Lahat ng KRUSADA NG PANALANGIN

KRUSADA NG PANALANGIN 96

Upang Mabiyayaan at Maprotektahan ang aming Grupo ng Krusada ng Panalangin

(To Bless and Protect our Crusade Prayer Group)

O aking minamahal na Hesus, nawa’y biyayaan at protektahan Mo po kami ang Iyong grupo ng Krusada ng Panalangin, upang kami’y hindi talaban ng masasamang paglusob ng mga demonyo o anumang masasamang espiritu na maaaring magpahirap sa amin sa Sagradong Misyong ito ng pagsasalba ng mga kaluluwa.

Nawa’y kami ay manatiling matapat at malakas habang pinagsisikapan naming panatilihin ang Iyong Banal na Pangalan dito sa mundo at kami nawa’y hinding hindi tumalikod sa aming laban ng pagpapalaganap ng Katotohanan ng Iyong Banal na Salita. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 1

Aking Handog kay Hesus sa Pagsalba ng mga Kaluluwa

(My Gift To Jesus to Save Souls)

Pinakamamahal kong Hesus, Ikaw na lubos ang pag-ibig sa amin, ipahintulot Mong sa munting paraan ay makiisa ako sa pagsalba ng mga kaluluwang mahalaga sa Iyo. Kahabagan Mo ang lahat ng mga makasalanan gaano man katindi ang pasakit sa Iyo.

Ipahintulot Mong sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo ay matulungan ko ang mga kaluluwang nanganganib na hindi malagpasan ang babala (The Warning), nang sa gayon ay mapabilang parin sila sa Kaharian Mo. Pakinggan Mo ang aking panalangin O Katamis-tamisang Hesus, na mapagtagumpayan ang mga kaluluwang hinahangad Mo. O Banal na Puso ni Hesus, panata ko ang Katapatan sa Iyong Banal na Kalooban magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 2

Panalangin para sa mga Pandaigdigang Pinuno

(Prayer for Global Rulers)

O Walang Hanggang Ama, sa Ngalan ng Iyong Mahal na Anak na si Hesu Kristo, hinihiling ko pong ipagsanggalang Mo ang Iyong mga anak sa binabalak na kalupitan ng mga pandaigdigang pwersa laban sa mga bansang walang kamalay – malay. Ipanapanalangin ko po ang kapatawaran ng mga kasalanan ng mga taong dulot ay paghihirap upang sila ay magbalik – loob sa Iyo ng may mapagkumbaba at tapat na puso. Nawa’y ang Iyong mga anak na makakaranas ng kalupitan ay pagkalooban N’yo ng lakas upang makayanan ang mga paghihirap, para sa kabayaran ng mga kasanalan ng mundo sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 3

Alisin sa Mundo ang Takot

(Rid the World of Evil)

O Hesu Kristo aking Panginoon, ako ay nagsusumamo na alisin sa mundo ang takot na naglalayo sa mga kaluluwa at sa Iyong mapagmahal na puso.

Ipinapanalangin ko na ang makakaranas ng matinding takot habang nagaganap ang Babala ay hihinto at hayaang dumaloy ang baha ng Iyong Awa sa kanilang kaluluwa upang malaya Ka nilang ibigin sa paraang nararapat. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 4

Magbuklod ang mga Pamilya

(Unite All Families)

Pagbuklurin Mo po, Hesus, ang lahat ng pamilya habang nagaganap ang Babala upang ang lahat ay makatanggap ng walang hanggang kaligtasan. Ipinapanalangin ko po na ang lahat ng pamilya ay manatiling nakabuklod sa Iyo, Hesus, upang ang lahat ay magmana ng bagong paraiso na darating sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 5

Papuri sa Diyos sa Kaitaasan

(Praise to God the Most High)

O Walang Hanggang Ama, may pagbubunying nag – aalay kami sa Iyo ng mga panalangin, papuri, at pasasalamat, para sa pinakatatanging regalo Mo sa sangkatauhan, ang Iyong marubdob na pagmamahal at awa. O aming Diyos sa Kaitaasan at Hari, dahil sa regaling ito kami ay naninikluhod sa Iyong harapan at mapagpakumbabang naglilingkod. Nagsusumamo kami Panginoon, kaawaan Mo po at patawarin ang lahat ng mga anak Mo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 6

Panalangin upang hadlangan ang Anti- Kristo

(Prayer to Stop the Antichrist)

O Hesus, ipinapanalangin ko na sa Habag ng Ama ay mapigilan ang Anti-Kristo at ang kanyang mga kampon ng kasamaan na magdulot ng matinding takot at kalupitan sa Iyong mga anak. Ipinapanalangin naming mapigilan siya at sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Diyos ng marami dulot ng Babala ay hindi matuloy ng Ama na pagbuhatan kami ng kamay bilang parusa sa aming kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 7

Panalangin para sa Tumatanggi sa Habag ng Diyos

(Prayer to those Who Refuse Mercy)

Hesus, ako ay nag – uudyok na patawarin Mo ang mga makasalanan ang kaluluwa’y labis na nasa kadiliman, at sa kalagayang ito ay tumatanggi pa rin sa liwanag ng Iyong Awa. May pagmamakaawang hinihiling ko sa Iyo Hesus na patawarin mo sila at sa isalba sa mga kasalanang umaalipin sa kanila. Umapaw nawa sa kanilang puso ang Iyong Walang Hanggang Awa at pagkalooban sila ng pagkakataong makabalik sa Iyong piling. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 8

Kumpisal

(The Confession)

Pinakamamahal na Hesus, humihingi ako ng tawad sa mga kasalanang aking nagawa at sa pagdurusa at pasakit na naidulot ko sa aking kapwa. Ako’y nagpapakumbabang dumadalangin sa Iyong biyaya upang hindi na muling magkasala sa Iyo at gayundin ang biyayang makabayad sa mga kasalanan ng may pagkukusa at sa paraang naaayon sa Iyong Banal na Kalooban.

Nagsusumamo ako na patawarin Mo rin anumang kamalian ang magawa ko sa mga darating na panahon na magdudulot sa Iyo ng dalamhati at paghihirap. Isama mo ako sa mapayapang mundong darating nang sa gayon ay mapabilang ako sa pamilyang paghaharian mo ng walang hanggan. Pinakamamahal Kita Hesus. Lubos Kitang kailangan. Pinararangalan Kita at ang lahat ng Iyong mga gawa. Tulungan Mo ako Hesus na maging karapat – dapat makapasok sa Iyong Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 9

Pag-aalay ng Sakripisyo bilang Regalo

(Offer of Suffering as a Gift)

Kamahal-mahalang Hesus, turuan Mo akong tanggapin ng may pagpapakumbaba at pasasalamat ang mga pangungutyang ibabato sa akin sa Ngalan Mo, tuwing maghahayag ako ng Iyong Salita. Turuan Mong maunawaan ko na ang mga pangungutya, sakit at paghihirap, ay anupa’t maglalapit sa akin sa Iyong Banal na Puso.

Hayaan Mong tanggapin ko ang mga pagsubok na ito ng taos-puso at buong pagmamahal, at magsilbing mga regalong kasiya-siya sa Iyo. Iniaalay ko ang mga ito bilang pantubos sa mga kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 10

Palaganapin ang Alab ng Iyong Pagmamahal

(Carrying the Flame of Love)

Mahal naming Hesus, tulungan Mo nawa kami na sa Ngalan Mo ay walang takot naming ipalaganap ang alab ng Iyong pagmamahal sa lahat ng bansa.

Bigyan Mo kaming mga anak Mo ng lakas upang harapin ang mga abusing mararanasan namin mula sa mga hindi sumasampalataya sa Iyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 11

Itigil ang Pagkamuhi sa mga Bisyonaryo

(Stop Hatred of Visionaries)

O Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, nawa’y pawiin Mo ang pagkamuhi at inggit na namamalagi sa Iyong mga taga – sunod hinggil sa mga tunay na bisyonaryo n gating panahon. Nawa’y pakinggan Mo ang aking panalanging mabigyan ang mga bisyonaryo na ito ng lakas na kailangan nila upang ipahayag ang Iyong Banal na Salita sa mundong salat sa pananampalataya. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 12

Panalangin upang Maiwasan ang Kayabangan o Ugali ng Kataasan

(Prayer to Avoid the Sin of Pride)

O Hesus ko, tulungan Mong maiwasan ko ang ugali ng kataasan tuwing magsasalita ako sa Ngalan Mo. Patawarin Mo ako kung may pagkakataong naging mapanghusga ako sa aking kapwa. Tulungan Mo akong pakinggan Hesus ang Iyong tinig at punuin Mo ako ng Iyong Espiritu Santo upang mabatid ko ang katotohanan tuwing mangungusap Ka sa sanlibutan. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 13

Panalangin para sa Tiyak na Kaligtasan

(Prayer Calling for Immunity)

O Amang nasa langit, alang – alang sa pag – ibig ng pinakamamahal Mong Anak na si HesuKristo na nagpakasakit sa krus upang iligtas kami, iligtas Mo din ngayon ang mga taong ayaw tumanggap ng Iyong tulong at awa. Punuin Mo ang kanilang kaluluwa, Mahal naming Ama, ng Iyong wagas na pag – ibig. Nagsusumamo ako, aking Ama sa langit, pakinggan Mo ang aking dasal at iligtas ang mga kaluluwang ito sa walang hanggang apoy. Sa Tulong ng Iyong awa, hayaan Mong sila pa ang unang makapasok sa bago at mapayapang mundong darating. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 14

Panalangin sa Diyos Ama upang Maprotektahan sa Digmaang Nukleyar

(Prayer to God the Father for Protection Against Nuclear War)

O Amang Makapangyarihan at Kataas-taasan, kahabagan Mo ang lahat ng mga makasalanan. Buksan Mo ang kanilang mga puso sa dulot Mong kaligtasan at di maubos na biyaya. Pakinggan Mo ang pagsusumamo ko para sa aking pamilya, nawa’y magkaroon ang bawat isa sa kanila ng puwang sa Iyong Mapagmahal na Puso. O Ama at Diyos namin sa langit, protektahan Mo ang lahat ng Iyong anak sa mundo sa digmaang nukleyar o anumang kilos ng kaaway na magdudulot ng kamatayan. Iadya Mo kami sa lahat ng kasamaan ito. Bigyan Mo rin kami ng kaliwanagan upang ang mga mata nami’y mabuksan sa katotohanan at walang takot naming tanggapin ang kaligtasang mula sa Iyo lamang magmumula. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 15

Pasasalamat sa Regalo Mo ang Mabathalang Awa

(Thanks for the Gift of Divine Mercy)

O aming Ama sa langit, pinararangalan ka naming at lubos na pinasasalamatan dahil isinakripisyo Mo ang Iyong Anak at isinugo bilang Tagapagligtas namin. May pagbubunying inaalay namin sa Iyo ang panalanging ito bilang pasasalamat sa Iyong parating na regalo, ang Mabathalang Awa. O Diyos na Kaitaasan, gawin Mo kaming karapat-dapat na tumanggap ng Iyong Dakilang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 16

Upang Tumanggap ng mga Biyaya sa Nalalapit na Babala

(To Accept Graces Offered During the Warning)

O Hesus ko, palakasin Mo ang aking pananampalataya upang malampasan ko ang pagsubok sa darating na Babala kung saan ipapakita Mo ang Iyong Dakilang Awa. Pagkalooban Mo ako ng biyayang kailangan ko upang magpakumbaba sa harapan Mo. Buksan Mo ang aking mata sa katotohanan ng Iyong pangako, ang walang hanggang kaligtasan.

Patawarin Mo ang aking mga kasalanan at ipakita Mo sa akin ang Iyong wagas na pag – ibig at kamay na mapag – aruga. Yakapin Mo ako at sa piling ng Banal na Pamilya ako nawa’y muling lubos na mapasainyo.

Pinakamamahal Kita Hesus at ipinapangako kong magmula ngayon ay ipapahayag ko ang Iyong Banal na Salita ng walang takot, at taglay ang kalinisan ng puso at kaluluwa, magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 17

Panalangin sa Ina ng Kaligtasan para sa mga Kaluluwang Sadlak sa Kadiliman

(Mother of Salvation Prayer for Dark Souls)

O Kalinis – linisang Puso ni Maria, Ina ng Kaligtasan at Tagapamagitan ng lahat ng biyaya. Ikaw na kaisa sa pagsalba sa sangkatauhan laban sa kalupitan ni Satanas, ipanalangin mo kami. Ina ng Kaligtasan, ipanalangin mo na ang lahat ng kaluluwa’y maligtas at malayang tanggapin ang pag – ibig at awa ng iyong Anak at aming Panginoong Hesu Kristo na muling paparito upang sagipin ang sanlibutan at magkaloob din ng walang hanggang kaligtasan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 18

Pigilan ang Anti – Kristo at ang Kanyang Grupo

(Stop the Antichrist and his Group)

O Mahal naming Hesus, iligtas Mo ang buong mundo sa kamay ng Anti-Kristo. Ipagsanggalang Mo kami sa mga kalupitan at pang – aakit ni Satanas. Sagipin Mo nawa sa kasamaan kaming mga natitirang mananampalataya ng Iyong simbahan.

Pagkalooban Mo ang simbahan ng lakas at mga biyayang kailangan upang maipagtanggol namin ang aming sarili sa mga kaguluhan at pagpapahirap na balak isagawa ni Satanas kasama ng mga kawal niyang terorista. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 19

Panalangin para sa mga Kabataan

(Prayer for Young People)

Ina ng Kaligtasan, nawa’y ipanalangin mo na kahabagan ng Diyos ang mga kabataang ang kaluluwa’y nasa matinding kadiliman upang sa pagparito ng pinakamamahal mong Anak ay makilala nila Siya bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.

Huwag mo sanang hayaang isa man sa kanila ay maligaw ng landas. Huwag mong hayaang isa man sa kanila ay tumanggi sa Awa ng Diyos. O aking Ina, dalangin ko ang kaligtasan nilang lahat at nawa’y sakluban mo sila ng iyong mapagpalang balabal upang maprotektahan sila sa mapanlinlang na kaaway. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 20

Pigilan ang Anti – Kristo sa Pagwasak ng Mundo

(Stop the Antichrist from destroying the World)

O Ama naming Diyos, sa Ngalan ng Iyong Mahal na Anak, ako’y tumatawag sa Iyo. Pigilan Mo nawa ang Anti – Kristo sa pambibihag sa mga kaluluwa ng Iyong mga anak. Hadlangan Mo ang ginagawa niyang pagwasak sa Iyong mga nilalang at kaawaan Mo sana ang mga kaluluwang walang kalaban – laban. Pakinggan Mo itong aking panalangin Mahal na Ama at iligtas Mo ang lahat Mong anak sa mapangahas na kaaway. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 21

Pasasalamat sa Diyos Ama sa Magaganap na Pagsalba sa Sangkatauhan

Thanksgiving to God the Father for the Salvation of Mankind)

O Diyos na Banal, na makapangyarihan sa lahat na lumikha ng sangkatauhan, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan dahil lubos ang Iyong pag-ibig at awa sa amin. Lubos din ang aming pasasalamat sa handog Mong kaligtasan. May pagmamakaawang hinihiling namin Panginoon, iligtas Mo sana ang mga taong napariwara sa piniling sumunod sa yapak ng kaaway. Nawa’y mabuksan ang kanilang mga puso sa katotohanan na Ikaw lamang ang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 22

Upang Pahalagahan ng mga Katolikong Pari ang mga Turo ng Simbahan

(Catholic Priest: Uphold the Teachings of Christ)

O pinakamamahal kong Hesus, panatilihin Mo ang aking lakas ganon din ang liwanag at alab ng pag – ibig ko sa Iyo. Sa lahat ng pagkakataon, pagningasin Mo ang liwanag ng pag – ibig kong ito at huwag hayaang mamatay. Huwag Mong ipahintulot na manghina ako sa harap ng mga pagsubok. Pagkalooban Mo ako ng biyayang kailangan upang pahalagahan ang aking bokasyon, debosyon, at panata. At patuloy na maging masunurin sa mga aral ng tunay at matuwid na Katolikong Simbahan.

Iniaalay ko at itinatalaga ang sarili sa Iyo sa lahat ng oras. Panata ko ang aking katapatan na lalaban sa panig ng mabuti upang ang Katolikong Simbahan ay maitayong muli at magbalik sa dati nitong kaluwalhatian, at pagkatapos ay sasalubungin Ka namin sa muling pagparito Mo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 23

Panalangin para sa Kaligtasan ng Santo Papa Benedikto

(Prayer for Pope Benedict’s Safety)

O walang Hanggang Ama, sa Ngalan ng Iyong Bugtong na Anak na si Hesu Kristo at ng pagpapakasakit Niya sa krus upang iligtas ang sanlibutan sa kasalanan, dalangin ko na maprotektahan ang banal mong sugo at pinuno ng simbahan na si Papa Benedikto.

Ito ay upang magampanan niya ang tungkuling mailigtas ang Iyong mga anak at mga banal mong lingkod sa kalupitan ni Satanas, at ng kanyang mga anghel na nahulog din sa langit. Sila ngayo’y gumagala sa buong mundo at nambibihag ng mga kaluluwa.

O Ama ko, protektahan Mo po ang Santo Papa upang kami ay magabayan niya sa tunay na daan patungo sa Bagong Paraisong darating sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 24

Lubos na Indulhensya (Plenary Indulgence) Para sa mga Kapatawaran ng mga Kasalanan

(Plenary Indulgence for Absolution)

O Hesus ko, Ikaw ang liwanag ng mundo. Ikaw ang apoy na nag-aalab at nagpapanibago sa mga kaluluwa. Ang habag at pag-ibig mo ay walang hangganan. Kami ay hindi karapat-dapat sa mga sakripisyong ginawa mo, ang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus. Subalit, alam naming ang pag-ibig mo sa amin ay higit na matindi kaysa pag-ibig namin sa Iyo. Pagkalooban Mo kami Panginoon, ng kababaang-loob upang kami’y maging karapat-dapat sa Iyong bagong Kaharian.

Punuin Mo kami ng Espiritu Santo upang matapang na lumaban at pamunuan ang Iyong hukbo sa pagpapalaganap ng katotohanan ng Iyong Banal na Salita at maihanda ang aming mga kapatid sa Muling Pagparito Mo.

Pinararangalan Ka namin. Sinasamba Ka namin. Iniaalay namin ang aming sarili, ang aming pagdurusa at dalamhati, bilang handog sa Iyo para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

Pinakamamahal Ka namin Hesus. Kahabagan Mo ang lahat ng Iyong mga anak saan man sila naroroon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 25

Para sa Proteksyon ng mga Bisyonaryo sa Iba’t – ibang Parte ng Mundo

(For Protection of Visionaries Around the World)

O Diyos na Kataas – taasan ako’y nagsusumamo na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng banal na tagapag-balita Mo sa mundo. Ipinapanalangin ko na sila ay maprotektahan sa poot ng mga taong hindi sumasampalataya. Hinihiling kong ang Iyong Banal na Salita ay mapalaganap ng mabilis sa lahat ng bahagi ng mundo. Ipagsanggalang Mo po ang mga tagapag-balita Mong ito sa pagmamalabis, pang – aabuso, panlilinlang at sa lahat ng kapahamakan. Protektahan Mo rin ang kanilang pamilya at lukuban Mo sila ng Espiritu Santo sa lahat ng oras upang ang mga mensaheng hatid nila ay bigyang pansin at magbunga sa mga tao ng pagsisisi at kababaang – loob. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 26

Manalangin ng Rosaryo para sa Kaligtasan ng Iyong Bansa

(Pray the Rosary to Help Save your Nation)

Ang kapangyarihan ni Satanas ay humihina kapag ika’y nagdasal ng aking Rosaryo. Siya ay tumatakbo sa matinding sakit at nawawalan ng kapangyarihan. Napaka-importante na kahit anong Kristiyanong Relihiyon ang iyong pinanniniwalaan, dasalin mo ito kahit minsan sa isang araw. – Ang Iyong Inang Tagapagligtas, Mahal na Birhen

Panalangin bago ang Rosaryo

O Reyna ng Banal na Rosaryo, minarapat mong pumunta sa Fatima upang ipahayag sa tatlong pastol na bata ang kayamanan ng biyayang nakatago sa Rosaryo.

Kasihan mo ang aking puso ng tapat na pagmamahal sa debosyong ito, upang sa pagninilay ng misteryo ng aming pagkatubos na inaalala nito, ako ay payamanin ng kanyang bunga at makamtan ang kapayapaan para sa mundo, ang pagbabalik-loob ng mga makasalanan at ng Russia, ang mga biyaya na aking hinihiling sa Rosaryong ito. (Banggitin ang kahilingan)

Hinihiling ko ito para sa kadakilaan ng Panginoon, para sa iyong kapurihan, at para sa kabutihan ng kaluluwa, lalo na ang sa akin. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 27

Panalangin Para sa Kapayapaan ng Mundo

(Prayer for Peace in the World)

O Hesus ko, may pagmamakaawang dumadalangin ako na kahabagan Mo ang mga nagdurusa sa kaguluhang sanhi ng digmaan. Nagsusumamo ako para sa kapayapaan ng mga bansang ito na lubos na nahihirapan dahil sila’y bulag sa katotohanang Ikaw ang tunay at nag – iisang Diyos. Nawa’y lukuban Mo ang mga bansang ito ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang sila’y huminto sa kasakiman at sa pagnanasang mapasailalim sa kapangyarihan nila ang maraming inosenteng tao.

