo, mga anak. Ituring nyo ito bilang isa sa mga pinakadakilang regalo sa buo nyong buhay. Akapin nyo ito sa katawan, isip at kaluluwa. Dahil sa ganun nyo lang matatagpuan ang tunay na kapayapaan.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Tulungan nyo Akong Sagipin lahat ng kabataan – ang pinakamadaling saktan sa inyong lipunan
Lunes, August 15, 2011 12:05 am
Pinakamamahal Kong anak, habang ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos na Kataas-taasan, ay inihahanda ang mundo para sa mga pagbabagong nalalapit, nalulungkot Siya para sa tao na bulag pa rin sa Katotohanan ng Kanyang Pag-iral.
Habang ang Aking Ama ay kumikilos na ngayon para ipahayag ang mga pagbabago para ihanda ang Aking pagbalik sa Lupa, ang daming kasalanang nakikita Niya sa Lupa kaya naiiyak Siya sa lungkot dahil siguradong may mga kaluluwang mawawala rin sa Kanya pagdating ng panahon. Ang panalangin ay makakatulong para iligtas yung mga kaluluwa ng mga nabubuhay pa sa mundo, na kusang-loob na tinatalikuran Siya sa lubusang pagsuway, kahit na alam nila at tinatanggap ang Kanyang Pag-iral. Patuloy kayong manalangin at gumawa ng personal na mga sakripisyo para sa mga kaluluwang yun, anak Ko, dahil kung walang panalangin, dapat kang matakot para sa kanilang kinabukasan.
Umaasa Ako sa Aking mga alagad para ipanalangin ang mga nawawalang kaluluwa. Konting panahon na lang ang natitira para kumbinsihin ang mga bulag sa pananampalataya na Totoong May Diyos Amang Umiiral. Magkapit-kamay kayo, Aking Mga Anak ng Liwanag, para ang inyong pabilog na hanay ng pagmamahal at debosyon sa Akin ay maging sapat ang lakas para palapitin yung mga kaluluwang hindi pinaniniwalaan o tinatanggap ang Pag-iral Ko o ng Aking minamahal na Ama. Huwag nyong puputulin ang kadenang ito ng pananampalataya pag pwede nyo pang abutin ang inyong mga kapatid na hindi na sumusunod sa daan papunta sa Katotohanan ng buhay na walang-hanggan. Bagkus, dahil pinahina sila ng pang-aakit ng makamundong mga paghahangad, mangangailangan sila ng matatag na gabay para sila’y matulungan. Huwag nyong bu-bully-hin o kakayanin at tatakutin yung mga hindi naniniwala sa Diyos. Maamo nyo silang suyuin, sabihan nyo sila tungkol sa Pagpapako sa Akin sa Krus at kung paanong ginawa ng Aking Amang Walang-hanggan ang pinakamalaking Sakripisyo para iligtas ang Kanyang mga anak, nang ibigay Niya ang Regalong Grasya ng Kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kasalanan.
Nananawagan na ngayon ang Aking Ama sa lahat ng nagbabasa ng Mga Mensaheng ito sa unang beses. Kailangan nyong basahin ang bawat Mensahe nang buong-ingat. Pagkatapos ay manalangin kayo sa Espirito Santo para sa grasyang magpapakita sa inyo na ang Mga Mensaheng ito ay may Makalangit na Pinagmulan. Buksan nyo ang inyong puso para tanggapin ang Aking Salita. Damhin nyo Ako sa inyong kaluluwa sa pagtatanong nyo sa Akin ng sumusunod:
“Jesus, kung Ikaw talaga ito, pabahain Mo naman sa aking Kaluluwa ang Palatandaan ng Iyong Pagmamahal, para naman makilala Kita kung Sino Ka. Huwag mong hahayaang malinlang ako ng mga kasinungalingan. Sa halip ay pakitaan Mo ako ng Iyong Awa at imulat mo ang aking mga mata sa Katotohanan at sa daan papunta sa Iyong Bagong Paraiso sa Lupa.”
Tandaan nyo, mga anak, na kaya lamang Ako dumarating sa mundo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa inyo nang ganito, ay dahil sa lalim at init ng Aking Pag-ibig. Hindi ito para takutin kayo. O magpa-impres. O lumikha ng kontrobersiya o dibate. Ito’y para tulungang iligtas lahat ng kaluluwa, lalo na ang isang henerasyon ng mga kabataan na hindi interesado sa relihiyon, dahil bising-bisi sila sa kanilang buhay at wala halos lugar para sa Diyos. Kakausapin Ko sila sa lengguwaheng kanilang naiintindihan para maalerto ko sila sa mga nalalapit na mga pangyayari. Sila ang isa sa mga pinakamadaling saktan sa inyong lipunan, mga anak. Kailangang-kailangang abutin Ko sila sa lalong madaling panahon.
Magsama-sama na kayo ngayon, mga anak Ko, at samahan Ako para iligtas lahat ng kabataan sa mundo ngayon. Tulungan nyo Akong akapin sila sa Aking Kaharian para wala ni isang mahal na kaluluwa ang mawala sa Akin.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan
Jesucristo
Paano Ako hingan ng tulong para malutas ang inyong mga problema
Miyerkules, August 17, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mga grasyang ibinubuhos sa iyo ay para gawin kang mas malakas sa Gawaing ito, dahil magkakaroon ka ng mas malaking kompiyansa.
Ang kompiyansa sa Akin, mga anak, ay napaka-importante. Oo nga’t malaking tuwa ang idinudulot sa Aking Sagradong Puso pag nadarama Ko ang inyong pagmamahal sa Akin. Pero pag talagang nananalig lamang kayo sa Akin at pinakakawalan lahat ng inyong problema sa pagbibigay nito sa Akin para Ako na ang bahala sa mga ito, ay saka lamang kayo makakadama ng Tunay na kapayapaan.
Napakarami sa Aking mga anak ang nananalangin para sa mga espesyal na intensyon. Pinapakinggan Ko bawat isa. Pero pag nananalangin kayo sa Akin para sa isang bagay na napakahalaga sa inyo, kailangang pakawalan nyo ang inyong mga takot. Ang takot ay hindi nanggagaling sa Akin. Si Satanas ang nagbibigay sa inyo nito para kayo’y pahirapan. Hindi nyo ba ito naiintindihan? Pag kayo’y may kinatatakutan, na sa palagay nyo’y kinokontrol ang inyong buhay, habang lumalaki ang inyong takot, lalo lamang lumalaki ang problema.
Pag huminto na lamang kayo at sinabi sa Akin:
“Jesus, ibinibigay ko na sa Iyo lahat ng pinoproblema ko tungkol sa bagay na ito, nang may kompiyansa, kaya sa Iyo na ngayon ang problema para lutasin, ayon sa Iyong Kabanal-banalang Loob.”
ay saka lamang kayo magkakaroon ng kapayapaan. Yun ang ibig Kong sabihin ng kompiyansa, mga anak.
Ang kompiyansa sa Akin ay nangangahulugang nagpapakita kayo ng malaking tiwala. Magtiwala kayo sa Akin. Namatay kaya Ako para sa inyong mga kasalanan – bawat isa sa inyo na nabubuhay ngayon, pati sa panahong ito. Bakit nyo naman Ako hindi pagkakatiwalaan?
Wala pa Akong minahal na ibang nilalang sa Lupang ito gaya ng pagmamahal Ko sa inyo. Walang magmamahal o maaaring magmahal sa inyo tulad Ko. Lagi nyo itong tatandaan.
Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan. Nasa tabi nyo Ako umaga, tanghali at gabi, na naghihintay lamang ng inyong tawag.
Ang inyong minamahal na Kaibigan at Tagapagligtas
Hari ng Awa
Jesucristo
Ang Malaking Pagsubok ay nababawasan sa pamamagitan ng panalangin
Huwebes, August 18, 2011 8:45 pm
Anak Ko, yung mga alagad Kong edukado sa mga bagay ng Banal na Kasulatan, ay malimit matangay ng kanila mismong pan-taong interpretasyon, kaya ang leksyong ibinigay Ko na magmahalan, ay napakadaling malimutan.
Magmahalan. Parangalan ang inyong ina at ama. Parangalan ang inyong Maykapal, ang Diyos Ama, at mamuhay gaya ng sinabi Ko na sa inyo, sa pagmamahal at pagkatakot sa Aking Ama.
Ang daming edukadong tao, na nadadala ng kanilang pagsusuri sa Aking Mga Aral, ay nakakalimutan ang isang bagay. Ito ay, pag muli Akong dumating para Maghukom. Hinding hindi nila inaakala, kahit saglit lamang, na ang panahong ito ay pwedeng mangyari sa kanila mismong buhay at hindi sa malayo pang panahon. Bakit ba sila hanap nang hanap ng mas marami pang kahulugan sa Banal na Kasulatan gayung napakasimple naman ng Katotohanan? Bakit ba hindi nila matandaan na ang hinihingi Ko lang naman ay pagmamahal? Pagmamahal sa Akin, ang inyong Tagapagligtas. Pagmamahal sa Diyos Ama at pagmamahal sa isa’t isa.
Para dun sa mga ekspertong magaling ang ulo, na nagsasabing magagawa nilang himayin ang Aking Mga Aral hanggang sa sisikapin na nilang hulaan ang petsa ng Aking pagbabalik, ito ang masasabi Ko. Kung akala nyo’y nagawa nyo nang alamin ang taon ng Aking pagbabalik, nagkakamali kayo. Walang bibigyan ng petsang ito, hindi ang mga anghel sa Langit, ni ang Aking minamahal na Ina. Pero ito ang pwede Kong ibunyag. Ang Pagsubok ay nagsimula na ilang panahon na ang nakakalipas. Ang Malaking Pagsubok ay magsisimula sa katapusan ng 2012. Ang nakakakilabot na panahong ito ay napapagaan sa pamamagitan ng mga panalangin ng Aking pinakamamahal na mga alagad. Mapapahina rin ito ng pagbabalik-loob na makakamtan pagkatapos mangyari ang Babala. Ang pangyayaring ito ay mabuting balita, mga anak Ko. Ito’y para alisin ang pagkaalipin ng tao kay Masama.
Ang mga eksperto sa relihiyon ay nagpapakita ng kayabangan na kinasusuklaman Ko
Malungkot mang sabihin, marami pa ring hindi papansinin ang Aking mga pakiusap na sila’y maghanda. Abalang-abala kasi sila sa relihiyosong dibate ng matatalino, kuno, na nakabase sa pangangatwiran ng tao.
Nagpapagalingan sila para patunayang mas may alam sila kaysa iba. Ang mga ekspertong ito ay nagpapakita ng kayabangang kinasusuklaman Ko. Wala silang ipinagkaiba sa mga Pariseo noon. Tinatakpan ng kanilang kamangmangan ang Katotohanan pag ito’y ipinapakita sa harapan mismo ng kanilang mga mata.
Ang Aking Salita ay hindi pinapansin ng Aking mga sagradong lingkod
Ang Aking Salita ay bumagsak sa mga binging tainga. Ang Aking Salita ay hindi pinapansin ng Aking mga sagradong lingkod habang sinisikap Kong kausapan sila sa puntong ito ng kasaysayan. Pero pagkatapos ng Babala, wala na silang dahilan para hindi umupo ng ayos at pakinggan ang Aking mga iuutos. Dahil sa panahong yun, iuunat nila ang kanilang mga braso at magmamakaawa sa Akin na sila’y gabayan habang nangyayari ang Malaking Pagsubok. Dahil pag ang propesiyang ito ay ipinakita na dun sa mga nagdududa sa Aking Salita na ibinibigay sa pamamagitan ng sugong ito, kunin nyo naman ang Aking Sagradong Kalis, uminom kayo mula rito at lumaban kayo para magligtas ng mga kaluluwa.
Pinapayuhan Ko kayong lahat, pati na yung mga nagsasabing sila’y mga eksperto sa Kasulatan, na maupo nang mapagkumbaba at magtanong nang ganito. Bakit Ko hihimukin ang mga simpleng mananampalataya na masabit sa isang pagtatalo tungkol sa Aking pagbalik sa Lupa? Ang mahalaga na lamang ngayon ay Ako’y dumarating. Lagi kayong maging handa. Huwag na huwag kayong maghuhusga ng iba sa Ngalan Ko. Hanapin nyo ang regalong kababaang-loob anuman ang mangyari, dahil ito ang inyong magiging pasaporte sa Langit.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Anong nagtutulak sa mga kabataan na ikahiya Ako nang ganun na lamang?
Biyernes, August 19, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang lalim ng pagmamahal Ko sa mga kabataan, lalo na yung mga talubata. Gaya ng kanilang mga magulang, nakadarama Ako ng pagmamahal, tuwa, pagkabalisa at kung minsa’y galit habang pinagmamasdan Ko sila sa kanilang paglaki.
Ang sakit nga lang sa Aking Damdamin pag naririnig Ko silang sinasabing hindi sila naniniwala sa Diyos na Aking Amang Walang-hanggan. Sila, na Aking mga bunso, ay kinundisyon nang Siya’y itanggi, para maging kapareho sila at hindi magmukhang kakaiba sa kanilang mga kaibigan.
Sa totoo lang, hindi na madali para sa isang kabataan na amining Ako’y kanyang minamahal, kahit na tinatanggap niya na Ako’y Umiiral. Ang pag-aming ito ay pwedeng ikahiya nila ngayong ang paniniwala sa Akin, si Jesucristo, o ang Aking Amang Walang-hanggan ay hinahamak , at ang pinararangalan ay yung tinatawag na “higher being.” Ano ba itong nagtutulak sa kanila na ikahiya Ako nang ganun na lamang? Bakit nila inaakalang kailangan nilang pakibagayan ang isang mundong walang espirito o pagpapahalaga para sa kaluluwa?
Ang musika at sining ang may malaking impluwensya sa maliliit na kaluluwang ito na hindi nasabihan tungkol sa Katotohanan ng Langit o Impiyerno. Sila, gaya ng lahat Kong iba pang anak na patuloy sa pag-iwas na banggitin Ako, ang Aking Mga Aral, o ang Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan, ay parehong pwedeng mawala sa ilang.
Mga magulang, nananawagan Ako sa inyo na sabihan ang inyong mga anak tungkol sa Katotohanan ng kanilang pag-iral sa Lupang ito; kung saan sila nagmula at ang kapalarang naghihintay sa kanila pagkatapos ng buhay na ito. Tungkulin nyong tulungan silang buksan ang kanilang puso sa Aking Pag-ibig. Maamo nyo silang ihatid sa Akin pero gawin nyo lahat ng maaaring gawin para tulungang maligtas ang kanilang mga kaluluwa. Gawin nyo ito alang-alang sa inyong pagmamahal sa kanila. Pwedeng tinalikuran nyo ang inyong tungkulin nitong mga nagdaang taon, pero ngayon na ang panahon para magbayad-puri. Pag dinasal nyo ang Divine Mercy para sa kanilang mga kaluluwa, matutulungan nyo sila. Mas mabuti kung lalapit sila sa Akin na ang mga kamay ay ipinaaabot sa Akin sa buhay na ito, nang bukal sa kanilang kalooban.
Sa mga kabataan, ito ang masasabi Ko. Kung nananampalataya kayo sa Akin, huwag kayong matakot na aminin ito sa mga tao. Huwag nyo Akong itanggi, dahil Ako ang lubid na pansagip sa inyong buhay, na kung wala Ako ay walang buhay. Pag nakita ng iba kung gaano kalakas ang inyong pananampalataya, mas magagawa nilang magbukas ng kanilang puso sa Akin. Nangangailangan ito ng malaking tapang sa parte nyo, pero ang mga grasyang tatanggapin nyo mula sa Akin ay higit na mas marami pa kaysa inyong takot. Pag sinabi nyo sa mga tao na Ako nga’y Umiiral, pag pinakitaan nyo sila ng respeto at pagmamahal, at napalapit nyo sila sa inyo, rerespetuhin nila kayo dahil sinabihan nyo sila tungkol sa Akin. Maaring maasiwa kayo sa pagsasalita tungkol sa Akin sa isang hinga, at sa kasunod na hinga ay tungkol naman sa mga makamundong bagay, pero mas magiging matatag kayo sa inyong pananampalataya pag ginawa nyo ito. Hindi lamang kayo makakaranas ng ganung katinding pagmamahal sa Akin sa inyong puso, kundi maililigtas pa nito ang mga kaluluwa ng inyong mga kaibigan.
Gamitin nyo ang Internet para ikalat ang Aking Mensahe. Pag-usapan nyo ito. Hindi na bale kung pagtawanan kayo ninuman. Dahil pag ginagawa nyo ito, maraming kabataan sa buong mundo ang magkakaroon ng buhay na walang-hanggan dahil sa ibinunga nitong pagbabalik-loob.
Sige na, Aking mahal at batang hukbo. Panahon na ngayon para kayo’y magkaroon ng tapang na ikalat ang Aking Mga Mensahe, na ibinibigay sa henerasyong ito sa mundo para ipaalala sa kanila kung Sino Ako, kung bakit Ko iniligtas kayong lahat mula sa kailaliman ng Impiyerno, at kung bakit iniaabot Ko sa inyo ang Aking Kamay para iligtas Ko kayong muli.
Ito na ang panahon para abutin Ko at hawakan ang inyong mga kamay.
Mahal Ko kayo.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Kaibigan
Jesucristo
Ang pera, at ang sobrang dami nito, ay binubulok ang kaluluwa
Linggo, August 21, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, dinadalaw Kita ngayong gabi habang ang mundo ay nagsisimula nang sumabog sa walang-patid na karahasan, habang parami nang parami ang mga bansang nagbobombahan sa paghahangad ng kapangyarihan at kaluwalhatian. Ipanalangin nyo yung lahat ng kaluluwa ng mga mamamatay sa karahasang ito para makamtan nila ang biyaya ng Kaharian ng Aking Ama.
Anak Ko, mangyayari na ngayon sa mundo ang mga pagbabagong nai-propesiya na, para linisin sila at nang ang tao ay maging karapat-dapat sa Aking Pangako. Patuloy silang pababayaang mawalan ng mga materyal na bagay, ng matatakaw na taong responsable sa kanilang biglaang pag-alis. Habang tumitindi ang mga pagsubok na ito, ang mga anak na ito ay makalalaya sa mga posas na nagtatali sa kanila sa mga walang-katuparang pangako ni Satanas, na siyang umaakit sa mayayaman, sa pamamagitan ng pangangakong bibigyan pa niya sila ng mas marami pa. Ipagpapatuloy niya ngayong iparada ang kalaswaan ng mayabang na kabulgaran para makita ng buong mundo. Gagawin niya ito, hindi lamang para ang Aking mga anak ay mainggit sa mayayaman at sikat, kundi para gawin din nila lahat para gayanin ang mga ito. Aakitin niya ang Aking mga anak sa pugad na ito, kung saan ang mga borloloy ng malaking kayamanan ay pinagmumukha niyang mahalagang bagay na dapat pagsikapang makamtan. Alam niya kasi na pag naakit na niya sila, nagawa na niyang ilayo sila sa Katotohanan.
Pag naalisan na kayo ng lahat at nahubaran, muli Ko kayong dadamitan, mga anak. Kaya nga lang, sa pagkakataong ito, kasuotang armor ang isusuot Ko sa inyo bilang proteksyon sa kasamaan ng masasamang tao. Pag may armor na kayo, magiging handa na kayong harapin ang mundo ng may ibang pananaw sa buhay. Isang buhay na ang inyong pagmamahal sa inyong kapwa ang inyong numero unong layunin. Pag kayo’y nagmamahalan, pinatutunayan nyong talagang mahal nyo Ako. Ang maskarang ito ng kayamanan at pera, na konting-konti lang sa Aking mga anak ang meron, ay ganun nga lamang – isang pekeng mukha, dahil wala namang laman sa likod nito. Tutuksuhin kayong maghangad ng ganun ding kayamanan, dahil kukumbinsihin kayo ni Manloloko na dapat nyo ring pagsikapang magkaroon ng ganung kalaking kayamanan at kasikatan. Sa Totoo lang, habang bisi kayo sa paghabol sa mga walang-saysay at walang laman na mga pagnanasa, tatalikuran nyo ang inyong tungkulin sa Akin.
Huwag na huwag nyong hahayaang ang pagpaparada ng kayamanan at kasikatan ay akitin kayo, mga anak, dahil alam nyo ba, ang pera, at ang sobrang dami nito, ay binubulok ang kaluluwa. Yung mga sobra-sobra ang pera, na malamang ay hindi nila kayang ubusin sa buhay na ito, ay kailangang ibigay ito sa mga kawawang tao na halos wala nang makain. Gawin nyo ito at maililigtas nyo ang inyong kaluluwa. Pag natatakaw pa kayo sa mga kalabisan, gayung meron na kayong sapat para pakanin at damitan ang isang bansa, dyan kayo gugutumin. Ang Pagkain ng Buhay ang siya nyong mapagkumbabang pag-amin na ang pagmamahal sa isa’t isa ang Aking itinuro sa inyo. Ang pagmamahal sa kapwa ay ang ibig sabihin ay pag-asikaso sa mga walang-wala.
Gising at tanggapin ang Katotohanan bago maging huli na ang lahat para sa inyo. Mas mahirap para dun sa mga may malaking kayamanan na mapaboran ng Aking Ama, maliban kung ibabahagi nyo ito sa iba. Tandaan nyo ito, kayong kokonti ang pag-aari at naiinggit dun sa mga mukhang meron lahat ng materyal na kaginhawahang gusto nila, kayo man ay kailangan ding mag-ingat. Iisa lang ang mansyong dapat nyong pagsikapang puntahan, at yun ang mansyong naghihintay sa inyo sa Bagong Paraiso sa Lupa. Yun lamang mga mapagkumbaba sa puso, isip at kaluluwa ang bibigyan ng susi.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang masama ay itinuturing na mabuti samantalang ang mabuti ay itinuturing na masama.
Lunes, August 22, 2011 8:10 pm
Pag kinukwestyon ng tao ang kanyang pananampalataya, kailangan niyang mag-isip. Pag may duda siya, kailangan niyang pabuksan sa Akin ang kanyang mga mata. Pag nahihirapan siyang magdasal, kailangan niyang pabuksan sa Akin ang kanyang bibig. Pero pag ayaw niyang pakinggan ang Katotohanan, kailangan na niya ang panalangin ng iba.
Mga anak Ko, talagang nababahala Ako kung paanong ang masama ay itinuturing na mabuti, samantalang ang mabuti ay itinuturing na masama. Lahat ng bagay sa inyong mundo ay baligtad. Yung mga walang malalim na debosyon sa Akin, wala kayong kamalay-malay tungkol dito.
May mga pagkilos na ginagawa na sa buong mundo sa bawat lebel ng gobyerno, simbahan at estado sa ngalan nyo at wala kayong kamalay-malay tungkol dito.
May masasamang batas na inihahain at ibinibigay sa sangkatauhan para sa kanilang kapakanan, kuno. Kabilang dito ang mga bagong pamahalaan, gamot, tulong mula sa ibang bansa, bakuna at pangangaral ng mga bagong relihiyon at iba pang mga doktrina. Hindi pa kailanman nagkaroon ng ganitong pagkalito ang Aking mga anak.
Kung sa labas mo titingnan, lahat ay kontrolado at maayos, at masasabing ganun nga. Pero ang talagang kaayusan lamang na meron ay hawak nung mga kumo-kontrol ng mga pandaigdigang pangyayari, at sila’y nagtatago sa kaginhawahan ng kanilang masamang asal, sa likod ng mga saradong pinto.
Huwag kayong paloloko, mga anak. Kailangan nyo Akong hingan ng tulong para ang masasamang pangyayaring pinaplano ng mga sikretong kapangyarihang pandaigdig ay mabawasan ang tindi. Ang inyong tanging daan papunta sa tunay na kalayaan ay pag pinagningas nyong muli ang inyong pananampalataya sa Akin. Malapit na itong mangyari, mahal Kong mga anak, pag iniharap Ko ang Sarili Ko Mismo sa mundo pag nangyari na ang Babala, na malapit na malapit na.
Ipanalangin nyo naman yung mga nakakakita, pero bulag sa Aking Kabanal-banalang Salita. Ipanalangin nyo yung mga patuloy na binabaluktot ang Aking Mga Aral, at ang Aking mga sagradong lingkod, na dahil mga duwag sila, ay sila’y bumibigay sa mga hinihiling sa kanila ng mga gobyerno.
Iisa na lamang ngayon ang hari na namamahala sa hinaharap, at yun ay ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos na Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay. Maging tapat kayo sa Kanya higit sa lahat at makakatagpo kayo ng matatag na aapakan paglakad nyo sa daan papunta sa Katotohanan.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Walang kasalanang ganung ka-grabe na hindi na ito mapapatawad pa
Martes, August 23, 2011 11:45 pm
Anak Ko, sinisimulan mo nang maunawaan ang Katotohanan ng pagdurusa. Pag hiniling Ko sa mga piniling kaluluwa na sila’y magdusa, kapareho yun ng pagdurusa Ko nang Ako’y pahirapan sa Pagpapako sa Akin sa Krus. Kung paanong ang Aking kamatayan ay iniligtas ang tao mula sa kasalanan, gayundin naman ang iyong pagdurusa ay makakapagligtas sa tao mula sa walang-hanggang hatol. Pag iniaalay mo ang iyong pagdurusa, nang bukal sa iyong kalooban, gumagawa ka ng sakripisyo para ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay mapakitaan ng Awa ng Diyos.
Kung hihilingin Ko sa mas marami pang kaluluwa na gawin ito, pwedeng matakot sila at tumanggi. Pero maraming kaluluwa ang nagdurusa na hindi alam na sila’y mga piniling kaluluwa. Marami sa Aking mga anak ay pwedeng magtanong kung bakit may mga taong nagdurusa at merong hindi. Ang sagot Ko ay, pinipili Ko ang may magagandang-loob, yung mga nagpapakita ng kababaang-loob sa buhay na ito, yung mga inuuna ang mga pangangailangan ng iba bago ang kanya. Ang kaluluwa ng may magandang kalooban ay ginagampanan ang papel na magdusa para sa Akin. Ito’y Regalong galing sa Akin. Pwedeng hindi ito mukhang isang Regalo, pero pag binigyan ka ng ganitong Regalo, nagliligtas ka ng libu-libong kaluluwa araw-araw alang-alang sa Akin.
Hinihiling Ko ngayon sa Aking mga alagad na sila’y gumawa ng isang sakripisyo isang araw, na parang pagdurusa, para tulungan Akong magligtas ng mga kaluluwang nasa kasalanang mortal na nasa bingit na ng kamatayan habang nangyayari Ang Babala. Hingin nyo naman sa Akin ang Regalong ito. Para dun sa mga may mababang-loob, hihilingin Ko rin sa kanila na gumawa sila ng isang personal na sakripisyo sa Kaluwalhatian Ko. Para naman dun sa mga nag-aakalang hindi nila ito magagawa, bibiyayaan Ko kayo ng Aking mga espesyal na grasya dahil alam Kong ang pagmamahal na meron kayo ngayon para sa Akin, at ang inyong mga panalangin, ay nagliligtas na ng inyong mga kapatid.
Mga anak Ko, dapat nyo itong malaman. Ang aking hukbo ng mga alagad ay lumalaki araw-araw dahil sa Mga Mensaheng ito. Malapit na itong maging hukbo ng milyun-milyon. Nanawagan Ako dun lamang sa mga may sapat na tapang para isuot ang Aking gwantes na armor. Ang katapangan ay nakaugat sa pag-ibig. Iba’t iba ang mga interpretasyon ng mga tao tungkol sa pag-ibig. Ang hinihiling Ko lang naman sa inyo ay sabihan ang mundo tungkol sa Aking Pag-ibig. Ipaalala nyo ang tungkol sa Katotohanang nakapaloob sa Banal na Kasulatan. Sabihan nyo sila na malapit na Akong magbalik para ibigay sa kanila ang dakilang Regalo ng Aking Awa. Dahil kung masyadong maaga Akong pupunta sa inyong mundo para Maghukom, magiging parang isang disyerto ang Langit, ganun nga kalaganap ngayon ang kasalanan.
Ikalat nyo ang Aking Magandang Balita. Ipagunita nyo sa kanila na pag nakakaramdam sila ng pagmamahal, yung tunay at purong pagmamahal sa isang tao, kahit sa isang sulyap lamang o sa isang mabuting gawa, napapatunayan nyo na Ako’y naroroon noon.
Sabihin nyo sa kanila na kung wala silang pag-ibig, matutuyo at mangunguluntoy sila hanggang sa mawala na sila nang tuluyan.
Sabihin nyo sa kanila na pag tinitingnan Ko sila, sila’y hubad at walang makamundong mga ari-arian sa Aking Mata. Ang nakikita Ko lamang ay ang kanilang kabutihan at kasamaan na nasa kaluluwa.
Para dun sa kawawa at takot na mga kaluluwa, na ikinahihiya ang kanilang pamumuhay, sabihin nyo sa kanila na Ako’y Mapagpatawad, Maawain-sa-lahat, at mainit Ko silang sasalubungin ng Aking bukas at Mapagmahal na Mga Braso. Ang kailangan lang nilang gawin ay lumapit sa Akin at hingan Ako ng tulong. Hindi Ko kailanman tatalikuran ang mga pagmamakaawa ng mga makasalanan, gaano man kaitim ang kanilang kasalanan. Pinatatawad Ko lahat ng tunay na nagsisisi para sa anumang nakaraang pagkakasala na kanilang ginawa. Magiging mas magaan ang kanilang puso at ang Aking Pag-ibig ay ibabalik ang Liwanag sa kanilang buhay. Maluwalhati Akong magbabalik, mga anak, hindi para takutin kayo, kundi para dalhan kayo ng Aking Mga Regalo, yun mismong Mga Regalong hindi napabigay sa inyo dahil sa kagagawan ni Satanas.
Halikayo. Itungo nyo ang inyong mga ulo. Isantabi nyo ang inyong hiya at humingi na kayo ngayon ng tawad sa Akin. Walang nakakasindak sa Akin, mga anak. Walang kasalanang ganung ka-grabe na hindi Ko na pwedeng patawarin pa, basta’t nagpapakita ng tunay na pagsisisi. Huwag nang mag-atubili. Hingin nyo na ngayon ang Pagtubos bago pa maging huli na ang lahat.
Ang inyong nagmamahal na Jesucristo
Manunubos ng Sangkatauhan
Ang mga propesiyang sinabi na sa pamamagitan ng propetang ito ay nakikita na ngayon
Miyerkules, August 24, 2011 4:38 pm
Pinakamamahal Kong anak, bawat bansa sa mundo ay pagsisikapang basahin ang Aking Mga Mensahe na ibinibigay sa iyo. Dahil pag nasaksihan na nila Ang Babala ay hananapin na nila ang Aking paggabay para bigyan sila ng lakas.
Pagod ka na ngayon, anak Ko, habang tumitindi pa ang pagdurusa, pero ilang araw na lang at bibigyan ka na ng pahinga. Kinakailangan ang lahat ng ito sa iyo dahil kailangan Ko ng pagdurusa para matulungan Akong tubusin yung mga taong nasa nakakakilabot na kasalanan. Subukin mo at tingnan ang mga kabutihang dulot nito. Dahil darating ang araw na magagalak kang kasama Ko pag nasaksihan mo ang Mga Bunga ng Gawaing ito.
Abante, mga anak Ko, nang may lakas dahil habang ang mga propesiyang sinabi na sa pamamagitan ng propetang ito ay nakikita na ngayon, gayundin ang paniniwala sa katotohanan ng website na ito.
Ipanalangin nyo ngayon, mga anak Ko, na kayo, ang Aking hukbo, ay lumaki ang bilang at magkaisa para makilahok sa espiritwal na labang darating.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Mga Kalamidad na dulot ng Klima ay mararanasan na ngayon sa ilang bansa. Galit ang Aking Ama
Huwebes, August 25, 2011 8:00 pm
Pinakamamahal, manawagan ka sa lahat Kong prayer warrior na ipanalangin ang iba – kabilang dito ang mga di-mananampalataya at yung mga nabitag na ng karahasan at pagkasuklam. Desperado silang pagala-gala para makatagpo ng pag-ibig at kapayapaan sa kanilang buhay at nadidiskubre nilang imposible ito. Kailangang taimtim nyong ipanalangin ang mga ito, dahil kung wala ang inyong mga panalangin, bubulusok sila sa mga apoy ng Impiyerno. Huwag nyong hahayaang mangyari ito. Kung mahihimok lang silang medyo lumapit sa Akin at maging handang makinig sa Aking Mga Salita, bibigyan sila ng mga grasya para makarga Ko sila sa Aking Mga Braso.
Anak Ko, kailangang ang mundo ay maupo ngayon at makinig sa Akin. Malapit na nilang masaksihan ang sunud-sunod na mga lindol at baha. Mararanasan sa ilang bansa ang mga kalamidad na dulot ng klima. Ito ang mga parusang ibinagsak ng Aking Ama sa sangkatauhan. Parurusahan ang kasalanan, anak Ko, at yung mga bansang nagkasala dahil itinaguyod nila ang aborsyon, ay hindi makakaligtas sa Kamay ng Aking Ama, dahil babagsak na ito. Dahil sa panalangin, marami na ring parusa ang naiwasan, pero patuloy pa ring nagkakasala ang tao at sinusugatan ang Damdamin ng Aking Ama sa pamamagitan ng malalaswa at kasuklam-suklam na mga akto ng tao laban sa tao, pati na sa walang-malay na mga sanggol sa sinapupunan.
Ipanalangin nyo naman ngayon ang mga anak Ko sa mga bansang hindi makakaligtas sa parusang ito. Galit ang Aking Ama. Hindi naman Siya basta uupo na lang at manonood habang winawasak ng tao ang sangkatauhan. Guguhong paloob ang Lupa pag hindi napigil ang tao. Siya, ang Aking minamahal na Ama, ay ititigil muna ang maraming parusa hanggat hindi pa nangyayari Ang Babala. Pagkatapos nun, sa kabila ng pagbabalik-loob ng tao, ipagpapatuloy pa rin ng tao ang pagbalik sa kasalanan. Iginagawad ang mga parusa para ipakita sa tao kung gaano pwedeng magmalupit ang Aking Ama. Mahal Niya lahat ng anak Niya, pero nilikha rin Niya ang mundong ito, at hindi basta na lang hahayaan ang tao na wasakin ito.
Ipanalangin nyo ngayon, mga anak Ko, ang lahat nyong kapatid.
Jesucristo
Hari ng Sangkatauhan
Mensahe sa Mga Pari – huwag kayong magpa-bully o magtakot sa mga grupong sekular o di-relihiyoso
Sabado, August 27, 2011 12:10 am
Pinakamamahal Kong anak, kung sana man lang ay mas maraming pari at mga miyembro ng Simbahang Kristiyano ang bubuksan ang kanilang isip at tatanggaping Ako ngayo’y nakikipag-usap sa mundo sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ay di sana ay mas gagaan ang Puso Ko. Ang Aking tapat na mga alagad ang siyang naghahawak ng kandila ng liwanag habang masigasig silang umaabante para ikalat ang Aking mga babala sa mundo, para himukin ang Aking mga anak na tubusin ang kanilang sarili sa Mata Ko. Anong lungkot Ko pag Aking nakikita kung gaano ka-sarado ang mga isip nung mga sagradong lingkod na nagsasabing ipinapahayag nila ang Aking Salita, ang Aking Mga Aral, sa mundo. Nadudurog ang Aking Puso dahil sa kanila, naging napakatigas na kasi ng kanilang mga puso.
Kinakatigan ng Aking Mga Aral ang katotohanang may nangyayari ngang mga Makalangit na pagbubunyag, at ito’y nangyayari na simula pa sa simula. Akala ba nila’y ang Aking Ina o Ako, ay hindi kakausapin ang Aking mga anak sa loob ng mga daan-taon? Masaya nilang tinututukan ang salita ng mga santo sa nakaraan, matagal na panahon pagkatapos maibigay ang kanilang mga mensahe sa mundo, pero hindi na ganito ngayon. Ang kaibhan ng panahong ito ay wala na silang panahon pa para maunawaan ang Mga Mensaheng ito pagkatapos nitong mangyari. Dahil ang panahong pamilyar sa inyo o alam nyo, ay mawawala na.
Nananawagan Ako sa inyo, Aking sagradong mga lingkod at sa Aking Holy Vicar na si Pope Benedict XVI, na basahin na ngayon ang Aking Mga Salita sa sangkatauhan. Hindi pa kailanman nangyari na kinailangan nyo ang Aking panghihimasok sa mga pangyayari sa mundo gaya ngayon. Kung natatandaan nyo pa, bumangon Ako mula sa mga patay at nangakong Ako’y babalik. Gaano kayo ka-handa ngayon? Gaano nyo kalimit ipinaaalala sa Aking mga anak na kailangan nilang tubusin ang kanilang sarili sa Mata Ko? Gaano kalimit nyo ginustong pakinggan ang mga kasalanan ng Aking mga anak pag kayo’y bising-bisi? Ang pakikinig ng Mga Kumpisal ay hindi na pinaglalaanan ng panahon. Binigo nyo Ako, Aking mga sagradong lingkod, at dahil doon, ay napakalaki ng pagkakasala nyo sa Akin. Ang pagkaitan ang Aking mga anak ng karapatang tumanggap ng Mga Sakramento ay walang kapatawaran. Gising at sundin ang Aking utos. Gawin nyo ang inyong tungkulin sa Aking mga anak gaya ng ipinangako nyo sa Akin nang gawin nyo ang inyong mga sagradong panata. Huwag nyo namang talikuran ang Aking Mga Aral.
Ang pananampalataya, lalo na ng sa Aking minamahal na mga sagradong lingkod, ay sobrang nanghihina. Kagagawan ito ng sumpa ni Satanas, na matagal-tagal na ring lumalakad kasama nyo at gumagawa ng gulo sa loob at labas ng Aking Simbahan. Tandaan nyo ito, Aking mga sagradong lingkod. Si Satanas ito, na nagtatrabaho. Huwag na huwag kayong bibigay sa kanyang mga pahirap kaya tuloy tatalikuran nyo ang inyong tungkulin sa Akin.
Makinig na kayo ngayon sa Akin. Dinggin nyo ang Aking mga babala at ihanda ang aking kawan, para makahanap na sila ngayon ng pagtubos para sa kanilang mga kasalanan. Kaya kumilos na kayo, para ang Aking Simbahan ay ipagpatuloy ang laban para sa Katotohanan ng Aking Aral at hindi magpa-bully o magpatakot sa mga grupong sekular o di-relihiyoso na gusto kayong itulak sa isang sulok, na nangininig sa takot. Dahil pag ginawa nyo yun, bumibigay kayo sa mga tukso ni Masama, na ang mga kasinungalingan niya ay winasak na ang malaking bahagi ng Aking Simbahan.
Kayo ang aking lubid na sumasagip ng buhay, Aking mga sagradong lingkod, at kailangan Ko na kayo ngayon para tulungan Akong sagipin ang Aking mahal na mga anak, habang kanilang hinaharap ang mga pahirap na binabaluktot ang kanilang kaisipan tungkol sa Aking Mga Aral at sa Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan.
Nananawagan Ako ngayon sa inyo na Ako’y pakinggan pag kayo’y Aking tinatawag.
Ang inyong minamahal na Guro
Jesucristo
Maraming kaluluwa ang nagdurusa sa Impiyerno dahil sa kasalanan ng pornography
Linggo, August 28, 2011 5:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, pakinggan mo ang Aking Kabanal-banalang Salita habang Aking binabalaan ang sangkatauhan tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng tawad sa Aking Ama para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Konting panahon na lang at halos nandyan na ang Babala. Huwag nyong ipagpaliban para bukas ang kailangan nyo nang gawin ngayon. Mahalaga ang pagsisisi para sa inyong mga kasalanan, bago kayo humingi ng kapatawaran para sa inyong mga kasalanan. Dahil kung walang tunay na pagsisisi, wala rin itong silbi.
Ang dami Ko nang nakikitang mga umitim na kaluluwa sa inyong mundo, anak Ko. Wala na halos Liwanag sa mga ito, at kung makikita mo kung gaano na kalalim ang kinahulugan ng tao, ay masisindak ka. Milyun-milyon sa Aking mga anak ang araw-araw ay nahuhulog sa isang bangin ng makasalanang kabulukan, na imposible na nilang maligtasan pa maliban na lang kung ipananalangin mo sila. Bulag sila sa Katotohanan, at pakitaan mo man sila ngayon ng Liwanag, mamimilipit sila at pagtataguan lang Ako. Ipanalangin mo sila.
Ang aking mga anak, na gumagawa ng kasuklam-suklam na kasalanan, ay natutuwa pa dahil ang kanilang masamang asal ay pinapalakpakan dahil nagbibigay ng aliw. Ang pornography ay nakakapasok sa maraming tahanan sa buong mundo, sa pamamagitan ng mga TV channel, na ipinapakita ang mga kasuklam-suklam na kasamaang ito bilang katuwaan lang, na wala namang masama at ang saya-saya pa – ang mismong mga channel na ito nga pala ay ayaw banggitin ang Aking Ngalan. Ang karahasan din ay ginagawang kaakit-akit, hindi lang sa TV, kundi pati sa mga laro, na ginagawa itong sobrang katanggap-tanggap kaya itinuturing na ng mga tao ang akto ng karahasan bilang isang natural na bagay. Ang mga demonyo ni Satanas, pag pumapasok sa mga kaluluwa, ay nakikita sa katawan ng tao, kaya ang kanilang mga galaw ay malinaw na nakikita ng Aking mga alagad, na pinangingilabutan sa kanilang nasasaksihan. Ang katawan ng tao, pag sinapian ng mga demonyo ni Satanas, ay parang halimaw ang kilos. Pangit sila gumalaw at gagayanin nila ang mga mensaheng maka-satanas na ginagamit ni masama para akitin ang mahihinang tao na pareho ang pag-iisip. Ang mga mahihinang kaluluwa, na walang pagmamahal sa Diyos, ay maaakit sa kanila at tuluyan na silang gagayanin, kaya sila man ay pararangalan na rin si Satanas at ang lahat ng kanyang pinaninindigan sa paraan ng pag-asal.
Mga anak, hindi nyo pa ba nakikita kung paano magtrabaho si Satanas? Mga alagad Ko, kailangang sabihan nyo yung mga hindi nakakaintindi kung paano siya gumagawa sa negosyo ng pornography. Hangad niyang wasakin ang mga kaluluwa at hilahin ang mga sumasali rito sa apoy na walang-hanggan. Yung mga nagkakasala dahil sa kanilang di-natural na sekswal na asal, at yung mga nagpapakita ng kanilang mga katawan sa malaswa at imoral na paraan, ay magdurusa ng napakatinding parusa magpakailanman.
Tulungan nyo na ngayong sila’y maligtas, mga anak, dahil wala silang kaalam-alam kung gaano Ko kinasusuklaman ang kanilang imoral na karumihan. Nababalot sila ng kadiliman. Dalhin nyo sila sa Akin, para maakap sila ng Aking Liwanag at mailigtas sila sa mga apoy ng Impiyerno.
Ang mga kasalanan ng laman ay Aking kinasusuklaman. Ang daming kaluluwang nagdurusa sa Impiyerno dahil sa kasalanang pornography at mga di-natural na sekswal na asal. Sabihin nyo sa kanila kung ano ang kanilang magiging kapalaran maliban na lang kung magpakita sila ng pagsisisi.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Yung mga nagpapahayag ng Aking Tunay na Salita sa pamamagitan ng mga bisyonaryo, ay pagtatawanan
Linggo, August 28, 2011 11:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, pinagtatangkaan na ngayon ni Satanas at ng kanyang mga demonyo na pahirapan ka. Kailangang tanggapin mo ang katunayang ito at pagkatapos ay tumalikod ka na. Huwag kang tutugon, o makikipaglaban, dahil pag tumugon ka, bibigyan mo lang si Masama ng higit pang kapangyarihan sa iyo. Huwag mong papansinin ang kanyang mga panunukso. Humawak ka sa Aking Kamay dahil nakatayo Ako sa tabi mo para protektahan ka sa ganung pinsala.
Sabihin mo sa Aking mga alagad na habang kinukuha nila ang Aking Kalis at nagmamartsa sila para ikalat ang Katotohanan ng Aking pagbalik sa Lupa, sila rin ay magdurusa. Iinsultuhin sila, pagtatawanan at pagmumukhaing tanga habang nagsasalita sila sa Ngalan Ko. Sabihin mo sa kanila na pag ito’y nangyari, anumang duda na meron sila tungkol sa Mga Mensaheng ito, ay mawawala. Mga anak Ko, lagi nyong uunawain na yung mga nagpapahayag ng Aking Tunay na Salita sa pamamagitan ng mga tunay na bisyonaryo, ay dadanas na sila’y pagtawanan gaya ng isang piniling kaluluwa, na ang papel na gagampanan ay ibigay ang Aking Dibinong Mga Mensahe sa mundo. Kayo, Aking hukbo, ay hindi maiiba. Ito’y isang leksyon na mahihirapan kayong intindihin. Alam nyo ba, lagi kayong magdurusa sa buhay na ito pag lumalakad kayo kasama Ko. Alam nyo rin ba na doon nyo lang malalaman na pinapasan nyo ang Aking Krus. Dahil doon lamang kayo magkakaroon ng karapatang ipahayag ang Aking Salita. Wala ni isang propeta, wala ni isang apostol Ko, ang nadalian sa daang ito. Kailangang ipanalangin nyo na magkaroon kayo ng lakas para matagalan nyo ang mga pagsusubok na ito, na talagang susubukin ang inyong pananampalataya.
Pag hinahawakan nyo ang Aking Krus para pagaanin ang Aking pasanin, dadalhin nyo ang pasanin. Kung lubos kayong mananalig sa Akin, humawak kayo sa Aking Mga Braso at hahawakan Ko kayo para bigyan kayo ng lakas na kailangan nyo para sa paglalakbay na ito. Isang paglalakbay na puno ng tinik kaya pwedeng magdugo ang inyong mga paa, pero ang inyong pananampalataya ay magiging napakalakas, kaya hindi na kayo mabubuhay kung wala ang Aking puro at walang-halong Pag-ibig.
Kayo, minamahal Kong mga anak, ang Aking mahal na hukbo. Balang araw, lilinya kayo sa mga daan sa Langit, na namamangha sa kaluwalhatian, kung saan ang mga anghel ay umaawit ng papuri sa Gawaing isinakatuparan nyo para sa Akin habang nabubuhay kayo sa Lupa. Ginagantimpalaan Ko lahat Kong tapat na alagad para sa kanilang katapatan at walang-pagod na pagmamahal para sa Akin. Kayo’y pinagpala, Aking mga kaluluwang hirang, na binigyan kayo ng Regalong makita ang Katotohanan samantalang ang iba ay basta na lang tumatalikod.
Tandaan nyo, binibigyan na kayo ngayon ng Regalong Espirito Santo, kaya hindi nyo na magagawang itanggi pa Ako. Pero ang daang ito ay magkakaroon ng maraming bato na pwedeng makasakit sa inyong mga paa, mga malalaking bato na titisurin kayo, at yung mga mayabang na tatayo para harangan ang inyong daan, na bu-bully-hin at tatakutin kayo at pagbabantaang bumalik kayo sa inyong pinanggalingan.