Kahabagan Mo ang lahat ng Iyong bansang walang kalaban – laban sa mga kasamaan at kaguluhang bumabalot sa buong mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 28

Panalangin Mula kay Mariang Birhen para sa Pagkakaisa ng Lahat ng Simbahang Kristiyano

Virgin Mary: Prayer for Unification for All Christian Churches)

O Kataas – taasang Diyos, kami’y naninikluhod sa Iyong harapan para sa pagkakaisa ng lahat ng Iyong mga anak upang ipaglaban at mapanatili ang mga Kristiyanong Simbahan sa mundo. Huwag Mo pong hayaang ang pagkakaiba nami’y magdulot ng pagkakawatak – watak lalo na sa panahon ngayon na maraming tumataliko sa pananampalatayang Kristiyano.

Kami’y nagsusumamo sa Iyo na pagkalooban kami ng mga biyaya upang magmahalan sa Ngalan ng Mahal Mong Anak at aming Tagapagligtas na si Hesu Kristo.

Pinupuri Ka namin. Pinakamamahal Ka namin. Kami’y lalaban ng may pagkakaisa upang mapanatili ang Iyong Simbahang Kristiyano sa mundo sa kabila ng mga pagsubok na maaari naming harapin sa darating na mga taon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 29

Upang Maprotektahan ang Kristiyanong Kaugalian

(Protect the Practice of Christianity)

O aking Panginoong Hesu Kristo, nagsusumamo akong puspusin Mo ng Espiritu Santo ang lahat ng Iyong mga anak. May pagmamakaawang hinihiling ko na patawarin Mo ang kaluluwang may matinding poot sa Iyo.

Ipinapanalangin kong mabuksan ang pusong bato ng mga hindi naniniwala sa Iyo (atheists) habang ipinagkakaloob Mo ang Iyong Dakilang Awa. At ang mga anak Mo naming nagmamahal sa Iyo ay maparangalan Ka ng may dignidad at kakayahang lampasan ang mga paghihirap. Nawa’y punuin Mo ang Iyong mga anak ng Iyong Espiritu upang kami’y tumindig ng buong tapang at pangunahan ang Iyong hukbo sa huling pakikipaglaban kay Satanas, sa mga alagad niyang demonyo, at mga kaluluwang inaalipin niya gamit ang mga pangako na sa huli nama’y walang kabuluhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 30

Panalangin Upang Maiwasan ang Digmaan, Kasalatan at Pananakit dahil sa Pananampalataya

(God the Father: Prayer toAvert War, Famine, and Religious Persecution)

O Walang Hanggang Ama, Diyos na lumikha ng kalawakan, sa Ngalan ng Iyong Bugtong Anak na si Hesus, loobin Mo nawa na higit ka naming mahalin. Tulungan Mo kaming maging matapang, malakas at walang takot sa harap ng kasamaan. Tanggapin Mo ang aming mga sakripisyo, pagdurusa at mga pagsubok bilang alay sa harap ng Iyong trono para sa kaligtasan ng mga anak Mo sa mundo. Palambutin Mo ang mga puso ng mga kaluluwang marumi dahil sa kasalanan. Buksan Mo ang kanilang mga mata sa katotohanan ng pag-ibig Mo, upang sila’y makabilang sa mga anak Mong papasok sa paraisong nilikha Mo ng buong pagmamahal at sa mundo’y darating ayon sa Mabathalang Kalooban Mo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (31)

Dugtong- dugtong na Panalangin para sa Proteksyon

(Chain of Protection Prayer)

O Hesus ko, Nawa’y hayaan mo na ang aking mga panalangin ay mag-udyok sa Espiritu Santo na bumaba sa mga pinunong ang buhay ay puno ng pagnanasa, kasakiman, katakawan at kayabangan, upang matigil na ang pagmamalabis at pagpapahirap sa mga anak mong walang kasalanan. Aking hinihiling sa Iyo na matigil rin ang kahirapan, kasalatan sa pagkain, at digmaang kikitil sa buhay ng Iyong mga anak. At ipinapanalangin ko rin na ang mga Europeong lider ay mabuksan ang kanilang mga puso sa katotohanan ng Iyong pag-ibig. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN (32)

Panalangin upang wakasan ang Aborsyon sa Ireland

(To Stop Abortion in Ireland)

O Ina ng Kaligtasan, Ipanalangin mo nawa ang iyong mga anak sa Ireland upang matigil na ang mga kaganapan ng karumal-dumal na aborsyon. Protektahan mo po ang banal na bansang ito upang huwag magpatuloy sa pagtahak sa kadiliman na ngayo’y bumabalot kanilang bansa. Pawiin mo po sa kanila ang demonyong gustong pumatay sa mga sanggol na hindi pa naisisilang. Ipanalangin mo po na ang kanilang mga pinuno ay magkaroon ng lakas ng loob na pakinggan ang mga umiibig sa Iyong Anak upang sila’y matutong sumunod sa mga aral ng ating Panginoong HesuKristo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 33

Ang Tatak ng Diyos na Buhay

(Seal of the Living God)

Ang Diyos, ating Ama, ay humihiling na tanggapin ang Tatak na ito bilang proteksyon sa bawat isa, n gating pamilya, sa oras ng paghihirap na ating haharapin.

O Diyos ko, mapagmahal kong Ama, tinatanggap ko ng buong pag-ibig at pasasalamat ang Iyong Mabathalang Tatak ng Proteksiyon. Ang Iyong pagka-Diyos ay bumabalot sa aking katawan at kaluluwa magpakailanman. Ako ay yumuyuko sa Iyong harapan ng may kababaang-loob bilang pasasalamat at iniaalay ko ang aking marubdob na pag-ibig at katapatan sa Iyo, minamahal kong Ama.May pagmamakaawang hinihiling ko na protektahan Mo ako at ang aking mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng Natatanging Tanda na ito. At inihahandog ko ang aking buhay sa paglilingkod sa Iyo magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Pinakamamahal Kita aking Ama. Hangad kong aliwin Ka sa mga panahong ito minamahal kong Ama. Iniaalay ko sa Iyo ang Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Iyong pinakamamahal na Anak para sa kapatawaran ng mga kasalanan sa mundo at kaligtasan ng lahat ng Iyong mga anak. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 34

Ang Handog kong Pag-aayuno kay Hesus Para sa Kuwaresma

(My Gift of Fasting to Jesus for Lent)

O Hesus ko, tulungan mong sa munting paraan ay matularan ko ang iyong buhay na puno ng sakripisyo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Hayaan mong mag-alay ako ng pag-aayuno isang araw sa isang linggo sa panahon ng Kuwaresma para sa kaligtasan ng sanlibutan upang ang lahat ay makapasok sa pinto ng Bagong Paraiso na darating sa mundo. Inihahandog ko sa iyo mahal kong Hesus ang sakripisyong ito ng may pag-ibig at kagalakan sa aking puso upang ipakita sa iyo kung gaano kita minamahal. Sa pamamagitan ng sakripisyong ito ako’y nagmamakaawa na iligtas Mo ang bawat kaluluwang naligaw ng landas. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 35

Panalangin Upang Ang Mga Kaluluwa’y Makapasok Sa Paraiso

(Prayer for Souls to Enter Heaven)

O Hesus ko, tulungan Mo akong maging kaisa Mo sa pagsalba ng mga natitirang anak mo sa mundo. Ipinapanalangin kong sa pamamagitan ng Iyong Mahabaging Puso ay mailigtas Mo ang mga kaluluwang nasa kadiliman.Tanggapin Mo ang mga pagsubok, sakripisyo, at dalamhati ng aking buhay upang mailigtas ang mga kaluluwang ito sa apoy ng impyerno. Punuin mo ako ng biyaya upang maialay ang aking mga sakripisyo ng may pagmamahal at kagalakan sa aking puso upang ang lahat ay magkaisa sa pagmamahal sa Santisima Trinidad at mamuhay kasama Mo, bilang isang banal na pamilya, sa Paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 36

Tulungan Mo Po Akong Parangalan Ang Totoong Diyos

(Help me to Honour the One True God)

Hesus tulungan Mo po ako sapagkat ako ay naliligaw at naguguluhan. Hindi ko alam ang katotohanan tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Patawarin Mo po ako kung ako’y nagkasala sa Iyo dahil sa pagsamba sa mga diyos-diyosang hindi naman totoo. Iligtas Mo po ako at tulungang makita ang katotohanan ng may kaliwanagan at iligtas ako sa kadilimang bumabalot sa aking kaluluwa. Tulungan mo po akong lumapit sa liwanag ng Iyong Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 37

Para sa Pagbubuklod ng lahat ng Anak ng Diyos

(For the Unification of All God’s Children)

O Mahal naming Hesus, pagbuklurin Mo po ang lahat ng Iyong taga-sunod sa pamamagitan ng pag-ibig upang maipalaganap namin ang katotohanan ng Iyong pangako tungkol sa walang hanggang kaligtasan sa sanlibutan. Ipinapanalangin namin na ang mga kaluluwang may mababaw na pananalig sa Iyo at natatakot na ipaubaya sa Iyo ang sarili, ng buong pag-iisip, katawan at kaluluwa ay alisin sa kanilang sarili ang mapagmataas na ugali at buksan ang kanilang mga puso sa pag-ibig Mo upang mapabilang sila sa Iyong banal na pamilyang maninirahan sa mundo. Yakapin Mo po Hesus ang lahat ng kaluluwang naliligaw ng landas at hayaang ang aming pagmamahal bilang kapatid ay magligtas sa kanila sa kapahamakan at maakay sila sa kanlungan, pag-ibig at liwanag ng Santisima Trinidad. Ipinapaubaya namin ang aming buong pag-asa, pagtitiwala at pagmamahal sa Iyong mga Kamay. Mataimtim naming hinihiling na palalimin at palawakin Mo pa ang aming debosyon sa Iyo upang mas maraming kaluluwa pa ang maligtas. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 38

Para sa Kaligtasan ng Simbahang Katoliko

(Salvation Prayer for Catholic Church)

O pinagpalang Ina ng Kaligtasan, ipanalangin mo nawa ang Katolikong Simbahan ngayong panahon ng kaguluhan at pagaanin mo ang paghihirap ng aming Mahal na Papa Benedikto XVI. Hinihiling namin sa iyo O Ina ng Kaligtasan na balutin mo ang mga banal mong lingkod ng iyong mapagpalang balabal upang sila ay mabiyayaan ng kalakasan, katapatan at katapangan sa darating na mga pagsubok. Ipanalangin mo rin po na magabayan ng maayos ang kanilang nasasakupan ayon sa mga tunay na alituntunin at batas ng Simbahang Katoliko. O Banal na Ina ng Diyos, bigyan mo po kaming mga natitirang tapat sa simbahan nang kakayahang mamuno upang kami’y makatulong sa pag – akay sa mga kaluluwa tungo sa Kaharian ng Iyong Anak. Hinihiling din namin sa Iyo Ina ng Kaligtasan na huwag mong hayaang makalapit ang kaaway sa mga lingkod ng iyong Anak habang nakikipaglaban para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa, upang sila’y maging karapat – dapat na makapasok sa pinto ng Bagong Paraiso sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (39)

Tulungang Maihanda ang mga Kaluluwa Para sa Bagong Paraiso

(Help Prepare Souls for the New Paradise)

O Hesus mahal kong Tagapagligtas, Hinihiling ko na lukuban Mo ako ng Iyong Espiritu Santo upang maipahayag ko ng may kapahintulutan ang Iyong Banal na Salita upang mapaghandaan ng lahat ng anak ng Diyos ang Iyong Muling Pagdating. . Ako’y nagsusumamo Panginoong Hesu-Kristo na pagkalooban Mo ako ng lahat ng biyayang kailangan ko upang saan man ako magtungo ay maabot at makapagpahayag ako sa lahat anumang relihiyon, paniniwala, at lahi. Tulungan mo akong magpahayag taglay ang Iyong pananalita. At sa pamamagitan nito ay paginhawahin mo ang mga kaluluwang nagdurusa, at madama nila ang Iyong natatangi at wagas na pag-ibig na dumadaloy mula sa Iyong Banal at Kamahal-mahalang Puso. Tulungan Mo akong iligtas ang mga kaluluwang malapit sa Iyong puso at hayaan mong pagaanin ko ang kalooban Mo Hesus kapag ang mga kaluluwang naliligaw ay patuloy na tumalikod sa Iyong Awa. Hesus ako’y wala kung ikaw ay wala ngunit sa pamamagitan ng Iyong pagpapala ay kakayanin kong sa Ngalan Mo ay labanan ang kasamaan para sa kaligtasan ng Sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 40

Panalangin para sa mga Pari upang Maihanda nila ang mga Kaluluwa para sa Muling Pagdating ni Kristo

(Prayer for the Clergy to Prepare Souls for the New Paradise)

O Hesus ko, Ako’y abang lingkod Mo at ang pag-gabay Mo ay kailangan ko upang maihanda ang mga kaluluwa sa Iyong matagumpay at maluwalhating Muling Pagdating.Tulungan Mo akong mahikayat ang mga kaluluwa na magbagong-buhay at ihanda sila ayon sa Banal mong Kalooban upang sila ay maging karapat-dapat na makapasok sa Bagong Langit at Mundong

ipinangako Mo sa sanlibutan na Iyong tinubos sa pamamagitan ng pagkamatay sa Krus.

Pagkalooban Mo po ako ng mga biyayang kailangan ko upang maibahagi ko ang Iyong Salita sa mga kaluluwang uhaw at nawa’y hindi ako panghinaan ng loob sa pagtupad ng tungkulin ko sa Iyo Hesus, Ikaw na pinangakuan ko ng aking katapatan at paglilingkod sa pamamagitan ng aking Sagradong Panata. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (41)

Para sa mga Kaluluwang Hindi Naniniwala sa Diyos

(For the Souls of Non-Believers)

O Hesus ko tulungan Mo po ang Iyong kaawa-awang mga anak na bulag at hindi nakakakita ng pangako mong kaligtasan. Ako’y nagsusumamo na sa tulong ng aking mga panalangin at pagdurusa, ay mabuksan Mo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya sa Iyo upang makita nila at maramdaman ang Iyong banayad na pag-ibig at makalapit ng walang pag-aalinlangan sa iyong mga bisig at masumpungan ang proteksyon. Tulungan Mo pong makita nila ang katotohanan at makamit ang kapatawaran sa lahat ng kanilang mga nagawang kasalanan upang sila’y maligtas at maunang makapasok sa pintuan ng Bagong Paraiso. Ipinapanalangin ko po ang mga kaawa-awang kaluluwang ito, lalaki, babae, at kahit mga musmos, at nagsusumamo akong patawarin mo ang lahat ng kanilang mga kasalanan. Amen.”

KRUSADA NG PANALANGIN (42)

Panalangin ng Pag-aayuno para Hadlangan ang Isang Pandaigdigang Salapi

(Prayer of Fasting for One World Currency)

O Diyos na Kaitaas-taasan, iniaalay namin ang handog na pag-aayuno upang Iyong pigilan ang kasamaan sa mundo tulad ng planong ipagkait sa aming bansa ang pagkain kasama dito ang Tinapay na nagbibigay-buhay.

Tanggapin mo po ang aming handog at pakinggan ang aming pagmamakaawa para sa mga bansang maghihirap at mapapahamak dahil sa plano ng Anti-Kristo.

Iligtas Mo po kami sa kasamaang ito at protektahan ang aming pananampalataya upang malaya ka naming maparangalan ng buong pag-ibig at pagpupuri magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (43)

Iligtas ang mga Kaluluwa sa Darating na Babala

(Save Souls During the Warning)

O Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, alang-alang sa pinakamamahal mong Anak na si Hesu-Kristo, at sa alaala ng Kanyang pagkamatay sa Krus upang kami’y iligtas, nagmamakaawa kami upang iligtas mo ang mga kaluluwang hindi magawang iligtas ang kanilang sarili at sa darating na Babala ay maaaring mamatay ng may mortal na kasalanan. Alang-alang sa paghihirap ng Iyong mahal na Anak na si Hesus, nagsusumamo kaming patawarin Mo ang mga taong hindi makakapagsisi sapagkat babawian sila ng buhay bago pa man makahingi ng patawad at Awa na makakapagpalaya sa kanila sa kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (44)

Lakas upang Ipagtanggol ang aking Pananampalataya laban sa Bulaang Propeta

(For Strength to Defend my Faith Against the False Prophet)

Hesus bigyan Mo po ako ng lakas upang mapanatili ang mga aral mula sa Iyo at maipahayag ang Iyong Banal na Salita sa lahat ng oras. Huwag mo pong hayaan na ako’y matuksong hangaan ang Bulaang Propeta na itatanghal ang sarili at magpapanggap bilang Ikaw. Panatilihin Mo pong matibay ang pag-ibig ko sa Iyo. Bigyan Mo po ako ng biyaya ng karunungan at sapat na pang-unawa upang hindi ko kailanman ipagtatwa ang katotohanang taglay ng Bibliya kahit na maraming kasinungalingan ang iharap sa akin upang akitin ako na talikuran ang Iyong Tunay na Salita. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (45)

Panalangin upang Labanan ang mga Negatibong Kaisipan

(Prayer to Conquer Negative Thoughts)

O Hesus, hindi kita lubusang nakilala, nawa’y tulungan Mo akong buksan ang aking puso upang Ikaw ay makapasok sa aking kaluluwa upang taglayin ko ang kagalingan, kaginhawahan, at ang lubos na kapayapaan. Tulungan Mong madama ko ang kagalakan, at malabanan ang lahat ng mga negatibong kaisipan. At turuan Mong maunawaan ko kung paano maging kalugod-lugod sa Iyo upang ako’y makapasok sa Iyong Bagong Paraiso nang sa gayon, ako’y mabuhay sa pag-ibig, kagalakan, at kahiwagaan kasama Mo magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (46)

Palayain Mo Ako sa Tanikala ng Kaaway

(Free me from the Chains of Satan)

O Hesus, Ako’y naliligaw. Ako’y naguguluhan at pakiramdam ko’y tulad ng isang bilanggong nabihag sa isang masalimuot na lugar at hindi na makatakas. Ako’y nananalig Hesus na tutulungan mo ako at palalayain sa tanikala ni Satanas at ng kanyang mga demonyo. Tulungan mo ako sapagkat ako’y naliligaw. Kailangan ko ang iyong pag-ibig upang palakasin ang aking pananalig at pagtitiwala sa Iyo upang ako’y maligtas sa kasamaan at sa wakas ay aking masumpungan ang kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (47)

Pagningasin Mo ang Pag-ibig kay Hesus

(Re-kindle your Love for Jesus)

O Pinagpalang Ina, Ina ng Kaligtasan ng sanlibutan, ipanalangin mo na ang pag-ibig ko kay Hesus ay magningas. Tulungan mo ako na madama ang alab ng Kanyang pag-ibig upang mapuspos ang aking kaluluwa. Tulungan mong ibigin ko si Hesus ng higit pa. Ipanalangin mo na ang aking pananalig, pag-ibig, at debosyon sa Kanya ay mas lalo pang tumibay. Alisin mo ang anumang pag-aalinlangan na nagpapahirap sa akin at tulungan mong makita ko ng malinaw ang Mabathalang Liwanag ng katotohanan na namumutawi sa Iyong mahal na Anak, ang tagapagligtas ng sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (48)

Panalangin Para sa Biyaya upang Ipahayag ang Muling Pagdating ni Kristo

(Prayer for the Grace to Proclaim the Second Coming of Jesus Christ)

O Hesus Ko, pagkalooban mo ako ng biyaya upang maipahayag ko ang Iyong Banal na Salita sa lahat ng tao upang ang kanilang mga kaluluwa ay maligtas. Puspusin mo ako ng Iyong Espiritu Santo, ako na abang lingkod Mo upang ang Iyong Banal na Salita ay pakinggan at tanggapin lalo na ng mga kaluluwang higit na nangangailangan ng Iyong Awa. Tulungan mo akong parangalan ang Iyong Banal na Kalooban sa lahat ng oras at nawa’y huwag insultuhin o hatulan ng mga taong tumatanggi sa Iyong Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 49

Panata ng Katapatan para sa Kristiyanong Kaparian

(Pledge of Loyalty for Christian Clergy)

O Hesus ako’y aliping mababang loob. Panata ko ang pag-ibig at katapatan sa Iyo. Nagsusumamo akong bigyan Mo ako ng tanda sa Iyong pagtawag. Tulungan Mong mabuksan ang aking mga mata at masaksihan ang Iyong pangako. Biyayaan Mo ako ng pagpapala ng Espiritu Santo upang ako’y hindi malinlang ng mga nagpapanggap sa pangalan Mo ngunit hindi naman nagpapahayag ng katotohanan. Ipakita Mo po sa akin ang katotohanan. Ipahintulot Mo na madama ko ang iyong pagmamahal nang sa gayon matupad ko ang Kabanal-banalan Mong Kalooban. Hinihiling ko ng may Kababaang loob na ipakita Mo sa akin ang pamamaraan na maaari kung maitulong upang maligtas ng mga kaluluwa sa sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (50)

Hesus Tulungan Mo Akong Makilala Ka

(Jesus Help me to know who You are)

O Mahal kong Hesus, tulungan Mo akong makilala Ka. Patawarin mo ako kung ngayon lamang Kita kinakausap. Tulungan mong masumpungan ko ang kapayapaan sa aking buhay at maipakita ang katotohanan ng buhay na walang hanggan. Mapanatag nawa ang aking puso. Pawiin Mo ang aking pagkabalisa at pagkalooban ng kapayapaan. Buksan mo ngayon ang aking puso, punuin Mo ng pag-ibig ang aking kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 51

Para sa Kaloob ng Espiritu Santo

(For the Gift of the Holy Spirit)

O Halina Espiritu Santo! Padaluyin Mo ang Iyong Kaloob na Pag-ibig, Karunungan at Kaalaman sa aking abang kaluluwa. Punuin Mo ako ng Liwanag ng Katotohanan upang mabatid ko ang katotohanan na mula sa Diyos at hindi ang mga kasinungalingan na pinalaganap ni Satanas at ng kanyang mga kampon.

Tulungan mo akong hawakan ang sulo at ikalat ang apoy ng pang unawa sa lahat ng aking makakasalamuha sa pamamagitan ni Kristo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (52)

Panalangin kay Ama

(Prayer to the Father)

Pinakamamahal kong Ama, sa Ngalan ng Iyong mahal na Anak at sa alaala ng Kanyang pagpapakasakit sa Krus, Ako’y tumatawag sa Iyo. Ikaw, Diyos na Kataas-taasan, Maylikha ng daigdig at lahat sa buhay, nasa Iyong mga Banal na Kamay ang aming kaligtasan. Yakapin mo ang lahat ng mga anak Mo kabilang na ang mga hindi nakakakilala sa Iyo at mga nakakakilala nga ngunit nakatuon sa iba. Patawarin mo ang aming mga kasalanan at iligtas kami sa pagpapahirap ni Satanas at ng kanyang kawal. Hawakan Mo kami at panatilihin sa Iyong mga bisig at punuin Mo kami ng pag-asa na kailangan naming makita ang daan patungo sa katotohanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 53

Panalangin para sa Simbahang Katolika

(Prayer for the Catholic Church)

O Diyos Ama, Sa ngalan ng Iyong Mahal na Anak, nagsusumamo ako na pagkalooban Mo ng lakas at biyayang kailangan upang matulungan ang mga pari na magtiis sa hirap na kanilang dinadanas. Tulungan Mo silang kumapit sa katotohanan ng mga Pangaral ng Iyong Anak na si Hesu-Kristo, at kahit kailan ay huwag mag-alinlangan, manghina, o magpadala sa mga kasinungalingan tungkol sa pag-iral ng Banal na Eukaristiya. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN (54)

Panalangin kay Ama Upang Mabawasan ang Pinsala ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig

(Prayer to the Father to Dilute the Impact of World War 3)

O aming Amang Banal sa langit, sa Ngalan ng Iyong mahal na Anak na si Hesu-Kristo na lubos na naghirap dahil sa kasalanan ng sangkatauhan, tulungan Mo nawa kami sa masalimuot na panahong aming hinaharap ngayon. Tulungan Mo na maligtas kami sa mga pahirap na binabalak ng mga sakim na pinuno at iyong mga nagnanais sumira sa Iyong mga simbahan at sa Iyong mga anak. Nagsusumamo kami, Ama naming Mahal, na tulungan Mo kaming mapakain ang aming mga pamilya at iligtas ang buhay ng mga taong mapipilitang lumaban sa digmaan na labag sa kanilang kalooban. Pinakamamahal Ka namin Ama. Nagmamakaawa kami na tulungan Mo kami sa panahon ng aming pangangailangan. Iligtas mo kami sa kamay ng Anti-Kristo. Tulungan Mong maligtas kami sa kanyang tatak, ang tatak ng Halimaw, sa pamamagitan ng pagtanggi dito. Tulungan Mo kaming mga nagmamahal sa Iyo na manatiling tapat sa Banal na Salita Mo sa lahat ng oras ng sa gayon ay mapagkalooban Mo ng biyaya upang maligtas ang aming Katawan at Kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 55

Upang Mapaghandaan ang Babala

(To Prepare for the Warning)

O Mahal kong Hesus, nawa’y buksan Mo ang puso ng lahat ng Iyong mga anak sa handog Mong Dakilang Awa.

Tulungan Mo po silang tanggapin ang Iyong Mabathalang Awa ng may pag-ibig at pasasalamat. Gawin Mo po silang mapagkumbaba sa Iyong Harapan at makapagsisi sa kanilang mga kasalanan upang sila’y maging bahagi ng Iyong Maluwalhating Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 56

Para sa mga Paring Naghahangad ng Proteksyon para sa Banal na Eukaristiya

(For Priest Seeking Protection for the Holy Eucharist)

O Minamahal na Ama, sa Ngalan ng Iyong pinakamamahal na Anak, na nagsakripisyo ng kanyang Sarili sa krus para sa sangkatauhan, tulungan Mo akong manatili sa katotohanan. Lukuban Mo ako ng Mahal na Dugo ng Iyong Anak at bigyan ako ng biyaya upang patuloy na paglingkuran Ka ng may pananalig, pagtitiwala, at karangalan sa nalalabing panahon ng aking paglilingkod. Huwag Mong hayaan na ako’y malihis sa tunay na kahulugan ng Sakripisyo ng Banal na Misa o kaya’y ng pagpapakilala ng Banal na Eukaristiya sa Iyong mga anak. Pagkalooban Mo ako ng lakas upang kumatawan sa Iyo at pakainin ang Iyong kawan sa paraang nararapat sa kanilang pagtanggap ng Katawan, Dugo, Kaluluwa, at Pagka-Diyos ng Iyong Anak, si Hesu-Kristo, ang Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 57

Panalangin para sa Kaparian- Hesus Pahintulutan Mong Marinig ko ang Iyong Pagtawag

(Prayer for Clergy: Jesus, Let me Hear Your Call)

O Minamahal kong Hesus, Buksan Mo ang aking tenga sa kaibuturan ng Iyong tinig. Buksan Mo ang aking puso sa Iyong magiliw na pagtawag. Punuin Mo ang aking kaluluwa ng Espiritu Santo, Upang Ika’y makilala ko sa oras na ito. Iniaalay ko sa Iyo ang mapagkumbabang katapatan ko sa lahat ng iutos Mo sa akin. Tulungan Mong mamalas ko ang katotohanan, manindigan, tumugon, at sumunod sa Iyong tinig upang makatulong ako sa Iyo sa pagsalba ng mga kaluluwa ng sanlibutan. Ang Kalooban Mo ang susundin ko. Bigyan Mo ako ng tapang na magpaubaya sa Iyong paggabay upang taglayin ko ang sanggalang na kailangan para pamunuan ang Iyong simbahan tungo sa Bagong Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 58

Para sa Pagbabalik-loob

(Crusade of Conversion Prayer)

O minamahal na Hesus, tumatawag ako sa Iyo, na yakapin mo ang lahat ng anak ng Diyos at lukuban sila ng Iyong Mahal na Dugo. Hayaan mong ang bawat patak ng Iyong Dugo ay bumalot sa bawat kaluluwa upang ipagsanggalang sila mula sa masama. Buksan mo ang puso ng lahat lalong-lalo na ang mga suwail na kaluluwa ganon din ang mga kaluluwang nakakakilala sa Iyo ngunit may dungis ng kasalanan ng kapalaluan, na sila’y magpakumbaba at magmakaawa na ang liwanag dulot ng Iyong pag-ibig ay mag-umapaw sa kanila. Buksan mo ang kanilang mga mata para makita ang katotohanan upang magsimulang umulan sa kanila ang Iyong Mabathalang Awa nang sa ganon ay mabalot sila ng sinag ng Iyong Awa. Baguhin mo po ang lahat ng kaluluwa sa pamamagitan ng mga biyayang hinihingi ko ngayon Mahal kong Hesus (sabihin ang pansariling intensyon). Nagsusumamo ako ng Awa at iniaalay ko ang handog ng pag-aayuno isang beses bawat linggo ngayong buwan ng Hunyo para sa kapatawaran ng lahat ng kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 59

Panata ng Katapatan sa Mabathalang Kalooban ng Diyos

(A Pledge of Allegiance to the Divine Will)

O Diyos na Kataas-taasan, O Amang Makalangit. Panata ko ang aking maigting na katapatan na parangalan at sundin Ka sa lahat ng bagay kaisa ng Iyong Mabathalang Kalooban sa mundo. Ako, sa pamamagitan ng Banal na Dugo ng Iyong bugtong na Anak, ang Tunay na Mesiyas, ay nag – aalay ng aking kaisipan, aking katawan, at aking kaluluwa, sa ngalan ng lahat ng kaluluwa, upang tayo ay magkasama bilang isa sa Iyong Makalangit na Kaharian na darating, dahil dito ang Iyong Mabathalang Kalooban ay magaganap sa lupa para ng sa langit. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 60

Panalangin para sa Pagbabalik-loob ng mga Pamilya Habang Nagaganap ang Babala

(Prayer for Conversion of Families During the Warning)

O minamahal at Katamis-tamisang Hesus, ako’y nagmamakaawa para sa mga kaluluwa ng aking pamilya (sabihin ang mga pangalan). Iniaalay ko sa Iyo ang aking mga paghihirap, aking mga pagsubok, at aking mga panalangin upang iligtas ang kanilang mga kaluluwa sa ispiritu ng kadiliman. Nawa’y walang ni isa man sa kanila, mga anak mo, ang magtatwa o tumanggi sa Iyong Kamay ng Awa. Buksan mo ang kanilang mga puso upang makaugnay ng Iyong Kamahal-mahalang Puso upang hangarin nila ang kapatawarang kailangan para sila’y maligtas sa apoy ng impyerno. Bigyan mo sila ng pagkakataong makipagkasundo upang sila’y magbalik-loob dulot ng Sinag ng Iyong Mabathalang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 61

Hadlangan ang “One World Control”

(Avert One World Control)

O Mahal na Amang Makalangit, sa ala-ala ng Pagkakapako sa Krus ng Iyong Mahal na Anak na si Hesu-Kristo, nagsusumamo ako na protektahan Mo kami, mga anak mo, mula sa pagpako na binabalak upang patayin ang iyong mga anak ng Anti-Kristo at kanyang mga taga-sunod. Bigyan mo po kami ng biyayang kailangan upang tanggihan ang Tanda ng Halimaw at pagkalooban kami ng tulong na kailangan upang labanan ang kasamaan sa mundo na kinakalat ng mga sumusunod sa landas ni Satanas. Nagsusumamo kami sa Iyo, Mahal na Ama, na protektahan ang lahat ng Iyong mga anak sa kasindak-sindak na panahong ito at gawin mo kaming ganap na malakas upang manindigan at magpahayag ng Iyong Banal na Salita sa lahat ng oras. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 62

Para sa mga Kaluluwang Naliligaw at Walang Tumutulong

(For Lost and Helpless Sinners)

O Hesus tulungan Mo ako sapagkat ako’y makasalanan, naliligaw, walang tumutulong, at nasa kadiliman. Ako’y mahina at walang lakas ng loob na lumapit sa Iyo. Bigyan mo ako ng lakas na tumawag sa Iyo ngayon upang ako’y makalaya sa kadilimang taglay ng aking kaluluwa. Dalhin mo ako sa Iyong liwanag Mahal na Hesus, patawarin mo ako. Tulungan mong ako’y mabuo muli at ako’y akayin mo sa Iyong pag-ibig, kapayapaan, at Buhay na Walang Hanggan. Ako’y nananalig ng lubusan sa Iyo at hinihingi kong ako’y angkinin mo sa isip, katawan, at kaluluwa, sapagka’t ako’y sumusuko na sa Iyong Mabathalang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 63

Alagaan Mo Ako sa Paglalakbay na Ito

(Preserve me on this Journey)

Minamahal kong Ina ng Kaligtasan, hinihiling kong ipanalangin mong ako’y mapagkalooban ng Pagkain ng Buhay upang ako’y manatili sa paglalakbay na ito ng sa gayon ako’y makatulong sa pagsalba ng lahat ng anak ng Diyos. Nawa’y tulungan mo ang mga nalinlang sa pamamagitan ng mga maling idolo at diyos-diyosan na mabuksan ang kanilang mga mata sa katotohanan ng Pagkamatay ng Iyong Anak sa Krus upang maligtas ang bawat anak ng Diyos at pagkalooban ang bawat isa ng Buhay na Walang Hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 64

Iligtas mo po ang Aking mga Kapatid

(Save my Brothers and Sisters)

O minamahal kong Tagapag-ligtas, Hesu-Kristo, tanggapin mo ang handog kong panalangin at mga sakripisyo upang makatulong sa pagliligtas ng aking mga kapatid sa bilangguan ng kadiliman na kanilang kinalalagyan. Hayaan mong makatulong ako sa pagsagip sa kanilang mga kaluluwa. Nagmamakaawa ako na sila’y patawarin mo sa kanilang mga kasalanan at hinihiling ko na puspusin Mo ang kanilang mga kaluluwa ng Espiritu Santo upang sila’y lumapit sa Iyong mga bisig bilang kanlungang lubha nilang kailangan bago sila mawala magpakailanman. Iniaalay ko sa Iyo ang handog kong pagsuko ng sarili para sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng mapagkumbabang paglilingkod at pasasalamat. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 65

Para Sa Mga May Salang Mortal

(For those in Mortal Sin)

O Minamahal na Hesus, Manunubos ng Sangkatauhan, sa pamamagitan ng Iyong Mabathalang Awa, nagsusumamo akong kahabagan mo ang lahat ng kaawa-awang kaluluwang nagkasala na maaaring mawala sa mundo habang nagaganap ang Babala. Patawarin mo po ang kanilang mga kasalanan at sa ala-ala ng iyong Pagpapakasakit, nagmamakaawa akong ipagkaloob mo ang natatanging pabor na ito bilang kabayaran sa kanilang mga kasalanan. Iniaalay ko ang aking sarili sa Iyo, isip, katawan, at kaluluwa, bilang penitensya upang maisalba ang kanilang mga kaluluwa, at maipagkaloob sa kanila ang buhay na walang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 66

Para sa Kaparian: Tulungan Mo Akong Manatiling Tapat sa lyong Kabanal-Banalang Salita

(For Clergy: Help me to Remain True to Your Most Holy Word)

O minamahal na Hesus, tulungan Mo po akong manatiling tapat sa yong Kabanal-Banalang Salita sa lahat ng oras. Bigyan Mo po ako ng lakas upang manindigan sa Katotohanan ng lyong Simbahan sa harap ng pagdurusa. Punuin Mo ako ng biyaya upang ipagkaloob ang mga Banal na Sakramento sa paraang itinuro mo sa amin. Tulungan Mo akong pakainin ang lyong Simbahan ng Tinapay ng Buhay at manatiling tapat sa Iyo kahit pinagbabawalan akong gawin ito. Palayain Mo ako mula sa tanikala ng panlilinlang na maaaring harapin ko upang makapagpahayag ng tunay na Salita ng Diyos. Balutin Mo po lahat ng Sagradong Lingkod Mo ng Iyong Mahal na Dugo sa oras na ito upang kami’y manatiling malakas ang loob, tapat, at matiyaga, sa aming ugnayan sa Iyo, Hesu Kristo, minamahal naming Tagapagligtas . Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 67

Panatilihin Mo pong Ligtas ang Aking mga Anak mula sa Hari ng Kasinungalingan

(Keep my Children Safe from the King of Lies)

May pagsusumamong hinihiling ko Mahal na Hesus na panatilihin mo pong ligtas ang aking mga anak mula sa Hari ng Kasinungalingan. Itinatalaga ko ang mga batang ito (sabihin ang mga pangalan) sa Iyong Kamahal-mahalang Puso at hinihiling kong sa pamamagitan ng paglukob ng Iyong Mahal na Dugo, mabigyan Mo ng liwanag ang kanilang mga kaluluwa at dalhin Mo sila ng ligtas sa iyong mapagmahal na mga bisig upang sila’y maprotektahan sa lahat ng kapahamakan. Hinihiling ko na buksan mo ang kanilang mga puso at puspusin ang kanilang mga kaluluwa ng Iyong Espritu Santo habang nagaganap ang Iluminasyon ng Konsiyensya (Illumination of Conscience) upang sila’y malinis sa bawat kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (68)

Protektahan Mo po Kami mula sa Impluwensya ni Satanas

(Protect me from the Influence of Satan)

Ina ng Diyos, Ina ng Kaligtasan, lukuban mo po ako ng iyong kabanal-banalang balabal at protektahan ang aking pamilya mula sa impluwensya ni Satanas at ng kanyang bumagsak na mga anghel. Tulungan Mo akong magtiwala sa Mabathalang Awa ng iyong minamahal na Anak, si Hesu-Kristo, sa lahat ng oras. Palakasin mo ako sa pag-ibig sa Kanya at huwag na huwag mo akong hayaang malihis sa Katotohanan ng Kanyang Aral gaano man karami ang mga tuksong inilalaan sa akin. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 69

Panalangin Upang Tanggapin ang Mabathalang Kalooban ng Aking Ama

(Prayer to God the Father to Accept His Divine Will)

Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, tinatanggap ko ang Iyong Mabathalang Kalooban. Tulungan Mo po ang Iyong mga anak na tanggapin ito. Pigilan mo po si Satanas sa kanyang pagkakait sa karapatan ng Iyong mga anak sa pamana ng kanilang Ama. Huwag na huwag mo pong hayaan na isuko namin ang laban para sa aming mana sa paraiso. Pakinggan N’yo po ang aming pagsusumamo na paalisin si Satanas at kanyang mga bumagsak na anghel.

Hinihiling ko sa Iyo Minamahal na Ama na linisin Ninyo po ang mundo sa pamamagitan ng Iyong Awa at lukuban kami ng Iyong Espiritu Santo. Pamunuan Ninyo po kami upang maitatag ang Iyong Banal na Hukbo, puspos ng kapangyarihan upang patalsikin ang halimaw magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 70

Panalangin Para sa Kaparian: Upang Maging Matatag at Matapat sa Banal na Salita ng Diyos

(Prayer for Clergy to Remain Firm and True to Your Holy Word of God)

O minamahal na Hesus, tulungan Mo po ang mga sagradong lingkod Mo na mabatid ang pagkakawatak-watak ng lyong simbahan sa paglantad nito. Tulungan Mo po ang mga sagradong lingkod Mo na manatiling matatag at matapat sa lyong Banal na Salita. Huwag na huwag Mo pong hayaan na ang mga makamundong ambisyon ay magdulot ng paglabo sa dalisay na pag-ibig nila sa Iyo. Pagkalooban Mo po sila ng biyaya na manatiling malinis at mapagkumbaba sa harap Mo at maparangalan ang Iyong Kabanal­ Banalang Presensya sa Eukaristiya. Tulungan Mo po at gabayan lahat ng mga sagradong lingkod Mo na maaaring nanlalamig ang pag-ibig sa Iyo at muli Mo pong pagningasin ang apoy ng Espiritu Santo sa kanilang mga kaluluwa. Tulungan Mo po na mabatid nila ang tukso na inilalagay sa kanila upang sila’y gambalain. Buksan ninyo po ang kanilang mga mata upang kanilang makita ang Katotohanan sa lahat ng oras. Pagpalain Mo po sila mahal na Hesus sa oras na ito at lukuban sila ng lyong Mahal na Dugo upang manatili silang ligtas sa kapahamakan. Bigyan Mo po sila ng lakas na paglabanan ang pang-aakit ni Satanas, kung sakaling sila’y gambalain ng pang-aakit na itanggi ang pag-iral ng kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 71

Panalangin Upang Tayo’y Maligtas sa Kalupitan

(Prayer to Save us from Persecution)

O Hesus iligtas Mo po ang mga anak ng Diyos mula sa Anti-Kristo. Protektahan Mo po kami sa mga binabalak na pagkontrol ng mundo. Panginoon, iligtas Mo po kami sa kalupitan. Protektahan Mo po mula sa Anti-Kristo ang mga kaluluwang nasa kadiliman upang sila’y matubos sa mga mata Mo. Tulungan Mo po kami sa aming mga kahinaan. Patibayin Mo po ang aming ispiritu upang manindigan at pamunuan ang bawat isa habang kami’y nagmamartsa bilang Iyong hukbo patungong pintuan ng Paraiso. Kinakailangan Kita Mahal na Hesus. Pinakamamahal Kita Mahal na Hesus. Sinasamba ko ang Presensya mo sa mundo. Lumalayo ako sa kadiliman. Pinupuri Kita at itinatalaga ang aking sarili, pangkatawan at kaluluwa, upang maipakita Mo sa akin ang Katotohanan ng Iyong Presensya ng sa ganon ay lagi akong magtiwala sa iyong Habag sa lahat ng oras. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 72

Ang Panalangin ng Disipulo

(The Disciple’s Prayer)

Mahal kong Hesus, ako ay handa na sa pagpapakalat ng Iyong Banal sa Salita. Pagkalooban Mo po ako ng tibay ng loob, lakas, at kaalaman para ipahayag ang Katotohanan upang ang mas maraming kaluluwa ay maihatid sa Iyo. Dalhin mo ako sa Iyong Kamahal-mahalang Puso at lukuban ako ng Iyong Mahal na Dugo para ako’y mapuno ng grasya upang ipakalat ang pagbabalik-loob tungo sa kaligtasan ng lahat ng anak ng Diyos sa bawat bahagi ng mundo anuman ang kanilang paniniwala. Lagi kitang pinagtitiwalaan. Ang Iyong minamahal na disipulo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 73

Para sa mga Batang Kaluluwa

(For Youn Souls, Young Children)

O Hesus, tulungan Mo po ako na iligtas ang mga kaluluwa ng mga bata sa buong mundo. Sa pamamagitan ng Iyong biyaya tulungan Mo po sila na makita ang katotohanan ng Iyong pag-iral. Dalhin Mo po sila sa Iyong Kamahal-mahalang Puso at buksan ang kanilang mga mata sa Iyong Pag-ibig at Awa. Iligtas Mo po sila sa apoy ng impyerno sa pamamagitan ng aking mga panalangin at kaawaan Mo po ang kanilang mga kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 74

Para sa Kaloob na Mataas na Paglilimi

(For the Gift of Discernment)

O Ina ng Diyos, tulungan mo ako na ihanda ang aking kaluluwa para sa Kaloob na Espiritu Santo. Kunin mo ang aking kamay at mistulang bata, akayin ako at pangunahan sa landas patungo sa Kaloob na Pang-unawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Buksan mo ang aking puso at turuan akong isuko ang aking katawan, kaisipan at kaluluwa. Tanggalin mo sa akin ang kasalanan ng kapalaluan at ipanalangin na ako’y mapatawad sa lahat ng aking nagawang kasalanan upang ang kaluluwa ko’y maging malinis at ako’y maging ganap at karapat-dapat tumanggap sa Kaloob ng Espiritu Santo. Pinasasalamatan kita Ina ng Kaligtasan sa iyong pamamagitan at aking hinihintay ng may pag-ibig sa aking puso ang kaloob na ito na aking inaasam ng buong galak. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 75