Itaas nyo ang inyong kamay at maamo nyo silang pagsabihan nang ganito:
“Hinding-hindi ko itatanggi ang daan ng Panginoon. At hinding-hindi ko rin itatanggi ang Pag-iral ni Jesucristo, Ang Siyang pinagtangkaang wasakin ng sangkatauhan, hindi lamang sa Kanyang paghihirap sa Krus, kundi pagkatapos din nito. Kaisa ko si Jesucristo. Nagsasalita ako sa Ngalan Niya. Lumalakad ako kasama Niya. Itinataas Niya ako para ako man, sa mababa kong paraan, ay matulungan kang buksan ang iyong puso sa puro at walang-halong pag-ibig na iniingatan Niya sa Kanyang Puso para sa iyo at para sa iyo lamang.”
Mahal Kong hukbo, bangon na, ngayong pinamumunuan Ko na kayo sa mabato pero Makalangit na daan papunta sa Bagong Paraiso sa Lupa na naghihintay sa inyo. Siguraduhin nyo naman na isama ang pinakamarami sa Aking naliligaw na mga anak, na maaari nyong isama, na makikita nyo sa daan, para magkaisa tayo bilang isang pamilya.
Ang inyong nagmamahal na Jesus
Manunubos at Pinuno ng buong Sangkatauhan
Diyos Ama: “Malakas na babagsak ang Aking Kamay sa mga bansang isinasabatas ang aborsyon”
Lunes, August 29, 2011 12:05 am
Dumarating Ako sa Ngalan ng Aking Anak na si Jesucristo. Ako ang Alpha at ang Omega, ang Diyos na Kataas-taasan. Gusto Kong ibigay sa Aking mga anak sa buong mundo ang Mensaheng ito.
Ang Aking Kamay ay napipigilan sa pagparusa sa tao dahil sa kanyang mga ginagawang kasalanan, sa pamamagitan ng panalangin. Magpapababa Ako ng isang matinding parusa pag ang tao’y hindi tinalikuran ang kasalanang pagpatay ng tao at aborsyon. Nakita nyo na, mga anak Ko, ang Aking Galit sa pamamagitan ng mga lindol, baha, tsunami at iba pang kalamidad na dulot ng kapaligiran. Kailangan Ko kayong parusahan, mga anak, dahil hindi nyo pwedeng iwasan ang parusa para sa inyong mga pagkakasala sa inyong kapwa tao.
Ang mga kasalanan ng aborsyon ay parurusahan sa pamamagitan ng malakas na pagbagsak ng Aking Kamay sa mga bansang yun na pinapayagan ang ganitong kasuklam-suklam na bagay. Hindi kayo papayagang pumatay sa Aking walang kalaban-labang Nilikha, at kung ang inyong mga gobyerno ay magpapatuloy na magpasa ng mga batas na nagpapahintulot sa duwag na asal na ito, makikita nyo ang pagbagsak ng Aking Galit nang napakatindi ang lakas kaya magmamakaawa kayo na Kaawaan kayong mabuhay pa. Pero wala kayong katigil-tigil sa pag-iisip na kitilin ang buhay ng sanggol na hindi pa ipinapanganak.
Ang pagpatay ng tao ay hindi Ko na mapapayagan pa. Patitigilin na kayo at malapit na itong mangyari. Ipanalangin nyo ang mga kaluluwa ng mga walang kalaban-labang mga nilalang na ito at humingi kayo ng pagtubos. Huwag nyong tatanggapin ang ganung mga batas na ipinapasa ng inyong gobyerno, na pinatatakbo ng mga paganong walang respeto sa buhay.
Ang Aking parusa sa mga bansang nagkasala sa pagsasabatas ng aborsyon ay pupuksa sa mga bansa. Ang inyong mga bansa ay magkakadurog-durog at mahuhulog sa dagat. Ang inyong masasamang clinic at ospital, kung saan isinasagawa ang ganitong mga gawain, ay magsasara, at kayo, yung mga maysala sa inyo, ay itatapon sa mga apoy ng Impiyerno dahil sa inyong mga kasuklam-suklam na krimen.
Dumarating Ako para ibigay sa inyo ngayon ang Babalang ito. Huwag na huwag nyong papayagan ang aborsyon. Manindigan kayo sa inyong mga bansa at lumaban para pigilang maituloy ang pandaigdigang pagpuksa ng lahi na ito. Pag ang inyong mga gobyerno ay nagpatuloy sa pagsasagawa ng nakakakilabot na aktong ito sa Aking Nilikha, magiging matindi ang parusa nyo.
Pakinggan nyo na itong isa sa Aking pinakamahahalagang Mga Babala sa sangkatauhan. Kunin nyo ang buhay ng Aking sanggol na hindi pa ipinapanganak, at kukunin Ko rin yung sa inyo. Ipanalangin nyo nang taimtim, mga anak, ang pananampalataya ng lahat Kong anak dahil patuloy nilang binabale-wala ang Aking Mga Aral na ibinibigay sa inyo mula pa sa simula.
Diyos Ama
Piliin nyo ang inyong mga kakilala at lumapit kayo sa Trono ng Aking Ama para sila’y iligtas
Martes, August 30, 2011 2:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, halos sumabog sa lungkot ang Aking Puso habang pinagmamasdan Ko ang Aking mahal na mga anak, na walang kaalam-alam sa mga pagbabagong darating.
Ganun Ko sila kamahal, kaya napapaiyak Ako dahil sa matinding kalungkutan pag nakikita Ko silang pagala-gala sa paghahanap sa Akin, pero wala silang magawa. Alam nilang may kulang sa kanilang buhay, pero hindi nila matukoy kung ano ito. Ang kulang na yun ay pag-ibig. Ako ang Pag-ibig. Ako ang kanilang hinahanap, pero hindi nila alam kung saan maghahanap. Magkaganun man, naroroon Ako’t pasensyosong hintay nang hintay na Ako’y kanilang lapitan.
Ang daming panahong nasasayang, Aking anak. Ang mga anak Ko’y naghahanap sa lahat ng maling lugar, naghahanap ng kasiyahan at kapayapaang kanilang pinananabikan. Pero hindi nila ito matatagpuan maliban na lang kung tatanggapin nila na sa pamamagitan lamang ng kababaang-loob nila pwede itong matagpuan.
Hangga’t hindi nauunawaan ng Aking mga anak na hindi sila maaaring mabuhay nang walang pagmamahal sa Aking Ama, mamamatay silang walang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang puso. Pagod na Ako, anak Ko. Kung sana nama’y yung mga tumalikod sa Akin ay lalapit na sa Akin. Kung sana nama’y titigilan na nila ang paghahangad ng kapangyarihan, pera at kaluwalhatian, mula sa mga makamundong pag-aari, malalaman sana nila ang Katotohanan.
Kailangan Ko kayong lahat, mga alagad Ko, para patuloy na ipanalangin ang mga bulag na kaluluwang naliligaw. Huwag na huwag kayong susuko, dahil ang inyong mga panalangin ay dadalhin sa harap ng Trono ng Aking Ama. Pakidasal nyo naman ang sumusunod:
“Diyos na Kataas-taasan, humaharap ako sa Iyong Trono sa linggong ito, para ipagmakaawa ang mga kaluluwa ng aking mga kapatid na ayaw tanggapin ang Iyong Pag-iral. Isinasamo Ko sa Iyo na punuin sila ng Iyong mga grasya para buksan nila ang kanilang mga puso at pakinggan ang Iyong Kabanal-banalang Salita.”
Piliin nyo naman yung mga kaluluwang kilala nyo, na ayaw kumilala sa Diyos Ama, at ilagay nyo ang kanilang mga pangalan sa harapan ng Aking Ama. Ang inyong handog na panalangin ay gagantimpalaan ng kanilang kaligtasan. Hayo na, Aking hukbo, at maghanda para sa susunod na bahagi ng espiritwal na giyerang ito laban kay Masama.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Aking hukbo ay dadami at magiging isang grupo ng mahigit sa 20 milyon
Miyerkules, August 31, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, bumubugso ang Aking pagmamahal sa iyo at sa Aking mga alagad, at ito’y nagdudulot sa Akin ng malaking tuwa. Ang tindi ng Aking pagmamahal sa inyong lahat. Ang inyong katapatan, kababaang-loob, pananalig at purong pagmamahal sa Akin ay lalo pang lumalakas araw-araw. Di nyo ba ito nadarama? Ito ang Aking Regalo sa bawat isa sa inyo, Aking mga purong kaluluwa, na pinitas mula sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay para sundan Ako sa daan papunta sa Paraiso.
Ang Aking mga anak na pinukaw ng Espirito Santo, na ibinuhos sa buong mundo noong Mayo, ay makakadama ng isang debosyon sa Akin na hindi pa dati alam ng marami. Mabilis Ko na ngayong tinitipon ang Aking hukbo at ito’y lalago at malapit na itong maging isang grupo ng mahigit 20 milyong kaluluwa. Paglaki ng hukbo, paglakas din naman ng Espirito Santo na titipunin at pagkakaisahin ang Aking mga anak para labanan si Manloloko. Ang Aking Dibinong paggabay ay pumasok na ngayon sa inyong mga kaluluwa, alam nyo man ito o hindi. Para kayong may switch sa loob. Pagtawag ng Aking Pag-ibig, natural kayong tutugon para gumawa ng paraan para magbalik-loob ang iba. Ito ang Kapangyarihan ng Espirito Santo, at ito’y nadarama na ngayon sa bawat sulok ng Lupa.
Lahat ng relihiyon, lahat ng pananalig, lahat ng lahi at lahat ng bansa ay tutugon na ngayon sa Liwanag ng Katotohanan. Napakahalaga ng lahat ng ito sa Aking Amang Walang-hanggan. Nilalapitan na Niya ang bawat lalaki, babae at bata, para marinig nila ang Kanyang tawag. Hindi matatagalan ni Satanas ang mga panalanging dadasalin ng Aking mga alagad. Luluwag ang kanyang hawak, at malapit na itong mangyari.
Ginagalit siya ng panalangin at ng pananampalataya ng Aking mga alagad. Dahil wala na siyang lakas para magtanim ng mga duda sa isipan ng Aking tapat na mga alagad, ibabaling niya ang kanyang pansin sa mga makasalanang mahihina. Litung-lito na ang mga anak na ito, at winasak na ng kasalanang mortal, kaya maaakit sila sa kanya. Dahil sa kadiliman ng kanilang mga kaluluwa, hindi na nila magagawang depensahan pa ang kanilang mga sarili. Taimtim nyong ipanalanging ang kanilang mga kaluluwa’y maligtas.
Ito ang panahon na ang Aking Simbahan, nahaharap man sa pambihirang mga balakid na dulot ng kasalanan, ay muli ngayong itatayo ng Aking mga alagad sa Lupa. Mangangailangan ito ng panahon, pero pag ito’y nangyari, ang Aking Simbahan ay mababalik sa dati nitong Luwalhati, at magkakaroon ito ng panibagong lakas.
Ito, kasama ng lahat Kong bayang hinirang, ay sasanib sa Maluwalhating Kaharian ng Aking Ama. Ang tamis ng pangyayaring ito, pag napalayas na sa mundo si Satanas at lahat ng masamang bagay, ay dapat nyong mapagmahal na salubungin, mga anak. Ito ang Bagong Panahon ng Kapayapaan na dapat nyong panabikan sa Lupa. Ang mga panahong darating, mga anak, ay maaaring maging mahirap. Tumutok lang kayo sa Akin at makakalabas kayo nang buhay. At pagkatapos ay darating na ang kapayapaang inyong pinakahihintay.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Hirap Umakyat sa Hagdang papunta sa Paraiso
Sabado, September 3, 2011 11:50 pm
Pinakamamahal Kong anak, huwag mo nang lokohin ang iyong sarili. Naibaling ni Manloloko ang atensyon mo palayo sa Akin nitong mga huling araw. Ang dahilan mo ay ikaw ay bisi, pero hindi talaga ito ang totoo. Sa sobrang tuso niya, nagawa niyang guluhin ang bawat minuto ng iyong panahon. At habang nangyayari ito, alam mong hindi ka naglalaan ng panahon para sa Akin. Di ba? Nadama mong para kang naguguluhan at nawawala, at parang hungkag ang iyong kalooban habang wala Ako. Lagi man Akong malapit sa iyo sa buong panahong nangyayari ito, pinayagan Ko pa ring maramdaman mong parang pinabayaan na Kita. Kaya ngayo’y naramdaman mo na ang kawalang-pag-asa ng mga kaluluwang tinatanggihan Ko dahil sa kasalanan. Mahalaga lahat ito para sa iyong espiritwal na paglago. Magmukha mang walang-saysay na payagan Ko ito, bahagi pa rin ito ng iyong pagsasanay papunta sa kabanalang kinakailangan at hinihiling Ko sa iyo. Ikaw, mahal Kong anak, ay patuloy na makakadama ng isang klase ng pagka-abandona, paminsan-minsan, gaya ng maraming kaluluwang nasa ganito ring daan.
Ang hagdang papunta sa perpeksyong espiritwal ay napakahaba. Para sa bawat hakbang ng mga kaluluwa palapit sa Akin, aatras sila ng isa, dalawa at higit pang hakbang. Kaya hinihiling Ko sa iyo, anak Ko, na sabihan ang lahat Kong alagad na kanilang maingat na paghandaan ang hagdanang ito, na kinakailangan bago nila marating ang pinakamataas na baitang. Sa Aking Mensahe noong November 24, 2010, nang una Kong sabihin sa iyo ang tungkol sa hagdanang ito, ipinaliwanag Ko sa iyo kung paano may ilang tao na sobrang bilis umakyat sa mga baitang na ito. Pero mali yun. Alam mo, Ako ang Siyang umaakay sa inyo sa buong panahon ng inyong pag-akyat.
Mga anak Ko, kailangan nyong akyatin ang bawat baitang ng hagdanang espiritwal bago nyo marating ang mga pinakamatataas na baitang papunta sa pinto ng Paraiso. Konting pasensya. Huwag kayong masisiraan ng loob pag kayo’y nahulog. Basta tumayo lang muli at magsimulang umakyat hanggang itaas.
Mga anak, hahawakan Ko kayo sa kamay at aakayin hanggang itaas, payagan nyo lang Ako.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Mensahe ng Birheng Maria: Pagka-abandona ng isang victim soul
Linggo, September 4, 2011 9:50 pm
(Ang Mensaheng ito ay natanggap pagkatapos mag-Rosaryo ng bisyonaryo at pagkatapos ng isang aparisyon kung saan napakita ang Pinagpalang Ina sa loob ng 20 minuto, sa isang pribadong silid na dasalan.)
Ako’y dumarating sa Ngalan ng aking minamahal na Anak na si Jesucristo. Ako ang Banal na Ina ng Diyos.
Anak ko, nagdurusa ka para sa aking Anak, at hindi naging madali ang nakaraang linggo habang nilalabanan mo ang puwersa ng kasamaan para manatiling tapat sa aking mahal na Anak. Pinupuntahan kita ngayon para sikaping ipaliwanag ang nangyayari. Bilang isang victim soul, daranas ka ng mga panahon ng pagka-abandona pag lahat ng ala-ala sa aking Anak ay nawala na sa iyong isip. At pagkatapos, pag sinikap mong maglaan ng panahon para magdasal, madidiskubre mong hindi mo ito magawa. Pagkatapos nito, malilito ka at ang pananabik sa Presensya ng aking Anak ay magdudulot sa iyo ng dalamhati. Huwag kang mababahala, dahil mahirap man ito, isa pa rin itong klase ng pagdurusa, na kailangan mong maranasan bilang isang victim soul.
Ipanalangin mo naman na mabigyan ka ng tapang at mga grasya para tanggapin ang bagong uri ng pagdurusang ito, na lilito sa iyo. Ipagpatuloy mo ang araw-araw na Misa at pagtanggap ng Kabanal-banalang Eukaristiya, anuman ang kaharapin mo. Pipilitin ka ni Manloloko na talikuran ang Gawaing ito. Di na magtatagal at pababayaan mong atakihin ng mga duda ang iyong kaluluwa. Sabihin mo sa lahat na ipanalangin ka nila ngayon. Dahil ang iyong regalo sa aking Anak ay patuloy na nagliligtas ng mga kaluluwa sa lahat ng lugar. Huwag na huwag mo itong kalilimutan gaano man kahirap ang iyong pagdurusa.
Anak ko, lagi kitang kakausapin pag nawawalan ka ng direksyon, dahil ako ang iyong minamahal na Ina. Lagi akong naririto para protektahan kita at akayin papunta sa aking Anak, para masunod ang kanyang mga kagustuhan. Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Kapayapaan
Ang mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyo mismong sarili ay talagang mas mahirap kaysa akala mo
Linggo, September 4, 2011 10:00 pm
Anak Ko, ito na ang panahon para pakinggan ang Aking mga iniuutos na alertuhin na ang Aking mga anak tungkol sa darating na mga panahon para ihanda ang lahat Kong alagad sa kanilang pangangailangang magpatuloy sa araw-araw na panalangin. Kailangan din nilang tanggapin ang Aking Katawan sa hugis ng Banal na Eukaristiya at manalangin para sa pagliligtas ng mga kaluluwa.
Mas pinapakinggan na ng mga anak Ko ang Aking Mga Mensahe habang nagsasama-sama silang manalangin para sa lahat Kong anak araw-araw, bago pa mangyari Ang Babala.
Pagmasdan nyo ang inyong mga kapatid sa pamamagitan ng Aking Mga Mata, na nakikita sila bilang mga milagrong likha na ibinibigay ng Aking Amang Walang-hanggan bilang isang Regalo sa sangkatauhan. Bawat nasabing kaluluwa ay minamahal nang pantay-pantay. Walang pagkakaiba sa Mata ng Aking Ama. Kung kayo, mga tapat Kong alagad, ay mahal Ako, mamahalin nyo ang Aking Ama. Gayundin naman, kung tunay ang pagmamahal nyo sa Aking Ama, mamahalin nyo ang inyong mga kapatid. At lalo na yung mga nakakasakit sa inyo dahil sa kanilang asal. Merong iinsultuhin kayo, pagtatawanan at sisirain ang inyong magandang pangalan, kaya masasaktan kayo at ang inyong pamilya. Maaaring kakilala nyo sila nang personal, o pwedeng nasaktan kayo dahil sa kagagawan nila, na maaaring sobrang makapinsala sa kakayahan nyong damitan at pakanin ang inyong pamilya. Gaano man kayo saktan ng mga tao, hinihiling Ko sa inyo, sa Ngalan Ko, na sundin nyo ang Aking ginagawa. Ipanalangin nyo sila, lalo na yung mga nakakapinsala sa inyo. Dahil pag ipinananalangin nyo sila, pinalalabnaw nyo ang pagkasuklam na ibinubuga ni Satanas, yun bang pagkasuklam na pwedeng ipasok sa inyong isip na kayo’y maghiganti.
Ito ang isa sa mga pinakamahirap sa lahat Kong Mga Aral.
Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Talagang mas mahirap ito kaysa akala nyo. Pag nagagawa nyo na ang aktong ito na isang napakadakilang kagandahang-loob, matutulungan nyo na Akong isakatuparan ang Aking plano na magligtas ng mas marami pang kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Guro at Kaibigan
Jesucristo
Magsagawa na ng mga Divine Mercy Vigil ngayon – Malapit na Ang Babala
Lunes, September 5, 2011 9:00 pm
(Pansinin: Dalawang mensahe ang tinanggap ngayong gabi mula kay Jesucristo. Sa unang Mensahe, na isang pribadong pagbubunyag, ibinigay sa bisyonaryo ang mga detalye ng panahong pangyayarihan ng Babala. Ang paglalathala ng mga ito ay ipinaubaya sa bisyonaryo na nagpasiyang huwag nang ilathala ang mga ito ngayon. Sa halip, ibinigay ang mga ito sa isang pari para ingatan. Ang Mensahe ay ilalathala pagkatapos mangyari Ang Babala. Ang ikalawang Mensahe ay isang Mensahe para sa mundo ngayon.)
Minamahal Kong anak, malapit na ngayon ang panahon. Ang panalangin ay nakatulong sa Aking minamahal na Vicar, na si Pope Benedict, para mapaglabanan ang panloob na pakikihamok na kinakaharap niya mula sa masasamang puwersa. Ang kanyang panahon sa Vatican ay napahaba.
Hinihimok Ko lahat ng Aking mga alagad na magsagawa ng mga prayer meeting at mga Divine Mercy Vigil para sa lahat Kong kawawang anak na naliligaw palayo sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan. Kailangang-kailangan nila ang inyong mga panalangin. Ang panalangin, at marami nito, ay kinakailangan na ngayon para sagipin sila. Ipag-alay nyo ng Mga Misa yung mga pwedeng mamatay habang nangyayari Ang Babala dahil sa kalagayan ng kanilang kaluluwa. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Magkaisa kayo. Sama-sama kayong maghawakan ng kamay kasama Ko.
Ang inyong minamahal na Jesucristo
Birheng Maria: Lagi nyong papakinggan ang inyong puso
Martes, September 6, 2011 8:20 pm
Ako’y dumarating sa Ngalan ng aking minamahal na anak na si Jesucristo. Ako ang iyong Pinagpalang Ina.
Anak ko, inuusig ka. Lahat na ng pagsisikap ay ginagawa ni Manloloko para linlangin ka. Anak ko, isang boses lamang ang kailangan mong sundin at yun ay ang Boses ng aking mahal na Anak na si Jesucristo.
Armasan mo na ngayon ang iyong sarili, anak ko, dahil dadami pa ang mga pag-atake sa iyo, gayundin ang iyong pagdurusa. Malalagpasan mo ito sa pamamagitan ng mga grasyang ibibigay ko. Tama na yang mga takot at dudang iniisip mo.
Huwag mong hahayaang guluhin ka, dahil kagagawan yan ni Manloloko. Hindi yan galing sa aking Anak.
Lagi kang makikinig sa iyong puso, at malalaman mo ang Katotohanan. Ako ang iyong minamahal na Ina, at mahal kita, kaya hayaan mong bigyan kita ng lahat ng proteksyon laban kay Masama.
Humayo ka sa kapayapaan at pag-ibig.
Ang iyong minamahal na Ina
Inang Reyna ng Kapayapaan
Habang ang pananampalataya ng Aking mga alagad ay lumalakas, dumarami rin ang mga pag-atake sa kanila
Martes, September 6, 2011 8:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang tindi ng iyong pagdurusa para sa Akin, at ang lakas mo na rin dahil dito.
Napapalibutan ka ng Aking Proteksyon. Huwag kang matakot. Habang patuloy ang Gawaing ito sa pagpapabalik-loob ng mga kaluluwa, gayundin yung mga pag-atake ni Satanas. Tanggapin mo na ito. Huwag kang magpa-istorbo rito.
Lagpasan mo ang mga hamon at itutok mo ang iyong paningin sa Akin sa lahat ng oras. Dahil pag ginawa mo ito, wala nang kwenta lahat ng iba pa.
Kaparehong pagdurusa ang madarama ng lahat Kong alagad habang ang Espirito Santo ay patuloy at walang-pagod na inaakit ang mga kaluluwa ng lahat Kong anak sa lahat ng lugar. At habang ang kanilang pananampalataya sa Akin ay lumalakas, gayundin madadagdagan ang mga pag-atake sa kanila ng iba. Sila, na Aking mga alagad, ay mapapansing kailangan nilang harapin ang mga pakikipagtalo, at aksyunan ang mga pambihira at abusadong mga komento at reaksyon mula sa mga di-mananampalataya, na mahihirapan silang aksyunan. Sabihan nyo naman sila na asahan na nila ito ngayon, dahil nalalapit na ang panahon ng Babala.
Si Satanas at ang kanyang mga demonyo, na hindi nakikita ng mata ng tao, ay sinisikap wasakin ang pag-ibig sa mga kaluluwa ng Aking mga anak. Nagtatanim siya ng pagsususpetsa sa isa’t isa. Lumilikha siya ng mga pagtatalo at nagtatanim ng mga duda. Puno siya ng pagkasuklam sa sangkatauhan. Lilikha siya ng giyera sa pagitan ng mga bansa, magkababayan at magkaka-pamilya. Lahat ng ito’y mga paborito niyang mga taktika at permanenteng palatandaan ito ng kanyang tusong gawain. Kilalanin nyo ito kung ano ito – si Satanas na nagtatrabaho. Labanan nyo siya, mga anak, sa pagiging matatag nyo. Hilingin nyo sa Aking minamahal na Ina na kayo’y kanyang protektahan, dahil siya ang kanyang pinakamalaking kalaban. Ang kapangyarihan ni Satanas ay bibigay pag tumawag kayo sa Aking Pinagpalang Ina na kayo’y kanyang tulungan.
Ang mga panahong ito ay hamon sa lahat Kong alagad sa lahat ng dako. Bawat pagsisikap, mula sa bawat panggagalingan – mga kaibigan, pamilya at kasamahan ay gagawin, sa pamamagitan ng trabaho ni Manloloko, para ipagtulakan kayong talikuran Ako, mga anak Ko.
Pahintuin nyo siya gaya ng sinabi Ko na sa inyo. Panalangin at debosyon sa Kalinis-linisang Puso ng Aking Pinagpalang Ina ang inyong magiging armor.
Magpakatatag kayo ngayon, ha? Mahal Ko kayong lahat.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo.
Huwag nyong katakutan Ang Babala – Hintayin nyo ito nang may tuwa
Miyerkules, September 7, 2011 11:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, sabihin mo sa Aking mahal na mga anak na huwag nilang katakutan Ang Babala. Maraming natatakot, at nauunawaan Ko naman. Pero kailangan nila Akong pakinggang mabuti. Pupuntahan Ko ang bawat isa sa inyo. Makikita nyo Ako at madarama sa inyong puso at kaluluwa. Ang Aking Presensya ay aapaw sa inyong kaluluwa nang may pinakapurong Pag-ibig at Malasakit, kaya dapat kayong matuwa. Sa wakas ay makikita nyo na rin Ako, at ang inyong kaluluwa ay mababalot ng pagmamahal at pananabik.
Para naman sa mga makasalanan at mga di-mananampalataya, karamihan sa kanila ay talagang magiginhawahan; dahil ang pagsaksi sa Aking Banal na Presensya ang siyang magiging Dugo na kinakailangan para bahain ang kanilang kaluluwa ng pagkaing kay tagal na nilang pinanabikan. Marami ay mararamdaman ang pahirap na tiniis Ko, pag nakita nilang nalaladlad ang kanilang mga kasalanan sa harapan nila. Madudurog ang kanilang puso pag nakita nila kung paano nila Ako sinaktan, at magmamakaawa sila na sila’y Aking patawarin.
Ang mga batang nakaabot na sa edad na alam na nila ang tama at ang mali, ay makikita rin kung paano nila Ako sinaktan sa pamamagitan ng kasalanan. Sa maraming pagkakataon, yung mga batang itinatanggi ang Aking Pag-iral kahit na alam nila ang Katotohanan, ay tatakbo palapit sa Akin. Sasabihin nila sa Akin na akapin Ko sila at hindi na sila papayag na pakakawalan Ko pa silang muli.
Maging ang mga pinaka-tigasing makasalanan ay hindi pwedeng hindi maapektuhan ng makalangit na pangyayaring ito. Mga anak, huwag nyong pansinin ang mga tsismis. Huwag nyong pansinin ang mga kamangha-manghang kwento. Walang dapat ikatakot. Ang Babala ay dapat hintayin nang may lubos na kaligayahan sa inyong puso.
Ang panahong yun ay hinihintay Ko nang may napakalaking pagmamahal sa Aking Puso pag ibubuhos Ko na ang Aking Dibinong Awa sa bawat isa sa inyo sa lahat ng lugar sa buong mundo. Ito ang sandali na, pagkatapos nito, ay malalaman nyo na kung gaano kayo ka-swerte, kayo na kabilang sa henerasyong ito. Paano nyo hindi makikilala ang Awa na ipapakita sa sangkatauhan? Noong panahong nakaraan, ang daming namatay sa kasalanang mortal. Ngayon, lahat ng makasalanan ay mauunawaan na rin sa wakas ang Katotohanan.
Hindi madali para sa Aking mga anak na tanggapin ang Pag-iral Ko o yung sa Aking Amang Walang-hanggan. Kung walang materyal na katibayan, marami ay ayaw Akong kilalanin. Maraming hindi interesado o hindi naniniwala sa Makalangit na Kaharian. Ang Pangyayaring ito ay imumulat sila sa simpleng katunayan na ang buhay ay hindi natatapos sa Lupa. Nagpapatuloy ito magpakailanman. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang ihanda ang kanilang kaluluwa.
Ang Babala ay ipapakita sa kanila kung ano ang kailangan nilang gawin para ituwid ito. Tandaan nyo, mga anak, na Ako ang inyong Tagapagligtas. Mahal Ko kayong lahat sa paraang lagpas pa sa kaya nyong isipin. Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may pagmamahal at kapanatagan. Huwag kayong matatakot sa kamangha-manghang panoorin sa langit at sa kulay ng mga sinag, na kakalat sa lahat ng lugar para i-anunsyo ang Aking pagdating. Ihahanda kayo nito para sa sandaling yun.
Ipanalangin nyo naman na ang buong sangkatauhan ay makakadama ng tuwa sa kanilang puso, dahil ang ibig sabihin ng pangayayaring ito ay kaligtasan para sa sangkatauhan sa lebel na magliligtas ng napakaraming kaluluwa at bibigyan sila ng kakayahang makapasok sa Bagong Paraiso sa Lupa.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Huwag na huwag nyong babantaan ang iba sa Ngalan Ko
Sabado, September 10, 2011 3:30 pm
Kinakausap Kita ngayong araw, pinakamamahal Kong anak, tungkol sa pangangailangang sundin Ako sa lahat ng bagay. Anak Ko, lahat Kong alagad, para maging karapat-dapat sa Aking Pag-ibig at debosyon, ay kailangang i-respeto ang Mga Utos ng Aking Ama. Mabigo man sila paminsan-minsan, kailangan pa rin nilang laging pagsikapang sundin ang Batas ng Pag-ibig. Magmahalan kayo at unahin nyo ang pangangailangan ng inyong kapwa bago ang sa inyo. At lahat ay magkakaroon ng kaayusan.
Yung mga nagsasabing sila’y Aking mga alagad, ay kailangang maging napaka-ingat kung paano nila ikakalat ang Aking Kabanal-banalang Salita. Pag sila’y nahulog sa bitag ng kayabangan, na sila na lang lagi ang tama o kinokondena nila ang iba sa Ngalan Ko, sobra nila Akong sinasaktan. Huwag na huwag nyong babantaan ang iba na makakaasa sila ng parusa mula sa Akin. Huwag na huwag nyong sasabihan ang iba na sila’y Aking paparusahan dahil galit kayo sa kanila sa anumang dahilan; dahil pag ginawa nyo ito, nagkakasala kayo sa pagtanggi sa Akin, dahil binabaluktot nyo ang Katotohanan para ibagay ito sa inyong plano. Huwag na huwag nyong aakalaing dahil nasa inyo ang prebilehiyong malaman ang Katotohanan ay mas mabuti kayo kaysa iba.
Mga anak, mahal Ko lahat Kong anak, kahit na sila’y nagkakamali at naliligaw. Ipanalangin nyo sila palagi kung sinasabi nyong kayo’y tapat Kong alagad. Sige lang, ipahayag nyo ang Katotohanan. Lagi nyo silang sabihan tungkol sa Aking malaking Pagmamahal sa Aking mga anak. Pero huwag na huwag nyo silang huhusgahan. Huwag na huwag nyong sasabihan ang iba na ang kanilang mga kasalanan o yung inaakala nyong kanilang mga kasalanan, ay paparusahan Ko sa isang natatanging paraan, dahil wala kayong karapatang gawin ito.
Simple lang ang Aking Mensahe ngayong araw. Pag mahal nyo Ako at nagsasalita kayo sa Ngalan Ko, huwag na huwag nyong itataas ang inyong sarili dahil dito. Huwag na huwag nyong babantaan ang inyong mga kapatid o sisiraan sila sa Ngalan Ko.
Tandaan nyo, dahil kayo’y Aking mga alagad, tatargetin kayo ni Manloloko dahil nga sa inyong pananampalataya. Kaya kailangan nyong mag-ingat at baka malinlang niya kayo at itulak kayo para magkasala sa inyong kapwa.
Magpakatatag kayo, mga anak Ko. Ibinibigay Ko ang Mensaheng ito para gabayan kayo at panatilihin kayo sa tamang daan papunta sa Akin.
Ang inyong minamahal na Jesus
Hari ng Sangkatauhan
Anuman ang inyong relihiyon, iisa lamang ang Diyos
Linggo, September 11, 2011 7:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, pag ang Aking mga anak ay nawawalan ng pag-asa, natatakot o nangungulila, sabihin mo sa kanila na kailangan nilang lumapit sa Akin. Hindi pa kailanman nangyari na ang dami sa Aking mga anak ang nakadama na walang-saysay ang kanilang buhay. Wala na nga silang direksyon ay pakakanin pa sila ng basura, kaya talagang litong-lito na sila. Araw-araw pinakakain sila ng media ng mga kwento, na nagpapakita ng kasamaan sa mundo sa dami ng nagkakagulong mga bansa. At wala ring pagkaing espiritwal, at sa halip nito, ay isang dyeta ng mga kasinungalingan pag kayo’y sinasabihan kung gaano kaganda ang mga makamundong ambisyon. Lahat ng ito, makamtan nyo man, ay bibiguin pa rin kayo. At pag pinagsikapan nyong makamtan ang ganung mga adhikain, mababalisa kayo sa pagsisikap na maabot ang ganitong matataas na lugar, at muli kayong mabibigo.
Tandaan nyo, Ako ang inyong Pagkain, mga anak. Sa pamamagitan Ko lamang kayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan, kasiyahan at purong pag-ibig sa inyong puso. Imposibleng makamtan ang ganitong klase ng kapayapaan saan pa mang ibang lugar.
Lumapit na kayo ngayon sa Akin, bawat isa sa inyo na may lungkot sa inyong puso. Hayaan nyong hawakan Ko kayo at paginhawahin. Dahil kayo, mga anak Ko, ang Aking mga naliligaw, pero mahal na mga kaluluwa. Marami sa inyo ang naligaw na at hindi na alam kung paano babalik sa Aking kawan. Ang ilan naman sa inyo ay pumili na ng ibang kawan – isang kawan na hindi sa Akin.
Pakinggan nyo ang Aking tawag, dahil pag narinig nyo ang Aking Tinig sa inyong kaluluwa, malalaman nyo ang Katotohanan. Ako ang inyong daan papunta sa Amang Walang-hanggan. Tandaan nyo, na marami sa inyo na nagbibigay ng iba’t ibang ngalan sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, ay maaaring pareho pa ring Diyos ang inyong sinasamba. Iisa lamang ang Diyos. Malapit na ang panahon na ang Kanyang Kaluwalhatian ay mabubunyag sa mundo. Anuman ang inyong interpretasyon, Ang Diyos Ama ay Pag-ibig. Ang Kanyang Awa ay sumasakop sa lahat. Halikayo; lumapit na kayo ngayon sa Kanya, saan man kayo naroroon sa mundo. Hinihintay Niya ang inyong tawag.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Parusa ay mababawasan sa pamamagitan ng panalangin
Lunes, September 12, 2011 12:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, malapit nang huminto ang mundo, at ang panahon, pagkatapos ng Babala, ay babaguhin ang pananaw ng tao sa mundo. Mawawala na ang pananabik sa mga materyal na kasiyahan at kalabisan. Mawawala na ang pagsamba ng tao sa mga sikat at mayayaman. Mawawala na ang mabilis na pagkondena o pagmamalupit sa kapwa.
Ang bagong mundo, pagkatapos ng Babala, ay magiging isang lugar kung saan ang pagmamahal sa Akin at sa Diyos Ama ay titingnan nang may respeto. Maraming pinuno ng mga bansa, na hindi kasapi sa Kristiyanong pananampalataya, ay magbibigay-galang sa Aking Ama. Yung mga nasa lugar ng kapangyarihan, na may kontrol sa pera ng tao, ay dagsa-dagsang magisisisi. Marami pang huhubarin ang kanilang tapal-tapal na kapangyarihan at ipapamahagi sa kanilang mga kapatid ang tinapay na nagmumula sa Diyos Ama. Ang tinapay naman kasing ito ay para sa lahat at dapat lang na ibahagi nang pantay-pantay.
Maraming mabubuting bagay ang sisibol dahil sa Babala. Pero marami pa ring kaluluwa ang hindi pa magiging sapat ang lakas ng kanilang pananampalataya. Malungkot, pero babalik sila sa dati nilang gawi. Maaakit sila ng mga pangako ng kapangyarihan, kayamanan, pag-kontrol at pagmamahal sa sarili, kaya tatalikuran nila ang Diyos Ama. Malalaman nila ang Katotohanan, pero hindi ito magiging sapat para sa kanila. Ang kawawa at mahihinang mga makasalanang ito ay magiging isang tinik sa inyong tagiliran, mga anak. Kung wala ang inyong panalangin, ang kanilang mga kasalanan ay magdudulot ng malaking gulo sa isang mundo na nabawi na sa panahon ng bagong paglilinis nito.
Ang panalangin, mga anak Ko, ay napaka-importante. Kailangang hilingin nyo sa Diyos Ama na Kanyang tanggapin ang inyong pakiusap na ipawalang-bisa ang pag-usig na pinaplano ng mga taong ito. Pag sapat ang panalangin, makakabawas ito ng malaking bahagi ng kilabot na tatangkaing ipadama sa mundo ng mga makasalanan. Ang dami sa inyo na walang kamalay-malay sa mga planong ginagawa nang palihim sa likod nyo. Tuloy-tuloy ang mga pagbubunyag ng mga palatandaan, pero hindi pa rin nyo makita ang mga ito.
Mga anak Ko, habang lumalago ang inyong pananampalataya, ipanalangin nyo na ang Espirito Santo ay makaabot sa mga makasalanang ito at mabalot ang kanilang mga kaluluwa. Ako ang inyong mahal na Jesus, at poprotektahan Ko kayo, minamahal Kong mga alagad. Sa ilalim ng Aking pamumuno, iniuutos Ko sa inyo na kayo’y manalangin, hindi lamang para sa mga makasalanang kaluluwang ito, kundi para rin ang pag-usig sa mga ordinaryong mga lalaki, mga babae at mga bata, ay matigil na. Kung yung mga may kagagawan nito, na lalaban sa Aking Ama, ay magpapatuloy sa sobrang pananakot nila sa mga inosenteng tao gamit ang mga bagong pang-kontrol na pakakawalan nila sa mundo, parurusahan sila.
Ang mga makasalanang ito ay binibigyan ng pinakadakilang Awa na maaaring ibigay mula noong Ako’y Ipako sa Krus. Kailangan nilang akapin ang Babala, dahil ito na ang huling pagkakataong bibigyan sila ng tyansa na sila’y matubos. Kung hindi, mahaharap sila sa isang nakakakilabot na parusa. Ang parusang ito, na ipapataw ng Kamay ng Makalangit na Katarungan, sa pamamagitan ng Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi kasiya-siya. Nai-propesiya man ang Malaking Parusang ito, mababawasan pa rin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panalangin.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Hari ng Awa
Jesucristo
Mga Pagbabagong ipapatupad sa Simbahan, na sasalungatin ang Salita ng Diyos
Martes, September 13, 2011 3:15 pm
Pinakamamahal Kong Anak, Ako ito, si Jesucristo , na Siyang dumarating sa katawang-tao.
Ang Aking Kabanal-banalang Salita ay kailangan na ngayong marinig ng lahat Kong sagradong lingkod sa lahat ng dako. Ang lahat Kong alagad ay kailangang ibahagi ang Mga Mensaheng ito sa Aking mga sagradong lingkod ng lahat ng Kristiyanong sekta. Mahalagang himukin silang pakinggan ang Aking Salita sa napaka-kritikal na panahong ito, bago sila mawarak at mahati sa dalawang kampo.
Ang gawain ni Manloloko ay nakapasok na sa Aking Simbahan sa lahat ng lebel. Malapit na malapit na, dahan-dahan pero sigurado, makikita nyong ang Mga Banal na Misa ay binabawasan. Makikita nyo ang pag-aalis ng mga natatanging panalangin at ilan sa Mga Sakramento, gaya ng Kumpisal, ay magsisimulang kumonti. Nananawagan Ako ngayon sa Aking sagradong mga lingkod, na Ako’y pakinggan at manalangin na sila’y makaunawa. Ako ito na Siyang tumatawag sa inyo ngayon, para masagip Ko ang inyong kawan. Ako ito na Siyang may gustong buksan ang inyong puso para makapagplano kayo para sa mga pangwakas na panahong ito, na iaanunsyo ang isang bagong-bagong simula para sa mundo.
Malapit na kayong sabihang magpakita ng katapatan sa pekeng propeta. Tingnan nyo siya kung sino talaga siya at suriin nyo ang kanyang mga ginagawa para makita kung magbubunga ang mga ito. Dahil ang bungang ibibigay niya at ng kanyang mga aliping alagad ay magiging bulok hanggang sa buto. Isang kagat lamang ay sisirain na ang inyong katapatan sa Akin. Dalawa o higit pang kagat ay lilikha na ng hadlang sa pagitan nyo at ng Aking Sagradong Puso at magiging halos imposible nang makapasok pa kayo sa Kaharian ng Aking Ama.
Bantayan nyo nang mabuti ngayon ang mga pagbabagong makikita nyong gumagapang sa inyo mismong ministeryo. Ilan sa mga pagbabagong ito ay magmumukhang hindi naman problema sa simula. Pero sa paglipas ng panahon, merong ilang pagbabagong ipipilit na sa inyo at ipapalunok na sa inyo ang mga kasinungalingan. Ang mga kasinungalingang ito ay manggagaling kay Satanas at madadamitan ito ng kasuotan ng tupa.
Yung malilinis ang puso sa inyo ay agad malalaman at makikilala ang kasamaang nangyayari sa tusong paraan, na sadyang ginawa para wasakin ang Aking Simbahan sa Lupa, mula sa loob ng mga pasilyo nito.
Ang Aking Katotohanan ay magpapalaglag sa mga panga ng Aking mga nagagalit na mga pari na magsasabing, “sigurado akong ang propesiyang ito ay isang kasinungalingan!” Ang kasinungalingan lamang na kailangan nilang saksihan ay yung paaaprubahan sa kanila nang sapilitan, na deretsahang sumasalungat sa Aking Sagradong Kasulatan na ibinigay na sa sangkatauhan mula pa sa simula. Huwag na huwag nyong tatanggapin ang anupamang ibang Katotohanan maliban sa yung nakapaloob sa Banal na Biblia.
Maraming pagbabago ang ipapatupad, na sasalungatin ang Salita ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang mga pagbabagong ito, mahal Kong mga sagradong lingkod, ay hindi makalangit ang pagmumulan at kailangan nyong tanggihan ang mga kasinungalingang ito kung gusto nyong manatiling tapat sa Akin.
Gising. Labanan nyo yung mga kasinungalingang kailangan nyong harapin. Huwag na huwag nyong tatanggapin ang mga ito. Ang Salita ng Aking Amang Walang-hanggan ay hindi kailanman magbabago. Hindi ito kailanman maaaring ibagay sa sangkatauhan. Marami sa inyo ay sobrang mababalisa dahil matatagpuan nyo na lang na naitsa-pwera na kayo sa inyong mga kapwa sagradong lingkod. Huwag matakot, dahil iisa lang panig ang pwede nyong piliin. Yun ang panig na kinatatayuan Ko. Wala nang iba pang panig.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hilingin nyo ang Regalong Pagdurusa
Miyerkules, September 14, 2011 12:10 am
Pinakamamahal Kong anak, nabawasan na ang iyong pagdurusa at gusto Kitang pasalamatan sa regalo mong ito. Babalik ito, pero magagawa mo nang tanggapin ito nang mas may tuwa sa iyong puso. Kailangan Ko ang iyong pagdurusa dahil ito’y nagliligtas ng mga kaluluwa ng mga makasalanan, na kung wala ito ay sa Impiyerno sila mapupunta. Balang araw, titingnan mo ang kanilang mga kaluluwa at mag-uumapaw ang iyong pagmamahal at kaligayahan pag nakita mo na silang nakaupong katabi Ko sa tabi ng Trono ng Aking Ama.
Ang mga makasalanan ang laging mauunang yakapin, pag sila’y nagsisi. Lagi silang nasa unang hanay, na sobrang ikakagulat ng Aking mga alagad. Ang mga kaluluwang ito ay dinala na sa Akin sa pamamagitan ng mga panalangin at pagdurusa ng Aking mga alagad, at ng Aking mga hinirang na kaluluwa. Maiintindihan ito ng Aking mga alagad, dahil, sa pakikiisa sa Akin, matutuwa sila sa pagligtas ng ganung mga kaluluwa.
Kailangan Ko na ngayong magligtas ng mas marami pang kaluluwa, anak Ko. Ipanalangin nyo naman na kayo at ang iba pang mga piniling kaluluwa, ay matututunan kung paano pwedeng palakihin ng pagdurusa ang bilang ng mga papasok sa Kaharian ng Aking Ama. Hinihiling Ko sa kanila na sila’y humingi ng mga grasyang kinakailangan para mabigyan sila ng Regalong pagdurusa. Tandaan nyo, na pag Ako’y nagbibigay ng pagdurusa, isa itong espesyal na grasya at ito yung magdadala ng mas marami pang kaluluwa sa Kaibuturan ng Aking Puso.
Ang inyong minamahal na Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Ang Katotohanan ay pangkaraniwan nang tinatrato nang sobrang ingat at todong pagbasura
Huwebes, September 15, 2011 11:50 pm
Pinakamamahal Kong anak, nasasaksihan mo ngayon ang mas marami pang detalye ng pasakit na tiniis Ko habang Ako’y Ipinapako sa Krus. Inabandona. Itinanggi. Initsa-pwera. Pinalayas sa mapanlait na pagkumpas ng mga kamay ng awtoridad at lalo na ng mga tapat Kong alagad. Pati na ang Akin mismong mga apostol ay itinanggi Ako sa oras pa naman ng Aking pangangailangan. Kaya huwag mo nang ikagulat na ito’y nangyayari rin sa iyo.
Ipinakita rin sa iyo ngayong gabi ang isang pangitain kung saan Ako’y nakatayo sa harapan ng Aking mga berdugo na kinailangan Kong pakinggan nang ang kanilang mga buktot na kasinungalingan ay kinondena Ako at ang Katotohanan ng Aking Mga Aral.
Ikaw at ang Aking mga alagad ay ganun din tatratuhin sa mga kamay nung mga ayaw tanggapin ang Katotohanan o napapaitan dito.
Ang Katotohanan, anak Ko, ay pangkaraniwan nang tinatrato nang sobrang ingat , todong pagbasura at kung minsan pa nga’y itinuturing na pambabastos sa Diyos. Huwag matakot, dahil ang Mga Salitang ibinibigay Ko sa iyo ay walang iba kundi ang Katotohanan. Huwag na huwag kang matatakot na ilathala ang ibinibigay Ko sa iyo. Bakit Kita bibigyan ng mga kasinungalingan? Bakit Ko sisikaping sirain ang Mga Mensaheng ito kung kailanma’y papayagan Kong makalusot sa mga ito ang isang kasinungalingan? Dahil ito’y magiging laban na sa Loob ng Aking Ama. Kahit na si Satanas ay hindi papayagang manghimasok sa Mga Mensaheng ito, gaano man niya ito pagsikapan nang todo-todo.
Habang ang Mga Mensaheng ito ay mas tumitindi, pagdidibatihan itong mabuti at pagtatawanan. Pero marami ang maaakit sa mga ito dahil sa dakong huli, walang mintis na sila’y maaantig ng Espirito Santo, na Siyang umaantig sa kanilang mga kaluluwa.
Balang araw, silang Aking mga anak ay pasasalamatan Ako dahil tinulungan Ko silang araruhin ang magulo at matinik na mga dawag, na hahadlang sa kanila para marating nila ang mga pintuan papunta sa Paraiso, dahil kung hindi Ko pa sila gagabayan ngayon, sa panahong ito, ay mawawala na sila. Hindi sila magkakaroon ng lakas para ligtas na maihatid papasok sa Mga Pinto ng Bagong Paraiso, ang Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa, na naghihintay sa mga sumusunod sa Akin at sa Aking Mga Aral.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Guro
Jesucristo
Ang mga panahon ng Kapayapaan at Kaluwalhatian ay halos narito na
Sabado, September 17, 2011 6:50 pm
Pinakamamahal Kong anak, nalaman mo na rin, sa wakas, na pag nadarama mong ikaw ay tinatalikuran, ay sinasalmin lang nito ang Aking Sariling Paghihingalo. Pag kaisa Kita, gaya ngayon, magiging bahagi na ito ng iyong buhay mula ngayon. Pag tinatanggihan ng mga tao ang Mga Mensaheng inilalathala mo, tinatanggihan nila ang Aking Kabanal-banalang Salita. Pag kinukwestiyon nila ang mga ito at sinisiraan, sinisiraan nila Ako. Pag hinahamak ka nila, pinagtatawanan nila Ako. Pag pinagtatawanan nila ang Mga Mensaheng ito, ipinapako nila Ako sa Krus.
Ang nararamdaman mo ay isa lang maliit na bahagi ng Aking pagdurusa habang malungkot Kong pinagmamasdan ang pagiging bulag ng tao sa Katotohanan ng Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang hapdi at lungkot na nararamdaman Ko, pag kinailangan Kong saksihan ang mga kasalanan ng tao, pati na ang mga kasalanan ng mga mananampalataya, ay sobra ang tindi. Halos walang patid ang pasakit na ito, pero napapaginhawa ito ng pagdurusa ng mga victim soul. Naiibsan din ito ng pagmamahal na ipinapakita ng Aking mga alagad sa Akin sa pamamagitan ng kanilang debosyon sa Akin.
Anak Ko, kinakailangan Ko man ang pagdurusa para iligtas ang ibang kawawa at kapos-palad na mga kaluluwa, hindi ito isang bagay na nagbibigay sa Akin ng kasiyahan. Nasasaktan Ako pag pinagmamasdan Ko ito, pero binibigyan Ako nito ng kaginhawahan. Napakarami mo pang dapat matutunan, anak Ko, na mahirap mong maintindihan. Ang mga paraan ng Makalangit na Kaharian ay hindi nagawang unawain ng sangkatauhan. Balang araw, mauunawaan din nila.
Dapat nyong malaman, mga anak Ko, na ang mahihirap na mga panahon na kinailangang pagdaanan ng tao sa loob ng mga daan-taon, ay matatapos na. Ito’y magandang balita para sa taong nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang kapwa, at sa ganun, ay nagmamahal sa Akin. Tatapusin din nito, sa wakas, ang Aking pagdurusa, na tinitiis Ko dahil mahal Ko kayong lahat. Ang Pag-ibig na ito ay Makapangyarihan at laging mapagbigay, at ito ang magiging dahilan kung bakit tuluyan na kayong maliligtas.
Hayo na, anak Ko, at tanggapin ang pagdurusa nang may higit na pang-unawa sa iyong puso. Matuwa ka, dahil ang mga panahon ng Kapayapaan at Kaluwalhatian ay halos narito na.
Ang inyong mapagmahal na Kaibigan at Tagapagligtas
Jesucristo, Hari ng Sangkatauhan
Ang karaniwang pagkakamaling nagagawa pag sinisikap na maging mas malapit sa Akin
Linggo, September 18, 2011 8:15 pm
Ako’y dumarating sa Ngalan ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos na Kataas-taasan. Ako Siya.
Pinakamamahal Kong anak, bakit ba ang tao ay patuloy na naghahanap ng kasagutan sa kanyang pag-iral sa pamamagitan ng siyensya? Hanap sila ng hanap, pero ang kasagutang ibinibigay nila ay hindi naman totoo at sobrang layo sa Tunay na Pag-iral ng Espiritwal na Lugar ng Kaharian ng Aking Ama, kaya kailangan nyong ipanalangin ang mga kaluluwang ito.
Alam Kong ang pagtanggap sa Katotohanan ng Aking Pag-iral at ng sa Aking minamahal na Ama, ay napakahirap, mga anak. Dahil tuwing masusulyapan ng inyong mga mata ang Katotohanan, ibinabaling ni Satanas ang inyong ulo sa kabila. Kalimita’y gagamit siya ng pangangatwiran para kumbinsihin ang Aking mga anak na ang Kaharian ng Aking Ama ay gawa-gawa lang ng imahinasyon ng mga tao. Pagkatapos ay gagamitin niya ang mga kaginhawahan ng mundong materyal para kumbinsihin kayo na ang mga ito ang kailangan nyong bigyan ng prayoridad.
Nandyan din naman ang mga kaluluwang nakakaunawa nga sa Katotohanan. Ginagawa nila ang pangkaraniwang pagkakamali pag sinisikap na maging mas malapit sa Akin. Siguradong-sigurado sila na pag nakuha na nila ang mga materyal na bagay, ay masisimulan na nila ang kanilang espiritwal na paglalakbay. Pero hindi ganun yun, e. Oo nga, kailangan nyo ngang protektahan ang inyong pamilya at tahanan. Kailangan nyong pakanin yung mga umaasa sa inyo. Pagkatapos nun, kailangan nyong unahin Ako, bago ang lahat ng makamundong bagay. Yun ang inyong magiging pasaporte papunta sa Langit. Wala ang tao kung wala ang Diyos. Walang materyal na luho ang papalit o maaaring ipalit sa Pagmamahal ng Diyos. At hindi rin sila pwedeng kapitan o bigyan ng kaparehong halaga, kung gusto nyo talaga Akong akapin sa inyong puso.
Manalig kayo sa Akin at ayos na lahat pang iba. Pag sinikap nyong gawin lahat sa sarili nyong kakayahan at kapit-tuko kayo sa kayamanan, para pareho nyong makamtan ang pinakamainam sa dalawang mundo, mabibigo kayo. Tandaan nyo, ang Pagmamahal Ko sa inyo ang magpapakain sa inyong kaluluwa. Ang materyal na kayamanan naman ay papakanin nga ang inyong mga pagnanasang pisikal, pero mabubulok din ang mga yun at maiiwan kayong walang-wala.
Mga anak naman, gaano man ito kahirap, magpamaneho kayo sa Akin sa tunay na daan tungo sa kaligayahang walang-katapusan. Hingan nyo lang Ako nang tulong at Ako’y reresponde.
Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas
Jesucristo
Ang pinaka-importanteng Pangyayari mula noong Aking Muling Pagkabuhay
Lunes, September 19, 2011 8:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, layunin Kong dalhin bawat lalaki, babae at bata sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa, dahil kahit isang kaluluwa lang ang maiwan ay madudurog ang Aking Puso. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sugong ipinadadala Ko sa mundo ay dumami. Para maikalat nila ang Aking Banal na Salita na magbubunsod ng pagbabalik-loob.
Hindi Ako nagpapadala ng mga sugo para takutin ang Aking mga anak. Kundi ang papel ng Aking mga sugo ay ihanda ang bawat tao sa Lupang ito, upang sila’y maging handa at karapat-dapat na mabuhay sa Bagong Paraisong ito.
Mga anak Ko, nabubuhay kayo sa isang panahong hindi kasiya-siya. Ang batas at kaayusan ay sira na. Ninakaw na sa inyo ng kasakiman ang inyong pinansyal na kakayahan. Ang inyong pananampalataya ay ninakaw na rin sa inyo ng pagluwalhati-sa-sarili at pagkaloko sa ambisyon.
Parang isang tahanang walang kontrol ang magulang
Kayo, mga anak Ko, ay parang nasa isang tahanang walang kontrol ang mga magulang. Para kayong mga anak na laki-sa-layaw, na ibinibigay lahat ng materyal na kaginhawahang inyong pinananabikan nang hindi nyo pinaghirapan. Binibigyan kayo ng pagkain, na hindi nyo pinagtrabahuhan. Lahat ng inayawan nyo na, ay pinapalitan ng isa pa uling bagong bagay, isa pang pampasigla. Pero walang nakakasiya sa inyo nang matagal. Pagkatapos ay nagkakaroon na ng mga awayan ang mga anak, dahil gustong kontrolin ng ilan yung iba para masunod ang gusto nila. Pwedeng maging pisikal ang labanan. Pero walang namamahala, kaya nagkakasakitan, at kung minsan ay grabe ang mga nagiging resulta.
Ganito ang tingin Ko sa mundo. Malungkot ang mga anak Ko, walang espiritwal na kaginhawahan, pero ayaw namang pagabay sa Aking Simbahan. Hindi naman kayang kontrolin ng Aking Simbahan ang ganung ka-pasaway na mga tao, na mas nakakapagpasigla pa sa kanila ang mga kaginhawahan ng katawan kaysa mag-debosyon sa Akin.
Winanasak na ng digmaan ang sangkatauhan at ang espiritwal na paghina ay lumikha na ng kahungkagan sa mundo na, sa ngayo’y, nadarama na ng karamihan sa inyo ang mga epekto nito sa inyong puso. Lahat ay iba sa itsura nito. Sa labas, ang materyal na gloria ay kumikislap, at ang liwanag nito ay kaakit-akit sa mga gutom sa kaginhawahan, pero sa likod naman nito ay wala kundi kadiliman.
Ako ang Liwanag na wala sa inyong malungkot, magulo at medyo nakakatakot na buhay. Kaya nga malapit na ang panahon para pumasok na Ako at mamahala. Kayo, mga anak Ko, kailangang mainit nyo itong tanggapin at maghanda na para sa Aking dakilang Awa.
Kailangan nyong ipanalangin ang inyong mga kapatid at panabikan nyo, at ibukas ang mga braso para mapagmahal nyong tanggapin ang Aking panghihimasok. Maging positibo kayo. Umasa. Magtiwala na kahit ang pinaka-tigasing mga makasalanan ay mapapaginhawa sa pagdating ng Dakilang Pangyayaring ito, ang pinaka-importante mula noong Aking Muling Pagkabuhay.
Jesucristo
Ang mga pagdududa ay nagpapatindi sa inyong pagmamahal sa Akin
Miyerkules, September 21, 2011 10:00 pm
Ako’y dumarating sa Ngalan ni Jesus, na Siyang dumating sa katawang-tao at naging tao.
Pinakamamahal Kong anak, napakalapit mo na ngayon sa Aking Puso, pero napakalayo ng iyong damdamin. Kung minsa’y akala mo’y nawalay ka na sa Akin, pero sa totoo lang, mas napalapit ka pa sa pakikiisa sa Akin.
Ang lakas mo na ngayon, anak Ko. Pinatatatag Ko ang kompiyansa mo para maipagpatuloy mo ang pagpapahayag ng Aking Salita sa sangkatauhan. Ito’y isang napaka-importanteng Misyon. Sa mga panahong ito, milyun-milyong demonyo na ang pinakawalan ni Satanas, kaya sa bawat sulok ay inaatake ka nila. Ang una nilang gagamitin ay ang mga taong sumasampalataya, na pipila para ihagis sa iyo ang unang bato.
Habang nalalapit ang Aking dakilang Akto ng Awa para sa sangkatauhan, ganun din naman ang mga demonyong tinatangkang takpan ang Katotohanan at pigilin ang mga tao, mga mabubuting tao, na gumugol ng panahong hinihiling Ko sa kanila para sagipin ang mga kaluluwa ng Aking mga anak na walang-walang pananampalataya. Huwag mong hahayaan ang malupit na paninira, na lalo pang tumitindi, na guluhin ka at ilayo sa Aking Gawain.
Pakinggan mo ngayon ang aking propesiya. Para sa bawat taong magsisisi sa panahong ito, tatlo pang kaluluwa ang maliligtas. Ganito mo ito isipin. Ang mga biyayang ibinibigay sa taong humihingi ng tawad ay ibibigay sa pamilya ng taong ito. Bawat kaluluwang mananalangin ngayon sa Akin at hihingin sa Akin na iligtas ang kanilang pinakamamahal na mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan, ay saganang tatanggap ng Aking Awa.
Panalangin ang inyong kaligtasan, mga anak Ko. Habang mas nananalangin kayo, mas bubuksan Ko rin ang inyong puso at ibubunyag ang Aking Katotohanan. Ang Aking mga pagpapala ay ibinibigay na ngayon sa paraang hindi pa kailanman nasaksihan sa Lupa. Pero hindi Ko naman pwedeng ibuhos ang makapangyarihang mga grasyang ito kung hindi nyo hihingin ang mga ito.
Alam mo, anak Ko, magugulat ka sa bangis ng pag-atake sa mga makalangit na Mga Mensaheng ito. Huwag mong pansinin yun. Pumikit ka. Takpan mo ang iyong tainga. Sa halip, ay ipanalangin mo ang mga kaluluwang yun na sila’y maliwanagan.
Ang mga pagdududa, anak Ko, ay mga pagsubok na hindi lang ikaw ang dumaranas, kundi pati ang Aking minamahal na mga alagad. Nakakabalisa man ang mga ito, pinapayagan Ko pa rin para gawin Kong mas malaki ang pagmamahal nyong lahat sa Akin.
Relaks muna kayo ngayon, mga anak Ko. Tanggapin nyo ang Aking Salita. Mamuhay kayo sa paraang inaasahan Ko sa inyo. Unahin muna nyo ang inyong pamilya higit sa lahat. Hindi sila dapat pababayaan alang-alang sa Akin. Manalangin kayo ngayon nang may mapayapang kompiyansa at nakatitiyak kayo na ang Aking mga propesiya ay mangyayari sa Utos ng Aking Amang Walang-hanggan. Mangyayari ang mga ito ayon sa perpektong pag-tiyempo na itinakda ng Aking Ama.
Huwag na huwag nyong kalilimutan, mga anak Ko, na maraming sikretong ibinigay sa Aking mga bisyonaryo at propeta, na nagpapahayag ng mga pangyayaring darating pa, ay nabawasan na sa pamamagitan ng panalangin. Maraming-maraming mga kalamidad na dulot ng kalikasan ay naiwasan na dahil sa debosyong ipinakita sa Aking Pinagpalang Ina. Ang kanyang mga deboto ay naiiwas kayo sa maraming lindol, baha at tsunami dahil sa kanilang mga panalangin. Maaaring maging napaka-makapangyarihan ng panalangin. Ang panalangin at pagdurusa ng isang tao ay pwedeng makapagligtas ng isang bansa. Tandaan nyo yun.
Mahal Ko lahat, mga anak Ko. Ang kapangyarihang magligtas ng isa’t isa ay nasa inyong mga kamay, mga anak. Huwag nyong kalilimutan ang sinabi Ko na noon pa. Ang panalangin ang inyong armor laban sa kasamaan sa mundong ito. Ang panalangin ay magagawang bawasan ang mga pandaigdig na kalamidad. Patuloy kayong manalangin para sa kapayapaan sa inyong mundo. Manalangin din kayo para sa isang madaling paglipat sa Bagong Paraiso sa Lupa, na naghihintay sa lahat Kong anak na naghahangad ng pagtubos.
Ang inyong minamahal na Jesus
Ang panghuhula ay hindi galing sa Akin
Miyerkules, September 21, 2011 11:30 pm
Anak Ko, ang paglalakbay na ito ay tumitindi na para sa iyo. Mas handa ka na nang higit pa kaysa pwede mong malaman. Huwag kang matakot dahil ang iyong Misyon ay makakatulong na mailigtas ang malaking bahagi ng sangkatauhan. Ang papel mo ay nai-propesiya na at inaayos na sa Langit. Isa kang instrumento. Ako ang iyong Maestro.
Magtatagumpay ka sa kabanal-banalang gawaing ito, dahil hindi ito pwedeng pumalpak at hindi talaga ito papalpak. Maaaring paminsan-minsa’y masiraan ka ng loob, malungkot at mawalan ng tapang. Tanggapin mo ito. Ang iyong pagdurusa ay nagdadala ng mga mahal na kaluluwa sa Akin sa oras ng kanilang kamatayan. Ipinananalangin ka na ngayon ng mga kaluluwang ito. Matuwa ka, dahil kung makikita mo lang kung gaano ka nila kamahal, mapapaiyak ka sa tuwa. Ang Aking mga santo sa Langit ay ginagabayan at pinoprotektahan ka laban kay Masama, kaya nga maraming beses kang pinapawalang-sala, na ikinagugulat at ikinasisiya mo naman. Huwag na huwag kang mag-atubili sa Gawaing ito. Isa ito sa mga pinakadakila Kong Mga Misyon ng Aking Gawain sa Lupa. Maging matapang ka at may kompiyansa, pero manatili kang mababang-loob anumang mangyari. Handa na ang entablado. Ang mga pangyayaring sinabi Ko noon ay mangyayari na ngayon. At pag nangyari yun, babalik din ang iyong kompiyansa. Dahil magkakaroon ka ng lahat ng pruwebang kailangan mo. Oo, ilang beses na naharang ni Satanas ang Gawaing ito. Pinayagan Ko ito para siguraduhing ikaw ay mananatili laging mapagkumbaba.
Huwag kang maglalathala ng mga petsa. Huwag mong itatanong kung anong kinabukasan ng mga taong masyadong mapaghanap sa iyo. Ang panghuhula ay hindi galing sa Akin. Ang ibinubunyag Ko lamang na kinabukasan ay yung may kinalaman sa kapakanang espiritwal ng Aking mga anak. Ipagpasalamat mong ikaw ay binigyan ng napaka-espesyal na Regalong ito. Hindi mo man ito kusang-loob na ginusto, minolde ka para sa Gawaing ito mula sa kauna-unahan mong hininga, at tutuparin mo ang Aking Kabanal-banalang Salita hanggang sa iyong huling hininga.
Hayo na sa Ngalan Ko at tulungan Akong magligtas ng kaluluwa ng buong sangkatauhan, nang may pagmamahal at tuwa sa iyong puso.
Mahal Kita, anak Kong giliw. Ikinatutuwa Ko ang iyong buong-pusong pagmamahal sa Akin at sa Aking minamahal na Ina.
Ang iyong Jesus
Parte 5
Unang Volume
Mensahe 200 – 249
Huwebes, September 22, 2011 hanggang Lunes, November 14, 2011
Birheng Maria: Ipanalangin nyong protektahan ko ang buong mundo
Huwebes, September 22, 2011 9:00 pm
Anak ko, kailangang hilingin mo sa aking mga anak na manalangin sa akin, para mabalot ko sila ng aking Kabanal-banalang Kapa sa mga panahong ito. Ang gawain ni Manloloko ay lumalago at kumakalat na parang apoy sa gubat, at ang masamang pag-kontrol na nakikita nyo sa inyong paligid ay kagagawan niya at ng kanyang hukbo ng mga demonyo. Nagdudulot sila ng malaking pagdurusa at pasakit sa mundo. Dasalin nyo ang aking Kabanal-banalang Rosaryo at mapipigilan nyo siyang gumawa ng pinsalang sinisikap niyang idulot sa mundong ito.
Manalangin kayo, mga anak ko, saanman kayo naroroon, para sa aking espesyal na proteksyon laban kay Masama.
Manalangin kayo para mabawasan ang pagdurusa ng aking minamahal na Anak, Na kailangang-kailangan ang inyong pag-konswelo. Kailangan Niya ang inyong panalangin, mga anak, habang Siya’y kumikilos para iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang makasalanan at naliligaw na buhay, nang minsan pa.
Manalangin kayo ngayon sa mataimtim na paraang hindi nyo pa nagagawa kailanman.
Ang inyong Pinagpalang Ina
Reyna ng Kapayapaan
Lungkot sa pagkawala ng Aking mga anak na walang pakialam sa Akin
Huwebes, September 22, 2011 9:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ihanda mo ang iyong pamilya para sa Babala. Sabihan mo sa lahat Kong anak sa lahat ng lugar na sila’y humingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan. Ang paghingi nila ay kailangang mula sa puso. Kung hindi ay pagdurusahan nila ang nakakapasong hapdi ng Purgatoryo habang nangyayari ang Aking Dibinong Awang Pagliwanag, pag nakaharap Ko ang bawat isa sa inyo.
Ang darating na Paglilinis ay magkakaroon ng dating sa inyong kaluluwa na tatagal at hindi pwedeng kalimutan, kaya mananatili kayo sa Kaibuturan ng Aking Puso magpakailanman.
Yung ilan sa inyo na nakakakilala at nagmamahal sa Akin, maghanda na naman kayo ngayon para sa Aking Pinakadakilang Regalo. Magtabi kayo ng mga benditadong kandila at Holy Water, at maging handa kayong sumali sa mga panalangin kasama ang mga santo sa Langit para tulungang matubos ang mga kaluluwa ng lahat Kong anak sa buong mundo.
Sa kauna-unahang beses sa inyong buhay, talagang mag-isa Ko kayong Makakasama. Walang kaingay-ingay nyong masasaksihan ang Pagpapako sa Akin sa Krus, at para naman sa mga di-mananampalataya, mauunawaan na rin nila, sa wakas, ang Katotohanan ng Aking pagdurusa para sa sangkatauhan.
Kayo, mga anak Ko, ay inyong mauunawaan at mainit na tatanggapin ang Aking dakilang Regalong Awa at kayo’y bibigyan ng isang lakas na ang nakakaalam lamang ay ang mga santo sa Langit. Ang lakas na ito ang siyang magpapatibay sa gulugod ng Aking bagong hukbo sa Lupa pagkatapos. Ang dakilang hukbong ito ay sasagipin ang milyun-milyong iba pang kaluluwa mula sa kuko ng hukbong pinamumunuan ng antikristo. Panalangin ngayon ang magliligtas at tutulong para magbalik-loob ang milyun-milyon habang nangyayari ang kailangang-kailangang panahong ito mula nang Paglikha sa sangkatauhan.
Paakap na kayo sa Akin, mga anak, bago pa ito mangyari. Hayaan nyo Akong bigyan kayo ng lakas at tapang para makapagdala kayo sa Akin ng mas marami pang kaluluwa. Kailangan Ko ang inyong pagmamahal. Sariwa pa ang Aking mga sugat. Sobra-sobra ang Aking lungkot sa pagkawala ng napakarami sa Aking mga anak, na walang pakialam sa Akin.
Lungkot na lungkot Ako sa Aking pag-iisa. Tulungan nyo naman Ako, mga anak, na iligtas sila bago pa man maging huli na ang lahat. Mamangha man kayo nang sobra sa Aking dakilang Akto ng Awa na magdadala ng Makalangit na Liwanag sa mundo, magdudulot pa rin ito ng lungkot para sa mga hindi makakayanan ang matinding takot.
Huwag naman kayong matatakot. Dumarating Akong dala ang dakilang Pag-ibig at Malasakit para sa inyong lahat. Dahil mahal Ko kayo kaya Ko pinanghihimasukang iligtas kayo sa masasamang ginagawa ng mga pandaigdig na puwersa, na gustong ubusin ang populasyon ng mundo. Gusto nila itong gawin sa pamamagitan ng pag-kontrol. Hindi Ko sila papayagang gawin ito. Ang Aking Ama ay naghihintay. Kung aaminin ng tao ang mga kasalanang siya ang may kagagawan, ang mundo’y magiging isang lugar ng kapayapaan at pag-ibig. Pero pag hindi niya pinakinggan ang leksyon mula sa Babala, hindi siya makakaligtas. Dahil babagsak na sa kanya ang Kamay ng Aking Ama.
Ako si Jesucristo
Hari at Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Diyos Ama: Ang Antikristo at isang Sistema ng Pera ng New World
Biyernes, September 23, 2011 8:30 pm
Anak ko, kahit na ikatakot ng mundo ang Babala, kailangan pa rin nilang tanggapin na ang mga propesiyang nakapaloob sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay nangyayari na. Ang banal na kalagayan ng Simbahan ay namimiligro na ngayon, ganun din ang Estado ng Israel. Magkakatotoo na ang mga propesiya, habang ang mundo ay kokontrolin ng antikristo, na tatangkaing kontrolin kayo sa pamamagitan ng isang Sistema ng Pera ng New World. Pag sa paraang ito ay nakontrol kayo o kung magpapakontrol kayo, makokontrol na kayo sa lahat ng iba pang bagay.
Ang Babala ang magpapahinto dito at sa iba pang kasuklam-suklam na mga kasamaan, na pinaplano ng mga puwersang pandaigdig, na hindi abot ng pang-unawa ng Aking mga anak sa buong mundo. Mga inosente kayong pitsa sa isang laro na hindi nyo naman kagagawan, kaya poprotektahan kayo ng Aking Kamay ng Katarungan.
Bangon, mga anak Ko, at labanan ang dugtung-dugtong na kasamaang ito sa pamamagitan ng panalangin. Ang pandaigdigang pag-kontrol at pag-usig na pinaplano hanggang sa mga sandaling ito, ay maiiwasan sa pamamagitan ng panalangin. Hindi lahat sa inyo ay pwedeng iligtas o maililigtas dahil ganun kahigpit ang hawak ng antikristo sa inyo.
Mga anak Ko, hindi kailanman mananalo si Satanas. Hindi siya binigyan ng kapangyarihan, at habang lumuluwag ang kanyang hawak, kakaladkarin niya na ngayon ang pinakamaraming kaluluwang madadala niya sa mga kailaliman ng Impiyerno para maging kasama niya. Naluluha Ako sa sobrang lungkot para sa Aking magandang Nilikha at yung Aking mahal na mga kaluluwa. Ay naku, kung nakinig lang sana sila sa Katotohanan!
Ang siyentipikong pagpapaliwanag ay kalokohan lamang, dahil walang siyensyang maipapalit sa katunayan ng Aking Makalangit na Kaharian. Wala ni isang tao sa mundo ang magagawang unawain ang kagandahan at milagrong naghihintay sa inyong lahat, dahil hindi ito mailalarawan sa pamamaraan ng tao.
Hindi magtatagal at mauunawaan nyo na rin ang Aking mga plano para sagipin ang mundo sa mga kamay ni Manloloko.
Mahal Ko kayong lahat at Aking poprotektahan lahat Kong alagad sa bawat bahagi ng pinaplanong pag-usig.
Ako ang inyong tingnan. Ibukas nyo ang inyong mga braso at paakap kayo sa Akin, at poprotektahan Ko kayong lahat.
Ang mga anak Kong sumasampalataya sa Akin ay walang dapat ikatakot.
Ang inyong minamahal na Maykapal
Diyos na Kataas-taasan
Diyos Ama
Ipaliwanag nyo ang kilabot ng Impiyerno sa mga bulag sa katotohan na si Satanas ay umiiral
Sabado, September 24, 2011 10:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, bakit ba patuloy na itinatanggi ng tao na merong Impiyerno?
Marami sa Aking mga anak, na ang tingin sa kanilang sarili ay sila’y may modernong pananaw, ay lantarang itinatanggi na merong Impiyerno, samantalang ipinapahayag nila ang kanilang pananampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan. Inililigaw nila ang Aking mga anak pag idinadahilan nila na Ang Diyos ay Walang-hanggan ang Awa. Sa pagkumbinsi nila sa Aking mga anak na lahat ay pupunta sa Langit, wala silang kamalay-malay na sila ang mananagot para sa mga susunod sa kanilang maling doktrina.
Si Satanas ay umiiral, kaya may Impiyerno ring umiiral. Ang impiyerno ay isang lugar na pinagdadalhan ni Satanas ng mga kaluluwang nagpapakita sa kanya ng katapatan habang sila’y nasa Lupa. Ito yung mga kaluluwang isinasantabi lahat ng kaisipan tungkol sa Diyos at itinataguyod ang pagpayag o pagkunsinti sa lahat ng masasamang gawain sa mundo. Meron pa ngang ilang kaso na ipinagbibili ng mga tao ang kanilang mga kaluluwa kay Satanas, kapalit ang isang buhay ng kayamanan, kasikatan at kapangyarihan. Marami sa industriya ng musika ang gumawa na ng ganito sa loob ng maraming taon. Halos hindi na pinag-iisipan kung paano ginagawa ang kanilang panata ng katapatan, na kalimitan ay isinasagawa sa grupo-grupong pagbibinyag sa pamamagitan ng maiitim at masasamang mga seremonya.
Sa kabilang dako naman ay yung mga namumuhay na akala nila’y ang buhay ay para magkatuwaan lang, walang inaalala, at walang-patid sa pananabik na bigyan ng kasiyahan ang sarili. Ilan lang sila sa mga kaluluwa na, pagdating nila sa mga pinto ng Impiyerno, ay masisindak at mapapailing na lang dahil hindi nila mapaniwalaan ang kapalarang naghihintay sa kanila. Hindi nila matatanggap na ang kilabot na kinakaharap nila ay kagagawan nila. Ang kalayaang ibinigay sa kanila sa Lupa ay kanilang inabuso para bigyang-daan lahat ng pagkakasala sa Diyos.
Mga anak Ko, ipaliwanag nyo naman ang kilabot ng Impiyerno dun sa mga bulag sa pag-iral ni Satanas. Pagtawanan na nila kayo at laitin. Tungkulin nyo pa rin na balaan sila tungkol sa nakakakilabot na kapalarang naghihintay sa sinumang kawawang kaluluwa na hahantong sa lugar na yun.
Yung mga atheist na hindi naniniwala sa Diyos, pag nasa bingit na ng kamatayan, na akala nila’y tapos na ang kanilang paghihirap pag patay na sila, pakinggan nyo na Ako ngayon. Kayong mga itinatanggi na Merong Diyos sa Lupang ito, kahit na ibinunyag na sa inyo ang Katotohanan habang kayo’y nabubuhay pa, ang inyong pagdurusa sa mga apoy ng Impiyerno ay simula pa lang ng inyong walang-hanggang hatol. Kayo, Aking kawawang mga kaluluwa na malaki ang pagkakasala sa paggamit ng inyong malayang loob, itinatanggi nyo Ako. Sa halip ay si Satanas ang pinili nyo. Hinihintay niya kayo pagkatapos nyong mamatay. Hindi na Ako matatagpuan doon. Dahil sa panahong yun, huli na ang lahat para pagpakitaan pa kayo ng Aking Awa.
Mananalangin, manalangin, lahat kayo, para sama-sama nating mailigtas ang mga kaluluwang ito. Hinding-hindi dapat pabayaang manakaw ni Satanas ang kanilang mga kaluluwa. Tulungan nyo Akong iligtas sila habang sila’y nabubuhay pa sa Lupa.
Ang inyong minamahal na Jesus
Isinugo Ko na ngayon ang Aking mga propeta sa mundo
Linggo, September 25, 2011 11:45 am
Pinakamamahal Kong anak, kung paano mo kukumbinsihin yung mga kabataang abalang-abala sa isang bisi pero walang-saysay na pamumuhay, yun ang hamon na ibinibigay Ko sa iyo.
Ang iyong tungkulin ay gamitin lahat ng klase ng modernong komunikasyon para kumbinsihin ang isang bata at modernong lipunan tungkol sa Katotohanan na Ako’y Umiiral. Ipinangangako Ko, na yung lahat Kong anak na mabigyan ng Katotohanan, sa ganung pamamaraaan, ay madarama ang Aking Presensya sa sandaling mabasa nila ang Aking Mga Mensahe.
Magpalaganap ka na ngayon ng pagbabalik-loob, anak Ko, sa lahat ng sulok ng mundo. Ikaw ang pinili para gampanan ang papel na ito. Pag ikinalat mo ang Aking Salita sa pamamagitan ng Internet, mas maraming tao ang maaabot. Gamitin mo ang Internet at ang media. Ang Aking masasabihang mga alagad, sa tamang panahon, ay ikakalat ang Katotohanan sa lahat ng lugar.
Kasisimula pa lang ng Misyong ito. Nailatag na ang mga pundasyon. Ngayon, ayon sa perpektong pag-tiyempo ng Aking Ama, papansinin na ng mundo ang mga makalangit na Mga Mensaheng ito.
Nangako Ako na Ako’y babalik. Para ayusin ang daan, isinugo Ko na ngayon ang Aking mga propeta sa mundo, kasama ka, Aking anak. Marami na ngayon ang tumutugon sa Aking panawagan sa bawat bansa sa mundo, maliit man ang kanilang mga boses. Sa tamang panahon, pakikinggan din pati sila, para maipahayag nila ang Aking Kaluwalhatian at i-anunsyo ang Aking pagbabalik.
May panahon pang natitira bago mangyari ang maluwalhating pagbabalik na ito. Hangga’t hindi pa yun nangyayari, maghanda na kayo, mga anak Ko. Ang Babala ay magpapabalik-loob sa milyun-milyon, pero simula pa lang ito. Ang panahon pagkatapos nyun ay gugugulin at dapat gugulin para palakasin ang mga kaluluwa para siguraduhing sila’y maihahanda nang ayos, at nang sa ganun ay maging karapat-dapat silang pumasok sa Bagong Paraiso ng Aking Ama sa Lupa.
Marami pa kayong dapat tiisin, mga anak Ko, pero, ay naku, ang daming dapat panabikan pag kayo’y pinapasok na sa napakagandang Bagong Panahon ng Kapayapaan, tuwa at kaligayahan sa Lupa!
Ang kinakailangan ngayo’y pagtitiyaga. Tapang at tatag ang ibibigay sa mga yun na tatawag sa Espirito Santo. Kaya kayo, Aking hukbo, ay kakargahin nyo yung mga kaluluwang naliligaw at napapalayo sa Akin. Huwag ni isa sa mga kaluluwang ito ang hahayaan nyong magpagala-gala at maligaw sa ilang. Ipanalangin nyo sila. Pakitaan nyo sila ng pagmamahal at pag-unawa. Huwag na huwag nyo silang sasabihan na sila’y nahatulan na o akusahan na sila’y nagkasala, dahil yan ay isang grabeng paglabag sa Mata Ko. Sa halip, maging mahigpit kayo pero mabait din. Sabihin nyo lang sa kanila ang Katotohanan. Nasa sa kanila na yun pagkatapos.
Hindi nyo magagawa, mga anak, na mapalapit lahat ng kaluluwa. Ang magagawa nyo lang ay gawin ang abot sa inyong makakaya.
Ang inyong minamahal na Jesus
Pananaw sa Aking Pagkapako sa Krus
Lunes, September 26, 2011 11:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, ngayong gabi, sa kauna-unahang pagkakataon, binigyan Kita ng isang pananaw sa Aking Pagkapako sa Krus, na iyong ikinagulat. Pero ang ibinunyag Ko sa iyo ay napakalaki ng halaga. Maraming tao na maligamgam ang pananampalataya, ay akala’y nang ipako Ako sa Krus, dahil sa Ako’y Anak ng Aking Ama, ay kahit papaano’y hindi Ako nagtiis ng sakit ng katawan na nadarama ng tao. Akala rin nila na dahil sa Aking Dibinong kalagayan, ay Ako’y hindi natatakot, o di kaya’y di-pwedeng matakot, dahil sa lakas na tinatanggap Ko mula sa Aking Ama.
Malayo ito sa Katotohanan. Napakalungkot Ko sa Aking pag-iisa at Ako’y takot na takot. Nakakakilabot ang Aking mga oras sa hardin, dahil sa Aking kalikasang-tao. Kung maaalala nyo, dumating Ako sa katawang-tao. Pag nakakaramdam Ako ng sakit o lungkot, kapareho lang ito ng sinumang tao. Maraming hindi nakakaalam nito.
Sa pakiramdam Ko’y inabandona na Ako at tuluyan nang pinabayaan ng Aking Amang Walang-hanggan. At medyo dinedma Ako ng Aking mga apostol, na walang ginawa para paginhawahin man lang Ako sa loob nung mga nakakakilabot na mga oras na ito.
Nang iharap Ako sa mga papatay sa Akin, nanginginig Ako sa takot at halos hindi makatugon sa kanilang mga akusasyon. Naramdaman Ko ang nararamdaman ng sinumang tao na nahaharap sa isang biyolenteng pagpatay. Buo pa rin ang Aking Dignidad dahil sa Sakripisyong alam Kong kailangan Kong gawin para sa sangkatauhan. Isa kabalintunaan, alam Ko, pero nakaramdam din Ako ng Pagmamahal at Tuwa sa Aking Puso habang nangyayari ang pagdurusang ito. Dahil alam Kong ang Aking kamatayan ang siyang magliligtas sa inyo, mga anak Ko, magpakailanman.
Pero ngayon, gusto Kong itanong nyo sa inyong sarili kung gaano karami ang maililigtas ng Aking kamatayan sa Krus. Sinong gustong maligtas at nauunawaan ba nila talaga ang ibig sabihin nito.
Dahil sa Aking kamatayan, pwede na silang pumasok sa Langit ngayon. Alam din ba nila na ito’y sa pamamagitan ng kanila mismong disisyon at gamit ang malayang loob na ibinigay sa kanila? Ang pananampalataya sa Diyos Ama ang pinakamahalaga dapat para sa inyo. Sa Akin muna kayo lumapit at isasama Ko kayo sa Kanya. Sundin nyo ang Aking Mga Aral na ibinigay sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Biblia. Mahalin nyo ang inyong kapwa. Panatiliin nyong simple ang inyong pananampalataya. Balansihin nyo ang inyong pananaw sa pananampalataya. Mahalin nyo Ako. Manalangin kayo sa Akin. Sambahin nyo Ako. Magpamahal kayo sa Akin, Akong may mapagmahal na Puso, para ang Aking Dibinong Presensya ay umapaw sa inyong maliliit at mahal na mga kaluluwa. Sa inyo Ako. Akin kayo, mga anak. Ganun ka-simple yun.
Habang kayo’y mas nananalangin, mas mapapalapit kayo. Mas mapapalapit ang inyong puso na mabuklod sa Akin.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Diyos Ama: Ang mga araw ni Satanas ay halos tapos na sa Lupang ito
Huwebes, September 29, 2011 8:15 pm
Ako ang Alpha at ang Omega. Ako ang Diyos Ama.
Mahal Kong anak, nalalapit na ang panahon para masaksihan ng mundo ang Awa na ipapakita sa sangkatauhan ng Aking mahal na Anak na si Jesucristo.
Maraming puwersa ng kasamaan ang naninirahan sa mga naliligaw na kaluluwang yun na nagpapakita ng katapatan kay Manloloko, na si Satanas. Sila man ay handa na rin para sa Babala at mapagmalaki nilang pinapaniwalaan na ang kapangyarihang ipinangako sa kanila ni Satanas ay aakayin sila sa isang bago at makamundong paraiso na sila na rin ang gagawa. Ito ang pinakamalaking kasinungalingang kagagawan ni Satanas, na kanila namang pinaniwalaan. Ang kadiliman ng kanilang kaluluwa ay nangangahulugang ang kanilang mga puso ay magiging walang-awa sa mga sumasampalataya sa Akin, ang Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay. Pero ang kanilang kapangyarihang hawak ay mas mahina na ngayon. Ang mga araw ni Satanas ay halos tapos na sa Lupang ito. Pero yang si Satanas, hindi niya tatantanan hanggat hindi niya nabibitag ang milyun-milyon sa mga naliligaw at nag-iilusyon na mga kaluluwang ito. Ipanalangin nyo sila, anak Ko, dahil wala silang direksyon. Nagkakalat na sila, at dahil sa kanilang pagka-taranta, gagawin nila lahat para kontrolin ang Aking mga anak sa pamamagitan ng kanilang makamundong mga ari-arian.
Pakinggan nyo na ngayon ang Aking Salita. Ang sangkatauhan ay walang kapangyarihan. Ang tanging kapangyarihan lamang ay sa pamamagitan ng panalangin, ang armor laban sa masasamang tao na ito. Sila, na nasa kasalanang mortal, ay ininsulto Ako at ang Aking mahal na Sangnilikha, at pagdurusahan nila ito. Ang dami na ngayong pangyayari na magkakatotoo sa harap mismo ng mga mata ng isang di-naniniwalang mundo. Ang dami sa Aking mga anak ang malilito at matatakot pag naramdaman na nila ang pahirap ng Purgatoryo at Impiyerno.
Lahat ng makasalanan, habang nangyayari ang Babala at pagkatapos nito, ay mararanasan yung pagdadaanan sana nila kung sila’y namatay. Yung mga nasa kasalanan ay magtitiis ng nakakapasong paglilinis katulad nung mga kaluluwa sa Purgatoryo, na naghihintay para pumasok sa Aking Maluwalhating Kaharian. Yung mga nasa kasalanang mortal naman ay dadanas ng malalim na kawalang-pag-asa at kadiliman ng mga apoy ng Impiyerno. Ang pagdurusang ito ay hindi masyadong magtatagal, at muli nilang matitikman ang mundong nararanasan nila bago mangyari Ang Babala. Dahil sa wakas, ay magigising na sila sa Katotohanan ng Langit, ng Impiyerno at Purgatoryo. At kailangan na nilang piliin kung aling daan ang gusto nilang sundan. Aakalain mo, anak Ko, na ang kanilang susundan ay yung daan papunta sa Aking Dibinong Pag-ibig at Malasakit, pero hindi ganun ang mangyayari para sa napakaraming tigasing makasalanan. Sobra na silang nasapian ng mga peke at walang-katuparang mga pangako ni Manloloko kaya babalik sila sa pagsunod sa kanyang pag-akay. Manlalaban sila at magpupumiglas, at sa impluwensya ng mga demonyong pinakawalan ni Satanas mula sa kailaliman ng Impiyerno, ipapahatak nila ang kanilang mga kaluluwa papunta sa kanyang masamang planong pagharian ang buong mundo.
Mahalagang panawagan ito para himukin kayong lahat na maghangad ng pagtubos, mula sa inyong puso, para sa inyong naliligaw na pamumuhay. May panahon pa kayo para gawin ito, pero gawin nyo na ito kaagad.
Maghanda na kayong humingi ng Awa. Mahal Ko lahat Kong anak. Ang Dakilang Pangyayari ay para sa kabutihan ng lahat Kong anak. Kaya sa halip na matakot, magpaakap kayo sa Aking Pag-ibig, para kayo’y palakasin. Sa ganun, matatagalan nyo ang paghihirap na darating.
Ang inyong nagmamahal na Amang Walang-hanggan
Diyos na Kataas-taasan
Resulta ng Babala
Huwebes, September 29, 2011 8:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, habang palapit na Ang Babala, sabihin mo naman sa Aking mahal na mga alagad na sila’y manalangin at matuwa nang may pasasalamat, dahil sa dakilang Awa na ibinigay ng Aking Amang Walang-hanggan sa sangkatauhan.
Dahil dito sa Maluwalhating Akto ng Purong Pag-ibig na ito, mas marami sa sangkatauhan ang maliligtas, para tamasahin ang Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Ipagpasalamat nyong sa panahong ito kayo nabubuhay, dahil milyun-milyon sa inyo ang maliligtas, na sana’y hindi na nakapasok pa sa Mga Pintuan ng Langit.
Kumpleto na ang mga paghahanda. Maghanda na kayo sa inyong mga tahanan ng mga kandilang benditado at tubig at pagkaing tatagal ng mga dalawang linggo. Magiging mahirap ang resulta pero hindi kayo dapat matakot. Sa halip, makakahinga kayo nang maluwag, dahil ang pagdurusa ay iaalay bilang pasasalamat para sa buhay na walang-hanggan, na ngayo’y ibinibigay sa Aking mga mahal na mga kaluluwa na tumatanggap sa dakilang Regalong ito.
Maging panatag kayo. Manalig kayo sa Akin, dahil kung naaalala nyo pa, Ako ang inyong Tagapagligtas, at bawat sandali ay binibigyan Ko ng proteksyon yung mga tapat na kaluluwa. Kasama nyo Akong maglakad. Inaakay Ko kayo. Hawak Ko kayo sa kamay nang may magiliw na Pagmamahal. Akin kayo at hindi Ko kayo kailanman pakakawalan sa Aking Sagradong Puso. Kayo, mga alagad Ko, ay nababalot sa mga grasya na kailangan nyo para matagalan nyo Ang Babala.
Ang inyong minamahal na Jesus
Tagapagligtas at Manunubos ng buong Sangkatauhan
Ang mga tigasing kaluluwa ay mahihirapan sa Babala
Biyernes, September 30, 2011 9:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, Ang Aking gawaing magdulot ng pagbabalik-loob ng mga kaluluwa ay tumitindi na ngayon.
Bigyan mo naman ng babala ang pinakamaraming pwede mong sabihan, na ihanda na ang kanilang mga kaluluwa bago pa mangyari Ang Babala.
Sabihan mo yung lahat ng pari, madre, obispo at iba pang mga sekta, na sumasampalataya sa Aking Amang Walang-hanggan, na pakinggan nila ang Aking Salita. Ang dami sa Aking mga anak ang nasa ganun nang kadiliman kaya ang Liwanag ng Aking Dibinong Kaluwalhatian ay makakasakit sa kanilang mga kaluluwa. Makakaramdam sila ng tunay na sakit dahil hindi nila matatagalan ang Dakilang Aktong ito ng Aking Awa.
Merong ilang tao na natatawa na lamang sa Mga Banal na Mensaheng ito. Pinalulungkot Ako nito. Hindi dahil sa hindi sila naniniwala na ganito Ako makipag-usap sa kanila, kundi dahil ayaw nilang maniwala sa Akin. Para sa inyong lahat na nag-aalala dahil sa inyong mga mahal sa buhay, ipanalangin nyo naman na ang paglilinis na haharapin nila pag nangyari na Ang Babala, ay sa wakas ay dadalhin na sila papasok sa Aking Puso.
Hinihiling Ko sa lahat Kong alagad na protektahan na nila ngayon ang kanilang sarili laban kay Satanas. Kailangan nilang wisikan ng Holy Water ang bawat sulok ng kanilang tahanan, magsuot sila ng Benedictine Cross at laging magdala ng Rosaryo. Manalangin din kay St. Michael the Archangel.
Si Satanas at ang kanyang hukbo ng mga alagad ay gagawin lahat para kumbinsihin kayo na hindi Ako Ito na nagsasalita. Sisimulan ni Satanas at ng kanyang mga demonyo na pahirapan kayo at magtatanim sila ng nakakakilabot na mga pagdududa sa inyong isip. Kayo, mga anak Ko, mapipigilan nyo siya pag sinunod nyo ang Aking mga iniuutos.
Malungkot, pero babaluktutin niya ang isip ng mahihinang mga kaluluwa hanggang sa lubusan na nila Akong itanggi.
Ang mga tigasing kaluluwa ay mahihirapan sa Babala. Makikipagtalo sila tungkol sa kung paano sila nagkasala sa Akin. Kahit na ang nakakapasong apoy ng Impiyerno, na mararamdaman nila habang nangyayari Ang Babala, ay hindi pa rin mag-aalis ng lahat ng kanilang pagdududa kung Ako nga ba ay talagang Umiiral.
Maraming magkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Babala pagkatapos nitong mangyari. Silang mga paganong alipin ni Satanas, ay gagawa ng isang kasinungalingan, na ikakalat nila sa lahat ng lugar. Magbibigay sila ng mga siyentipikong katwiran para ipaliwanag ang Pangyayari. Ayaw nilang marinig ang Katotohanan. Kailangan silang ipagdasal. Ganun na kalakas ang hawak ni Satanas sa mundo, kaya hindi na babanggitin sa harap ng mga tao ang Aking Ngalan.
Nakakahiya na ngayong pag-usapan kung Ako ba talaga’y Nabuhay sa Lupa.