Itinatalaga ko ang Pagdurusa Ko sa Iyo Mahal na Hesus

(I Assign my Pain to You, Dear Jesus)

Hesus itinatalaga ko ang aking mga pagdurusa at pasakit sa dinanas Mong matinding paghihirap sa Kalbaryo. Sa bawat insulto na tinitiis ko aking iniaalay ito sa Iyo. Sa bawat pang-aabuso at salitang mapanghusga na dinaranas ko aking iniaalay ito bilang parangal sa Pagputong sa Iyo ng Koronang Tinik. Sa bawat hindi makatarungang panlalait sa akin iniaalay ko ito bilang parangal sa paghamak sa Iyo sa harapan ni Pilato. Sa bawat pisikal na pananakit na tinitiis ko sa kamay ng iba aking iniaalay ito bilang parangal sa paghampas sa Iyo habang nakagapos sa haliging bato. Sa bawat pang-aalipustang tinitiis ko iniaalay ko ito bilang parangal sa kalunos-lunos na pisikal na paghihirap na naranasan Mo nang ang koronang tinik ay tumusok sa Iyong Mata. Sa bawat pagtulad ko sa Iyo, pagbahagi ng Iyong mga Aral, at tuwing pagkutya sa akin sa Ngalan Mo, hayaan mong samahan kita sa landas patungong kalbaryo. Tulungan mong maalis sa akin ang kayabangan at kailanman ay huwag matakot aminin na ako’y umiibig sa Iyo Mahal na Hesus. Sa pagkakataong tila ang lahat sa aking buhay ay mawalan ng pag-asa Mahal na Hesus, tulungan Mo akong maging matapang sa pamamagitan ng pag-alaala sa Iyong buong-pusong pagtanggap na maipako sa Krus sa malupit at walang habag na paraan. Tulungan mo akong manindigan at mabilang sa mga totoong Kristiyano, isang tunay na sundalo sa Iyong hukbo, mapagpakumbaba at nagsisisi ng buong puso, bilang alaala sa Sakripisyo na Iyong ginawa para sa akin. Hawakan Mo ang aking kamay mahal na Hesus at ipakita sa akin kung paano ang aking sariling pagdurusa ay maaaring makahikayat sa iba na makiisa sa iyong hukbo kasama ng mga kaluluwang nagkakasundo sa pag-ibig sa Iyo. Tulungan Mo akong tumanggap ng paghihirap at ialay ito sa Iyo bilang handog para sa kaligtasan ng mga kaluluwa sa huling pakikipaglaban sa kalupitan ng masamang kaaway. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 76

Panalangin ng Hindi Naniniwala sa Diyos

(The Atheist’s Prayer)

Hesus tulungan Mo ako na tanggapin ang pag-ibig ng Diyos kung paanong ipinapakita ito sa akin. Buksan Mo ang aking mga mata, aking isip, aking puso at aking kaluluwa upang ako’y maligtas. Tulungan Mo akong maniwala sa pagpuno ng aking puso ng Iyong pag-ibig. Pagkatapos ay hawakan Mo ako at iligtas ako sa pagdurusa dulot ng pag-aalinlangan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 77

Para sa Great Britain

(For Great Britain)

O Kataas-taasang Ama sa langit, Diyos na Maylikha ng tao, nawa’y pakinggan Mo ang aking panalangin. Ako’y nagsusumamo na iligtas Mo ang Britanya mula sa mga mahigpit na kapit ng kasamaan at diktadura. Hinihiling ko na pagbuklurin Mo kaming lahat, anumang relihiyon, pananampalataya, at kulay, bilang isang pamilya sa Iyong mga Mata. Pagkalooban Mo kami ng lakas upang magkaisa sa paglabag sa anumang batas na sasalungat sa Iyong mga Aral. Bigyan Mo kami ng lakas at tapang upang kailanman ay hindi Ka namin talikdan at makatulong sa pagligtas ng lahat ng Iyong mga anak sa pamamagitan ng aming mga panalangin. Pag – isahin Mo po ang lahat ng aming mga kapatid upang sama-sama naming parangalan ang Iyong pangako na kami’y Iyong dadalhin sa buhay na walang hanggan at makapasok sa Iyong Paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 78

Iligtas Mo ako sa Kasamaan

(Save me from Evil)

O Hesus protektahan Mo po ako mula sa kapangyarihan ni Satanas Dalhin Mo po ako sa Iyong puso habang ako’y bumibitiw sa kanya at sa mga masasama niyang gawain. Isinusuko ko sa Iyo ang aking kalooban at naninikluhod sa Iyong harapan ng may kababaang loob at pusong tapat. Ipinapaubaya ko ang aking buhay sa Iyong Mapagpalang Bisig. Iligtas Mo ako sa kasamaan. Palayain ako at dalhin ako sa ligtas na kanlungan ng Iyong proteksyon ngayon at magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 79

Para sa 2 Bilyon na Napariwarang Kaluluwa

(For Two Billion Lost Souls)

O Mahal na Hesus, ako’y nagsusumamo na ibuhos Mo ang Iyong Awa sa mga napariwarang kaluluwa. Patawarin Mo po ang pagtanggi nila sa Iyo at gamitin Mo ang aking panalangin at paghihirap upang sa pamamagitan ng Iyong Awa ay mabuhos sa kanila ang Iyong biyaya na kailangan para sa kadalisayan ng kanilang mga kaluluwa. Isinasamo ko ang handog ng awa para sa kanilang mga kaluluwa. Hinihiling ko na buksan Mo ang kanilang mga puso upang sila’y lumapit sa Iyo at puspusin ng Espiritu Santo upang matanggap nila ang katotohanan ng Iyong Pag-ibig at mabuhay na kasama Mo at ng Pamilya ng Diyos magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 80

Para sa mga Kaluluwang Pumapatay

(For the Souls of those who Commit Murder)

O Mahal na Hesus, ako’y nagsusumamo na kaawaan Mo ang mga pumapatay. Ako’y nakikiusap ng kaluwagan sa mga may salang mortal. Iniaalay ko ang aking pagpapakasakit at paghihirap sa Iyo, upang Iyong buksan ang Iyong puso at patawarin sila sa kanilang mga kasalanan. Hinihiling kong lukuban Mo ng Iyong Mahal na Dugo ang mga kaluluwang may masamang layunin upang sila ay mahugusan at maging malinis mula sa kanilang labis na kawalang-katarungan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 81

Para sa Regalo na Banal na Komunyon

(For the Gift of Holy Communion)

O Makalangit na Ostiya, punuin Mo ang aking katawan ng kalakasang kailangan nito. Punuin Mo ang aking kaluluwa ng Mabathalang Presensya ni Hesu Kristo. Bigyan Mo ako ng mga biyayang kailangan upang matupad ko ang Banal na Kalooban ng Diyos. Punuin Mo ako ng kapayapaan at katiwasayan na nagmumula sa Iyong Banal na Presensya. Nawa’y huwag mong ipahintulot na ako’y mag-alinlangan sa Iyong Presensya. Tulungan Mong tanggapin Kita sa Iyong Katawan at Kaluluwa, at sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, ang mga Grasyang ipinagkaloob sa akin ay makatulong sa akin na ipahayag ang Kaluwalhatian ng ating Panginoon na si Hesu- Kristo. Linisin Mo po ang aking puso. Buksan Mo ang aking kaluluwa at gawin akong banal tuwing tinatanggap ko ang Dakilang Regalo, ang Banal na Eukaristiya. Ipagkaloob Mo po sa akin ang mga grasya at mga pabor na inilalaan nito sa lahat ng anak ng Diyos at bigyan ako ng lubos na kaligtasan (immunity) mula sa apoy ng purgatoryo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN (82)

Para sa Tagumpay ng Natitirang Simbahan

(For the Victory of the Remant Church)

Hesus, Hari at Tagapagligtas ng sanlibutan, sa Iyo ay panata namin ang parangal, aming katapatan at mga gawain, upang ipahayag ang Iyong Kaluwalhatian sa lahat. Tulungan Mong makamtan namin ang kalakasan, at ang katapangan, upang manindigan at ipahayag ang Katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Nawa’y huwag Mo pong hayaan na kami’y magkamali o maantala sa aming paglalakbay tungo sa tagumpay, at sa aming plano ng pagsasalba ng mga kaluluwa. Panata namin ang pagsuko, ang aming puso, at lahat ng aming pag-aari, ng sa gayon ay walang anumang maging hadlang habang kami’y patuloy sa matinik na landas tungo sa pinto ng Bagong Paraiso. Iniibig kita, pinakamamahal na Hesus, aming mahal na Tagapagligtas at Manunubos. Ipinapaloob namin ang aming katawan, kaisipan, at kaluluwa sa Iyong Kamahal-mahalang Puso. Ibuhos mo sa amin ang Iyong Biyaya ng Proteksyon. Lukuban Mo kami ng Iyong Mahal na Dugo, upang kami ay mapuno ng lakas at pag-ibig upang maninindigan at ipahayag ang Katotohanan ng Iyong Bagong Kaharian. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 83

Para sa Pagpapagaan ng Parusa

(For the Mitigation of Chastisement)

O Ama naming mahal, Diyos na Kataas-taasan, kami na mga dukha Mong anak ay nagpapatirapa sa harap ng Iyong Dakilang Trono sa Langit. Nagmamakaawa kaming alisin Mo sa mundo ang kasamaan. Sumasamo kami ng Iyong Awa para sa mga kaluluwa ng mga taong nagdudulot ng matinding paghihirap sa Iyong mga anak sa mundo.

Kami’y nakikiusap na patawarin Mo sila. Nakikiusap kaming alisin Mo ang Anti-Kristo, sa lalong madaling panahon pagkatapos niyang magpakilala. Hinihiling namin sa Iyo, mahal na Panginoon, na pagaanin Mo ang Parusa mula sa Iyong mga Kamay. Sa halip, sumasamo kaming tanggapin Mo ang aming mga panalangin at aming mga pagpapakasakit, upang maibsan ang paghihirap ng Iyong mga anak, sa panahong ito. Kami’y lubos ang pagtitiwala sa Iyo. Dinadakila at nagpapasalamat sa matinding sakripisyo na iyong ginawa nang ipinadala Mo ang Iyong bugtong na anak na si Hesu-Kristo, upang iligtas kami sa kasalanan. Muli, malugod naming tinatanggap ang Iyong Anak, bilang Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Nawa’y protektahan mo kami. Iadya kami sa kapinsalaan. Tulungan Mo ang aming pamilya. Kaawaan Mo kami. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 84

Upang Magbigay-Liwanag sa mga Kaluluwa ng mga Piling Tao (Elites) na Namumuno sa Mundo

(To Enlighten the Souls of the Elites Who Rule the World)

O Hesus naming mahal, sumasamo kami sa Iyo ng liwanag para sa mga kaluluwa ng mga Piling tao na namumuno sa mundo. Ipakita Mo sa kanila ang bisa Iyong Awa. Tulungan Mo ang kanilang mga puso na mabuksan at magpakita ng kababaang-loob, alang-alang sa karangalan ng Iyong dakilang Sakripisyo sa pamamagitan ng pagkamatay sa Krus para sa kanilang mga kasalanan. Tulungan Mong malaman nila kung sino ang Totoong Maylikha sa kanila, kung sino ang Diyos na Maykapal, at punuin Mo sila ng biyaya upang makita nila ang katotohanan. Nakikiusap kami na pigilan Mo at huwag hayaang maganap ang kanilang layunin na saktan ang milyon-milyong tao sa pamamagitan ng pagbabakuna (vaccinations), kasalatan ng pagkain, pwersahang pag-ampon sa mga inosenteng bata, at pagkakawatak-watak ng mga pamilya. Pagalingin Mo sila. Lukuban Mo sila ng Iyong Liwanag at dalhin Mo sila sa kailaliman ng Iyong Puso upang mailigtas sila mula sa bitag ng masama. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 85

Upang Iligtas ang United States of America Mula sa Kamay ng Manlilinlang

(To Save the United States of America from the Hand of the Deceiver)

O Mahal na Hesus, lukuban Mo po an gaming bansa ng Iyong mahalagang proteksyon. Patawarin Mo po ang aming mga sala na taliwas sa Utos ng Diyos. Tulungan Mo po ang mga tao sa America na magbalik – loob sa Diyos. Buksan Mo po ang kanilang mga isip sa tunay na landas ng Diyos. Buksan Mo rin po ang manhid nilang puso, upang tanggapin nila ang Iyong Kamay ng Awa. Tulungan Mo po ang bansang ito na manindigan sa Iyo laban sa kalapastanganan, na maaaring magpahirap sa amin at pwersahing itanggi sa amin ang Iyong Presensya. Kami’y nagsusumamo sa Iyo, Hesus, na iligtas kami, protektahan kami sa lahat ng kapahamakan, at yakapin kaming lahat sa Iyong Kamahal – mahalang Puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 86

Palayain ako sa Pagdurusang Dulot ng Pangangailangan

(Release me from the Torment of Doubt)

Ako’y lumalapit sa Iyong harapan, lito, may pag – aalinlangan, at bigo mahal kong Hesus sapagkat ako’y nababagabag sa mga katotohanan na ipinapahayag Mo sa Iyong mga Mensahe. Patawarin Mo po ako kung Ikaw ay nagawan ko ng pagkakamali. Patawarin Mo po ako kung hindi Kita marinig. Buksan Mo po ang aking mga mata upang makita ko ang anumang kailangan kong maunawaan. Ako’y sumasamo na pagkalooban Mo ng kapangyarihan mula sa Espiritu Santo upang Makita ko ang Katotohanan. Pinakamamahal Kita Hesus, at ako’y nagsusumamo na palayain ako sa espiritu ng pag – aalinlangan. Tulungan Mo po na tumugon ako sa Iyo at nawa’y dalhin Mo ako palapit sa Iyong Puso. Gabayan Mo ako tungo sa Iyong Bagong Kaharian at ipagkaloob Mo po ang aking kahilingan, upang sa pamamagitan ng aking panalangin at pagpapakasakit, ay makatulong ako sa Iyo na maisalba ang mga kaluluwang napakahalaga sa Iyong Kamahal – mahalang Puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 87

Protektahan ang Aming Bansa Mula sa Masama

(Protect Our Nation from Evil)

O Ama, sa Ngalan ng Iyong Anak, iligtas Mo po kami sa komunismo. Iligtas Mo po kami sa diktadorya. Protektahan Mo po ang aming bansa mula sa paganismo. Iligtas Mo po ang aming mga anak sa kapahamakan. Tulungan Mo po na makita namin ang liwanag ng Diyos. Buksan Mo po ang aming puso sa mga Pangaral ng Iyong Anak.

Tulungan Mo po ang lahat ng simbahan na manatiling tapat sa Salita ng Diyos. Kami’y nagsusumamo sa Iyo na panatilihing ligtas ang aming bansa mula sa kalupitan. Pinakamamahal kong Diyos, pagmasdan Mo po kami ng may habag sa kabila ng aming pagkakasala sa Iyo. Hesus, Anak ng Tao, lukuban Mo po kami ng Iyong Mahal na Dugo. Iligtas Mo po kami sa bitag ng masama. Kami’y nagsusumamo sa Iyo, Mahal na Panginoon, na mamagitan at hadlangan ang masama sa pagsakop sa mundo sa kasalukuyang panahon. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 88

Para sa mga Kaluluwa Pagkatapos ng Babala

(For the Souls After the Warning)

O Kamahal – mahalang Puso ni Hesus, magpakita Ka po ng habag sa aming lahat na hamak na mga makasalanan. Silayan Mo po ng liwanag ang mga pusong bato, na halos bigo sa kanilang paghahanap ng patnubay. Patawarin Mo po ang kanilang masasamang gawi. Tulungan Mo po sila, sa pamamagitan ng Iyong pag – ibig at awa, na masumpungan sa kanilang puso at mahawakan ang Iyong dakilang Handog ng Kaligtasan. Ako’y nagsusumamo na patawarin Mo ang lahat ng mga kaluluwa na tumatalikod sa Katotohanan ng Diyos. Lukuban Mo po sila ng Iyong Liwanag, Mahal na Hesus, upang ito’y bumulag sa kanila sa kasamaan at bitag ng diyablo, na maaaring pumutol sa ugnayan nila sa Iyo magpakailanman. Ako’y nagmamakaawa sa Iyo na pagkalooban ang lahat ng mga anak ng Diyos ng lakas upang magpasalamat sa Iyong Dakilang Awa. Hinihiling ko na buksan Mo ang pintuan ng Iyong Kaharian sa lahat ng napariwarang kaluluwa na naglalakbay sa mundo ng walang pagdamay at kawalang pag – asa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 89

Para sa Abang mga Makasalanan

(For Wretched Sinners)

Mahal na Hesus, tulungan Mo po ako, isang aba at kaawa – awing makasalanan, upang lumapit sa Iyo ng may pagsisisi sa aking kaluluwa. Linisin Mo ako mula sa mga kasalanan na sumira sa aking buhay. Bigyan Mo ako ng handog ng isang bagong buhay na walang anumang tanikala sa kasalanan, at ng kalayaan na ipinagkakait ng aking mga kasalanan. Panibaguhin Mo po ako sa Liwanag ng Iyong Awa. Yakapin Mo ako sa IYong puso. Hayaan Mong maramdaman ko ang Iyong pag – ibig upang ako’y maging malapit sa Iyo at upang ang aking pag – ibig sa Iyo ay mag – alab. Kawaan Mo ako Hesus, at panatilihin Mong ligtas sa kasalanan. Gawin Mo akong karapat – dapat na makapasok sa Iyong Bagong Paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 90

Pasasalamat sa Iyong Pinakamaluwalhating Pangalawang Pagdating

(Thanksgiving for Your Most Glorious Second Coming)

O Hesus ko, ako’y nag – aalay sa Iyo ng papuri at pasasalamat para sa Iyong Pinakamaluwalhating Pangalawang Pagdating. Ikaw, aking Tagapagligtas, ay isinilang upang mabigyan ako ng Buhay na Walang Hanggan at palayain ako mula sa kasalanan. Iniaalay ko sa Iyo ang aking pag – ibig, aking pasasalamat, at aking pagsamba habang inihahanda ko ang aking kaluluwa para sa Iyong Dakilang Pagdating. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 91

Panatilihin Mo akong Tapat sa aking Pananampalataya

(Keep Me True to My Faith)

O Pinagpalang Ina ng Kaligtasan, protektahan mo po ako sa oras ng pangangailangan kapag ako’y naharap sa masama. Tulungan mo ako na ipagtanggol ang Salita ng Diyos ng may lakas at tapang, ng walang takot sa aking kaluluwa. Ipanalangin mo po na ako’y maging tapat sa mga Aral ni Kristo at magawa kong isuko ng lubos ang aking takot, aking mga pag – aalinlangan at aking kalungkutan, ng buong buo. Tulungan mo po ako, upang walang takot na makalakad sa nakalulumbay na landas na ito, upang sa gayon ay maipahayag ko ang katotohanan ng Banal na Salita ng Diyos, kahit na ang mga kaaway ng Diyos ay gawing halos imposible ang tungkuling ito. O Pinagpalang Ina, hinihiling ko na sa Iyong pamamagitan ay mapanatiling malakas ang pananampalataya ng mga Kristiyano, sa lahat ng oras, sa panahon ng pag – uusig. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 92

Para sa Biyaya ng Katiyagaan

(For the Grace of Perseverance)

O mahal na Hesus, hinihingi ko po sa Iyo ang Regalo ng Katiyagaan. Nagsusumamo akong ipagkaloob Mo sa akin ang mga biyayang kailangan ko upang itaguyod ang Iyong Kabanal – banalang Salita. Hinihiling ko po na alisin Mo ang anumang pag – aalinlangan na nanatili sa akin. Hinihiling ko na mangibabaw sa aking kaluluwa ang Iyong kagandahang – loob, pagtitimpi, at pagtitiyaga. Tulungan Mo po ako na manatiling marangal kapag ako’y inaalipusta dahil sa Iyong Banal na Pangalan. Gawin Mo po akong matatag at lukuban Mo ako ng biyaya upang patuloy na kumilos, sa kabila ng pagod, kakulangan ng lakas, at sa oras na harapin ako ng lahat ng pighating darating, habang masigasig akong kumikilos upang makatulong sa Iyo sa pagsalba ng sangkatauhan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 93

Para sa Luha ng Pagbabago

(For the Tearsof Conversion)

O minamahal na Hesus, Ikaw ay malapit sa aking puso. Ako’y kaisa Mo. Ako’y nagmamahal sa Iyo. Ako’y nagpapahalaga sa Iyo. Hayaan Mong madama ko ang Iyong Pag – ibig. Hayaan Mong madama ko ang Iyong paghihirap. Hayaan Mong madama ko ang Iyong Presensya. Pagkalooban Mo ako ng biyaya ng kababaang – loob upang ako’y maging karapat – dapat sa Iyong Kaharian sa lupa, para ng sa langit. Pagkalooban ako ng Luha ng Pagbabago upang lubos kong maialay ang aking sarili sa Iyo bilang isang tunay na alagad upang makatulong sa Iyo sa misyon na iligtas ang bawat isang kaluluwa sa mundo, bago Ka muling dumating upang maghukom sa mga nabubuhay at namatay na tao. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 94

Upang Maghilom ang Kaisipan, Katawan at Kaluluwa

To Cure the Mind, Body and Soul)

O Mahal na Hesus, inihaharap ko ang aking sarili sa Iyo, pagod, maysakit, at naghihirap, at nananabik na marinig ang Iyong salita. Hayaan Mong mahipo ako ng Iyong Mabathalang Presensya, upang ako ay mapuspos ng Iyong

Mabathalang Liwanag sa pamamagitan ng aking kaisipan, katawan at kaluluwa. Ako’y nananalig sa Iyong Awa.

Lubos kong sinusuko sa Iyo ang aking pighati at paghihirap at hinihiling kong pagkalooban Mo ako ng biyayang manalig sa Iyo, upang mahilom mo ang aking mga pighati at kadiliman. Ng sa gayon ako’y mabuong muli at para masundan ko ang landas ng katotohanan at hayaan Kitang akayin ako sa buhay ng bagong paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 95

Upang Matulungang Maglaan ng Oras sa Panalangin

(To Help Find Time for Prayer)

O Ina ng Kaligtasan, tulungan Mo po ako sa aking pagsisikap na makapaglaan ng oras sa panalangin. Tulungan Mo po ako na magbigay sa Iyong Minamahal na Anak, si Hesukristo, ng oras na nararapat upang ipakita sa Kanya kung gaano ko Siya kamahal. Hinihingi ko po sa Iyo, aking pinagpalang Ina ng Kaligtasan, na pagkalooban ako ng mga biyayang kailangan ko at hilingin Mo po sa Iyong Mahal na Anak ang bawat biyaya at pabor, upang sakupin Niya ako sa Kandungan ng Kanyang Kamahal – mahalang Puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 96

Upang Mabiyayaan at Maprotektahan ang aming Grupo ng Krusada ng Panalangin

(To Bless and Protect our Crusade Prayer Group)

O aking minamahal na Hesus, nawa’y biyayaan at protektahan Mo po kami ang Iyong grupo ng Krusada ng Panalangin, upang kami’y hindi talaban ng masasamang paglusob ng mga demonyo o anumang masasamang espiritu na maaaring magpahirap sa amin sa Sagradong Misyong ito ng pagsasalba ng mga kaluluwa. Nawa’y kami ay manatiling matapat at malakas habang pinagsisikapan naming panatilihin ang Iyong Banal na Pangalan dito sa mundo at kami nawa’y hinding hindi tumalikod sa aming laban ng pagpapalaganap ng Katotohanan ng Iyong Banal na Salita. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 97

Pagkaisahin ang mga Grupong Nagdarasal ng Krusada ng Panalangin

(To Unite Crusade Prayer Groups)

O minamahal na Ina ng Kaligtasan, naninikluhod ako na pagkaisahin mo po, sa pamamagitan ng iyong mga panalangin, ang lahat ng natitirang hukbo ng Diyos sa lahat ng dako ng mundo. Lukuban mo po ang mga grupong nagdarasal ng Krusada ng Panalangin ng biyaya ng kaligtasan at ibuhos ito sa amin sa pamamagitan ng Awa ng Iyong Anak na si Hesu Kristo. Ipadala mo po ang iyong mga anghel upang lukuban ang bawat isa sa amin, lalo na ang mga pari na namumuno sa mga grupong nagdarasal ng Krusada ng Panalangin. Tulungan mo po kami na iwasan ang mga kaguluhan at kalituhan na nagiging sanhi ng aming pagkakawatak – watak, at protektahan mo po kami ng Iyong kaloob na sanggalang, upang kami’y manatiling matatag sa mga pag – atake , kailangan naming pagtiisan alang – alang sa aming pag – ibig kay Hesu Kristo, para sa banal na misyong ito ng pagsasalba ng mga kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 98

Upang Lukuban ng Biyaya ng Diyos ang mga Pinuno ng Daigdig

(For the Grace of God to Cover World Leaders)

O aking minamahal na Ina ng Kaligtasan, nakikiusap ako na hilingin Mo sa iyong Anak na ibuhos ang Kanyang biyaya at pag – ibig sa mga pinuno na namumuno sa daigdig. Ipanalangin Mo po na ang Liwanag ng Diyos ay magpagaling sa kanilang pagkabulag at buksan ang kanilang mga pusong bato. Pigilan mo po sila sa pagdudulot ng pag – uusig sa mga inosenteng tao. Nawa’y ipanalangin Mo po na magabayan sila ni Hesus at mapigilan sila sa paghadlang sa Katotohanan ng Kanyang mga Aral upang lumaganap sa mga bansa sa lahat ng dako ng mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 99

Para sa Kaligtasan ng Australia at New Zealand

(For the Salvation of Australia and New Zealand)

O Diyos, makapangyarihang Ama, sa Ngalan ng Iyong Mahal na Anak, si Hesu Kristo, kaawaan Mo po ang lahat ng Iyong mga anak sa Australia at New Zealand. Patawarin Mo po ang aming kasalanan ng pagwawalang – bahala. Alisin Mo po sa amin ang paganong kultura at lukuban Mo kami ng mga biyayang kailangan namin upang magbigay pag –asa, pananampalataya, at kawanggawa sa aming mga kapatid. Sumasamo kami na pagkalooban ng biyayang makaunawa at hinihiling namin na bigyan Mo kaming lahat ng mga biyayang kailangan namin upang matiyak na ang Katotohanan lamang ng Iyong Banal na Salita ang mapakinggan at nawa’y ang lahat ng kaluluwa ay mapagkalooban ng susi sa buhay na walang hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 100

Para sa Kaligtasan ng Kristiyanismo

(For the Survival of Christianity)

O Mahal na Hesus, sumasamo kami ng kakayahan upang makaligtas sa mga pagsubok na aming hinaharap ngayon, habang ang kahuli-hulihang totoong Papa ay tinatapos ang kanyang misyon para sa Iyo.Tulungan Mong mapagtiisan namin ang mga malupit na pang-aabuso na aming haharapin dulot ng pagbagsak ng Simbahan, na noon pa’y nalaman na namin.

Huwag Mo nawang hayaan na kami ‘y malihis sa Katotohanan ng Iyong Mabathalang Salita.

Tulugan Mo kaming manatiling tabimik kapag ang mga pag-atake ay inilalagay sa aming balikat upang tuksuhin kami na talikuran Ka at ang mga Sakramentong ibinigay Mo sa mundo. Lukuban Mo ang lyong Hukbo ng Iyong Makapangyarihang pag­ ibig na aming kailangan, parang isang sanggalang na magtatanggol sa amin mula sa Bulaang Propeta at Anti Kristo. Tulungan Mo po ang Iyong simbahan sa mundo na lumaganap at dumami pa, upang magawa nilang kumapit sa Katotohanan at makatulong sa Iyo sa pag-gabay sa aming mga kapatid sa landas ng Katotohanan, para sa sapat na paghahanda ng aming mga sariIi sa Iyong Pangalawang Pagdating. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 101

Mahimalang Panalangin Upang Madama ang Presensya ni Hesus

(Miracle Prayer to feel the Presence of Jesus)

O minamahal na Makapangyarihang Ama, Maylikha ng lahat sa kasalukuyan at hinaharap,tulungan Mo po kaming mga nakakakilala ng Presensya ng Iyong Mahal na Anak sa Simbahan ngayon, na maging lubhang malakas. Tulungan Mong mapagtagumpayan ko ang aking takot, aking kalungkutan, at ang dinaranas kong pagwawaksi ng aking mga mahal sa buhay, sa pagsunod ko sa lyong Anak na si Hesu Kristo, aking Tagapagligtas. Sumasamo akong ingatan Mo ang aking mga mahal sa buhay mula sa pagkahulog sa bitag at paniniwala sa mga kasinungalingan na ginawa ni Satanas upang wasakin, paghiwa-hiwalayin, at magdulot ng kapahamakan sa lahat ng Iyong mga anak. Nawa’y tulungan Mo po na ang lahat ng mga nagsisisunod sa karumal-dumal na gawain laban sa Iyong Simbahan ay maligtas mula sa walang hanggang apoy ng impyerno. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 102

Upang Panatilihin ang Pananampalataya at Paniniwala sa Mensahe ng Diyos para sa Mundo

(To Sustain Faith in God’s Message for the World)

Pinakamamahal na Hesus, kapag ako ay nalulugmok, ibangon Mo ako.

Kapag ako ay nag-aalinlangan, paliwanagan Mo ako.

Kapag ako ay lubos na nalulungkot, ipakita Mo po sa amin ang Iyong pag-ibig.

Kapag ako ay pinipintasan, tulungan Mo po akong manatiling tahimik.

Kapag hinahatulan ko ang aking kapwa sa harap ng publiko, isara Mo po ang aking mga labi.

Kapag bumibigkas ako ng kalapastanganan sa Ngalan Mo, tubusin Mo po ako at ibalik sa Iyong proteksyon.

Kapag ako’y kulang ng lakas ng loob, pagkalooban Mo po ako ng espadang kailangan ko upang lumaban at iligtas ang mga kaluluwang hinahangad Mo.

Kapag hindi ko tinatanggap ang Iyong pag-ibig, tulungan Mo po akong isuko at ipaubaya ko ang aking sarili sa Iyo, ng buong-buo, sa mapagmahal Mong pagkandili.

Kapag ako ay naliligaw, tulungan Mo pong masumpungan ko ang Landas ng Katotohanan.

Kapag pinagdududahan ko ang Iyong Salita, ibigay Mo po sa akin ang mga kasagutang hinahanap ko.

Tulungan Mo po akong maging matiyaga, mapagmahal at mabait, kahit sa mga taong Ikaw ay isinusumpa. Tulungan Mo pong patawarin ko ang mga nagkasala sa akin at bigyan Mo po ako ng biyayang kailangan ko upang sumunod sa Iyo sa mga hangganan ng mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 103

Upang Makibahagi sa Kopa ng Paghihirap ni Kristo

(To Share a Cup of Suffering with Christ)

Nahihimlay ako sa harap Mo, mahal na Hesus, at sa paanan Mo, upang gawin ang kalooban Mo sa akin para sa kabutihan ng lahat. Hayaan Mong makibahagi ako sa Iyong Kopa ng Paghihirap. Tanggapin Mo ang alay na ito mula sa akin, upang maisalba Mo ang mga abang kaluluwa na naliligaw at nawawalan ng pag –asa. Kunin Mo ako, ang aking katawan, upang makibahagi ako sa Iyong pagdurusa. Hawakan Mo po ang aking puso sa Iyong Sagradong mga Kamay at dalhin Mo ang aking kaluluwa upang maging kaisa Mo. Sa pamamagitan ng alay kong paghihirap, hinahayaan ko ang Iyong Mabathalang Presensya na yakapin ang aking kaluluwa, upang matubos mo ang lahat ng makasalanan, at pagkaisahin ang lahat ng mga anak ng Diyos magpakailanman at magpasawalang – hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 104

Palayain ang Kaluluwang Ito Mula sa Pagkakaalipin

(Free This Soul from Slavery)

Pinakaiibig kong Hesus, aking inihaharap sa Iyo ang kaluluwa ng aking mga kapatid na nagpaubaya ng kanilang kaluluwa kay Satanas.

Kunin Mo ang kaluluwang ito at tubusin sa Iyong Banal na Mata.

Palayain Mo po ang kaluluwang ito mula sa pagkakaalipin sa halimaw at dalhin sa walang hanggang kaligtasan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 105

Regalo ng Pagbabalik-loob Para sa Iba

(Gift of Conversion for Others)

O pinakamamahal na Hesus, taglay ang aking pag-ibig sa Iyo, sumasamo akong tanggapin Mo ang aking kaluluwa upang maging kaisa Mo. Kunin Mo po ang aking kaluluwa, lukuban ito ng Iyong Banal na Espiritu at tulungan ako, sa pamamagitan ng panalanging ito, na iligtas lahat ng nakakasalamuha ko.

Balutin Mo po ang bawat kaluluwang nakakasalumuha ko ng Iyong Banal na Awa, at ibigay sa kanila ang kaligtasang kailangan upang makapasok sila sa Iyong kaharian. Dinggin Mo po ang aking mga panalangin. Dinggin Mo po ang aking pagsusumamo at sa pamamagitan ng Iyong Awa, tubusin Mo po ang lahat ng mga kaluluwa sa sanlibutan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 106

Awa para sa mga Kabataang Hindi Kumikilala sa Diyos

(Mercy for the Young Who Don’t Aknowledge God)

Mahal kong Hesus, ipailalim Mo sa Iyong proteksyon ang mga kaluluwang ito, mga anak ng Diyos na hindi kumikilala sa Iyo, hindi tumatangkilik ng Iyong pag – ibig at hindi tumatanggap sa Iyong pangako. Ibuhos Mo po ang Iyong biyaya ng pagbabalik – loob at bigyan sila ng buhay na walang – hanggan. Maging mahabagin po kayo sa lahat ng hindi naniniwala sa Iyo at silang hindi magsisisi sa kanilang mga kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 107

Iligtas Mo ako sa Apoy ng Impiyerno

(Save me from the Fires of Hell)

Ako’y lubhang makasalanan, Hesus. Dahil sa mga kilos ko, ako’y naging sanhi ng matinding pagdurusa sa iba.

Ako’y tinataboy dahil dito. Ako’y hindi na sinasang- ayunan saan man sa mundo.

Iligtas Mo ako sa ilang na ito at ipagsanggalang ako mula sa mahigpit na kapit sa masama.

Hayaan Mong ako’y magbalik – loob. Tanggapin Mo ang aking mataimtim na pagsisisi. Punuin Mo ako ng Iyong lakas at tulungan akong bumangon mula sa kalaliman ng kawalang pag –asa.

Iniaalay ko sa Iyo Mahal na Hesus, ang aking malayang kalooban, para maganap sa akin anumang nais Mo upang ako’y maligtas mula sa apoy ng impiyerno. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 108

Ang Pag – akyat sa Bundok ng Kalbaryo

(Climbing the Hillof Calvary)

Hesus, tulungan Mo po akong masumpungan ang lakas, tapang at tibay ng loob, na manindigan at mapabilang sa Iyong Natitirang Hukbo, at umakyat sa parehong bundok ng Kalbaryong Iyong tiniis para sa aking mga kasalanan. Pagkalooban Mo po ako ng lakas upang pasanin ang Iyong Krus at ang kabigatan nito, upang ako’y makatulong sa Iyo sa pagsalba ng mga kaluluwa. Tanggalin Mo po ang aking kahinaan. Alisin ang aking mga takot. Supilin ang aking mga pag – aalinlangan. Buksan ang aking mga mata sa Katotohanan. Tulungan Mo po ako, at ang lahat ng tumutugon sa tawag ng pagpasan ng Iyong Krus, na sumunod sa Iyo ng taos – puso at may kababaang – loob, at sa pamamagitan ng halimbawa ko, ang iba’y magka- lakas ng loob ding sumunod sa Iyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 109

Para sa Kaloob na Pananalig

(For the Gift of Trust)

O pinakamamahal na Hesus, tulungan Mo po akong manalig sa Iyo. Manalig sa Iyong pangakong muling pagbabalik. Tanggapin ang Katotohanan ng Iyong Pangalawang Pagdating. Manalig sa pangako ng Diyos Ama noong Kanyang sinabi na ipagkakaloob sa Iyo ang Iyong Kaharian. Tulungan Mo akong manalig sa Iyong mga Aral, sa Iyong plano na iligtas ang mundo. Tulungan Mo akong tanggapin ang Iyong mga Regalo na may kagandahang – loob at kasiyahan sa aking puso. Tulungan Mo akong manalig sa Iyo, upang mapawi ang aking takot at hayaan ko ang Iyong pag – ibig na mag umapaw sa aking puso at kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 110

Upang ang mga Pari ay Manatiling Tapat sa Iyong Banal na Salita

(For Priest to Remain True to Your Holy Word)

O pinakaiibig kong Hesus, ipinapakiusap kong panatilihin Mo akong malakas at matapang, upang maipaglaban ko ang Katotohanan sa Kabanal – banalang Pangalan Mo. Pagkalooban Mo ako ng biyayang kailangan ko – sumasamo ako – na magpatotoo sa Iyong Banal na Salita sa lahat ng pagkakataon. Loobin Mong mapaglabanan ko ang mga pwersang nagkakalat ng mga kasinungalingan, habang alam ko sa aking puso na ang mga ito’y labag sa Iyo. Tulungan Mo akong manatiling tapat sa Iyong Banal na Salita, hanggang sa araw ng aking pagpanaw. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 111

Italaga ang Iyong mga Anak kay Hesu Kristo

(To Consecrate Yoyr Children to Jesus Christ)

O Mahal na Ina ng Kaligtasan, itinatalaga ko ang aking mga anak (banggitin ang iyong anak/mga anak) sa harap ng Iyong Anak, upang sila’y mapagkalooban Niya ng kapayapaan ng ispiritu at pag­ ibig sa puso.

Nawa’y ipanalangin mong ang aking mga anak ay tanggapin ng Iyong Anak sa Kanyang mahabaging mga bisig at sila’y mailayo sa kapahamakan. Tulungan mong sila’y manatiling tapat sa Banal na Salita ng Diyos, lalo na sa mga oras na sila’y hinihikayat na tumalikod sa Kanya. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 112

Para sa Biyaya ng Kaligtasan

(For the Grace of Salvation)

Pinakamamahal kong Hesus, ako’y tumatawag sa Iyo upang balutin Mo ng Iyong natatanging Biyaya ng Kaligtasan ang mga kaluluwa na nasakop ni Satanas. Palayain Mo po ang kanilang kaawa – awang mga kaluluwa mula sa masamang pagkabihag kung saan sila’y hindi makatakas. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 113

Upang Malupig ang Kasamaan sa aming Bayan

(To Defeat Evil in Our Land)

O Ina ng Kaligtasan, sumaamin ka at lukuban ang aming bayan ng iyong proteksyon. Durugin mo ang ulo ng halimaw at alisin ang kanyang masamang impluwensya sa amin. Tulungan mo po ang mga abang anak mo na manindigan at magpahayag ng Katotohanan, kapag kami’y napaliligiran ng kasinungalingan. Hiling namin, O Ina ng Diyos, protektahan Mo ang aming bayan at panatilihin kaming malakas, upang kami’y manatiling tapat sa Iyong Anak sa oras ng aming paghihirap. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 114

Upang Tanggapin ng Kaparian ang Regalo ng Katotohanan

(For Priest to Receive the Gift of Truth)

Aming Diyos, buksan Mo ang aking mga mata. Hayaan Mong makita ko ang kaaway at isara Mo ang aking puso sa panlilinlang. lsinusuko ko ang lahat sa Iyo, mahal kong Hesus. Nananalig ako sa lyong awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 115

Para sa Kaloob na Pagbabago

(For the Gift of Conversion)

O Ina ng Kaligtasan, balutin mo ang kaluluwa ko ng iyong luha ng kaligtasan. Alisin mo sa akin ang mga pag – aalinlangan. Itaas mo ang aking puso, upang madama ko ang presensya ng iyong Anak. Bigyan Mo ako ng kapayapaan at kaginhawaan. Ipanalangin mo pong ako’y lubos na magbago. Tulungan Mo akong tanggapin ang Katotohanan at buksan mo ang aking puso upang tanggapin ang awa ng Iyong Anak na si Hesukristo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 116

Iligtas Mo ako Mula sa Kasamaan ng mga Kasinungalingan

(Save me from the Evil of Lies)

Mahal na Hesus, tulungan Mo ako, nalulunod ako sa luha ng dalamhati. Ang aking puso ay naguguluhan. Hindi ko alam kung sino ang aking pagkakatiwalaan. Nawa’y punuin Mo ako ng Iyong Banal na Espiritu, upang piliin ko ang tamang landas tungo sa Iyong Kaharian. Tulungan Mo po ako, mahal na Hesus, na laging maging tapat sa Iyong Salita, na inihayag sa mundo sa pamamagitan ni San Pedro, at huwag nawang lilihis sa Iyong mga itinuro, o kaya’y itanggi ang Iyong kamatayan sa Krus. Hesus, Ikaw ang Daan. Ipakita Mo sa akin ang Daan. Hawakan Mo ako at buhatin habang tinatahak ang Iyong landas ng Dakilang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 117

Para sa mga Nagbenta ng Kaluluwa

(For those who have sold their Souls)

Pinakamamahal na Hesus, itinatalaga ko ang mga kaluluwa nina (ilista ang mga pangalan) at lahat ng mga nagbenta ng kanilang kaluluwa kapalit ang halaga ng katanyagan. Alisin Mo po ang pamiminsala sa kanila. Iadya Mo po sila sa banta ng Illuminati, na lumalamon sa kanila. Pagkalooban Mo po sila ng lakas ng loob na umalis sa masamang pagka – alipin na ito ng walang takot sa kanilang mga puso. Dalhin Mo po sila sa Iyong mga bisig ng awa at alagaan pabalik sa Kalagayan ng Grasya, upang sila’y maging karapat – dapat na tumayo sa harap Mo. Sa pamamagitan ng Iyong pagka – Diyos, ako’y tulungan Mo na sa pamamagitan ng panalanging ito, ang mga kaluluwang inampon ni Satanas, ay matiwalag sa Masonry. Palayain Mo po sila mula sa tanikala na gumagapos sa kanila na ang bunga’y malagim na paghihirap sa mga bulwagan ng impiyerno. Tulungan Mo po, sa pamamagitan ng pagpapakasakit ng mga piling kaluluwa, ng aking mga panalangin, at ng Iyong Awa, na sila’y mapunta sa unang linya ng mga handang papasok sa Pinto ng Bagong Panahon ng Kapayapaan – ang Bagong Paraiso. Ako’y nagsusumamo na sila’y palayain Mo mula sa pagkakabihag. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 118

Para sa Napariwarang Henerasyon ng Mga Batang Kaluluwa

(For the Lost Generation of Young Souls)