Ang Ngalan Ko ay ngayo’y karaniwang ginagamit na lamang sa masasamang pananalita, o mas grabe pa rito, sa pagmumura pag sila’y nabibigla. Pero pakinggan nyo na Ako ngayon. Ang Aking Ngalan ay muling pakikinggan at tatanggapin pagkatapos ng Babala, ng mga magbabalik-loob. At gagamitin na ang Ngalan Ko pag silang Aking mga anak ay nananalangin sa Akin.
Ang inyong minamahal na Jesus
Birheng Maria: Si manloloko ay naghahanda na rin para sa Babala
Sabado, October 1, 2011 8:30 pm
Anak ko, ipanalangin mo lahat ng kaluluwa na itinanggi na ang aking Anak at ipinagmamalaki pa na ginagawa nila ito.
Nalalapit na ang panahon habang ang aking Anak ay muling nagsisikap na iligtas ang mundo mula sa hatol. Importante, anak ko, na patuloy kang maging masunurin sa lahat ng hingin sa iyo ng aking mahal na Anak.
Nagdurusa Siya at gusto Niyang iligtas kayong lahat mula sa kuko ni Manloloko. Siyang si Manloloko, ay naghahanda na para sa Babala. Samantalang ang aking Anak, dahil sa Kanyang Awa, ay sisikaping iligtas ang mga kaluluwa ng lahat, siya namang si Manloloko ay sisikaping kumbinsihin sila na ang Ang Babala ay isang ilusyon.
Kailangang pigilan si Satanas na sunggaban yung mga walang kamalay-malay na mga kaluluwa. Lagi nyo silang ipanalangin, dahil sila ang mga pinaka-nangangailangan ng inyong mga panalangin.
Ang inyong Pinagpalang Ina
Reyna ng Langit
Matuwa kayo pag sumabog na ang langit, dahil alam nyo na, na Ako’y darating
Linggo, October 2, 2011 3:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang pabago-bagong lagay ng panahon ay isa pang palatandaan na malapit nang magbago ang panahon. Meron pang ibang mga pagbabagong mararanasan. Ang araw ay magsisimulang tumibok at umikot habang nalalapit ang panahon ng paghahanda ng mundo para sa Babala.
Ang Aking Krus ang unang makikita. Masisindak sila, pero ibinibigay ito bilang isang Palatandaan para maihanda nyo ang inyong mga kaluluwa at humingi ng pagtubos para sa mga nagawa nyong kasalanan. Pag ginawa nyo ito, hindi kayo maghihirap pag nangyari na Ang Babala.
Manalangin, manalangin, manalangin, mga alagad Ko sa lahat ng lugar. Matuwa kayo pag sumabog na ang langit, dahil alam nyo na, na talagang Ako’y darating sa mundo. Sa wakas, hindi na Ako maitatanggi ng sangkatauhan. Sisinag ang Aking Pag-ibig sa bawat sulok ng mundo habang sinisikap Kong palapitin lahat ng kaluluwa sa lahat ng lugar.
Sobrang mabubulaga ng pangyayaring ito ang mundo kaya mapapahinto ito sa malaking sindak. Habang unti-unti silang nauulian, marami pa rin ang hindi alam kung ano talagang nangyari. Sa pagdating Ko, darating din si Satanas at lahat ng demonyo mula sa Impiyerno, na tatangkaing lamunin ang mga kaluluwa ng Aking mga anak. Ito ang dahilan kung bakit kailangang himukin Ko kayo na magwisik ng Holy Water sa inyong tahanan at magtabi ng mga kandilang benditado sa lahat ng lugar. Kailangang protektahan nyo ang inyong sarili. Ito ang hinihiling Ko sa inyo habang palapit na ang panahong yun. Ipanalangin nyo lahat ng hindi matanggap ng kanilang kalooban na paniwalaan ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Ipanalangin nyo lalo na yung mga gagawin lahat ng pwedeng paraan para itanggi Ako, kahit na alam naman nila na Ako’y Nagpapako sa Krus para sila’y iligtas.
Tandaan nyo, Ako’y namatay para sa bawat isa sa inyo para kayo’y iligtas. Tandaan nyo rin, na sa pagkakataong ito, muli Akong dumarating para iligtas kayo, bawat isa sa inyo. Wala ni isa Akong iniitsa-pwera.
Pagkakataon nyo na ngayon, mga anak, para makasigurado ng isang lugar sa Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Bakit nyo hindi gugustuhing makasali rito? Bakit sadya pang pipiliin ninuman ang kailaliman ng Impiyerno kapalit ng dakilang Regalong ito?
Matuwa. Manalangin, magpasalamat sa Diyos Ama, para sa Dakilang Babalang ito. Tanggapin nyo ang Regalong ito nang may pagmamahal at tuwa sa inyong puso.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Hindi Ko kayo kailanman pababayaan, mga anak. Kaya nga Ako Darating.
Lunes, October 3, 2011 12:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, kakausapin Kita ngayon dahil kailangang maunawaan kung ano nga ba itong Babala at para mawala na rin ang pagkalito tungkol dito. Marami ang natatakot at akala’y ito na ang Araw ng Paghuhukom. Pero hindi ganun. Ito’y magiging isang araw ng Maluwalhating Awa ng Diyos, na babalot sa buong mundo. Ang mga Sinag ng Aking Awa ay ibubuhos sa bawat kaluluwa – lalaki, babae at bata. Walang maiitsa-pwera. Wala ni isa.
Ito ang Aking pagbabalik para iligtas Ko kayo nang minsan pa. Di ba’t alam nyo naman na Ako’y laging magiging Maawain? Na hinding hindi Ko hihintayin pa ang Huling Paghuhukom na hindi Ko pagsisikapang iligtas muli kayong lahat?
Ito ang Paglilinis na sinabi Ko na noon. Sa panahong papunta sa Dakilang Pangyayaring ito, dalawang taon nang pinagdadaanan ng mundo ang isang Paglilinis. Hinayaan Kong ang sangkatauhan ay magtiis na mawalan ng mga materyal na bagay at magkaroon naman ng kababaang-loob dahil sa pagbagsak ng financial market, bagamat hindi Ako ang may kagagawan nito. Plinano ito ng mga pandaigdig na grupo na nasa pwesto ng kapangyarihan, pati na yung mga nasa mga pasilyo ng gobyerno sa buong mundo, dahil sa kanilang masamang kasakiman. Pero dahil din naman sa pagdurusang ito, milyun-milyong tao ngayon ay magiging handa nang makinig sa Aking Salita at tumanggap ng Aking Awa. Kung hindi ito nangyari, hindi sana sila magiging handa. Wala kayong dapat ikatakot kung mahal nyo Ako at kayo’y namumuhay ayon sa Mga Utos na ibinigay ni Moses sa utos ng Aking Amang Walang-hanggan.
Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may mapagmahal at masayang pananabik, at ipagpasalamat nyong ngayon kayo nabuhay sa mundo para tanggapin ang Aking dakilang Regalong kaligtasan. Hindi Ko kayo kailanman pababayaan, mga anak. Kaya nga Ako darating. Dahil mahal na mahal Ko kayo kaya Ko ito ginagawa. Dahil gusto Ko kayong ihanda at ilapit sa Aking Puso kaya ibinigay Ko na sa mundo ang Aking Mga Mensahe sa pamamagitan ng Aking minamahal na anak.
Ang Mga Mensaheng ito ay magpapatuloy rin kahit na nakaraan na Ang Babala para bigyan kayo, hangga’t maaari, nang pinakamaraming gabay sa Aking Mga Aral. Ang Aking Salita, na nakapaloob sa mga Volume na ito, na tinatawag Kong Aklat ng Katotohanan, ay lilikha ng isang bagong kristiyanong hukbo, na didipensahan ang Aking Ngalan hanggang sa magsimula na ang Bagong Panahon ng Kapayapaan.
Matuwa na kayo ngayon, mga anak Ko. Magpakonswelo kayo sa Akin, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong makakatagpo nyo Ako nang harap-harapan. Para sa mga alagad Ko, ito’y magiging isang sandali ng malaking pagmamahal, kapayapaan at kaligayahan. Bangon at maging matapang. Dahil binigyan kayo ng prebilehiyo at dahil dito ay papurihan nyo ang Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, Na Siyang nagpahintulot na mangyari ito.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hindi na magtatagal ay Panahon na ng Kapayapaan
Martes, October 4, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang Bagong Panahon ay malapit nang mangyari, sa di kalayuang hinaharap.
Ang Panahong ito ng Kapayapaan ay tatamasahin ng lahat Kong alagad. Ito’y magiging isang panahon ng pagmamahal, kaligayahan at kapayapaan. Wala nang karamdaman, sakit, mga pagkabalisa tungkol sa pera, dahil lahat ng kakailanganin nyo ay ibibigay Ko. Wala na kayong hahanapin pa, mga anak Ko, dahil aalagaan at aakapin Ko kayo na parang isang magulang na nag-aalaga ng isang sanggol. Dapat itong mainit na tanggapin. Isa itong layuning dapat nyong lahat pagsikapang matupad.
Huwag nyo nang ipagpaliban pa ang paghahanda para sa pagpasok sa Aking Paraiso ng kapayapaan. Dahil baka masyadong huli na ang inyong pag-alis. Magplano na kayo ngayon, dahil hindi nyo malalaman kung kailan ito mangyayari. Sa totoo lang, mangyayari ito nang biglaan at napakabilis, kaya kayo, mga alagad Ko, ay matatagpuan nyo ang inyong mga sarili na kayo’y naroroon na sa isang kisap-mata. Kaya nga kailangan nyo nang simulang ihanda ang inyong mga kaluluwa ngayon din, dahil ang malilinis na mga kaluluwa lamang ang makakapasok.
Napakahalaga ng panahon. Ito, mga anak Ko, ay isa sa mga huling panawagan sa inyo na ayusin nyo ang inyong buhay bago pa mangyari Ang Babala. Maghanda kayo sa bawat araw at manalig sa Aking Dibinong Salita habang kayo’y inuutusan ngayong sundin ang Aking mga kahilingan para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Ang Panahon ng Kapayapaan ay nalalapit na at hinihimok Ko kayo na ihanda na ang inyong pamilya para kayo’y magkaisa sa Aking Bagong Kaharian.
Ang inyong Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Pinaghaharian ng antikristo ang mga Grupong pandaigdig
Miyerkules, October 5, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, natutuwa Ako at pinadami mo na ang iyong mga oras para sa Akin sa iyong Adoration. Mabuti ito dahil ang Aking mga grasyang ibinibigay Ko sa iyo sa espesyal na panahong ito ay magpapalakas ng iyong loob at lalo mo pang maikakalat ang Aking Mga Mensahe.
Ngayong mas marami pa sa Aking mga anak ang nakakaalam na ang takbo ng pulitika at ekonomiya sa mundo ay nabago na sa paraang hindi na nila magawang intindihin, malapit na nilang makita ang Katotohanan. Ang tinutukoy Kong mga pinuno ng mundo, na mga duwag kaya nagtatago sila para hindi nyo sila makita, ay lalo pang nagpaplano para maghari sa mundo.
Bumubuo sila ng mga hukbo, sandata at nakakalasong mga bagay at ang iisa nilang pakay ay puksain ang Aking mga anak. Lagi na lang pinagtatawanan ang mga conspiracy theory, o pag-aakalang merong sabwatan, samantalang totoo ito at inilalathala ng matatalas mag-obserba. Dahil alam nyo ba, napaka-makapangyarihan ng mga grupong ito, na sama-sama sila sa likod ng maskarang pinagmumukha silang kagalang-galang, kaya naiiimpluwensyahan nila ang katotohanan at naitatago ito sa paningin ng mga tao.
Maniwala kayo, mga anak, na ang masamang grupong ito ay nakikipaglaban sa Akin mismong mga alagad at pinuno sa Simbahan. Nagawa pa nga nilang gapangin ang Aking Simbahan mula sa loob. Ang kanilang kamandag ay bumubulwak na parang isang malakas na agos papunta sa lahat ng direksyon. Ang kanilang plano ay hindi lamang para kayo’y lokohin, kundi isasali pa kayo sa kanilang paraan ng pag-iisip. Kung titingnan mo mula sa labas, mukhang gusto nilang iligtas ang buong mundo sa likod ng maskara ng mga makataong pagsisikap. Ang kanilang malikhaing solusyon para sa inyo ay pagsama-samahin ang inyong pera, pagkain, kalusugan, kapakanan at relihiyon sa ilalim ng iisang rehimen, ang rehimen ng antikristo.
Tanggihan nyo naman ang mga tangka ng mga masasamang taong ito, na hatakin kayo sa kanilang masamang plano, mga inosente Kong mga anak. Gusto nilang tanggihan nyo, nang kusang-loob pa, ang Diyos na Aking Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Sa sandaling ma-kontrol na kayo, wala na kayo. Kokontrolin na nila ang inyong kakanin, ang mga relihiyosong gawain na inyong sasalihan at ang gamot na ibibigay nila sa inyo.
Manalangin, ipanalangin nyo sa Diyos Ama na matigil na ang masasama at nakakasukang mga gawain nila, at hilingin nyo sa Kanya na tubusin ang kanilang mga kaluluwa habang nangyayari ang Babala. Gaano man kaitim ang kanilang mga plano, sila pa rin ang pinaka-nangangailangan ng inyong mga panalangin. Sila’y mga tau-tauhan ni Satanas, mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwa, at marami sa kanila ay ni hindi alam ang kanilang pinag-gagagawa, o kung kaninong utos ang kanilang sinusunod.
Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Chaplet para sa mga kaluluwang ito, araw-araw hangga’t makakaya nyo. Tulungan nyo Akong iligtas sila.
Ang inyong Jesus
Ang malawakang pagbagsak ng inyong mga bangko ay plinano ng antikristo
Huwebes, October 6, 2011 10:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, taimtim kang manalangin dahil ang antikristo ay malapit nang lumabas mula sa kanyang pinagtataguang lungga at lulundagin niya ang mundo para lamunin ang Aking mga anak.
Ang tuso niyang plano ay itatago sa likod ng isang itsura na guwapo, kaakit-akit at magaling magsalita, pero pag tiningnan ng Aking mga anak ang kanyang mga mata, kadiliman ang kanilang makikita, dahil wala siyang kaluluwa. Hindi siya nilikha ng Kamay ng Diyos Ama.
Manalangin kayo, mga anak Ko, ngayon din, bawat isa sa inyo, para pigilan siyang puksain lahat ng kanyang kinokontrol sa loob ng One World Order.
Ang panalangin ay makakabawas sa marami niyang inihaharap na nakakasuklam na mga plano laban sa sangkatauhan. Malungkot, pero marami siyang maloloko.
Hindi Ko pa kailanman nahimok na manalangin nang ganito kataimtim ang Aking mga anak, dahil kung wala ang inyong mga panalangin, ang mga planong niluluto niya ay matutupad gaya ng naipropesiya na sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag.
Ang kanyang presensya sa Lupa ay nararamdaman sa buong mundo, pero ang kanyang mga kilos ay patago at hindi nakikita. Para siyang isang bato, na pag itinapon sa tubig ay lumilikha ng maliliit na alon, na pwedeng maglakbay ng maraming kilometro. Gusto niya kayong puksain dahil mga anak Ko kayo.
Ang Aking mga anak na parang aliping sinusunod ang bawat niyang kilos, ay may piring sa mata. Ang mga patagong kasamaang ginagawa ng mga taong ito ay lumilikha ng napakatinding kalungkutan sa Langit.
Mga anak, kailangang hilingin Ko sa inyo na kayo’y manalangin kay St. Michael the Archangel para pagalitan si Satanas sa magulong panahong ito.
Ang antikristo ay mabilis na kumikilos at ang kanyang impluwensiya ay nagpapabilis sa pandaigdig na sabwatan para gawing iisang klase na lamang ang pera sa lahat ng lugar.
Sadyang plinano ng antikristo ang malawakang pagbagsak ng mga bangko para pag ang inyong bansa ay nangailangan ng tulong, tutulong siya at ang kanyang masasamang alagad para iligtas ang inyong bansa.
Gising, lahat kayo, at tingnan kung ano talaga ang nangyayari sa harap mismo ng inyong mga mata. Nag-aabang siya para umatake, pero ang inyong mga panalangin ay makakapagpahina sa kanyang mga aksyon at patitigilin siya sa kanyang kinatatayuan. Ang marurumi niyang mga kamay ay handa nang sunggaban kayo at akapin, at mahihirapan na kayong kumalas.
Tandaan nyo, mga anak, na ang panahong natitira para manatili si Satanas sa Lupa ay kokonti na. Ang antikristo ay sinugo na para magnakaw ng mga kaluluwa sa Aking Ama. Ang mga kaluluwang ito ay galing sa Aking Amang Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay. Ang pangako ng antikristo ng isang walang-hanggang sanlibutan ay isang kalokohan. Maraming kaluluwa na ngayon ang naaakit ng bago at masamang doktrinang ito. Pinagmamasdan Ko kung paano sila nahuhulog sa mapanlinlang na kuwebang ito ng kadiliman at mapait Akong lumuluha. Dahil sa sandaling sumunod sila sa daang ito ng panloloko, nadungisan na sila. Magbabago na ang kanilang pagtingin sa iba, pati na sa kanilang pamilya dahil manlalamig na ang kanilang puso.
Malakas ang kapangyarihan ni Satanas, pero ang Diyos Ama ay manghihimasok at matinding paparusahan ang kanyang mga alagad sa Lupang ito. Ang Babala ang huli nilang pagkakataon para talikuran ang antikristo.
Ipanalangin nyong ang Aking Liwanag ay tatagos sa lahat ng kaluluwa habang nangyayari Ang Babala, para ang mga naliligaw na kaluluwa, higit sa lahat, ay maligtas sa nakakakilabot na kadilimang ito.
Ang inyong minamahal na Jesucristo
Ang Purgatoryo ay hindi isang lugar na dapat nyong ikasiyang pasukin
Biyernes, October 7, 2011 9:45 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang dahilan kung bakit napakarami ng Mga Mensaheng ipinadadala Ko sa Aking mga anak ay para tulungan silang ihanda ang kanilang mga kaluluwa sa paraang hindi pa naging posible hanggang ngayon.
Marami sa Aking mga anak ang hindi pa nakakabasa ng Banal na Biblia, at hindi rin alam ang Aking Mga Aral.
Oo nga’t mas maraming panahon ang inilalaan ng Aking mga sagradong lingkod sa pagtutok sa bahagi ng Aking Mga Aral kung saan hinihiling Ko sa inyo na mahalin nyong lahat ang inyong kapwa, at ito’y mabuti, pero wala namang sinasabi tungkol sa mga mangyayari sa sangkatauhan pag tinanggihan nila ang Ama. Bakit ba itinatanggi ng Aking mga sagradong lingkod, na merong Impiyerno, at bakit nila pinagaganda ang larawan ng Purgatoryo?
Ang Aking mga anak ay tinuruan ng maraming mabubuting bagay sa pamamagitan ng mga simbahan, na nagpapahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Pero ang malungkot nito, ay halos hindi na pinag-uusapan ang pagkakaroon ng Purgatoryo at Impiyerno kaya naman ang Aking mga anak ay hindi na nababahala na merong ganito.
Ang Aking mga anak ay inililigaw din tungkol sa pag-iral ni Masama. Marami pa nga sa Aking mga sagradong lingkod ang itinatangging si Masama ay umiiral. Ay naku, ang ta-tanga nila para akalaing mapapalakas ng tao ang kanyang pananampalataya nang hindi alam o nauunawaan ang katotohanan ng kapangyarihan ni Masama.
Dahil kulang ang paggabay ng Aking sagradong mga lingkod, lumaganap ang kasamaan sa mundo sa paraang napigilan sana ito sa pamamagitan ng panalangin. Si Satanas ay napabayaang malayang gumala sa Lupang ito nang ilang panahon dahil bulag ang Aking mga sagradong lingkod. Kung nabigyan sana ng sapat na kaalaman ang Aking mga anak tungkol sa malaking gulong ginagawa ni Satanas, sana’y mas maraming nanalangin para mapahina ang kanyang impluwensiya.
Ang pag-iral ng Purgatoryo
Mali ang pagkaintindi tungkol sa pag-iral ng Purgatoryo. Maraming naniniwala na ito’y isa lamang panahon ng paghihintay at paglilinis bago ang mga kaluluwa makapasok sa Langit, dahil ang mga kaluluwang yun ay maaaring wala sa kalagayan ng grasya sa oras ng kamatayan. Merong iba’t ibang lebel sa Purgatoryo, mga anak, at lahat ng kaluluwa ay nakakaramdam ng isang nakakapasong hapdi ng kadiliman, na patindi nang patindi habang pumupunta sa mas mababang lebel. Ang ibig sabihin nito ay yung mga kaluluwang muntik nang mapatapon sa Impiyerno ang siyang nagtitiis ng pinakamatinding pagkapaso. Kahit na lahat ng kaluluwa ay, sa wakas ay, papasok din sa Kaharian ng Aking Ama, hindi ito isang lugar na ikasisiya ng Aking mga anak na pasukin. Kaya kailangan nyong labanan ang kasalanan at humingi ng tawad nang malimit, hangga’t maaari, para makapanitili sa kalagayan ng grasya. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nyong palaging sundin ang Sampung Utos. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nyong ipanalangin yung mga kaluluwang naroroon, dahil kung wala ang inyong mga panalangin, hindi sila makakapasok sa Kaharian ng Langit hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Panahon na para harapin nyo ang Katotohanan, mga anak.
Ipanalangin nyo na bigyan kayo ng mga grasyang kailangan nyo para maging malaya kayo sa kasalanan, para makapasok kayo sa Langit. Maging handa kayo araw-araw, dahil hindi nyo alam ang mga plano, na nailatag na, na naghihintay sa inyo. Ibinibigay Ko sa inyo ang Mensaheng ito para maging malinaw ang Katotohanan. Sa loob ng maraming dekada, hindi naging malinaw ang pagprisinta sa inyo ng mahahalagang Mga Mensaheng ito, mga anak. Importanteng kayo’y makapaghanda nang mabuti.
Pag dinasal nyo ang Divine Mercy Chaplet araw-araw sa 3 PM, Ako’y mamamagitan para sa inyo sa sandali ng inyong kamatayan, gaano man kalaki ang inyong kasalanan, at papakitaan Ko kayo ng Aking Awa. Sinasabi Ko ito sa inyo dahil mahal Ko kayo, hindi para kayo’y takutin kundi para siguraduhing ikakalat nyo ang Katotohanan sa inyong pamilya.
Ang Aking Salita ngayon ay isa lamang paalala tungkol sa Katotohanang ipinagkait sa inyo sa likod ng maskara ng pagpayag. Medyo katulad ito ng magulang ng isang anak na kanilang pinalaki sa layaw dahil mahal na mahal nila ito. Pag pinakain ng magulang ng sobra ang bata, masisira ang kalusugan ng bata. Pero sige pa rin ang mga magulang, at nakakasanayan ito ng bata dahil sa maling pagmamahal. Maaari itong makasama sa kalusugan ng bata. Ang bata naman ay walang alam sa mga pagkaing nagpapalusog, dahil hindi siya naturuan.
Hayo na at sabihin nyo sa inyong mga kapatid ang Katotohanan tungkol sa Impiyerno at Purgatoryo, bago maging huli ang lahat. Dahil kung hindi nyo ito gagawin, wala nang iba pang gagawa nito.
Ang inyong Guro at Diyos na Tagapagligtas
Jesucristo
Birheng Maria: Ang kasalanang pagbale-wala sa aking Anak ay laganap na
Sabado, October 8, 2011 2:22 pm
(Tinanggap sa isang pribadong aparisyon ng Pinagpalang Ina, na tumagal ng 30 minutos)
Anak ko, ang daming kaluluwang nakadestino na para sa walang-hanggang pagkatapon, kung hindi sila babalik sa aking mahal na Anak.
Matindi ang pagdurusa at dalamhati ng aking Anak, habang pinagmamasdan Niya ang mga anak na ito na pasuray-suray mula sa isang masamang daan papunta sa isa pa.
Ang kasalanang pagbale-wala sa aking Anak ay laganap na, at ang dami sa mga nakakaalam tungkol sa Kanyang Pag-iral, ay pinili pa rin, sa pamamagitan ng kanilang malayang loob, na itanggi Siya.
Ngayon na ang panahon para maunawaan nila kung ano ang naghihintay sa kanila pag hindi sila nagsisi habang nangyayari ang Pagliliwanag ng Konsiyensya, na malapit na nilang maranasan.
Para naman sa mga yun na nagmamahal sa aking Anak, pasanin nyo ang Kanyang Krus at tulungan nyo Siyang palapiting muli sa Kanya yung mga kaluluwang Kanyang pinananabikang akapin sa Kanyang mahal at mapagmahal na Mga Braso.
Ang dami sa inyo, mga anak, na hindi talaga kilala ang aking Anak, ang kailangang malaman kung gaano ka-mapagmahal ang Kanyang Puso. Ang laki ng Pagmamahal na meron Siya para sa inyong lahat, na kung makikita nyo lamang ang Kanyang pagdurusa dahil sa pagtanggi sa Kanya, ay maglulupasay kayo sa lupa, iiyak at magmamakaawang patawarin ang mga kasalanan ng sangkatauhan.
Manalangin naman kayo nang buong taimtim para sa pagbabalik-loob na pinananabikan ng aking Anak pag nangyari na Ang Babala.
Ang inyong Pinagpalang Ina
Reyna ng Sangkatauhan
Panahon ng napakaraming pekeng propeta na sinugo ni Satanas
Sabado, October 8, 2011 4:20 pm
Pinakamamahal Kong anak, nagtatrabaho na sa mundo ang Aking mga tunay na bisyonaryo, at heto na rin ang mga pekeng bisyonaryo. Makikilala mo sila pag masinsin mong pinag-aralan ang kanilang mga mensahe para sa mundo. Dahil mararamdaman mo sa kalooban mo na ang Aking Mga Aral at ang Katotohanan na nakapaloob sa Kabanal-banalang Biblia, ay hinaluan ng dumi.
Napakatuso ng mga kasinungalingang ito, kaya yun lamang talagang may alam sa Banal na Kasulatan ang makakakita sa mga ito.
Bantayan mo ang anumang pagkasuklam na lilikhain ng mga bisyonaryong yun sa kanilang mga alagad, pag sila’y nag-away-away, naghiwalay at nagwasak ng mga pamilya. Ang mga kultong susulpot mula sa trabaho ng mga bisyonaryong yun ay kakalat na ngayon sa mundo para magdulot ng pagkalito at pagkabalisa sa mga mananampalataya.
Saanman nakapaloob ang Aking Banal na Salita, matatagpuan mo ang Pag-ibig. Ang Aking Mga Mensahe ay nagsisilang ng pagmamahal at pagkakasundo, at hindi pwedeng di maapektuhan ang iyong kaluluwa. Katotohanan ang laging ipinapahayag ng Aking Mga Mensahe, at nakakalungkot man at nakakatakot kung minsan, ibinibigay naman ito sa inyo, mga anak Ko, nang dahil sa Pag-ibig.
Ang mga pekeng bisyonaryo ay magbibigay ng mga mensahe na mahirap basahin o maintindihan. Mukhang malakas ang dating at lumilikha ng pag-ibig ang mga ito, pero hindi ito magbibigay ng kapayapaan sa inyong kaluluwa. Ang ganung mga bisyonaryo, na marami sa kanila ay hindi galing sa Diyos, ay aakitin muna kayo, at pagkatapos ay kokontrolin, hanggang sa mahatak kayo sa isang higaan ng kasinungalingan at panloloko.
Iimpluwensiyahan ni Satanas at ng kanyang hukbo ang ganung mga pekeng bisyonaryo. Maari rin niyang atakihin ang mga tunay na mga bisyonaryo pag inuudyukan niya silang layuan Ako sa kanilang pagkalito. Kaya kailangang lagi kayong handa, mga anak.
Kondenahin nyo ang mga mensaheng salungat sa Aking Mga Aral sa anumang paraan, dahil makakasiguro kayo na peke ang mga ito.
Ako’y nagsasalita sa pamamagitan lamang ng ilang piniling mga tunay na bisyonaryo at propeta sa mundo ngayon. Wala pang dalawampu sila, at mas konti kaysa akala nyo. Bawat isa sa kanila ay binigyan ng iba’t ibang papel, pero ang Aking Boses at ang Aking mga iniuutos ay magkakaroon ng parehong tunog na inyong makikilala. Merong layunin ang kanilang mga mensahe, na ang pakay ay himukin kayong kumilos para ihanda ang mga kaluluwa.
Anumang aksyon na itinataguyod ng mga nagsasabing sila’y mga bisyonaryo at propeta, na mukhang kakaiba, o nagtataguyod ng aksyong walang kinalaman sa pagmamahal sa inyong kapwa, ay talikuran nyo.
Makinig kayo ngayon, dahil ito ang panahon ng pekeng propeta, na malapit nang magladlad ng kanyang sarili sa mundo. Ito rin ang panahon ng napakaraming pekeng propeta na isinugo ni Manloloko sa mundo para lumikha ng kaguluhan at isang kadiliman ng kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Jesus
Diyos Ama – Pakinggan nyo na ngayon ang Aking huling panawagan sa sangkatauhan
Linggo, October 9, 2011 3:30 pm
Anak Ko, sabihan mo ang mundo ng tungkol sa Pag-ibig na meron Ako para sa lahat Kong nilikha sa lahat ng lugar. Ipagbigay-alam mo rin sa kanila na Ako na ngayon ang magma-mastermind ng pinakadakilang Akto ng panghihimasok ng Diyos na makikita sa Lupa mula nang Mabuhay Muli ang Aking minamahal na Anak na si Jesucristo.
Lahat ay handa na para sa Dakilang Aktong ito ng Awa, na pinayagan Ko para makatulong na maligtas kayong lahat.
Ang kahulugan ng Aking Pag-ibig para sa inyo ay habang layunin Kong labanan si Manloloko sa kanyang mga pagtatangkang puksain ang sangkatauhan, papayagan Ko na ngayon ang isang pangwakas na Akto ng Awa para tulungan kayong magbalik-loob. Ang kahulugan ng pangwakas na Aktong ito para kayo’y matubos sa Mata Ko ay ang tao ay muling matututunan ang Katotohanan ng Aking Pag-iral.
Mga anak Ko, yumuko na kayo at humingi ng Awa para sa inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Pag sila’y wala sa kalagayan ng grasya, mahihirapan sila sa Babala. Kailangang sabihan nyo sila na kailangan nilang pagnilayan ang Katotohanan.
Konting panahon na lang. Halos dumating na sa inyo Ang Babala. Sa sandaling matapos ito, magkakaroon kayo ng panahong disisyunan kung aling daan ang gusto nyong piliin, ang daan ng Liwanag ng Diyos o ang daan ni Manloloko. Kayo ang pipili.
Paglipas ng ilang panahon, kung hindi tatalikuran ng tao ang kanyang masasamang gawi, wawasakin Ko yung mga bansang pinaparangalan si Manloloko. Magtatago sila pagbagsak ng Aking Kamay para magparusa, pero wala silang mapupuntahan.
Malapit nang maubos ang Aking pasensya at pinaplano Ko na ngayong pagkaisahin yung lahat ng sumasampalataya sa Akin, ang Maylikha ng lahat ng bagay, at isama sila sa Bagong Panahon ng Kapayapaan. Yung mga pipiling lumakad sa kabilang daan ay itatapon sa mga apoy ng Impiyerno.
Pakinggan nyo na ngayon itong huling panawagan sa sangkatauhan. Ito na ang panahon para disisyunan nyo ang inyong kinabukasan. Ipanalangin nyo yung mga bulag sa Aking Pag-ibig, dahil marami sa kanila, pag pinagbunyagan ng Katotohanan, ay muli Akong susuwayin at tatalikuran.
Ang inyong minamahal na Maykapal
Diyos Ama
Hari ng Kataas-taasan
Mensahe para sa America: Akapin nyo ang inyong mga kapatid na kabilang sa lahat ng sekta
Martes, October 11, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, gusto Kong kausapin ang bansang Amerikano. Ito ang mensahe Ko sa kanila. Kayo, mahal Kong mga anak, ay sobrang nagdurusa sa mga panahong ito. Pinagdadaanan nyo ang isang paglilinis na kinakailangan para linisin ang inyong mga kaluluwa.
Ang malalaking mga kasalanan sa America, na pasakit sa Akin, ay ang mga kasalanan ng aborsyon at imoralidad ng laman. Marami sa Aking mga anak ay sinasapian ni Manloloko, na nakatago sa likod ng mga saradong pinto at naghahari sa mga sistemang pinansyal at pulitikal. Ang dami sa inyo ang walang kaalam-alam sa katunayang ito. Hinihimok Ko kayo ngayon na ipanalangin na kayo’y makalaya sa kanilang mga tusong plano na wasakin ang inyong bansa.
Ang panalangin, mga anak Ko, ay makakatulong na mabawasan ang parusa, na pakakawalan ng Aking Ama sa mundo laban sa kasalanan ng aborsyon. Manalangin, manalangin, at sama-sama nyong parangalan ang Aking Ama. Dahil pag pinagkaisa nyo ang lahat ng relihiyon, na nagpaparangal sa Amang Diyos na Maylikha ng mundo, matutulungan nyo ang inyong bansa.
Kailangan nyong manalangin para kayo’y patawarin, at manalig na sasagutin ang inyong mga panalangin ayon sa pag-tiyempo ng Aking Amang Diyos.
Akapin nyo ang inyong mga kapatid na kabilang sa lahat ng sekta, na sumasampalataya sa Diyos Ama, at sama-sama kayong manalangin para tubusin ang mga kasalanan ng inyong bansa. Mga anak Ko, ang laki ng inyong bansa, kaya importanteng mailigtas Ko ang pinakamaraming kaluluwang maaaring iligtas. Magagawa Ko lamang ito sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na mangyayari pagsapit ng Babala at sa pamamagitan ng inyong mga panalangin at debosyon.
Lapit na kayo ngayon sa Akin, lahat kayo. Huwag kayong mag-itsa-pwera ng inyu-inyong mga relihiyon, basta’t manalig na lang kayo sa Diyos Ama, at sasagutin Niya ang inyong mga panalangin.
Kayo, mahal Kong mga anak, ay naliligaw. Sobrang kalituhan na ang ipinakita sa inyo at binaluktot na mga katotohanan ang ibinigay sa inyo tungkol sa Pag-iral ng Diyos Ama. Ginagamit nyo ang relihiyon bilang isang maskara para bugahan ng kamandag yung mga mas di-pinalad kaysa inyo. Panahon na para tanggapin nyo ang Katotohanan na ang inyong bansa ay makakabalik lamang sa Mga Braso ng inyong Maykapal, ang Diyos Ama, kung mamahalin nyo ang inyong kapwa.
Mahal Ko kayo nang may Malasakit na pumupunit sa buo Kong Pagka-Diyos. Pinaghihirapan Kong iligtas kayo, para kayo’y maisama sa bago at napakagandang Panahon ng Kapayapaan na naghihintay sa inyo sa Lupang ito. Para kayo’y makapasok sa Bagong Paraisong ito, kinakailangang ang inyong mga kaluluwa ay walang kasalanan.
Manalangin kayo para sa mga grasyang tutulong para makahingi kayo ng tawad para sa inyo mismong mga kasalanan at sa mga kasalanan ng inyong mga gobyerno.
Iniiwan Ko kayo sa kapayapaan at pag-ibig.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Birheng Maria: Pagdaraanan mo ang isang matinding pagsisiyasat at pag-atake
Miyerkules, October 12, 2011 2:22 pm
Anak ko, ngayon ang panahon na pag nagtrabaho ka para sa aking Anak, ay pagdaraanan mo ang isang matinding pagsisiyasat at pag-atake. Lagi mong dapat pagbibigyan ang mga kagustuhan ng aking Anak at lagi mo Siyang susundin. Huwag na huwag mong dedepensahan ang Kanyang Kabanal-banalang Salita, dahil hindi naman Niya gustong gawin mo ito. Huwag mong sasagutin o didibatihin yung mga kumukwestyon o bumabaluktot sa Kanyang Salita, dahil baka magdulot ito ng pagtatalo at pagdududa.
Aatakihin ka na ngayon ni Manloloko, pero kailangang ipanalangin mong protektahan kita, at huwag na huwag kang bibigay sa ganung mga panunukso. Siyang si Manloloko, ay nagtatrabaho gamit ang iba para saktan ka. At kung hahayaan mong gawin niya ito, nakikipagtalo ka sa kanya at sa ganun ay binibigyan mo siya ng lakas na gusto niya.
Magpakatatag ka sa mga pagkakataong ito, anak ko, at lagi kang lalapit sa akin. Tatakpan kita ng aking Kabanal-banalang Kapa para protektahan ka sa kanya, at magiging maayos lahat.
Manatili kang matapang at tanggapin mo ito bilang isang Regalo mula sa Diyos na Kataas-taasan, dahil kung walang ganitong lakas, hindi mo magagawa nang ayos ang Gawaing ito. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa sa Gawaing ito, dahil lahat ng santo ay namamagitan para sa iyo at ibinibigay na sa iyo ang lahat ng klase ng makalangit na proteksyon.
Ipagpatuloy mo ang iyong pagkamasunurin sa aking Anak at sikapin mong maging masaya habang tinatanggap mo ang pagdurusang pinapayagan Niya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Kailangang lagi mong dadasalin araw-araw ang Santo Rosaryo, at manalangin kang kasama ko para mailigtas ang mga kaluluwa.
Binibendisyunan kita, anak ko. Nagdiriwang ang Langit dahil sa Kabanal-banalang Gawaing ito alang-alang sa aking mahal na Anak, Na nagmamahal sa buong sangkatauhan, pero malungkot na lumuluha para sa mga kaluluwang yun na tatanggihan ang Kanyang Kamay ng Awa pagkatapos ng Babala.
Ang iyong minamahal na Ina
Huwag na huwag mo Akong dedepensahan, dahil hindi ito kinakailangan
Huwebes, October 13, 2011 12:10 am
Pinakamamahal Kong anak, kailangang sabihin Ko sa iyo na iwasan mong depensahan ang Aking Kabanal-banalang Salita.
Yung mga kumekwestyon sa Aking Salita ay kailangang manalangin sa Akin na sila’y gabayan. Iniuutos Ko na ngayon sa iyo na huwag na huwag mong susubukang ipaliwanag ang Mga Mensahe mula sa Aking Mga Dibinong Labi.
Maraming beses Ko nang sinabi ito sa iyo, at hindi ka binigyan ng kapangyarihan para gawin ito. Sa halip, ay tanggapin mo ang Aking Mga Mensahe kung ano ang mga ito. Huwag mong pagdudahan ang mga ito. Huwag mong subukang himayin ang mga ito, dahil konting-konti lang ang nalalaman ng tao tungkol sa mga plano o pag-tiyempo ng Diyos. At wala ring alam ang tao tungkol sa antikristo, kahit akala niya’y meron. Ang mga bagay na ito na napakalaki ng importansya, ay ang Aking minamahal na Ama lamang ang nakakaalam.
Hinihiling Ko sa iyo na huwag na huwag mo Akong dedepensahan, dahil hindi ito kinakailangan. Ang mahalaga lamang ay maiparating sa sangkatauhan ang Loob ng Aking Ama sa pamamagitan mo at ng iba pang mga propeta. Gaya ng sinabi Ko na noon pa, ikaw ang tagasulat. Ako ang May-akda. Ikaw ang instrumento. Ako ang Maestro.
Ang laging pagka-masunurin sa Akin ay inaasahan Ko sa iyo. Simple lang gawin kung ano ang Aking sabihin. Magiging mas madali ang iyong Gawain kung iiwasan mong masabit sa isang debate ng matatalinong relihiyoso tungkol sa mga bagay na pang-Biblia, na wala ka namang nalalaman doon.
Tandaan mo ang kahalagahan ng kababaang-loob, anak Ko. Manatili kang parang isang bata, na laging maliit sa Mata Ko, at makakatagpo ka ng kapayapaan. Magkakaroon ka ng mga pagsubok habang nagtatrabaho ka sa Gawaing ito. Asahan mo na ito. Huwag mo itong tatanggihan. Ang iyong regalo sa Akin ng iyong malayang loob ay tinatanggap Ko, pero kailangang matutunan mo ang kahalagahan ng hindi pagtatangkang tanggihan ang pagdurusa, dahil importante ito para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Mahal Kita, anak Ko, pero kailangan Kong ipaalala sa iyo ang Aking malinaw na mga utos. Hindi Ko kailangang Ako’y ipagtanggol. Ang mga Salitang ibinibigay sa iyo ay walang dungis at hindi salungat sa Katotohanan kung paano ito ibinigay sa sangkatauhan mula pa sa simula. Maraming bersyon ng Katotohanang nakapaloob sa Biblia ang binaluktot para ibagay sa plano ng tao. Ako ang Katotohanan. Ako ang Tinapay ng Buhay. Kung wala Ako, wala ang buhay. Umabante ka nang may mas malinaw na pananaw sa kung ano ang inaasahan sa iyo. Lagi kang pinoprotektahan. Salamat, Aking anak, dahil sa lakas na ipinapakita mo, pero lagi kang magpapagabay sa Akin sa lahat ng oras. Sa ganun, mas magiging madali ang paglalakbay na ito.
Ang iyong minamahal na Jesus
Hindi Ko pwedeng pwersahin ang mga tao na magbalik-loob o bumalik
Sabado, October 15, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, habang mas dumarami ang nakakarinig ng Aking Salita, papasok ang Aking Pag-ibig sa sandaling mabasa nila ang Aking Mga Mensahe. Kakausapin Ko ang kanilang mga kaluluwa at gigisingin Ko sila sa kanilang pagkakatulog para ipagkaisa Ko sila sa Akin upang mailigtas Ko ang mga kaluluwa sa lahat ng lugar. Malakas pag marami, at tutulungan Ako nito na maisagawa ang pagliligtas ng mga kaluluwa sa napakalaking lebel. Dahil sa malayang loob na ibinigay sa tao bilang isang Regalo mula sa Aking Ama, hindi Ko pwedeng pwersahin ang mga tao na magbalik-loob o bumalik sa pananampalataya sa Diyos Ama. Kinakailangang maging sariling disisyon nila ito. Ang panalangin ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob. Maipapangako Ko yun sa iyo. Isipin nyo na lamang ang Regalong naghihintay sa mga kaluluwa, mga anak Ko, pag ipinananalangin nyo sila. Di nyo ba alam ang kapangyarihan ng panalangin? Ang panalangin ng napakaraming tao, bilang pasasalamat sa Aking Ama at bilang pagbabayad-puri para sa inyong mga kasalanan, ay maiiligtas ang mundo. Ganun kalakas ang kapangyarihan nito. Hindi Ko pa kailanman hinimok kayo nang ganito kahigpit para sa inyong mga panalangin, na dapat ay manggagaling mula mismo sa inyong mga labi at nang may kagandahang-loob, para sa mga tigasing makasalanan sa lahat ng lugar. Kailangan Ko ang inyong mga panalangin. Kung wala ang inyong mga panalangin, maaaring hindi na maligtas ang mga kawawang mga kaluluwang ito, dahil marami sa kanila ay sobrang lubog na sa kadiliman kaya walang magiging dating para sa kanila ang Babala. Kayong Aking mahal na mahal na mga anak, lahat kayo’y makasalanan, pero marami sa inyo ay ginagawa lahat ng kanilang makakaya para ipakitang mahal nyo Ako, di nyo ba alam na inaasahan Ko kayo nang sobra-sobra para samahan Ako? Samahan nyo Ako sa Kaibuturan ng Aking Sagradong Puso at humingi kayo sa Akin ng mga grasya para iligtas ang inyong mga kapatid. Magliligtas Ako ng milyun-milyong kaluluwa pag naglaan kayo ng panahon para dasalin Ang Divine Mercy.
Ito na ang panahon na ang pagdarasal ng Divine Mercy ay magiging pinaka-mabisa. Maging mapagbigay kayo sa puso, isip, katawan at kaluluwa. Alisin nyo na ang anumang pagdududa. Magpakarga kayo sa Akin, ang inyong Jesus, para madala Ko kayo at yung lahat ng inyong ipinananalangin, sa Aking walang-hanggang buhay.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang inyong panahon sa Lupa ay nasa kritikal na yugto na
Linggo, October 16, 2011 9:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, bakit ba pag ang Aking Salita ay ipinapaliwanag, ay nadidismaya ang napakarami sa Aking mga anak? Oo nga’t kailangang laging kilatisin ng Aking mga anak ang mga ganung mensahe na inilalathala ng mga nagsasabing sila’y dumarating sa Ngalan Ko, pero kailangan din nilang matutunang palaging panatilihing bukas ang kanilang isip at puso.
Ay naku, kung bubuksan man lang naman sana ng Aking mga alagad ang kanilang mga mata at mainit Akong tatanggapin sa kanilang puso! Ako Itong si Jesus, Na nananawagan sa inyo na pakinggan ang Aking Boses habang hinihimok ko kayong lumapit sa Akin sa panalangin.
Ang inyong panahon sa Lupa ay nasa kritikal na yugto na. Konting panahon na lang at I-aanunsyo Ko na ang pagpasok ng Bagong Panahon ng Kapayapaan, at dahil dito, hinihiling Ko sa inyo na ihanda na ngayon ang inyong mga kaluluwa.
Huwag nyong hahayaan ang kayabangan na bulagin kayo sa Katotohanan. Alam nyo naman na hindi Ko kailanman kayo lolokohin. Pakinggan nyo ang Aking mga iniuutos para mapigilan si Masama na palabuin ang inyong pagdidesisyon. Huwag nyo siyang hahayaang ilayo kayo, dahil kung maririnig nyo lang ang Aking Kabanal-banalang Salita, ay malalaman nyong Ako Itong si Jesucristo, Na Siyang tumatawag sa inyo.
Mga anak, kung alam nyo lang kung gaano nasapian na ang Aking mahal na mga kaluluwa sa buong mundo, masisindak kayo. Maging ang Aking mga mahal na alagad, paminsan-minsan, ay nababalot na rin ng kadilimang ito. Ang hapding Aking nararamdaman, lalo na sa hanay ng mga kaluluwang regular manalangin at nagpapakita ng tunay na debosyon, pag nasasaksihan Ko ang inyong mga duda, ay nagdudulot sa Akin ng Mga Luha ng malaking dalamhati.
Manalangin, manalangin, manalangin kayo na kayo’y gabayan ng Espirito Santo. Kung bubuksan nyo ang inyong matitigas na puso at hihilingin ang regalong pang-unawa, tutugunin Ko ang inyong tawag.
Ang tindi ng magiging kalungkutan nyo pag ang Katotohanan ay ibinunyag sa inyo habang nangyayari Ang Babala. Ang hinihiling Ko sa inyo ngayon ay ang inyong mga panalangin para magligtas ng iba pang mga kaluluwa. Siguro naman, kahit na pinagdududahan nyo ang Aking Salita na ibinibigay sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ay matatanggap nyo pa rin sa inyong kalooban na ipanalangin ang mga naliligaw na mga kaluluwa.
MahaI Ko kayo at hinihintay Ko ang inyong tugon sa Aking paghiling ng panalangin.
Ang inyong Jesus
Ang Aking pagbabalik para iligtas kayo ay mararamdaman sa lahat ng sulok ng mundo
Lunes, October 17, 2011 9:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, nagbabago na ang panahon sa buong paligid mo. Gulong-gulo na ang mundo dahil sa espirito ng kadiliman. Pinaliligiran ka ng lahat ng katibayan ng kung anong pahirap ang pwedeng gawin ng kasamaan ng kasalanan sa sangkatauhan. Sa espiritong ito ng kadiliman ay sisinag ang Espirito ng Aking Dibinong Presensya habang Ako’y dumarating para minsan pang iligtas ang sangkatauhan.