Mahal na Hesus, ako’y tumatawag sa Iyong Awa para sa napariwarang henerasyon ng mga batang kaluluwa. Para sa mga hindi nakakakilala sa Iyo, lukuban Mo po sila ng biyaya na makakita. Para sa mga nakakakilala sa Iyo, ngunit pinagwawalang – bahala ka, akitin Mo po sila pabalik sa Iyong Awa. Ipinapakiusap kong pagkalooban Mo po sila ng katibayan ng Iyong pag – iral sa lalong madaling panahon at gabayan sila patungo sa mga makakatulong sa kanila at gagabay sa kanila palapit sa Katotohanan. Punuin Mo po ang kanilang mga isip at kaluluwa ng pananabik sa Iyo. Tulungan Mo po sila na matanto ang kawalang – kabuluhan, na kanilang nararanasan, sapagkat hindi nila nararamdaman ang Iyong presensya. Ako’y nagsusumamo sa Iyo, mahal na Panginoon, na huwag silang talikdan, at sa Iyong Awa ay pagkalooban Mo sila ng Buhay na Walang Hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 119

Upang Madama ang Pag – ibig ni Hesus

(To Feel the Love of Jesus)

Hesus, tulungan Mo po ako, ako’y litong – lito. Ang puso ko’y hindi magbukas sa Iyo. Ang mata ko’y hindi makakita sa Iyo. Ang isip ko’y humahadlang sa Iyo. Ang bibig ko’y hindi makabigkas ng mga salitang magpapaginhawa sa Iyo. Ang kaluluwa ko’y puno ng kadiliman. Pakiusap, kahabagan Mo po ako, isang dukhang makasalanan. Ako’y walang magagawa, kung wala ang Iyong Presensya. Punuin Mo po ako ng Iyong biyaya, upang ako’y magkaroon ng lakas ng loob na lumapit sa Iyo, upang mamalimos ng Iyong Awa. Tulungan Mo po ako, ang napariwarang disipulo Mo, na nagmamahal sa Iyo ngunit hindi na nakadarama ng pag – ibig na nagpapasigla sa aking puso, upang makita at matanggap ang Katotohanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 120

Itigil ang Paglaganap ng Digmaan

(Stop the Spread of War)

O ginigiliw kong Hesus, alisin Mo po ang mga digmaang sumisira sa sangkatauhan. Protektahan Mo po ang mga inosente mula sa mga pagdurusa. Protektahan Mo po ang mga kaluluwang nagsusumikap magdulot ng tunay na kapayapaan. Buksan Mo po ang puso ng mga nagdadalamhati dulot ng hirap sa digmaan. Protektahan Mo po ang mga bata at mahihina. Iligtas Mo po ang lahat ng kaluluwang ang buhay ay nasira ng digmaan. Palakasin Mo po kaming lahat, Mahal na Hesus, na nagdarasal para sa kaluluwa ng lahat ng anak ng Diyos at pagkalooban Mo po kami ng biyaya upang mapagtiisan ang mga paghihirap, na maaaring ibigay sa amin sa mga panahon ng alitan. Kami’y nagsusumamo na Iyong itigil ang paglaganap ng digmaan at dalhin ang mga kaluluwa sa Kabanal-banalang Tanggulan ng Iyong Puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 121

Katapatan sa Hukbo ni Hesu Kristo

(Allegiance to the Army of Jesus Christ)

Kami ay naninindigan kaisa ng Iyong Kamahal-mahalang Puso, Mahal na Hesus. Kami ay nagpapahayag ng tunay na Salita ng Diyos ng may awtoridad. Kami ay lalakad sa mga hangganan ng mundo upang ipalaganap ang katotohanan. Kami ay walang ibang tatanggapin na bago at maling doktrina sa Ngalan Mo, kundi iyon lamang mga itinuro Mo. Kami ay nananatiling totoo, tapat at matatag sa aming pananampalataya. Kami ay magiging mapagmahal at mahabagin sa mag tumatalikod sa Iyo, sa pag-asang sila ay magbabalik sa Iyo. Kami ay matagumpay na lalakad patungo sa Iyong Bagong Paraiso. Kami ay nangangako, na sa pamamagitan ng hirap at pagdurusa aming madadala sa Iyo yaong mga napariwarang kaluluwa na uhaw sa Iyong pag-ibig. Nakikiusap kami na tanggapin Mo ang aming mga panalangin para sa lahat ng mga makasalanan sa mundo, upang kami ay maging isang pamilya, nagkakaisa sa pagmamahal sa Iyo, sa Bagong Panahon ng Kapayapaan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 122

Para sa Pagtatalaga sa Mahal na Dugo ni Hesu Kristo

(For the Consecration to the Precious Blood of Jesus Christ)

Mahal na Hesus, hinihiling ko na italaga Mo ako, aking pamilya, mga kaibigan, at aking bansa sa proteksyon ng Iyong Mahal na Dugo. Ikaw ay namatay para sa akin at ang Iyong mga Sugat ay aking mga sugat, at magiliw kong tinatanggap ang paghihirap na aking daranasin sa pagsapit ng Iyong Pangalawang Pagdating. Ako’y kaisa Mo sa paghihirap, mahal na Hesus, habang sinisikap Mong tipunin sa Iyong Puso ang lahat ng anak ng Diyos, upang kami’y magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan. Lukuban Mo po ako at lahat ng nangangailangan ng Iyong proteksyon, ng Iyong Mahal na Dugo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 123

Handog sa Diyos ang Kalayaang Magpasya

(Gift of Free will to God)

Pinakamamahal kong Hesus, dinggin Mo po ang panalanging ito mula sa akin, akong pinaka di – karapat –dapat na kaluluwa, at tulungan Mo akong ibigin ka ng higit pa. Sa pamamagitan ng aking kalayaang magpasya, iniaalay ko ang Kaloob na ito pabalik sa Iyo, Mahal na Hesus, upang ako’y maging mapagpakumbabang lingkod at manatiling masunurin sa Kalooban ng Diyos. Ang aking kalooban ay Iyong Kalooban. Ang Iyong utos ay nangangahulugan na ako’y magiging masunurin sa bawat kagustuhan Mo. Ang aking kalayaang magpasya ay sa Iyo na para magamit sa anumang kailangan para sa pagliligtas ng lahat ng tao, sa lahat ng dako ng mundo, iyong mga nawalay sa Iyo. Inihahandog ko ang regalong ito, na ipinagkaloob sa akin noong ako’y isilang, sa Kabanal – banalang serbisyo sa Iyo.

KRUSADA NG PANALANGIN 124

Dinggin Mo ang Aking Pagsamo ng Kalayaan

(Hear my Plea for Freedom)

O Panginoon, maawain kong Ama, Maylikha ng lahat, dinggin Mo ang aking pagsamo ng kalayaan. Palayain Mo ako sa tanikala ng pagkaalipin at protektahan ako mula sa masamang pag – uusig. Tulungan Mo akong maunawaan ang Katotohanan at ako’y tulungan Mo, kahit ako’y lito at ako man ay mag – alinlangan sa Iyong Salita. Patawarin Mo ako kung ako man ay nagkasala sa Iyo at dalhin Mo ako sa kanlungan ng Iyong Bagong Paraiso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 125

Upang Ipagtanggol ang Kabanal – banalang Salita ng Diyos

(To Defend the Most Holy Word of God)

O Ina ng Kaligtasan, tulungan mo ako, isang abang lingkod ng Diyos, na maipagtanggol ang Kabanal – banalang Salita Niya sa panahon ng kapighatian. Italaga mo ako, mahal na Ina, sa Iyong Anak, upang lukuban Niya ako ng Kanyang Banal na Dugo. Ipagkaloob mo sa akin, sa pamamagitan ng Iyong Anak, si Hesu Kristo, ang biyaya, ang lakas at ang tibay ng loob na manatiling tapat sa mga Turo ni Kristo sa panahon ng Kapighatian, na sisira sa Kanyang Kabanal – banalang Simbahan sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 126

Upang Mapagtiisan ang Paglapastangan sa Relihiyon

(To Withstand Religious Persecution)

Mahal kong Hesus, tulungan Mo po akong mapagtiisan ang anumang uri ng paglapastangan sa Iyong Banal na Pangalan. Tulungan Mo po ang mga nahulog sa kamalian, sa paniniwalang sila’y sumasaksi sa Iyong mga gawain. Buksan Mo po ang mata ng mga maaaring matukso na patayin ang iba, sa pamamagitan ng masamang pag – aksyon, paggawa o pagkilos. Protektahan Mo po ako mula sa mga kaaway ng Diyos, na tatayo upang subuking patahimikin ang Iyong Salita at subukang alisin Ka. Tulungan Mo po akong patawarin ang mga nagtaksil sa Iyo at bigyan Mo ako ng biyaya upang manatiling matatag sa pag – ibig ko sa Iyo. Tulungan Mo po akong isabuhay ang Katotohanan, na itinuro Mo sa amin at manatili sa ilalim ng Iyong proteksyon, magpakailanman. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 127

Para Iligtas ang Aking Kaluluwa at mga Mahal ko sa Buhay

(To Save my Soul and those of my Love Ones)

O Hesus, ihanda Mo po ako, upang ako’y makalapit sa Iyo ng walang kahihiyan. Tulungan Mo po ako at ang aking mga mahal sa buhay (banggitin sila…) para maging handa sa pangungumpisal ng lahat ng aming mga maling nagawa. Para aminin ang aming mga pagkukulang. Para humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanan. Para magpakita ng pag – ibig sa mga nagawan namin ng kamalian. Upang magmakaawa para sa Kaligtasan. Para magpakumbaba kami sa harap Mo, upang sa Araw ng Malawakang Iluminasyon, ang aking budhi at yaong kina (banggitin ang mga pangalan…) ay maging malinis at mapuno Mo ang aking kaluluwa ng Iyong Mabathalang Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 128

Upang Tipunin at Pagkaisahin ang Lahat ng mga Kaluluwa

(To Gather and Unite All Souls)

Pinakamamahal na Hesus, tulungan Mo kami, Iyong minamahal na mga disipulo, na tipunin ang sanlibutan sa Iyong mga bisig at iharap sa Iyo ang mga kaluluwa na lubhang nangangailangan ng Iyong Dakilang Awa.

Palakasin Mo kami ng Kaloob Mong Espiritu Santo upang matiyak na ang Ningas ng Katotohanan ay bumalot sa lahat ng mga napahiwalay sa Iyo.

Pagkaisahin Mo po ang lahat ng mga makasalanan upang ang bawat isa ay mabigyan ng bawat pagkakataon na magbago. Bigyan Mo kaming lahat ng lakas na manatiling tapat sa Iyong Banal na Salita kapag kami’y pinupwersa itanggi ang Katotohanan, na inihayag sa mundo sa pamamagitan ng Kabanal-banalang mga Salita ng Diyos. Kami’y nananatili sa Iyo, kasama Mo at para sa Iyo, sa bawat hakbang nitong paglalakbay tungo sa Kaligtasan. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 129

Para sa Regalo ng Pag – ibig

(For the Gift of Love)

O Panginoon, nawa’y punuin Mo ako ng Iyong Pag – ibig. Tulungan Mo akong ibahagi ang Regalo ng Pag – ibig sa lahat ng nangangailangan ng Iyong Awa. Tulungan Mo akong ibigin Ka ng higit pa. Tulungan Mo akong ibigin ang lahat ng nangangailangan ng Iyong Pag – ibig. Tulungan Mo akong ibigin ang Iyong mga kaaway. Hayaan Mong ang biyaya ng Pag – ibig na ipinagkaloob Mo sa akin ay magamit upang balutin ang mga puso ng bawat makakasalamuha ko. Sa pamamagitan ng pag – ibig, na ipinagkaloob Mo sa aking kaluluwa, tulungan Mo akong mapagtagumpayan ang lahat ng kasamaan, himukin ang pagbabalik – loob ng mga kaluluwa at lupigin ang demonyo, at lahat ng masasamang sugo niya, na pinipilit sirain ang Katotohanan ng Iyong Banal na Salita. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 130

Nobena ng Kaligtasan

(Novena of Salvation Crusade Prayer)

Minamahal kong Ina ng Kaligtasan, nawa’y makamtan Mo para sa lahat ng kaluluwa ang Regalo ng Walang Hanggang Kaligtasan sa pamamagitan ng Awa ng iyong Anak na si Hesu Kristo. Sa Iyong pamamagitan, nakikiusap akong ipanalangin mo na makalaya ang lahat ng mga kaluluwa mula sa pagkaalipin kay Satanas.

Nakikiusap kaming hilingin mo sa Iyong Anak ang Awa at Pagpapatawad para sa mga kaluluwang tinatanggihan Siya, sinasaktan Siya dulot ng kanilang pagwawalang – bahala, at yaong sumasamba sa maling doktrina at diyos – diyosan.

Kami’y nagsusumamo, Mahal na Ina, na ipagmakaawa mo ng biyaya ang mga kaluluwang pinaka – nangangailangan ng Iyong tulong upang mabuksan ang kanilang mga puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 131

Ang Panalangin ng Awa

(The Mercy Prayer)

O Mahal kong Ina ng Kaligtasan, nakikiusap po ako na hilingin mo sa iyong Anak, na si Hesu Kristo, na kaawaan sila (banggitin ang mga pangalan…) habang nagaganap ang Babala at muli sa Huling Araw, bago sila humarap sa Iyong Anak. Nawa’y ipagdasal mo na ang bawat isa sa kanila ay maligtas at magtamasa ng mga bunga ng Buhay na Walang Hanggan. Protektahan mo po sila, araw – araw, at dalhin sila sa Iyong Anak, upang ang Kanyang Presensya ay maipakita sa kanila at upang sila’y mapagkalooban ng kapayapaan ng kaluluwa at magtamo ng malalaking biyaya. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 132

Itakwil si Satanas, upang Protektahan ang Misyong Ito

(Renounce Satan to Protect This Mission)

O Ina ng Kaligtasan, tulungan mo po ang Misyong ito, tulungan mo po kami, mga Natitirang Hukbo ng Diyos, na itakwil si Satanas. Nagsusumamo kaming durugin Mo ang ulo ng halimaw sa Iyong sakong at alisin Mo ang lahat ng mga sagabal sa aming Misyon ng pagliligtas ng mga kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 133

Isang Pagtawag Upang Magbalik – loob sa Diyos

(A Call to Return to God)

Mahal kong Hesus, patawarin Mo po ako, isang naligaw na kaluluwa, na nagtakwil sa Iyo, sapagkat ako’y naging isang bulag. Patawarin Mo po ako sapagkat pinagpalit ko ang Iyong Pag – ibig sa mga walang – silbing bagay na wala ring kahulugan. Tulungan Mo akong humugot ng lakas ng loob upang makapaglakbay ng nasa Tabi Mo, upang tanggapin ng may pasasalamat, ang Iyong Pag – ibig at Awa. Tulungan Mo po akong manatiling malapit sa Iyong Kamahal – mahalang Puso at huwag na huwag mawalay muli sa Iyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 134

Upang Maniwala sa Pag – iral ng Diyos

(To Believe in the Existence of God)

O Kataas – taasang Diyos, tulungan Mo po akong maniwala sa Iyong Pag – iral. Alisin Mo po ang lahat ng aking pag – aalinlangan. Buksan Mo po ang aking mga mata sa Katotohanan ng buhay pagkatapos ng isang ito at gabayan ako patungo sa Buhay na Walang Hanggan. Nawa’y hayaan Mong madama ko ang Iyong Presensya at pagkalooban ako ng Regalo ng pananampalatayang totoo bago ang araw ng aking pagpanaw. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 135

Upang lpagtanggol ang Katotohanan

(To Defend the Truth)

O minamahal na Ina ng Kaligtasan, Tulungan mo po ako sa sandali ng aking pangangailangan. Ipanalangin mong pagpalain ako ng mga kaloob na ibinuhos sa aking ‘di karapat-dapat na kaluluwa, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, upang ipagtanggol ang katotohanan sa lahat ng oras. Palakasin mo po ako sa bawat pagkakataon, na ako’y utusang itakwil ang Katotohanan, ang Salita ng Diyos, ang mga Banal na Sakramento at ang Kabanal-banalang Eukaristiya. Tulungan Mo po akong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang buong tatag na manindigan laban sa kasamaan ni Satanas at ng lahat ng kahabag-habag na kaluluwa na kanyang ginagamit upang lapastanganin ang iyong Anak na si Hesu Kristo.

Tulungan Mo po ako sa oras ng aking pangangailangan. Alang-alang sa mga kaluluwa, bigyan mo ako ng lakas ng loob na magbigay ng mga sakramento sa bawat anak ng Diyos, kahit na pagbawalan ako ng mga kaaway ng Diyos na gawin ito. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 136

Upang Mapanatili ang Iyong Salita

(To Keep Yoyr Word)

Pinakamamahal na Hesus, tulungan Mo po akong marinig ang Iyong Salita. Isabuhay ang Iyong Salita. Bigkasin ang Iyong Salita. Ibahagi ang Iyong Salita. Bigyan Mo po ako ng lakas na itaguyod ang Katotohanan, kahit na ako’y pahirapan dahil dito. Tulungan Mo po akong panatilihing buhay ang Iyong Salita, kapag ito’y nilunod ng Iyong mga kaaway. Nawa’y madama ko ang Iyong Tapang kapag ako’y nananamlay. Punuin Mo ako ng Iyong Lakas kapag ako’y nanghihina. Pagkalooban Mo ako ng biyaya na manatiling karapat – dapat, kahit ang mga pintuan ng impiyerno ay pabagsakin ako, dahil sa pananatiling tapat sa Iyong Kabanal – banalang Kalooban. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 137

Panalangin ng Panunumbalik

(Prayer of Restoration)

O Pinakamakapangyarihang Diyos, O Kataas – taasang Diyos, sulyapan Mo po ako, ang Iyong hamak na lingkod, ng may pag – ibig at habag sa Iyong Puso. Ibalik Mo po ako sa Iyong Liwanag. Buhatin Mo po ako pabalik sa Iyong Pagkalinga. Punuin Mo ako ng biyaya, upang maialay ko ang aking sarili sa Iyo ng may mapagkumbabang paglilingkod at pagsang – ayon sa Iyong Kabanal – banalang Kalooban. Alisin Mo po sa akin ang kasalanan ng kayabangan at bawat bagay na lumalapastangan sa Iyo at tulungan akong ibigan Ka ng may malalim at taimtim na paghahangad na paglingkuran Ka sa bawat araw magpakailanman at magpasawalang – hanggan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 138

Proteksyon Laban sa Poot

(Protection from Hatred)

O Ina ng Kaligtasan, protektahan mo po ako mula sa bawat uri ng poot. Tulungan mo po akong manatiling tahimik, kapag hinarap ng poot. Panatilihin mo akong matatag sa aking pagtalima kay Hesu Kristo, sa panahong ako’y nanghihinang lubos. Selyohan mo po ang aking mga labi. Tulungan mo akong talikuran yaong mga humahamon sa akin sa pamamagitan ng mga salita, na tumatakwil sa mga Turo ng Iyong Anak o yaong mga nanunukso sa akin dahil sa aking pananampalataya. Ipanalangin mo po ang mga kaluluwang ito, mahal na Ina, upang maitakwil nila si Satanas at madama nila ang kapayapaang dulot ng Iyong pag – ibig at ang Paghahari ng Espiritu Santo, sa kanilang kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 139

Para sa Lakas Upang Mapagtagumpayan ang Kasamaan

(For the Srength to Defend Evil)

Mahal kong Hesus, protektahan Mo po ako sa kasamaanng demonyo. Itago Mo po ako at lahat ng mahihina at walang kalaban – laban mula sa kanyang presensya. Pagkalooban Mo po ako ng lakas upang itakwil siya at tulungan akong iwasan anumang pagtatangka niyang pag – akit sa akin sa anumang paraan, sa bawat araw. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 140

Proteksyon ng Herarkiya ng mga Anghel

(Protection of Hierarchy of Angels)

Pinakamamahal kong Ama, Diyos ng lahat ng Nilalang, Diyos na Kataas – taasan, pagkalooban Mo po ako ng biyaya at proteksyon sa pamamagitan ng Iyong Herarkiya ng mga Anghel. Tulungan Mong maibuhos ko ang aking atensyon sa Iyong Pag – ibig para sa bawat anak Mo, gaano man sila nagkasala sa Iyo. Tulungan Mo po akong ikalat ang balita ng Huling Tipan upang ihanda ang mundo para sa Pangalawang Pagbabalik ni Hesu Kristo, ng walang takot sa aking puso. Pagkalooban Mo po ako ng mga natatanging biyaya at pagpapala upang makabangon sa gitna ng mga pagpapahirap, na gagawin sa akin ni Satanas, ng kanyang mga demonyo at mga ahente niya sa mundo. Huwag na huwag Mong hahayaan na ako’y matakot sa Iyong mga kaaway. Bigyan Mo po ako ng lakas na ibigin ang aking mga kaaway at yaong mga nagpapahirap sa akin sa Ngalan ng Diyos. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 141

Proteksyon laban sa Pagpapahirap

(Protection against Persecution)

Mahal kong Hesus, ipagtanggol Mo po ako sa aking pakikibaka upang manatiling tapat sa Iyong Salita anumang kapalit nito. Iligtas Mo po ako laban sa Iyong mga kaaway. Protektahan Mo po ako mula sa mga nagpapahirap sa akin ng dahil sa Iyo. Makibahagi Ka po sa aking pagdurusa. Bawasan Mo po ang aking paghihirap. Itaas Mo po ako sa Liwanag ng Iyong Mukha, hanggang sa Araw na Ikaw ay dumating muli upang dalhin ang Buhay na Walang Hanggan sa mundo. Patawarin Mo po ang mga nagpapahirap sa akin. Gamitin Mo po ang aking mga paghihirap upang mabayaran ang kanilang mga kasalanan, para matagpuan nila ang kapayapaan sa kanilang puso at sa Huling Araw ay tanggapin Ka nila ng may pagsisisi sa kanilang kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 142

Paghahanda para sa Kamatayan

(Preparing for Death)

Pinakamamahal kong Hesus, patawarin Mo po ako sa aking mga kasalanan. Linisin Mo po ang aking kaluluwa at ihanda ako sa pagpasok sa Iyong Kaharian. Pagkalooban Mo po ako ng mga biyaya upang makapaghanda para sa aking pakikipag – isa sa Iyo. Tulungan Mo po akong labanan anumang takot. Bigyan Mo po ako ng lakas ng loob upang maihanda ang aking kaisipan, at ang aking kaluluwa, upang ako’y maging karapat – dapat na tumayo sa harap Mo. Minamahal Kita. Pinagkakatiwalaan Kita. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking sarili, katawan, kaisipan, at kaluluwa magpakailanman. Nawa’y ang Iyong Kalooban ay mapasaakin at alisin Mo po sa akin ang sakit, pag – aalinlangan o pagkalito. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 143

Upang Protektahan ang Misyon ng Kaligtasan

(To Protect the Mission of Salvation)

O Ina ng Kaligtasan, protektahan Mo po ang misyong ito, isang Regalo ng Diyos, upang magdulot ng Buhay na Walang Hanggan sa lahat ng Kanyang mga anak sa bawat dako. Nawa’y mamagitan Ka, alang-alang sa amin, sa pamamagitan ng iyong Mahal na Anak na si Hesu Kristo, upang mabigyan kami ng lakas na tuparin ang aming mga tungkulin na paglingkuran ang Diyos sa lahat ng oras at lalong-lalo na tuwing kami’y naghihirap dulot nito.

Tulungan Mo po ang misyong ito na magdulot ng pagbabalik-loob ng bilyon bilyong kaluluwa, alinsunod sa Mabathalang Kalooban ng Diyos at upang sila na may pusong bato ay maging mapagmahal na mga lingkod ng iyong Anak. Loobin mo po na kaming lahat na naglilingkod kay Hesus sa misyong ito ay malampasan ang poot at krus ng pagdurusa at upang tanggapin ang paghihirap na kasama nito, ng buong puso at ng buong pagtanggap sa anumang maaaring maganap. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 144

Upang Protektahan ang Pananampalatayang Kristiyano

(To Protect the Christian Faith)

O Ina ng Kaligtasan, nawa’y mamagitan ka alang – alang sa mga kaluluwa ng mga Kristiyano sa iba’t – ibang dako ng mundo. Nakikiusap kami na tulungan mo sila na pag – ingatan ang kanilang pananampalataya at manatiling tapat sa mga Turo ni Hesu Kristo. Ipanalangin Mo po sila na magkaroon ng lakas ng isip at ispiritu upang itaguyod ang kanilang pananampalataya sa lahat ng oras. Mamagitan ka, mahal na Ina, alang-alang sa kanila, upang mabuksan ang kanilang mga mata sa katotohanan at para mabigyan sila ng biyaya na matuklasan anumang maling doktrina, na ihahain sa kanila sa Ngalan ng Iyong Anak. Tulungan Mo po sila na manatiling totoo at tapat na mga lingkod ng Diyos at itakwil ang kasamaan at kasinungalingan, kahit na sila’y dumanas ng paghihirap at pag – alipusta dahil dito. O Ina ng Kaligtasan, protektahan Mo po ang lahat ng iyong mga anak at ipanalangin na ang bawat Kristiyano ay susunod sa landas ng Diyos, hanggang sa kanyang huling hininga. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 145

Punuin ako ng Iyong Kaloob na Pag-ibig

(Fill me with the Gift of Love)

Pinakamamahal kong Hesus, punuin Mo ako, isang sisidlang walang laman, ng Iyong Kaloob na Pag-ibig. Pag-apawin Mo po ang aking kaluluwa ng Iyong Presensya. Tulungan Mo akong ibigin ang aking kapwa tulad ng Iyong pag-ibig sa akin. Tulungan Mo akong maging daluyan ng Iyong Kapayapaan, Iyong Katiwasayan, at Iyong Awa. Lagi Mo pong buksan ang aking puso sa kalagayan ng kapwa ko at bigyan ako ng biyaya na patawarin ang sumasalungat sa Iyo at lumalaban sa akin. Tulungan Mo pong maipahayag ko ang Iyong pag – ibig sa pamamagitan ng halimbawa, matularan ang pagkilos Mo kung Ikaw ang nasa katayuan ko. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 146

Proteksyon Laban sa Panlilinlang

(Protection against Deception)

Mahal kong Ina ng Kaligtasan, ipagtanggol mo po ako sa pamamagitan ng biyaya ng Proteksyon laban sa mga panlilinlang, na nilikha ni Satanas upang sirain ang pananampalataya ng mga Kristiyano. Protektahan Mo po kami laban sa mga kaaway ng Diyos. Panatilihin Mo po kaming ligtas mula sa mga kasinungalingan at maling pananampalataya, na ginagamit upang ang pag – ibig sa Iyong Anak ay manghina. Buksan mo po ang aming mga mata sa mga kasinungalingan, panlilinlang, at bawat pagsubok na maaaring mag – udyok sa amin upang itakwil ang Katotohanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 147

Diyos Ama, Kaawaan Mo po ang mga Nagtatakwil sa Iyong Anak

(God the Father: Show Mercy on those who deny Your Son)

O Diyos, Walang Hanggang Ama ko, hinihiling ko po na kaawaan Mo ang mga nagtatakwil sa Iyong Anak. Ako’y nagsusumamo para sa mga kaluluwang nagtatangkang sirain ang Iyong mga propeta. Ako’y nagmamakaawa para sa pagbabalik-loob ng mga kaluluwa na wala sa Iyo, at hinihiling ko na tulungan Mo po ang lahat ng Iyong mga anak upang maihanda ang kanilang mga kaluluwa at isaayos ang kanilang buhay, ayon sa Mabathalang Kalooban, habang naghihintay sa Ikalawang Pagdating ng Iyong Mahal na Anak na si Hesu Kristo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 148

Halina at Ako’y Tulungan

(Come to my Aid)

O Hesus ko, tulungan Mo po ako, sa oras ng matinding paghihirap. Buhatin Mo ako sa Iyong mga Bisig at dalhin sa Kanlungan ng Iyong Puso. Pahirin Mo po ang aking mga luha. Ipanatag ang aking kalooban. Buhayin ang aking espiritu at punuin ako ng kapayapaan. Nawa’y ipagkaloob Mo po sa akin ang natatanging kahilingan na ito (banggitin dito). Dinggin Mo po ang aking pagsamo, upang ang aking kahilingan ay matugunan at ang aking buhay ay maging matiwasay, at maging kaisa Mo Mahal kong Diyos. Kung ang aking kahilingan ay hindi karapat-dapat ipagkaloob, punuin Mo po ako ng biyaya upang matanggap na ang Iyong Banal na Kalooban ay para sa ikabubuti ng aking kaluluwa at ganun din ako’y manatiling tapat sa Iyong Salita, magpakailanman, ng may mabuti at mapagpalang puso. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 149

Paghahangad sa Pag-ibig ng Diyos

(To Seek God’s Love)

O Hesus, punuin Mo po ako ng Pag-ibig ng Diyos. Punuin Mo po ako ng Iyong Mabathalang Liwanag at pag-apawin ako sa pag-ibig na kailangan ko upang ikalat ang binhi ng Awa ng Diyos sa mga bansa. Hayaan Mo po na ang Mabathalang Pag-ibig Mo ay maibahagi ko sa mga nakakasalamuha ko. Ipalaganap Mo po ang Iyong Pag-ibig, upang maliwanagan nito ang lahat ng kaluluwa, lahat ng paniniwala, lahat ng pananampalataya, lahat ng bansa – parang isang ulap na magtutulak sa lahat ng Anak ng Diyos upang magkaisa. Tulungan Mo po kaming ipalaganap ang Pag-ibig ng Diyos, upang mapagtagumpayan nito ang lahat ng kasamaan sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 150

Upang Iligtas ang Kaluluwa ng mga Walang Pananampalataya

(To Save the Souls of Non-Believers)

Mahal kong Hesus, hinihiling ko po na iligtas Mo ang lahat ng mga walang kasalanan at kamalayan, sa kanilang pagtanggi na kilalanin Ka. Iniaalay ko po sa Iyo ang aking mga paghihirap upang madala sa Iyo ang mga kaluluwa ng mga nagtatakwil sa Iyo at para sa Awa na ibubuhos Mo sa buong mundo. Kawaan Mo po ang kanilang mga kaluluwa. Dalhin Mo po sila sa Iyong Makalangit na Kanlungan at patawarin sila sa kanilang mga kasalanan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 151

Upang Maipagtanggol ang Pananampalataya

(To Defend the Faith)

O Ina ng Diyos, Kalinis – linisang Puso ni Maria, Ina ng Kaligtasan, ipanalangin mo pong kami’y manatiling tapat sa Tunay na Salita ng Diyos sa lahat ng oras. Ihanda Mo po kami para sa pagtatanggol ng Pananampalataya, upang itaas ang Katotohanan at itakwil ang maling pananampalataya. Protektahan mo po ang lahat ng iyong mga anak sa oras ng paghihirap at pagkalooban bawat isa sa amin ng biyaya na maging matapang kapag kami’y hinahamon na itakwil ang Katotohanan at itanggi ang Iyong Anak. Ipanalangin mo po, Banal na Ina ng Diyos, na kami’y mabigyan ng Mabathalang Patnubay upang manatili kaming Kristiyano, ayon sa Banal na Salita ng Diyos. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 152

Tulungan Mo ako sa aking Oras ng Kawalang Pag-asa

(Help me in my Hour of Helplessness)

Mahal kong Hesus, tulungan Mo po ako sa aking oras ng kawalang pag-asa. Palayain Mo ako sa kasalanan at buksan ang aking mga mata, aking puso, at aking kaluluwa sa panlilinlang ng demonyo at masasamang pamamaraan niya. Punuin Mo po ako ng Iyong Pag – ibig kapag may nadarama akong galit sa aking puso. Punuin Mo po ako ng Iyong Kapayapaan kapag may nadarama akong kapighatian. Punuin Mo po ako ng Iyong Lakas kapag ako’y nanghihina. Iligtas Mo po ako sa bilangguang kinalalagyan ko, upang ako’y maging malaya at ligtas tangan ng Iyong Sagradong Bisig. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 153

Ang Regalo ng Proteksyon para sa mga Bata

(The Gift of Protection for Children)

O Ina ng Diyos, Ina ng Kaligtasan, hinihiling ko na italaga mo ang mga kaluluwa ng mga batang ito (ilista sila dito…) at iharap sila sa iyong mahal na Anak. Ipanalangin mo po na si Hesus, sa pamamagitan ng Kanyang Kamahal-mahalang Dugo, ay lukuban at protektahan ang mga batang ito ng bawat uri ng proteksyon sa kasamaan. Hinihiling ko sa iyo, mahal na Ina, na protektahan mo po ang aking pamilya sa mga oras ng matinding pagsubok at nawa’y ang iyong Anak ay mapagbigyan ako sa aking kahilingan na ang aking pamilya ay makaisa kay Kristo at pagkalooban kami ng Walang Hanggang Kaligtasan. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 154

Panalangin sa Pistang Araw ng Ina ng Kaligtasan

(Feast Day of Mother of Salvation Prayer)

O Ina ng Kaligtasan, ibinibigay ko sa Iyo sa araw na ito, ika-4 ng Hunyo, Pista ng Ina ng Kaligtasan, ang mga kaluluwa ng mga sumusunod (ilista ang mga pangalan). Pakiusap ko’y ako at lahat ng mga nagpaparangal sa Iyo, mahal na Ina, at lahat ng namamahagi ng Medalya ng Kaligtasan, ay mabigyan ng bawat uri ng proteksyon laban sa masama at lahat ng mga tumatanggi sa Awa ng iyong mahal na Anak na si Hesu Kristo, at mabigyan kami ng mga Regalong ipinagkakaloob mo sa sangkatauhan. Ipanalangin mo po, mahal na Ina, na ang lahat ng mga kaluluwa ay mabiyayaan ng Regalo ng Walang Hanggang Kaligtasan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 155

Para sa Proteksyon ng Misyon ng Kaligtasan

(For Protection of the Mission of Salvation)

O pinakamamahal kong Ina ng Kaligtasan, pakinggan mo po ang aming pagtawag para sa proteksyon ng Misyon ng Kaligtasan at para sa proteksyon ng mga anak ng Diyos.

Ipinapanalangin namin ang mga lumalaban sa Kalooban ng Diyos sa mahalagang sandali ng Kasaysayan ito. Hinihiling namin na protektahan mo po ang lahat ng tumutugon sa iyong pagtawag sa Salita ng Diyos upang iligtas ang bawat isa mula sa mga kaaway ng Diyos. Nakikiusap kami na tulungan mo pong makalaya ang mga kaluluwang iyon, na nahulog sa bitag ng panlilinlang ng demonyo at mabuksan ang kanilang mga mata sa katotohanan. O Ina ng Kaligtasan, tulungan mo po kami mga abang makasalanan na maging karapat-dapat tumanggap sa biyaya ng Katiyagaan sa panahong ito ng paghihirap sa Ngalan ng iyong mahal na Anak na si Hesu Kristo.

Protektahan mo po ang misyong ito sa kasamaan. Protektahan mo po ang iyong mga anak mula sa kapighatian. Lukuban mo po kaming lahat ng iyong Kabanal-banalang Kapa, tuwing kami’y haharap sa pagsubok dahil sa pagpapahayag ng katotohanan, paghahatid ng Banal na Salita ng Diyos, sa natitira naming mga araw ngayon at magpakailanman. Amen

KRUSADA NG PANALANGIN 156

Proyeksyon Mula sa Galit

(Protection from Hatred)

Mahal kong Hesus, ipagkaloob Mo po sa akin ang Iyong Pag – ibig at buksan ang aking puso para matanggap ko ang Iyong Pag-ibig ng may pasasalamat. Sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo, hayaang ang Iyong Pag – ibig ay magliwanag sa akin, upang ako’y maging isang tanglaw ng Iyong Awa. Palibutan Mo po ako ng Iyong Pag-ibig at hayaang ang pag-ibig ko sa Iyo ay makabawas sa bawat uri ng galit, na nararanasan ko kapag ipinapalaganap ko ang Iyong Salita. Ibuhos Mo po ang Iyong Awa sa amin at patawarin ang mga nagtatakwil sa Iyo, umaalipusta sa Iyo at mga walang pakialam sa Iyong Pagka-Diyos, at ipagkaloob sa kanila ang Regalo ng Pag-ibig. Hayaan Mo pong ang Iyong Pag – ibig ay magliwanag sa oras ng walang katiyakan, mahinang pananampalataya, sa mga oras ng pagsubok at paghihirap. Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, tulungan Mo po akong dalhin ang Katotohanan sa mga lubhang nangangailangan ng Iyong tulong. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 157

Para sa Kaluluwang Nabihag

(For Souls in Captivity)

O mahal kong Hesus, palayain Mo po ang mga kaluluwang sunod-sunuran sa mga diyos – diyusan at kay Satanas. Tulungan Mo po kami na sa pamamagitan ng aming mga panalangin ay mapagkalooban sila ng kalayaan mula sa hirap ng pagkakabihag. Buksan Mo po ang pintuan ng kanilang kulungan at ipakita sa kanila ang landas tungo sa Kaharian ng Diyos, bago sila tuluyang maisama ni Satanas patungo sa kalaliman ng impiyerno. Nagmamakaawa po kami sa Iyo, Hesus, na Iyong lukuban ang mga kaluluwang ito ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo, upang hangarin nila ang Katotohanan at tulungan silang magkaroon ng lakas ng loob na tumalikod sa mga bitag at kasamaan ng demonyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 158

Protektahan ako Mula sa One World Religion

(Protect me from the One World Religion)

Mahal kong Hesus, protektahan Mo po ako mula sa kasamaan ng bagong “one world religion”, na hindi nagmumula sa Iyo. Palakasin Mo po ako sa aking paglalakbay para sa kalayaan, tungo sa landas ng Iyong Banal na Kaharian. Panatilihin Mo po na ako’y kaisa Mo, tuwing ako’y pinahihirapan at pinipilit tumanggap ng kasinungalingan, na ipinakakalat ng Iyong kaaway upang sirain ang mga kaluluwa. Tulungan Mo pong makayanan ko ang kapighatian, at manatiling tapat sa tunay na Salita ng Diyos laban sa mga maling doktrina at iba pang kalapastanganan sa Diyos, na maaaring ako’y pwersahing patanggapin. Sa pamamagitan ng kaloob kong pagsang-ayon, dalhin Mo po ako sa Loob ng Iyong Kaharian, upang magawa kong manindigan at magpahayag ng Katotohanan, kapag ito’y ipinahayag na kasinungalingan. Huwag na huwag Mo po akong hayaang magkamali, mag-alinlangan o tumakbo sa takot, sa harap ng kapighatian. Tulungan Mo po akong manatiling matatag at matapat sa Katotohanan habang ako ay nabubuhay. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 159

Pagsamo sa Pag-ibig ng Diyos

(Plea for God’s Love)

O Ina ng Kaligtasan, hinihiling ko pong mamagitan ka sa aking pagsamo sa Pag-ibig ng Diyos. Punuin mo po ang aking kaluluwa, isang sisidlang walang laman, ng Pag-ibig ng Diyos, upang sa pag-apaw nito’y dumaloy sa mga kaluluwa na nahihirapan akong magpakita ng pagmamahal. Sa kapangyarihan ng Diyos, hinihiling ko na mapalaya ako sa anumang galit na maaari kong madama para sa mga nagtatakwil sa Iyong Anak. Gawin Mo pong mapagkumbaba ang aking ispiritu at puspusin ang aking kaluluwa ng pagbibigay upang matupad ko ang mga Pangaral ni Kristo at maghari ang Kanyang Pag-ibig sa bawat bahagi ng aking buhay. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 160

Tulungan Akong Ibigin Ka ng Higit Pa

(Help me to Love You More)

O Hesus ko, Tagapagligtas ng mundo, tulungan Mo po akong ibigin Ka ng higit pa. Tulungan Mo pong lumago ang aking pag-ibig sa Iyo. Punuin Mo po ang aking puso ng Iyong Pag-ibig at Habag, upang makamtan ko ang mga biyayang kailangan ko upang ibigin Ka katulad ng Iyong Pag-ibig sa akin. Punuin Mo po ang walang utang na loob kong kaluluwa ng malalim at matibay na pag-ibig sa Iyo at sa lahat ng kumakatawan sa Iyo. Sa kapangyarihan ng Iyong biyaya, tulungan Mo po akong ibigin ang aking kapwa katulad ng pag-ibig Mo sa bawat anak ng Diyos at magpakita ng habag sa mga nangangailangan ng Iyong Pag-ibig at mga nawawalan ng pananampalataya. Gawing ako’y makaisa Mo, sa amin sa pamamagitan ng Iyong halimbawa noong kapanahunan Mo sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 161

Para sa Lakas ng Loob at Kapayapaan

(For Confidence and Peace)

Hesus, ako’y nagtitiwala sa Iyo. Tulungan Mo po akong ibigin Ka ng higit pa. Punuin Mo po ako ng lakas ng loob upang sumuko ng ganap at tuluyang maging kaisa Mo. Tulungan Mo pong lumago ang aking pananalig sa Iyo sa mga panahon ng paghihirap. Punuin Mo po ako ng Iyong Kapayapaan. Ako’y lumalapit sa Iyo, mahal kong Hesus, tulad ng isang bata, malaya sa lahat ng kondisyon at ibinibigay ko sa Iyo ang aking kalooban upang gawin Mo anumang sa tingin Mo’y nararapat para sa akin at sa iba pang kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 162

Upang Protektahan ang Mahina at ang Inosente

(To Protect the Weak and the Innocent)

O Diyos, Amang Makapangyarihan, nawa’y protektahan Mo po ang mahina at ang inosente, na nagdurusa sa mga kamay ng mga may galit sa kanilang puso. Paga-anin Mo po ang paghihirap na tinitiis ng Iyong kaawa-awa’t walang kakayahang mga anak. Bigyan Mo po sila ng lahat ng biyayang kailangan nila upang protektahan ang sarili mula sa Iyong mga kaaway. Punuin Mo po sila ng lakas ng loob, pag-asa at pagmamahal, upang masumpungan nila sa kanilang mga puso ang pagpapatawad para sa mga nagpapahirap sa kanila. Hinihiling ko, mahal na Panginoon, aking Walang Hanggang Ama, na patawarin Mo po ang mga lumalaban sa Batas ng Buhay at tulungan silang makita kung gaano kasakit sa Iyo ang kanilang mga gawa, upang maiwasto nila ang kanilang mga gawi at hanapin ang ginhawa sa Iyong mga Bisig. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 163

Iligtas Mo po ako Mula sa Pasakit

(Rescue me from Persecution)

O Hesus, ilayo Mo po ako mula sa hapdi ng pasakit sa Ngalan Mo. Ilapit Mo po ako sa Iyong Puso. Alisin Mo po sa akin ang kayabangan, kasakiman, malisya, pagiging makasarili, at galit sa aking kaluluwa. Tulungan Mo po akong lubusang sumuko sa Iyong Awa. Tanggalin Mo po ang aking mga takot. Tulungan Mo po akong alisin ang bigat ng aking pagdurusa at tanggalin mula sa akin ang lahat ng pasakit, upang makaya kong sumunod sa Iyo tulad ng isang munting bata, na nalalamang ang lahat ng bagay ay Iyong hawak. Palayain Mo po ako mula sag alit na ipinapakita ng lahat ng nagpapahayag na sila’y sa Iyo, ngunit sa totoo’y nagtatatwa sa Iyo. Huwag Mo pong hayaan na ang kanilang matatalas na dila ay makasakit sa akin o ang kanilang masasamang gawain ay maglihis sa akin palayo sa Landas ng Katotohanan. Tulungan Mo po ako na tumutok lamang sa Iyong Kaharian na darating at mapagtagumpayan, ng may dangal ang mga pang-aalipusta, na maari kong maranasan sa Ngalan Mo. Bigyan Mo po ako ng kapayapaan sa isip, kapayapaan sa puso, kapayapaan sa kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 164