Kayong mga mahal Kong anak na nakakaalam sa Katotohanan, kailangang sabihan nyo ang iba kung gaano sila ka-swerte na sila’y bibigyan ng napakagandang Makalangit na Regalong ito. Ang Aking Pag-ibig ay tatama sa Lupa sa paraang magpapaluhod sa inyo sa kababaang-loob, at mapait kayong tatangis dahil sa kasalanang ginawa nyo para saktan ang Aking Amang Walang-hanggan.
Ang Diyos Ama ang gumawa ng paraan para ang dakilang Aktong ito ng Awa ay maibigay ngayon sa inyo. Matuwa kayo, dahil ngayo’y may Liwanag na sa mundo, na aakit sa mga kaluluwa papunta sa Mga Braso ng Diyos Ama.
Muli Akong dumarating para ibigay sa inyo ang buhay na kailangan nyo para muli nyong maitaas ang inyong mga mata sa pagsamba at papuri sa Kaluwalhatian ng Diyos Ama at pasalamatan Siya para sa Katarungang ipinapakita Niya ngayon sa Kanyang mga mahal, pero naliligaw na mga anak.
Akong si Jesucristo ay naghahanda na ngayong ipakita sa inyo ang Katotohanan ng Awa para sa bawat kaluluwa, pati na ang mga tigasing makasalanan at mga di-sumasampalataya sa lahat ng lugar.
Ang katibayan ng Pag-iral Ko at ng Diyos Ama ay mabubunyag sa buo nitong makalangit na kaluwalhatian, sa bawat lalaki, babae at bata.
Ang Aking Presensya ay mabubunyag sa isang paraang hindi babale-walain at hindi magagawang di pansinin. Dahil bubukas ang Kalangitan, magsasalpukan ang mga bituin, kaya ang Aking pagbabalik para iligtas kayo ay sabay- sabay na mararamdaman sa lahat ng sulok ng mundo.
Ay naku, ang laking tuwa ng Aking mga anak pag nasaksihan nila ang aking Dibinong Presensya! Pati na yung mga nasa kadiliman ay mararamdamin din ang Aking Pagmamahal na hihipo sa kanilang malalamig na mga kaluluwa, at muling pagniningasin ang mga ito. Maghanda. Hintayin ang Aking Maluwalhating pagbabalik. Ipanalangin nyo yung mga may takot sa kanilang puso. Huwag nyo Akong katakutan. Hintayin nyo ang Dakilang Pangyayaring ito nang may pagmamahal at kababaang-loob sa inyong puso.
Mahal Ko kayo, mga anak. Itong dakilang Akto ng Aking Awa ang magpapatunay sa inyo nito.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Hari ng Sangkatauhan
Diyos Ama: Ihanda mo na ang mundo para sa pagdating ng Aking minamahal na Anak na si Jesucristo
Miyerkules, October 19, 2011 2:00 pm
Anak Ko, ihanda mo na ang mundo para sa pagdating ng Aking Anak na si Jesucristo, dahil parating na Siya ngayon, gaya ng nai-propesiya na, para iligtas ang sangkatauhan nang minsan pa.
Ang Kanyang pagdating ay i-aanunsyo ng mga trompeta sa Langit at ang mga koro ng mga anghel ay aawit ng papuri para i-anunsyo ang Dakilang Pangyayaring ito.
Ang Aking dakilang Regalo sa sangkatauhan ay ibinibigay sa inyo sa anyo ng Aking pinakamamahal na Anak, Na Siyang isinusugo para iligtas kayo bago pa ang Pangwakas na Paghuhukom.
Ihanda nyo na ang inyong mga kaluluwa, dahil pag ang inyong mga kasalanan ay ibinunyag na sa inyo, iniuutos Ko sa inyo na kayo’y mapagpakumbabang magpatirapa sa paanan ng Aking Anak at humingi ng Awa. Kailangang hilingin nyo sa Kanya na patawarin Niya kayo at kailangang tanggapin nyo ang parusang kinakailangan para linisin ang inyong mga kaluluwa.
Sa laki ng Kanyang Awa, walang kasalanan, gaano man ito ka-grabe, ang hindi mapapatawad kung magpapakita ng tunay na pagsisisi. Kinakailangan sa inyong lahat ang kababaang-loob para kayo’y maging karapat-dapat na pumasok sa Bagong Maluwalhating Panahon ng Kapayapaan sa Lupa, na ang panahon nito ay nalalapit na. Yung mga kaluluwa lamang na talagang nagsisisi at nagpapakita ng tunay na katapatan sa Aking minamahal na Anak, ang nararapat na pumasok sa mga pintuan. Dahil kailangang wala kayong kasalanan para makapasok sa napakagandang Bagong Paraisong ito sa Lupa.
Pinakamamahal Kong mga anak, inihanda Ko ang Paraisong ito nang may malaking Pagmamahal para sa bawat isa sa inyo. Ito ang pamanang kaytagal nyo nang hinihintay. Ganito talaga unang ibinigay ang Regalong Lupa kina Adan at Eba.
Ang sinumang tao na tatanggi sa Paraisong ito sa Lupa, na hindi kailanman pamamahayan ng kasamaan, ay tumatalikod sa kaligtasan.
Ito na ang kahuli-hulihan nyong pagkakataon para palayain ang inyong mga kaluluwa sa kuko ni Satanas at ang kanyang masamang impluwensya sa inyong buhay.
Akapin nyo ang napakagandang Regalong ito ng dakilang Awa. Sa pamamagitan ng Regalong ito, binibigyan kayo ng tsansa sa isang tunay na kaligtasan at isang Maluwalhating Paraiso, na hindi nyo kailanman mailalarawan sa inyong isip.
Para naman sa mga kawawang kaluluwa na tatanggi sa kapatawarang alok ng Aking Anak, bibigyan pa kayo ng ilan pang panahon para magbalik sa inyong pananampalataya. Pero hindi na matagal, dahil paubos na ang Aking Pasensya.
Hintayin nyo na ngayon ang pagbabalik ng Aking Anak para iligtas kayo sa kasalanan nang minsan pa at dalhin kayo sa kaligtasang walang-hanggan.
Diyos Ama
Ang kamatayan ng Aking anak na si Muammar Gaddafi
Huwebes, October 20, 2011 3:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, kung meron ka pang mga natitirang pagdududa paminsan-minsan tungkol sa Aking Kabanal-banalang Salita, malamang ay nabawasan na ito ngayon.
Nagbubunyag Ako ng mga propesiya para patunayan sa mundo na Ako Ito, si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan, Na Siya ngayong nakikipag-usap sa lahat Kong anak sa lahat ng lugar.
Hindi Ko gustong magdrama , kundi gusto Kong makasigurado na walang hindi makakarinig ng Aking pinakamahalagang panawagan sa mundo. Ang kamatayan ng Aking anak na si Muammar Gadaffi, na ang kanyang kaluluwa ay inyong ipinagdarasal nitong mga huling buwan, ay isa sa mga unang propesiya na magpapatunay sa mundo na totoo ang mga Mensaheng ito. Ito ang Aking palatandaan sa iyo, anak Ko, para alisin sa iyong isip ang mga duda, na hindi maalis-alis sa iyong isip.
(Ang mga detalye ng susunod na dalawang pinuno na itutumba ay ibinigay sa bisyonaryo at kung kailan muli mangyayari ang mga nakakasuklam na pangyayaring ito. Ang orihinal na Mensahe ay ibinunyag noong Pebrero 2011.)
Ikaw, anak Ko, sobra ka mang naapektuhan nito, ay ikaw pa rin ang pinili para ihanda ang sangkatauhan para sa Aking Bagong Panahon ng Kapayapaan. Ito ang panahong kasunod ng Babala.
Sige na at maghanda ka para sa susunod na bahagi ng iyong banal na Misyon, para tumulong magligtas ng mga kaluluwa pagkatapos ng Babala. Binibigyan ka ng mga grasyang magpapanatili sa iyong malakas. Kahit papaano’y naririnig na sa wakas ng Aking mga anak ang Aking sigaw para sa pagbabalik-loob.
Ang mga pinaka-nakakasakit sa Akin
Huwag na huwag kang magpapakita ng takot sa Gawaing ito, dahil wala namang dapat ikatakot. Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob at hahayaan ang mga pagka-antala o masasakit na salita na pabagalin ang iyong Gawain para sa Akin. Ako, anak Ko, ay laging nasa iyong tabi. Tandaan mo ito. Kung sakali mang ikaw ay atakihin dahil sa Aking Banal na Salita, manahimik ka. Laging aatakihin ang Aking Banal na Salita. Nakakalungkot, pero ang mga pinaka-nakakasakit sa Akin ay yun pang mga banal na kaluluwa, na dahil sa takot o ingat, ay nauuna pang mang-insulto sa Akin sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Alam ni Satanas na ang Aking mga pinili at tapat na mga alagad, pag tinalikuran nila Ako, ang siyang pinaka-nakakasakit sa Akin.
Anak Ko, ngayo’y nagsisimula ka nang makadama ng pisikal na hapdi ng Aking pagdurusa, pero handa ka na ngayong tanggapin ito kaisa Ko. Hindi magtatagal ang mga pagsubok na ito, pero habang nadarama mo ito ay mararamdaman mo ang kaparehong-kaparehong pasakit na nadarama Ko pag nakakasaksi Ako ng kasalanan. Ito, gaya ng nasabi Ko na noon pa, ay isang Regalo at napaka-konting mga piniling kaluluwa ang tumatanggap nito. Nakakatakot man ito kung minsan, kailangan mong maunawaan na ang iyong pagdurusa ay hindi lamang inilalapit ka sa Aking Sagradong Puso, kundi ililigtas pa nito ang milyun-milyong kaluluwa habang nangyayari Ang Babala.
Ang pagdurusang ito ay mas titindi pa habang palapit Ang Babala. Tahimik mong tiisin ito. At nang sa ganun ay matulungan mo Akong magligtas ng mahal na mga kaluluwa na sana’y nasunggaban na ni Manloloko.
Sabihin mo sa mga anak Ko na Ako’y natutuwa sa kanilang ipinapakitang malakas na pananampalataya. Sabihin mo sa kanila na nagiging mas malapit sila sa Aking Sagradong Puso. Sabihin mo sa kanila na binibendisyunan Ko sila ngayon at binibigyan Ko sila ng dakilang pagpapala para bigyan sila ng lakas na kakailanganin nila habang sinusunod nila ang Aking paggabay sa pamamagitan ng mga Banal na Mensaheng ito. Kakailanganin nila ang lakas dahil hindi madali para sa Aking mga anak na unawain ang napakalaking mga pagbabago na mangyayari na ngayon sa inyong mundo.
Manalangin kayo at magkaisa. Sama-sama nyong tanawin ang Kalangitan, bilang maliliit na mga anak, na may simpleng pananalig sa Diyos Ama. Hingin nyo sa Kanya, sa Ngalan Kong Banal, na isali kayo sa Kanyang maluwalhating hukbo, papunta sa tagumpay ng kaligtasang walang-hanggan.
Binibendisyunan Ko kayo, mga anak, ng lahat Kong Dibinong Pagmamahal.
Ang inyong Jesus
Ang Babala ay isang uri ng Pandaigdig na Kumpisal
Biyernes, October 21, 2011 8:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, isulat mo ito. Pinagdaraanan mo ngayon ang isang matinding pagdurusa para iligtas yung mga kaluluwa ng kadiliman na tumatanggi sa Akin at sa Aking Ama.
Ganun na ka-sarado at ka-tigas ang mga kaluluwang yun kaya sa pamamagitan na lamang ng mga panalangin ng iba at pagdurusa ng mga victim soul sila pwedeng iligtas, dahil ayaw nilang humingi ng pagtubos. Ang katigasan ng kanilang ulo ay pipigilan silang makaramdam ng sapat na pagsisisi para ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at humingi ng tawad.
Ang Babala ay isang uri ng Pandaigdig na Kumpisal. Ito ang panahon na ang bawat isa ay aasahang humingi ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, o harapin ang pagtanggi. Napakaraming kaluluwang nasa kadiliman ang tatanggi sa Aking Kamay ng Awa. Tatalikuran nila Ako. Ikaw, anak Ko, kasama ang lahat Kong tapat na alagad, ay makakatulong na mailigtas ang kanilang mga kaluluwa sa walang-hanggang hatol.
Hindi Ko kailanman magagawang pilitin ang Aking mga anak na magdusa sa Ngalan Ko. Pero para sa mga naghahandog ng kanilang tulong bilang isang regalo sa Akin, sa pamamagitan ng pagdurusa, ay matutubos Ko ang malaking bahagi ng sangkatauhan.
Nagkakaroon ng pagdurusa dahil sa mga pag-atake ni Satanas, pag pinapahirapan niya ang mga kaluluwang malapit sa Akin at yung mga itinatalaga Ko na mamuno sa isang banal na Misyon para mapapagbalik-loob ang mga kaluluwa. Dapat nyong malaman na pag dumarating ang mga pag-atakeng ito, kaisa nyo Ako. Kaya talagang makikilala nyo Akong mabuti. Malalaman nyo kung ano ang Aking nararamdaman – ang Aking Tuwa, ang Aking Lungkot, ang Aking Dalamhati, ang Aking Hapdi at sindak pag nawawala sa Akin ang isang kaluluwa at napapapunta kay Satanas.
Huwag kayong mabahala. Sa ngayon, milyun-milyon nang kaluluwa ang naliligtas sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito.
Ang mga panalangin ng Aking tapat na hukbo ay binabawasan na ang tindi ng mga pandaigdig na kalamidad at ang pag-alis ng Aking Holy Vicar na si Pope Benedict XVI mula sa Vatican. Ang kanilang pagsunod sa pananalangin ng Aking Divine Mercy Chaplet ay nagliligtas na ng mga kaluluwa sa mga oras na ito.
Anak Ko, siguraduhin mong lahat ng Aking mga anak ay nauunawaan na Ako’y nagsasalita sa lahat ng relihiyon at sekta sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Wala Akong iniitsa-pwera, dahil anak ng Diyos silang lahat. Iisa lamang ang Diyos, at yun ay ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos ng Kataas-taasan.
Sa pamamagitan lamang ng panalangin ay matutulungan nyo Akong sagipin ang mundo.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Gusto Kong bumuo ng isang hukbo ng mga prayer group
Linggo, October 23, 2011 7:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang maipagbigay-alam na gusto Kong bumuo ng isang hukbo ng mga Prayer Group sa buong mundo. Bibigyan Ko kayo, Aking hukbo, ng Mga Panalangin na kailangang dasalin para iligtas ang mga kaluluwa. Lalaganap ang Mga Prayer Group na ito at mula sa hanay nito ay babangon ang isang tunay na hukbo ng mga tapat na alagad para ibigay ang Katotohanan ng Aking Dibinong Pangako ng Kaligtasan sa lahat.
Ang Mga Grupong ito ay bubuo ng hukbo na naaayon sa iniutos ng Aking minamahal na Ama, na lalaban sa kadiliman ng kasamaang ginawa ni Satanas at ng kanyang mga mananampalataya at mga alagad.
Oo, anak Ko, mahirap mang unawain, pero maraming tao ang hindi lang kinikilala si Satanas, kundi nangangako pa sila ng katapatan sa kanya. Maraming kaluluwang nasa kadiliman ang nagpaparangal at sumasamba sa hari ng kadiliman. Maraming simbahan, na hindi nakikita ng Aking mga anak ng Liwanag, ang nagdiriwang ng mga itim na misa at iniinsulto Ako sa pamamagitan ng lahat ng klase ng pambabastos sa Diyos at pang-iinsulto, na sisindak at didismaya sa inyo. Mas dumarami pa sila at marami sa mga tapat na alagad ni Satanas ay humahawak ng matataas at respetadong mga pwesto sa negosyo, mga bangko at sa pulitika. Nagkakaisa sila laban sa Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan, at alam na alam nila ang kanilang ginagawa.
Kung paanong kinasusuklaman ni Satanas ang sangkatauhan, dahil nilikha ito ng Diyos Amang Maylikha ng lahat ng bagay, kinasusuklaman din ng mga maka-satanas na mga alagad na ito ang sangkatauhan. Ganun na kalalim ang pagkasuklam na nadarama nila, kaya tatangkain nilang bumuo ng isang elitistang hukbo na pupuksa sa milyun-milyong buhay sa Lupa. Sa paghahangad nila ng kapangyarihan at kayamanan, susubukan nilang linisin ang daan para sa kanilang sariling mga pangangailangan at pananabik na kontrolin ang sangkatauhan.
Ang mga ito’y kabilang sa mga tigasing mga makasalanan, na inihihingi Ko sa inyo ng tulong, mga anak. Kailangan Ko ang inyong mga panalangin para buksan ang kanilang mga puso sa mga kasinungalingang ipinapaniwala sa kanila ni Manloloko. Wala na sila sa Akin, maliban na lang kung hihingi sila sa Akin ng Awa. Ito ang dahilan kung bakit panalangin na lang ang grasyang maaaring magligtas sa kanila.
Ang makapangyarihang hukbong ito, na pinamumunuan ni Manloloko, ay tatangkaing magkalat ng lagim. Tinatangka na nilang lasunin ang Aking mga anak sa pinakatusong mga paraan sa pamamagitan ng inyong tubig, gamot at pagkain. Maging listo naman kayo sa lahat ng oras. Ang Kamay ng Aking Ama ay babagsak, pagkatapos na pagkatapos ng Babala, sa masasamang kaluluwang ito pag nagpatuloy pa sila na tanggihan ang Aking Awa. Samantala, mga anak, kailangang tumayo kayo at huwag hahayaang ang inyong bansa ay bully-hin, kaya-kayanin at takutin. Manalangin kayo para sa Aking proteksyon at panatilihin nyong simple ang inyong pamumuhay. Manalangin kayo at tumanggap ng Mga Sakramento. Hingan nyo Ako ng tulong sa lahat ng bagay at tutugunin Ko ang inyong mga kahilingan ayon sa Aking Kabanal-banalang Loob.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na mabawasan ang masasamang planong kontrolin ang mundo, na pinaplano ng masamang grupong ito. Lumalaki na ang kanilang kapangyarihan sa Middle East at tinatangka na nilang kontrolin ang Europe, bago nila targetin ang iba pang mga bahagi ng mundo. Ang mga kaaway na ipinapakita nila sa inyo sa news media ay hindi ang mga tunay na kaaway. Sinasadya nilang lumikha ng mga kaaway para bigyang-katwiran ang pagganti, na lagi namang iisa ang pakay, at yun ay para mangontrol, mangulimbat at magpayaman.
Ipanalangin nyo na sila’y magbalik-loob, dahil kung walang pagbabalik-loob, ang kanilang masasamang gawain ay magdudulot ng napakalaking dalamhati at pagdurusa. Pero ibababa ng Aking Amang Walang-hanggan ang Kanyang parusa. Gayunpaman, makakagawa pa rin sila ng pinsala, na magdudulot ng di-mabigkas na pagdurusa sa Aking mga anak.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Aking pagdating ay mas malapit na kaysa akala nyo
Lunes, October 24, 2011 7:09 pm
Pinakamamahal Kong anak, huwag na huwag mong hahayaang mainis ka nung mga nangungulit sa pagkwestyon at paghusga sa Aking Banal na Salita. Huwag mong papansinin ang kanilang mga pagtatanong. Manatili kang tahimik. Ipanalangin mo sila at lumakad ka na dahil konti na lang ang panahon.
Nananawagan Ako sa inyong lahat, mahal na mga anak, na maupo kayo nang panatag at manalangin para sa Aking Awa. Huwag naman kayong matakot at mataranta dahil Ako’y dumarating para lamang iligtas kayo at hindi para Husgahan. Di nyo ba alam ito? Wala kayong dapat ikatakot, basta’t manalig lamang kayo sa Akin nang lubos. Ang Aking pagdating ay magiging mas maaga kaysa inyong inaasahan, kaya ihanda nyo naman ang inyong mga kaluluwa. Ipanalangin nyo lahat ng kaluluwang baka itanggi Ako o tanggihan ang Aking Regalong Dibinong Awa. Kayo, mga mahal kong kaluluwa, ay binibigyan nyo Ako ng napakalaking kaginhawahan, at iniibsan nyo ang sakit at dusang Aking tinitiis pag nakikita Ko ang suklam sa lahat ng lugar sa inyong mundo. Halikayo’t lumapit sa Akin, mga anak, at magpaakap sa Akin para bigyan kayo ng lakas at kompiyansang kailangan nyo sa pagsalubong sa Akin. Kayo, na Aking espesyal na hukbo, ay kaisa Ko at alam nyo man ito o hindi, kayo’y ginagabayan ng Espirito Santo para lumaban para magligtas ng mga kaluluwa.
Panatag kayong maupo, mga bunso Ko, at tandaan nyo na Ako’y lagi nyong kasama. Matuwa kayo at maghintay sa Aking pagdating dahil pagdating Ko ay magbubuhos Ako ng Aking mga grasya para takpan lahat ng Aking mahal na mga alagad sa lahat ng dako.
Saan man kayo nakatira, anumang bahagi ng mundo ang inyong pinanggagalingan, Akin kayo. Mahal Ko kayo. Magmasid kayo nang bukas ang inyong puso at manalig habang tayo’y palapit na sa Babala.
Ang inyong Jesus
Diyos Ama: Kailangang tanggihan nyo ang kadiliman at akapin ang Liwanag
Martes, October 25, 2011 3:30 pm
Mahal Kong anak, sabihan mo ang mundo na inaakap Ko lahat ng Aking anak sa Aking Mga Braso. Maaayos lahat. Kailangang ipaubaya lahat sa Aking Banal na Mga Kamay, gaya ng nararapat.
Iniuutos Ko na ang Aking Anak ay muling isugo sa mundo para iligtas ang tao sa mga pangwawasak ng kasalanan. Para sa inyo itong Aking Dibinong Akto ng Katarungan, mahal Kong mga anak, para mabawi Ko ang Aking Kaharian sa Lupa.
Hindi galing sa Akin ang takot. Ang takot ay galing sa kadiliman. Pag kinatatakutan nyo Ako, alam nyong ito ang kadiliman na bumabalot sa inyong kaluluwa at hindi ang Aking Dibinong Kadakilaan.
Para makasali sa Aking Kaharian, kailangang tanggihan nyo ang kadiliman at akapin ang Liwanag. Ito na mismo ang Liwanag na ibinibigay sa inyo ng Dibinong Akto ng Awa ng Aking Anak.
Sa laki ng Aking Pagmamahal sa inyong lahat, mga anak, gagamitin Ko lahat ng Aking Kapangyarihan para tubusin ang mga kaluluwa sa lahat ng lugar. Babagsak nga ang Aking Kamay ng Katarungan sa mga kaluluwang tatanggi sa Akin, pero hindi pa ito mangyayari hangga’t hindi pa nauubos lahat ng paraan para pagkaisahin lahat ng Aking anak sa lahat ng lugar.
Malapit nang mabunyag sa mundo ang Kaharian ng Aking dakilang Kaluwalhatian. Wala ni isa sa inyo, mga anak, ang gugustuhing tanggihan ang Aking Maluwalhating Kaharian, na Maghahari sa Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa.
Ipanalangin nyo yung mga mahihirapang akapin ang Katotohanan.
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat
Pinagtatangkaang siraan ng mga pekeng propeta ang Aking Banal na Salita
Miyerkules, October 26, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, sabihan mo naman ang Aking mga anak na sila’y maging alerto sa mga pekeng bisyonaryo na nagsasalita sa Ngalan Ko, pero ang itinataguyod namang mga salita ay hindi galing sa Aking Mga Labi.
Marami sa mga nagsasabing mga bisyonaryo sila, na Katoliko ang panlabas na itsura at ang mga kilos ay sa Katoliko at iba pang mga Kristiyanong doktrina, ay sa totoo lang, ay sila’y mga alagad ng new age.
Ang mga alagad ng new age ay maglilipana na ngayon sa mundo para kumbinsihin ang Aking mga anak na sila’y sinugo para ikalat ang Aking Banal na Salita. Magmumukhang totoo ang kanilang mga salita. Ang pagsasalita nila’y mahirap maintindihan, mapagmahal, pinag-isipan, pero sa likod nito ay kasinungalingan.
Ito na ang panahon para ang mga pekeng propeta ay lumitaw, at marami sa Aking mga anak ay mahihirapang makita kung alin ang Katotohanan at alin ang gawa-gawa lamang.
Ikaw, anak Ko, ay tinatarget na ngayon ng mga bisyonaryong ito na naglabasan na para siraan ang Aking Banal na Salita. Huwag mong papayagang mangyari ito dahil pagnagkaganun, mahahatak ang Aking mga anak sa isang kadilimang mahihirapan silang kalasan.
Tandaan nyo ito. Ang mga pekeng propetang ito ay Akin ding mga mahal na anak, kaya ipanalangin nyo naman sila. Malungkot nga lang na sila’y nailigaw at pinapaniwala sa isang kathang-isip na kaayusan at isang sanlibutang hindi naman umiiral.
Mag-ingat kayo sa mga nagsasalita tungkol sa mga ascended master o tungkol sa isang bagong panahon ng liwanag kung saan ang Diyos Ama ay isa na lang bahagi nito. Ang mga kaluluwang ito ay hindi sinusunod ang Aking mga iniuutos. Ang mga paniniwalang kanilang itinataguyod ay galing kay Masama. Maraming beses, akala nang mga ilusyunadong mga kaluluwang ito ay tumatanggap sila ng mga mensahe galing sa Diyos. Ganito magtrabaho si Satanas. Ang kanyang malumanay at nagpapaginhawang mga salita ay hahantong sa matindi, malamig pero nakakakumbinsing litaniya ng mga salita. Ang mga ito’y hindi galing sa Diyos na Kataas-taasan.
Gaya ng nasabi Ko na sa inyo noon pa, simple Akong makipag-usap sa mundo. Hindi Ko kailangan ang makulay na pananalita na ang nasa likod naman ay walang-emosyon at mayabang na boses. Sinisikap Kong huwag maglagay ng takot sa inyong puso. Ang gusto Ko lang gawin ay akayin kayo sa Katotohanan at sa kahalagahan ng pagmamahal sa inyong kapwa.
Ang hirap nito para sa inyo, mga anak, sa napakagulong panahong ito.
Manalangin, ipanalangin nyong huwag kayong maging biktima ng dugtung-dugtong na kasinungalingang ikakalat ng mga pekeng propeta. Pag ang kanilang mga mensahe ay mukhang gawa-gawa lamang, mahirap maintindihan at naglalagay ng takot sa inyong puso, hindi ito galing sa Akin.
Mga anak, sa Akin lang kayo tumutok. Marami Akong kailangan pang sabihin sa inyo. Huwag nyong hahayaang lituhin kayo kahit isang saglit lamang dahil mapipigilan kayo nito na magligtas nung mga kaluluwang talaga namang kailangang-kailangan na ang inyong mga panalangin.
Ang inyong Jesus
Hintayin nyo na ngayon ang ating maluwalhating reunion
Miyerkules, October 26, 2011 8:00 pm
Mahal Kong anak, huwag kang mababahala sa walang-tigil na pag-atake sa Aking Mga Mensahe mula sa mga pekeng bisyonaryo.
Siguradong alam mo na ngayon na pag kinakausap Ko ang mga piniling sugo, lagi silang magiging target ng pagkasuklam. Pag kayo’y inaatake, tandaan nyo na Ako man ay nilalabanan din. Ang Aking Banal na Salita ay pinaghihiwa-hiwalay, sinusuri, kinukwestyon, sinisiraan at sinasabing hindi karapat-dapat na manggaling sa Aking Mga Labi.
Ay naku, ang konti ng alam ng Aking mga anak! Takot at duda ang bumubulag sa kanila sa Katotohanan. Ikakagulat nyo rin kung gaano kadaling bale-walain ang Aking Salita para tanggapin ang mga pekeng mensahe. Habang halos sumapit na Ang Babala sa mundo, ang Katotohanan, sa wakas, ay maibubunyag na rin sa lahat Kong alagad. Sa puntong yun nila aakapin ang Aking Salita para pabanalin ang kanilang kawawang mga kaluluwa. Napakainit Ko silang tatanggapin at ilalapit sa Akin habang ang kanilang mga luha ay hahalo sa Aking mga luha sa aming pagmamahalan at pagkakaisa. Bago Ang Babala, patuloy silang magdududa, pero hindi nila Ako itatanggi pagkatapos nilang humarap sa Akin. Dahil sa sandaling humarap sila sa Akin at makita ang Pagmamahal na meron Ako para sa kanila, hindi na nila gugustuhin pang iwan Ako ni isang saglit man. Ganun kalalim ang aming magiging pagkakaisa.
Ang inyong Jesus
Kayo, mga anak Ko, ay pinagpala, kung kayo’y nagdurusa sa Ngalan Ko
Huwebes, October 27, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang pagdami ng mga pagsubok na pinagdaraanan mo alang-alang sa Akin, ay hindi nagkataon lang. Habang patuloy kang pinahihirapan ni Satanas, isipin mo na lamang ang mga kaluluwang inililigtas mo sa pamamagitan ng pagdurusang ito. Sikapin mong pagtagumpayan ang mga kahirapang ito at lagi mo Akong isasaisip. Manalangin ka sa Aking minamahal na Ina para ikaw ay protektahan at dasalin mo ang Santo Rosaryo, nang malimit, sa pinakamaraming beses na kaya mo.
Ang importante ay ang paghingi ng proteksyon, ng lahat Kong alagad, laban kay Manloloko na walang palalampasing pagkakataon para lumikha ng mga pagdududa sa inyong isip.
Siya at ang kanyang mga demonyo ay nasa lahat na ng lugar. Gagamitin nila ang lahat ng taktika para lumikha ng gulo sa inyong buhay. Alam nyo, pag nangyari ito, ang ibig sabihin ay nabagbag na ang inyong damdamin ng Aking Mga Aral, at pinapasan nyo na ang Aking Krus.
Huwag na huwag kayong matatakot, mga anak, dahil kaya nyong pagtagumpayan ang disyertong ito dahil sa lakas na ibinibigay Ko ngayon sa bawat isa sa inyo, Aking hukbo. Tatalunin nyo si Masama at ang kanyang kasamaan. Habang lumalaki ang bilang nyo na sabay-sabay na nananalangin, kumakapal ang inyong armor. Wala ni isa sa Aking mga anak, na nagdurusa ng pang-uusig dahil nagtatrabaho para sa Akin, ang maaaring tangkuin o salingin ni Masama.
Kayo, mga anak Ko, ay pinagpala kung kayo’y nagdurusa sa Ngalan Ko, bagamat mahihirapan pa kayong unawain ito.
Huwag nyong papansinin ang ganung panununukso. Tumalikod kayo. Huwag kayong re-react. Manahimik kayo. Manalanging bigyan pa kayo ng lakas. Kasama nyo Ako.
Ang minamahal nyong Jesucristo
Pinakagrabeng pag-atake sa Aking Simbahan mula nang Ako’y mamatay sa Krus
Biyernes, October 28, 2011 8:40 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang katapatan ng Aking Simbahan sa Akin, ang kanilang minamahal na Tagapagligtas, ay malapit nang subukan, nang higit sa kanyang makakaya. Natulog na nang natulog ang Aking Simbahan, at sa kanyang pagkakatulog, hindi nya na naihanda ang kanyang sarili para sa pagdating ng antikristo. Ang antikristo at lahat niyang kampon ay nakagapang na papasok sa bawat bitak ng Mga Simbahan ng Aking Ama sa buong mundo. Ang Simbahang Katoliko ang pangunahing target ng antikristo, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya naaakit at napapabaling ang ulo ng di-bababa sa kalahati ng Aking Simbahan sa Lupang ito. Dahil sa laki ng kakulangan ng paghahanda, hindi napapansin ng Aking mga kardinal, mga obispo at mga pari, ang mga tusong pagbabagong nangyayari sa kanila mismong hanay. Hindi na magtatagal at talagang mahahalata na ang hidwaan sa loob ng Aking Simbahan.
Ito na ang pinakagrabeng pag-atake sa Aking Simbahan mula nang Ako’y mamatay sa Krus. Ang Aking mga kawawang minamahal na mga lingkod, marami sa kanila ay mga inosenteng pang-sanla na nasa kamay ng isang maitim na kapangyarihan na sobrang ingat para hindi sila mabuko.
Hinihiling Ko sa lahat Kong alagad na sila’y taimtim na manalangin para malabanan ang kasuklam-suklam na bagay, na parating na. Dapat silang manalangin sa Akin nang ganito:
“O Aking mahal na Jesus, humihingi ako sa Iyo ng proteksyon, pati na ang Iyong Awa, at nang maligtas ang aking mga kapatid sa loob ng Iyong Simbahan, at hindi sila mabiktima ng antikristo. Bigyan mo ako ng mga grasya at proteksyon ng Iyong matibay na armor para labanan ang masasamang gawa na isasagawa sa Ngalan Mong Banal. Humihingi Ako ng Iyong Awa at nangangako akong laging magiging tapat sa Iyong Banal na Ngalan.”
Bangon, Aking mga sagradong lingkod, at labanan ang kasamaang ito at ang halimaw na ang bunganga’y bubukalan ng mga kalaswaan at mga kasinungalingang ito. Bantayan nyong mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa paraan ng pag-consecrate sa Aking Katawan at Dugo. Pag nabago ang mga salita, at itinatangging ang Aking Katawan ay Naroroon at Umiiral sa Banal na Eukaristiya, pag nangyari na yun, kailangan nyo nang depensahan ang Aking pangako bilang Diyos: Ang sinumang kakain ng Aking Katawan at iinom ng Aking Dugo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Magpakatatag kayo, Aking mga sagradong lingkod. Ipanalangin nyong kayo’y bigyan ng lakas na inyong kakailanganin, dahil ang inyong pananampalataya at pagkamasunurin ay susubukan na nang higit pa sa inyong makakaya.
Mahal Ko kayo at lagi Ko kayong pinuprotektahan. Yun lamang mga maamo ang puso at mapagkumbaba ang kaluluwa, ang makikinabang sa Aking banal na proteksyon.
Ipanalangin nyo lahat Kong sagradong lingkod sa lahat ng lugar, para hindi nila tanggihan ang Liwanag ng Katotohanan para tanggapin lamang ang espirito ng kadiliman, na malapit nang sumulpot sa loob ng Aking Simbahan.
Ang inyong Tagapagligtas at Protektor
Jesucristo
Birheng Maria: Buksan ang inyong puso sa Katotohanan
Sabado, October 29, 2011 4:49 pm
Anak ko, kailangang manalangin kang lagi para sa aking proteksyon. Ginagabayan ka at kailangang manalig ka nang lubos sa aking minamahal na Anak.
Ipanalangin mong magkaroon ng pagbabalik-loob sa lahat ng lugar. Ang daming naliligaw na mga kaluluwang nangangailangan ng iyong mga panalangin. Huwag na huwag mo itong kakalimutan gaano man kahirap para sa iyo ang paglalakbay na ito.
Binabalot ng espirito ni Masama ang malaking bahagi ng sangkatauhan sa paraang hindi pa kailanman nangyari. Ang mga pagkilos ni Masama ay lalo pang tumitindi at sinasakal ang aking mga anak sa lahat ng lugar. Maging yung mga nagsasabing sila’y tapat sa Aking minamahal na Anak ay nagbibingi-bingihan na rin sa Kanyang mga hinaing na magligtas ng mga kaluluwa. Ganun na nga sila kayabang, kaya nalilimutan nila na ang Banal na Salita ng Aking Anak ang siyang tanging buhay na kanilang kailangan. Napakahalaga ngayon ng panalangin. Yung mga nagmamataas sa mata ng iba, habang ipinapahayag nila ang Salita ng aking mahal na Anak, pero tinatanggihan naman ang Kanyang panawagan, pinatigas na ng mga yun ang kanilang puso sa Katotohanan.
Mga anak, kailangan nyong pakinggan ang aking Anak na si Jesucristo, ngayon na. Makinig kayo sa Kanyang sinasabi sa inyo. Ang Espirito Santo, kung hahayaan nyo Siya, ay bubuksan ang inyong puso sa Katotohanan habang kinakausap Niya kayo sa pamamagitan ng mga Banal na Mensaheng ito.
Naluluha ako sa dalamhati pag nakikita ko kung paano ngayon tinatanggihan ang Kanyang Banal na Salita. Yung mga kumukondena sa Kanya, dapat nyong malaman na dumarating Siya ngayon, hindi lamang para kayo’y iligtas. Dumarating Siya para paginhawahin din kayo sa mga araw na ito ng kadiliman. Kung talagang naniniwala kayo na Siya ang Tinapay ng Buhay, hayaan nyo Siyang pukawin ang inyong espirito ng pagmamahal.
Ipanalangin nyong magkaroon ng pagbabalik-loob sa lahat ng lugar. Halos wala nang oras.
Ang inyong minamahal na Ina
Maria, Reyna ng Langit at Lupa
Ang kawalan ng pananampalataya nung mga nagsasabing kilala nila Ako, ang siyang pinaka-nakakasugat sa Akin
Lunes, October 31, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang Aking Banal na Salita, na ibinibigay sa isang mundong walang pakialam kung Ako’y Umiiral o hindi, ay pagniningasin ang mga kaluluwa pagkatapos mangyari Ang Babala.
Maririnig na rin ng sangkatauhan, sa wakas, ang Aking Salita para magabayan Ko na sila sa Aking Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Nananawagan Ako sa lahat Kong anak sa lahat ng dako, na ibaba nyo na muna ang inyong gwantes na pandigma, at pakinggang magsalita ang inyong Tagapagligtas.
Hindi Ko man kailanman ibubunyag sa inyo ang petsa ng Aking pagbabalik sa Lupa, pwede Ko namang sabihin sa inyo na Ako’y magbabalik na sa Espirito ngayon. Dumarating na Ako ngayon para muli Ko kayong iligtas pag nangyari na Ang Babala para naman magbalik-loob ang tao. Magpagabay naman kayo sa Akin at hayaan nyong ang Aking Pinakasagradong Misyon ay maipakalat sa buong mundo para paginhawahin ang Aking mga anak.
Huwag nyo Akong dededmahin. Huwag nyong tatanggihan ang Aking Kamay ng Awa. Huwag nyong hahayaan ang inyong kayabangan na humarang sa daan.
Gising at aminin nyo na kayo’y kinakausap Ko na ngayon, para naman madala Ko kayo sa Puso ng Aking dakilang Awa. Ang inyong kaluluwa, sa wakas, ay magniningas sa Mga Apoy ng Aking makalangit na mga grasya, na ibubuhos at pupunuin kayo.
Mawawala lahat ng pagdududa. Biglang hihina ang kapangyarihan ni Satanas, kahit na hindi siya bibitaw hanggang sa huli. Habang pinag-iisipan nyo ang Aking mga kahilingan, dapat nyong tanungin ang inyong sarili nang ganito. Kung kayo’y nananampalataya sa Akin, bakit nyo Ako itinatanggi ngayon? Bakit nyo pinagagalitan at kinasusuklaman yung mga dumarating sa Ngalan Ko? Bakit kayo nagmamataas sa Aking Simbahan, kaya tuloy nasasaktan ang Aking mga anak? Baka nakalimutan nyo na, na kayo’y pantay-pantay sa Mata Ko.
Halikayo’t lumapit sa Akin nang may mapagkumbabang mga puso. Dahil hangga’t hindi nyo ito ginagawa, hindi kayo makikinabang sa Aking Awa, at hindi nyo rin tatanggapin ang mga grasyang gustong-gusto Ko nang ibigay sa inyo.
Ang Aking Tinig ay nananawagan na ngayon sa lahat ng di-mananampalataya, na tanggapin na nila ang Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan.
Pagkatapos ng Babala, magpaakay kayo sa Akin sa daang papunta sa buhay na walang-hanggan. Halos mabiyak ang Puso Ko pag nakakakita Ako ng mga naliligaw na mga kaluluwa. Pero alam nyo ba, na yung mga nagsasabing kilala nila Ako pero hindi naman naniniwala, yun ang pinaka-nakakasugat sa Akin.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas na si Jesus
Birheng Maria: Ang Panahon para dalhin ng aking Anak ang Kanyang Regalong Dibinong Awa
Miyerkules, November 2, 2011 10:40 pm
Anak ko, ang panahon para dalhin ng aking Anak ang Kanyang Regalong Dibinong Awa, ay nalalapit na. Kaya kailangan mo nang tutukan ang iyong Misyong magligtas ng kaluluwa. Huwag mong hahayaang magkaroon ng mga panggulo, na aalisin ang pagtutok mo sa napaka-importanteng gawain ng pagpapalaganap ng pagbabalik-loob.
Nagdiriwang ang Kalangitan, dahil ang makalangit na Regalong ito ay malapit nang ibigay nang may purong Pagmamahal na iniingatan ng aking Anak sa Kanyang Puso para sa lahat ng kaluluwa. Anak ko, habang tumitindi ang gawaing ito, si Masama naman ay patuloy na pahihirapan ka sa pamamagitan ng iba’t ibang tao tuwing makakakita siya ng oportunidad. Inutusan ka nang manahimik at tumutok na lamang sa aking Anak.
Ikaw, anak ko, ang pinili at itinalaga para ipaalam, sa napaka-detalyadong paraan, ang kagustuhan ng aking Anak na kausapin ang sangkatauhan sa mga panahong ito. Magpakatatag ka at maging matapang, dahil ang Banal na Misyong ito ay magtatagumpay. Nai-propesiya na ito, napakahabang panahon na ang nakalilipas, at ikaw ay binigyan na ng lahat ng klase ng paggabay mula sa Kalangitan. Ginagabayan ka ng lahat ng santo, dahil tinipon na silang lahat, na pinagsama-sama na ang kanilang lakas, para siguraduhin na ang Misyong ito ay hindi papalpak. At hindi naman talaga pwedeng mabigo ito. Kaya huwag ka nang mag-alala pag mukhang wala nang pag-asa ang lahat , dahil ito ang gagawing panloloko sa iyo ni Manloloko.
Akong iyong minamahal na Ina, ay lagi mong kasama sa pagtatrabaho. Ako ang namagitan para ihanda ka at iharap sa aking Mahal na Anak. Ang mga grasyang ibinigay ay para magawang linisin ang iyong kaluluwa, para maging karapat-dapat kang magtrabaho para sa Tagapagligtas ng sangkatauhan.
Ang aking Mahal na Anak naman ang namagitan kaya naiharap ka sa Santisima Trinidad. Isa na ito sa mga pinaka-importanteng Misyon mula nang ang aking Anak ay suguin para tubusin ang mundo mula sa kasalanan.
Huwag na huwag mong hahayaan ang iyong sarili na malihis sa Misyong ito. At huwag na huwag ka ring bibigay sa tuksong lumakad palayo. Manalangin ka sa akin, ang iyong Ina, sa lahat ng oras, para maprotektahan kita.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Langit
Ina ng Awa
Ang panahon ay magsisimula nang magpakita ng kakaibang mga palatandaan
Miyerkules, November 2, 2011 7:40 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang panahon ay magsisimula nang magpakita ng kakaibang mga palatandaan dahil ang Lupa ay patungo na sa isang bagong kalagayan bilang paghahanda para sa Aking Akto ng Dibinong Awa. Dumarating nga Ako para lahat kayo’y muli Kong iligtas.
Tumitindi ang pagkasuklam sa bawat bansa. Nadarama ang pagkadismaya sa lahat ng lugar. Nawawala na ang pagmamahalan, samantalang ang pagmamahal sa sarili ay hindi lamang kinukunsinti, kundi itinuturing pa itong isang bagay na kinakailangan para tanggapin ka ng mundo ngayon.
Buburahin Ko ang suklam. Tatapak-tapakan Ko ang mga plano ng tao na takutin nang sobra-sobra ang kanyang kapwa. Aalisin Ko ang yabang sa inyong mga kaluluwa. Ibubunyag sa inyo lahat ng kasalanan, kung paano ito nakikita sa puro at walang-halo nitong kapangitan sa Mata Ko.
Bakit ba napakaraming kaluluwang magaganda ang kalooban ay tinatalikuran na ngayon ang Aking Mga Aral noong sinaunang panahon? Bakit ngayon pa? Ano bang meron sa pagmamahal sa Diyos Ama na nagiging kahiya-hiya sa mata nila? Sasabihin Ko sa inyo. Ito’y dahil sa napakarami sa Aking mga anak ay naloko sa mga kasiyahan ng mundo. Kaya kahit na marami sa mga materyal na bagay na kanilang hinahangad ay hindi na nila kayang abutin, ay tinatanggihan pa rin nila Ako. Sa kapal ng usok na bumalot sa mga kaluluwa ng sangkatauhan, matagal-tagal ding panahon ang kinakailangan para ang Aking Liwanag ay suminag at pumasok sa kanilang mga kaluluwa.
Ang daming Luha ng mapait na dalamhati ang iniiiyak Ko para sa mga naliligaw na mga kaluluwang ito, na halos nawawalan na ng pag-asang makamtan pa ang kapayapaan ng kaligtasang kanilang pinananabikan. Hindi nga lang nila alam na Ako lang ang makakapagbigay ng kapayapaang ito sa kanilang mga pagod na pagod nang mga puso.
Ay naku, kaytagal nang kinalimutan ang Aking Pag-ibig! Ako’y isang walang-kwentang piraso na lamang sa kanilang isip. Gusto nila ng kapayapaan ng isip at puso, pero hindi naman nila ito hinihingi sa Akin. Makakatugon lamang Ako kung sila’y hihingi. Di ba nila alam ito?
Yung mga mahal nga Ako, pero nasusuklam naman o masama ang loob sa kanyang kapwa, kailangan nyo rin ang Aking tulong. Ayaw Ko sa inyong katapatan kung hindi nyo pagmamabaitan ang iba. Pag sinasaktan nyo ang inyong kapwa, sa anumang dahilan, sinasaktan nyo Ako. Gaano nyo man pangatwiranan ang inyong mga aksyon, dapat nyong malaman ito. Nararamdaman Ko ang hapding nararamdaman ng inaabuso nyo. Pag sinasaktan nyo Ako nang ganito, hindi nyo magagawang mahalin Ako mula sa puso.
Dapat nyong matutunan ito. Maghangad kayo ng kababaang-loob sa lahat ng bagay bago kayo humarap sa Akin para mangako ng katapatan sa Aking Banal na Loob. Sa ganitong paraan, magiging malinis ang inyong kaluluwa at magiging karapat-dapat kayong pumasok sa Aking Kaharian.
Kayo, Aking mga anak, ay napakaswerte, dahil milyun-milyon sa inyo ang makakasali sa Aking Bagong Paraiso. Ito’y dahil sa mga panahong ito kayo nabubuhay. Ang dami sa inyo na nasa mundong ito ngayon, mga anak, ang maliligtas ngayon sa paraang hindi nangyari para sa mga henerasyong nauna sa inyo.
Mainit nyong tanggapin ang balitang ito, at gamitin nyo ang pagkakataong ito para tanggapin ang Aking Dibinong Awa nang may bukas at nagsisising puso, habang magagawa nyo pa.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Aking mga sugo ay kasama nyo na ngayon para ihanda ang inyong mga kaluluwa
Huwebes, November 3, 2011 5:00 pm
Mahal Kong anak, ang mga propesiya ay magsisimula nang malaman at masaksihan sa buong mundo, kaya walang makakapagbale-wala sa mga ito.
Ang dami sa Aking mga anak ang hindi alam ang mga nilalaman ng Aklat ng Aking Ama, ang Kabanal-banalang Biblia. Halos di pinapansin ang Aklat ni Juan, kung saan ang mga detalye ng mga pangwakas na panahon ay ibinibigay sa buong mundo. Dumating na ang panahong ito. Maghanda na kayong lahat.
Ang Katotohanang nakapaloob sa Book of Revelation o Aklat ng Pagbubunyag ay yun lamang – ang Katotohanan. Nakikita nyo ba ang mga palatandaan? Ang kaguluhan sa mundo ay mabilis na titindi. Ang inyong sistema ng pananalapi ay inilalagay sa peligro ng isang pandaigdig na grupo, na ang gusto ay hindi lang ang inyong pera, kundi gusto pa rin nilang nakawin ang inyong mga kaluluwa.
Halata na ang kasamaan ng tao, pero nakatago pa rin ang malaking bahagi nito. Ang Aking mga sugo ay kasama nyo na ngayon, mga anak, para tumulong na ihanda ang inyong mga kaluluwa. Kilala nyo man sila kung sino talaga sila o hindi, ang Espirito Santo, na Naghahari sa kanilang mga kaluluwa, ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob.
Yung mga naninira sa Aking mga pagsisikap na kausapin kayo ay malapit nang maunawaan ang Katotohanan. Sa panahong yun magkakaisa ang Aking mga anak laban sa masamang pwersang ito na pinamumunuan ni Satanas. Hindi sila mananalo. Lahat na ng hadlang ay inilalagay sa harapan nila ng Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan. Ganun kalaki ang kanyang Awa, kaya gagamitin Niya ang Kanyang Kapangyarihan para depensahan ang Kanyang mga anak at wawasakin Niya yung mga magpupumilit na sumunod sa daan ni Manloloko.
Ano man ang inyong iba’t ibang mga pananaw kung Ako nga ba’y nakikipag-usap na ngayon sa inyo o hindi, ay hindi na mahalaga. Ang inyong pananampalataya sa Akin at sa Aking minamahal na Ama, Diyos na Kataas-taasan, ang magiging mahalaga sa huli.
Kailangang-kailangan na ang panalangin, mga anak, saan man kayo naroroon, anuman ang inyong relihiyon, anuman ang inyong mga pananaw. Magsama-sama kayo at manalangin sa Espirito Santo para kayo’y maliwanagan sa panahong ito. Pinagsisikapan ni Satanas na patalikurin kayo sa Akin, ang inyong minamahal na Tagapagligtas. Huwag kayong makikinig sa mga duda at takot na inilalagay niya sa inyong puso. Gagamit siya ng mga kasinungalingan para pigilan Akong pabahain sa inyong mga kaluluwa ang Aking Dibinong Liwanag. Ganun kalakas ang Aking Pagmamahal sa inyo, mga anak, kaya gaano nyo man Ako bale-walain o talikuran, patuloy Ko pa rin kayong tatawagin. Gagawin Ko ito sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo. Kailangang manalangin kayo para sa Regalong ito sa pagsasabing:
“O Jesus, takpan Mo ako ng Iyong Mahal na Dugo at punuin Mo Ako ng Espirito Santo, para malaman ko kung ang mga Salitang ito ay galing sa Iyo. Gawin Mo akong mapagkumbaba sa espirito. Tanggapin Mo ang aking mga kahilingan nang may Awa at buksan Mo ang aking puso sa Katotohanan.”
Tutugunin Ko ang pinaka-tigasing mga kaluluwa pag dinasal nila ang panalanging ito.
Bigyan nyo Ako ng pagkakataong ilapit kayo sa Akin, para mapagkaisa Ko ang pinakamaraming pwedeng pagkaisahin sa Aking mga anak bago mangyari Ang Dakilang Babala.
Tandaan nyo, ang Pagmamahal Ko sa inyo ay hindi kailanman mamamatay, gaano man kayo magbingi-bingihan sa Aking mahalagang panawagan para sa pagkakaisa.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang pandaigdig na grupo na nagwasak ng inyong sistemang pang-bangko ay magkakawatak-watak
Biyernes, November 4, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, sa Akin galing ang Tunay na Buhay, ang tanging buhay na kakailanganin ng tao mula rito hanggang sa kawalang-hanggan.
Mga anak, alam nyo, ang nakakakilabot na kaguluhang nakikita nyo sa paligid ay hindi na magtatagal.
Ang Diyos, na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi papayagang ang Kanyang mga mahal na anak ay magdusa nang higit pa. Kayo, mga anak Ko, ay mga biktima ng gawain ni Manloloko. Siya ang may kontrol sa pandaigdigang grupong ito at siya’y nanghihina na. Ang kanyang kapangyarihan ay winawakasan na ng Kapangyarihan ng Aking Ama. Ang grupong ito, na sinadyang wasakin ang inyong mga sistemang pang-bangko para gawin kayong mga pulubi, ay magkakawatak-watak. Hindi kayo kailangang mabahala dahil ang Kamay ng Aking Ama ay babagsak sa kanilang masasamang mga gawain.
Ipanalangin nyo na lahat ng nilokong mga kaluluwa, na parang mga aliping sumusunod sa kasamaan, na nasa pinaka-puso ng grupong ito, ay magbalik-loob habang nangyayari Ang Babala.
Huwag na huwag kayong mawawalan ng pag-asa, mga anak. Ibabalik kayo ng pag-ibig ng Diyos sa kawan ng inyong pamilya. Ang Santisima Trinidad ang inyong tahanan, mga anak. Kayong mga tatanggap sa katunayang ito, dahil ng pagbabalik-loob, ay magmamana ng maluwalhating Panahon ng Paraiso sa Lupa.
Lagi kayong mananalig sa Akin. Ibigay nyo sa Akin ang inyong mga alalahanin, mga problema at takot. Hayaan nyong ibsan Ko ang inyong hapdi at pagdurusa. Hindi na magtatagal at makakatagpo na ang mundo ng ginhawa mula sa masakit na paghilab ng panganganak na inyong tinitiis sa mga panahong ito.
Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Manalig kayo sa Akin. Manalangin kayo para sa Aking mga grasya na magpapalakas sa inyo. Isandal nyo ang inyong ulo sa Aking Mga Balikat at hayaan nyong balutin Ko ng Aking Kapayaan ang inyong mga kaluluwa. Doon nyo lang mauunawaan ang Katotohanan ng Aking maluwalhating pangako ng buhay na walang-hanggan.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Diyos Ama: Huling Panawagan sa Mga Di Sumasampalataya sa Diyos
Sabado, November 5, 2011 1:00 pm
Anak Ko, ipapakita na ngayon sa sangkatauhan ang Aking Kamay ng Awa dahil nalalapit na ang pagdating ng Aking Anak.
Sa mga yun na gulong-gulo ang mga kaluluwa, sinasabi Ko sa inyo, manalig kayo sa Akin, ang Diyos Ama. Ako, Na Siyang lumikha ng bawat isa sa inyo nang may Pagmamahal at Malasakit, ay gusto Kong iligtas ang bawat isa sa Aking mahal na mga anak.
Ayaw Kong isa man sa inyo ay mawawala sa Akin, pati na yung mga lumalait sa Akin. Maghanda kayo para sa Pinakadakilang Regalo, na inihahanda na para sa inyo. Pipigilan Ko si Satanas na nakawin kayo kung inyo lang Akong papayagan. Hindi Ko kayo mapipilit na tanggapin ang Aktong ito ng Awa. Ang ikinalulungkot Ko ay marami sa inyo ang tatanggi sa Kamay na ito ng Awa. Hindi kayo magkakaroon ng sapat na lakas. Pero, pag nakita nyo na ang Katotohanan, dahil ibubunyag ito sa inyo habang nangyayari Ang Babala, sisikapin nyong hawakan ito nang mahigpit gaya ng pagkapit sa isang lubid na pansagip ng buhay.
Kailangang humingi kayo sa Akin ng lakas na magpasagip sa Akin mula sa walang-hanggang hatol. Nananawagan Ako, lalung-lalo na sa mga di-sumasampalataya sa Diyos, sa kahuli-hulihang pagkakataon. Huwag nyong tatanggihan ang Katotohanan pag ito’y pinatunayan sa inyo. Pag ginawa nyo yun, wala na kayo sa Akin magpakailanman.
Diyos Ama
Pagsapi ng Demonyo at ang kasalanang Pagkasuklam
Linggo, November 6, 2011 6:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, hindi nauunawaan ng mga tao na isinasabuhay Ko araw-araw ang Pagpapako sa Akin sa Krus. Ang hapdi at pagdurusang Aking tinitiis ay dulot ng mga kasalanang ginagawa ng mga tao sa bawat saglit ng isang araw. Malaki ang Aking dalamhati pag nakikita Ko yung mga kaluluwang sobrang nakakasakit sa Akin dahil sa kasalanang pagkasuklam.
Ang pagkasuklam ay natatanim sa puso ng marami at ito’y dahil sa pagsapi ni Satanas. Maraming tao ang pinag-uusapan ang pagsapi ng demonyo na para bang ito’y madaling makilala. Ang dami sa Aking mga anak ang sinapian na ni Satanas. Hindi sila kailangang makitang kumikisay para magkaroon ng pagsapi ng demonyo.
Siya, ang kaaway ng sangkatauhan, ay ginagamit ang kanyang mga demonyo para atakihin ang Aking mga anak. Para sa mga nasa kadiliman, madali silang sapian dahil umaakit sila ng masamang presensya.
Pag nasapian na kayo, mga anak, mahirap nang makaalis. Ang mga kawawang mga anak na ito ay gagamitin naman ang tuso at mapangontrol na pagsapi ni Masama para hawahan ang iba pang mga kaluluwa. At ito’y patuloy na nangyayari hanggang sa ito’y lumaganap.
Ang kasamaan ay kalimita’y pinagmumukhang mabuti. Mahirap itong makita, maliban na lang dito. Ang asal at mga gawain ng isang kaluluwang sinapian, ay hindi kailanman magiging mapagpakumbaba. Hindi sila kailanman magiging mabuti ang kalooban. Maaaring magmukha silang mapagbigay, pero laging may sabit. Sasabit ka dahil may gagawing kahilingan sa iyo na hindi mo ikabubuti at ikasasama lamang ng iyong loob.
Layuan nyo ang ganung mga kaluluwa. Ipanalangin nyo sila. Huwag kayong pahahatak sa kanila para magkasala. Lagi kayong maging alerto kay Manloloko, dahil sa mga panahong ito ay siya’y nasa lahat na ng lugar.
Lagi kayong manalangin para mapalayo ang ganung kasamaan. Pahihinain ng panalangin ang kanyang hawak at lakas, at mapoprotektahan din kayo nito.
Isipin nyong si Satanas at ang kanyang masasamang mga gawain ay isang nakakahawang sakit. Gawin nyo ang lahat ng pag-iingat para hindi kayo mapadikit sa mga maysakit. Kung sa isip nyo’y hindi kayo makakaiwas, mag-armas kayo ng Holy Water, krus na binendisyunan ng pari at Saint Benedictine medal. Palalayuin ng mga ito ang mga demonyo.
Ito na ang panahon, mga anak, na kailangan nyong paligiran ang inyong sarili at ang inyong tahanan, ng mga bagay na binendisyunan ng pari. Maraming nahihiyang makitang merong mga ganitong bagay, sa takot na sila’y pagtawanan. Poproteksyunan kayo ng mga ito sa inyong tahanan at malaking kaginhawahan ang mga ito pag kayo’y nananalangin.
Tandaan nyo na ang demonyo ay hindi lamang sa Impiyerno namumuhay, kundi siya’y matatag na rin ngayong naghahari sa Lupa. Panalangin lamang ang nakakasindak sa kanya at ginagawa siyang inutil.
Panalangin ang magpapatatag sa inyo, mga anak, sa darating na mga panahon.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Kasusuklaman ka sa maraming lugar at katatakutan naman sa iba
Lunes, November 7, 2011 8:50 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang makinig ka. Habang ang Aking mga propesiya ay nagkakatotoo at ang Aking Banal na Salita ay nagsisimula nang tanggapin at pakinggan, kailangang mag-ingat ka. Ikaw, anak Ko, ay kasusuklaman sa maraming lugar at katatakutan naman sa iba.
Ang Aking mga propesiya, na ibibigay sa iyo, ay para siguraduhing wala nang magiging duda sa isip ng lahat Kong anak na ang pangako ng kaligtasang walang-hanggan, ay magkakatotoo na rin sa wakas.
Anak Ko, mangungulila ka sa iyong pag-iisa, initsa-pwera, kinatatakutan at magdurusa ng sobra sa Ngalan Ko.
Kung wala ang iyong sakripisyo, hindi Ko matutupad ang Aking pangako na iligtas ang sangkatauhan, para ang bawat kaluluwa ay mabigyan ng pagkakataong pakinabangan ang kanilang nararapat na pamana.
Nananawagan Ako sa Aking mga sagradong lingkod para protektahan ka, anak Ko, dahil ito ang kanilang magiging banal na tungkulin. Sa katagalan ay mauunawaan din nila kung anong papel ang kanilang gagampanan. Samantala, nananawagan Ako sa lahat Kong mahal na mga alagad na ipanalanging ikaw ay maprotektahan laban sa masasamang pwersa na pinamumunuan ni Satanas, na gustong wasakin ang mundo para kanilang pakinabangan.
Magpakatatag kayo. Ipanalangin nyo na kayo’y protektahan at lagi kayong humingi ng tulong sa Aking Pinagpalang Ina.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas at Manunubos ng Sangkatauhan
Maraming makakaranas ng hapdi ng Purgatoryo bilang Parusa
Miyerkules, November 9, 2011 3:32 pm
Dinggin nyo ang Aking napakahalagang kahilingan, mga anak, na i-consecrate nyo ang inyong mga sarili sa Kalinis-linisang Puso ng Aking pinakamamahal na Ina, sa panahong ito.
Siya ang Mediatrix of All graces, at siya’y binigyan ng tungkuling dalhin kayo sa Aking Sagradong Puso para iligtas ang sangkatauhan sa pagkawasak na naghihintay sa kanila kung sakaling hindi sila makakalas sa mga gawain ni Satanas.
Kailangang-kailangan na ngayong lahat kayo’y taimtim na manalangin para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Lahat ng kaluluwa ay haharap sa Akin at, para sa marami, ito’y magiging mahirap. Maraming dadanas ng hapdi ng Purgatoryo, pero ito na lang ang pwede nilang maging daan para sa kaligtasang walang-hanggan. Di hamak na mas mabuti nang malaman kung ano ang katulad nito habang nabubuhay pa sa Lupang ito, kaysa maranasan ito pagkamatay. Pag pinagdaanan nila ang parusang ito, ang mga kaluluwang ito ay lilinisin at magiging karapat-dapat na pumasok sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa. Yung malilinis na mga kaluluwa lamang ang makakapasok. Kaya hinihimok Ko kayong tanggapin ang Regalong ito nang may matatag na isip, katawan at kaluluwa. Pero unawain at kilalanin nyo ito bilang kung ano ito, isang daan tungo sa buhay na walang-hanggan, isang pagkakataon para maunawaan ang Aking Dibinong Awa.
Panahon na ngayon para ihanda ang inyong mga kaluluwa. Pag hinangad nyo nang matubos ang inyong mga kasalanan bago mangyari Ang Babala, kailangang ipanalangin nyo ang iba. Kailangang sila’y maging matatag. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Prayer araw-araw mula ngayon, lahat kayo. Makakatulong itong sagipin yung kawawang mga kaluluwa na maaaring mamatay sa takot, habang nangyayari ang makalangit na pangyayaring ito. Hindi na magtatagal at ito’y ibibigay na sa mundo.
Huwag na huwag kayong mawawalan ng pag-asa, mga anak. Maniwala kayo sa Akin pag sinasabi Ko sa inyo na mahal Ko kayo. Ibinibigay Ko ang Regalong ito dahil sa Pagmamahal na ito.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Dalawang magnanakaw sa Krus
Huwebes, November 10, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, nang Ako’y nag-aagaw-buhay sa Krus, dalawang magnanakaw ang malapit sa Akin, at sila rin ay magkasabay na ipinapako sa krus.
Ang isa ay humingi ng tawad sa Akin at siya’y naligtas. Ang isa nama’y hindi. Sa halip ay siya’y nagbingi-bingihan. Ang katigasan ng kanyang ulo at pagtangging humingi ng Awa sa Akin ay nangangahulugang siya’y hindi maaaring iligtas.
Ganito rin ang mangyayari pag nangyari na Ang Babala. Ilan sa Aking mga anak ang aaminin ang kanilang mga kasalanan at aamining nasaktan nila Ako. Buong kababaang-loob nilang tatanggapin ang kanilang parusa at sila’y maliligtas. Papasok sila sa Bagong Paraiso sa darating na Panahon ng Kapayapaan.
At naroon din naman yung mga hindi aaminin ang kanilang mga kasalanan kung ano talaga ang mga ito, isang kasuklam-suklam na bagay sa Mata ng Diyos Amang Walang-hanggan.
Bibigyan Ko ng maraming panahon ang mga kaluluwang ito para magsisi, dahil ganun kalalim ang Aking Awa. Ipanalangin nyong sila’y maghahangad ng pagtubos para sila rin ay maligtas. Gusto Kong lahat ng anak Ko ay akapin ang Aking dakilang Regalong Awa. Gusto Kong lahat kayo’y makapasok sa mga pintuan ng Bagong Paraiso.
Ang inyong Jesus
Manunubos ng Sangkatauhan
May makikita munang mga palatandaan sa langit – iikot ang araw
Biyernes, November 11, 2011 4:00 pm
Ang panalangin, at marami nito, ay kinakailangan na ngayon para makatulong na magligtas ng mga kaluluwa. Ikaw, anak Ko, ay kailangan mong ihanda ang iyong pamilya at sabihan yung mga nangangailangan ng Aking dakilang Awa, na sila’y maghanda.
Minsan pa, may mga palatandaan munang makikita. Maraming papansin sa mga nakikitang mga pagbabago sa langit. Masasaksihan nila ang araw na iikot sa paraang hindi pa kailanman nakita. At pagkatapos ay makikita nila ang Krus. Pagkatapos naman nito ay kaagad magsasalpukan ang mga bituin sa langit at ang Aking Mga Sinag ng Dibinong Awa ay babalot sa mundo.
Magkakaroon ng katahimikan kaya bawat kaluluwa ay pupunta sa isang kalagayan ng lubos na pag-iisa pagharap nila sa Akin. Sabihin mo sa Aking mga anak kung anong dapat nilang asahan, dahil hindi sila dapat matakot. Hindi ito isang Pangyayaring dapat katakutan. Sa halip, dapat nyong lahat masayang salubungin ang engkwentrong ito.
Kailangang tanggapin ng lahat Kong anak na Ako Ito na dumarating sa harapan nila. Hindi nila dapat isipin na ito’y katapusan na ng mundo. Dahil hindi naman talaga ganun. Simula ito ng isang bagong panahon kung saan lahat Kong anak ay malalaman na rin, sa wakas, ang Katotohanan.
Natutuwa Ako at nakakaramdam ng malaking pagmamahal sa bawat kaluluwang pwedeng tubusin kung papayagan lang nilang ibigay Ko sa kanila ang Regalong ito.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ngayon ang lahat ng kaluluwa, lalo na yung sobrang matatakot kaya hindi sila magkakaroon ng sapat na katatagan para tanggapin ang Aking Kamay ng Awa.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang sandali ng inyong kaluwalhatian sa Mata Ko – ang sandali ng inyong kaligtasan
Sabado, November 12, 2011 4:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, masakit mawalay sa Akin, lalo na para sa mga nakakakilala sa Akin.
Sa oras na masilayan ng mga kaluluwa ang Pagmamahal na meron Ako para sa kanila, nahihirapan na silang tiisin ang hapdi ng mapawalay sa Akin. Mas matindi pa ito pag yung mga kaluluwang nagsasabing mahal nila Ako, ay dahil sa kasalanan ay natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa Purgatoryo pagkamatay.
Lahat mang kaluluwa sa Purgatoryo ay pupunta rin sa Langit sa dakong huli, masakit pa rin at nakakabahala ang mapawalay sa Akin. Para sa mga kaluluwang sumasampalataya sa Diyos, ang pagbanggit lamang sa Impiyerno ay nagpapahirap na sa kanilang kalooban. Kaya naman yung mga kaluluwang kailangang linisin sa Kalagayan ng Purgatoryo ay nakakaramdam din ng paghihirap ng kalooban na mahirap maintindihan ng mga nabubuhay ngayon.
Mga anak, importante ang inyong panahon sa Lupa dahil sa panahong ito dapat nyong pagsikapang linisin ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng pag-aayuno at penitensya. Gamitin nyo ang panahong ito habang magagawa nyo pa para magligtas ng mga kaluluwa. Para gawin ito, lagi nyong pagsikapang maging mababang-loob para siguraduhing kayo’y magiging maliit sa Mata Ko. Yung mga maliliit lamang ang makakapasok sa mga napakakitid na mga pintuan ng Paraiso.
Kaya mapagmahal nyong tanggapin ang Regalong Purgatoryo na ibibigay sa inyo habang nangyayari Ang Babala at kailangan kayong linisin bilang parusa sa inyong mga kasalanan. Hindi na kayo kailangang maghintay pa ng kamatayan, para harapin ang paglilinis na ito. Pinagpala kayo, mga anak, dahil walang bakas ng kasalanang matitira sa inyong mga kaluluwa. Kaya kaagad kayong makakapasok sa Bagong Panahon ng Kapayapaan na sinasabi Ko. Dito dadalhin ang lahat Kong anak na hihingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan pag nangyari na Ang Babala. Buksan nyo ang inyong puso at mapagmahal Akong tanggapin pagdating Ko sa inyo sa nalalapit na Babala, kung saan magagawa nyo Akong akapin. Hayaan nyong akapin Ko kayo at patawarin ang inyong mga kasalanan. Para kayo’y tuluyan nang maging Akin sa katawan, isip at kaluluwa nang may lubos na pagsuko na kinakailangan Ko sa inyo.
Ito ang inyong magiging sandali ng kaluwalhatian sa Mata Ko. Sa ganun, magiging handa na kayo para sa ikalawang bahagi kung saan makakasama nyo na ang inyong mga kapatid sa Bagong Paraiso sa Lupa, gaya ng ito’y likhain sa simula, ng Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay.
Ito ang inyong magiging bago at nararapat na tahanan sa loob ng 1,000 taon. Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may pagmamahal, pag-asa at tuwa. Walang dapat ikatakot. Matuwa kayo. Minsan pa Akong dumarating para iligtas kayo sa kaaway ng sangkatauhan. Sa pagkakataong ito, napakahina na ng kanyang kapangyarihan kaya mahihirapan na siyang nakawin ang mga kaluluwa ng mga mapagmahal na tumatanggap sa Akin at inaakap Ako habang nangyayari Ang Babala.
Ang inyong Jesus
Manunubos ng Sangkatauhan
Manalangin, mag-relaks at magsaya dahil konting panahon na lang
Linggo, November 13, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, kung minsan, nalilito ka sa Aking Mga Mensahe. Pero okey lang ito. Ang Aking mga pamamaraan at yung mga Dibinong plano na inaayos ng Aking Amang Walang-hanggan ay hindi madaling maintindihan.
Ako lamang ang isipin mo. Tumutok ka sa panalangin at lalo yung mga panalanging makakatulong na iligtas ang mga tigasing makasalanan sa mga apoy ng Impiyerno.
Gugulin mo ang panahong ito sa tahimik na pagninilay at simpleng panalangin. Ito na lamang ang kailangang tutukan ng alinman sa Aking mga anak. Kailangang pagsikapan nilang dalhin ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa Akin bilang paghahanda para sa Aking pagdating.
Manalangin, manalangin, dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Chaplet para siguraduhin ang kaligtasan para sa mga kaluluwang yun na sobrang sinapian na ng kasamaan kaya ang kanila na lamang magiging kaligtasan ay sa pamamagitan ng inyong mga panalangin.
Huwag nyong tatangkaing ipaliwanag ang mga panahong ito sa inyong mga anak dahil hindi nila mauunawaan.
Para sa marami, pwede itong magdulot ng takot na hindi naman kinakailangan.
Minsan pa, sinasabi Ko sa lahat Kong mahal na anak, na Ako’y dumarating para kayo’y sagipin. Tandaan nyo ito. Kung Ako’y hindi pa darating sa panahong ito, mawawala na kayo sa Akin dahil sa lakas ng pwersa ng kasamaang naging napakalaganap na sa inyong mundo.
Ako ang inyong kaligtasan. Ako ang pagtakas nyo sa mga nakakakilabot na mga bagay na inyong nasasaksihan sa inyong mundo na dulot ng maka-satanas na impluwensya saan man kayo tumingin. Mga anak, kailangang manalig kayo na mahal Ko kayo. Di nyo ba alam na hindi Ako makapapayag na patuloy nyong lahat tiisin ang ganitong kasamaan?
Para sa inyong lahat, Aking mga anak, ito ang ipinangangako Ko. Tatamasahin nyo ang Bagong Panahon ng Paraiso bilang Aking mga hinirang na mga anak. Pero nasa sa bawat lalaki, babae at bata na nasa edad na para malaman ang tama at ang mali, nasa sa kanila na para magdesisyon kung gusto ba nilang magsama-sama para tamasahin ang maluwalhating pag-iral na ito.
Manalangin, mag-relaks at magsaya dahil konting panahon na lang.
Umawit ng papuri sa Aking Amang Walang-hanggan, para sa kaluwalhatiang ibibigay Niya sa lahat ng tumatanggap sa Kanyang Kamay ng Awa.
Ang inyong minamahal na Jesus
Ang Aking Salita ay tinatanggihan hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kasalanan at kayabangan
Lunes, November 14, 2011 8:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, bakit ba ginagawang komplikado ng mga tao ang Aking Mga Aral? Ang dami sa Aking mga anak ang hindi tama ang pagkaunawa sa Aking dakilang Awa at minamaliit nila ito. Kahit na maraming beses Ko nang ipinangako sa Aking mga anak na patatawarin ang kanilang mga pagkakasala, takot pa rin sila na hindi Ko mapapatawad lahat ng kasalanan, gaano man ito kalaki.
Ang kasamaan sa mundo ay dulot ng pagkasuklam na meron si Satanas para sa sangkatauhan. Yung mga kawawa at nalokong mga makasalanan na parang mga aliping sumusunod sa daan ng panloloko, ay Aking minamahal na mga anak. Mahal Ko bawat isa sa kanila at patuloy Ko silang mamahalin kahit na madilim ang kanilang kaluluwa. Ang Aking Pag-ibig ay walang-hanggan at walang kamatayan pag ang pinag-uusapan ay lahat ng kaluluwa. Handa Akong lubos na patawarin at akapin lahat. Handa Akong gawin lahat para ibalik lahat ng makasalanan sa Aking kawan gaano man nila Ako sinaktan.
Si Satanas ay mapipigilang nakawin ang ganung mga kaluluwa, pero pag ang pananggang kayabangan ay itinapon na ng mga makasalanan, saka lamang sila makakalapit sa Akin at magiging bahagi muli ng Aking minamahal na pamilya. Huwag kayong magkakamali. Ang magagawa Ko lamang ay palapitin ang mga kaluluwa sa Akin. Hindi Ko sila maaaring pilitin na mahalin Ako. Hindi Ko sila pwedeng puwersahin na gustuhing pumasok sa Aking Kaharian ng Paraiso. Kailangang tanggapin muna nila ang Aking Kamay ng Pakikipagbalikan, gamit ang kanila mismong malayang loob.
Ako, gaya ng sinabi Ko na nang paulit-ulit, anak Ko, ay Diyos ng Awa muna. Lalabas din ang Aking Katarungan, pero pag nagawa na lamang ang lahat ng pwedeng gawin para iligtas ang bawat isa sa mga kaluluwa sa Lupa.
Anak Ko, ang Gawaing ito ay hinding hindi magiging madali para sa iyo. Dahil napakalaki nitong banal na gawaing ibinigay Ko sa iyo, mangangailangan ito ng sobrang lakas sa parte mo. Ginawa ka para maging malakas. Sinanay ka na para sa Gawaing ito simula pa ng paglabas mo sa sinapupunan ng iyong ina. Lahat ng pagsunod mo sa Aking mga kabanal-banalang utos ay naaayon sa Aking dibinong plano para sa sangkatauhan. Dahil sa pagkakaisa mo sa Akin – Nalimutan mo na ba ito? – kaya titiisin mo rin ang kaparehong pagtanggi, na kinailangan Kong tiisin noong Aking panahon sa Lupa. Titiisin mo yung kaparehong pagtanggi nung mga ipinagyayabang ang kanilang intelektwal na kaalaman sa Aking Mga Aral, para tanggihan ang Mga Mensahe Kong ito, na pinatototohanan mo sa mundo ngayon. Yung mga kaluluwang yun, na puno ng kayabangan at sariling pananaw tungkol sa Banal na Kasulatan, ay hindi ito naiintindihan.
Ang Aking Mga Aral ay napakasimple. Idagdag mo na lahat ng mabulaklak na salita at pangungusap na gusto mo, mananatili pa rin ang Katotohanan kung ano ito magpakailanman. Mahalin nyo ang isa’t isa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo. Maipapahayag nyo lamang talaga ang Aking Salita pag nagpapakita kayo ng respeto at pagmamahal sa isa’t isa.
Sobra na ang pagkalito, anak Ko. Sobra na ang sindak at takot na itinatanim sa mga anak Ko tungkol sa kanilang kinabukasan. Kung ang mga kaluluwa man lang sana ay magiging panatag at mananalangin ng Awa, sana’y tinugon na ang kanilang mga panalangin. Ang mga kalamidad ay mababawasan at maaaring bawasan. Panatiliin nyong buhay ang inyong pag-asa sa inyong kaluluwa, mga anak. Huwag na huwag kayong pupunta sa kumunoy ng panghuhusga sa isa’t isa at lalung-lalo nang huwag nyo itong gagawin sa Ngalan Ko.
Ang sinumang maghusga ng iba sa pamamagitan ng panlalait, sa ngalan ng Kristiyanismo, ay kailangang humarap sa Akin. Ang sinumang magkakasala sa Aking mga propeta ay kailangang managot sa Akin. Ang Aking Salita ay tinatanggihan di dahil sa pag-ibig. Ang Aking Salita ay tinatanggihan di dahil sa takot. Hindi, ito’y tinatanggihan dahil sa kasalanang kayabangan.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Mga Babalang Mensahe mula kay Jesucristo
Part 6
Volume One
Mensahe 250 – 299
Martes, November 15, 2011 hanggang Miyerkules, January 4, 2012
Hinihiling ng Diyos Ama sa Kanyang mga anak na sila’y magkaisa sa Panalangin
Martes, November 15, 2011 11:00 pm
Pumarito Ako ngayong araw, anak Ko, para tipunin ang Aking mahal na mga anak at yung lahat ng sumasampalataya sa Akin, para sama-sama silang manalangin para iligtas ang lahat ng kaluluwa sa Lupa.
Gusto Kong inyong patunayan ang inyong walang-hanggang pagmamahal sa Santisima Trinidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng kababaang-loob, sa pagmamahalan, para mapatawad ang kasalanan para sa buong sangkatauhan.
Ako ay Diyos ng Katarungan, pero Ako, una sa lahat, ay Diyos ng Pag-ibig at Awa. Ang Aking Makaamang Pagmamahal ng Diyos para sa inyo ay nasasalmin sa Aking Maawaing Kabutihan. Kaya nga intensyon Kong sagipin lahat ng kaluluwa, dito sa katapusan ng panahong nakikilala nyo sa Lupa. Huwag kayong matakot, mga anak. Hindi Ko intensyon na takutin kayo, kundi akapin kayo at balutin sa Aking Pag-ibig ang bawat isa sa Aking mga anak.
Nananawagan Ako sa lahat Kong anak, lalo na yung mga puno ng pagmamahal sa Akin, ang kanilang Maykapal, na sila’y sumama sa kanilang mga kapatid at tumayo laban sa kasamaaan sa mundo.
Si Satanas at lahat na ng demonyo sa Impiyerno ay gumagala na ngayon sa Lupa at hinahamon Ako, sa mga huling panahong ito, mga anak. Nakakalat sila sa buong mundo at inuusig nila ang mga kaluluwa na halos masiraan na ng ulo.
Ang masamang impluwensya ay nararamdaman ng halos bawat isa sa inyo sa panahong ito. Ito’y dahil ang Aking Pag-iral at yun ding sa Aking minamahal na Anak ay itinanggi, inayawan at ibinasura, kaya ang mundo ngayon ay nababalot ng kadiliman. Sa inyong di pag-amin sa Katotohanan ng Pagkalikha sa inyo sa Lupang ito, kayo, mahal Kong mga anak, ay walang-kamalay-malay na naging target na para kay Satanas.
Mapapansin nyo ang ilang pagbabago sa inyong buhay simula nang sinapian ang inyong mundo. Pagpatay, pagkasuklam, pagkadismaya sa pagpapahayag ng Aking Kaluwalhatian o pagtanggap sa Aking Pag-iral, giyera, pag-usig, kasakiman, pangongontrol at pagbagsak ng moralidad. Lahat ng ganung kasamaan ay nilikha sa inyong mundo ni Satanas at pinakalat naman ng mga makasalanan na bukas na bukas sa kanyang peke at walang-katuparang mga pangako.
Siya, si Satanas, ay tinutukso muna niya yung mga makasalanang gutom sa kapangyarihan at yung mahihina ang pananampalataya. Pagkatapos niya silang akitin, sinasapian niya sila. Hinahawahan naman nila at sobrang sinasaktan sa pamamagitan ng pag-abuso ang kanilang kapwa. Kayo, Aking minamahal na mga mananampalataya, ay tinatawagan Ko ngayon para panindigan at depensahan ang Aking Banal na Salita, para maligtas ang sangkatauhan. Gagawin nyo ito sa dalawang paraan. Una, sa pamamagitan ng palaging pananalangin, at ikalawa, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Aking Kabanal-banalang Salita. Ang panalangin ay hindi lamang tutulong na iligtas ang sangkatauhan sa Impiyerno at sa tuluyan Kong pag-alis, kundi babawasan pa rin nito ang bagsik ng Aking Kamay ng Kaparusahan. Ang Kamay na ito ng Kaparusahan ay wala nang kaduda-dudang babagsak sa masasamang makasalanang yun na pinayagan ang espirito ng kadiliman na kontrolin ang kanilang asal sa mga inosenteng yun na umaasa sa kanila at kinokontrol nila.
Ako, ang Diyos Ama, ay nananawagan sa Aking mga anak mula sa Kalangitan, na dinggin ang Aking kahilingan pag hinihimok Ko kayong agad na bumangon. Samahan nyo Ako sa panalangin sa pagdarasal ng sumusunod:
“Diyos na Kataas-taasan, sa Ngalan ng Iyong minamahal na Anak, na si Jesucristo, Na Siyang Iyong isinakripisyo para kami’y iligtas, kaming kawawa Mong mga anak, sa mga apoy ng Impiyerno, dinggin Mo ang aming panalangin. Nawa’y maialay namin ang aming hamak na mga sakripisyo at matanggap ang mga pagsubok at dusa bilang paraan para makamtan ang kaligtasan ng lahat ng kaluluwa habang nangyayari Ang Babala.
Isinasamo namin sa Iyo na patawarin ang mga makasalanan na nahihirapang lumapit sa Iyo at tanggapin ang Iyong Mahabaging Kabutihan, para gawin ang mga sakripisyong kinakailangan at karapat-dapat para sa Iyo, para sila’y matubos sa Iyong Banal na Mata.”
Pag kayo’y nanalangin sa Akin, ang inyong makalangit na Ama, Diyos na Kataas-taasan, Maylikha ng sanlibutan at sangkatauhan, diringgin Ko ang inyong panalangin at bibigyan Ko ng kaligtasan yung lahat ng kaluluwang inyong ipinananalangin.
Salamat sa inyo, mga minamahal Kong mga anak, sa pagpapaunlak nyo rito, sa Aking Dibinong panawagan mula sa Kalangitan. Salamat sa inyo sa inyong kababaang-loob para makilala nyo ang Aking Boses nang Ako’y magsalita.
Tandaan nyo, Ako’y isang dagat ng Pag-ibig at Minamahal Ko kayong lahat nang may paggiliw ng isang Ama. Ang sinisikap Ko lamang ay iligtas ang bawat isa sa inyo sa kuko ni Masama, para magkasama-sama tayo bilang isang banal na pamilya.
Diyos Amang Walang-hanggan
Birheng Maria: Ipanalangin mo si Pope Benedict
Miyerkules, November 16, 2011 8:00 pm
Anak ko, magkakaroon ng mabangis na laban habang nagsisimula na ang labanan para sa mga kaluluwa. Ipanalangin mo yung mga kawawang kaluluwa na nangangailangan ng proteksyon ng Awa ng aking Anak.
Gagawin ni Masama lahat para itaboy ang mga anak palayo sa Kamay ng Awa ng aking Anak.
Ang dami sa aking kawawa at naliligaw na mga kaluluwa ang walang kaalam-alam sa laban na nagsimula na at pinamumunuan ni Masama. Konting panahon na lang meron siya, pero gawin pa rin nyo lahat para tulungan ang aking mahal na Anak na iligtas ang mga taong ito bago maging huli na ang lahat.
Ikaw, anak ko, ay kailangang patuloy na humingi ng proteksyon sa akin dahil nagiging talagang tinik ka na ngayon sa tagiliran ni Masama. Lagi kang maging alerto sa bawat sandali. Importante ang panalangin at kailangang hilingin mo sa iba na ipagdasal ka.
Ipanalangin mo si Pope Benedict, lalo na ngayon na siya’y inaatake na rin. Huwag mong titigilan ang iyong Gawain para sa aking Anak, dahil ikaw, anak ko, ay kailangang magtiis hanggang sa huli para tuparin ang mga propesiya na ginawa napakahabang panahon na ang nakakalipas.
Tandaan mo, lagi kitang tinatakpan ng aking Banal na Kapa.
Ang iyong Makalangit na Ina
Reyna ng Mga Rosas
Pansinin: ang mensaheng ito ay natanggap pagkatapos ng isang buong aparisyon ng Pinagpalang Ina, na tumagal ng 20 minuto kung saan mukha siyang napakalungkot.
Maria Divine Mercy
Kumpleto na ngayon ang mga paghahanda
Miyerkules, November 16, 2011 8:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, makinig ka ngayon. Palakasin mo naman ang loob ng lahat Kong anak sa pagsasabing sa pananampalataya ay nakakasigurado na sila na sila’y maliligtas. Yun na lamang ang mahalaga ngayon.
Ang Pagmamahal sa Akin at sa isa’t isa ang inyong magiging daan papunta sa Paraiso.
Kung mahal nyo ang isa’t isa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo, dapat ay ito’y walang mga kundisyon. Kailangang tanggapin nyo ang mga kamalian ng isa’t isa. Magpatawad, mga anak. Ang pag-aaway ay hindi sa Langit nagmumula. Kagagawan ito ni Manloloko para lumikha ng gulo.
Bangon na at manalangin, manalangin, manalangin para sa Aking dakilang Awa, dahil halos dinatnan na kayo ng panahon.
Kumpleto na ngayon ang mga paghahanda.
Ang gagawin nyo na lang ngayon ay maghintay.
Ihanda nyo ang inyong mga kaluluwa at manalangin para sa isa’t isa. Basta tanggapin mo na lamang ang Aking Banal na Loob, anak Ko.
Huwag ka nang humingi ng mga paliwanag. Sundin mo ang Aking mga iniuutos at maging masunurin ka sa lahat ng oras. Huwag kang mahuhulog sa mga bitag na inihahanda para sa iyo para buyuin kang bumagsak. Gusto nga ni Satanas na bumagsak ka para maaapak-apakan ka niya, pero kailangan Ko muling ipaalala sa iyo na manahimik ka na lamang. Tiisin mo ang anumang sama ng loob at tumingin ka na lang sa ibaba sa lubos na kababaang-loob.
Tularan mo Ako, anak, sa lahat mong ginagawa. Pag ginawa mo ito, hindi ka na matatalo ni Satanas.
Lakad na at maghintay, dahil malapit na Akong dumating.
Ang iyong nagmamahal na Jesus
Tatapagligtas at Manunubos ng buong Sangkatauhan
Crusade of Prayer (1): My Gift to Jesus to Save Souls
Huwebes, November 17, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, sabihan mo naman ang Aking mga anak na kanilang dasalin ang Mga Panalanging ito mula ngayon hanggang sa mangyari Ang Babala. Pinapakiusapan ang Aking mga alagad na dasalin ang Mga Panalanging ito, na ibibigay Ko sa inyo araw-araw para iligtas ang mga kaluluwa. Ito ang unang Panalangin:
My gift to Jesus to save souls
“My dearest Jesus, You Who loves us so much allow me in my humble way to help save Your precious souls. Have Mercy on all sinners no matter how grievously they offend You.
Allow me through prayer and suffering to help those souls who may not survive The Warning, to seek a place beside You in Your Kingdom.
Hear my prayer, O sweet Jesus, to help You win over those souls You yearn for.
O Sacred Heart of Jesus, I pledge my allegiance to Your Most Holy Will at all times.”
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Crusade of Prayer (2): Prayer for Global Rulers
Biyernes, November 18, 2011 9:00 pm
Pinakamamahal kong anak, ngayong araw, hinihimok Ko ang Aking mga alagad na ialay ang Panalanging ito para iligtas yung kawawang mga anak na pinahihirapan ng kanilang mga pinuno sa kani-kanilang bansa, na dinidiktahan naman ng mga pandaigdig na puwersang hindi sa Diyos.
“My Eternal Father, in the Name of Your beloved Son, Jesus Christ, I ask that You protect Your children from the persecution, which is being plotted by global forces, against innocent nations.
I pray for the forgiveness of sin of those souls who are the cause of this hardship so that they may turn to You with humble and contrite hearts.
Please give Your tortured children the strength to withstand such suffering, in atonement for the sins of the world, through Christ Our Lord. Amen.”
Crusade of Prayer (3): Rid the world of fear
Sabado, November 19, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ibinibigay Ko sa iyo ngayon ang Panalangin para alisin ang takot sa mundo:
“O my Lord Jesus Christ I beseech You to rid the world of fear, which detaches souls from Your loving Heart. I pray that souls who will experience real fear during The Warning will stop and allow Your Mercy to flood their souls so that they will be free to love You in the way they should.”
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Crusade of Prayer (4): Unite all Families
Linggo, November 20, 2011 6:00 pm
Anak Ko, importante ang Panalanging ito dahil pananatilihin nitong sama-sama ang mga pamilya para makapanatili silang nagkakaisa sa Aking Bagong Kaharian ng Paraiso sa Lupa.
“Unite all families, Jesus, during The Warning so that they may receive eternal salvation. I pray that all families remain together in union with You, Jesus, so that they may inherit Your New Paradise on Earth. “
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Manunubos ng Sangkatauhan
Jesucristo
Crusade of Prayer (5): Praise to God the Most High
Lunes, November 21, 2011 7:00 pm
Anak Ko, kailangang ialay ng mundo ang natatanging Panalanging ito para papurihan at pasalamatan ang Diyos Ama dahil sa Awang ibinibigay Niya sa buong mundo.
“O Eternal Father, we offer You our prayers in joyful thanksgiving for Your precious Gift of Mercy to the whole of mankind. We rejoice and offer You, Most Glorious King, our praise and Adoration for Your loving and tender Mercy. You, God the Most High, are our King and for this Gift You now bring to us we lie at Your Feet in humble servitude. Please God have Mercy on all Your children.”
Ang inyong Jesus
Crusade of Prayer (6): Prayer to stop the antichrist
Martes, November 22, 2011 11:00 am
“O Jesus, I pray that God in His Mercy will prevent the antichrist and his vile army from causing terror and inflicting hardship on Your children. We pray that he will be stopped and that the hand of chastisement will be avoided through the conversion achieved during The Warning.”
Crusade of Prayer (7): Prayer for those who refuse Mercy
Martes, November 22, 2011 8:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, napakalapit na ng Aking muling pagdating para iligtas ang sangkatauhan bago dumating ang Pangwakas na Paghuhukom. Naghahalo ang Aking Kaligayahan at matinding dalamahati dahil sa mga kaluluwang yun na tatanggi sa Aking Awa.
Ikaw, anak Ko, ay kailangang lumaban kasama ng Aking hukbo na binubuo nung mga minamahal na mga anak ng Krus para iligtas ang mga kaluluwang ito. Ito ang Panalanging dapat nilang dasalin para humingi ng Awa para sa mga kaluluwang nasa kadiliman.
“Jesus, I urge You to forgive those sinners so dark of soul who will refuse the Light of Your Mercy. Forgive them, Jesus, I plead with You, in order to redeem them from the sins which they find it so difficult to extract themselves from. Flood their hearts with Your Rays of Mercy and allow them the chance to return to Your fold.”
Ang inyong minamahal na Jesus
Crusade of Prayer (8): The Confession
Martes, November 22, 2011 8:30 pm
Ako, si Jesus, ang inyong Hari at Tagapagligtas, ang nagbibigay ngayon ng Aking panalangin para sa Kumpisal.
Ang panalanging ito ay dapat dasalin para humingi ng awa para sa kapatawaran ng kasalanan habang nangyayari Ang Babala at pagkatapos nito.
“Dearest Jesus, I ask Your pardon for all my sins and for the hurt and injury I have caused to others. I humbly pray for the graces to avoid offending You again and to offer penance according to Your Most Holy Will. I plead for the forgiveness of any future offence which I may partake in and which will cause You pain and suffering. Take me with You into the New Era of Peace so that I may become part of Your family for eternity.
I love You, Jesus.
I need You.
I honour You and everything You stand for.
Help me, Jesus, so that I may be worthy to enter Your Kingdom.”
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang mundo ay tuluyan nang mababago magpakailanman
Huwebes, November 24, 2011
Pinakamamahal Kong anak, huwag ka nang matakot dahil ang panahon ay dumating na para sa iyo at sa buong mundo.
Ang paglalakbay na ito ay naging napakatindi para sa iyo, anak Ko, sa loob ng napakaikling panahon.
Sinunod mo na ang Aking Banal na Loob mula pa sa simula, kahit na meron kang mga duda. Nilait ka man sa ibang lugar, lalo na ng mga nagsasabing sila’y aking mga banal na disipulo at ng Aking minamahal na Ina, hinding hindi ka pa rin nag-atubiling ipahayag sa mundo ang Aking Banal na Salita. Huwag mo nang pansinin ang pasakit na ito dahil ito’y nakaraan na.
Ngayong Ako’y dumarating dala ang Aking dakilang Awa, lahat Kong anak na may tunay na pananampalataya ay magpapatirapa sa mapagpakumbabang pasasalamat para mapagmahal Akong salubungin at tanggapin ang Aking Awa. Ang Katotohanan ay mabubunyag na ngayon.
Magsitayo kayong lahat at hintayin nang may tuwa ang Aking pagdating.
Ang mundo ay tuluyan nang mababago magpakailanman.
Tandaan nyo, ito’y dahil sa malalim Kong Pagmamahal sa inyong lahat, pati na yung mga lumalait sa Aking Banal na Salita, o itinatanggi Ako, kaya Ako dumarating para iligtas kayo nang minsan pa.
Ang inyong Tagapagligtas at Manunubos
Jesucristo
Hindi Ako nagbubunyag ng mga petsa
Linggo, November 27, 2011 3:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, maging kalmante ka at panatag, at manalig ka nang lubos sa Akin.
Halos narito na ang panahon para sa Babala, at kailangang maging pasensyosa ka. Ipanalangin mo, anak Ko, na ang buong sangkatauhan ay maililigtas sa pamamagitan ng Regalong ito.
Huwag mo namang hulaan ang mga petsa, dahil maraming beses Ko nang sinabi sa iyo na hindi Ako nagbubunyag ng mga petsa.