Panalangin ng Kapayapaan para sa mga Bansa

(Prayer of Peace for Nations)

O Hesus, bigyan Mo po ako ng kapayapaan. Bigyan Mo po ng kapayapaan ang aking bansa at lahat ng mga bansang nawawasak dahil sa digmaan at pagkakawatak-watak. Ihasik Mo po ang mga binhi ng kapayapaan sa mga matitigas ang puso na nagdudulot ng pagdurusa sa iba sa ngalan ng katarungan. Pagkalooban Mo po lahat ng Anak ng Diyos ng mga biyaya upang tanggapin nila ang Iyong Kapayapaan, upang ang pag – ibig at pagkakaisa ay umiral; upang ang pag – ibig sa Diyos ay maghari laban sa kasamaan at ang mga kaluluwa ay mailigtas mula sa kapahamakang dulot ng kasinungalingan, kalupitan at masamang ambisyon. Hayaan Mo pong ang kapayapaan ay maghari sa mga nagtatalaga ng kanilang buhay sa katotohanan ng Iyong Banal na Salita at gayundin ang mga hinding – hindi nakakakilala sa Iyo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 165

Para sa Gantimpala ng Buhay na Walang Hanggan

(For the Gift of Eternal Life)

Hesus, tulungan Mo akong maniwala sa Iyo. Bigyan Mo po ako ng tanda upang ang aking puso’y makatugon sa Iyo. Punuin Mo po ang walang laman ng kaluluwa ng biyayang kailangan ko upang mabuksan ang aking isip at aking puso sa Iyong Pag-ibig. Kawaan Mo po ako, at linisin ang aking kaluluwa mula sa bawat pagkakamali na nagawa ko sa aking buhay. Patawarin Mo po ako sa aking pagtatakwil sa Iyo, subalit nakikiusap akong punuin Mo ako ng Pag-ibig na kailangan ko upang maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Tulungan Mo po akong kilalanin Ka, makita ang Iyong Presensya sa ibang tao, at punuin ako ng biyaya upang makilala ang tanda ng Diyos sa bawat magandang Regalo na ibinigay Mo sa sangkatauhan. Tulungan Mo pong maintindihan ko ang Iyong mga pamamaraan at iligtas ako mula sa paghihiwalay at sakit dulot ng kadiliman na nararanasan ko sa aking kaluluwa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 166

Upang Mabawasan ang Pagpatay sa mga Inosente

(To Mitigate the Murder of Innocents)

Pinakamamahal kong Ina ng Kaligtasan, nakikiusap kaming iharap mo sa Iyong mahal na Anak na si Hesu Kristo, itong aming pagsamo na mabawasan ang pagpatay ng mga inosente. Hinihiling namin, na sa Kanyang Awa, ay aalisin Niya ang bawat uri ng banta ng malawakang pagpatay, pagpapahirap, at pagsindak sa mga anak ng Diyos. Sumasamo kami, mahal na Ina ng Kaligtasan, na pakinggan mo ang aming iyak para sa pag-ibig, pagkakaisa, at kapayapaan, sa malungkot na mundong ito. Hinihiling namin na si Hesu Kristo, Anak ng Tao, ay proprotektahan kaming lahat sa kasalukuyang panahon ng matinding hirap at pagdurusa sa mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 167

Protektahan Mo po ang aking Pamilya

(Protect my Family)

O Panginoon, aking Walang Hanggang Ama, sa pamamagitan ng biyaya ng Iyong Mahal na Anak na si Hesukristo, nakikiusap kaming protektahan Mo ang aking pamilya, sa lahat ng oras mula sa kasamaan. Bigyan Mo po kami ng lakas upang malampasan ang masamang panukala at manatiling nagkakaisa sa aming pag-ibig sa Iyo at sa bawat isa. Palakasin Mo po kami sa bawat pagsubok at pagdurusa na maaari naming maranasan at panatilihing buhay ang pag-ibig namin sa bawat isa upang kami ay maging kaisa ni Hesus. Pagpalain Mo po ang aming mga pamilya at bigyan kami ng Regalo ng Pag-ibig, lalo na sa panahon ng alitan. Patibayin Mo po ang aming pag-ibig, upang maibahagi namin ang galak ng aming pamilya sa iba upang ang Iyong Pag-ibig ay maibahagi namin sa buong mundo. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 168

Para sa Regalo ng Pag-ibig ng Diyos

(For the Gift of God’s Love)

O Pinakamamahal kong Ama, O Tanging Walang Hanggan, Diyos na Kaitaas-taasan, gawin Mo po akong karapat-dapat sa Iyong Pag-ibig. Nakikiusap akong patawarin Mo ako kung ako’y nakasakit sa iba at kung ako’y nakagawa ng mali, na nagdulot ng pagdurusa sa sinuman sa mga anak Mo. Buksan Mo po ang aking puso upang magiliw Kitang tanggapin sa aking kaluluwa, linisin Mo po ako sa anumang galit na maaari kong maramdaman laban sa ibang tao. Tulungan Mo pong mapatawad ko ang aking mga kaaway at makapagtanim ng mga binhi ng Iyong Pag-ibig saanman ako pumunta at sa mga nakikilala ko araw-araw. Pagkalooban Mo po ako, Mahal kong Ama, ng Regalo ng Pagtitiyaga at Pagtitiwala, upang maisulong ko ang Iyong Banal na Salita at sa ganoo’y manatiling buhay, sa madilim na mundo, ang apoy ng Iyong Dakilang Pag-ibig at Awa. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 169

Para sa Kaligtasan ng mga Nagtatakwil kay Kristo

(For the Salvation of those who Reject Christ)

Pinakamamahal kong Hesus, sa Iyong Habag at Awa, nagsusumamo ako para sa kaligtasan ng mga nagtakwil sa Iyo; ng mga itinatanggi ang Iyong pag-iral; ng mga sinasadya ang pagsalungat sa Iyong Banal na Salita at ang kanilang mga mapighating puso’y nilason ang kanilang mga kaluluwa laban sa Liwanag at Katotohanan ng Iyong Pagka-Diyos. Kaawaan Mo po ang lahat ng mga makasalana. Patawarin Mo po ang mga lumalapastangan sa Santisima Trinidad at tulungan Mo po, na sa sarili kong pamamaraan at sarili kong pagsasakripisyo, ay yakapin Mo sa Iyong Mapagmahal na mga Bisig, yaong mga makasalanan na pinaka-nangangailangan ng Iyong Awa. Ibinibigay ko po sa Iyo ang aking pangako, na sa pamamagitan ng aking pag-iisip, aking mga pagkilos at pananalita ay pagsisilbihan Kita sa abot ng aking makakaya para sa Iyong Misyon ng Kaligtasan. Amen.

KRUSADA NG PANALANGIN 170

Upang Mapanatili ang Banal na Salita ng Diyos

(To Uphold the Holy Word of God)

(Ibinibigay Ko sa inyo, ang huling Krusada ng Panalangin. Ito’y para sa mga pari. Hinihiling Ko na ang Aking mga banal na lingkod at bibigkasin ito araw-araw.)

O Mahal kong Panginoon, minamahal kong Hesu Kristo, hawakan Mo po ako. Protektahan Mo po ako. Panatilihin Mo po ako sa Liwanag ng Iyong Mukha, habang ang pagdurusa ko’y tumitindi, at ang tanging kasalanan ko ay panatilihin ang Katotohanan, ang Banal na Salita ng Diyos. Tulungan Mo pong masumpungan ko ang lakas ng loob upang pagsilbihan Ka ng tapat sa lahat ng oras. Ipagkaloob Mo po sa akin ang Iyong Tibay ng Loob at ang Iyong Lakas, habang nakikipaglaban ako upang ipagtanggol ang Iyong mga Aral laban sa matinding oposisyon.

Huwag ng huwag Mo po akong iwanan, Hesus, sa oras ng aking pangangailangan at pagkalooban Mo po nawa ako ng lahat ng kailangan ko upang patuloy na pagsilbihan Ka, sa pamamagitan ng Kaloob na mga Banal na Sakramento at ng Iyong Banal na Katawan at Dugo, sa pamamagitan ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Pagpalain Mo po ako Hesus. Samahan Mo po ako sa aking paglakad. Manahan Ka po sa akin. Manatili Ka po sa akin. Amen.

LITANYA NG PANALANGIN 1

Proteksyon Laban sa Bulaang Propeta

(Protection Against the False Prophet)

Pinakamamahal na Hesus, protektahan Mo po kami mula sa Bulaang Propeta.

Hesus, kaawaan Mo po kami.

Hesus, iligtas Mo po kami sa kalupitan ng pang-uusig.

Hesus, pag-ingatan Mo po kami sa Anti-Kristo

Panginoon, maawa Ka

Kristo, maawa Ka

Pinakamamahal na Hesus, lukuban Mo po kami ng Iyong Mahal na Dugo.

Pinakamamahal na Hesus, buksan mo po ang aming mga mata sa mga kasinungalingan ng Bulaang Propeta.

Pinakamamahal na Hesus, pagkaisahin N’yo po ang Iyong simbahan.

Hesus, protektahan Mo po ang mga sakramento.

Hesus, huwag Mo pong hayaang ang Bulaang Propeta na pagwatak-watakin ang Iyong simbahan.

Pinakamamahal na Hesus, tulungan Mo pong itanggi namin ang mga kasinungalingan na inihaharap sa amin bilang katotohanan.

Hesus, pagkalooban Mo po kami ng lakas.

Hesus, bigyan Mo po kami ng pag-asa.

Hesus, puspusin Mo po ang aming mga kaluluwa ng Espiritu Santo.

Hesus, protektahan Mo po kami sa Halimaw.

Hesus, bigyan Mo po kami ng regalo ng pagkilala (discernment) upang masundan naming ang landas ng Iyong tunay na simbahan sa lahat ng oras magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen

LITANYA NG PANALANGIN 2

Para sa Lubos na Kaligtasan (Immunity)

(For the Grace of Immunity)

O makalangit na Amang Kataas-taasan

Pinakamamahal Kita.

Pinararangalan Kita.

Panginoon maawa ka.

Panginoon, patawarin Mo po ang aming mga pagkakasala.

Sinasamba Kita.

Pinupuri Kita.

Pinasasalamatan Kita sa lahat ng Iyong natatanging biyaya.

Ako’y nagsusumamo para sa biyaya ng lubos na kaligtasan (immunity) para sa aking mga minamahal (sambitin ang mga pangalan sa listahan para sa kaligtasan ng mga kaluluwa).

Iniaalay ko sa Iyo ang aking katapatan sa lahat ng oras.

Ikaw, O pinakamakalangit na Ama,

Maylikha ng lahat ng bagay,

Maylikha ng kalawakan,

Maylikha ng sangkatauhan,

Ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng bagay.

Ikaw ang pinagmumulan ng pag-ibig.

Ikaw ay pag-ibig.

Pinakamamahal Kita.

Pinararangalan Kita.

Iniaalay ko ang aking sarili sa Iyo.

Nagsusumamo ako ng Awa para sa lahat ng kaluluwang hindi Ka nakikilala,

Silang hindi nagpaparangal sa Iyo,

Silang tumatanggi sa kamay ng Iyong Awa.

Ipinagkakaloob ko ang aking sarili sa Iyo sa isip, katawan at kaluluwa upang sila’y mayakap Mo sa Iyong bisig, ligtas sa kasamaan.

Hinihiling ko na Iyo pong buksan ang Pinto ng Paraiso upang ang lahat ng mga anak Mo ay magkaisa, sa wakas, sa pamanang nilikha Mo para sa aming lahat. Amen

LITANYA NG PANALANGIN 3

Ipagtanggol ang Salita ng Diyos

(Defend the Word of God)

O Mahal na Hesus, protektahan Mo po kami sa mga panlilinlang na s’yang labag sa Diyos.

Ipagsanggalang Mo kami mula kay satanas at kanyang hukbo.

Tulungan Mo kami na ibigin Ka ng higit pa.

Panatilihin Mo kaming malakas sa pakikipaglaban.

Ipagtanggol Mo kami sa aming pananampalataya.

Akayin Mo kami sa Iyong ligtas na Kanlungan.

Tulungan Mo kaming manindigan at magtanggol sa Iyong Banal na Kalooban.

Patatagin Mo ang aming paninindigan na maging tunay na mga disipulo Mo.

Pagkalooban Mo kami ng katapangan.

Bigyan Mo kami ng lakas ng loob.

Gabayan Mo kami sa landas ng Katotohanan.

Ipagsanggalang Mo kami laban sa kaaway.

Ibuhos Mo ang maraming biyaya ng proteksyon sa amin.

Tulungan Mo kami na umiwas sa tukso.

Ilapit Mo kami sa Iyong Kamahal-mahalang Puso.

Tulungan Mo kaming maging tapat sa Iyo sa lahat ng oras. Amen.

LITANYA NG PANALANGIN 4

Upang Pagaanin ang Parusa ng Diyos Ama

(To Mitigate Punishment by God the Father)

O Diyos na Kataas-taasan,

Kami’y nagsusumamo ng Awa para sa mga kasalanan ng Iyong mga anak.

Kami’y nagpapasalamat sa Kaloob Mong mundo.

Kami’y nagpapasalamat sa Kaloob Mong buhay ng tao.

Aming itinuturing na kayamanan ang Kaloob Mong buhay.

Aming tinatangkilik ang Regalo Mong buhay.

Nagpapasalamat kami sa Kaloob Mo, ang Iyong Anak na si Hesukristo.

Nagpapasalamat kami sa Handog Mong Katubusan.

Aming pinupuri ang Iyong pagka-Diyos.

Kami’y sumusuko ng lubusan sa Iyong Harapan, upang ang Iyong Banal na Kalooban ay maganap sa lupa, para ng sa langit.

Pinasasalamatan Ka naming sa Iyong Regalo, ang Pagpapaliwanag ng Konsensya (Illumination of Conscience).

Pinasasalamatan Ka naming sa pangako Mong buhay na Walang Hanggan.

Aming sinasalubong ang Bagong Paraiso.

Nagsusumamo kami na iligtas Mo ang lahat ng kaluluwa, kasama ang mga nagpapahirap sa Iyo at yung mga nawala sa Iyo. Kami’y nagpapasalamat sa Pag-ibig na Iyong ipinakikita sa Iyong mga anak.

Kami’y nagpapasalamat sa Kaloob Mong Propesiya.

Kami’y nagpapasalamat sa Kaloob Mong Panalangin.

Hinihiling naming na bigyan Mo kami ng kapayapaan at kaligtasan. Amen.

LITANYA NG PANALANGIN 5

Para sa kaligtasan ng may mga Mortal na Kasalanan

(For the Salvation of those in Mortal Sin)

Hesus, iligtas Mo po ang lahat ng mga makasalanan mula sa apoy ng impiyerno.

Patawarin Mo po ang mga may maitim na kaluluwa. Tulungan Mo pong makita Ka nila. Iahon Mo po sila mula sa kadiliman.

Buksan Mo po ang kanilang mga mata. Buksan Mo po ang kanilang mga puso. Ipakita Mo sa kanila ang Katotohanan.

Iligtas Mo po sila. Tulungan Mo pong sila’y making.

Tanggalin Mo po sa kanila ang kahambugan, kasakiman at inggit.

Protektahan Mo po sila mula sa masama. Pakinggan Mo po ang kanilang mga pagsamo ng tulong. Hawakan Mo po ang kanilang mga kamay. Hatakin Mo po sila papunta sa Iyo. Iligtas Mo po sila sa panlilinlang ni Satanas. Amen.

LITANYA NG PANALANGIN 6

Kaloob na mga Biyaya

(Gift of Graces)

Pinakamamahal na Hesus, aking iniibig na Tagapagligtas,

Puspusin Mo ako ng Iyong Pag-ibig.

Puspusin Mo ako ng Iyong Lakas.

Puspusin Mo ako ng Iyong Karunungan.

Puspusin Mo ako ng Iyong pagtitiyaga.

Puspusin Mo ako ng Iyong kababaang-loob.

Puspusin Mo ako ng Iyong tibay ng Loob.

Puspusin Mo ako ng Iyong Damdaming Marubdob. Amen.

ANG SANTO ROSARYO

SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Pontio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa impiyerno; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay.

LUWALHATI

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa una, gayon din ngayon at magpakailan pa man magpasawalang-hanggan. Siya nawa.

PANALANGIN NG FATIMA

O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.

ABA PO SANTA MARIANG REYNA

Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang iyong matang mawain at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

R. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin. 

Kristo, maawa ka sa amin. 

Panginoon, maawa ka sa amin. 

Kristo, pakinggan mo kami.

Kristo, paka-pakinggan mo kami. 

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin. 

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Maawa ka sa amin

Diyos Espiritu Santo, Maawa ka sa amin

Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, Maawa ka sa amin

Santa Maria, * *ipanalangin mo kami. 

Santang Ina ng Diyos, 

Santang Birhen ng mga Birhen, 

Ina ng Kristo, 

Ina ng grasya ng Diyos, 

Inang kasakdal-sakdalan, 

Inang walang malay sa kahalayan,
Inang ‘di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,

Ina ng Kaligtasan
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng ‘di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,

Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Reyna ng mga anghel,
Reyna ng mga patriarka,
Reyna ng mga propeta,
Reyna ng mga apostol,
Reyna ng mga martir,
Reyna ng mga confesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga santo,
Reynang ipinaglihi na ‘di nagmana ng salang orihinal,
Reynang iniakyat sa langit,
Reyna ng kasantu-santosang Rosaryo,
Reyna ng kapayapaan*

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon. 

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon. 

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa amin. 

V. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos. 

R. Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

MANALANGIN TAYO

Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang tao in Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ay papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoon namin. Siya Nawa.

V: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal.

R: Siya nawa.

V: Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng Panginoong Diyos.

V: Manatili nawa sa atin ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO

Misteryo sa Tuwa (Sabado at Lunes)

  1. Pagbati ng Anghel kay Santa Maria
  2. Pagdalaw ni Sta. Maria kay Santa Elizabeth
  3. Pagsilang sa Panginoong Hesus
  4. Paghahain sa Panginoong Hesus sa templo
  5. Pagkatagpo sa Panginoong Hesus sa templo

Misteryo sa Hapis (Martes at Biyernes)

  1. Ang Pananalangin ng Panginoong Hesus sa Halamanan
  2. Ang Paghampas kay Hesus
  3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
  4. Ang Pagpapasan ng Krus
  5. Ang Pagkapako at Pagkamatay sa krus

Misteryo sa Luwalhati (Miyerkyules at Linggo)

  1. Ang pagkabuhay na magmuli ng Panginoon
  2. Ang pag-akyat sa Langit ng Panginoon
  3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles
  4. Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
  5. Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen

Misteryo sa Liwanag (Huwebes)

  1. Ang Pagbibinyag kay Hesus
  2. Unang Milagro na naganap sa Kasalan sa Cana
  3. Paghahayag ng Kaharian ng Diyos
  4. Pagbabagong anyo ni Hesus
  5. Pagtatatag ng Banal na Eukaristiya

ANG DIVINE MERCY CHAPLET

Pumanaw ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin  mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.

 

Dasalin ng Tatlong Ulit:

O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo.

“Dasalin sa rosaryo ang mga sumusunod: isang AMA NAMIN, isang ABA GINOONG MARIA, at isang SUMASAMPALATAYA AKO.”

“Dasalin din sa mga butil ng ‘Ama Namin’

 N:  Ama na Walang Hanggan, Iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anank na si Hesukristo na aming Panginoon at Manunubos,

  T: Para sa ikapagpapatawad ng aming mga sala
at sa sala ng buong sansinukob.

“Dasalin sa mga butil ng ‘Aba Ginoong Maria’:
        N: Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap
         at Kamatayan ni Hesus

T:   Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

“Sa pagwawakas, dasalin nang 3 ulit:
         Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan,
         Banal na Walang Hanggan,Maawa po Kayo sa amin
         at sa buong sansinukob. Amen. 

O Hesus, Hari ng Awa, Kami ay Nananalig sa Iyo.

PANALANGIN UPANG PALAKASIN ANG LOOB

(Prayer for Encouragement)

Puspusin Mo po ako Panginoon ng Iyong Banal na Espiritu upang ang Iyong Banal na Salita ay maihatid ko sa mga makasalanang nararapat kong tulungang maligtas sa Ngalan Mo. Tulungan Mo po ako sa pamamagitan ng aking panalangin na lukuban sila ng Iyong Mahalagang Dugo upang sila’y maakit sa Iyong Banal na Puso. Bigyan Mo po ako ng Kaloob ng Banal na Espiritu upang ang mga abang kaluluwang ito ay magdiwang sa Iyong Bagong Paraiso. Amen.

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel Arkanghel, ipagtanggol Mo kami sa mga sandaling ito ng pakikipaglaban. Maging tagapangalaga ka namin laban sa kabuktutan at pang-aakit ng demonyo, buong kababaang-loob na isinasamo naming na pagsabihan nawa Siya ng Diyos, at ikaw O Prinsipe ng mga Hukbo ng Kalangitan, sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos, itapon Mo sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na gumagala sa buong mundo na naghahangad mapahamak ang mga kaluluwa. Amen.

PANALANGIN PARA SA INTENSYON NI SANTO PAPA BENEDIKTO XVI

1 Ama Namin…..

1 Aba Ginoong Maria..

1 Luwalhati..

Dasalin ang KRUSADA NG PANALANGIN 96 (pahina 1)

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at……

Advertisement