Ang mga ito ay hindi para sa kaalaman mo. Maging pasensyosa ka. Ang panahon ng Babala ay maaayon sa Aking Banal na Loob.
Manalig ka nang lubos sa Akin at ipaubaya mo lahat sa Aking Mga Kamay.
Ang iyong minamahal na Jesus
Lumakad kang katabi Ko at duduraan ka
Lunes, November 28, 2011 8:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, dapat mong tandaan na pag pinaglilingkuran mo ako, ang buhay mo ay laging magiging isang higaang puno ng tinik.
Walang magiging madali. Pero alam mo, pag ikaw ay isang piniling kaluluwa, lagi itong may kasamang sakripisyo. Sa paglalakbay na ito na sinisikap mong lumakad na katabi Ko, duduraan ka, titisurin, pagtatawanan, sisipain at pahihirapan kung kailan mo pa naman hindi inaasahan. Yung lahat ng lantarang magpapahayag ng Aking Salita ay ganun ding mga kahihiyan ang pagtitiisan.
Pero pag tinanggap nyo na lamang ang mga kahihiyan at mga pagsubok na ito bilang bahagi ng krus na pinapasan nyo nang pinili nyong maglingkod sa Akin, ay saka nyo lang mararating ang espiritwal na perpeksyong inaasahan sa inyo.
Tanggapin mo, anak Ko, ang mga kahihiyan, hapdi at dusang inihahagis sa daan mo. Siguro naman ay alam mo na, at ng lahat Kong minamahal na mga sundalo, na sumusunod sa Aking kabanal-banalang mga utos sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, alam nyo na, na Ako ang lumalakad katabi nyo.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Birheng Maria: Ang Aking Regalong talunin at wasakin ang matandang ahas
Martes, November 29, 2011 9:00 pm
Anak ko, sabihan mo yung lahat ng alagad ng aking minamahal na Anak na si Jesucristo, na dapat nilang hingin ang aking proteksyon sa lahat ng oras.
Ang mga araw ni Satanas ay mabilis nang natatapos at marami sa aking mga anak ang madaling bibigay sa kanyang mga tukso.
Pag humingi kayo sa akin ng proteksyon at ng aking mga espesyal na grasya, hindi mapipinsala ni Satanas ang aking mga anak at hindi rin sila mailalayo sa aking Anak.
Bawat isa ay tinatarget na ni Satanas ngayon habang ginagalugad niya lahat ng lugar sa hangad na mangwasak ng mga kaluluwa. Ang kanyang mga pag-atake ay pinakamabangis pag ikaw ay tapat na alagad ng Diyos at malakas ang iyong pananampalataya. Ang pagkasuklam niya sa ganung mga kaluluwa ay magdudulot sa kanila ng hapdi at pagkalito.
Siya, si Manloloko, ay may iisang pakay lamang, at ito ay akitin lahat ng kaluluwa para sundin siya at sa ganun ay masira niya ang kanilang tyansang magkaroon ng kaligtasang walang-hanggan.
Manalangin kayo sa bawat sandaling pwede kayo, para protektahan ko kayo kay Masama. Ibinigay na sa akin ng aking makalangit na Ama ang dakilang Regalong talunin at wasakin ang matandang ahas. Pag kayo’y lumapit sa akin para humingi ng tulong, lagi ko kayong tutulungang makabalik sa aking Anak para sa konswelong hinahanap-hanap nyo, na magpapaginhawa sa inyong kaluluwa.
Manalangin, manalangin, manalangin, at dasalin ang aking Santo Rosaryo dahil ito ang pinakamakapangyarihang sandata para pigilan si Satanas na wasakin ang inyong buhay.
Salamat sa pagtugon mo sa aking panawagan, anak ko, dahil kinailangan kong ipaalala sa iyo ang kahalagahan ng paghingi sa akin ng tulong dahil mabangis ka nang inaatake ngayon sa bahaging ito ng iyong Misyon.
Humayo ka sa kapayapaan.
Ang iyong Makalangit na Ina
Maria, Reyna ng Langit
Ililigtas Ko kayo sa mga nakakakilabot na bagay sa inyong mundo
Miyerkules, November 30, 2011 3:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, yung mga sabik na sabik na patunayan ang kanilang pagmamahal sa Akin, ay kalimita’y nawawalan ng pag-asa sa kanilang kaluluwa, kaya tuloy hindi nila maramdaman ang Aking Pagmamahal. Maaari itong bigla na lang mangyari nang di inaasahan, kaya para bang inabandona na ang kaluluwa at akala nito’y hindi na siya makakabangon mula sa kawalan ng lakas at pananampalataya.
Huwag kayong matakot, mga anak. Ang pagka-abandona ay isang bagay na inyong mararamdaman pag kayo’y malapit sa Akin. Naramdaman Ko rin ang ganung pagka-abandona ng Aking minamahal na Ama noong panahon Ko sa Lupa. Para ba Akong nawawala at naiwang nag-iisa habang maraming beses Kong sinikap na Siya’y kausapin. Matindi ang pagsubok na ito, na inyong pagdaraaanan pag kayo’y isang tunay na mananampalataya sa Diyos. Paraan ito ni Satanas para hatakin kayong palayo, para paglipas ng ilang panahon, ay inaasahan niyang susuko na kayo sa paghahanap sa Akin at muli kayong mahuhulog sa makamundong mga asal, na nagbibigay ng sarap pero hindi naman nakakabusog.
Di nyo ba alam na panalangin ang makakapigil na mangyari ito? Di nyo ba alam na pinapayagan Ko ito para na rin sa inyong kabutihan at bilang isang bahagi ng inyong pagsasanay para magkaroon kayo ng espiritwal na lakas, na makakamtan lamang sa pamamagitan ng ganitong pagka-abandona?
Ang mga pamamaraan ng Aking Ama, mga anak, ay mahirap nyong maunawaan. Basta manalig na lang kayo sa Akin, ang inyong Jesus, at manawagan kayo sa Akin na bigyan kayo ng mga grasyang inyong kinakailangan para kasama Kong lumaban para iligtas ang inyong mga kapatid. Kailangan silang iligtas sa masasamang planong minamanipula sa inyong mundo nung mga puwersang nagtatangkang kontrolin kayo gamit ang mismong mga bagay na kinakailangan nyo para mabuhay.
Tandaan nyo, mga anak, na Ako’y napakalapit sa lahat Kong alagad, na sa sandaling mangyari Ang Babala, ang Aking hukbo ay agad susugod para maging isang makapangyarihang kaaway ni Satanas.
Ang pag-asa, mga anak, ay hindi dapat nawawala. Ililigtas Ko kayo sa mga nakakakilabot na bagay sa inyong mundo, na lubusan nang nagulo dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Aking Amang Walang-hanggan.
Lahat ng ito’y malapit nang mabago pag nakita na ng mundo ang katibayang kailangan nito para aminin na Meron nga palang isang Diyos Ama.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Isang Nakakakilabot na Giyera ang niluluto
Huwebes, December 1, 2011 12:00 pm
Anak Ko, isang Malaking Parusa ang babagsak sa mundo para protektahan ang mga inosente.
Isang malaki at nakakasuklam na kasamaan, na pwedeng lumikha ng isang nakakakilabot na Giyerang Pandaigdig, ay niluluto na.
Ang Kamay ng Aking Ama ay babagsak at paparusan ang mga kaluluwang yun na nabitag ni Satanas. Hindi sila papayagang magtagumpay sa kanilang masamang balak.
Iilan lang sa inyo sa buong mundo, mga anak, ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyayari.
Sa sobrang ingat ng mga grupong ito, ang inyong nakikita pag inaatake ng isang bansa ang isa pang bansa, ay hindi sinasalmin ang katotohanan.
Sinasadya kasi ang pagtatangkang lumikha ng isang giyerang papatay sa milyun-milyon.
Hindi naman pwedeng tatayo na lang sa isang tabi ang Aking Ama. Kailangan Niyang manghimasok.
Manalangin, manalangin at ipanalangin nyo, mga anak, ang kaligtasan ng mga kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Birheng Maria: Mangyayari na ang Parusa
Huwebes, December 1, 2011 9:00 pm
(Ang Mensaheng ito ay natanggap matapos ang isang aparisyon, na tumagal ng 30 minuto, kung saan ang Mahal na Birheng Maria ay walang-tigil sa kaiiyak, na sobra namang ikinabalisa ng bisyonaryong si Maria Divine Mercy, na nagsabing nadurog ang puso niya sa kanyang nasaksihan.)
Anak Ko, nadudurog ang aking Puso sa dalamhati dahil sa kasamaang kitang-kita na sa mundo, pag nakikita ko yung mga naliligaw na mga kaluluwa na bumubulusok pababa sa bangin ng kadiliman, kung saan hindi na makakabalik pa mula roon ang sinuman.
Nanunudyo na ngayon si Satanas, mga anak, dahil mabilis niyang nananakaw ang mga kaluluwa ng mga yun na walang pagmamahal sa Diyos sa kanilang mga puso. Nakakatakot, anak ko, na yun mismong mga kaluluwang yun ay walang kaide-ideya kung ano ang kakaharapin nila pagkatapos nilang mamatay.
Ang aking mga luha ng kalungkutan ay umaagos na parang walang-katapusang ilog ng dalamhati habang pinagmamasdan ko rin ang sobrang pasakit at paghihirap na pinagdaraanan ngayon mismo ng aking Anak.
Ang Kamay ng aking makalangit na Ama ay handa nang bumagsak para magparusa ngayon sa ilang parte ng mundo. Yung mga bansang nagpaplano ng isang nakakakilabot na kasamaan para pumuksa ng mga bansa, sila ang sobrang tinding parurusahan. Hindi ko na mapigilan pa ang Kamay ng aking Ama, dahil ganun na kalaki ang Kanyang Galit.
Ipanalangin nyo yung mga nahaharap sa matinding parusang ito. Ipanalangin nyo ang kanilang mga kaluluwa. Kailangang mapigilan ang kanilang mga pagkilos, at kung hindi ay lilipulin nila ang buhay ng milyun-milyon sa aking kawawang mga anak. Hindi pwedeng pahintulutan ang kanilang mga aksyon, pero tatangkain nilang magdulot ng nakakakilabot na pagwasak sa iba pang mga bansang itinuturing nilang mga kaaway.
Manalangin, manalangin, manalangin kayo bago pa man mangyari ang parusa, para naman mabawasan ang paghihirap ng mga inosente.
Ang inyong minamahal na Ina
Reyna ng Dalamhati
Sakop ng Aking Awa ang lahat ng lahi, kulay, relihiyon
Biyernes, December 2, 2011 11:35 pm
Mahal Kong anak, magpakatatag ka at isipin ang magandang balita, na ang Aking Awa ay ibabalik ang Aking mahal na mga anak sa Kaibuturan ng Aking Sagradong Puso.
Yung kawawa at sawimpalad na mga kaluluwa na isinanla na ang kanilang buhay sa kasamaan, ay kailangan ang inyong pagdurusa para sila’y maligtas. Napakahirap man nitong intindihin sa isip ng tao, at napakahirap ding tanggapin, kailangang manalig kayo sa Akin. Ang iyo mismong pagdurusa at yung sa Aking mga tapat na alagad, ay napupunta sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Wala ritong nasasayang. Ang sakripisyong ito ay isang Regalo sa Akin. Tatandaan nyo, na napapagaan din ng pagdurusa ang Aking pasanin.
Pagod na Ako sa Aking sariling pagdurusa, anak Ko, kaya pinananabikan Ko nang akapin ang Aking mga anak sa wakas, kaisa at kasama ng Aking Amang Walang-hanggan.
Isipin nyo ito nang ganito. Pag ang isang mahal sa buhay ay nangibang bansa at pagkatapos ay umuwi matapos ang maraming taon, ang laking tuwa at pagdiriwang. Isipin nyo ang pananabik ng isang magulang para sa kanyang anak na hindi nila nakita nang maraming taon at kung gaano kahalaga ang isang reunion. Mahal Ko kayong lahat, mga anak, napakainit ng Aking pagmamahal. Pinananabikan Ko ang ating reunion, kung saan maaakap Ko ang bawat isa sa inyo nang mahigpit sa Aking Mga Braso at mahawakan Ko kayo malapit sa Aking Puso. Ang Aking pamilya, sa wakas, ay handa nang muling mapagkaisa, sa kauna-unahang pagkakataon simula nang ang Paraiso ay likhain para kina Adan at Eba.
Ibinubuhos Ko ang Aking Pag-ibig at Awa, para balutin lahat Kong anak sa bawat sulok ng mundo, sakop lahat ng lahi, lahat ng kulay ng balat, lahat ng relihiyon at lahat ng makasalanan.
Hintayin nyo ang dakilang sandaling ito sa panahon. Sa wakas, ang buktot na pagkasuklam, pagdurusa, pagka-asiwa, pagdududa, kasakiman, karahasan at iba pang kasamaan ay tuluyan nang mawawala. Isipin nyo kung ano ang magiging katulad nito, mga anak, isang bago at napakagandang Panahon ng Pagmamahalan at Kapayapaan sa mundo.
Huwag naman sanang mawala kaninuman ang ganitong buhay ng walang-hanggang kaligayahan. Gugustuhin nyo ba na isa man sa inyong mga kapatid ang hindi makasali rito? Dahil kung hindi, magdurusa sila ng walang-hanggang kadiliman sa mga apoy ng Impiyerno magpakailanman. Tandaan nyo yun, mga anak. Kailanman. Wala nang balikan pagkatapos nyun.
Ipanalangin nyo na lahat ng kaluluwa ay makapagmana ng Paraisong ito. Ipanalangin nyo yung mga kaluluwang personal nyong inaalala. Ipanalangin nyo lahat ng kaluluwa.
Ang inyong Jesus
Tagapaglitas at Manunubos ng Buong Sangkatauhan
Ihahanda ng Mga Propeta ang Aking Ikalawang Pagdating
Sabado, December 3, 2011 8:45 pm\
Pinakamamahal Kong anak, sobra ang pagkadismaya Ko habang pinagmamasdan Ko yung Aking mga alagad na tinatanggihan ang Aking Kabanal-banalang Salita sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Ang lungkot-lungkot Ko. Hinihiling Ko sa lahat Kong anak sa lahat ng lugar na ipanalangin nila yung mga itinatanggi ang Diyos sa kanilang buhay. Pero hinihiling Ko ring ipanalangin yung Aking mga alagad na binale-wala na o kaya’y nalimutan na, na ang Aking Ikalawang Pagdating ay mangyayari at hindi na ito mapipigilan. Importante ang Pangyayaring ito at lahat kayo’y kailangang maging handa para rito.
Isinugo ang mga propeta sa mundo para i-anunsyo ang Aking kapanganakan. Isinugo rin ang mga propeta ng Aking Ama para ihanda ang mga kaluluwa para maligtas, mula pa sa simula. Ngayo’y isinusugong muli ang mga propeta sa mundo para ihanda ang sangkatauhan para sa Aking Ikalawang Pagdating.
Gising, lahat kayo na nagsasabing kilala nyo Ako! Kung talagang kilala nyo nga Ako, e kilalanin nyo naman ang Aking Tinig pag Ako’y nananawagan sa inyong mga puso. Ang daming hindi lang tumatanggi sa Mga Mensaheng ito, kundi tinatanggihan na rin pati Ako.
Yung ilan sa inyo na napakabilis kung Ako’y kondenahin, sa pagtanggi sa Aking mga kahilingan na ibinibigay sa buong mundo sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, intindihin nyo ito.
Sa matigas na pagtalikod nyo sa Aking Salita na ibinibigay sa inyo ngayon, pinagkakaitan nyo Ako ng mga panalanging kailangang-kailangan Ko sa inyo sa panahong ito. Kayo pa naman, na nagsasabing kilala nyo Ako. Kaya pakinggan nyo itong sasabihin Ko sa inyo.
Tinutusok ng inyong kalupitan ang Aking Puso. Ang inyong karamutan ay nangangahulugang ang inyong mga panalangin ay hindi naiaalay gaya ng nararapat para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Nasaan ang inyong kababaang-loob at bakit nyo minamaskarahan ang inyong pagkadismaya sa Aking Kabanal-banalang Salita sa pamamagitan ng pekeng kababaang-loob?
Kailangang manawagan kayo sa Aking Banal na Espirito para kayo’y gabayan papunta sa Akin, para mapaglingkuran nyo Ako nang may lubos na pagmamahal sa inyong puso.
Huwag na huwag nyong ipagyayabang ang inyong kaalaman tungkol sa Kasulatan. Huwag na huwag nyong gagamitin ang inyong kaalaman tungkol sa Aking Mga Aral para laitin ang iba. Huwag na huwag kayong maninirang-puri, mang-aabuso, manghahamak o manlalait sa kanila sa Ngalan Ko. Dahil pag ginagawa nyo ito, sobra nyo Akong sinasaktan.
Gising na, mga anak. Ihanda nyo na ang inyong mga kaluluwa at magmagandang-loob, dahil konting panahon na lang.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Panahon ng Aking Ikalawang Pagdating ay Halos Narito na
Lunes, December 5, 2011 3:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang mga paghahanda para sa Aking Babala para ihanda ang sangkatauhan, ay kumpleto na.
Gusto Kong pasalamatan lahat Kong mahal na alagad na, dahil sa kanilang pagmamahal sa Akin, ay tumulong na magligtas ng napakaraming milyong kaluluwa.
Ang panahon para sa Aking Ikalawang Pagdating ay halos nasa mundo na. Pero ang dami pa ring hindi pa handa, pero poprotektahan sila ng Aking Awa.
Ang Aking pagdating ay magiging isang Maluwalhating Pangyayari at ang mga lalaki, babae at bata ay mapapaluhod sa tuwa, paghanga at may pagmamahal sa kanilang puso, para sa Akin, ang kanilang Diyos na Tagapagligtas.
Maraming makakaramdam ng sobrang ginhawa, dahil ang tao ay hindi matatagalan ang pahirap na ginagawa sa kanya ni Satanas at ng kanyang milyun-milyong maiitim na anghel, na nakatago sa lahat ng parte ng mundo at nagdudulot ng nakakakilabot na pasakit. Sila ang mga demonyo ni Satanas, na binabale-wala ng marami sa Aking mga anak dahil hindi nila pinapaniwalaang merong mga demonyo, pero ang mga demonyong ito ang may kagagawan kaya sobra ang kalungkutan sa mundo.
Lumilikha sila ng pagkasuklam sa pagitan ng mga tao, inggit, selos at hangaring pumatay. Konting panahon na lang meron sila, dahil Ako, ang inyong Tagapagligtas ay malapit nang dumating gaya ng Aking ipinangako.
Manalangin, lahat kayo, para iligtas lahat ng kaluluwa sa mundo, para sila man ay maging handa rin para sa Bagong Paraiso sa Lupa.
Ang inyong Tagapagligtas,
Jesucristo
Panawagan sa mga di-sumasampalataya na bumaling na
Miyerkules, December 7, 2011 4:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw ay gusto Kong manawagan sa lahat ng mga di-sumasampalataya at yung mahihina ang pananampalataya. Nananawagan Ako lalung-lalo na sa mga nakalubog sa mga daan ng materyalismo at yung mga namumuhay na nababalot ng kayamanan kaya wala na silang panahon para sa kanilang espiritwal na kabutihan.
Kayo, mga anak Ko, ang pinaka-nakakabalisa sa Akin, dahil ang layo nyo sa Akin. Pero ang laki ng pagmamahal Ko sa inyo at umaasa Ako na pag nangyari na Ang Babala ay agad kayong tutugon sa Aking panawagan.
Sobra ang Aking pananabik, mga anak, na makilala nyo Ako at maunawaan kung paanong ang inyong mga makamundong ari-arian ay naglagay ng isang belong bakal na hinahadlangan kayo sa Liwanag ng Katotohanan.
Para sa inyo iaalay ng mga victim soul ang pinakamalalaking sakripisyo ng pagdurusa.
Buksan nyo naman ang inyong isipan at lumapit kayo sa Akin, para maihatid Ko kayo at lahat ng inyong mahal sa buhay at ang natitira pang sangkatauhan papunta sa Bagong Paraiso.
Ang inyong minamahal na Jesus
Manunubos at Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan
Birheng Maria: Dinanas ko ang kaparehong pagdurusa
Huwebes, December 8, 2011 9:10 pm
Anak ko, nang ipanganak ko si Jesucristo, ang Manunubos ng buong sangkatauhan, kapareho ko ang sinumang ina. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sa anak na ito kaya naiyak ako sa laki ng aking tuwa nang makita ko ang Kanyang magandang Mukha. Kahit na alam kong hindi magiging madali ang gagampanan kong papel na aking tinanggap, hindi ko sukat akalain, nang panahong yun, na ganun pala kahirap ang paglalakbay na ito.
Nang pagmasdan ko ang mahal na Mukha ng aking minamahal na Anak, wala nang mahalaga pa kundi ang aking hangaring protektahan Siya sa lahat ng oras, anuman ang mangyari.
Noon pa man ay kakabit na ng Aking Puso ang Puso ng aking Anak, gaya rin ngayon. Ang Pusong ito mismo ang nagdurusang kaisa Niya sa bawat sandali ng Kanyang buhay sa Lupa.
Bawat tuwa na Kanyang naramdaman, naramdaman ko rin. Pag Siya’y humalakhak, napapangiti ako. Sobra akong nasakitan ng Kanyang dalamhati.
Ang pagpapahirap sa Kanya habang Siya’y Ipinapako sa Krus, ay naramdaman ko sa bawat buto ng aking katawan. Bawat pakong tumusok sa Kanyang Laman, ay tumusok sa akin. Bawat suntok at sipa na tinanggap Niya mula sa Kanyang mga taga-usig, ay naramdaman ko rin. Naramdaman ko ang kaparehong pagdurusa, kahit na wala ako sa malaking bahagi ng pagpapahirap sa Kanya, na itinago sa akin at sa Kanyang mga alagad.
Ngayo’y kasama kong nagdurusa ang aking Anak, kapareho rin noon, pag Siya’y nilalait sa mundo ngayon at pinagtatawanan sa harap ng mga tao, sa entablado at sa media, lalo na ng mga atheist na hindi naniniwala sa Diyos, at ako’y mapait na naiiyak.
Pag nakikita ko ang aking mahal na Anak na lumuluha dahil sa mga kasalanang araw-araw Niyang nasasaksihan, lumuluha rin akong kasama Niya. Nakikita ko, nadarama at nasasaksihan ang patuloy Niyang pagdurusa para sa sangkatauhan.
Si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng Sangkatauhan, ay nagdusa para sa inyong lahat, pero mahal na mahal Niya kayong lahat.
Gagawin ko lahat kong magagawa para tuparin ang Kanyang pinakamimithi na iligtas bawat kaluluwa sa Lupa sa kuko ni Masama.
Pag nagtagumpay na ang Misyong ito, doon at doon lang ako matutuwa sa pangwakas na kapayapaan, pag napagsama-sama ko na at napagkaisa ang aking mga anak sa Bagong Paraiso.
Ipanalangin mo, anak ko, na yung lahat ng mananalangin para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ay ipanalanging wala ni isang kaluluwa ang maiitsa-pwera.
Lakad na sa kapayapaan, at ipagpatuloy mo ang mahalagang Misyong ito para sa aking minamahal na Anak.
Poprotektahan kita sa bawat sandali.
Ang iyong minamahal na Ina
Reyna ng Langit
(Ang Mensaheng ito ay natanggap pagkatapos ng Misa at pagkatapos na pagkatapos ng isang pribadong aparisyon sa harapan ng kanyang estatwa, at tumagal ito nang 20 minuto, kung saan ang Birheng Maria ay nanatiling taimtim habang ang belo niya’y pinapaspas ng hangin.)
Mga Pagtatangkang magpasok ng Pandaigdig na Pera sa Europe
Biyernes, December 9, 2011 10:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, gustung-gusto Ko sana na ang Aking mga anak, lalo na yung mga nagdurusa sa Europe sa ilalim ng pag-usig, ay lalapit sa Aking Ama para humingi ng tulong.
Ang masamang grupo, na paulit-ulit Ko nang binanggit, ay kumikilos na palapit sa kanilang mga pagtatangkang kontrolin lahat Kong kawawang anak sa bahaging ito ng mundo.
Sila, ang mga inosenteng pang-sanla sa isang walang-awang plano na magpasok ng isang Pandaigdig na Pera para kontrolin ang buong Europe, ay kailangan nilang taimtim na manalangin ngayon para humingi ng tulong sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Huwag kayong susuko, mga anak, sa pag-usig na ginagawa sa likod ng mga saradong pinto. Ipanalangin nyong mabawasan ang tindi ng mga pangyayaring ito. Manawagan kayo sa Ama, sa Ngalan Ko, ang Kanyang minamahal na Anak na si Jesucristo, para maiwasan ang krisis na ito at sabihin:
“Diyos Ama, sa Ngalan ng Inyong minamahal na Anak na si Jesucristo, isinasamo namin sa Iyo na pigilan ang kasuklam-suklam na pagkontrol sa Iyong mga anak. Protektahan Mo nawa lahat Mong anak sa mga nakakakilabot na mga panahong ito para makatagpo kami ng kapayapaan at dignidad na mamuhay na ligtas kay Masama.”
Anak Ko, ang panalangin ay kayang wakasan, at wawakasan nga nito, ang masasamang planong ito.
Gaya ng sinabi Ko na, paparusahan ng Diyos Amang Walang-hanggan yung mga may kagagawan ng masamang planong ito kung hindi sila babalik sa pananampalataya sa kanilang Maykapal na Makapangyarihan-sa-lahat.
Manalig kayo sa Akin. Manalig kayo sa Aking Amang Walang-hanggan at ipanalangin nyo na ang pag-usig na ito ay mapigilan bago pa makita nang tuluyan ang tunay na plano para puksain, kontrolin at pinsalain ang mga kaluluwang ito.
Ang inyong minamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Paglipat tungo sa Bagong Paraiso ay magiging mabilis at walang pagdurusa
Linggo, December 11, 2011 12:45 pm
Ngayong araw ay dumarating Ako nang may malaking tuwa sa Aking Sagradong Puso bilang iyong Kabiyak. Ikaw, anak Ko, ay tinanggap mo ang pinaka-sagradong kahilingang ito na sumama sa Akin para magligtas ng mga kaluluwa.
Malaki ang aasahan sa iyo ngayon sa pamamagitan ng iyong mapagpakumbabang pagsunod. Mawawala ang takot habang ikaw ay umuunlad, dahil sa espesyal na kahilingan, na ialay mo ang iyong buhay sa nag-aapoy Kong hangarin na iligtas ang sangkatauhan mula sa kailaliman ng Impiyerno.
Ang iyong Gawain, na ginabayan ng Aking Dibinong Kamay, ay lubos nang sagrado at ligtas sa anumang panghihimasok ni Masama.
Wala nang mga pagdududa pang aatake sa iyo pero dapat mo itong malaman. Ang Salita Ko sa iyo ay babastusin at gugutay-gutayin. Gagawin na ngayon lahat ng pagtatangkang bastusin ang mga Banal na Mensaheng ito pati na mula sa mga nagsasabing kilala nila Ako.
Mula ngayo’y matatanggap mo na ang iyong pagdurusa nang may lubos na pagsuko at tuwa sa iyong kaluluwa. Ang Aking lakas, na ibinibigay sa iyo ng Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay ikakagulat mo. Maninindigan ka nang may lubos na lakas ng loob para ibigay ang Aking Salita sa buong mundo.
Walang sinumang tao na pipigil sa iyo o mapipigilan ka sa Gawaing ito. Walang sinumang tao ang makakapigil sa iyo sa pinaka-sagrado at purong panawagan mula sa Kalangitan.
Ikaw, anak Ko, ay handa na para maging isang lubid na pan-sagip para sa mga kaluluwang yun na lumulutang papunta sa ilang. Tutugon sila sa panawagan ng Mga Mensaheng ito gaano man katigas ang kanilang mga puso. Maraming hindi malalaman kung bakit nangyayari ito sa kanila. Ang Kapangyarihan ng Espirito Santo, na magsisindi ng isang apoy ng pagmamahal at tuwa sa kanilang mga kaluluwa, ang siyang magpapalapit sa kanila sa Akin sa pamamagitan nitong Aking mga kahilingang kailangang-kailangan, na dalhin ang Aking mga anak pabalik sa Aking Sagradong Mga Braso.
Salamat sa pagtugon mo sa aking natatanging kahilingang ito na maging kabiyak Ko sa tuluyang pagkakaisa sa Akin. Ang kasunduang ito, na isinusuko mo na sa Akin nang lubusan ang iyong kaluluwa, ay ibibigay sa Akin ang kalayaang kailangan Ko para matagumpay na tapusin ang Misyong ito, na para rito kaya ka pinili.
Sige na, mahal Kong anak, at tulungan mo Akong matupad ang Aking pangako sa sangkatauhan. Ang Aking pagbabalik ay para bawiin ang Aking mahal na mga anak at isama sila sa Bagong Panahon ng Kapayapaan. Ang paglipat na ito ay magiging mabilis at walang pagdurusa dahil sa iyong regalo sa Akin.
Sabihin mo sa Aking mga anak, na tumataba ang Puso Ko sa tuwa sa panahong ito, habang nalalapit na ang panahon para ipagdiwang ang Aking kapanganakan.
Mahal Kita.
Ang iyong minamahal na Tagapagligtas at Manunubos
Jesucristo
Diyos Ama: Pangako ng Proteksyon para sa mga tumatanggi kay Jesus
Linggo, December 11, 2011 3:30 pm
Mahal Kong anak, salamat sa iyong pagtugon sa mahalagang panawagang ito mula sa Makalangit na Kaharian nang hilingin Ko sa iyo na tanggapin mo ang Mistikong Pakikipag-isa sa Aking mahal na Anak na si Jesucristo.
Ako ay Nasa Aking Anak na si Jesus, kung paanong Siya ay Nasa Akin, at pinagkakaisa Kami ng Pag-ibig ng Espirito Santo. Kaya ang iyong kaluluwa ay ngayo’y nakabuklod na sa Akin at lahat ay magiging mas malinaw na sa iyo.
Anak Ko, hinuhulma ka para maging nilikhang naaayon sa kagustuhan Ko, para lubos kang maging karapat-dapat sa Dibinong Misyong ito. Binigyan ka ng mga luha ng Dibinong panghihimasok para kaagad mong makilala itong bago at di-inaasahang pagtawag. At ngayong nakaiyak ka na, huwag ka na ulit iiyak dahil kaligayahan na lamang ang maghahari sa iyong kaluluwa mula ngayon.
Anak Ko, nalulungkot Ako dahil wala nang kumikilala sa Akin sa mundo. Marami ang tuluyan na Akong kinalimutan. Bale-wala na Ako sa marami sa Aking mga anak.
Kailangang tulungan mo Ako, anak, pag ipinapakita Ko ang Aking Presensya, para makilala Ako sa pamamagitan ng panalangin.
Ipanalangin mo naman na ang buong sangkatauhan ay tatanggapin ang Regalong Bagong Buhay, na ibibigay na ngayon sa kanila ng Aking minamahal na Anak na si Jesucristo.
Walang sinuman ang talagang nauunawaan ang Aking pag-aalala sa mga kaluluwang yun na itinatanggi Ako o ang Pag-iral ng Tagapagligtas na sinugo Ko sa mundo.
Ang kawawang mga kaluluwang ito, na punung-puno ng mga pangangatwiran ng isip, na ginagamit para buong-yabang na ibasura ang Aking Pag-iral, ay wala na sa Akin ngayon. Ang tanging kaligtasan na lamang nila – dahil marami ang tatanggi sa alok ng Dibinong Awa habang nangyayari Ang Babala – ay sa pamamagitan na lamang ng panalangin nung mga anak na nagmamahal sa Ama.
Napakarami sa mga hindi tumatanggap sa Akin, ay halos wala pa namang alam tungkol sa Akin. Ako ay isang Diyos ng Maka-amang Pagmamahal, isang makalangit na Ama Na tinitingnan ang bawat anak Ko, ang malakas, ang mahina, ang maysakit, ang mabuti at ang masama.
Walang iniitwa-pwera sa Aking walang-hanggang Pag-ibig, gaano man kaitim ang kaluluwa nila.
Hinihimok Ko kayo, mga anak, na manalangin sa Akin, sa Ngalan ng Aking Anak, bilang pagbabayad-puri para sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan.
Babalutin na ngayon ng Aking Anak ang buong sangkatauhan, at pagkatapos ng Pagliliwanag ng Konsiyensya, talagang kakailanganin na sa bahaging ito ang inyong mga panalangin. Ang inyong mga panalangin, mga anak, ay tutulong para sagipin yung mga taong buong-yabang na tatanggihan ang Awang ipapakita ng Aking Anak sa kanila.
Taimtim Kong ipinangangako, mga anak, na yung lahat na mananawagan sa Akin, alang-alang sa Aking minamahal na Anak na si Jesucristo, para iligtas ang inyong mga kapatid, ay sila’y bibigyan ng agarang proteksyon. Mga espesyal na grasya ang ibibigay sa bawat isa sa inyo na mangangako ng isang buong buwan ng panalangin para sa kanilang mga kaluluwa.
Ito ang hinihiling Kong sabihin nyo:
“O makalangit na Ama, sa pamamagitan ng Pag-ibig ng Iyong minamahal na Anak na si Jesucristo, na ang Kanyang Paghihirap sa Krus ay iniligtas kami sa kasalanan, iligtas Mo nawa yung lahat ng tumatanggi pa rin sa Iyong Kamay ng Awa. Pabahain Mo sa kanilang mga kaluluwa, mahal na Ama, ang Iyong palatandaan ng Pagmamahal. Isinasamo ko sa Iyo, makalangit na Ama, na dinggin ang aking panalangin at iligtas ang mga kaluluwang ito mula sa walang-hanggang hatol. Sa pamamagitan ng Iyong Awa, payagan mo silang mauna sa pagpasok sa Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Amen.”
Ang inyong makalangit na Ama
Diyos na Kataas-taasan
(Punang paliwanag: ang proteksyon ay ibibigay sa mga ipinanalangin nyo.)
Ang espiritwal na selos ay isang nakakakilabot na bagay
Lunes, December 12, 2011 7:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang espiritwal na selos ay isang nakakakilabot na bagay, at ito’y sakit ng marami sa Aking mga bisyonaryo.
Sakit din ito nung Aking mga alagad na akala nila’y sila’y initsa-pwera na at medyo dismayado pag Ako’y pumipili ng ilang kaluluwa para tulungan Akong iligtas ang sangkatauhan. Sa halip nito, dapat nilang malaman na mahal Ko silang lahat nang pantay-pantay.
Nadudurog talaga ang Puso Ko lalo na pag mga piniling kaluluwa pa naman ang nagkakatakutan.
Bawat kaluluwang Aking pinipili ay binibigyan ng ibang gawain at sinasabihang sumunod sa ibang daan. Ang pagkakapareho ay laging iisa lamang. Gusto Ko, na lahat Kong bisyonaryo at propeta ay magsagawa ng isang Sagradong Misyon na magligtas ng mga kaluluwa.
Gumagamit Ako ng iba’t ibang kaluluwa, na may kababaang-loob, para magawa Ko ang Aking mga pakay. Si Satanas naman ay laging tatangkaing ibaling ang puso ng Aking mga piniling kaluluwa sa pamamagitan ng pagtudyo sa kanila. Alam niya kung saan patatamaan ang pinaka-sensitibong parte ng kanilang kaluluwa at sasabihing mas importante kaysa kanila yung ibang piniling mga kaluluwa.
Pagkatapos ay lilikha siya ng sama ng loob sa kanilang puso, pati na pagseselos. Ang ibig sabihin nito ay sa halip na magmahalan sila at manatili sa kalagayan ng grasya, ay natutukso silang maliitin ang isa’t isa. Marami pa ngang beses ay nag-iitsa-pwerahan sila at pinapapasok sa kanilang kaluluwa ang kasalanang kayabangan.
Ang dami sa Aking mga alagad ay hindi lang nangungunsumi sa aking mga piniling bisyonaryo at propeta, kundi tinatrato pa nila nang may panlalait, kung paanong Ako’y trinato ng mga Pariseong akala’y laging sila ang tama.
Noong panahong Ako’y nasa Lupa pa, wala na silang ginawa kundi himayin nang himayin ang bawat Salitang nagmumula sa Aking Mga Labi. Lahat na nang tusong pagkuwestyon ay ginawa para tisurin Ako at patunayang Ako’y isang sinungaling. Ganun din tatratuhin ang Aking mga propeta at bisyonaryo ng modernong panahong ito.
Pinapahirapan ni Satanas ang Aking mga alagad na yun sa pagtatanim ng mga duda sa kanilang isipan tungkol sa Aking mga sugo, dahil gusto niyang sirain ang kredibilidad ng Aking Banal na Salita. Yun ang kanyang pakay.
Taimtim nyong ipanalangin na bawat isa sa inyo ay mabigyan ng mga grasya para respetuhin ang Aking Salita sa pamamagitan ng panulat ng Aking mahal na mga propeta.
Mga bisyonaryo – huwag na huwag kayong mahuhulog sa bitag na bumigay sa espiritwal na pagseselos. Wala ito sa lugar at tinutusok nitong parang patalim ang Aking Puso.
Magmahalan kayo.
Magpakita kayo ng respeto at dignidad para sa isa’t isa sa Ngalan Ko.
Yun ang pinakamahalagang leksyon.
Kung nahihirapan kayong gawin ito, mawawalan ng saysay lahat ng iba pang gagawin nyo para sa Akin.
Ang inyong Guro at Tagapagligtas
Jesucristo
Hindi Ko makayanang isipin yung mga kaluluwang kinakaladkad ni Satanas patungo sa Impiyerno
Martes, December 13, 2011 8:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, importante ang mga paghahanda para sa lahat Kong alagad habang palapit na nang palapit Ang Babala.
Ang lahat ng mananampalatayang yun ay kailangang taimtim na manalangin para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, para maiwasan ang hapdi ng Purgatoryo, na mararanasan ng karamihan sa mga tao sa mundo pagkatapos na pagkatapos na mangyari Ang Babala, sa loob ng maikling panahon.
Manalangin, ipanalangin nyo yung lahat ng mato-troma pag nakita nila ang kalagayan ng kanilang mga kaluluwa, sa sandaling ibunyag na sa kanila ang kanilang mga kasalanan habang nangyayari Ang Babala.
Dapat na maintindihan nila na ang kanilang mga kasalanan ay kailangang ibunyag sa kanila, bago sila malinis mula sa lahat ng kasalanan, para makapasok sila sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa – ang Bagong Panahon ng Kapayapaan, Pag-ibig at Kaligayahan, na dapat manahin ng bawat isa sa Aking mga anak.
Nag-uumapaw sa Kaligayahan ang Aking Puso dahil dala Ko ang dakilang Regalong ito sa sangkatauhan. Ganun pa man, hindi pa rin nawawala ang Aking lungkot dahil sa mga yun na basta na lang tatanggi sa tyansa na magkaroon ng Bagong Buhay na ito.
Kailangan Ko ng napakaraming panalangin, mga anak, para mapigilan si Satanas na nakawin ang kanilang mga kaluluwa. Patuloy niya itong gagawin hanggang sa kahuli-hulihang sandali.
Hindi Ko makayanang isipin yung mga kaluluwang aagawin sa Akin, na nagsisisigaw at nagpapapadyak sa pagtutol habang sila’y kinakaladkad ni Satanas at ng kanyang mga kampon patungo sa malalalim na lugar ng Impiyerno.
Tulungan nyo Ako, mga anak, para mapigilan ito sa pamamagitan ng inyong mga panalangin. Mga anak, kailangang tuluyan nang tanggihan ng mga kaluluwang ito si Satanas at ang kanyang mga gawi, para sila makapasok sa Bagong Paraiso. Kailangang lumapit sila sa Akin nang kusang-loob o huwag na lang.
Dalawa ang kanilang pagpipilian, ang Bagong Paraiso sa Lupa o ang malalalim na lugar ng walang-hanggang hatol kasama ni Satanas. Huwag na huwag nyong pagdududahan na meron ngang Impiyerno, mga anak. Alam nyo ba, bawat umitim na kaluluwa, pagkamatay, ay kinakaladkad ng mga demonyo ni Satanas tungo sa Impiyerno at pahihirapan magpakailanman. Ang dami niyang pangako, yun pala’y gagawa lang siya ng nakakakilabot na kalagayan ng pagdurusa para sa mga kaluluwang yun. Dahil sa pagkasuklam niya sa sangkatauhan, ang mga kaluluwang ito ay magdurusa nang higit pa sa kanilang makakayanan. Pero kailangang magtiis sila magpakailanman.
Di ba alam ng mga kaluluwang ito kung anong idinudulot ng mga pangako ni Satanas? Di ba nila alam na ang mga kayamanan, kasikatan at kaakit-akit na materyalismo ay lilikha ng isang maluwag na daan diretso sa mga braso ni Masama?
Gising, lahat kayo, habang nagagawa nyo pa. Iligtas nyo ang inyong sarili at yung mga kawawa at iniligaw na mga makasalanan, sa nakakakilabot na wakas na ito ng inyong pag-iral.
Wala na kayong masyadong oras.
Simulan nyo na ngayong araw ang panalangin para sa mga kaluluwang ito.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Ang Ikalawang Pagdating ay mangyayari konting panahon lang pagkatapos ng Babala
Miyerkules, December 14, 2011 7:15 pm
Pinakamamahal Kong anak, kailangang lagi kang manalig sa Akin at alam mo ba, wala ni isang Mensahe na ibinigay sa iyo ay madudungisan.
Matatag ang hawak sa iyo ng Aking Kabanal-banalang Puso at ang iyong kamay ay ginagabayan ng Aking Kamay.
Tanging ang Aking Banal na Salita lamang ang maaari mong isulat at maisusulat mo nga para ibigay ang Aking Mga Mensahe para sa buong sangkatauhan.
Huwag mo nang patuloy na tangkaing malaman ang petsa ng Babala. Hindi Ko pwedeng ibunyag ang petsang ito, dahil hindi yun naaayon sa Loob ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang Babala ay mangyayari sa pinaka-di-inaasahang panahon at pag ang tao ay di handa. Konting konting panahon na lang, kaya gugulin nyo ang pinakamaraming oras na pwede para sa inyo, sa taimtim na panalangin para iligtas ang mga kaluluwa. Lahat ng kaluluwa.
Iniurong na ang parusa, at mangyayari na lang ito pag ang tao ay hindi nagawang magsisi at napakarami ang bumalik sa kanilang masasamang asal pagkatapos mangyari Ang Babala.
Nagbigay na ang Aking Ama ng pahintulot na i-anunsyo ang Aking Ikalawang Pagdating sa loob ng napakaikling panahon sa Lupa. Mangyayari ito konting panahon lang pagkatapos ng Babala. Lahat ng kaluluwa ay kailangang maghanda na nang husto.
Ang sunod na Krusada ng Panalangin para iligtas ang kaluluwa ay ang sumusunod:
“O Almighty Father, God the Most High, please have Mercy on all sinners. Open their hearts to accept salvation and to receive an abundance of graces. Hear my pleas for my own family and ensure that each one will find favour in Your loving Heart.
O divine heavenly Father, protect all Your children on Earth from any nuclear war or other acts which are being planned to destroy Your children. Keep us from all harm and protect us. Enlighten us so we can open our eyes to hear and accept the Truth of our salvation without any fear in our souls.”
Hayo na sa Kapayapaan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas
Jesucristo
Ang aking mga anak ay nahubaran sa taon na ito ng Paglilinis
Huwebes, December 15, 2011 8:55 pm
Pinakamamahal Kong anak, ang taon ng paglilinis ay halos tapos na at, dahil dito, ang Aking mga anak sa lahat ng lugar ay handa na para sa Babala.
Marami sa Aking mga anak ay sobrang nagdusa sa 2011. Mga giyera, karahasan, pagpaslang at pagkasuklam, lahat ng ito ay plinano ng hukbo ni Satanas, at pumilay at pumatay sa mga mga kaluluwa Kong yun na mahal sa Akin. Ang masasamang puwersang ito ay magtitiis ng isang nakakakilabot na parusa pag hindi sila nagsisi pagkatapos mangyari Ang Babala.
Marami sa Aking mga anak ay nahubaran ng mga materyal na ginhawa at nagdusa ng mga paghihirap na hindi pa nila dati nararanasan.
Ang mga pagsubok na ito ay nilikha at inihampas ni Satanas sa sangkatauhan, pero pinayagan Ko para linisin ang mga kaluluwa. Malupit, pwede mong isipin, anak Ko, pero kinakailangan para ihanda ang sangkatauhan at para magkaroon ng kababaang-loob sa kanilang mga kaluluwa. Ngayon, mas malinis na sila sa Mata Ko, at ang kanilang mga puso ay nabuksan na para tanggapin ang Katotohanan ng kanilang buhay na walang-hanggan. Ang ibig sabihin nito’y mas kokonti na ang magdurusa habang nangyayari Ang Babala dahil dumaan na sila sa pag-usig na ito.
Handa na ngayon ang Aking mga anak para tanggapin ang Aking Regalong Awa. Halos dumating na ang panahon sa mundo. Maging pasensyosa ka, anak Ko. Huwag na huwag mo Akong aasahang magbigay ng petsa sa mundo, dahil hindi ito para malaman mo gaya ng sinabi Ko na nang maraming beses sa iyo noon.
Manalig ka ng lubos sa Akin at magkakaroon ka ng kapayapaan.
Dadalhin Ko ang Aking Regalong Babala sa tamang panahon at kung kailan ito pinaka-di-inaaasahan ng Aking mga anak.
Ang inyong minamahal na Jesus
Manunubos ng Sangkatauhan
Birheng Maria: ang propeta ng pangwakas na panahon ay ginagabayan ng Kalangitan
Biyernes, December 16, 2011 8:35 pm
Anak ko, dumarating ako para bigyan ng ginhawa ang iyong puso. Ikaw, ang aking malakas na anak, mula ngayo’y makakayanan mo nang tiisin ang pagdurusa sa puntong buong-puso mo na itong tatanggapin, kaya napatunayan na ang iyong katatagan sa laban para ipahayag ang Salita ng aking mahal na Anak na si Jesucristo.
Pagod na pagod ka na, anak. Bawat araw ay may dalang bago at mas maraming hamon sa Gawaing ito, at marami rito ay mahirap gawin.
Ngayon na ang panahon para kunin ang iyong armor nang di natatakot. Lusob at ipaglaban ang aking Anak para siguraduhing ang Kanyang Banal na Salita ay mabilis na maririnig sa buong mundo, sa pinakamabilis na paraang pwede mong gawin. Huwag kang mag-aatubili. Huwag mong papayagang guluhin ka.
Mahal kita, anak ko. Todong protektado ka sa pinsala. Di mo ba napapansin kung paanong halos di ka na naaapektuhan ngayon pag inaatake ka ng iba dahil sa Gawaing ito? Ito ang grasyang armor.
Labanan mo si Satanas gamit ang iyong hukbo ng mga mandirigma at tulungan mong iligtas ang buong sangkatauhan.
Ikaw ang tunay na propeta ng pangwakas na panahon, na ginagabayan ng Kalangitan para tulungang magbalik-loob ang mundo. Agad kang padadalhan ng tulong. Maghanda. Matuwa, dahil ito’y isang dakilang Regalo.
Ginagabayan ka sa bawat hakbang mo, kaya manalig ka na lang kay Jesus at sundin ang aking makalangit na Ama sa lahat ng oras.
Maging matapang ka at matatag, at magmartsa ka nang walang takot sa iyong kaluluwa.
Ang iyong makalangit na Ina
Reyna ng Mga Anghel
Birheng Maria: Ang Pag-asa ay di dapat talikuran dahil sa takot
Sabado, December 17, 2011 3:30 pm
Anak ko, kailangang masabihan agad ang mundo tungkol sa Pag-ibig at Awa ng aking Anak na si Jesucristo para sa bawat tao sa Lupa.
Mahal Niya ang bawat isa, pati na yung maligamgam ang mga kaluluwa at yung mga di Siya kilala.
Huwag na huwag mong pagdududahan na ang mismong mga taong ito, na maaaring kulang sa espirito, ay mahal na mahal Niya. Mabibigyan sila ng malaking pag-asa pag sila’y binalot na ng Awa ng aking Anak.
Magdiriwang ang Langit pag ang mga taong ito ay namulat na sa Katotohanan habang nangyayari Ang Babala. Sa puntong ito nila tatanggapin ang Pag-ibig at Pag-asa na ibibigay sa kanila. Ito ang pinakadakilang Regalong tatanggapin nila sa buong buhay nila sa Lupa.
Anak ko, hinding hindi dapat kokondenahin ng mga tao yung mga di-nagpaparangal sa aking Ama. Hinding hindi sila dapat mawalan ng pag-asa para sa mga tumatanggi rin sa aking Anak. Malalim at magiliw ang pagmamahal ng aking Anak sa mga kaluluwang ito, at ang gusto lang Niya ay iligtas sila.
Ang pag-asa, anak ko, ay isang Regalo mula sa Diyos Ama. Hindi ito dapat talikuran dahil sa takot o pagka-negatibo. Walang-hanggan ang Awa ng aking Anak. Ibibigay ito sa bawat isa sa inyo, at malapit na yung mangyari.
Pag-asa at tuwa ang dapat mangibabaw sa inyong isip, mga anak, dahil malapit nang ibigay ng aking Anak ang isang napakadakilang Regalo sa Kanyang mga anak para iligtas ang mundo.
Gusto Niyang ang buong sangkatauhan ay maging kabahagi ng dakila at maluwalhating Panahong ito ng Kapayapaan, na naghihintay sa inyong lahat.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na lahat ng kaluluwa sa Lupa ay mainit na tatanggapin ang mapagmahal na Regalong ito nang may bukas at mapagkumbabang puso.
Ang Babala ang magiging paraan para maipakita na sa sangkatauhan, sa wakas, ang Awa ng Diyos.
Pagkatapos nyun, wala nang duda kung gaano kalaki ang pagmamahal at pagkagiliw Niya sa lahat Niyang anak.
Ang inyong minamahal na Ina
Reyna ng Kalangitan
Manalangin gaya ng di nyo pa kailanman nagawa noon
Linggo, December 18, 2011 3:10 pm
Pinakamamahal Kong anak, yung mga taong napakalayo sa Akin ang siyang pinakamalaki Kong pinoproblema.
Bawat pagsisikap ay kailangang gawin ng Aking mga alagad para ikalat ang Aking Panalangin sa Aking Amang Walang-hanggan, na ibinigay sa iyo, para ipagmakaawa ang proteksyon para sa kanilang mga kaluluwa (Crusade Prayer 13).
“O heavenly Father, through the Love of Your beloved Son, Jesus Christ, whose Passion on the Cross saved us from sin, please save all those who still reject His Hand of Mercy. Flood their souls, dear Father, with Your token of Love. I plead with you heavenly Father, hear my prayer and save these souls from eternal damnation.
Through Your Mercy allow them to be the first to enter the New Era of Peace on Earth. Amen.”
Hinihimok Ko lahat ng mananampalataya na bumabasa nitong Aking Mga Banal na Mensahe na ibinigay sa mundo, na manalangin gaya ng di nyo pa kailanman nagawa noon.
Kailangan Ko ang inyong debosyon para siguraduhing lahat Kong anak ay tatanggapin ang Aking Regalo nang may pagmamahal at tuwa sa kanilang puso.
Hindi sila dapat matakot, dahil dumarating Akong dala ang isang Regalo ng Pag-ibig at Awa.
Ang inyong Jesus
Manunubos at Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan
Ang mga makasalanang lumalapit sa Akin ay nakakatagpo agad ng tulong
Martes, December 20, 2011 8:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, bakit ba sa pakiramdam ng Aking mga anak ay sobrang inabandona na sila sa mundo ngayon?
Bakit ba sila nadidisispira ng lungkot at pangungulila samantalang ang kailangan lang naman nilang gawin ay manawagan sa Akin, ang kanilang Jesus, para bigyan sila ng kaginhawahan?
Bawat isa sa kanila ay kailangang lumapit at hingan Ako ng tulong. Sasagutin Ko bawat panalangin. Wala ni isang kahilingan ang di pakikinggan at ang kanilang mga panalangin ay sasagutin ayon sa Aking Banal na Loob.
Ang daming nakakalimot na pag sila’y lumapit sa Akin, lagi Akong nakatayong katabi nila.
Bawat kaluluwa sa Lupa ay mahalaga sa Akin.
Kung alam lang sana nila na sobra Kong ikinatutuwa pag nilalapitan nila Ako para hingan Ako ng tulong.
Lalo pa Akong natutuwa at naliligayahan pag mga makasalanan ang humihingi ng tawad sa Akin at pinagsisisihan ang kanilang mga kasalanan.
Ito ang mga kaluluwang nakakatagpo agad ng tulong. Sabihin mo sa kanila na huwag na huwag silang matatakot na lumapit sa Akin, dahil Ako Siyang Maawaing-lagi. Ang ginhawang kanilang nararamdaman pagkatapos, ay isang grasyang Aking ibinibigay sa mga may mapagmahal at tapat na puso.
Ito ang panahon ng taon na ang Aking Awa ay pinakasaganang ibinubuhos sa buong mundo. Kaya lapit na kayo ngayon sa Akin para sa lakas at mga grasyang kinakailangan para tulungan kayong matagalan ang inyong mga pagsubok sa mundo.
Ang inyong Jesus
Tagapagligtas at Manunubos ng Sangkatauhan
Kahit ang kasalanang pagpatay ay pwedeng patawarin
Miyerkules, December 21, 2011 8:10 pm
Pinakamamahal Kong anak, Ako ito.
Ngayong gabi, dumarating Ako para bigyan ng ginhawa ang mga makasalanang akala’y di sila karapat-dapat humarap sa Akin.
Nananawagan Ako sa ilan sa inyo na mga kawawa at pinahihirapang mga kaluluwa, na akala’y sobrang nakakasuklam na ang inyong mga kasalanan kaya di Ko na kayo pwedeng patawarin.
Maling-mali kayo.
Di nyo ba alam na wala ni isang kasalanan na di Ko pwedeng patawarin?
Bakit kayo takot na takot?
Di nyo ba alam na kahit na ang pinakagrabeng kasalanang pagpatay ay pwedeng patawarin? Lahat ng kasalanan ay pwedeng patawarin at patatawarin nga, basta magpakita lang ng taos-pusong pagsisisi.
Naghihintay Ako. Pagbuksan nyo Ako ng inyong puso. Magtapat kayo sa Akin. Ako na lang siguro ang tunay na kaibigang meron kayo, dahil sabihin nyo na sa Akin kahit na ano, at hindi pa rin Ako masa-shock.
Ang kasalanan ay isang katunayan ng buhay. Napakakonting kaluluwa, kasama na yung mga piniling kaluluwa, ang makakapanatili sa kalagayan ng grasya nang matagal.
Huwag na huwag nyong iisipin na hindi nyo pwedeng ikumpisal ang inyong mga kasalanan, gaano man kagrabe ang mga ito.
Kung katatakutan nyo ako at patuloy kayong tatalikod, lalo lamang kayong mapapalayo sa Akin.
Marami sa Aking mga anak ang akala’y di sila karapat-dapat sa Aking Pagmamahal. Pero mahal Ko naman lahat pati na mga tigasing makasalanan. Hindi Ko kinukunsinti ang kasalanan. Hinding hindi Ko yun magagawa. Pero mahal Ko ang makasalanan.
Dahil nga sa kasalanan kaya Ako sinugo sa inyong mundo bilang isang Tagapagligtas para kayo’y mapatawad.
Para mapatawad, kailangan kayong humingi ng tawad. Pag gusto nyong mapatawad, kailangan nyo munang maging mababang-loob. Dahil kung walang kababaang-loob, walang tunay na pagsisisi.
Ako, ang inyong Tagapagligtas, ay nagmamakaawa sa inyo, na huminto at pag-isipan kung paano kayo namumuhay. Dalawa lang naman ang paraan. Ang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng inyong mabubuting gawa at mahalin ang kapwa, o ang hindi.
Hindi nyo naman kailangang makilala Ako para mahalin Ako, mga anak. Sa inyong mga gawa, sa inyong pagmamahalan, sa kabaitan at kagandahang-loob na ipinapakita nyo sa iba, ipinapakita nyo na ang inyong pagmamahal sa Akin kahit hindi nyo namamalayan.
Mapapatunayan nyo rin ang pagmamahal nyo sa Akin sa pamamagitan ng kababaang-loob, pag nagpapakita kayo ng tunay na pagsisisi para sa lahat nyong nagawang kamalian sa inyong buhay.
Sa palagay nyo, ano pa ang paraan para mapalapit kayo sa Aking Puso?
Huwag na huwag kayong matatakot na lapitan Ako. Hindi Ako kailanman malayo.
Halina kayo sa Akin para mapakain Ko ang inyong kaluluwa at mabigyan Ko kayo ng kapayaang inyong pinananabikan.
Ang inyong minamahal na Jesus
Birheng Maria: Ang planong tubusin ang sangkatauhan, para sa Ikalawang Pagdating ay kumpleto na
Huwebes, December 22, 2011 9:30 pm
Anak ko, kailangang ang mundo’y maghanda na para sa aking Anak sa pamamagitan ng panalangin.
Ang plano ng aking mahal na Anak na tubusin ang sangkatauhan para sa Ikalawang Pagdating, ay kumpleto na.
Ibinigay na ang panahon para maikalat ang pananampalataya sa pamamagitan ng Mga Dibinong Mensaheng ito at ng iba pa.
Kahit isang maliit na grupo lang ng mga Kristiyanong may debosyon, na ipinananalangin yung mga tumatanggi sa aking Anak, ay maaaring magligtas ng mga kaluluwang ito.
Anak ko, kailangang sabihin mo sa pinakamaraming alagad na pwedeng sabihan, na manalangin sila para sa proteksyon nung mga kawawang kaluluwang nasa kasalanan.
Hinihimok ko lahat ng alagad ng aking Anak, na huwag silang mawawalan ng pag-asa para sa buong sanlibutan.
Maraming kawawang kaluluwa ang hindi alam ang kanilang ginagawa pag itinatanggi nila ang Pag-iral ng Diyos Amang makalangit.
Ang kanilang isip ay dinidiktahan ng pangangatwirang pan-tao, kung saan lahat ng bagay ay base sa nakikita ng mata.
Hindi nila nauunawaan na ang Lupa ay isa lang planeta, na nilikha ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Panandalian lang ang lugar na ito.
Ang Bagong Paraiso ang kanilang Tunay na Mana.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ang mga anak na ito, para hipuin ng Espirito Santo ang kanilang mga kaluluwa at pagningasin ang pagmamahal sa kanilang puso para sa aking Anak.
Huwag na huwag nyong kakalimutan na ang Pasko ay isang Banal na Kapistahan para ipagdiwang ang Tagapagligtas na Siyang sinugo para bigyan kayo, lahat kong anak, ng buhay na walang-hanggan.
Ang inyong Pinagpalang Ina
Reyna ng Kalangitan
Diyos Ama: Ang Aking Anak ay sinusugo para angkinin ang Kanyang Nararapat na Trono
Sabado, December 24, 2011 6:00 pm
Anak Ko, kung paanong Ako’y nagsugo ng isang Tagapagligtas sa mundo sa unang beses para sagipin ang sangkatauhan, ganun din ngayon, na Ako’y handa na muling suguin ang Aking Anak na si Jesus, ang Manunubos ng sangkatauhan, para iligtas yung mga kaluluwang di na sana maililigtas pa.
Kailangang maintindihan ng Aking mga anak ang kahulugan ng parehong mapait at matamis na Sakripisyong ginawa Ko para sa sangkatauhan nang suguin Ko ang Aking Anak sa unang beses.
Nang mabatid Ko na ang tanging paraan lamang para tubusin ang sangkatauhan ay ang magsugo ng isang Tagapagligtas, alam Kong hindi Ako pwedeng umasa sa sinumang propeta o piniling kaluluwa para tiisin ang ganung Sakripisyo. Nagdisisyon Ako, sa pamamagitan ng Ikalawang Persona ng Aking Pagka-Diyos, na magsusugo Ako ng isang Anak para iligtas ang sangkatauhan. Ito na lamang ang tanging epektibong paraan para hadlangan ang mga plano ni Satanas, ganun nga kalaki ang Aking Pagmamahal sa Aking mga anak.
Ang subaybayan ang Aking Anak sa kanyang paglaki hanggang sa pagtanda, ay parehong nakakatuwa at masakit, dahil alam Ko kung ano ang naghihintay sa Kanya. Pero dahil sa malalim at magiliw na Pagmamahal na meron Ako para sa bawat isa sa Aking mga anak, bukal sa Kalooban Kong tiniis ang Sakripisyong ito para iligtas ang Aking pamilya.
Ngayong nalalapit na Ang Babala, inihahanda Ko na rin ang Mundo, sa pamamagitan ng Mga Banal na Mensaheng ito, para mapagmahal na tanggapin ang Aking Anak sa Ikalawang Beses.
Mga anak, nalalapit na ang Ikalawang Pagdating ng Aking minamahal na Anak. Sinusugo Siya para angkinin ang Kanyang nararapat na Trono sa panahong Siya’y Maghahari bilang Hari ng Sangkatauhan.
Ang Maluwalhating Pangyayaring ito ay magiging kamangha-mangha at ito na ang huling bahagi ng plano para iligtas ang sangkatauhan sa kasamaang umiiral sa inyong mundo. Malapit nang itapon palayo si Satanas. Ang kanyang mga alagad at yung mga maitim ang puso ay masisindak at madidismaya. Aasahan silang pumili sa puntong yun. Magpatirapa at humingi ng Awa at maligtas. O tanggihan ang dakilang Regalo, na ibibigay sa kanila. Mga anak, magkaisa, lahat kayo, at huwag matakot na kayo’y pagtawanan. Kayong lahat ay ginagabayan ng Espirito Santo at binibigyan ng proteksyon ng mga anghel at mga santo sa Langit. Nasa sa inyo na, Aking mga alagad, para ipahayag ang Salita at pangako ng Aking Anak, na Siyang may gusto, na ang Mga Mensaheng ito ay ikalat sa buong mundo.
Sa pamamagitan din ng inyong mga panalangin, kaya ang mga naliligaw na mga makasalanan ay masusungkit mula sa mga braso ni Masama.
Mga anak, kayo’y nasa mga unang bahagi ng pangwakas na laban. Ang ikalawa nyong pagkakataong magkaroon ng kaligtasang walang-hanggan ay ibinibigay na sa inyo sa pamamagitan ng Awa ng Aking pinakamamahal na Anak. Huwag nyong sayangin ang pagkakataong ito. Sumali kayo at makiisa sa inyong pamilya sa Langit para iligtas ang inyong mga kapatid sa Lupa.
Maging masaya kayo sa Paskong ito, dahil ito’y magiging isang espesyal na pagdiriwang dahil kailangan nyo nang tulungan ngayon ang mga kaluluwa para maghanda para sa Ikalawang Pagdating ng Aking Anak, pagkatapos mangyari Ang Babala.
Mahal Ko kayong lahat, mga anak. Tanggapin nyo ang Aking Pagmamahal. Akapin nyo Ako, ang inyong Amang Walang-hanggan, Na gagawin lahat ng pwedeng gawin para dalhin kayong lahat sa Bagong Panahon ng Kapayapaan.
Diyos Ama
Igalang ang kahalagahan ng Pamilya
Linggo, December 25, 2011 6:00 pm
Ngayong araw, anak Ko, ang selebrasyon ng Aking Kapanganakan. Espesyal na araw rin ito para sa mga pamilya.
Tandaan nyo, na ang Banal na Pamilya ay isinilang din sa araw na ito. Ang Banal na Pamilyang ito ay may kinalaman sa mga tao sa buong mundo ngayon.
Kung paanong lahat ng kaluluwa sa Lupa ay miyembro ng pamilya ng Aking Amang Walang-hangan, ganun din dapat igalang ng mga tao sa lahat ng lugar, ang kahalagahan ng pamilya.
Sa pamamagitan lamang ng pamilya naisisilang ang tunay na pag-ibig. Oo nga’t maraming pamilya sa mundo ang nagtitiis ng kaguluhan, galit at hiwalayan, pero importanteng intindihin ito.
Kung walang mga pamilya, hindi posibleng magkaroon ng buhay.
Ang pamilya ang kumakatawan sa lahat ng kagustuhan ng Aking Amang Walang-hanggan para sa Kanyang mga anak sa Lupa.
Ang pamilya, pag sama-sama, ay lumilikha ng isang matalik na pag-ibig na sa Langit lang nakikita. Sirain mo ang pamilya at sisirain mo ang purong pag-ibig na nananahan sa bawat kaluluwa, na bahagi ng pamilyang yun.
Gustong-gusto ni Satanas paghiwalayin ang mga pamilya. Bakit? Alam niya kasi na ang butil ng pag-ibig, na mahalaga para sa espiritwal na pag-unlad ng sangkatauhan, ay mamamatay pag ang pamilya ay napaghiwalay.
Ipanalangin nyo naman, mga anak, ang pagkakaisa ng pamilya. Ipanalangin nyo na ang mga pamilya ay manalangin nang sama-sama. Manalangin kayo para pigilan si Satanas na makapasok sa inyong tahanan ng pamilya.
Huwag na huwag nyong kalilimutan na kayong lahat ay miyembro ng pamilya ng Aking Ama, at dapat nyong gayanin ang pagkakaisang ito sa Lupa hangga’t maaari. Alam Kong hindi lagi ganito ang kaso, pero lagi nyong pagsikapang magkaroon ng pagkakaisa ang pamilya para manatili ang inyong pagmamahal sa isa’t isa.
Kung wala kayong pamilya sa Lupa, tatandaan nyo na kayo’y bahagi ng pamilyang nilikha ng Aking Ama. Pagsikapan nyong sumali sa pamilya ng Aking Ama sa Bagong Panahon ng Kapayapaan.
Manalangin kayo para sa mga grasyang kinakailangan para matagpuan ang inyong nararapat na tahanan sa Bagong Paraisong ito, na aanyayahan kayo para pumasok dito, sa Aking Ikalawang Pagdating.
Ang inyong minamahal na Jesus
Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Inakusahan Ako ng pagbaluktot ng pananampalataya at paglapastangan sa Diyos nang Ako’y lumakad sa Lupa
Lunes, December 26, 2011 3:50 pm
Ako ang iyong Jesus, na hindi ka kailanman iniiwan, gaano ka man nagdurusa. Ako ang Alpha at ang Omega, ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao at ipinanganak ng Kalinis-linisang Birheng Maria.
Pinakamamahal Kong anak, pagtagumpayan mo itong biglang bugso ng pagdurusa at huwag na huwag mong kakalimutan ang bilang ng mga kaluluwang inililigtas mo habang pinagdaraanan mo ito.
Ang Aking mga anak ay kailangang dumaan sa paglilinis para ang kanilang mga kaluluwa ay linisin sa panahong ito. Kaya kailangang masanay na sila rito. Marami sa Aking mga anak ay nililinis pa bago mangyari Ang Babala. Balang araw ay maiintindihan din nila kung bakit ito nangyayari sa kanila, anak Ko.
Lagi mong kasama ang mga anghel, sa paraang di pa dati nangyari. Dahil ikaw, anak Ko, ay aakit ng pinakamaraming pag-atake pa kaysa dati, dahil sa Mga Mensaheng ito.
Bawat Salitang sasabihin Ko ngayo’y gugutayin.
Bawat leksyon at Katotohanang Aking sisikaping ibigay ngayon sa mundo, ay kukuwestyunin at ituturing na mapaglapastangan sa Diyos.
Siniraan din ang Aking Banal na Salita nang ituro Ko ito sa Aking mga alagad, noong Ako’y naglalakad pa sa Lupa.
Inakusahan Ako ng pagbaluktot ng pananampalataya, paglapastangan sa Diyos at pagkunsinti sa mga makasalanan, noong Ako’y naglalakad kasama ng Aking mga kababayan. Ang salita Ko’y hindi tinanggap noon sa maraming lugar at lalo na sa hanay ng mga pari at mga Pariseo.
Anak Ko, yung mga taong ang yabang kung manukso dahil sa sinasabi nilang kaalaman tungkol sa Kasulatan, at patuloy na inaatake ang mga Mensaheng ito, ang mga yun ang pinakagrabe ang ginagawang paglabag. Buong-yabang nilang ikakatwiran na ang kanilang maling interpretasyon ng Banal na Ebanghelyo ay mas importante pa kaysa Katotohanan.
Ang kanilang kayabangan ang hadlang kaya di nila nakikilala ang Aking Boses habang ito’y ibinibigay sa mundo ngayon.
Huwag mong patulan ang mga kawawang kaluluwang ito, anak Ko, dahil hindi sila sa Liwanag. Ang malungkot nito, akala nila’y sa Liwanag sila. Tandaan mo, yung mga nanghahamak at lumalait sa iba sa Ngalan Ko, ay hindi kumakatawan sa Akin.
Wala man lang silang maipakitang pagmamahal, pang-unawa o kababaang-loob.
Ang mga pag-atakeng ito ay ginagawa para patigilin ka sa iyong Gawain at para lumikha ng mga bagong pagdududa sa iyong isip. Ipanalangin mo ang mga taong ito. Huwag mo silang pansinin. Sa Aking Boses ka na lang tumutok, at huwag mong hahayaang maapektuhan sa ganitong paraan ang Sagradong Gawaing ito. Aktibong kumikilos si Satanas sa loob ng mga kaluluwang ito, at gagamitin niya lahat ng uri ng madayang pangangatwiran para sirain itong Mga Mensahe na nagmumula sa Aking Mga Labi. Pag pinatulan mo o tinugon ang mga atakeng ito, ibinibigay mo lamang kay Satanas ang kapangyarihang gustong gusto niya.
Lakad na sa kapayapaan. Sa harap lagi ang tingin, at manatiling maging masunurin sa mga kahilingan Ko sa lahat ng oras. Kung natatandaan mo, iniregalo mo na sa Akin ang iyong malayang loob. Kaya magpaakay ka na lang sa Akin. Manalig ka sa Akin nang lubos.
Mahal kita.
Ang iyong Jesus
Birheng Maria: Ang mga paghilab ng panganganak ay nagsimula na
Martes, December 27, 2011 2:00 pm
Anak ko, ang mga paghilab ng panganganak ay nagsimula na.
Kapanahunan na para isilang ang isang Bagong Mundo, isang Bagong Simula.
Maraming pagbabagong mangyayari na ngayon sa Lupa na hindi nyo pa kailanman nasaksihan.
Sinusugo na ng Aking makalangit na Ama ang aking minamahal na Anak na si Jesucristo para minsan pang sagipin ang sangkatauhan mula sa kanyang kasamaan.
Anak ko, makakasaksi ka ng sunud-sunod na mga pangyayari, na ibinunyag na noon sa iyo.
Hindi ka dapat matakot dahil kinakailangan ang paglilinis na ito para gisingin ang sangkatauhan, kung ang mga kaluluwa ay ililigtas.
Ang mga palatandaan ay magsisimula na gaya ng naipropesiya. Dapat tanggapin ng aking mga anak ang mga pagbabagong ito nang may mapagpakumbaba at nagsisising puso.
Manalangin, ipanalangin na talikuran na ng mga kaluluwa ang kasalanang kayabangan at humingi ng tawad para sa kanilang mga pagkakasala sa Diyos Ama.
Pag hindi nila tinubos ang kanilang sarili, matindi ang magiging parusa sa kanila.
Dahil sa laki ng Awa ng aking Anak, bibigyan Niya ng panahon ang aking mga anak para magsisi.
Pero ngayon pa lang ay kailangan nyo nang ipanalangin lahat ng kaluluwa para sila’y maging karapat-dapat na pumasok sa Bagong Panahon ng Kapayapaan.
Ang inyong minamahal na Ina
Maria, Reyna ng Kalangitan
Diyos Ama: Tanggapin nyo itong huling tyansa o harapin nyo ang isang nakakakilabot na parusa
Miyerkules, December 28, 2011 3:15 pm
Anak Ko, tungkulin mong iparating sa Aking mga anak sa lahat ng lugar, na kailangang-kailangan nang humingi ng pagtubos.
Dahil sa laki ng Aking Awa, sinusugo Ko ngayon ang Aking Anak para ialok sa sangkatauhan ang isang huling tyansa para magbalik sa Akin, ang kanilang makalangit na Ama.
Pwede Kong ibunyag na ang dakilang Awa na ipapakita sa lahat Kong anak, ay mangyayari nang isang beses lamang.
Silang Aking mga anak ay kailangang tanggapin ang huling pagkakataong ito na maligtas, o tanggapin na isang nakakakilabot na parusa ay babagsak sa mundo.
Bawat isang kaluluwa sa Lupa ay malapit nang masaksihan ang mga palatandaan ng Pagliliwanag ng Konsiyensya.
Bawat isa sa kanila ay mapapaluhod sa hiya pag nakita nila, malamang sa unang pagkakataon, kung gaano kasakit sa Mata Ko ang kanilang mga kasalanan.
Para naman sa mga yun na may magandang loob at mapagpakumbaba, tatanggapin nila ang dakilang Awa na ito nang may pasasalamat at kaginhawahan.
Para naman sa iba, magmumukha itong isang napakahirap na pagsubok para sa kanila, at marami sa kanila ay tatanggi sa Aking Kamay ng Pag-ibig at Pakikipagkaibigan.
Agad-agad mong ipanalangin ang mga kaluluwang ito, anak Ko, dahil kung walang mga panalangin, hindi na sila mabibigyan pa ng ikalawang pagkakataon.
Aaminin din ng mundo, sa wakas, ang Kapangyarihan ng kanilang makalangit na Ama, pag ang milagro sa langit ay nasaksihan na ng bawat tao sa lahat ng lugar.
Halos dinatnan na kayo ng pagsilang ng Bagong Mundo. Sunggaban nyo na ngayon ang Aking Awa habang magagawa nyo pa. Huwag nyo itong ipagpaliban hanggang sa huling sandali.
Sali na at makiisa sa Akin para akapin ang Bagong Panahon ng Kapayapaan, na naghihintay sa lahat ng mabubuting kaluluwang yun na nagmamahal sa Akin.
Pero dahil sa kadakilaan ng Aking Awa, ang Panalangin na ibinigay ng Aking Anak sa mundo sa pamamagitan mo, anak Ko, para sa proteksyon ng mga kaluluwang ito (tingnan sa ibaba ang hango mula sa Krusada ng Panalangin no. 13) ay magiging napaka-makapangyarihan kaya yung mga kaluluwang nasa dilim pa rin, ay maaaring maligtas at maliligtas nga.
“O heavenly Father through the Love of Your beloved Son, Jesus Christ, Whose Passion on the Cross saved us from sin, please save all those who still reject His Hand of Mercy. Flood their souls dear Father with Your token of Love. I plead with You heavenly Father, hear my prayer and save these souls from eternal damnation. Through Your Mercy allow them to be the first to enter the New Era of Peace on Earth. Amen.”
Tandaan nyo, mga anak, ang kapangyarihan ng panalangin at kung paano nito mababawasan ang parusa.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ang mundo ay maaaring maligtas at maliligtas nga, at ang Malaking Pagdurusa ay maiiwasan.
Ang inyong makalangit na Ama
Diyos na Kataas-taasan
Birheng Maria: Ang Aking Rosaryo ay makakapagligtas ng mga bansa
Huwebes, December 29, 2011 2:15 pm
Anak ko, ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay makakapagligtas ng mga bansa.
Dapat hindi kalilimutan ng aking mga anak ang kapangyarihan ng aking Santo Rosaryo.
Dahil sa lakas ng kapangyarihan nito, ginagawa nitong inutil si Manloloko. Wala siyang magagawa laban sa inyo, o sa inyong pamilya, pag ito’y dinarasal nyo araw-araw.
Sabihin mo naman sa aking mga anak na sila’y magsimula na sa pagdarasal ng aking Santo Rosaryo mula sa araw na ito para protektahan, di lamang ang kanilang pamilya, kundi pati ang kanilang mga komunidad.
Ang Rosaryo ang pinaka-makapangyarihang armas laban sa plano ni Masama na wasakin na lahat niyang pwedeng wasakin dahil ito na ang mga huling araw niya sa Lupa.
Huwag nyong mamaliitin ang mga kasinungalingang itinatanim niya sa isipan ng mga tao para ibaling ang aking mga anak palayo sa Katotohanan. Ang dami, na nasa ilalim ng kanyang impluwensya, ang magpapapadyak at manlalaban sa Katotohanan ng dakilang Awa ng aking Anak.
Sa pagdarasal nyo ng aking Santo Rosaryo, mapoprotektahan nyo ang mga kaluluwang ito laban sa mga kasinungalingan.
Ang kanilang mga puso ay pwedeng mabuksan pa, at mabubuksan nga, kung maglalaan kayo ng panahon para dasalin ang aking Rosaryo.
Ngayon pa lang ay ipanalangin nyo na ang aking mga anak, para naman mabuksan ang kanilang puso sa Katotohanan.
Inyo ring ipanalangin na lahat ng aking anak ay makakatagpo ng lakas para tanggapin ang Awa ng aking Anak.
Ang inyong minamahal na Ina
Reyna ng Mga Anghel
Lahat na ng klase ng Awa ang ipapakita sa mga yun na hindi mahal ang Aking Ama
Huwebes, December 29, 2011 3:00 pm
Pinakamamahal Kong anak, lahat Kong anak sa lahat ng lugar ay malapit nang gisingin mula sa isang mahimbing at walang-saysay na pagtulog.
Pagkagising nila sa Babala, maraming kikilabutan.
Sa mga matatakot, ito ang masasabi Ko.
Ipagpasalamat nyo na kayo’y ginigising mula sa kadiliman.
Ikatuwa nyo na ipinapakita sa inyo ang Aking Liwanag ng Awa. Kung ito’y masakit para sa inyo, isinasamo Ko sa inyo, na tiisin nyo ang paglilinis na ito nang may kababaang-loob. Dahil kung wala ang paglilinis na ito, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang-hanggan, na karapatan nyo naman.
Ipanalangin nyo na kayo’y Aking tulungan sa mahihirap na sandaling ito, at kakargahin Ko kayo at bibigyan ng lakas na inyong kakailanganin.
Tanggihan nyo ang Aking Kamay ng Awa at napakaikling panahon na lang ang ibibigay sa inyo para magsisi.
Lahat na ng klaseng Awa ay ipapakita sa mga yun na hindi mahal ang Aking Ama. Pero alam nyo, paubos na ang Kanyang pasensya.
Isang dakilang Akto ng Aking Awa ang ipapakita. Nasa sa inyo na kung kayo’y magpapakumbaba at hihingi ng Awa. Hindi naman kayo pwedeng pilitin para gawin ito.
Ipanalangin nyo, na kung hindi nyo makakayanan ang paglilinis na ito, ay maipanalangin naman ng iba ang inyong kaluluwa.
Huwag na huwag nyo Akong katatakutan, huwag na huwag nyong tatanggihan ang Aking Kamay ng Kaligtasan. Dahil kung wala Ako, wala kayo. Huwag nyo nang hintayin pang magsisigaw para sa Aking Pagmamahal pag huli na ang lahat para kayo’y matulungan pa.
Ang inyong Tagapagligtas
Jesucristo
Kung wala ang Aking Akto ng Awa, maglalamunan ang mga bansa
Sabado, December 31, 2011 12:00 pm
(Hango mula sa pribadong mensahe na ibinunyag kay Maria Divine Mercy, at kasama rito ang ika-16 na Krusada ng Panalangin para tanggapin ng mga tao ang mga grasyang ibibigay sa kanila ni Jesus habang nangyayari Ang Babala, at isang pangako na ipapahayag ang Kanyang Kabanal-banalang Salita sa mundo.)
Anak Ko, patutunayan ng Babala sa lahat ang katunayan ng Mga Mensaheng ito sa mundo. Huwag na huwag mong pagdududahan ang mga ito. Walang nadungisan sa mga ito, sa anumang paraan.
Maghanda para sa Babala at sabihan ang inyong pamilya at mga anak na sila’y magdasal kahit maikli lang, na sila’y humihingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan.
Bibigyan Ko kayo ngayon ng isang natatanging Krusada ng Panalangin para sa mundo, para tulungan ang mga kaluluwa. Magpakatatag kayo habang ibinibigay Ko sa mundo ang dakilang Akto ng Awa.
“O my Jesus, keep me strong during this trial of Your great Mercy. Give me the graces needed to become little in Your Eyes. Open my eyes to the Truth of Your promise of eternal salvation. Forgive me my sins and show me Your Love and Hand of Friendship.
Embrace me into the arms of the holy family so that we can all become one again. I love you, Jesus, and promise from this day forth that I will proclaim Your Holy Word without fear in my heart and with purity of soul, forever and ever. Amen.”
Huwag na huwag nyong katatakutan ang dakilang Aktong ito ng Awa, na kinakailangang mangyari, dahil kung hindi, ay maglalamunan ang mga bansa.
Karamihan sa sangkatauhan ay magbabalik-loob, pero ang labanan para sa mga kaluluwa ay mas lalo pang titindi ngayon.
Ang inyong minamahal na Jesus
Manunubos ng buong Sangkatauhan
Birheng Maria: May panandaliang kapayapaan sa mundo kung magbabalik-loob ang mga maiitim ang mga kaluluwa
Linggo, January 01, 2012 3:00 pm
Anak ko, malapit na ang panahon, pero kailangang magpakita ng pasensya ang aking mga anak. Lahat ay maaayon sa Banal na Loob ng aking Ama.
Mga anak, dapat nyong malaman na ang mga puwersa ng kasamaan sa inyong mundo ay inilalagay sa panganib ang inyong pananampalataya sa Diyos Ama. Ang masasamang puwersang ito ay hindi mananalo dahil wala silang kapangyarihan laban sa aking makalangit na Ama. Pero pahihirapan nila ang kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagpatay, giyera at pag-kontrol.
Ipanalangin nyo na ang maiitim na kaluluwang ito ay agad makita ang Liwanag ng aking Anak. Kung makita nga nila at sila’y magbalik-loob habang nangyayari Ang Babala, magkakaroon ng panandaliang kapayapaan sa Lupa.
Ang aking Anak na si Jesucristo, na Siyang dapat asahan ng lahat ng kaluluwa para sila’y maligtas, ay naiinip na dahil sa kagustuhan Niyang dalhin na sa sangkatauhan ang Kanyang dakilang Awa.
.
Taimtim nyong ipanalangin, aking mga anak, ang kaligtasan ng maiitim na mga kaluluwang ito, na baka hindi na makalabas nang buhay pagkatapos ng Babala.
Ang mga kawawang kaluluwang ito ay masisindak, di lamang pag nasaksihan nila ang kanilang mga kasalanan, kundi pati pag nakita nila ang kadilimang kanilang kinalalagyan. Sobrang pinalabo na ng kadilimang ito ang kanilang mga kaluluwa, kaya sa Liwanag ng Awa ng aking Anak ay mararamdaman nilang sila’y mahina at walang magagawa.
Marami ang magiging napakahina para hawakan ang Awa na ibibigay ng aking Anak sa kanila.
Ipanalangin nyo ang mga kaluluwang ito, hinihimok ko kayo. Disidido ang aking Anak na unahing iligtas ang mga kaluluwang ito. Kailangan Niya ng mas marami pang panalangin, mga anak.
Kailangan nyong manlimos ng Awa para sa maiitim na mga kaluluwang ito.
Anak ko, sabihin mo sa aking mga anak na ialay nila ang Krusada ng Panalangin na ito sa akin, Ang Ina ng Kaligtasan:
“O Immaculate Heart of Mary, Mother of Salvation and Mediatrix of all graces,
you who will participate in the salvation of humanity from the wickedness of Satan, pray for us. Mother of Salvation. Pray that all souls can be saved and will accept the Love and Mercy shown by your Son, Our Lord, Jesus Christ, Who comes once again to save humanity and to give us the chance of eternal salvation. Amen.”
Ang inyong minamahal na Ina
Ina ng Kaligtasan
Iisa lamang ang Katotohanan. Iisa ang Liwanag. Lahat ng iba pa ay isang kasinungalingan.
Linggo, January 01, 2012 5:30 pm
Pinakamamahal Kong anak, alam mo ba, na gaano man kahirap ang Misyong ito, hindi Ako magmimintis sa paggabay sa iyo.
Ang Boses Ko ay laging nagpapalakas ng loob mo. Nababagbag ang damdamin mo ng Aking Espirito kaya wala kang kalaban-laban dito. Sobrang nababalot ka sa Aking Pagmamahal kaya hindi mo magawang talikuran Ako o itanggi kaya. Ganun pa man, natitisod ka pa rin sa daan. Pag sinusubukan mong suriin ang Aking Salita, hindi mo naman magawa nang tama. Walang pagsusuri, gaano man kadami, ang makakapagbago sa Katotohanan ng sinasabi Ko.
Walang sinuman, pati na ikaw, anak Ko, ang may karapatang pilipitin ang kahulugan ng Aking Banal na Salita, para lamang gawin itong katanggap-tanggap sa inyong mga mata.
Ang pinag-uusapan dito ay ang Aking Salita na nakapaloob sa Banal na Biblia at ang Aking Salita na nakapaloob sa Mga Mensaheng ito.
Dagdagan mo pa ang iyong pananalig sa Akin, anak Ko. Sabihin mo sa Aking mga anak at sa lahat Kong minamahal na alagad, na manalig sila sa Akin nang lubos.
Hindi Ko kailanman bibiguin ang sangkatauhan. Hindi Ko kailanman tatalikuran ang mga pakiusap ng Aking minamahal na mga anak. Lagi Kong sasagutin ang mga kawawang kaluluwang humihingi ng Aking Awa.
Ang hindi Ko kailanman gagawin, anak Ko, ay kausapin ang Aking mga anak para umayon sa kanilang mga pangangailangan at ibigay sa kanila ang gusto nilang marinig.
Ang Katotohanan ay kailangang sabihin. Ang Aking Banal na Salita ay hindi kailanman dapat haluan, o kaya’y pakialaman ang Katotohanan.
Ang Aking Banal na Salita ay hindi kailanman dapat baguhin, palitan o baluktutin, para maging isang kasinungalingan.
Dapat nyong malaman na ang panahon ng Aking Katarungan ay malapit na. Alam nyo, dakila ang Aking Awa, pero ang kasamaang nakikita Ko sa inyong mundo ay nakakadismaya sa Akin.
At ang kasamaang ito ay binibigyang-katwiran nung mga nagpapahayag pa naman ng Aking Salita at nagsasabing kilala nila Ako.
Ilang daan-taon na nilang binabaluktot ang Aking Mga Aral para iayon sa kanilang kasakiman, kalaswaan, kayabangan at katakawan.
Sobrang nadudurog ang Aking Puso pag nakikita Ko ang mga akto ng kasamaang ipinaparada sa harapan Ko, at nasasaksihan Ko kung paano naloloko at napapapaniwala ang Aking mga anak na ang mga aktong ito ay katanggap-tanggap sa Mata Ko.
Gising na sa Katotohanan. Ang Aking dakilang Awa ay naroroon para sa bawat isa sa mga kaluluwa habang nangyayari Ang Babala.
Pero mag-ingat. Yung mga Kristiyanong naniniwala na ang binaluktot na katotohanan ng Aking Mga Aral ay katanggap-tanggap sa Mata Ko, ay mabibigla habang nangyayari Ang Babala. Lalabanan nila ang Katotohanan pag ibinunyag Ko na sa kanila kung gaano sobrang sinasaktan Ako ng kanilang mga kasalanan.
Hinihimok Ko ang mga taong ito na amining Ako ang Katotohanan at ang Liwanag. Iisa lamang ang Katotohanan, Iisa ang Liwanag. Ang lahat ng iba pa ay isang kasinungalingan.
Eksaminin nyo nang tapat ang inyong konsiyensya, mga anak, bago pa mangyari Ang Babala. Alamin nyo kung paano makikilala ang Katotohanan bago kayo humarap sa Akin. Dahil sa puntong yun, at sa puntong yun lang mababawasan ang inyong pagdurusa.
Ang inyong Guro at Manunubos
Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan
Jesucristo
Birheng Maria: Panahon para sa Tagumpay ng aking Kalinis-linisang Puso ay di na nalalayo
Lunes, January 2, 2012 12:00 pm
Anak ko, ang panahon para sa Tagumpay ng aking Kalinis-linisang Puso ay nalalapit na.
Habang nababawasan ang kapangyarihan ni Satanas, lalo naman siyang nagiging walang-awa sa paghabol niya sa mga kaluluwa.
Maging ang malalakas na mga kaluluwa ay mahihirapan sa panahong ito, dahil susubukan ang kanilang pananampalataya hanggang sa makakayanan nito.
Anak ko, pag ang pananampalataya ng aking mga anak ay sinubukan sa malupit na paraang ito, hindi sila dapat manghina, kundi manatiling alerto. Kailangang laging malinis ang kanilang puso.
Kailangan din nilang manahimik pag nakakaramdam sila ng inggit sa kanilang kaluluwa. Ang inggit at selos ay humahantong sa pagkasuklam. Ang selos ng mga piniling kaluluwa ay dumarami maging sa hanay ng mga nagmamahal sa aking Anak. Mga anak, huwag na huwag kayong bibigay sa tuksong ito, na itinatanim sa inyong puso ni Masama.
Titindi pang lalo ngayon ang isang laganap na selosan ng lahat ng bisyonaryo at banal na mga sugo sa mundo. Nai-propesiya na ito dahil ang mga ito ay ilan sa maraming banal na tao ng pangwakas na panahon.
Mahirap ang kanilang kapalaran at sobra silang magdurusa dahil sa mga tungkuling ibinigay sa kanila.
Anak ko, nananawagan ako sa lahat ng nagpaparangal sa akin, ang kanilang Mahal na Ina, na manalangin sa akin para sa proteksyon ng mga bisyonaryo at propeta ng pangwakas na panahon. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Kung meron man kayong mga pagdududa tungkol sa mga kaluluwang ito na pinili para ibigay ang Katotohanan sa mundo, ipanalangin pa rin nyo sila. Lahat naman kayo’y Nilikha ng Diyos. Kailangang magpakita kayo ng pagmamahal sa isa’t isa. Ipahayag nyo ang Banal na Salita ng aking Anak pero huwag na huwag sa ikapipinsala at pang-iinsulto sa ibang mga anak ng Diyos.
Ang mga insulto ay hindi nagmumula sa pag-ibig. Kay Manloloko sila nagmumula, na walang-hanggan ang pagkasuklam niya sa sangkatauhan. Kung mahal nyo ang aking Anak, at nakakita kayo ng kapintasan sa ibang kaluluwa, huwag na lang kayong magsalita.
Huwag na huwag kayong maninirang-puri sa Ngalan ng aking Anak.
Ang aking Puso ay parang tinutusok ng patalim pag nakikita ko yung mga kaluluwang may debosyon sa akin, ang Banal na Ina ng Diyos, pero sobrang nilalait yung mga bisyonaryong pinili para tumulong magligtas ng mga kaluluwa.
Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ang mga bisyonaryong pinili ng Diyos Ama sa mundo ngayon.
Makakasigurado kayo na yung mga nagtitiis ng pinakagrabeng mga insulto, ang siyang nagsasalita sa Ngalan ng aking Anak.
Yung mga ang mensahe ay mabangis na kinukwestyon, sinisimangutan at ginugutay-gutay, ang, kalimitan ay, mga piniling kaluluwa.
Sila ang mga pangunahing target ni Masama, na sa pamamagitan ng iba, ay tutudyuin ang mga mananampalataya para talikuran ang mga propetang ito.
Tandaan nyo, ang mga sugong ito ang kumakatawan sa aking Anak at ang Kanyang Banal na Salita.
Talikuran nyo ang mga tunay na propeta at tinalikuran nyo na rin ang Salita ng aking mahal na Anak.
Laging manalangin para makaunawa. Pero huwag na huwag nyong lalaitin sa harap ng mga tao yung mga Dibinong Mensahe na ibinibigay sa sangkatauhan para iligtas ang mga kaluluwa sa mga apoy ng Impiyerno.
Hadlangan nyo ang gawain ng mga bisyonaryong ito at hinadlangan nyo na rin ang kaligtasan ng mga kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Ina
Reyna ng Langit
Ina ng Kaligtasan
Diyos Ama: Dalawang bilyong kaluluwa ang magbabalik-loob dahil sa mga mensaheng ito
Martes, January 3, 2012 3:30 pm
Anak Ko, ang Regalong pangitain ngayong araw, kung saan ipinakita Ko ang Mukha Ko at ng Aking Anak, ay pambihira.
Pinagpala kang bigyan ng pambihirang Regalong ito mula sa Kalangitan. Kailangan ito para gawin kang mas malakas. Mababawasan na ngayon ang iyong pagdurusa at magiging mas malakas ka pa kaysa dati.
Huwag na huwag kang matatakot sa Gawaing ito, dahil siguradong alam mo na ngayon na lahat ng kapangyarihan sa Lupa ay nasa Aking makalangit na Mga Kamay. Walang sinumang may kapangyarihan sa Ama. Kahit si Manloloko ay hindi kayang pakialaman o baguhin ang Aking makalangit na plano para sa sangkatauhan.
Ang Langit ay nagdiriwang dahil sa pagbabalik-loob, na ibinunga ng Mga Mensaheng ito para sa mundo. Mahigit sa dalawang bilyong kaluluwa ang ngayo’y magbabalik-loob na bilang isang direktang resulta ng mga Dibinong Mensaheng ito.
Walang sinumang tao na makakapigil sa Gawaing ito. Pwede nilang subukan, pero wala ring mangyayari.
Ang Aking dibinong proteksyon ay binabalot lahat ng nagpapahayag ng Katotohanan ng kaligtasang walang-hanggan.
Huwag susuko, mga anak, gaano man katindi ang inyong maging pagdurusa. Ang pagdurusa, huwag nyong kalilimutan, ay inilalapit kayo sa Aking makalangit na Kaharian.
Kayo, Aking mga anak, ay malapit nang matuwa pag naramdaman nyo ang mga grasyang ibinubuhos sa inyo sa pamamagitan ng Aking Anak.
Maging alerto kayo lagi. Lagi nyong ipanalangin lahat ng kaluluwa, at huwag na huwag nyong pagdududahan, kahit saglit lang, na Ako ito, ang inyong Amang Walang-hanggan, Na Siyang nagbibigay sa inyo ng kapayapaan ng isip, katawan at kaluluwa sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Ituring nyong Sagrado ang Mga Mensaheng ito. Ganun nga ang mga ito, at lagi silang maaayon sa Aking Salita, na ibinigay na sa tao simula pa sa simula. Papapag-alabin ng mga ito ang apoy ng inyong kaluluwa sa mga paraang mahihirapan kayong hindi pansinin. Hayaan nyong abutin kayo ng Aking Espirito, at mag-relaks kayo. Saka Ko lamang mahihipo ang inyong kaluluwa para ang isang kislap ng pagkakilala ay magpaningas sa inyong puso.
Tinatawag Ko kayo, tumakbo k